Chapter 63
Replaced with edited chapter. We had to omit some scenes that contain major spoilers. Thanks for understanding. -G
----------------
I DON'T LOVE YOU ANYMORE.
Ang dilim ng paligid ay walang sinabi dahil kitang-kita ko pa rin kung paano mamutla ang mukha niya. Ang mukha na halos sambahin ko noon, na kulang na lang ay gawin kong relihiyon.
Hinaplos ko ang makinis niyang pisngi. "Asher, wala na akong pakialam kung sino man ang may mali sa atin, basta ang alam ko, hindi na kita mahal."
Kasabay ng kanyang pamumutla ay ang pagguhit ng hindi matatawarang sakit sa mga mata niya.
"And, about Bobbie... You don't have to feel guilty. It was all my choice anyway."
Nang bitiwan ko siya ay napayuko siya. Walang kakilos-kilos, walang pakialam kahit pa nakababa pa rin ngayon ang suot niyang boxer shorts, iyong bahagi niya sa ibaba ay wala ring kasing lungkot. Yet, it was still scary.
Tapos na kami niyong magtuos kaya tumalikod na ako. Iniwan ko na siyang mag-isa sa kusina. Sa hagdan ay naulinigan ko pa ang marahas na paghingal niya, pero hindi na para aking lingunin pa siya.
TUMITINGIN SIYA PERO HINDI NAGSASALITA.
Pagbaba namin ni Bobbie noong umaga ay si Asher ang nasa sala dahil naliligo si Rio. Nagpapagpag siya ng sofa. Bagong paligo rin siya, nasasamyo ko pa ang gamit niyang men's shampoo. Nakalugay ang may kahabaang buhok na wolfcut, ang suot niya ay plain white shirt, plain black jersey shorts, at iyong isa sa mga spare house slippers ko.
"Good mowning, babyyy!"
Kinuha niya sa akin si Bobbie. Ibinigay ko naman sa kanya, pero hindi ako sa kanya tumitingin. Magkalapit ang mga mukha namin dahil nakayuko siya sa akin. Nang makuha niya na ay lumayo na ako.
Lumabas na rin si Rio ng banyo. Bagong paligo, shirt na plain cream at grey na cargo shorts ang suot, nakayapak lang ang mahahabang mga paa, at bahagyang tumutulo pa ang buhok na kinukuskos niya ng hawak na puting tuwalya. Napakunot noo lang ako dahil magkaamoy sila ni Asher ng shampoo. Share ba sila?
Kami naman ni Bobbie ang sumunod na gumamit ng banyo. Napakalinis sa loob. Parang pati mga tiles sa pader at iyong kisame ay kinuskos ng mop. Iyong exhaust fan na hindi ko abot kaya hindi ko malinisan ay ngayo'y tila bago. Wala na maski kapiranggot na alikabok. Ang bangu-bango pa dahil bukod sa may diffuser ay meron pang dried flowers.
Hindi lang sa banyo ang malinis. Pati ang buong bahay ko. At katulad kahapon, hindi ko na rin problema pa ang kakainin. Paglabas namin ni Bobbie sa banyo ay may nakahanda na sa mesang pagkain. Ultimo plato, kutsara, tinidor, at baso ay naroon na rin. Uupo na lang ako.
Kung may nakakaasar lang dito sa mga boarders ko ay iyong nagsisikap naman sila, ang kaso ay hidni talaga sila perpekto. Pareho ba naman kasi silang prinsipe sa mga bahay nila, kaya talagang pag kumilos ay may mga kapalpakan pa rin talaga.
Katulad ngayon. Ininit ni Rio sa microwave iyong natirang ulam kagabi. Okay na sana, ang kaso lang ay isinama niya sa mangkok iyong stainless kong sandok. Umusok tuloy ang microwave at muntik nang pumutok. Nakarga agad ni Asher si Bobbie at nahila ako sa kaliwa kong pulso palayo.
Nahugot naman agad ni Rio sa saksakan ang microwave, kaya hindi natuloy ang pagputok, pero iyong gigil ni Asher sa kanya ay parang gusto na siyang bigyan ng mag-asawang suntok. Pagkababa niya kay Bobbie ay sinugod niya si Rio sa kusina. "Magpapakamatay ka ba?!"
"Hindi ko sinasadya!" ganting sigaw naman ni Rio. Pulang-pula ang mukha sa hiya.
"Stainless iyon, nilagay mo sa microwave? Akala ko ba matalino ka?! Bokter ka lang yata!"
"Hindi ko nga sabi sinasadya! Hindi ko napansin na may kasama palang kutsara, kasi may iniisip ako!" Napahilamos na si Rio ng palad sa kanyang mukha. "May iniisip ako..." Humina na ang boses niya sa huling mga salita. Nang mapatingin siya sa akin ay natigilan ako sa lamlam ng mga mata niya.
Ngayon ko lang din napagtanto na parang kanina pa nga siya wala sa sarili niya. Bigla siyang lumapit kay Bobbie sa sofa at pinaghahalikan ang paslit sa munting mga kamay nito. Humingi siya ng sorry. Nagtataka lang naman ito sa kanya.
Ang sumunod niyang nilapitan ay ako. Wala naman siyang sinabi. Nakatingin lang siya sa akin.
"Okay ka lang?" tanong ko.
Maliit siyang ngumiti. "Hindi ko pa oras."
"Hindi mo pa oras, pero puwede kang mapaaga kapag tanga ka." Si Asher na madilim pa rin ang ekspresyon.
Hindi naman na kumibo si Rio. Napayuko na lang. Talagang tila may gumugulo sa kanya. Si Asher naman ay inis na tinungo ang pinto para siguro magpahangin at pahupain ang galit. Bago lumabas ay nilingon pa niya si Rio.
"Paaala lang, ang rugby, sinisinghot 'yan, hindi pinapapak."
MAGKAGALIT PERO MAGKASAMANG MAMAMALENGKE.
Wala nang stocks. Sarado rin ang talipapa sa Riverside kaya sa bayan ng Malabon pa sila pupunta. Wala silang choice. Walang gusto mamalengke mag-isa, at mas lalong walang papayag na may maiiwan sa kanila. Ang napagdesisyunan, dalawa na lang sila na pupunta sa palengke para bumili ng lulutuing ulam.
Nag-aalala lang ako dahil pareho silang hindi marunong mamalengke. Pero ginusto nila iyon, kaya bahala na sila sa buhay nila. Ayun, umalis na sila na may bitbit na tag-isang bayong.
Tulog pa si Bobbie at katatapos ko lang sa online work nang dumating si Ate Linda. Naka-skinny jeans at puti na polo shirt ang babae. Payat pa rin, pero malaman-laman na talaga siya ngayon kaysa noon.
"Umalis ka na raw sa Bacao?" wala nang paligoy-ligoy na tanong ko pagpasok na pagpasok niya sa sala.
Umiwas si Ate Linda sa mga mata ko. "K-kailangan kasi na mas malapit ako sa trabaho. Nagbo-board ako ngayon sa..."
"You look better now," sabi ko na ikipinanlaki ng mga mata niya sa akin. "Kumpara noon, mas nagkabuhay ang itsura mo ngayon." Iyon lang naman ang gusto ko sa kanyang sabihin.
Inalok ko siya ng kahit anong meryenda, pero ayaw niya. Busog daw siya. Binigyan ko na lang siya ng isang basong tubig, pero parang pati iyon ay hindi niya malunok. Tahimik lang siya na nakaupo sa sofa sa buong sandali.
Pagkadaan ng ilang minuto ay nagsalita siya sa mahinang boses. "K-kahit naman hindi na ako roon nakatira ay umuuwi-uwi pa rin ako at nagbibigay. Ang naiba lang talaga ay hindi na ako doon palagi naglalagi."
Nakatingin lang ako sa kanya. Ang kanyang mga sinasabi ay parang hindi naman niya talaga sa akin gustong sabihin, kundi sa sarili niya. Na-realize niya rin iyon. Napahawak siya sa bibig niya.
"Masyado kang nasanay na maging miserable para sa ibang tao."
Napaangat ang tingin niya sa akin. Ang gulat sa mga mata niya ay napalitan ng panglaw.
"Hindi mo responsibilidad na saluhin ang lahat ng problema ng pamilya. At hindi porke't tatanggi ka sa kanila ay masamang anak o kapatid ka na."
"Hindi mo ba naiintindihan, Lai? Isang beses lang akong magbigay, mapuputulan na ng kuryente at tubig sa bahay!"
Dumi-quatro ako ng upo. "Compassion for others is good, but compassion for oneself is more important."
Nagsimulang magluha ang mga mata niya.
"Isa sa mga natutunan ko sa mga nagdaang taon ng buhay ko. Na hindi ka dapat paubos. Na puwede kang maging makasarili."
Ganoon din ako noong tumutulong ako sa kanila. Gustong-gusto kong tumulong. Gusto ko kahit nauubos na ako. Pakiramdam ko kasi noon, iyon ang silbi ko. Na-overlook ko ang ideya na kung ang mga tinutulungan ko ba ay may silbi rin ba sa buhay ko. O kung tinutulungan man lang ba nila ang mga sarili nila, o naghihilahan lang kami lahat pababa.
"Magulang mo sila at mga kapatid, pero may sarili silang mga katawan at isip. Kung hindi mo sila titiisin, ikaw lang ang habangbuhay na magtitiis. Kung tutulong ka nang tutulong dahil sa awa at obligasyon, hindi sila matututo at lalo mo lang silang ilulubog. In the end, hindi ka talaga nakatulong."
Pumatak na ang mga luha niya. "Puwede ko talagang gawin lahat ng gusto ko?"
Nginitian ko si Ate Linda. "Puwede namang hindi. Puwedeng magdusa ka na lang habangbuhay kung iyon ang gusto mo."
Ang sagot niya ay isang mahigpit na yakap sa akin. May ngiti na siya sa mga labi kahit tigmak ng luha ang mga pisngi.
Tumalikod na siya papunta sa pinto. Bago siya lumabas ay lumingon pa siya ng sa akin. "Oo nga pala, Lai. Masama ang loob ko sa 'yo dahil akala ko ay umalis ka na talaga at kinalimutan kami, pero hindi naman pala. Sa tatlong taon na wala ka, hindi mo pa rin kami natiis."
Anong sinasabi niya?
"Umalis ka nga pero hinabilin mo naman kami kay Asher. Hindi siya pumalya sa pagpapadala ng pera kina Nanay sa loob ng tatlong taon na wala ka."
Pinanood ko siya hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng pinto. Nang wala na siya ay kumuyom nang mahigit ang aking kamao.
Ilang minuto lang ay may nagbubukas na naman ng gate. Palaging on cue. Si Renren. Nagmamadali ito sa pagpasok. "Lai, iyong lumabas, isa rin ba siya sa mga poor mong family na makapal ang face?"
Tiningnan ko siya nang matalim, bigla naman siyang nanahimik.
"Uhm, anyway, Lai. Ano pala ang balita sa poor family mo? Alam mo na ba kung bakit ayaw ka nilang tantanan? Alam mo na ba kung sino, I mean, ano ang dahilan bakit ang lalakas ng loob nila?"
Umupo ako sa sofa at napahilot ng sentido.
Tumabi naman siya sa akin. Nangingislap ang mga mata niya nang tingnan ko siya. "Is it Asher, right? He's the one supporting your poor family, right? OMG, sabi ko na nga ba! Wala talagang magandang gagawin iyong birdbrain na iyon!"
Kunot ang noong pinagmasdan ko siya. "Paano mo nalaman?" Hindi ko pa naman sinasabi sa kanya.
Namutla si Renren. "Huh? Uhm, s-so siya ba talaga?!" Lumikot ang mga mata niya. "O... OMG, so my hunch is right pala?!"
Kunot pa rin ang noo ko habang nakatingin lang kay Renren.
"But, Lai, what is your plan? Hahayaan mo na lang ba na pinangungunahan ka ng lalaking iyon? Di ba sabi mo, walang kahit sino ang dapat makialam sa problema ng pamilya mo? Don't tell me you will just let him off just because he's your baby's daddy?!"
"No."
Napabungisgis nang malawak si Renren. Nayakap niya ako nang mahigpit. "That's more like it! That's my better half!"
Dumating na sina Asher at Rio galing palengke. Mga pawisan, pero hindi pa naman mukhang bilasa. Mababango pa nga. Nag-alala pa ako, pero mukhang na-enjoy naman nila ang pamamalengke, o baka iyong mga nasa palengke ang nag-enjoy sa kanila. Sana lang ay hindi sila roon nagkalat ng pagkamaligalig nilang dalawa.
Naabutan pa nila kami habang yakap-yakap ako ni Renren. Sabay pa ang mga mata ng dalawang lalaki na nagdilim.
Si Rio ang nagsalita. "What is she doing here, Lai?!"
Si Asher ay tahimik lang pero matalim ang mga tingin niya sa mga braso ni Renren na nakayakap pa rin sa akin.
Binitiwan na rin naman ako nito. "Hmp, aalis na ako." Nakasimangot na tumayo na ang babae.
Matalim na nagkatitigan pa ang mag-ex kuya sa pinto.
Bago tuluyang lumabas ay may sinabi pa sa kapatid. "You should be thankful to me. An irritating thorn will soon be pulled out from your throat. Pero wag ka rin munang magsaya, kasi nandito pa ako."
Nakaalis na si Renren pero nasa mukha pa rin ni Rio ang pagtataka. Nang magkatinginan sila ni Asher ay sabay silang napanulas. "She's crazy."
Really? Sino ang hindi?
Nagsimulang kumilos ang dalawang lalaki sa kusina. Sa buong sandali ay nakahalukipkip lang ako habang pinapanood sila. Nang tingnan ko si Asher ay nagtatadtad na siya ng rekados sa kanyang niluluto. Ang sinabi ni Ate Linda sa akin kanina tungkol sa kanya ay tila inuudyukan ako na ingudngod siya roon ngayon sa ginagawa niya. Tss, I thought he was not completely foolish, but it turned out he didn't have any brain at all.
Nang mapatingin naman sa akin si Asher sa akin ay maliit na ngumiti siya, pero wala siyang natanggap sa akin kahit peke na ngiti. Napayuko na lang siya at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Nang kakain na ay naghain na sila. Si Rio sa mga plato at sa gawa niyang veggie salad. Si Asher naman ay sa kanin at sa ulam. Ang niluto niya ay manok na hindi fried kundi steamed.
"Steamed lemon-garlic chicken with thyme," sabi niya na sa akin nakatingin. "Ingredients are chicken breast, olive oil, garlic, lemon, and sea salt. No MSG."
Tumango lang ako at tumalikod na para sunduin si Bobbie sa sala. Ramdam ko naman ang paghabol sa akin ng tingin niya.
Pagbalik ko ay aking pinaupo na si Bobbie sa upuan. Nangislap ang mga mata ng bata nang makita ang manok na ulam. "Wow, chicken!!!"
Ipinagsandok ni Asher ang bata. "You can eat as much as you want. Basta ba kaya mong ubusin."
Napairit naman si Bobbie. "Thank youw, babyyy!"
Ang ngiti ni Asher ay hindi malaman kung ngiti pa ba o ngiwi na. Pero mayamaya ay puno na naman ng fondness ang kanyang mga mata habang pinapanood na maganang kumain ang bata.
Si Rio ay ipinagsandok din ng salad si Bobbie. "You should eat veggies too, little girl."
Magpapasalamat din sana si Bobbie rito nang subuan ni Asher ng kanin ang bibig ng bata. Hindi na tuloy ito nakapagsalita. "You should eat rice too, wag puro ulam, Bobbie."
Asikasong-asikaso sila sa bata hanggang makatapos kumain. Mukhang enjoy na enjoy naman ng bubwit ang atensyon na natatanggap nito sa dalawa. Nawala ang pagka-independent kid at naging pabebe bigla. Ultimo pag-inom ng tubig ay hindi na marunong, kailangan pang meron ditong magpapainom.
Mukhang wala namang kaso sa dalawang lalaki na sundin ang lahat ng hiling ni Bobbie. Parang hindi na nga nakakain na nga yata sila nakakain nang maayos dahil kada kibot ng bata ay nakasunod sila agad.
Pagkatapos kumain ay kami ni Rio ang nagligpit dahil tumawag ang nanay ni Asher. Dinala niya sa sala si Bobbie para makausap din ng lola nito. Miss na miss na raw kasi ang apo.
Pagkapunas ko sa mesa ay pumunta ako sa lababo para kusutan ang ginamit na basahan. Katatapos pa lang ni Rio sabunan ang mga plato, kaya nakisingit muna ako. Maliit lang ang lababo ko kaya siksikan kami. Umurong siya pero kaunti lang, magkadikit pa rin kaming dalawa.
Pagkapiga sa basahan ay aalis na dapat ako nang yumuko siya sa ulo ko. Nanigas ako dahil naramdaman ko ang maingat na paghalik sa aking buhok. Siniko ko siya pero mahina lang siyang tumawa.
Tumingala ako sa kanya para bigyan siya ng nagbabantang tingin. But he just innocently smiled at me like he didn't do anything. Pagtalikod ko ay napanganga ako nang makitang nakatayo na pala si Asher sa bungad ng kusina. Hindi ko alam kung kailan pa siya roon. Bitbit niya si Bobbie habang nakatingin sa amin ni Rio ang madilim niyang mga mata.
Bumukas ang mga labi ko para may sabihin sana, subalit ano nga ba?
Siya ang nagsalita sa patag na tono. "Kailangan ko munang umuwi. Pinapauwi ako ni Nanay."
Ang dahilan pala ng pagtawag ni Aling Ason sa kanya ay para umuwi siya. May problema na naman sa isa sa mga kuya niya, kay Aram. Susunduin daw nila sa condo nito dahil nang tumawag daw kanina ay tila naghihingalo na.
Nagpalit lang si Asher ng t-shirt. Si Bobbie ay nakakatulog na aalis siya kaya panay ang sunod ng tingin sa kanya. "Where are you going, babyyy?!"
Nilapitan niya ang bata, at magaang hinagkan sa noo. "I'm going to your lola. I'll be back before you know it. Habang wala ako, ikaw na muna ang bahala sa mama mo."
"Opow!" Nag-pinky promise sila. Ngiting-ngiti si Bobbie dahil feeling nito ay may inatang sa kanyang kung anong misyon – ang bantayan ako!
Pag-ayos ng tayo ni Asher ay tumingin siya sa akin. Blangko ang kanyang mga mata nang kalmadong magsalita. "Sa ayaw mo at sa gusto, pagbalik ko, mag-uusap tayo."
Nakanganga na lang ako at walang nasabi maski na isang salita, hanggang sa tuluyang nakalabas na siya ng pinto.
Nang dumating na si Rio mula sa kusina dahil tapos na ito sa ginagawa, ay saka pa lang ako napakurap. Tumikhim ako at kinuha na si Bobbie sa sofa upang linisan. Paglabas namin ni Bobbie ng banyo ay patay na ang mga ilaw maliban sa ilaw sa hagdan at iyong TV sa sala. Nasa sofa si Rio. Seryosong nanonood siya ng TV habang umiinom ng Yakult.
Nang maramdaman kami ay tumingin siya sa amin. "Matutulog na siya?" tukoy niya sa batang babae na balot na balot ng yellow towel habang yapos-yapos ko.
"Oo, papasok na siya ulit bukas sa playschool kaya maaga siyang matutulog." Bigla na lang sumagi sa isip ko iyong paghatid kay Bobbie na kasama si Asher noong nakaraan. Ipinilig ko ang ulo agad upang burahin iyon sa isipan.
Si Rio ay nakamasid lang sa akin. Mayamaya ay napayuko na siya sa iniinom niyang Yakult. Hindi ko na siya inintindi. Inakyat ko na sa itaas si Bobbie. Sa kuwarto ay binihisan ko na ang bata at pinatulog na. Pagkatulog nito ay ako naman ang nag-ayos ng sarili at hinarap na ang laptop ko. Nag-check lang ako ng inbox at nag-send sa clients.
11:50 p.m. Napasubsob ako sa aking mga palad dahil wala pa rin akong naririnig na pagbukas ng gate sa labas. I guess he wasn't going to come back tonight.
Bumalik sa akin ang sinabi ni Ate Linda, at sa isang iglap ay naglalatang na naman ang inis sa dibdib ko. Ang sabi niya ay sa ayaw at sa gusto ko, mag-uusap kaming dalawa sa pagbalik niya. Tumaas ang sulok ng aking bibig. Fine, let us see.
Alas dos na pero wala pa rin ang antok ko. Ito ang pinakaayaw ko, ang nasasayangan ako ng oras na dapat ay ipinagpapahinga ko. Palibhasa kasi ay hindi ako pagod kaya hindi ako makatulog. Paano ba kasi ako mapapagod? Daig ko pa ang nagkaroon ng instant katulong.
May babysitter na, cook, labandera, at hardinero, kahit pa kakapiraso lang naman ang lupang taniman ko. Kaya paano nga ako mapapagod? This wouldn't do. I stood up and decided to take a sleeping pill. Of course, I needed a glass of water.
Pagbukas ko ng pinto ay muntik na akong atakihin sa puso dahil sa katapat na pinto ay may nakatayo. Si Rio!
Tahimik siya na nakasandal sa pinto. Ni hindi man lang siyang nag-abala na magbukas ng ilaw. Hindi ko alam kung kailan pa siya rito, pero mukhang kanina pa. Nakatayo lang siya at naghihintay kahit walang kasiguraduhan kung may mapapala ba siya o wala.
Ang liit lang ng espasyo namin dahil maliit lang itong kapirasong hallway na ang katabi ay hagdan na. Nagbawi ako ng tingin at akmang babalik na lang sa kuwarto namin ni Bobbie nang marinig kong mahinang magsalita siya.
"You were with him last night."
Napahinto ako at nabitin ang paghawak ng kamay sa doorknob.
"I am aware of what happened between the two of you."
Lumingon ako sa kanya.
Walang kahit anong emosyon ang maamong mukha niya. "I know that your feelings for him are no longer the same as before, but I also know that you are letting him stay here because you still need something from him."
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin."
Doon ngumiti si Rio. "You really think that you can dispose of him? That he will just let you go? Lalo kung mabubuntis ka?"
Tumiim ang mga labi ko.
"He will keep on chasing you. Even if you say it is not his, he will not believe you. Hindi ko kinukuwestiyon ang desisyon mo, pero sa tingin ko, sablay ka sa parteng ito ng pagkakalkula mo."
Lumapit siya at yumuko sa akin nang ilang hibla na lang ang pagitan namin. "Lai, you need a reason, a way, a Plan B." Ang mainit at mabangong hininga niya ay tumatama sa aking mukha. "No matter what you do, no matter how bad it is, I will still be on your side. I am your unconditional ally."
Marahang umangat ang isang kamay niya at maingat na gumuhit ang isa sa mga daliri niya sa balat ng aking leeg, habang ang mga labi niya ngayon ay nasa tainga ko na.
"Lai, would you like to do it with me?"
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro