Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 59

RIO THEODORE ESTRADA.


With this man's handsome gentle face, calm smile, and all-white attire, from his polo shirt to his baston jeans, he still looked like an angel incapable of committing any crime. Wag mo lang talagang titingnan ang mga mata, dahil dalawa lang ang puwedeng mangyari, mararahuyo ka, o malalaman mo na nagkakamali ka lang pala.


Because this man was not as harmless as he looked.


"HONEY."


Kumibot ang sentido ko sa salitang sinabi niya. Maybe you were curious why his name was saved as Israel in my contacts, yes?


I would explain it, so brace yourselves. Let us start with Rio saving his own number on my phone under the name Israel, pangalan na inimbento niya mula nang ipanganak daw siya ulit. Yes, according to him, he was now a different person. He was reborn the moment he admitted to himself that he liked me as a man like a woman. Crazy, right? But, wait, because there was more crazier than that.


Ikinakahiya niya raw ang mga magulang niya dahil inaalipusta ako ng mga ito, as if hindi siya kasali sa mga umalispusta sa akin dati. Anyway, hindi naman na raw kasi siya iyon. Sa papel na lang daw siya si Rio Theodore Estrada, pero bagong tao na raw talaga siya ngayon. Ang itinuturing niyang kapanganakan ay iyong araw na napagtanto niyang ako lang daw ay sapat na.


"Are you surprised to see me?" nakangiting tanong niya. Binuksan niya na ang gate at pumasok bitbit ang kanyang maleta.


Muling kumibot ang sentido ko. "Alam man lang ba kahit ng kapatid mo na nandito ka?"


Lumamlam ang mga mata niya. "Honey, didn't you forget? I'm an orphan with no siblings."


See? He was no doubt crazier as a shithouse rat.


Napatingala ako para i-summon ang lahat ng pasensiya sa mundo, bago ko siya ulit tiningnan. "I'll text Renren."


Nakangiti pa rin siya. "Renren? Who's that?"


Speaking of Renren. That woman was the reason why Rio had tracked me down. Rio had been looking for for me since I left Cavite, but could not find me. Until one day, he caught Renren staring at something on her cell phone. When he saw that it was a candid photo of me somewhere in Mandaluyong, he figured his sister was aware of my whereabouts.


Determinado siyang matunton kung saang lupalop ako naroroon kaya hindi muna siya bumalik sa ibang bansa, at palihim niyang sinundan ang nakababatang kapatid, kahit saan ito magpunta. His desperation finally paid off after more than three months. He found out where I was.


I already gave birth with Bobbie that time. Akala ko ay matatauhan si Rio dahil may anak na ako, pero ganoon na lang ang pagkibot ng sentido ko dahil kabaliktaran ang nangyari. Todo pasasalamat siya sa akin dahil may anak na raw kami!


Doon na rin nagsimulang maging animated ang araw-araw ng buhay ko. Halos ginawa na nilang tambayang magkapatid ang apartment ko sa Mandaluyong kapag wala silang trabaho. Akala tuloy ng mga kapitbahay ko ay siya ang papa ni Bobbie.


Mas sa akin pa silang umuuwing magkapatid kaysa sa bahay nila sa Cavite. Minsan ay nagkakairingan silang magkapatid, pero mabuti naman, dahil takot sila kapag talagang galit na ako. Iyon nga lang, makukulit talaga ang lahi. Bumabalik pa rin sila, kahit ilang beses ko na silang i-try na ipagtabuyan. 


Nakakatipid ako sa grocery dahil palagi silang nagpapasiklaban sa pagdadala ng kung anu-ano, kahit iyong hindi ko naman kailangan. Dumalang lang nang magsimula nang maglakad si Rio ng papeles niya pabalik ng Guam. Magsasakripisyo raw siya. Mag-a-abroad ulit siya para mas maganda raw maibigay niya sa amin ni Bobbie na buhay.


Nakaalis na nga si Rio pero parang hindi rin. Maya't maya siya mag-text at tumawag. Nakukulitan na lang din ako kaya sinasagot ko na lang minsan. Kasi kapag hindi sasagutin ay tatawag siya sa landlady ko. Kesyo nag-aalala raw siya dahil hindi sumasagot sa kanya ang mag-ina niya. Kinalakihan na rin tuloy siya ni Bobbie. Sinasaway ko lang kapag tinatawag siyang 'papa', pero wala, nahawa na rin ng tigas ng bungo sa kanya iyong bata.


Generous din si Rio sa pagpapadala ng almost half ng sahod niya, at seriously, napapagod na lang akong tumanggi. Kapag kasi hindi ko tinanggap ay itatapon na lang daw niya ang pera, tutal hindi ko naman daw naa-appreciate ang pagsusumikap niya. Kaya tinatanggap ko na lang, pero wala siyang kaalam-alam na kahit piso sa mga iyon ay hindi ko ginagalaw at naiipon lang.


"Where's our kid?" tanong niya pagkapasok sa gate. Hinalikan niya ako sa noo bago pa ako makaatras palayo.


Nag-iisip pa ako ng puwedeng dahilan para mapauwi siya nang walang aberya, nang magtuloy-tuloy na siya sa sala. Napahabol naman ako sa kanya, pero kusa rin siyang napahinto.


Nanlalaki ang mga mata niya nang lumingon sa akin. "There's an unfamiliar scent lingering around here."


Suminghot din ako. Wala naman akong naaamoy, ah?


Naglakad siya at kinapa ang mga gamit sa sala, mula sa center table, sa electric fan, pati sa mga throwpillow sa sofa. Umigting ang panga niya. "It's men's aftershave!"


Nagpakawala ako ng paghinga. Okay na rin siguro na malaman niya ng—


Mula sa hagdan ay may pababang mahahabang binti. Sabay kami ni Rio na napabaling doon ng paningin. Ang matangkad na lalaking pababa ay nagsasalita. "Lai, may tao ba?"


"Who the hel—" Nasungalngal ko agad si Rio ng isang throw pillow.


Si Asher na karga ang batang babae na mukhang antok pa, dahil nakangudngod pa sa kanyang leeg. "Lai, gising na kasi si Bobbie. Naghahanap ng dede—" Nahinto rin siya sa sinasabi nang makita ang kasama kong lalaki. Agad na nagdilim ang mga mata.


Ganoon din si Rio. "What is this man's doing here?" tanong na may pagtatagis ng mga ngipin. "Why he's from upstairs and why is he holding our—" Sinungalngal ko ulit siya ng throwpillow.


Pumagitna ako agad sa kanila. "Natatandaan niyo pa siguro ang isa't isa. Rio, siya si Asher, alam mo na kung sino siya. Asher, siya si Rio, alam mo na rin kung sino siya."


"Of course, I do," halos sabay na sagot nila na hindi kababakasan ng kahit anong emosyon sa tono, pero parehong madidilim ang kani-kanilang mga mata.


"Good!" Napapalakpak ako. "And I hope you're both aware that you're just my visitors here."


Sabay pa yata na umigting ang mga panga nila, pero sabay rin silang obedient na tumango.


Naalimpungatan na si Bobbie. Lumingap sa paligid ang paningin nito at nang matuon kay Rio ang mga mata ay namilog ang mga iyon. "Papaaa!"


Sa aking kinatatayuan ay kitang-kita ko ang pagguhit ng sakit sa mga mata ni Asher.


Kabaliktaran naman sa mga mata ni Rio ngayon na nangingislap. Proud na lumakad siya patungo kay Bobbie, na ngayon ay kumakawag na dahil palapit siya. Nakangiti siya sa bata. "Did you miss Papa—"


Biglang inilahad ni Bobbie ang munting kamay sa harapan niya. "Gimme moneeey!"


Ang ngiti ni Rio ay nauwi sa ngiwi. Same, Rio. Same.


"Anak, hindi maganda na hihingi agad ng pera kapag bagong kita pa lang," pinangaralan ko naman ang bata na mukhang pera. Ewan ko ba, doon ko yata kasi ipinaglihi.


May katwiran naman agad ito. Lumabi ito kumiling ang ulo. "Buuut, Mama, money is the besttt!"


"I know, anak, I know. Pero kahit na. Kapag ganyan, dapat hintay-hintay muna para naman di masyadong halata."


Nag-thumbs up ang muli nitong mga mga hinlalaking daliri. "Owkayyy, Mamaaa!"


Si Rio ay in game na ulit nang maka-recover. "Bobbie, come here to Papa."


Nag-stretch naman ng munti nitong mabibilog na braso ang bata para magpakuha kay Rio, ang kaso ay iginilid ito ni Asher. "Dedede pa siya sa mama niya."


Nagtagis ang mga ngipin ni Rio, pero ngumiti pa rin. "She can do that after I hug her. You know? I missed her. It's been year since the last time I saw her. Time flies so fast. Ang liit-liit pa niya dati noong kinakarga ko, kasi palagi akong natabi niya noong baby pa siya, pero ngayon ang laki-laki na niya."


"Nakakagulat ba?" Nakangiti rin si Asher. "Ako kasi, hindi masyadong nagulat, e. Ganyan kasi sa lahi namin, bata pa lang ay malalaking bulas na. Kaya expected ko nang malaking bata si Bobbie, lalo dahil sa akin siya nagmana." May diin sa huling salita niya.


Kumibot ang isang kilay ni Rio pero nanatili pa ring nakangiti. "She's smart like Lai. Mabuti nagmana ng utak sa mama niya. Sigurado na paglaki, marami siyang medal sa school na makukuha."


"Yeah, beauty and brain. Indeed a perfect combination." Again, there was an emphasis on Asher's last word.


Pumormal na ang mukha ni Rio pati ang tono. "Give Bobbie to me."


Seryoso na rin ang mukha ni Asher. "No."


"I said, give her to me."


"And I said, no."


Bago pa sila makarating sa kung saan ay ako na ang kumuha sa bata. "Akina si Bobbie, padededehin ko na!"


Kinuha ko si Bobbie kay Asher. Ang dalawang lalaki naman ay tila may invisible lightning and thunder sa pagitan. Napadede ko na't lahat ang bata sa kusina ay hindi pa sila tapos magtitigan.


Napansin na rin iyon ni Bobbie. Itinuro nito ang dalawang lalaki. "Why Papa stare at my babyyy?!"


Sabay na lumingon ang dalawa. "What?!"


Mabuti at dumating si Tita Judy bago gumabi. Windang ang bagong extension nitong pilikmata sa nadatnan. "Laila, napakaimoral mo! Bakit dala-dalawa ang lalaki mo rito?!"


Tinakpan ko naman na ang bibig ni Bobbie. "Anak, doon ka muna sa mesa. May laruan doon at please, wag ka munang magsasalita."


Pagbalik ko sa sala ay yakap-yakap na ni Asher ang tiyahin ko. "My lovely sister in law! Why are you so lovely every day?!"


Tulala na lang sa bayaw si Juliana Denise Enfante-Prudente.


Si Rio na na-off guard ay alanganing ngumiti. "Glad to see you again, Tita Judy. I... miss you."


Sabay naman kaming napangiwi ni Tita Judy. Kasi parang dati lang, kung makasimangot si Rio sa side ni Mama Madi, ay akala mo'y nakakakita ng kung anong nakadidiri. Pero iyon na nga, different person na nga raw pala siya ngayon.


Itinulak na ni Tita Judy si Asher palayo, pero ayaw pa rin siyang bitiwan ng lalaki. Yakap-yakap pa rin ng mga braso nito ang leeg niya. Kung hindi niya pa siniko ay hindi pa talaga siya lalayuan.


"Balikbayan ito, ano?" Itinuro ng tiyahin ko si Rio. "Aba, pag ganyan e dapat nagpapainom! Hala, bumili ka ng isang case doon!"


Namutla naman si Rio. "I don't drink..." Hindi natapos ng lalaki ang sasabihin dahil nakitang nakataas ang kilay ni Asher.


"Di ka nainom? Don't worry, bro, may Yakult si Bobbie sa ref na binili ko kanina. Magsabi ka lang, ikukuha kita."


Nagusot naman ang matangos na ilong ni Rio. "No need. Hindi ako lasenggo pero kaya ko namang makisama kapag kailangan."


Pumalatak na lang si Asher. Silang dalawa ang bumili ng alak. Pagbalik ay may mga dala-dala na. Dalawang long neck na na Emperador Lights at dalawang Red Horse na tag-isang litro. May mga bitbit din silang kutkutin at pakete ng juice.


Habang pinapakain ko ng meryenda si Bobbie ay nagsimula na ang pag-ikot ng shot glass sa sala. Ang tiyahin ko ang tagapagpaikot. Pasimpleng tagay tapos tapon, dahil ang totoo ay namumulutan lang. Pero iyong dalawa, straight kung straight.


First time kong nakakita ng nag-iinom na tahimik habang masama ang titig sa isa't isa, at pag oras na ng shot ay walang patumpik-tumpik at walang kurapang tungga agad.


Tiyahin ko na ang naumay sa dalawa. Nagbukas ito ng stereo at mayamaya lang ay nagkakakanta na. Bigay na bigay. May hugot. Mukhang miss na miss na ang asawa.


Si Bobbie nang matapos magmeryenda ay nagsimula nang laruin ang mga lego na nakalagay sa paper bag, pasalubong dito ni Rio. Wala itong pakialam sa paligid dahil busy na sa ginagawa. Hanggang magdilim na ay laro ito nang laro.


Pagdating ng hapunan ay saka na nagpaalam ang tiyahin ko. Nakauwi na raw ang kambal kasama si Daddy no. 2. Hindi naman talaga ito uminom, nakigulo lang. Nag-iwan pa ito ng makahulugang tingin bago lumayas.


Kumain na rin kami ng hapunan ni Bobbie. Iyong dalawa naman sa sala ay kapwa namumula na, pero wala pa ring hinto. Kay Rio ako nag-aalala kasi hindi naman talaga siya umiinom, tapos may jetlag pa, kaya malamang na gugulong siya mamaya sa sarili niyang suka.


"'You sing, bro?" narinig kong maangas na tanong ni Asher kay Rio.


Dinampot ni Rio ang iniwan ni Tita Judy na songbook. "Although music is just a waste of time, I think I can try it. Hmn, why not? Maybe I'm not only good at academics."


"Really?" Humalukipkip naman si Asher habang naka-di quatro, hindi naaalis ang angas sa namumula nang mga mata. "Go, pick a song. I'll sing after you."


Muntik na yatang malaglag ang panga ko nang makitang isang old OPM song ang pinili ni Riong kantahin. Maangas pa rin naman si Asher nang magsimula na ang background ng tugtog.


Pero iyong angas niya ay nabawasan nang kumanta na si Rio. Kahit ako, I couldn't believe that this guy could sing! His voice was clear, in tune, and resonant!


"Bakit ba ako laging ganito? Lagi akong 'di mo pinapansin. Para na lang akong laging sumusunod sa gusto mo. Lagi kitang inaalala kahit 'di mo ako pansin. Honey, my love, so sweet."


Sa pagdating sa medyo high pitch ay malinis na kuha ni Rio ang tono. Hindi rin maramot sa emosyon.


"Kahit ako'y 'di mo pinapansin, hindi ako nagagalit sa 'yo, 'pagkat alam ko na ang iyong damdamin para sa 'kin. Hindi mo lang alam ang aking nadarama 'pag kapiling ka. Honey, my love, so sweet!" Habang kumakanta pa ay hindi na sa screen ang mga mata, kundi sa akin na nakatuon "Kahit sino ka pa, basta't mahal kita! Lagi na lang akong sumusunod sa 'yo! Mahal kita, at 'yan ay totoo, oh... Honey, my love, so sweet...!"


Sa sumunod na kanta ay kinuha agad ni Asher ang microphone. Ang pamumula niya ay hindi na masabi kung dahil sa kalasingan pa ba.


Mayamaya lang ay pumapailanlang na ang tugtog ng kanta ni Chris Norman na No Arms Can Ever Hold You. Kasunod niyon ay ang buo at malamig na boses niya. "Baby, frozen tears... It was hard through the years. I'll never give up never one of my dreams. And God only knows, that I can't let you go."


Napalagok naman si Rio ng alak sa shotglass.


"When I'm in love, it will be for better. I gave you my heart forever and ever! No arms can ever hold you more than I do! No man can ever love you, no, it's true!"


Seryoso ba sila?! Parang gusto ko biglang hiramin ang 'OMG' ni Renren!


"Baby, now I'm alone and I try to be strong. But my baby, I cry, silent tears without pride. And I can't hold on to the feeling that's gone. And there's nothing to lose, 'cause I'm playing the fool!"


Nang bumirit na si Asher ay napa-sunod-sunod na shot na si Rio nang walang chaser.


Kumalabog naman ang gate sa labas. Pagsilip ko ay naroon nakatayo si Renren. "Is my ex-brother here?!"


Sinenyasan ko siya na pumasok. Sakto, pagpasok niya ay nakasubsob na si Rio sa sofa. Hindi na pala kinaya, tinakasan na ng kaluluwa. Hindi naman nga kasi sanay na uminom.


Tumayo si Asher pagkatapos ng kanta niya. Inilapag niya ang microphone sa mesa. Nakasimangot na tiningnan si Renren. "OMG, uwi mo na kuya mo sa inyo."


Napahumindig naman ang babae sabay duro sa kanya. "And who are you to make utos to Renren?!"


"Hala, bakit ganyan magsalita iyan? Parang may topak."


"Lai!" Napatili na si Renren. "Look at him! Napakabastos! How dare he, right? Magalit ka! Magalit ka, Lai! Paalisin mo iyang bastos na iyan dito!"


"Ren," mahinang saway ko naman sa babae dahil nakatingin na si Bobbie. Napahikbi naman ito pagkatapos ay biglang umamo. "Iuwi mo muna ang kuya mo sa inyo. Malamang na alam na ng parents niyo na nakauwi na siya. Ayaw mo naman siguro na sugurin nila ako rito, di ba?"


"Of course, ayaw ko!" biglang sagot ni Renren. "Hindi ako papayag sugurin ka nina Mommy rito! Renren will protect Lai!"


"May topak nga." Bubulong-bulong si Asher, kaya pasimple ko nang tinapakan ang paa niya. Kandangiwi tuloy siya.


"Okay, since ayaw mo akong sugurin nina Tita Rica, iuwi mo na sa inyo ang kuya mo. Lasing na lasing na rin iyan, tapos may jetlag pa, kailangan niyang magpahinga."


Nanlaki ang mga mata ni Renren. "Hey, Lai! Are you worried about my brother?!"


"Mas nag-aalala ako sa sarili ko, dahil baka sugurin nga ako rito nina Tita Rica. Kaya sige na, iuwi mo na ang kuya mo."


Doon umamo ulit ang mukha ni Renren. "Okie dokie!" Nag-book na ito ng Grab. Nang dumating ang driver ay tinadyakan nito ang kapatid sa tagiliran. "You wake up, ex-brother! Mapapahamak si Lai kapag nag-stay ka pa rito!"


Hindi naman na gumagalaw si Rio, dahil nga bangenge na sa kalasingan. Sinenyasan ko na si Asher. "Tulungan mo."


Itinuro niya ang hintuturo ang sarili. "What? Ako?"


"Alangang ako? Kaya ko ba iyan? Mamaya madaganan pa ako niyan."


Nang mapaisip ay nagmamadali siyang lumapit sa sofa kung nasaan si Rio. Inakbay niya sa kanya ang walang malay na lalaki at walang ingat na kinaladkad na papunta sa pinto. Napatapik na lang ako sa ulo nang makita ang mga kalat sa sala. Nagkaroon pa ng ligpitin o.


"Ako na riyan," ani Asher na nakapasok na pala ulit sa pinto.


Nilingon ko siya. Nakailan ba siyang shot? Ngayon ko napansing pulang-pula na pala talaga siya.


"Asikasuhin mo muna si Bobbie."


Humihikab na ang bata sa upuan. Napagod na sa mga nilalaro nitong lego. Nilapitan ko ito at tinulungang magligpit ng mga laruan nito. Dahil init na init ay sumabay na ako rito sa banyo. Habang naglulunoy ito sa planggana na may bula ay mabilisang nag-shower ako sa likod nito. Paglabas namin ay naghuhugas na si Asher sa lababo.


Hindi na ako nagpaalam sa kanya. Inakyat ko na si Bobbie sa itaas dahil mukhang antok na antok na ito talaga. Nagbihis na kami at nag-blower ng buhok. Tinabihan ko na ito at saglit lang ay naghihilik na agad ito.


Nagtatalo ang isip ko kung bababa pa ba ako para silipin kung ano na ang ginagawa ni Asher o hindi na. 11:45 p.m. na. Puwedeng tulog na siya dahil lasing pa siya. Pero malay ko ba kung matibay pa rin sa alak ang kanyang sikmura?


Palakad-lakad ako sa kuwarto habang kagat-kagat ang dulo ng aking kuko sa hintuturo nang biglang may kumatok sa pinto. Napalingon ako roon kasabay ng pag-ahon ng kung ano sa loob ng dibdib ko. This was him. Asher was the one behind the door.


Inayos ko ang sarili at ginawang pormal ang aking mukha bago siya pinagbuksan. Pagbukas ko ay nagulat ako dahil napakadilim sa labas. Kahit ilaw sa katabing hagdan ng pinto ay hindi nakabukas.


"Tulog na?" Si Bobbie ang tinutukoy niya.


"Oo—" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang bigla niyang hinuli ang aking pulso at hinila ako.


Pagkasara ng pinto ay isinandig niya ako roon. Walang kailaw-ilaw dito sa labas ng kuwarto na katabi mismo ng hagdan. Binuksan niya ang kanyang cell phone. Napatingala ako sa kanya, at mula sa liwanag ng phone ay nakita ko ang paglalakbay ng kanyang mainit na tingin sa aking mukha.


Amoy alak pa rin siya, pero mukhang nag-toothbrush na, dahil mas lamang na ang amoy ng toothpaste na mint. He showed me his phone, and on the screen, I saw a paper that had just been forwarded from a private hospital in Manila. Sa isang tingin pa lang ay alam ko na kung para saan ito, pero sinabi niya pa rin.


"It's my recent med result. Wala pang one month. Humingi lang ako ng copy sa email, pero bukas kukunin ko sa amin ang original. At kahit may ganito, magpapa-check pa rin ulit ako this week, since what you want is the latest."


Hawak ko na ang phone niya pero hindi ko magawang tingnan, dahil nasa kanya nakatuon ang mga mata ko. Nasa mga labi niya na bakit kahit madilim ay tila pa rin kay pula-pula?


"You can check it all you want. No HSV, HIV, HPV, and even chlamydia, gonorrhea, or herpes. I'm clean from any sexually transmitted infection. Wala rin kahit ubo o sipon."


Napalunok ako habang marahang ibinababa na ang kanyang phone. "So anong gusto mong iparating ngayon?"


"Can you guess?" Ang kamay niya ay nasa garter na ng short na suot ko. "You tested my patience too much earlier, that's the clue."


Pagkasabi'y napasinghap ako nang pumasok na ang dalawa sa mahahabang daliri niya sa loob ng underwear ko. At bago pa gumana ang namanhid kong utak, ay nasiil na ng mainit na mga labi niya ang mga labi ko!


And then I realized that Asher wasn't the only one whose patience had been tested today, so I returned his hot and deep kiss twice as much. We punished each other's lips with hungry kisses while we impatiently ripped off the clothes from each other's bodies.


Napaungol na lang siya si Asher nang may malasahang dugo sa bibig niya, pero tuloy pa rin. Walang pagtitimpi na binawi namin ang aming pagkabitin noong nakaraang gabi, dito na mismo, at patayo sa labas ng pinto ng kuwarto. We did it rough, hard, and fast. It was wild to the point that we forgot which area of the house we were in.


Pareho kaming humihingal nang sabay manlaki ang mga mata namin sa dilim. "Fuck," usal niya nang matiyak kung saan na kami nakapuwestong dalawa. There was no escaping it, unless may mahahawakan siya, pero wala, dahil karga niya ako habang magkadikit pa rin kaming dalawa. Niyakap na lang niya ako nang mahigpit sabay bulong, "I'll pay for the hospital bills."


Yes, as dumb as it may sound, nahulog nga kaming dalawa ni Asher mula sa tuktok ng hagdan!


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro