Chapter 60
BAGSAK KAMING DALAWA NI ASHER SA IBABA NG HAGDANAN!
Nakakapit pa siya sa bandang gitna, kaya nakabuwelo pa siya sa mismo naming pagbagsak, pero natuluyan pa rin kami sa lapag. Nakahiga siya habang ako ay yakap niya pa rin sa kanyang ibabaw. Napaungol siya, "Ah, pota..."
Nakangiwi ang mga labi nang idilat ang isang mga mata. Napakapa siya sa likod ng kanyang ulo. Wala namang dugo, matigas talaga ang bungo. Tiningnan niya ako. "Lai, 'you okay?"
Bumangon ako mula sa pagkakadapa sa kanya. Umupo ako sa kandungan niya at pinakiramdaman ang sarili. Wala namang masakit sa akin maliban sa kaliwa kong braso. Na-sprain yata.
Yakap ako ni Asher nang mahigpit, ang isang malaking palad niya ay nakahawak sa ulo ko, bago kami nahulog, at siya ang nasa ilalim, kaya talagang kung may mapupuruhan sa amin ay hindi ako iyon.
Tumayo na ako nang tuluyan at kinapa ang switch ng ilaw. Ako naman ang napangiwi nang makita ang itsura niya sa liwanag habang nakatihaya siya sa lapag. Nakahubo pa pala kasi siya sa ibaba! Kaya para may naupuan ako na parang malamig na lamog na gulay!
Inayos ko muna ang sarili dahil sali-saliwa pa ang aking damit, lalo ang pang-itaas, pero sira na pala talaga ang kuwelyo ng shirt ko. Nahatak siguro kanina nang mahulog kami kaya nagkapunit. Hindi ko muna iyon inintindi, dahil sa gulat ko nang mapansin ang sentido ni Asher. Meron doong tumutulong dugo!
Kinapa niya iyon at muli siyang napangiwi. Nang maupo siya ay hawak-hawak niya pa rin iyon. "Tumama lang ito sa kanto," sabi niya kahit hindi naman ako nagtanong.
Nilapitan ko siya. "Kaya mong tumayo?" Kahit ang tanong ko dapat ay kung kilala niya pa ba ako. Malay ko ba kasi kung nagka-amnesia siya, di ba?
"Y-yeah." Tumingin siya sa akin, pagkuwa'y biglang nag-panic. "Ikaw? May masakit ba sa 'yo? Baka may sugat ka o pilay?!"
"Wala." Pero napaigik ako nang hawakan niya ako sa braso.
"Shit!" Hinagilap niya ang phone sa sahig. Nakita niya iyon sa di kalayuan, may basag ang gilid pero maliban doon ay mukhang okay pa naman.
May hinagilap siya sa contacts. Napamura ulit dahil siguro hinid sumasagot. Anong oras naman na kasi, baka tulog na ang tinatawagan niya. Sa pangatlong contact sa kanya may sumagot. Dahil malapit sa kanya ay naulinigan ko ang isang paos na boses na parang kagigisng lang dahil may paghingal pa.
[ Tangina naman, Asher! Dapat sleeping beauty na ako ngayon sa tabi ni Vivi, kaso istorbo ka, e! Ano ba kasi iyon?! ] Nabobosesan ko pa, boses iyon ng isa sa mga kaibigan niya na si Isaiah Gideon.
"Papi, emergency."
[ Emergency? ] Doon umayos ang boses ni Isaiah. [ Anong nangyari sa 'yo? Nasaan ka? Sinong kasama mo?! Mabubuhay ka pa naman ba?! ]
"Nandito ako sa Sunterra. Naaksidente kami ni Lai. Pasundo ng kotse mo rito, bilisan mo!" Sinabi niya ang block at lot dito.
Tapos na sila mag-usap nang mahimasmasan ako. Ano? Pasusundo siya rito sa kaibigan niya? At anong aksidente? Iyong pagkahulog namin sa hagdan?!
"Asher, okay lang ako. Hindi ko kailangan ang ospital. Ikaw na lang kung—"
"No. Hindi puwedeng hindi ka mapa-check. You have a sprain in your arm and we are not sure if that is your only injury. What if you have internal bleeding?"
Tumayo siya at parang nahilo-hilo pa dahil napahawak siya sa pader. Nag-alala naman ako dahil baka iyong pinagsasasabi niya ay sa kanya pala mangyari. Kahit matigas ang bungo niya, sanay siya sa basagan ng ulo, at sakit ng katawan noong high school, iba pa rin iyong mahulog ka sa hagdan.
Inalalayan ko siya hanggang sa may sala at kinuhanan siya ng tubig sa kusina. Naubos niya ang laman ng isang baso. Mukhang inuhaw nang todo. Sino ba ang hindi uuhawin? Hataw sa standing ovasion kanina, tapos nahulog pa sa hagdan!
Ibinalik ko ang baso sa kusina. Pagbalik ko ay nakatingala na siya dahil nagdudugo pala ang ilong niya. Nag-panic ako kung anong gagawin, nang pigilan niya ako sa pulso.
"Asher—" Kinabig niya ako sa bewang sanhi upang maupo ako sa kanyang kandungan.
"Are you worried about me?" halos pabulong na tanong niya habang nakasubsob sa balikat ko. "Pag ganyan, baka lagi na akong mahulog sa hagdan."
Sinabunutan ko siya na mahinang tinawanan lang niya. Yakap pa rin siya sa akin na hinayaan ko naman. Maybe I was tired. Pagod din dahil ang hirap pala na bumalanse. Kahit pa sabihing halos karga-karga niya ako kanina, ang standing ovasion ay isang challenge talaga.
Nakakalong ako sa kanya habang yakap-yakap niya ako nang makarinig na kami ng busina sa tapat. Nag-ring din ang phone niya. Nasa screen naka-save ang: Anak ni Anya
"My name was saved 'Anak ni Ason' in his phone," sabi niya dahil siguro nakita niya na nagtataka ako.
"How about Arkanghel and Miko?"
Ayaw niya pang ipakita pero nahablot ko na. Ang naka-ave sa pangalan ng dalawa, kay Arkanghel ay Arkanghel Supot at kay Miko ay Miko Kupal. Wow, how professional. Tiningnan ko siya pero hindi siya makatingin sa akin sa hiya.
"Bubuksan ko si Isaiah," sabi niya na hindi pa rin sa akin makatingin. May pagewang pa sa paglalakad niya dahil siguro hilo pa rin.
Pagbukas ng pinto ay nakapasok na si Isaiah sa gate. "Pasalamat ka, nasa Cavite ako ngayon. Ano bang nangyari? Paano kayo naaksidente?"
"Nahulog kami sa hagdan."
Napatanga si Isaiah. "Ano? Shuta, ang tanga niyo naman—" Nahinto ito sa pagsasalita nang makita ako, at ang ayos ko. Magulo ang buhok, punit ang kuwelyo ng shirt, at hindi makatingin dito nang deretso.
Pagbalik ng tingin ni Isaiah kay Asher ay lalo itong napatanga nang makita ang itsura ng kaibigan. May bangas sa noo, namumula ang leeg dahil sa mga kalmot ko, at baliktad pa pala ang pagkakasuot ng t-shirt. Napaungol na lang si Isaiah nang ma-gets kung ano ba ang pinagmulan ng aksidente.
Sa likod ni Isaiah ay may babae na sumulpot. Hindi pala ito nag-iisa. Kasama nito ang asawa na si Vivi. Galing din ito sa kotse. Sa ilaw ng lamppost ay nakilala ko agad ito dahil wala namang masyado ritong nagbago. Maganda pa rin at mukhang napakabait.
Nasa mukha rin ni Vivi ang pag-aalala. "Lai, ikaw ba iyan? Kumusta ka na, Lai?" Balak pa sanang makipagkuwentuhan nang maalala kung bakit sila rito pinapunta. "Ay, naaksidente nga raw pala kayo! Okay lang ba kayo? Kailangan niyo ba ng doktor? May doktor sa ospital, punta tayo roon!"
Nahiya ako nang malamang iniwan pa pala ng mga ito ang anak sa lolo at lola nito para lang mapuntahan kami rito. Ayaw ko na sanang tumuloy sa ospital pero ang pilit ni Asher. Nag-text pa siya kay Tita Judy na pumunta rito pag maliwanag na at gising na ang kambal.
Windang na naman ang kare-recover lang na si Isaiah nang malamang kaya hindi ako makaalis, ay dahil may batang maiiwan sa itaas. Hindi ito nag-usisa pero OA na nagpapalit-palit sa amin ng tingin ang nanlalaking mga mata.
Hindi na rin ako nakatanggi dahil si Vivi na ang nakiusap sa akin. "Lai, ako na muna rito sa inyo. Babantayan ko ang baby niyo habang wala kayo."
Nag-goobye kiss muna si Isaiah bago sumakay sa kotse. "Ihahatid ko lang sila. Balikan kita rito maya, boo."
Sa isang private hospital kami sa Tejero dinala ni Isaiah. Iniwan din kami agad kasi nag-aalala ito kay Vivi. Doon din daw muna ito sa amin habang hinihintay na dumating ang tiyahin ko. Hinila naman na ako ni Asher para maipa-check up na sa doktor.
Vital signs para sa blood pressure, heart rate, respiratory rate, oxygen saturation, and hydration, X-ray, at kulang na lang ay pati CT scan. Okay naman daw ako, may kaunting sprain lang sa braso, pero to be safe ay under observation pa rin hanggang apat na oras.
Kung hindi pa ako nagalit ay hindi pa rin magpapa-check si Asher kahit siya naman ito riyang duguan ang sentido. Nagpa-check na rin siya sa lahat. Nakahinga ako nang malamang matigas talaga ang bungo niya. Okay naman siya maliban lang talaga sa sugat niya sa noo at iyong pagdudugo ng ilong, pero under observation din para sigurado.
Kumuha siya ng private room para sa aming dalawa na iisa lang ang hospital bed. Siya sa sofa kahit siya dapat ang sa kama, dahil siya ang dumugo ang ilong kanina. Sinitsitan ko siya. "Halika rito, 'di ka kasya riyan." Sa haba niya kasi ay lampas-lampasan sa sofa ang mga paa niya.
"Lai, I'm sorry." Para siyang maamong tuta.
Tiningnan ko siya. Ang guwapo niya kahit may bangas na naman na panibago sa noo. Kahit ilan yata ang maging bangas niya ay okay lang. Nakakainis tuloy.
Ayaw ko na sana siyang tingnan, pero bakit hindi? Libre naman. I just thought that it was better for my eye health to see this handsomeness.
Nakaidlip ako at nang magising ay mataas na ang sikat ng araw. Kababalik lang ni Asher sa kuwarto. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta o kung gaano siya katagal umalis, pero may mga bitbit siya. "Lai, gising ka na!"
Ang mga bitbit niya pala ay mga pagkain. Inihanda niya iyon sa akin. Hindi siya pumayag na hindi ako kakain bago kami uuwi. Dahil gutom ay hindi na ako nag-inarte. Tag isa kaming burger at fries. Sa drinks ay malaki ang binili niya kaya hati kami. Ako ang nauna, iyong tira ang kanya.
Tapos na rin ang ibinigay sa amin na oras for observation, kaya puwede na nga kaming umuwi. Observe pa rin daw sa loob pa ng 24 hours kahit makauwi na, para talagang sigurado. Bumalik daw kami kapag may naramdaman na kahit ano, especially sa ulo.
Nag-Grab na lang kami pauwi. Sina Isaiah at Vivi ay nakauwi na rin, dahil dumating na pala si Tita Judy kasama ang kambal bago pa magising si Bobbie.
Pag-uwi namin ay niratrat agad kami ng sermon ng aking tiyahin. "Bakit sa dinami-dami ng pupuwestuhan, bakit sa may hagdan niyo pa naisipan? Ano ba kayo? Mga exhibitionist?!"
Nasa sala ngayon kami habang ang kambal ay nasa itaas, kasama si Bobbie. Napatakip na lang ako ng tainga sa tinis ng boses ni Tita Judy. Si Asher naman ay nakayuko lang, pero namumula ang magkabilang tainga.
"Paano kung natuluyan kayong dalawa? Ano ang sasabihin namin sa anak niyo na cause of death niyo, ha? Sige nga, sumagot kayo!"
Wala naman sa aming makasagot. Pati ako ay nakayuko na rin. Pero gigil ang aking tiyahin. Tutuktukan dapat ako nito pero humarang si Asher. Siya tuloy iyong natuktukan.
Mabuti at bumaba na ang kambal kaya natigil na ang armalite ng tiyahin ko. Dumating na rin kasi si Daddy No. 2. Sinusundo na ang mga ito. "Akyatin mo muna sa itaas ang anak niyo, Asher," utos ni Tita Judy. "Kakausapin ko lang sandali itong babaeng ito!"
Nasa mukha pa ni Asher na ayaw akong iwan pero pinandilatan siya ng hipag niya, tapos mag-isa na lang si Bobbie sa itaas na naglalaro, kaya napaakyat na lang siya. Bago siya umakyat sa hagdan ay iniwanan niya pa ako ng tingin na parang sinasabi na 'kaya ko ito' at 'sumigaw lang ako kapag nasa panganib ako'.
Nakangiwi ako nang tumingin kay Tita Judy. Paglabas ng kambal sa pinto dahil nasa labas na ang kotse ni Daddy No. 2 ay hinarap muna ako ng aking tiyahin. Seryoso ang mukha niya. "Ano ba talaga ang plano mo, Laila?!"
"Wala," nakangusong sagot ko naman.
"Hindi mo ako maloloko, hoy! Papunta ka pa lang, nakapag-round trip na ako with matching tour pa!"
Dahil wala na si Asher ay wala nang nakasalag nang tuktukan niya ako sa ulo. May little sabunot pa.
"Matanda ka na, Laila. Alam mo na ang tama sa mali. Kaya kung ano na naman iyang niluluto mo sa utak mo, pag-isipan mo pa nang maigi. Baka akala mo ay perpekto ang mga plano mo, pero ikaw pala ang maging luhaan sa huli."
Hindi pa nagtatagal na nakaalis si Tita Judy ay may kapalit na. Hindi na nag-doorbell dahil nakita ko na. Nasa gate papasok si Rio. White polo shirt na Lacoste at faded bastos jeans ang suot. Ang linis-linis na namang tingnan, walang bahid, walang dungis.
Nang makalapit sa akin ay agad na bumadha sa maamong mukha ang pag-aalala. "Lai, I'm sorry. I don't know what happened last night. Basta, paggising ko na lang kanina ay nasa bahay na ako!"
Hindi niya talaga alam dahil plakda siya sa kalasingan nang ipauwi ko siya sa kanila.
"Kanina pa dapat ako pupunta rito, ang kaso naman ay ang sakit ng ulo ko. Tapos nakabantay pa sina Mommy—I mean, the parents there. And that Renren, panay sumbong siya pag alam na aalis ako. Lai, nakikialam sila sa akin kahit di ko naman sila kaanu-ano!"
Biglang may kumalabog kaya napahinto si Rio at napatingin kami sa may hagdan. Nakatayo roon si Asher at ang kamay niya pala ang lumikha ng ingay. Hinampas niya ang pader. Nakangisi siya sa amin. "May lamok, pinatay ko lang bago pa makaakyat kay Bobbie sa itaas."
Napalayo namana ko kay Rio. "Anong ginagawa ni Bobbie?"
"Ah, our kid?" Nakangisi pa rin si Asher nang lumapit sa amin. "It's her afternoon nap. Tulog na pag-akyat ko pa lang."
Kumuyom ang mga palad ni Rio.
Huminto si Asher sa harapan ko, at sa gulat ko ay humaplos sa aking pisngi ang isang kamay niya. "Tss... I can never take my eyes off you."
Habang nakatingala sa kanya ay hindi ko napigilan ang mapalunok. Ang kanyang mapupulang mga labi ay nakangiti pero iba ang nababasa ko sa mga mata niya.
"Gutom ka? Gusto mong magmeryenda?" malambing na tanong niya sa akin, tapos bigla siyang tumingin kay Rio na para bang ngayon lang ito nakita. "Oh, we have a VISITOR."
Pagtingin ko kay Rio ay nakatingin siya sa amin. His eyes were filled with anguish, resentment, and hatred. It was as if I had done something terrible to him.
Lumayo na rin ako kay Asher dahil ang ligalig ng kamay niya, pinipisil-pisil ang bewang ko. Pasimple ko siyang tinapakan sa paa bilang ganti, pero nakangiti pa rin siya.
"So pare, napadalaw ka ULIT?" kaswal na bati niya kay Rio. "Anong atin?"
Nakatayo lang naman si Rio. Wala siyang balak sagutin.
Wala namang epekto kay Asher. Hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi nang nagpatibuwan paupo sa sofa. Itinaas pa ang binti sa may center table, flexing how comfortable he was here.
"You are 1-2 years older than Lai, right? Because as far as I can remember, she used to call you 'kuya'. Anyway, are you still single? Tsk, baka workaholic ka kasi?"
Hindi pa rin sumasagot si Rio.
Napailing-iling naman si Asher. "'Wag kang panghinaan pare. Baka lang naman 'di pa pinapanganak ang para sa yo, o baka pinunas."
Nagtatagis ang ngipin ni Rio pero nanatiling kalmado.
"Asher," mahina pero mariing saway ko naman.
Ngumiti lang nang matamis si Asher, pagkuwa'y nagtaas ng kamay sa ere at chill na sumipol. Gusto ko na siyang buntalin dahil halatang nang-aasar siya.
Nag-iisip ako kung paano sila mapaghihiwalay nang mula sa labas ay may biglang sumigaw. Nakatakas ang alagang American pit bull terrier ng kapitbahay. Sa init siguro ng panahon ay mainit din ang ulo nito. Iniikutan nito ang isang takot na takot na binatilyo na naparaan lang naman.
"Shit, nasaan ang may ari niyan?!" Napalabas na si Asher sa pinto.
Napasunod din kami ni Rio sa labas ng pinto.
"Toy, 'wag kang tatakbo. Steady ka lang," utos ni Asher sa binatilyo, dahil parang isang galaw na lang nito ay sasakmalin na ito ng galit na galit dito na malaking aso.
Na-trigger pa lalo ang aso dahil sa sigaw kanina ng binatilyo. Malayo ang binatilyo para mapatakbo ko ito papunta rito. Wala ring katao-tao sa paligid, sarado ang mga bahay, wala rin iyong may ari sa pit bull. Hindi pa yata alam na nakawala ang alaga.
I was biting my nails because of the tension. Wala akong pakialam sa kapwa, pero ibang usapan na iyong may lalapaing tao sa harapan ko. Iyong napanood ko nga sa Internet na pinagkakagat ng galit na aso ay hindi ko kinaya, ito pa kayang dito mismo sa tapat ng bahay ko?!
Nakita naman ni Rio ang pagpa-panic ko. At bago pa makaisip si Asher ng gagawin para tulungan ang binatilyo ay nakalabas na agad si Rio ng gate. Napatanga kami nang sipulan niya ang aso.
Padamba na ang aso sa binatilyo nang firm na magsalita si Rio, "Stop."
Napatingin sa kanya ang aso.
Nanatili siyang kalmado pero matigas ang tono na kinausap ito. "No. Stop." Pagkatapos ay binalingan niya ang binatilyo. "You, be still, stay calm, and avoid eye contact with the dog."
Dumampot naman si Rio ng pitak ng plywood malapit sa bakuran ko. Iniharang niya iyon sa sarili habang palapit. Ang aso tuloy ay nasa kanya na ngayon ang atensyon.
"Boy, move slowly away while I'm doing the distraction. But, don't forget to cross your arms to protect your chest and throat in case this one attacks you."
Sumunod ang binatilyo. Nang kaunti na lang ang distansiya nito ay agad kong binuksan ang gate para makatakbo na ito papasok.
Nagtatahol ang aso nang mapalingon. Sinamantala naman iyon ni Rio para takbuhin ang nakalawit na hose ng tubig sa kapitbahay. Binuksan nito iyon at itinapat sa aso na ngayon ay pasugod na rito. Bukod sa hindi makalapit ang aso ay tila nahimasmasan ito.
Doon na rin dumating ang may ari nito na nag-afternoon nap pala. Hindi raw napansin na bukas ang gate kaya nakatakas ang alaga. Todo hingi ito ng pasensiya. Panay naman ang pasasalamat ng binatilyo, lalo kay Rio, bago ito nagpaalam na umalis.
"Water is an excellent deterrent. It's like a pepper spray for the moody dogs," sabi ni Rio pagbalik namin sa sala. "Lai, wasn't I pretty cool just now?"
Nag-thumbs up ako dahil totoo naman. May nailigtas siyang inosenteng bata, kaya tumango ako.
Si Asher naman salubong ang mga kilay kay Rito. "You stole the show this time, but I will not let you next time."
Bumukol lang ang dila ni Rio sa kaliwa nitong pisngi.
Paglapit ni Asher sa akin ay mariin niya akong binulungan, "You can't fall for him no matter how cool he is, you understand?"
Naitirik ko na lang ang aking mga mata sa kanilang dalawa.
Kinailangan na ring umalis ni Rio dahil panay ang tawag ni Tita Rica. Pinapauwi na siya ng mommy niya. Pupuntahan na siya rito kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay napilitan siya. "I will text you, no I will call you. Pick up the phone, okay? I want to talk to you and our kid—"
Umubo si Asher. Pagtingin ko sa kanya ay nasa pinto siya at hawak-hawak ang screen door para hindi sumara. "Labas na kung lalabas, pumapasok ang lamok."
Marahang itinulak ko na rin si Rio. "Sige na, Rio. Baka pag mauna pang sumugod dito si Tita Rica ay makita pa ni Bobbie. Mamaya lang ay paggising na iyon, e."
Tumalikod na siya at tinungo ang pinto. Nagkatitigan pa silang dalawa. Magkasing tangkad sila, at dahil maliit lang ang espasyo ay para silang poste na gawa sa bato na kaunti na lang ay magbubungguan na.
Si Rio bago lumabas ay nag-iwan pa ng may lamang salita. "Make the most of your little time here, for it won't be long until I return to claim my rightful position in this house, Prudente."
Umigting ang panga ni Asher pero nanatili pa ring nakangiti, pero sinagot ang hamon ni Rio sa tonong madilim at malamig. "Do your best, Estrada."
HINDI NA UMIMIK PA SI ASHER mula nang umalis si Rio. May tini-text siya sa phone niya, at mayamaya ay naligo. Nagsabi siya sa akin na may kukunin daw siya, pero hindi niya sinabi kung saan o ano. Para naman akong natatanga na panay ang tingin sa pinto. Nabatukan ko na lang ang sarili nang ma-realize ang ginagawa.
Nakakain na kami ng hapunan at napatulog ko na ulit si Bobbie nang bumalik siya. Nakayuko siya nang pumasok. "I went back to the hospital."
May kaba naman na pumitik sa dibdib ko. Bakit? May sumakit ba sa kanya—
May nilapag siya sa ibabaw ng mesa. Envelope na may logo ng ospital na pinuntahan namin kanina. "I am confident that I am clean even without this, but as I promised, I went through another examination to put your mind at ease."
Nang damputin ko iyon at buksan ay latest result ng medical niya. Katulad nang unang ipinakita niya na result sa email, all cleared din. Ibinalik ko sa mesa ang result at blangko na tiningnan siya. "Good to know that you've been careful."
"No. I wasn't."
Napatigil ako at kumunot ang noo.
"Lai, I thought I could go slow, that I could give you more time, but I realized that my patience was not that long." Lahat ng pagiging elegante ay itinapon niya sa sahig, at ibinalik ang dating angas na itinago lang pala, pero hindi talaga nawala. "Dumidiskarte nga ako, e, tapos tangina lang, may epal amputa."
Napahilamos siya ng kanyang malalaking palad sa sariling mukha, at pagkuwan ay nagpakawala ng marahas na paghinga.
"First, gusto kong magkaliwanagan na tayo ngayon pa lang. Hindi ako nandito dahil trip-trip lang. O dahil may hinahabol akong anak sa 'yo. Pero kasali na rin syempre iyon. Dahil lahat ng sa 'yo, Lai, hahabulin ko."
Umawang ang mga labi ko, lalo nang makita na may butil ng luha sa gilid ng mga mata niya.
"Lai, I am clean not because I am cautious. But, because I hadn't been involved with any woman in three years. Do you know what that means?"
"Don't say it," mahina pero mariing banta ko, pero ngumiti lang siya.
Malungkot na nakangiti sa akin ang mapupulang mga labi niya nang marahan siyang lumuhod sa harapan ko at tiningala ako. "Laila Valmorida, over the years, my loyalty to you has never changed."
jfstories
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro