Chapter 58
NAKATULOG BA SI ASHER NANG MAHIMBING KAGABI?
Maybe? Kahit bitin ay hindi naman siya aping-api. Wala nga lang makakapagsabi kung hanggang saan siya makakapagtimpi. Tumingin ako sa kalendaryo. I still have time. For now, let us just wait for the medical result.
Sabay kaming bumaba ni Bobbie nang magising na ang bata. May pasok sa playschool kaya 7:00 a.m. pa lang ay gising na ito. Nasa hagdan pa lang kami nang mapasinghot ako. Amoy may piniprito. Mukhang mas maagang nagising ang boarder ko.
Mula sa kusina ay lumitaw siya. Nakatali ang buhok, naka-apron, habang bitbit sa kaliwang kamay ang bandehado na may lamang fried chicken. Nang makita kami ay matamis na ngumiti. "Good morning, ladies."
Imbes gantihan ang ngiti niya ay kumunot ang noo ko. "Carrot pancake at malunggay juice ang naka-schedule na almusal ngayon ni Bobbie."
"Puwede namang ilipat sa meryenda."
"Nag-chicken na siya kahapon—"
Hindi ko natapos ang sinasabi sa biglang pag-irit ni Bobbie. "Chickennn!" Sumampa agad ang bata sa upuan. Excited nang kumain ng pagkain na bihira lang nitong makain!
Napatapik na lang ako sa aking noo, at saka matalim ang tingin na ipinukol kay Asher. Napasipol lang naman siya.
Si Bobbie naman ay hindi makaakyat sa upuan. Malaking bata ito pero minsan ay hirap pa ring makasampa kapag walang tulong. Tutulungan ko na sana ito nang mapansing ang biglang pagpa-panic ni Asher. Hindi niya malaman ang gagawin kung tutulungan ba ang bata o hindi.
Napataas ang kilay ko. I was right in my suspicion, takot si Asher kay Bobbie. Never pa niya itong nilapitan nang kusa, kinarga niya lang ito noong nakaraan dahil sa pagpa-panic niya nang magising ito na siya lang ang kasama. Pero kung siya mismo, natatakot siya na hawakan o masolo ito, like he was scared to make a mistake in front of the kid.
Nagsisimula na siyang mamutla dahil hindi pa rin makasampa si Bobbie sa upuan. Hindi naman ako kumilos. Hinintay ko siya kung ano ang gagawin niya. Napatingin na siya sa akin na parang sinasabi na tulungan ko ang bata, pero sumipol lang ako.
Nakasimangot nang lumingon sa amin si Bobbie. "Hwelp meee!"
"Ayoko. You didn't say please." Tinalikuran ko ang batang babae na ngayon ay paiyak na.
Nang pasimple akong lumingon ay nakay Asher na ang nagsisimula nang maluha na mga mata ni Bobbie. "Please hwelp!"
Muntik na akong matawa nang makitang nakailang ulit umalon ang lalamunan niya. Dang, he was like what he cooked, a chicken!
Nang makita niya ako ay nahuli niya ang aking pagngiti, kaya napasimangot siya. Katulad na katulad ng pagkakasimangot ni Bobbie kanina. Pinalis ko rin agad iyon sa isip.
Sa huli ay wala naman nang nagawa si Asher kundi ang lumapit kay Bobbie, dahil hinihintay siya ng bata. Tumaas ang malulusog na munti nitong braso sa kanya para yakapin siya sa leeg. Kinarga niya ito para makasampa sa upuan. Matapos ay para na siyang kamatis sa pamumula ng buong mukha niya.
Lalo pa siyang namula sa sinabi ni Bobbie sa kanya. "Thank youw, babyyy!"
"W-what?" Lumingon siya sa akin.
Again, nagkibit-balikat lang ako.
Tumabi na ako kay Bobbie sa may mesa. Si Asher na naguguluhan ay naupo na rin sa kabilang upuan. Pinilian niya ng hita ng manok ang bata at iniligay sa wooden plate nito.
"Ingredients?" tanong ko.
"Egg, buttermilk, black pepper. As for the herbs, I used yours. Onion powder, cayenne pepper, and salt."
"No oregano?"
Napaubo siya. "W-what? Bakit kailangan ng oregano?"
Hindi na ako sumagot. Kumain na ako, habang paminsan ay inaalalayan si Bobbie na kumain sa tabi ko. Naubos na agad ni Bobbie ang manok niya nang kalabitin ako nito. "Mamaaa, can I have one more?"
Saglit akong napaisip, pagkuwa'y tumango. "Okay. Pero kalahati na lang."
Nagtaka na naman si Asher. "Why does she have to ask you for another chicken?!"
Tamad ko siyang tiningnan. "Fried food increases the risk of type 2 diabetes and heart disease because they are heavy in fat, calories, and salt."
Hanggang matapos ang pagkain ay nakatanga si Asher sa akin. Patay-malisya lang naman ako.
Pinahinga ko lang saglit si Bobbie bago pinaliguan. 8:00 a.am ay sinuotan ko na ng shirt at pajama na uniform nito sa playschool. Pinaupo ko muna sa sofa habang ako naman ang maliligo.
"Pakitingnan-tingnan," bilin ko kay Asher na ngayon ay nakaharap sa lababo at naghuhugas na ng pinagkainan.
Pagkatapos kong maligo ay inasikaso ko na ulit si Bobbie. Nalagyan ko na ang bata ng sapatos nang lumapit sa amin si Asher. Nakapagpalit na siya ng suot na t-shirt.
Ang mga mata niya ay nakatuon sa logo sa naka-tuck in na shirt ng bata. "Doon din siya sa school ng kambal?" tanong niya kahit sa sarili ay alam niya na ang sagot.
"Oo."
Hindi na siya nagtanong pa ng iba. Malungkot ang mukha niya nang damputin ang wallet niya sa may center table. Alam niya nang matagal ng alam ni Tita Judy, pero mas napatunayan niya iyon ngayon.
Napabuga ako ng hangin. "Nalaman lang ng tiyahin ko nang nandito na kami sa Cavite. It was also the first time she saw Bobbie."
Napalingon naman siya sa akin. Sa mga mata niya ay mababasa ang pagkagulat sa pagpapaliwanag ko. Hindi na siya nagkomento pero hindi nakaligtas ang maliit na pagngiti niya nang sumunod na sa pinto.
"Ihahatid ko na kayo."
"Wala ka namang sasakyan."
Siya naman ang nagkibit-balikat. "Tricyle. Ako sa likod ng driver, kayo sa loob."
Nakapayong kami na lumabas ng bahay dahil kahit maaga pa ay mainit-init na. Siya ang may hawak ng payong habang ako ang may hawak sa kamay ni Bobbie.
Dahil mataas siya masyado ay naaarawan pa rin kami. Tumingin siya sa akin at kahit hindi siya magsabi ay parang naiintindihan ko kung ano ang gusto niyang sabihin. Tumango ako. Huminto kami at yumuko siya sa bata. "Do you want me to carry you?"
Lumingon naman muna sa akin si Bobbie para hingin ang approval ko. "It's okay if you want to."
Doon bumungisngis ito at lumingon kay Asher. Kinarga niya naman ito habang ang malamlam na mga mata ay sa akin nakatuon. Umiwas naman na ako sa kanila ng tingin. Ako ang may bitbit sa bag ni Bobbie, habang siya ang may karga sa bata gamit ang kanang kamay at sa kaliwa ay hawak ang payong. Naglakad na kaming tatlo palabas ng gate ng subdivision.
Hindi lang kami basta inihatid ni Asher sa school. He also stayed. Ang mga mommy at nanny ng ibang estudyante ay napapatingin sa amin. Pansinin naman kasi talaga siya, hindi lang dahil siya lang ang bukod tanging lalaki na naghihintay, kundi dahil sa ang tangkad niya at magandang lalaki.
Dalawang oras kami na maghihintay kay Bobbie, kaya tinanong niya ako kung meron akong gusto. Umiling naman ako. Heavy breakfast kami kanina kaya busog na busog pa ako. Bumili pa rin naman siya ng mineral water. Inabot niya iyon sa akin habang nakatingin pa rin sa amin ang ibang nandito.
May nangingiti, tila naaaliw, at mga nagsisikuhan habang pasimple siyang tinitingnan. Iyong isang mommy ay hindi na nakatiis na batiin ako. "Mhie, ang guwapo ng hubby mo."
Ngiti lang ang sagot ko.
Hindi pa rin naman ito tumigil. "Ngayon lang siya, ah? Saan galing ba?"
Si Asher ang sumagot. "Kabababa lang po sa barko."
"Aw, seaman!" Sumabat ang isa pang mommy. "Uy, husband ko rin, seaman, e!"
Nagkaroon ng kaunting kuwentuhan, mababait ang ibang mommy, makukulit, pero hindi nakulitan ni minsan si Asher. He answered all of the questions hurled at him, even the most trivial ones. He also smiled and laughed at even the most corny jokes. Minsan ay nagbibiro din siya, pero iyong sakto lang. Kahit iba-iba ang edad ng mga mommy rito ay magalang siyang makipag-usap sa lahat.
Ang gaan ng paligid, hindi katulad kapag ako lang, parang nangangapa sa akin ang mga mommy. Kahit bihira ako sumali sa kuwentuhan ay aaminin ko na nalibang ako. Ni hindi ko namalayang tapos na pala ang playschool session.
Paglabas ni Bobbie ay ito lang ang bukod tangi na hindi nanakbo. Naghintay ito ng turn nito bago lumapit sa amin. Lalapitan ko na dapat ito nang mauna si Asher, at sa gulat ko ay kanyang kinarga bigla ang bata na agad ding namang yumakap sa leeg niya.
May kumalabit sa akin. Nang lingunin ko ay isa sa mga mommy na matanda sa akin ng mga ilang taon siguro. Nakangiti ito. "Ang suwerte mo sa mister mo."
Nang tumingin ako kay Asher ay hindi siya sa akin nakatingin pero ang mga labi niya ay may naglalarong ngiti.
Paglabas namin ng school ay nakasalubong namin si Tita Judy. Magsusundo ito sa kambal. 7:00 a.m. ang pasok ng mga ito at halfday lang. "Ay, end of the world na ba?" Napatingala ito sa langit bigla.
Pinandilatan ko ito, pero natawa lang.
"Una na kami, Ate Judz," paalam naman ni Asher dito.
"Sige. Ingat ka, este kayo pala."
"Thanks."
Lumakad na kami paalis habang nakasunod sa amin ng tingin na may kasamang ngisi ang tiyahin kong ubod ng galing.
Pag-uwi ay pinanood ko muna si Bobbie ng Animal Planet sa TV sandali. Si Asher naman ay nangusina na agad. Nagluto siya ng sinigang na hipon. Siya ang bumili sa talipapa sa Riverside, nilakad niya lang habang nakapayong. Sa sahog ay siya rin ang namitas sa bakuran ko. Pagkakain ay siya rin ang nagligpit ng pinagkainan namin.
Si Bobbie ay nakatulog sa sofa. Ako sana ang kukuha nang may mag-doorbell sa labas. Pagsilip ko sa bintana ay dalawang payong ang aking nakita. Dalawang babae ang nasa labas. Si Lydia Punzalan at ang panganay na anak.
"Asher, pakidala si Bobbie sa itaas, dalian mo," utos ko sa kanya dahil inaabot na ng dalawang babae ang tarangkahan ng gate sa labas.
Nakisilip siya at nang makita ang mga ito ay walang tanong na sinunod niya ang utos ko. Kinarga niya si Bobbie. Bago nga lang umakyat sa hagdan ay nilingon niya pa ako. "Will you be okay?"
Tumango ako. "Sige na. Pakibuksan na lang ang aircon dahil mainit sa kuwarto."
Pumunta na ako sa pinto dahil nakapasok na ang mga ito. Kinakatok na ako. "Laila, bilis! Pakibukas! Ang init dito sa labas!"
Sinulyapan ko pa muli ang hagdan. Wala man lang tanong si Asher kung bakit ayaw kong malaman ng mga dumating ang tungkol kay Bobbie. Hindi niya inuusisa dahil siguro alam niyang hindi rin ako magsasabi.
Pagbukas ng pinto ay agad na pumasok ang dalawa. Kapwa hulas ng pawis dahil sa katirikan ng araw. "Electric fan!" ani Lydia habang pinapaypayan ng kamay ang sarili.
Si Laura ang nagbukas ng electric fan pero sinolo nito ang hangin. "Lai, may aircon ka sa itaas, di ba? Nakabukas ba? Doon muna tayo?"
"Oo nga, 'nak!" Nahampas pa ako ni Lydia sa balikat. "Mag-aircon tayo! Ang init, grabe!"
Nakatayo lang ako at hindi kumikilos. Bakit ba sila nandito?
"'Nak, tara, aircon. Tingnan mo ang Ate Laura mo, init na init, o. Buntis iyan, baka mapaano."
"Tanghali ho kayo lumabas, kaya normal lang na mainitan kayo."
Umingos si Laura. "E, mainit naman din doon sa bahay namin sa Bacao. Walang kisame, kaya para kaming nasa pugon. Tapos siksikan pa kami sa dami namin. Mabuti ka nga rito o may taas pa ang bahay mo. Kalaki para sa 'yo."
Naupo sa sofa si Lydia. "Laila, anak, dito muna sana kami ng Ate Laura mo."
"May bahay kayo sa Bacao."
"Ang init nga roon." Napapalatak si Laura. "Saka, siksikan kami. Nagkasagutan pa kami ni Lenlen dahil nandoon siya pati mga anak niya. Palaging walang makain. Paano naman ako? Baka mapaanak ako roon nang wala sa oras!"
Tumango si Lydia. "Kaya nga sabi ko sa Ate Laura mo na dito muna kami sa 'yo, para kako may kasama ka rito. Mahirap din iyong nag-iisa ka sa buhay. Hindi ako makatulog kakaisip sa 'yo, kung napapaano ka na ba rito, o kung kumakain ka ba o puro trabaho."
"Hindi puwede." Matigas na umiling ako. "Kahit ang pagpunta niyo ngayon dito, nakakaistorbo. May trabaho na dapat gawin. Umuwi na kayo."
Nagbago na ang mukha ni Laura. Bumangis na. "Iyan ang problema sa 'yo, Lai! Ang taas mo masyado! Kaya tingnan mo, tumatanda ka nang dalaga dahil sa ganyang pag-uugali mo!"
Umawat naman agad dito ang ina. "Laura, tama na. Hayaan mo na ang kapatid mo. Pasasaan ba't matatauhan din iyan, na ang pamilya ay iisa lang sa mundo at hindi napapalitan."
Pumunta na sila sa pinto pero nasa mga mukha ang pigil na galit. Bago lumabas ay may paputsada pang iniwan si Laura. "Mabuti pa ang ibang tao, nagmamalasakit sa amin. Wag mo sanang pagsisihan ito."
Nakaalis na ang mga ito ay kumikibot pa rin ang sentido ko. Hindi muna ako bumalik sa itaas. Pagkaalis na pagkaalis ng mga ito ay tila on cue ang biglang pagsulpot ni Renren. "Hi, Lai! Missed me?!"
Wala akong nasisilip na kotse sa labas kaya mukhang nag-taxi lang. Pero nasaan ang taxi? Nakaalis na ba agad? At bakit siya pawisan?
Deretso ng pasok si Renren sa sala. Crop top na pink ang pang-itaas, elephant jeans sa ibaba, at pink din na wedge. Naka-pink na shades, ang buhok ay naka-pony at ang nakaladlad naka-curl. Maraming bitbit na shopping bags ang babae. Mukhang bagong sahod. Ang tamis-tamis ng ngiti ng glittered pink lips.
Ibinaba niya sa harapan ko ang kanyang mga dala-dala. "Galing pa ako ng Manila. Pagkatapos ng work ko, dito ako dumeretso, because I so miss you! And look at these pasalubong I have for you!"
"Ano na naman ito? Baka magtaka na ang parents mo dahil bawas ang sahod mo." Ang laman ng mga paper bag ay isa-isa niyang inilabas. Mga damit ko, sandals ko, at vitamins ko ang binili. Meron din namang para kay Bobbie, pero ilang piraso lang, kumpara ng para sa akin.
Nakangiti lang si Renren. Parang walang narinig na pumili sa mga damit. Dumampot ng purple dress na may mga lace. "Look, Lai. This is bagay for you. Can you sukat this, pretty please?"
"Hindi pa ako naliligo. Saka ayaw kong magsukat."
Lumabi si Renren. Mayamaya ay animated na naman ang mukha. "Lai, you like me, right? You don't like other people. You don't like my brother, your poor family in Bacao, and that Asher! But you do like me!"
Nalukot ang ilong ko. Hindi ko na mabilang kung makailang beses niya na itong nasabi sa akin.
"Second to Bobbie, I'm your favorite person, right? Pero nauna mo pa rin akong naging favorite kay Bobbie. Iyon nga lang, it's a default na siya na ang first because she's your daughter. But it's fine. You know, Renren is very understanding and kind. I'm really okay with being the second. Basta hindi ako mapapalitan, I'm good."
"Kauuwi mo lang ng Cavite," sa halip ay sabi ko. "Dapat doon ka muna dumeretso sa inyo."
Sumimangot siya, pero agad ding ngumiti ulit. "Anyway, Lai, ano nga pala ang balita roon sa poor family mo in Bacao?"
Bakit niya itinatanong? Nakasalubong niya ba sa labas kanina iyong dalawa?
Dumi quatro si Renren sa sofa. "Lai, hindi ka ba napapaisp kung bakit kaya ang lalakas ng loob ng mga iyon na habulin ka pa rin? Nakakainis sila, di ba?"
Kumunot ang noo ko. Seryoso na ang boses ni Renren, hindi nagbi-baby talk, hindi rin tunog abnoy. May mga pagkakataon talaga na ganito siya, at kapag ganito ay mas mahirap siyang basahin.
"Lai, don't you think there's a reason why they are being shameless like that? Ano sa tingin mo ang nagpapalakas ng loob nila?" Naging madilim ang mga ngiti ni Renren. "O mas tamang tanong ay... sino?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Maybe someone is helping them." Nagkibit ng balikat si Renren at ang mukha ay mas sumeryoso pa. "May sumusuporta sa kanila nitong mga nakaraang taon na wala ka. Isang tao na konektado sa 'yo. Kaya naman ganoon kalakas ang loob nila na isiping pagbalik mo, babalik ka rin sa kanila, dahil konektado kayo sa iisang tao."
Matigas ang tono ko nang magsalita. "Walang kahit sino ang dapat manghimasok sa problema ko sa pamilya."
Maligayang napapalakpak naman si Renren. "That's right! Kapag merong nakialam, you should kick that person out! Parang binastos ka na rin niya kapag pinangunahan ka niya, right? Kaya kahit sino pa siya! Wala siyang lugar sa buhay mo!"
"Okay." Sumang-ayon na lang ako para matapos na. Pinauwi ko na si Renren. Napapayag ko naman ang babae dahil napapangako niya ako na isusukat ko ang mga pinamili niya sa aking damit.
Pagbalik ko sa itaas ay una kong nakita si Bobbbie na mahimbinig ang tulog sa foam. Hinanap ko si Asher sa maliit na kuwarto, naroon siya sa harapan ng pader kung saan nakadikit ang maraming photos ng bata. Hinawi niya ang kurtina.
"Umalis na?" tanong niya na hindi ako nililingon.
"Oo."
Saka lang siya nag-alis ng paningin sa pader at bumaling sa akin. Deretso, seryoso, na pakiramdam ko ay biglang lumamig ang paligid. "Can we talk about her now?"
Talk? Anong talk? Lumikot ang mga mata ko. "Sinabi ko na, di ba? Bobbie is mine—"
"Anong plano sa birthday niya?"
Napakurap ako. "Ha?"
"That's what I want to talk about. This coming weekend na iyon."
"Ah, iyon ba?" Nakahinga ako nang maluwag. Pumormal ulit ang mukha ko bago siya muling hinarap. "Nothing grand."
"Alam ko na hindi dapat masunod sina Nanay sa gusto nila, dahil sa 'yo pa rin ang huling desisyon, pero wala ka bang balak pagbigyan sila kahit ngayon lang?"
Nakagat ko ang aking ibabang labi.
"Kung ayaw mo talaga, okay lang. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila—"
"Give me until tomorrow," bigla na sabi ko.
Maliit na ngumiti siya at tumango.
Habang nakatingin sa kanya ay nakita ko ang pagod niya. Mukhang pag-iwan ko sa kanya kagabi ay hindi pa talaga siya nakatulog agad, maaga rin siyang bumangon para mamalengke at magluto kanina, at siya rin ulit ang nagluto nang tanghalian. Walang nag-utos sa kanya. Nakakairita pero aaminin ko na mas lamang ang pagtaas ng aking kilay. Hindi ko lang maisip na magagawa niya ang mga ganitong bagay.
Palabas na siya ng pinto ng kuwarto nang pigilan ko siya. "Gusto mo bang magpahinga?"
"Huh?"
"You can take a nap here. May aircon dito. Sa baba, wala. Magtatrabaho naman ako kaya puwedeng ikaw muna ang tumabi kay Bobbie."
Hindi ko na siya hinintay na makasagot. Pumunta na ako sa desk ko para gawin ang aking online job. Hindi na ako lumingon at nagtuloy-tuloy na sa pagla-log in. Kapag nagdidilim ang monitor ng laptop ko ay nakikita ko ang repleksyon niya. Nakaupo siya sa foam habang pinapanood ako. Paminsan-minsan ay tinatapik niya si Bobbie sa puwitan kapag naaalimpungatan ito.
Mga kalahating oras din bago siya siguro talagang tinamaan na ng pagod at antok. Nahiga na siya sa tabi ni Bobbie. Nang sa aking tingin ay talagang tulog na siya ay saka ko inikot ang kinauupuang swivel chair. Nakatagilid siya ng higa paharap sa bata at ang isang kamay niya ay naiwan pa sa puwet nito dahil sa pagtatapik niya rito kanina.
Magkaharap sila at parehong malalim ang paghinga. Napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Tumayo ako para patayin na ang aircon dahil hindi naman na mainit. Binuksan ko ang electricfan at itinutok sa kanila. Nag-inat-inat ako nang mag-beep ang phone ko sa loob ng drawer. Kahapon ko pa pala iyon hindi tinitingnan.
Pagkuha ko ay may sampung missed calls na at limang text mula sa naka-saved na contact. Israel. He was aking what my plans were for Bobbie's birthday. He also said that he had a surprise for the kid. Napasulyap ako foam kung saan natutulog si Asher. May kung anong pakiramdam na bumangon sa dibdib ko.
This was not part of my calculations. Ang dami ko na talagang mali. At sa dami ay hindi ko akalain na may idadami pa pala. Dahil may panibago pa pala na dadagdag.
Tunog ng doorbell na sanhi ng aking pagpitlag. Hindi na ako sumilip sa bintana dahil sa pagmamadali ko na makababa. Pagbukas ng pinto ay nakita ko ang surpresa na tinutukoy ng text niya. Isang matangkad na lalaki na may katabing maleta.
Lalaking bagaman nakangiti ang mga labi ay iba ang kislap ng mga mata. And this man was Rio Theodore Estrada!
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro