Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 68

"AYAW MO NG MABAIT. LAILA, PAGBIBIGYAN KITA."


Hindi naman siya nagkakamali, pero mali siya. Inaamin ko na iyon talaga ang dapat na aking gagawin, pero ngayon ay hindi na.


Palabas na siya ng pinto nang habulin ko siya. Pinigilan ko siya sa braso. "Asher, sandali!"


Pinagpag niya lang ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Humawak naman ulit ako.


"Let go, Lai."


Nakatalikod siya sa akin pero kitang-kita ko ang pagalaw ng panga niya.


"Sabi ng bitiw!" Napalakas na ang boses niya. "Bitiwan mo ako habang nakakapagtimpi pa ako. Tang-ina, baka sumabog ako rito. Baka may masabi ako sa 'yo na masakit. Kaya bitiwan mo na ako!"


Umiling ako na nakahawak pa rin sa kanya. "H-hindi ko pa sigurado kung delayed lang ba ang—"


"Delayed?" paasik na putol niya sa sinasabi ko. "Lai, alam kong nakilala mo akong tanga, pero hindi ba puwedeng kahit kaunti ay taasan mo naman ang tingin mo sa akin?!"


Humarap siya at ngayon ay malinaw na sa akin ang nanlilisik niyang mga mata. Galit pero may pagbabadya ng luha.


"Anong tingin mo sa akin? Sperm donor?! Breeder?!"


Sa sinabi niya ay wala akong maipansasalag dahil totoo naman na ganoon ako kasama.


Pinagpag niya ang kamay ko, at ngayon ay napabitiw na ako sa kanya. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Pulang-pula siya at nanginginig. "Please, ayoko sumabog. Kaya wag muna. Ayaw ko munang makita ka! Babalikan na lang kita rito mamaya pag di na ako galit at miss na kita ulit!"


Lumabas na siya ng pinto at sumunod na narinig ko na lang ay muling pag-activate ng smart lock. Nanghihinang napasalampak na lang ako sa sahig.


Napasabunot ako sa aking buhok. Mali na naman ang kalkulasyon ko. Naiintindihan ko naman siya, pero ako ay hindi niya naiintindihan. Normal lang naman na hindi niya ako maintindihan. Magulo ang isip ko, ako lang ang nakakaintindi sa sarili ko. No, hindi lang pala ako. I still had one person in this world who understood me. Bobbie.


But where was Bobbie now? Dang, wala na naman dito! Nasa ibaba na naman kasama ng ibang tao. Natitiis na nito na hindi ako makita ng lampas sa kalahating araw. Hindi na lang talaga sa akin umiikot lang ang mundo ng anak ko!


Nakayukyok ako sa sahig ng hindi ko na malaman kung ilang oras na ba ang nagdaan. Daig ko pa ang naka-rehab. Ako lang mag-isa rito. Wala akong marinig kundi sariling paghinga ko. Asher, nasaan ka na? Galit ka pa rin ba? Hindi mo pa rin ako nami-miss?!


Mga hapon na siguro nang mapataas ang tingin ko sa pinto nang makarinig ako ng nagta-tap ng smart lock mula sa labas. It was him, right? He finally missed me, right?!


Nahigit ko ang aking paghinga sa antisipasyon nang bumukas na ang pinto. Pumasok si Asher. Walang emosyon ang mga mata niya nang tumingin sa akin. 


Saka pa lang naman ako napabalikwas ng ahon sa sahig. Hindi na ba siya galit? Kakausapin niya na ba ako? Nagbubuhol-buhol sa dibdib ko ang sari-saring damdamin nang may kunin siya mula sa bulsa ng suot na shorts niya. Kumiling ang ulo ko nang makita ang isang maliit na kahon.


Walang salita na inabot niya sa akin iyon. Hindi ko na kailangang tanungin kung ano iyon dahil alam ko na. Tinanggap ko iyon at tahimik na pumasok sa banyo. Sandali lang ay may resulta na. Positive.


Malinaw na malinaw ang dalawang guhit. Magaling ang breeder ko. Would he be happy to know? Would he finally forgive me or would he hate me even more?


Paglabas ko ay nakaupo siya sa edge ng kama habang nakayuko. Kahit pa hindi ko pa sinasabi ang resulta ay parang alam na rin niya. Ini-expect niya na.


Inabot ko pa rin sa kanya ang PT. Tahimik na tinanggap niya. Tiningnan. Ibinulsa sa suot na shorts. Ganoon lang.


"Bukas, papa-check up ka. Ngayon, bumaba ka muna. Hinahanap ka nina Nanay, at kakain na."


Paglabas niya ng pinto ay hindi ko na narinig ang smart lock, ibig sabihin ay deactivated na ulit. Inayos ko lang ang aking buhok gamit ang mga daliri ko bago ako sa kanya sumunod.


"Mamaaa!" Sinalubong ako ni Bobbie pagbaba ko sa sala. Ang dungis-dungis nito. Puro chocolate ang gilid ng bibig at pati ang maliliit na ngipin.


Pinakain nila ng maraming chocolates? Hindi ko pinapakain si Bobbie nang marami dahil nagha-hyper ito. Paano rin kung mabulok ang mga ngipin? Hindi ba nila iyon naisip?!


Lumapit din sa akin ang kambal. Si Atlas ay yumapos din sa bewang ko. Puno rin ng chocolates ang bibig. Bakit ayos lang kay Tita Judy na ganito ang anak niya? Paano kung sumakit ang ngipin ng bata? Okay lang ba iyon sa kanya?!


Kalabit ni Atlas ang pumukaw sa akin. "Mommy Lai, ang daming dalang chocolates ni Tito Aram sa amin!"


Kay Aram galing ang chocolates? Bumalik ulit ito? Pero wala ito sa paligid. Siguro ay nasa kuwarto na nito. Sa center table ay may mga chocolates pa. Tatlo iyon na malalaking Ferrero na ang lalagyan ay iyong hugis puso.


"Mamaaa, Tito Aram gave me red roses too!" pagmamalaki ni Bobbie na itinuro iyong nakakakalat na bulaklak sa sahig na mukhang napaglaruan na ng mga ito. Sayang dahil mukhang mamahalin pa naman.


"Lai, maluluto na ang ulam," malakas na sabi ni Aling Ason na nasa kusina. "Hindi ka pa yata nag-aalmusal, gusto mo ay magkape ka muna rito!"


"Hindi siya magkakape."


Napatingin ako kay Asher. Hindi ko mawari ang ekspresyon kung nakasimangot o seryoso lang.


Pumunta ako sa kusina nila. Naririto rin si Tita Judy na nagpapalaman ng tinapay. "Lai, kain. O gusto mo chocolates? Ang dami ng Ferrero na dala ni Aram."


"Hindi siya mag-cho-chocolate." Si Asher ulit.


Napasimangot na si Aling Ason. "Hayaan mo si Lai kung ano ang gusto niya, hindi iyong pakialamero ka! Kaya ka tuloy ayawan!"


Hindi pinansin ni Asher ang nanay niya. Nang ipaghila na ako ni Asher ng upuan ay naupo na lang ako kaysa saan pa kami makarating.



HINDI KO ALAM KUNG GALIT BA SI ASHER.


Sa pamilya niya ay nakikipag-usap siya, kay Bobbie ay ngumingiti siya, pero pagdating sa akin ay casual, tahimik, at halos hindi sa akin tumitingin.


Hindi man ako kinakausap ni Asher ay pasimple niya pa rin akong inaasikaso. Katulad kapag nasosobrahan ako sa paglalagay ng patis sa sabaw ng sinigang, pasimple niyang aagawin ang patis at ilalayo sa akin. Pagkatapos kumain ay pasimple rin niyang sinalinan ng tubig ang baso ko.


Pag dadaan ako ay walang kibo na dinadampot niya ang mga nakaharang na laruan sa sahig upang di ko matapakan. Sinasaway niya rin minsan ang mga bata kapag nasosobrahan sa harutan upang hindi ako mabangga. Hindi ko alam kung pakitang-tao lang ba, pero kahit walang nakatingin ay ganoon siya.


Nang lumabas siya para paliguan iyong aso nilang si Honeybunch ay parang gusto ko siyang sundan. Parang kahit alam ko namang sa garahe lang siya ay ayaw ko siyang umalis.


Iyong tatlong mga bata naman ay bumuntot sa kanya sa garahe. Gusto raw manood ng mga ito sa pagpapaligo sa aso. Sumunod din si Tita Judy para may bantay ang mga bata dahil baka manggulo.


Naiwan ako at si Aling Ason sa sala. Tahimik lang ang babae habang nagsi-cell phone. Paminsan ay humahagikhik kapag may napapanood o nakikita siguro na nakakatawa, at minsan naman ay kulang na lang mapamura kapag siguro ang nakikita at nababasa ay hindi nito gusto.


Hindi naman ako mapakali sa kinauupuan ko. Gusto ko ring lumabas sa garahe, kaso baka magalit si Asher. Baka isiping tatakas ako.


Kung papanhik naman ako sa itaas ay baka isipin ni Aling Ason na umiiwas ako rito. Baka isiping ayaw ko itong makasama rito sa sala. Sa tensyon ay hindi ko namalayang aking kinakagat na pala ang kuko sa hintuturo ko.


Hindi ko rin napansing namomroblema na pala ako sa kung anong iniisip sa akin ng ibang tao. Kailan pa ba ang huli na nagkaroon ako ng pakialam? Hindi ko na matandaan. Kaya hindi ko tuloy alam ngayon kung paano haharapin itong aking nararamdaman.


Malikot ang mga mata ko. Panay ang sulyap kay Aling Ason na ngayon ay seryoso nang nakatitig sa hawak nitong cell phone. Wala naman itong sinasabi o kahit anong kilos na kakaiba. Ni hindi nito nababanggit iyong panggugulo noong nakaraan ni Lydia Punzalan.


Iyong ginawa ng nanay ko ay nakakagalit. Nakakahiya. Kaya bakit ganito? Bakit wala akong naririnig kay Aling Ason na kahit ano? Mas tanggap ko pa na sumbatan ako at kagalitan nang harapan kaysa iyong ganito na nangangapa ako!


Bakit ba kasi pinatagal ko pa? Why did I let the Punzalans alone, thinking they would eventually quit bothering me? Umabot pa tuloy sa ganito. Kailangang may gawin na ako.


Huling kumain si Aram pagsapit ng 2:00 p.m. Inunahan ko na ito sa pagliligpit ng kinainan nito dahil mukhang antok-antok pa ito. I had to think without anyone noticing, and the only way to do that was this.


Habang naghuhugas ng pinagkainan ay nag-iisip ako. Pagkatapos kong maghugas ay tapos na rin ako sa pag-iisip. Alam ko na ang gagawin sa mga ito. Makatarungan ang nabuo kong plano, kaya lang ay kakailanganin kong umalis dito. Ang tanong lang ay paano?


Nang hanapin ng aking mga mata si Asher ay nasa sala na siya. Nakahubad siya sa pang-itaas, dahil siguro nabasa sa pagpapaligo kay Honeybunch. Ang hinubad niyang damit ay nakasampay sa kanyang balikat sa kaliwa.  Pinapapasok niya na ang tatlong makukulit na bata. Si Bobbie ay pinalitan niya ng house slippers matapos pagpagan ang munting mga paa.


Iniwan niya ang mga ito nang makitang inaalis ko na ang aking suot na apron. "Tapos ka na?"


"Oo." Iniwas ko ang aking paningin sa nakahantad niyang sikmura dahil baka matakam akong magkape, e bawal nga. 


Tinulungan niya ako sa pag-alis ng apron. Siya ang nagbalik niyon sa sabitan. Nakasunod naman ako ng tingin habang nag-iisip kung paano sa kanya magpapaalam. Kung isasama ko na lang siya, papayag ba siya? Pero puwede ko ba siyang isama?


"Asher," tawag ko sa kanya kasi kahit kaharap niya ako ay hindi siya sa akin tumitingin. "Tinotoo mo iyong sinabi mong hindi ka na magiging mabait sa akin."


"Syempre galit ako," halos pabulong na sabi niya habang nakasimangot.


If I wanted to gain his trust, I had to start by being honest with him. "Asher, plano ko talagang magpabuntis. Gusto kong magkaroon ng kapatid si Bobbie. Sa 'yo ulit."


Nakakaloko siyang ngumiti. "Thank you for patronizing my genes. Your satisfaction is my top priority, and I look forward to serving you again in the future, Ma'am."


Tumalikod na siya na nakasimangot pa rin. Hindi pa nga ako tapos magsalita.


Nilapitan ako ni Tita Judy. Nanonood pala ito sa amin. "Anong problema? Bakit parang may toyo iyong baby daddy mo? Yari ka. Mahihirapan ka riyan. Balita ko, mas maarte pa iyan sa panganay nila dahil bunso!"



ANG GULO-GULO PA nga tapos mayamaya ay may bumalik na naman si Lydia Punzalan. Walang kapaguran. Hindi pa nadala na nabomba ng tubig noong nakaraan. Nagsisisigaw na naman sa labas ng gate. "Laila! Si Nanay, nandito ulit! Laila!"


May backup na ito ngayon. Kasama na ang anak na si Laura. Nanganak na at hindi na buntis. Nagsisisigaw rin at mukhang walang takot na masumpit ng lamig. "Laila, ano magtatago ka na lang dito?! Wala ka na talagang pakialam sa mga kadugo mo?!"


Kasunod ay ang may nginig na boses ni Lydia. "Laila, anak, ang panganay ng Ate Laura mo ay nawawala! Si Betchay na pamangkin mo! Tulungan mo kami, anak! Wag mo naman kaming talikuran!"


Salitan ang mga ito ng sigaw. Bakit daw wala akong pakialam sa pamilya kung saana ko nagmula? Nawawala ang panganay ni Laura na si Betchay. Iyong batang babae noon na dalagita na ngayon. Bakit pinagkakaitan ko raw sila ng tulong?


"Mamaaa, why are they doing that?" tanong sa akin ni Bobbie na nakapatong ang mamula-mulang mukha sa aking hita.


"They're guiltripping Mommy Lai!" sabat naman ni Atlas.


"Huy, saan mo natutunan iyan?!" Binato ni Tita Judy ng throw pillow ang anak.


Nakisabat din naman ang isa pang kambal. "It's not guiltripping, it's gaslighting!" 


Napasentido na lang ang tiyahin ko. Wala pa rin namang tigil ang mag-ina sa labas. Galit na galit na sa akin dahil hindi ko nilalabas. Hindi na rin ako para makasilip pa, dahil pinakaayat na rin agad ako ni Aling Ason sa itaas.


Hindi pa humuhupa ang iniwang tensyon sa mga kapitbahay ng panggugulo ng mag-inang Lydia at Laura ay may bago na naman. Dumating din pala na kasunod si Rio noong nasa rooftop na kami. Si Tita Judy lang ang nagbalita sa akin ng nangyari.


Si Aling Ason syempre na naman ang humarap sa lalaki. Mukhang natalakan si Rio ng nanay ni Asher. Balak pa nga raw ipabugbog kay Aram. Kaya lang ay hindi nangyari dahil lasing na naman si Attorney ngayong gabi.


Hindi na ba titigil ang gulo? Wala na bang katapusan lahat ng ito? Isa pa pala sa pinoproblema ko ang magkapatid na Estrada. It was good that Renren was lying low, but the question was how long? Renren's idleness was odd considering she wasn't normally like this.


On the other hand, her brother, Rio, was still active. I knew this wasn't the last time, because he wasn't the type to give up easily. Lahat na nga ay ginawa ko noon, pero sadyang matigas talaga ang bungo nito.


Paano ba ako nito tatantanan? I could think of only one possible solution: kailangan nito ng ibang pagkakaabalahan. Yes, what Rio needed was diversion. But what kind of diversion?!



KAILANGAN KONG UMALIS.


First thing first. The Punzalans. If I really wanted to get rid of them, I needed to get started right now. It was a fair plan that would benefit everyone, but I had to return to Sunterra to execute it.


Kakapatulog ko lang kay Bobbie sa kama nang tumunog ang smart lock ng pinto saktong 9:45 p.m. Pumasok si Asher. Bagong ligo. Bahagyang tumutulo pa ang basang buhok. White plain shirt, light yellow pajamas, at white house slippers sa paahan. May tuwalya pang nakasampay sa balikat.


Bakit hindi siya dito naligo at sa baba pa? Whatever. Malamig ang ulo niya dahil bagong paligo kaya sasamantalahin ko. "Asher, kailangan kong umuwi sandali sa Sunterra. May kukunin lang ako na—"


"Ipakuha mo kay Ate Judz."


"Hindi puwede." Hindi puwedeng malaman ni Tita Judy dahil tiyak na matatalakan ako nito at isa pa, baka may iba pa itong makita na hindi dapat. "Ako lang ang nakakalam kung nasaan—"


"Gumawa ka ng mapa."


"What? Seryoso ka?"


Nagsalubong ang mga makakapal niyang kilay. "Seryoso ka rin ba na sa tingin mo hahayaan kitang umalis habang dala mo ang dugo't laman ko?"


"Babalik din naman ako!"


"Maniniwala ba ako?" Humagod ang kamay niya sa kanyang buhok, saka yumukod upang magpantay ang mukha naming dalawa. Ang mga mata niya ay seryoso na nakatitig sa mga mata ko. "You always think of ways to run away from me, so what do you expect me to do?"


Habang nakatingin sa madilim na kislap ng mga mata ni Asher ay naghahalo ang gulat at pagkamangha ko. He was always obedient, patient, and devoted to me like a cute puppy. And even during the times when he was serious, silent, and acting cold, I had never seen this side of him.


Tila nababasa niya ang isip ko. "Lai, matagal na."


It was obviously a confession. He was only waiting for this moment to show his true self to me. He hid this side of him so well that it took me this long to realize it was always there.


Nanginginig ang mga labi na napanganga ako nang ang isa sa mga daliri niya ay pumisil sa baba ko. "There's nothing you should be surprised of. You should be expecting this since you're the one who created this man in front of you."


May inabot siya sa drawer na nasa gilid. Iyong envelope ng mga private at government documents niya. Inilabas niya at inisa-isa sa ibabaw ng aking mga hita.


"You see this, Lai? I prepared all this for you. This is what I promised you before. Hindi ko kinalimutan. Ginawa ko pa rin kahit pagbalik ko ay nagtatago ka na. Nagpatuloy pa rin ako dahil alam ko na babalik ka. At bumalik ka nga. Kita mo, Lai? Hindi lang ikaw ang magaling kumalkula sa ating dalawa."


Bago ko mailayo ang aking kamay ay nahuli niya na ito. Ikinulong niya sa mga palad niya, at kahit anong aking gawing hila ay hindi ko mahila.


"I know you hate me, so I prepared myself to endure everything because I deserve to suffer at least a bit of what you went through. But it doesn't mean that I will risk losing you."


"Kaya ikinukulong mo ako ngayon dito?!"


Ngumiti siya na parang hindi narinig ang tanong ko. "Bukas, pagka-check up sa 'yo, sasabihin na natin kina Nanay na magkakaroon na ng kapatid si Bobbie. Kapag nalaman ng nanay ko iyon, kahit sumampa na ako sa barko, hindi ka pa rin makakaalis dito. Dito ka kasama ng pamilya ko. Dito mo ako hihintayin hanggang sa bumalik ako."


This man, he had it all planned!


Napapiksi ako nang dumiin ang pagkakahawak niya sa isang kamay ko. "Wag kang maligalig, Lai. Gusto mo bang magising ang panganay natin at magtanong kung bakit mo ako inaaway?"


Nang sinabi niyang hindi na siya magiging mabait, ay ito ang ibig niyang sabihin. Wala nang filter, wala nang pagdadahan-dahan, sinasabi at ginagawa niya na ang gusto niya nang deretsahan.


And I was now gradually realizing everything. What he said last time about him being the first to fall, that he was looking when I wasn't looking, I now kind of wanted to believe them all. Kahit may mga butas pa ang mga sinabi niya, may parte ko na gustong maniwala habang kinikilabutan. Kilabot hindi sa takot, kundi sa galit, dahil paano niya ako napaikot?


"Iyong pagkakasugat ni Mama sa pisngi mo noon, sinadya mo iyon. Hindi ka umiwas kahit kaya mong iwasan, dahil gusto mo talagang masugatan. Para may maiwang alaala sa 'yo na sa tuwing titingan kita ay mas lalong hindi kita makakalimutan."


Isa lang iyon sa napakaraming gumugulo sa akin. Matagal ko na iyong iniisip at ngayon ay sigurado na ako. Ngiti lang naman ang sagot ni Asher sa akin.


"Alam mo rin na nabuntis mo ako. At noong manganganak na ako, ikaw iyong nagbigay ng pera na one hundred thousand sa tiyahin ko."


Dahil malabong magpapautang sa akin nang walang tanong-tanong si Tita Judy, dahil saksakan ito ng kunat.


"At nang umuwi kami ni Bobbie ng Pascam, inaasahan mo na iyon kaya tinaon mo na iyon din ang baba mo ng barko. Iyong pagpunta mo nang paulit-ulit sa bahay ko, alam mo na ring may anak akong itinatago sa 'yo, pero nagpanggap ka na wala kang alam!"


Nakangiti pa rin si Asher sa akin.


"Kahit iyong nakita mo kami sa mall, alam mo na ang totoo! Kahit din iyong mga dahilan na sinasabi ko sa 'yo ay kunwari lang na pinaniniwalaan mo! At noong naiinip ka na, pumunta ka sa bahay at hinayaan mong dalhin kita sa kuwarto! Dahil alam mong babalik sina Tita Judy at mahuhuli nila tayo kasama si Bobbie!"


Walang pagbabago sa ngiti ni Asher habang nakikinig sa aking sinasabi.


Umiling ako habang nangangalit ang mga ngipin ko. "No, Asher. I didn't make this version of you because the truth is, all this time, this is the real you. Mula pa noon, niloloko mo ako. Pinaniwala mo ako sa pagpapanggap mo!"


"Because I love you so much. That's why I played along politely."


Yumuko ako at dinakot pasabunot ang buhok niya. Ang mga mata ko ngayon na nakatingin sa kanya ay wala nang gulat o takot. After all, he no longer intended to pretend and be cautious around me, so there was no need for me to hold back anymore.


"Kiss me," utos ko sa kanya. At hindi ako nagdalawang sabi pa. Pagtayo niya ay kasama niya na ako habang magkahugpong na nang mariin ang aming mga labi namin, na walang ingat at walang pagpipigil na dinudurog ang isa't isa.


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories


SB6 is now published here on WP! Check out the uncut version while it's available. Happy reading Michael Jonas and Z's story!  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro