Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 61

MY LOYALTY TO YOU HAS NEVER CHANGED.



Nakaluhod si Asher sa harapan ko, nakatingala sa akin habang nakatitig sa akin ang mga mata na may bakas ng luha, at habang hawak ng nanginginig na mga kamay niya ang mga kamay ko.


"Lai, nothing changed." Dinala niya ang kamay ko sa kanyang pisngi kaya nabasa iyon ng kanyang luha. Hinalikan nang masuyo ang palad ko, ang mga daliri ko isa-isa.


He looked so pitiful, pathetic, that I wanted to fuck him right this instant.


I wanted to sit on his crying gorgeous face.


I wanted to tie him in the chair while giving him a head. And I wanted to do it while he was in this pathetic state. Ah, if only I could do all that. But, maybe some other time. Not tonight as I remembered about what he said, and I was not happy about it.


Binawi ko ang aking kamay sa kanya. Binitiwan niya naman ako subalit nanatili siyang nakaluhod. "Lai, you don't have to say anything right now. I just wanted you to know. I've meant to say this since I met you again."


"Okay," sagot ko, sabay talikod na.



Kahit hindi ako lumingon ay alam ko na hindi siya kumilos sa kinaluluhuran. Nakayuko siya roon habang nananatiling nakaluhod. Umakyat na ako sa hagdan. Pagpasok sa kuwarto ay nag-lock na ako ng pinto. Tumingin ako sa kalendaryo sa pader. Kulang isang buwan na lang. Kaunti na lang na paghihintay. Kaunti na lang at matatapos na rin lahat ito.


Kinuha ko ang aking box ng pills. Kumuha ako ng isa, at katulad kahapon, itinapon ko lang din iyon sa basura. Ang kahon ay iniwan ko naman ulit sa ibabaw ng Orocan, doon sa puwestong makikita agad iyon kahit nasaang parte ng kuwarto ka man.


Pagkatapos ay blangko ang ekspresyon na tumabi na ako kay Bobbie sa foam. Hinalikan ko sa noo ang nahihimbing na bata. "Kailangan lang mag-double time ni Mama para sa natitirang isang buwan. Just wait a little more. Our little family will be so happy like never before."





NATULOY ANG GUSTO NI ASON AGONCILLO-PRUDENTE.


Sa Buenavista na nga ang birthday party. Minaya't maya rin kasi ako ni Tita Judy para lang mapapayag. Siya kasi ang kinukulit ng biyenan niya. Pumayag na rin ako dahil nakikita ko na gusto rin talaga ni Bobbie. Maya't maya nga ang bigkas nito, hinahanap ang lola. Katulad ngayon.


"Mamaaa, I miss my rich lowla!"


Kinabukasan ay inunahan ko na si Asher. Para hindi na maungkat ang nagdaang gabi, binuksan ko na agad ang paksa tungkol sa birthday ni Bobbie. I told him na payag na ako sa gusto ng nanay niya. Hindi man siya agad nakapagsalita ay kitang-kita ko sa mga mata niya na masaya siya. Okay lang, enjoy.


Para siyang batang excited na tinawagan agad ang nanay niya, at kinabukasan din, nandito na agad ang mga magulang niya. Madaliang preparasyon dahil kapos na sa oras. Dahil dalawang araw na lang ay wala nang nakuhang venue. Doon na lang din sa street nila gaganapin. Ipapasara sa baranggay ang buong street nila sa araw ng birthday ni Bobbie.


Since it was also too late to hire a catering service, Aling Ason just used her own resources. Tumulong halos lahat ng amiga nito sa pagpeprepara. Sa tables and chairs naman ay sa baranggay humiram. Sa tent ay kung saan-saan nagrenta, team for the decoration ay ni-refer ng isang kakilala, at nag-hire lang sa online ng clown at emcee. Sa videoke naman ay may sariling videoke ang mga Prudente.


Umuwi si Asher noong madaling araw sa kanila para tumulong, at binalikan kami bandang tanghali. Dala niya ang owner nila nang sunduin kami. Kasabay namin sina Tita Judy at ang kambal sa pagpunta sa Buenavista. Natitiyak ko na marami doong tao. Bukod sa makikikain ay makikiusyoso. Buong biyahe ay pormal lang ang mukha ko.


Sa bungad pa lang ng street ay matatanaw na ang handaan na akala mo ay fiesta. May mga banderitas pa na kulay pink at yellow. Limang malalaking tent yata ang nakikita ko. May mga bisita na rin na mukhang karamihan ay mga kapitbahay. Mga nagsisitulong din mag-ayos habang nanginginain. May nanay na rin na kumakanta na sa videoke ng Kitchie Nadal medley.


Hindi pa simula ang party ay buhay na buhay na ang paligid. Parang busog na rin ang karamihan, dahil mukhang nandito na mula pa almusal hanggang tanghalian. Meron pa nga akong nakita na pasimpleng nag-uuwi na sa bahay ng mga ito.


Si Asher ang kumarga kay Bobbie papasok sa bahay nila, dahil kahit may fan sa labas ay mainit pa rin. Sa loob daw muna kami dahil hapon pa naman ang pinaka-party.


Kabuntot namin sina Tita Judy. "Close na pala ang mag-ama," panunudyo niya sa akin. "E alam na ba ni Bobbie na papa niya iyan? Iyang anak mo pa naman ay parang ikaw rin, e. Ang talino ay parang Christmas lights, patay-sindi."


Nang lumingon sa akin si Asher na karga-karga si Bobbie ay ngumiti siya. At nakakainis kasi alangang simangutan ko siya, e ang daming nakatingin sa aking mga kapitbahay nila. Ngumiti na lang din ako. Lalo naman akong tinukso ng tiyahin kong madalas ay masarap tirisin.


Pumasok na kami sa loob ng bahay. Tatlo-tatlo roon ang nakabukas na electric fan pero mainit pa rin. May mga nanay na lumabas sa kusina, namumukhaan ko, mga kapitbahay nila. Mga naka-leggings, boxer sando, at may bitbit na malalaking planggana na ang laman ay kilawin, bopis, at Bicol express, na mukhang ang mga ito ang nagluto.


"Kow, Laila, ikaw na iyan?!" bati sa akin ng isa sa mga ito. "Aba, kayo rin pala talaga ang nagkatuluyan ng bunso ni Ason, ano?!"


"Siya nga," segunda naman ng isa pa. "Akala namin noon ay wala na kayo. Hindi ka na kasi namin nakikita, tapos may nadayo na ritong ibang babae. Nakukuwento lang sa amin ni Ason, ang sipag daw ng babaeng iyon na pumunta kahit madalas ay nakatunganga lang diyan sa labas nila."


Babae? Was it Lou? Nang sulyapan ko si Asher ay wala naman siyang paki. He was too busy admiring Bobbie's cuteness to give a damn.


"Ay, siyang tunay!" Pumalatak iyong ngayong naghahalo ng bopis sa planggana. "Noong isang beses ay umiyak pa nga iyong babaeng iyon. Naawa naman si Ason, kaya hayun, inutusan ang isang kuya ni Asher na si Amos na samahan muna. Ang kaso, alam mo naman iyang si Amos. Walang mapapala riyan. Pinaglihi yata ni Ason iyan sa bato na walang pakiramdam!"


Parang magic na biglang nanahimik ang mga ito nang marinig na may pababa sa hagdan. Mula roon ay bumaba ang reyna ng tahanan. Si Aling Ason Agoncillo-Prudente.


Naka-batik over size duster ang malaking babae, may print na LV, pero tingin ko ay fake, kasi naka-remix. Sa harap lang pala ang print na LV, sa gilid ay Chanel, at sa puwitan ay Gucci. Pero punong-puno ng ginto ang tainga, leeg, mga kamay, at mga daliri. Bagong gupit, iyong katulad ng boy-cut na gupit ni Janice de Belen, pero ito ay may kulay na light red. Kakulay ng bagong pedicure na mga kuko. Donyang-donya habang namamaypay sa malaking pamaypay, kuntodo make up din, itsurang mananampal ng pera.


"Lowlaaa!!!" tili ni Bobbie nang makilala ito. Siguro ay napaisip pa muna ang bata kung bakit biglang naging pula ang buhok ng lola nito.


Kahit ang kambal ay lumapit kay Aling Ason upang magmano. "O, ang mga apo ko na mga guwapo at maganda! Saan pa nga ba magmamana? Walang iba kundi sa inyong lola!"


Si Tita Judy sa tabi ko ay tumirik nang pasimple ang mga mata. Siniko ko naman ito. "Makita ka, ma-evict ka, sige ka."


Ngumuso ito. "Ipaglalaban ako ng Abel ko."


"Ay, talaga ba?" Itinulak ko ito sa likod dahil tinawag ito ni Aling Ason. "O ikaw muna makipaglaban, habang wala pa iyong Abel mo!"


"Judy, ano ba ito? Bakit pumayat yata ang kambal?!" Iyon agad ang bungad ni Aling Ason. "Palitan mo ang vitamins ngayon din! At, bakit ka naman di man lang nagpaayos ng buhok mo? Basta ka lang nagtali? Ano iyan? Ang dry ng buhok mo! Sana sumama ka kahapon noong nagpa-parlor ako! Aba, hindi porke't wala ang asawa mo rito ay di ka na mag-aayos ratatatatat--!"


Marami pang sinasabi si Aling Ason, habang ang tita ko naman ay panay lang tango na akala mo walang balak magrebelde kanina.


Nang sa akin naman mapabaling si Aling Ason ay kinabahan ako. Ganoon din kasi ako, simple lang ang ayos, at hindi rin nagpa-parlor. Isang simpleng cream baby tee lang ang suot ko at maong jeans. Inihanda ko nang maratrat din nito, pero sa gulat ko ay ngumiti ito sa akin nang ubod ng tamis.


"O, ang aking bagong mamanugangin, Laila!" Lumapit ito sa akin at ibineso ako. "Maganda ka pa rin kahit simple. Kumusta ka na ba, ha? Okay lang ba ang trato sa 'yo ng anak ko, ha? Wag kang mahihiya na magsabi kapag nagpasaway siya sa 'yo dahil pupuntahan ko agad para buntalin!"


Nang umalis si Aling Ason ay pasimple akong dinikitan ulit ni Tita Judy. "'Wag kang palinlang. Ganyan na ganyan din sa akin iyan noong di ko pa pinapakasalan ang Abel niya. It's a trap!"


Niyaya kami ni Aling Ason na umakyat muna sa kuwarto nito. Mainit daw kasi sa sala at walang aircon. Baka raw pawisan ang mga bata. Sumunod na rin kami dahil kailangan ng magbihis ni Bobbie ng birthday dress nito.


Maganda ang kuwarto ni Aling Ason at Mang Jacobo. Kaharap iyon ng maliit nilang terrace. Pinakamalaki yata sa lahat ng kuwarto rito. May sariling TV, player, at split type ang aircon. Ang kama ay king size, ang frame ay parang antigong kahoy, at ang sapin ay makulay na gumamela. Sa pader naman ay maraming frame. Family photos, travel photos, at college graduation photos ng mga barako. Graduate lahat, pero ang tanging may medal lang ay si Amos Julian. Magna cum laude ito.


Ilalabas ko na ang aking binili sa online na dress para kay Bobbie, nang maunang maglabas ng yellow dress din si Aling Ason. "Ito ang isusuot ng apo ko!"


Naibalik ko na lang tuloy ang dress na nasa akin. Sisipol-sipol naman ang magaling kong tiyahin.


Si Aling Ason na ang nagbihis kay Bobbie, ito na rin ang nag-ayos sa buhok ng bata, at nagdesisyon kung anong ipit ba rito ang gagawin. Masayang-masaya ito sa ginagawa. "Naku, pangarap ko lang dati na mag-ayos ng anak na babae! Ngayon ay may babae na ako!"


Sumilip si Mang Jacobo sa pinto. Naka-tshirt lang ito at shorts, pero naka-specs sa mga mata. Matangkad na lalaki talaga, guwapo, malinis tingnan. Kahit simple lang ang ayos ay igagalang mo pa rin, 'wag mo na lang pansinin ang pagtitinga nito ngayon gamit ang ang stick ng barbecue.


"O, marami na bang bisita?" tanong ni Aling Ason dito. "Dumating na ba ang mga amiga ko na taga Sta. Clara?"


"Yes, sweetheart. Hinahanap ka na nga nila." Hinalikan nito sa noo ang kambal na lumapit dito.


Napaingos naman si Aling Ason. "Naku, nandiyan na pala sila! Hah, hintayin nila akong bumaba! Kailangan na nilang makita ang apo ko, nang malaman na nilang ako ang may pinakamagandang apo sa aming lahat na mag-aamiga!"


"Ason, bibig mo," saway rito ni Mang Jacobo.


"Bakit, totoo naman, ah?!" alma ni Aling Ason. Iwinasiwas pa si Bobbie sa asawa. "Tingnan mo, hindi ba cute itong apo ko na kumukha ko?! Ako ang pinakamaganda sa mga kumare ko, ibig sabihin lang din na apo ko ang pinakamaganda kaysa sa mga apo nila!" Pagkasabi'y padabog na itong umalis bitbit si Bobbie.


Apologetic na tumingin na lang sa akin si Mang Jacobo. "Laila, pasensiya ka na sa biyenan mong hilaw. Sobrang na-miss kasi ako niyan noong panahong nasa barko ako, kaya siguro nagkaganyan. Nalipasan ng gutom."


Hanggang sa pagbaba ay hindi ko na nahawakan pa si Bobbie. Hindi na ito binitiwan ni Aling Ason.


Mayamaya ay dumating na rin ang iba pang kuya ni Asher na sina Aram at Amos. Si Amos ay galing daw sa dentistry seminar. Nagsimula na itong pumapak ng shanghai habang walang ekspresyon ang mukha.


Si Aram naman ay galing sa Manila. Stressed daw dahil mahirap ang hawak na kaso. Abogado nga pala ito at kasisimula pa lang sa private firm. Mukhang stressed nga talaga dahil mukhang pagod na pagod ang itsura. Nag-kiss lang sa noo ng mga pamangkin, pagkatapos ay kumupit ng isang bote ng alak sa ref, ay nagkulong na sa kuwarto nito.


Nakita ko na papasok si Asher sa screendoor. Nagningning ang mga mata ko dahil bitbit niya ang batang babae na lalong nagmukhang manika sa suot na tutu dress at ipit na yellow rin. "Kinuha ko kay Nanay kasi mukhang naiinitan na."


"Come here, Bobbie. Punasan muna kita." Pawisan na ang bata pero mukhang masayang-masaya. Ang dami kasi nitong nakikitang tao sa labas, tapos naroon din ang kambal na ngayon ay nakikigulo na sa nag-aayos na clown.


Nagpaalam naman sandali si Asher. Maliligo raw muna siya. Pawisan siya dahil tumulong siya kanina sa pag-aayos ng ibang mesa. Sandali pa lang naman kami ni Bobbie sa sofa nang ipatawag din kami sa labas. May photographer daw na inupahan si Aling Ason. May pictorial daw si Bobbie sa tabi ng 3-tier yellow cake nito.


Paglabas ay nagulat ako nang makita ang isang babae na papalapit. Pink dress at pink Chuck Taylor ang suot. Ang buhok naman ay nakakulot. Mukha itong manika. Kumaway agad nang makita ako. "OMG, Lai, you're here pala in Buenavista!"


Yup. Si Renren. Hindi ko alam kung paano ito rito nakarating.


Ang saya-saya nito nang lapitan ako. "OMG, Lai! Akalain mo iyon? Napadaan lang ako rito, kasi parang like ko lang maglakad-lakad dito sa Buenavista, tapos nandito ka rin pala?! OMG really! It's like a destiny—"


"Ayan, kilala mo pala, Laila!" biglang may sumabat na isa sa mga kapitbahay ng mga Prudente. "Kanina pa iyan doon sa may kalsada nagtatanong-tanong kung saan daw dito banda iyong kina Asher. Ikaw pala ang sadya!"


Ang ngiti ni Renren ay biglang tumabingi.


Nagsimula naman na ang picture taking kay Bobbie. Nasa gilid naman ako at si Asher para alalayan ang tatlong taong gulang na bibang bata.


"OMG, Bobbie's so cute!" Si Renren ay napalabas din ng phone nito at nagsimula na ring makikuha ng photos. "So, so cute!" Sunod-sunod ang shot nito.


Sa gilid ay nakahalukipkip pala ang isa sa mga kuya ni Asher na si Amos. Nang tumingin ito sa hawak na phone ni Renren ay nagsalubong ang makakapal na kilay nito. "Hindi naman si Bobbie ang kinukuhanan mo ng photo, kundi si Lai."


Napapiksi si Renren sabay tago ng hawak na cell phone. "Who are you?! And why are you looking at my phone?!"


"I'm the uncle of the celebrant," tamad na sagot ni Amos.



"Oh, uncle?" maarteng sabi naman ni Renren. "Then you're Asher's brother? So, you're also a birdbrain?"


"Bird brain?" Wala namang reaksyon si Amos nang ulitin ang sinabi rito ni Renren. Ni hindi ito mukhang na-offend. "You mean to say an annoyingly stupid and shallow person? But, I think that word suits you better."


Namula nang husto si Renren at padabog itong tumalikod. "Uuwi na ako, hindi naman pala ako welcome dito!"


"I'm sorry," hingi ko naman ng pasensiya sa lalaki. Tiningnan lang naman ako ni Amos, at walang salita na tumalikod na rin ito.


Nakabalik na rin si Asher. Tapos na siyang maligo. Ang bangu-bango. Kaya lang ay napataas ang kilay ko sa kulay ng suot niyang plain RL T-shirt. Kulay cream din kasi na katulad ng sa akin. At iyong pants niya, maong jeans din. Para tuloy kaming nag-usap na dalawa.


Tinawag kami ng photographer para may photo raw ang celebrant kasama ang mga magulang. Hindi naman na ako nakatanggi dahil biglang sumulpot si Tita Judy, at itinulak ako sa likod.


Ilang shots din yata iyong para akong maeempatso sa pagngiti. Ang daming hiling ng photographer. May photo na halos magkadikit kami ni Asher, merong iki-kiss namin si Bobbie sa magkabilang pisngi nito, at meron din iyong kakargahin namin habang nasa gitna ito.


"Apo ko!" Biglang sumulpot na naman si Aling Ason. Walang pasabi na inagaw sa akin si Bobbie. "Halika muna, ipapakilala kita sa iba pang mga amiga ko na bagong dating! Kayayabang ng mga iyon, e! Akala nila ay hindi na magkakaroon ng babae sa mga Prudente! O ito ngayon, ang ganda-ganda ng apo ko! Kamukhang-kamukha ko!"


Dumeretso na si Aling Ason sa mesa ng mga kumare nito. Kahit malayo-layo ay maririnig hanggang dito ang boses nito. "Oo, ito ang apo ko. Si Lila Bathsheba Prudente!"


Prudente? Kailan pa? Paglingon ko kay Asher ay parang wala siyang narinig.


Patay-malisya na ngumiti siya sa akin. "Gutom ka na?"


"Hindi." Inirapan ko siya at binalikan ng tingin si Bobbie. Ibinibida pa rin ito ni Aling Ason sa mga kumare.


"Bobbie nga pala ang nickname nitong apo ko, pero balak ko nang palitan. Kasi iyong Bobbie ay common masyado. Di ko gusto. Plano kong gawin Lila na lang. Kayo, may suggest ba kayo? Mag-suggest nga kayo! Dapat iyong tunog pangmaganda pa rin, ha? Kita niyo naman, maganda itong apo ko, parang ako lang!"


"Ang ganda nga ng apo mo, Ason. Kamukha mo nga talaga, ano?"


"Ay, thanks naman, Mars! May pagmamanahan ba kasing iba itong apo ko kung hindi ako? Ito naman!" Masayang humalakhak pa si Aling Ason sabay hampas sa balikat ng kausap. "Pero, Mars, ha? Iyong utang mo sa katapusan, 'wag mo pa ring kalimutan!"


Nagsimula na ang children's party. Hindi lang mga bata ang nag-enjoy, pati matatanda. Sa buong sandali ay hanggang tanaw lang ako kay Bobbie. Para itong walang paa na kundi kalong ay karga-karga lagi ng lola. Tingin ko ay mas marami rin itong photo kasama ang bata.


Si Asher naman ay ikinuha ako ng pagkain. Nasa iisang mesa kami. Habang kumakain ay wala sa lalaki ang atensyon ko, kundi naroon pa rin kay Bobbie. Kada subo yata ay hindi ko na manguya. Ang dibdib ko ay kanina pa nagrerebelde. Parang mapapatiran na ako ng pisi.


Hindi ko na kinaya lalo nang makitang namimikit-mikit na si Bobbie. Inaantok na. Pabalabag na binitiwan ko ang hawak na tinidor at kutsara. "I want my daughter back!"


Napangiwi si Asher, pero hindi naman umalma. Tumayo siya at iniwan ang kinakain niya. "All right, wait." Lumakad na siya papunta sa nanay niya. Nag-usap sila na hindi ko marinig, pero nakikita ko ang imbyernang ekspresyon ni Aling Ason. Sa huli ay wala ring nagawa ang ginang at nabawi rin ni Asher dito ang bata.


Humihikab na si Bobbie kahit nangangalahati pa lang ang children's party. Ang kambal na pinsan na lang nito ang may energy pa. Hindi kasi talaga ito sanay nang hindi nag-a-afternoon nap.


"Tara, sa kuwarto muna tayo." Inalalayan ako ni Asher papasok sa bahay nila.


Hindi na rin ako pumalag dahil kailangan na talagang mapagpahinga si Bobbie. Sa kuwarto kami ni Asher nagpunta. Wala namang gaanong nagbago sa kuwarto niya, maliban sa split type na ang dating window type aircon, bago ang pintura na kulay light blue, at bago na ang kama. Sa kama niya inihiga ang nakatulog nang bata.


Dahil kami lang dito ay inilabas ko na ang kanina pa gustong ilabas. Sobre iyon na inabot ko sa kanya. Nagsalubong naman ang mga kilay niya. "What's that?"


"Hindi ko alam kung magkano ang nagastos niyo sa party ngayon. Hindi ko rin kaya na magbigay ng malaki, kaya sana ay puwede na iyan. Twenty thousand."



Mula sa pagtataka ay dumilim ang ekspresyon niya. Hindi niya tinanggap ang sobre na inaabot ko. "You can keep it," kalmado man na sabi niya ay may madadamang diin doon.


"I insist." Hindi ko naman ibinababa ang sobre. "Anak ko rin ang may birthday. Hindi puwede na hindi ako magbibigay. Maliit lang ito kumpara sa nagastos niyo, pero gusto ko pa ring mag-abot kaysa wala—"


"Okay." Inilahad niya ang palad sa akin. "Matutuwa naman siguro ang mga bata sa ibaba kung ipapaagaw natin iyang bente mil mo sa bintana."


Napahumindig ako. "Asher!"


Ngumiti siya at naupo sa gilid ng kama hanggang sa magkatabi na kami. Matamis siya sa aking ngumiti. "Yes, Lai?"


Hindi ko na napigilan ang gigil ko. "Damn you."


Lalo lang namang tumamis ang ngiti niya. "I miss you, too..."





TAPOS NA ANG PARTY. Pagabi na nang bumaba kami. Nagpanggap na lang ako na nakaidlip din sa tabi ni Bobbie, dahil ayaw ko na kausapin pa si Asher. Kino-kontrol ko ang sarili pero nakakaubos talaga ng pisi ang maamong pagngiti-ngiti niya. Tapos hindi pa ako kumportable sa kuwarto niya, ang daming hindi importanteng bagay ako na naaalala.


Pagkakain ng hapunan ay hindi na kami pinatulong ni Aling Ason sa pagliligpit. Pati pagliligpit sa labas ay may mga binayaran na itong mga kapitbahay para gumawa ng trabaho. Iyon nga lang ay ayaw pa kaming pauwiin ni Aling Ason, pero firm na tinanggihan ni Asher ang kanyang nanay. Wala naman nang nagawa pa ito kundi ang magmaktol kay Mang Jacobo.


Hindi na kami nag-Grab pauwi ng Pascam. Sinundo sina Tita Judy ni Daddy No. 2 doon sa may kanto. Sumabay kami sa mga ito. Inihatid kami hanggang sa Sunterra. Sa gate na kami nagpababa. Malapit lang naman ang street namin at safe naman sa loob, kaya lalakarin na lang namin.


Si Asher ang may karga sa natutulog na si Bobbie habang ako ay nasa tabi niya. Marahan kami na naglakad sa ilalim ng buwan, sa kapayapaan ng gabi, sa gilid ng mga lamppost sa tabi ng kalsada.


"Lai, I only have one more month to spend with Bobbie before I board the ship again." Narinig ko ang mahina at seryosong boses niya. Hindi siya sa akin nakatingin kundi sa daan, habang yakap niya ang karga-kargang bata.


Hindi naman ako kumibo. Patuloy lang ang marahang paglalakad namin.


"Lai, puwede mo na ba akong ipakilala nang maayos sa kanya? Sa natitirang isang buwan, puwede ba akong maging parte ng buhay niya? Puwede ba akong maging katuwang mo sa pag-aalaga sa kanya?"


Ang sabi niya noon ay babawiin niya ang nasayang na panahon, kaya bakit nagpapaalam pa siya sa akin ngayon? For formality?



"Bahala ka," iyon lang ang sagot ko. Isang buwan siya sa amin, kung gugustuhin niya na talaga na pormal na ipakilala ang sarili kay Bobbie, kayang-kaya niya iyong gawin. Wala rin namang kaso sa akin. Isang buwan lang naman. Wala naman sigurong magiging problema, di ba?



Or so I thought... Dahil pagliko sa street, paglampas sa ilang bahay, ay may isang lalaki na nakatalungko sa tapat ng gate. Nang mapatingala sa amin at makita kami ay doon ito tumayo. Ang lamig sa mga mata nito ay walang sinabi sa lamig ng gabi, lalo nang makita nitong karga ni Asher si Bobbie.


Still, his voice was calm when he spoke. "I've been here since noon. I thought you just went somewhere for a bit, so I waited. Hindi ko namalayan ang oras, gabi na pala."


Ganoon siya katagal? Kanina pa siya rito? "Rio, it's late. Umuwi ka na muna sa inyo at magpahinga—"


"I can't, Lai."


Naramdaman ko naman ang paninigas ni Asher sa aking tabi habang karga-karga niya pa rin si Bobbie.


"Lai, I fought with my mom. She made me choose. And you know what I did? I chose you in a heartbeat."


Mahina pero mariing napabulalas si Asher sa tabi ko, "This fucktard!"


Balewala naman iyon kay Rio na ngumiti pa. Humakbang ito palapit sa akin, at mula sa gilid nito ay makikita ang isang maleta. "Lai, ikaw ang pinili ko. Kaya mula ngayon, dito na rin ako sa 'yo titira."


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro