Chapter 6
Sched updates: Every Wednesday and Saturday.
Advanced updates in Subscribers Hub. Sneak peak, the trailer for FMBFIHS, Hyde's story, is now posted there too. Link to the hub is posted in > jfstories about me section. PS. The Subs Hub is an option only. You can still read jfstories on Wattpad. Thank you.
----------------------------------------------------------------------
"BAKIT NGITING-NGITI KA?"
Pagbalik ko sa munting apartment ni Tita Judy ay napataas agad ang kilay sa akin ng babae. Pinamewangan niya agad ako.
Ngiting-ngiti pa rin ako na pumasok sa loob at naupo sa gilid ng kanyang kama. "Wala po. Masama bang maging masaya ang pamangkin mo?"
"Oo, masama talaga. Kilala kita, Laila. Kakaiba ang mga bagay na kinaliligaya mo!" Dinuro niya ako. "Anong dahilan, ha? Para mapaghandaan ko na at masabihan ko na rin ang mga magulang mo!"
Napahagikhik naman ako. "Wala nga po, tita. May nakita lang po ako sa labas na guwapo."
Si Tita Judy naman ang napalabi. "At kailan ka pa nahilig sa guwapo?"
Matagal na. Pero sa iisang guwapo lang. Doon sa kapitbahay niyang semi-calbo. But I didn't tell her about it because it was my little secret.
"Sino naman sa mga Prudente?" tanong ni Tita Judy na ikinasamid ko kahit wala namang laman ang aking bibig.
"Tita, sila lang ba ang guwapo rito sa street?"
Umingos ang babae. "Basta 'wag ka sa kanila. Pare-pareho lang ang magkakapatid na iyan. Mga papalit-palit ng babae at salot sa lipunan."
"Hala, grabe siya o!"
"Totoo naman. Mula sa panganay hanggang sa bunso, mga sakit ng ulo ni Aling Ason. Dapat sa mga iyon ay itinatali ng isang bungkos at sabay-sabay na silaban."
Napanguso na lang ako. Ang tindi talaga ng gigil ni Tita Judy sa mga boys. Man hater kasi siya. May trauma sa babaerong tatay nila ni Mama.
Sa totoo lang din naman, maliligalig talaga ang Prudente Brothers. Pero kahit ganoon, malalambing naman ang mga ito. Kaya nga parang may split personality palagi si Aling Ason, minsan ay gustong gilitan ng leeg ang apat nitong barako at minsan naman ay halos ibida sa lahat kung gaano nito kamahal ang mga 'butihing' anak.
Hindi rin naman talaga lahat ay sakit ng ulo dahil malalaki na ang mga ito. Iyong panganay na si Abel ay may stable job na. IT Manager sa isang foreign company. Ayon na rin sa pagmamalaki ni Aling Ason, napaka-generous daw ng panganay nito, na kahit hindi hinihingian, ay napaka-palabigay.
Kahit galante sa pamilya si Abel, hindi ito nauubusan. Matalino at magaling daw kasi itong humawak ng pera. Sa batang edad na twenty-seven ay may savings na ito at investments. Iyon nga lang, ayaw pa rin daw bumukod. Mukhang wala pa ring balak mag-asawa.
Ang pangalawa namang nakatatanda na si Aram, twenty-one, ay patapon noong high school, pero ngayon ay malapit na ring maka-graduate ng college. Matataas daw ang grades, ang kaso ay reklamador kapag gulay ang ulam.
Iyong pangatlo naman na si Amos, college na rin, pero mula't sapul ay mabait na talaga at masipag mag-aral. Never naging sakit ng ulo ng mga teacher. Serious na mysterious ang datingan sa labas, pero sa loob ng bahay ay burara at isip-bata.
Iyong bunso naman, syempre iyon ang pinakaguwapo. Pinakamaligalig din. Pinakamatigas ang ulo. Ito ang laging sangkot sa gulo. Pero ito ang pinakamalambing kay Aling Ason, kaya ito rin ang pinaka-paborito.
"Palibhasa kasi ay may kaya ang mga magulang, nasa barko ang tatay, may mga paupahan at nagpapautang ng five-six ang nanay. Ayan tuloy, mga batugan ang mga anak." Hindi pa pala tapos sa gigil nito si Tita Judy.
Nagpaalam na ako dahil pagabi na, at saka nasasaktan na ako sa mga pinagsasasabi niya. Pero gets ko talaga siya. Man hater siya since birth. Para sa kanya ay walang matinong lalaki kahit pa pope pa iyan sa Vatican.
Paglabas ko ay hindi na ako umaasa na makikita pa si Asher dahil nakapasok na siya sa kanila kanina. Naglalakad ako at papalapit na sa bahay ng mga Prudente nang biglang bumukas ang gate nila.
Nahugot ko ang aking paghinga nang makitang palabas siya. Tyempo pa na pauwi na ako!
Tumingin siya sa akin at itinaas ang hawak na cellphone. "Magpapa-load ako."
Luh, tinanong ko ba?
Halos sabay lang kami na naglakad. Ang alam ko ay malapit lang ang tindahan sa bahay nila, bakit kaya ang tagal naming makarating?
Pasimple ko siyang nilingon. Hindi siya sa akin nakatingin. May kadiliman sa aming nilalakaran subalit nakikita ko ang ekspresyon niya. Nakasimangot siya!
Sa akin ba siya naiinis? Ano na naman kaya ang kasalanan ko sa kanya? Huminto ako sa paglalakad. At huminto rin siya.
Nakasimangot pa rin siya na humarap sa akin. "Sinabi ko sa 'yo ang pangalan ko, pati grade ko, at kung saan ako nakatira!"
Kumiling ang ulo ko. "Oo nga. Gulat nga ako, eh. Pero anong gagawin?"
"Wala!" sigaw niya sabay talikod sa akin. Pabalik siya sa bahay nila.
"Ha?" Nagtataka na napakurap naman ako. "Uy, akala ko ba magpapa-load ka?!"
"Ayoko na!"
"Hindi mo ako ihahatid sa sakayan ng tricycle?" Baka lang kasi , di ba?
"Bakit kita ihahatid, kilala ba kita?!" Pagkasabi'y binilisan niya na ang mga hakbang hanggang makarating na siya sa bahay nila.
Napapiksi na lang ako dahil sa pagpasok niya ay pabagsak niyang isinara ang kanilang gate. Sa lakas ay nagtahulan tuloy ang mga aso nila.
Mauulinigan na lang ang galit na boses ng nanay niya na si Aling Ason. "Ano ba 'yan, Asher?! Hindi ganyan ang tamang pagsira ng gate! Wasakin mo na nang tuluyan para ikaw ang ipalit ko riyan!"
At naulinigan ko rin ang panggagatong ng mga kuya niya. "Kapal nga ng mukha niyan porke't bunso, 'Nay! Palayasin niyo na nga 'yan! Napulot niyo lang naman ni Tatay iyan sa tae ng kalabaw, eh!"
Napangiwi na lang ako at naglakad na papunta sa sakayan.
UMPISA pa lang ng new school year ay parang end of the year na sa akin. Pakinig na pakinig ako sa lessons, lahat ng puwedeng i-jot down, dyina-jot down ko, at nakikipag-unahan ako kahit simpleng tanong lang ng teacher namin.
Pagdating ng breaktime ay nauna akong tumayo kaysa sa aking ibang kaklase. Gutom na ako at gusto ko ng heavy meal. Sumisikip na ang aking palda pero wala akong pakialam. Hindi mahalaga sa akin ang itsura ko, kahit tumaba pa ako. Mas ayaw kong ma-distract sa pag-aaral dahil kumakalam ang tiyan ko.
Napakadali na lang naman magpaganda kapag naka-graduate na at nagkaroon ng good-paying at stable job. Kaya ko nang bumili ng cosmetics, beauty supplements, at magbayad ng membership sa gym.
Bumili ako ng pagkain sa canteen at doon kumain. Sa desserts ay isang supot ng mani. Maganda ang mani bilang dagdag body energy at to keep my dear brain healthy, dahil nagpo-provide ang mani ng Resveratrol at vitamin E.
Kung meron mang disadvantage ang mani, ay iyon iyong minsan ay nakaka-cause ito ng pimple. Pero hindi ko naman ikamamatay ang pimples. Madali na lang magpa-derma kapag mayaman na ako. Kahit araw-araw pa 'yan, walang problema.
Bandang uwian ay may lumuwag na alambre sa braces ko. Kasalanan ko rin, nakalimutan ko kasi na pumunta sa aking dentist appointment, tapos ang hilig ko pang kumain ng matitigas.
Maaga ang uwian ng Science Class kaysa sa ordinary classes kaya una kami palaging lumalabas. Nakausli pa rin ang alambre sa aking braces, pero kaya pa namang tiisin.
Mas hindi ko matitiis na lilipas ang araw na ito na hindi ko man lang masisilayan kahit dulo ng mahahabang daliri ni Asher!
Pagod ako sa pag-aaral kaya gusto kong pasayahin ang sarili. Lumiko ako ng hakbang patungo sa building ng Grade 11. Kung sisimple ako ng daan sa room nila ay hindi naman siguro niya ako mapapansin.
Nasa unahan lang katabi ng hagdanan ang room ng 11-Narra. Sa may bandang likod naman ng room nakaupo si Asher at ang tropa niya na sina Isaiah at Miko.
Doon sila dahil bukod sa matatangkad sila, ay sa likuran talaga ang gusto nilang puwesto. Nakakapag-cellphone at nakakatulog kasi sila roon kung kailan nila gusto.
Marahan akong naglakad padaan sa harapan. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko agad si Asher. Nakapangalumbaba siya at parang inaantok na. Namimigat na ang mahahaba niyang pilikmata.
Ang last subject teacher nila ay katatapos lang magturo. Nakatayo ito sa harapan. "Okay, class, get one fourth sheet of paper!"
Si Asher na nasa upuan. "Ma'am, one fourth po?!"
Tumaas ang sulok ng mga labi ko. He really was an idiot. My idiot.
Umikot na ang magtotropa para manghingi ng one fourth sa kung sino mang kaklase nila ang meron. A few moments later, they were already busy answering their short quiz.
Okay na ako, nakita ko na siya. Tumalikod na ako para umalis, hindi ko na nakita pa ang paglingon ni Asher at paghabol ng kanyang mga tingin sa akin....
DAHIL MAAGA PA ay pumunta muna ako sa library. Napasarap ako sa pagbabasa-basa ng sunod na ile-lesson bukas. Kung di pa ako pinagdabugan ng bantay ng library ay hindi ko pa matutuklasan na pagabi na pala.
Nag-uwian na halos lahat ng mga estudyante. Papunta na rin ako sa gate para umuwi kung di lang ako napatigil sa paglalakad. Paano ay nakarinig ako ng kaluskos sa gilid ng canteen.
Napahawak ako sa aking bibig kung saan may nakausli pa ring alambre. May multo ba rito sa school namin?! May usap-usapan kasi na dati raw sementeryo itong school. Maraming nakalibing.
Iyong ibang kuwento naman, tapunan daw ito dati ng mga salvage victims. May multo raw talaga rito. At maniniwala na sana ako, kaya lang ay hindi ako uto-uto.
Kahit totoo pa iyan, hindi ako takot sa multo. Mas takot pa rin ako na ma-fall siya sa iba.
Speaking of hindi takot. Sinilip ko na kung ano ang meron sa gilid ng canteen. Baka may meeting pala ng fraternity, e di isusumbong ko agad sa guidance office. Dagdag bida-bida points din iyon para sa akin.
Pagsilip ko ay wala namang meeting. Wala ring binu-bully o ano man. Ang nakita ko couple na mukhang may LQ. Galit na galit iyong girl sa boy.
"Bakit kahit holding hands, ayaw mo pa rin?!" Oo, iyong girl ang may sabi niyon at hindi iyong boy. Hindi raw kasi hinahawakan ang kamay nito kaya ayun, galit.
Dahil natatakpan ng poste iyong boy, hindi ko siya gaanong makita. Iyong galit na galit na girl lang. Siguro nakadagdag pa sa galit nito ang suot na makapal na false eyelashes. Parang ang bigat kasi.
"Hinihintay kita mag-first move. Pero holding hands nga, pahirapan pa. Aasa pa ba ako sa kiss at hug? Ano, hindi mo ba ako love?!"
"Two days pa lang tayo," sagot ng boy sa mababang boses.
Eh, two days pa lang naman pala— Napakurap ako bigla. Anak ng tinapa! Kilala ko kung kaninong boses iyon, ah?!
Nagpapadyak naman iyong girl. "Eh, kahit na! Bakit naman iyong friend mo, nakita ko kahapon na kaakbay iyong GF niya, eh one hour pa lang sila!"
Humakbang iyong lalaki na natatakpan kanina ng poste. Ngayon ay kitang-kita ko na siya. Ang seryosong mukha niya, ang pagsasalubong ng makakapal at itim na itim niyang mga kilay, at ang natural na mapupulang mga labi na mariing nakapinid.
Alam ko ang ganitong ekspresyon niya, galit na siya.
Galit din ako! Anong oras na, ano pang ginagawa niya rito?! At sino na naman itong babaeng ka-LQ niya rito?!
Napakamot siya ng daliri sa gilid ng kanyang kilay, at pagkuwa'y bumuga ng hangin bago malamig na nagsalita, "Tama na, Cheesy."
"Krissy ang pangalan ko at hindi Cheesy!" sigaw na pagtatama ng babae na GF niya pala ng two days. Mukhang hindi na aabot ng three.
Tinalikuran na ni Asher ang two days GF niya na ngayon ay kabilang na sa samahan ng kanyang' less than two weeks exes'. Mga nilalang na parang napadaan lang.
Naiwang luhaan naman ang newly added ex on the list. Pero mabuti na rin iyon, para habang maaga pa ay makapag-isip-isip na si Krissy na ang mga bagay-bagay ay hindi talaga dapat minamadali. Lalo na kung ang lalaki ay sa ending ay hindi rin naman dito mauuwi.
Palakad na si Asher paalis kaya nagkandarapa na ako na bumalik, bago niya pa ako maabutan dito at masabihan pa na tsismosa ako—
"Hoy, tsismosa!"
"Ay, kalbo!" Napatalon ako sa gulat dahil naabutan niya pa rin ako. Ang tangkad niya nga pala dahil hahaba ng mga biyas niya. Isang hakbang niya, katumbas na yata ng isa't kahalating hakbang ko.
"Hoy, sinong kalbo?!" sigaw niya. "Iba iyong kalbo lang, sa poging semi-calbo!"
Hindi ako lilingon. Tinuloy-tuloy ko ang paglalakad habang hindi niya pa ako nakikilala. 'Wag naman sana muna ngayon, naglalangis ang mukha ko, hindi ako nakapagpulbo!
Maligalig nga lang talaga siya, sinusundan niya ako at ramdam ko ang pagbilis ng kanyang mga hakbang. Binilisan ko lalo ang aking lakad. At bumilis din siya ng lakad niya! Ano ba?!
Sa pagpa-panic ay hindi ko na tinitingnan pa ang aking dinaraanan, hindi ko nakita na may bato sa aking harapan. Natalisod ako roon at muntik na akong makipag-lips to lips sa semento, kundi lang may humawak sa buhok ko!
Hindi natuloy, kasi may humawak nga sa aking buhok. Isang malaking kamay ang dumakma sa buhok ko pasabunot, kaya napigilan ako sa pagkakasubsob!
"Oy, ayos ka lang?" tanong niya. Hindi ko sure kung worried ba siya. Iyong boses niya kasi ay parang palaging bagong gising. Matigas na malambing. Tapos madalas nakaka-praning!
Pero bakit hindi pa rin niya binibitiwan ang buhok ko?!
Bakit din kailangang pasabunot sa buhok ang pagligtas na ginawa niya sa akin? Hindi ba puwedeng sa pulso niya ako hilahin? Tapos mapapaikot ako paharap sa kanya, at ang ending ay susubsob ako sa mabangong leeg niya? Di ba dapat ganoon iyon?!
"Pwede bang pakibitiwan na ang buhok ko?" asar na sabi ko. Sinisira niya ang mga romantic ideas sa isip ko!
"Eh, bakit ka muna nakikinig sa usapan ng may usapan?" tanong niya. "At bakit nandito ka pa, eh uwian na, ah?"
"Pwede ba? Hindi ako nakikinig sa usapan niyo ng two days GF mo, at wala akong pakialam kahit pa nag-break kayo dahil lang sa ayaw mong makipag-holding hands sa kanya!" Natutop ko ang aking bibig. Oh, shoot!
Asher finally let go of me. "Ah, sorry, akala ko kasi nakinig ka."
Nakahinga ako nang maluwag. Kinabahan pa ako, eh uto-uto nga pala siya. Tumikhim ako na hindi pa rin sa kanya nakatingin. "Uhm, sabi ko naman, di ba? Hindi nga talaga ako nakinig."
"Oo nga, pasensiya ka na, napagbintangan kita na nakinig sa amin ng ex kong si Cheesy."
"Krissy," pagtatama ko sa kanya.
I raised my hand to say goodbye and was about to walk away when he grabbed my bag from behind.
"Hoy teka, bakit alam mo pala ang pangalan ng ex ko?"
"Ha? Krissy ba?" maang-maangan ko. "Gosh, akalain mo iyon? I am really good at predicting things! I guess it's my hidden talent—"
Bigla niyang hinaltak ang bag ko sanhi upang mapaharap ako sa kanya. Nakataas ang isang kilay niya sa akin nang magsalita. "Sinasabi ko na nga ba."
Sa impact ng pagkakahila niya ay natupad ang kanina lang ay iniisip ko, ang masubsob sa mabangong leeg niya. Pero dahil nakanganga ako sa gulat, iyong nakausling alambre ng braces ko ay sumabit sa kanyang balat.
"Ah, pota!" Nabitiwan ako tuloy ni Asher. Sabay hawak niya sa kanyang leeg na nasaktan.
Tulala naman ako sa kanya. Iyong makinis na leeg niya, may gasgas na! May dugo pa!
"I'm sorry," mangiyak-ngiyak na sambit ko. "Hindi ko sinasadya na bigla mo akong hinila kaya iyan ang napala mo!"
"Nagso-sorry ka ba talaga o nanininisi?!" asik niya habang matalim ang tingin niya sa akin.
Lumabi ako. "Bakit naman kita sisisihin? Hindi kita sinisisi kahit kasalanan mo naman talaga!"
"Hoy, tsismosang lampa na may lahing bampira, ginagago mo ba ako?!"
Napataas na ang boses ko. "Excuse me, I have a name!"
Humalukipkip siya habang nakataas pa rin ang isang kilay sa akin. "Ano?"
Napatigil ako. Lalo noong mapatitig ako sa mga mata niya na para bang bigyang namungay habang naghihintay sa sasabihin ko.
Impit na namilipit ang mga binti ko bago siya sagutin. "Uhm, I'm Lai..."
"Lai ano?"
"Laila Valmorida, Grade 12 from special section, and I live in Brgy. Pasong Camachile, sa may Sunterra Place Subdivision!"
Doon gumuhit ang isang ngiti sa kanyang mga labi. "Nice to meet you, Laila Valmorida na taga Pascam pala, pero kahit gabi ay nakakarating sa amin sa Buenavista."
Napanganga na lang ako nang nakapamulsa sa suot na school pants na tumalikod na sa akin si Asher. Paalis na siya nang muli pa niya akong lingunin.
"Oo nga pala, tikom mo nga 'yang bibig mo. Iyong alambre sa brace mo, nakalawit pa. Baka kung sino pa masaktan mo. Hindi pa naman lahat ng tao ay kasing bait ko." Pagkasabi'y kumindat siya at saka tuluyan nang umalis at iniwan ako.
Correction, hindi pala niya ako totally iniwan dito. Dahil sa pagkindat niya, naisama niya tuloy sa kanyang pag-alis ang puso ko!
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro