Chapter 57
ASHER WAS NOT LYING. Hindi talaga siya takot sa baranggay o tanod. Noong high school ay madalas siyang mapasali sa gulo. Hindi naman siya napapaano dahil literal na matigas ang kanyang ulo.
E, bakit niya pa-sinuggest diyan? Parang tanga lang. At bakit siya nagdedesiyon bigla? Unang-una, sperm lang ang ambag niya!
Nakasimangot na sumunod na ako sa pagbalik sa loob. Gusto ko sana siyang dagukan, pero ang bilis niyang maglakad, para siguro hindi ko siya abutan. Hindi ko talaga naabutan dahil mas mahahaba ang biyas niya, kaya mas malalaki rin sa akin ang kanyang mga hakbang.
Pagpasok ko sa gate ay naulinigan ko ang masasayang boses ng mag-asawang Prudente sa sala. Napakunot naman ang noo ko. Bakit ba ang saya-saya ng mga ito?
Ang nagtatanong ay si Aling Ason. "Ano'ng paborito ng baby namin?"
Sumagot naman ang munting matinis na boses. "Moneyyy!"
Sumunod na magiliw na nagtanong ay si Mang Jacobo. "Ano'ng birthday wish ng baby namin?"
"Moneyyy!"
"Ano'ng gustong gift sa Pasko ng baby namin?"
"Moneyyy!"
Parang naka-record ang munting boses. Sa dinami-dami ng tanong, iisa lang ang sagot ng bubwit. Tuwang-tuwa naman ang lolo at lola sa mukhang perang apo. Napapangiwi na lang ako pagpasok sa pinto.
Pinagigitnaan ng dalawa ang bata habang hawak-hawak pa rin nito ang tag-iisang libong papel na pera. Si Asher na naunang pumasok ay inilapag sa gilid ng sofa ang dala niyang duffle bag.
Si Mang Jacobo ay napasunod sa bunsong anak ng nagtatanong na mga mata. Pero imbes mag-usisa ay napailing lang at nagbuntong-hininga. Pero iba si Aling Ason. Nabura na ang pagkaaliw sa mga mata nito, at napalitan iyon ng seryoso ekspresyon.
Sa akin na ito nakalingon. "Lai, gusto naming makasama ang nag-iisa naming babaeng apo. Gusto naming makita ang mga baby photos niya, newborn screening, pati ultrasound. Gusto naming malaman ang lahat ng tungkol sa kanya, dahil gusto namin siyang higit na makilala."
Ha? Ganoon sila kainteresado sa bata? Tanggap na nila ito nang ganoon-ganoon lang kahit ngayon pa lang nila nakita?
Namaypay sa hawak na pamaypay si Aling Ason kahit nakatutok naman dito ang electric fan. "Saka pala, Lai, magbi-birthday na raw itong apo namin. Maganda kung sa amin sa Buenavista ang party gaganapin, dahil maliit lang dito sa bahay mo. Para madali sanang makapunta rin ang mga amiga ko."
Windang na windang pa ako nang tuloy-tuloy pa rin ang bibig ni Aling Ason sa pagsasabi ng mga plano nito.
"Ang birthday nitong apo ko ay dapat na engrande. Marami akong iimbitahin, kaya hindi kakayanin kung dito gaganapin. Kaya doon na lang sa amin. Ipapasara ko ang buong street. Bale, dalawang handaan. Isa sa tanghali para sa matatanda at isa sa hapon para sa mga bata. Aarkila ako ng magician at clown."
Doon na tumikhim si Asher para makasingit. "'Nay, pag-uusapan muna sana namin ni Lai."
"Bakit pa?!" Nandilat sa kanya ang nanay niya. "Heto nga at tutulong na ako para hindi na kayo mahirapan. Next week na iyon. Tapos ikaw, aalis ka na rin next month. Ngayon lang makakapag-birthday ang anak mo na naririto ka at unang birthday niya rin na kasama kami, di ba dapat lang ay en grande?!"
"Ason, Ason..." malumanay na umawat na si Mang Jacobo sa asawang parang kaunti na lang, malapit nang mag-transform na dragon. Ang laking tao, pero tiklop ito dahil malaki rin ang asawa. Kaya nga malalaki ring tao ang mga barako.
Hindi pinansin at basta iwinasiwas lang naman si Mang Jacobo ng malaking braso ni Aling Ason. "At ano pang pag-uusapan niyo? Titipirin niyo ang birthday ng nag-iisa naming babaeng apo? Kung gastos ang iniisip niyo, puwes, kami na! Apo naman namin iyan!"
"Kaya naman namin, 'Nay." Napakamot na sa ulo si Asher. "May ipon naman ako. Pero pag-uusapan muna sana namin ni Lai. Magsasabi naman kami sa inyo kung ano ang mapag-usapan."
"Siya nga naman sweetheart," segunda ni Mang Jacobo. "'Wag ka nang umepal, at hayaan mong silang mga magulang ang magdesisyon—" Hindi nito natapos ang sinasabi dahil nasungalngal ito ng asawa.
"Magtigil ka, Jacobo! 'Wag mo akong ma-sweetheart-sweetheart diyan, dahil baka madamay ka sa pagkasora ko rito sa bunso mo!"
Natigil lang ang tila armalite na bibig ng ilaw ng tahanan ng mga Prudente nang may maliit at matinis na boses na sumingit.
"Are you fighting in front of a kid pow?"
Sabay-sabay kaming napatingin kay Bobbie na nakalabi. Dahil doon ay kumalma ang bagong kilala nitong lola. Tila napahiya. Pasikretong nag-thumbs up naman ako sa bata.
"O siya, sige mag-usap kayo," sumang-ayon na si Aling Ason, pero may banat pa rin. "Pero gusto ko pa rin na en grande ang birthday ng aming apo! Kung ayaw niyo sa street, ay puwede namang kumuha ng airconditioned na venue. Siguro, mas maganda nga ang ganoon, nang hindi pagpawisan ang aking apo. Gusto niya raw kasi ay naka-gown siya, syempre mangangati iyan kapag mainitan!"
Nagpaalam na ang mga ito dahil pupunta raw kina Tita Judy. Mukhang makakatikim ng sermon ang aking tiyahin, dahil obviously, kasabwat ko ito sa pagtatago ng totoo.
Bago umalis ay nilamukos muna ni Aling Ason ng halik si Bobbie, kaya halos mapuno ng lipstick ang mukha ng bata. Hindi naman mukhang nandiri ang anak ko, sa halip ay kakatwa na nangingislap ang mga mata nito. Hindi pa rin maka-move sa kaalamang ang lolo at lola ng kambal na pinsan ay lolo at lola rin pala nito.
Nang makaalis na ang mga magulang ay napasentido naman si Asher. Para siyang naubusan ng lakas nang napaupo sa upuan.
Si Bobbie ay excited na pumalakpak. "I wantcha big birthday partyyy!"
"Sure," ani Asher sa bata.
Pinandilatan ko siya.
"Lai, may point naman si Nanay," malumanay na baling niya sa akin. "Ngayon lang nila nakilala ang bata. Ngayon lang nila nalaman na may apo pa silang isa. They want to celebrate it."
Hindi na ako umimik. Nakatingin na lang ako kay Bobbie na ngayon ay ngiting-ngiti habang nakatingin kay Asher. Alam na kaya ng bata kung sino itong tinitingnan nito? O ang tingin pa rin nito sa lalaki ay baby brother na regalo ko?
HINDI PA ALAM NI BOBBIE KUNG SINO SI ASHER. Hindi ako nangunguna, dahil parang si Asher mismo ay hindi pa handa na ipakilala kay Bobbie ang sarili niya. Para siyang napapaso sa bata na hindi maintindihan.
Pinagmamasdan ko siya. Madalas lang siyang nakatitig kay Bobbie, pero hindi siya nagtatangka na lumapit. Mas gusto niyang hawakan ang mga gamit nito, kaysa rito mismo. Parang takot na takot siya na kung didikit ang maski dulo ng daliri niya sa bata ay baka maglaho ito.
Just like now. Nanonood si Bobbie ng TV. Ang pinapanood nito ay Animal Channel sa cable. Binibigyan ko ito ng two hours kapag weekend para manood ng TV, ng palabas na aprubado ko, para kahit paano ay may alam ito sa mundo.
Habang tila manika na hindi gumagalaw ang bata sa sofa ay nakatayo lang naman si Asher sa may kusina. Nasa may mesa siya at nakatingin lang sa bata. Pareho silang hindi halos kumurap. Si Bobbie ay sa pinanonood nito, at siya sa naman ay sa bata.
"Gutom na ba siya?" tanong niya sa akin bigla.
Nang tingnan ko siya ay hindi siya sa akin nakatingin, dahil ang mga mata niya ay hindi pa rin maalis kay Bobbie na nasa sofa.
"Mag-iisang oras na siyang nanonood. Baka gutom na siya."
"Kakakain lang ng meryenda." Um-order siya ng donut sa online kanina, limot niya na ba?
"Pero baka gutom na siya. O kaya baka nauuhaw?" Lumingon siya sa akin, nasa mga mata niya ang pag-aalala.
"May bibig iyan. Magsasabi iyan kung sakaling nagugutom man o nauuhaw."
"But, Lai..."
"No more buts."
"Okay," sumusuko na lang na bitiw niya.
Malapit nang gumabi kaya mamimitas na ako sa aking mini garden. Napapitlag naman si Asher nang makitang papunta ako sa pinto. Walang angas, at ang makikita sa mukha ay pagpa-panic.
Seryoso talaga? Napakaangas niya dati, maski nga sa multo, o sa nanay niya, ay hindi siya takot. Tapos ngayon, sa bata lang ay tiklop siya?
"Pipitas lang ako ng gulay sa labas," naiiritang sabi ko. Kapag naiiwan sila ni Bobbie na sila lang, sa tuwing kailangan kong magbanyo, o may gawin saglit, ay para siyang tanga na hindi magkandaugaga. Ang bata naman ay nagtataka lang na nakatingin sa kanya.
Napangiwi rin naman siya nang ma-realize na mukha siyang tanga. "O-okay, ingat ka."
Ako ang nagluto kinagabihan. Nakakain na ng fastfood si Bobbie kagabi, kumain pa ng instant food kaninang almusal katulad ng hotdogs, at nag-meryenda pa ng donuts na napakataas ng contain na sugar, thus the kid had to consume greens for body detoxifying. I prepared rice with malunggay, scrambled egg with spinach, and carrot soup for the side dish.
Sa tubig naman ay ang babasaging pitsel na dalawang oras ng may nakababad na mga hiwa ng pipino. Habang naghahain ako sa mesa ay nakatanga lang si Asher sa akin.
"Puwede tayong um-order, Lai," alok niya kasi dahil ang nakikita niya ay puro gulay.
"Hindi," mahina pero final na sabi ko.
Napabuga siya ng hangin kahit parang gusto niya pang makipagtalo. "Okay."
Good. Nasa pamamahay ko siya, kaya kung gusto niyang mag-stay nang payapa rito, ay matuto siyang makisama.
Tumulong siya sa akin sa paghahain sa mesa. Ingat na ingat siya sa kilos niya, dahil sa tuwing nagkakamali siya, kagaya ng magkaibang size ang plato na nilalatag niya ay naririnig niya ang pagpiksi ko. Agad naman niya iyong papalitan ng bago. Bawat kilos ay bago gawin, titingin pa muna siya sa akin para alamin kung aprubado.
Sabay-sabay kaming dumulog sa hapag. Kakain na siya dahil mukhang gutom na nang matigilan, dahil bigla kaming sabay na yumuko ni Bobbie. Alipin ako ng pera, makasarili, walang pakialam sa ibang tao, at nabubuhay lang para sa anak ko, kaya hindi ko masasabing mabuti akong tao. Gayumpaman, naniniwala ako. Hindi rin para ipinagkakait ko sa bata ang maniwala. Kaya bago kumain, bago matulog, at bago lumabas ng bahay ay sanay na nagpi-pray ito.
Napa-sign of the cross naman si Asher, kaysa tumanga lang siya kung di siya gagaya. Nang magsimula nang kumain ay hindi nakaligtas sa akin ang pagngiti niya.
Mapayapa kaming kumakain nang mauhaw si Bobbie. Uminom ito ng tubig, subalit may natapon na kaunti sa gilid ng bibig, dahil malaki masyado iyong babasagin baso para dito.
"I think she needs a tumbler," ani Asher na may pag-aalala.
Tumikwas ang isang kilay ko. "Tumbler that made of plastic?"
"There are plastics that are BPA-free." Napakalumanay ng tono niya nang sagutin ako.
Na taliwas naman sa tono ko. "And you believe that once it's BPA-free, it's safe already?"
"Hindi naman siguro ibebenta sa market kung hindi safe, Lai. Saka katulad sa mga food container, nakalagay naman sa tumbler if it's reusable, microwave safe, and BPA-free—"
"Not every component that went into making it is listed on the package. We have no idea what else it may consist of. And, even if the plastic is truly free of BPA, it is still possible for any toxic, hormone-disrupting substances to get into food and water through it. Kaya ang daming batang makukulit at hyperactive, nakakaranas ng early puberty, at ang malala, nagkaka-cancer!"
Napahilamos siya sa kanyang mukha at parang sinu-summon ang lahat ng baon niyang pasensiya. Ito ang unang pagtatalo namin tungkol sa bata.
Itinuro ko ang mga drawers sa kusina. "Maghalughog ka riyan. Kahit isang pirasong tupperware, wala kang makikita. Wala kahit silicon na food container, molder, or even spatula. Lahat diyan kundi babasagin ay stainless steel. At ang chopping board ko ay gawa sa wood. Mura lang pero safer than plastic chopping board!"
"Okay, okay." Mababang-mababa ang tono niya. "Please, 'wag na nating pagtalunan. Naririnig ng bata—" Napatigil si Asher dahil paglingon niya kay Bobbie ay nakatakip ito ng tainga.
"Alam niya kapag puwede, o hindi niya puwedeng pakinggan ang isang bagay."
Napausal na lang siya. "Damn..."
Ngumisi naman ako dahil simula pa lang iyan.
SA SOFA SA SALA NATULOG SI ASHER.
Siya na mismo ang pumuwesto roon katulad noong nagdaang gabi, pagkatapos patayin ang ilaw sa sala. Pinatay ko naman ang ilaw sa kusina, pero itinira ko ang dim light sa may counter, para kahit paano ay may liwanag siya.
Pagkatapos malinisan ng katawan si Bobbie ay inakyat ko na sa itaas ang bata. Maaga itong natutulog. Before 9:00 p.m. pa lang. Ako ay mabilisang ginawa pa ang naiwang file noong Friday. I finished at 11:45. Dapat tabihan ko na si Bobbie sa foam pero hindi pa rin ako inaantok. Sino ba ang aantukin knowing na may tao sa baba?
Lumabas ako ng pinto. Napakatahimik. Tulog na kaya sa ibaba ang boarder ko?
Boarder ko, oo. Desisyon niya iyon. At desisyon ko rin na singilin siya sa tubig, kuryente, at pati sa stock. Sabi niya ay okay lang naman, kaya naman naglista na ako. Bukas ay pag-uusapan namin kung magkano ang down at deposit niya.
Kanina pala ay hiningian ko na siya ng requirements. CENOMAR, kasi malay ko ba kung baka may sabit na pala siya. I also asked for a copy of his medical to check if he was clean, especially from sexually transmitted diseases.
He was firm that he was clean, but for my peace of mind, he was willing to comply with whatever requirements I requested of him. Bukas na bukas daw ay magpapa-medical ulit siya para latest result, kaysa sa medical niya pagbaba ng barko.
Hindi na ako nagbukas ng ilaw sa may hagdan. Sa ibaba ay bukas pa rin ang maliit na dilaw na ilaw sa counter sa may kusina. Hindi pala niya pinatay nang iwan ko kanina.
Napakatahimik ng paligid. Nasa sofa si Asher, at walang kakilos-kilos. Sa haba niya ay lampasan ang kanyang paa. Nakatihaya siya sa pagkakahiga, ang unan ay ang duffle bag niya, at yakap ng isang kamay niya sa dibdib ang isang throwpillow, habang ang isang bisig niya ay nakapatong sa kanyang noo.
Mukhang tulog na tulog na nga siya dahil wala siyang kakilos-kilos. Hindi na ako nag-init ng tubig. Basta lang ako nagtimpla ng gatas, at habang iniinom iyon ay nakatitig ako sa kanya.
Bitbit ko ang mug ng gata na marahang lumapit sa sofa. Hindi na gaanong abot dito ng dim light mula sa kusina, pero nasisinag ko pa rin ang itsura niya. Nakapikit siya, walang kagalaw-galaw ang mahahabang pilik-mata. What a fine, fine view.
Yumuko ako upang lalong pagmasdan siya. Ang balbon ng braso niyang nakataas, ang kinis ng pangahan niyang mukha, ang tangos ng ilong niya kahit nakahiga, at kahit din medyo madilim ay mapupula pa rin ang mga labi niya. Hindi na ako nakapagtimpi pa. "Hoy, gumising ka."
Umungol siya pero hindi dumilat.
Itinaas ko na ang aking isang paa at marahan siyang pinaa sa tagiliran. "Bumangon ka riyan."
Kahit pa hindi siya huminga ay alam na alam ko pa rin kung kailan siya tulog o nagpapanggap na tulog lang. Hinding-hindi niya ako maloloko.
Umungol lang ulit siya, kaya hinablot ko na ang throwpillow na yakap-yakap niya. Pagkatapos ay inangat ko ang aking binti para sumaklang at tapakan siya sa dibdib. Nanatili naman siyang nakapikit pa rin, subalit hindi niya maitatago sa akin ang pagngiti ng kanyang mga labi.
"Gigising ka, o kakaladkarin kita palabas?" pikon nang banta ko.
Imbes naman matakot ay hindi pa rin siya kumilos. Ibinaba ko sa center table ang hawak na mug, at didiinan ang pagkakaapak sa dibdib niya, dahilan para mapaungol na siya.
"Isa," bilang ko. "Dalawa." Pero bago mag-tatlo ay ganoon na lang ang gulat ko nang biglang dinakma ng malaking kamay niya ang aking binti at saka ako hinila. "A-Asher!"
With only a single pull, I was already on top of him! Napasaklang ang mga hita ko pabuka habang nakaupo sa matigas na dibdib niya!
Doon dumilat ang namumungay niyang mga mata. "Ano ba iyon? Natutulog iyong tao, istorbo ka."
"Hindi ka naman talaga natutulog!" mahinang asik ko kahit ang gusto ko talaga ay bulyawan siya. Paano, nakabukaka lang naman ako ngayon sa harapan niya. Dalawang dangkal na lang yata ang lapit ng ano ko sa mukha niya!
Ngumiti lang siya ay habang tila naaaliw na nakatingin sa akin.
I tried to get off his chest, but his two strong and large hands gripped my hips in place. "Asher, ano ba? Babalikan ko na si Bobbie sa itaas!"
"Bakit ka muna nanggigising?"
Ang boses niya ay malambing at mga mata niya ay mapupungay pa rin na nakatingin sa akin. Kabado naman ako na baka ibaba niya ang kanyang tingin, dahil kung sakali ay puwedeng may masilip siya. Ang iksi lang kasi ng shorts ko sa ibaba!
Sa kagustuhang makaalis ay napausod ako at lalong napadiin ng pagkakaupo sa dibdib niya. Napangiwi naman siya. "Ah, I can't breathe..."
"Then let me go!"
Kahit hindi makahinga ay nakuha niya pa ring mahinang tumawa. "Saan mo ba gustong lumipat ng upo? You have only two options. On my lap... or on my face."
My cheeks grew hot, and I was about to smack his face when he grabbed both of my wrists. I was startled when he suddenly got up, and in an instant, our positions had changed!
Pabaliktad na kami sa sofa, ako na ang nasa ilalim at siya na ang nakaluhod ang mga tuhod sa aking gilid, habang nakabukaka sa harapan ko! Napanganga ako habang nakatingala sa kanya, dahil bakat na bakat lang naman ang kung anong naninigas na iyon sa suot niyang sweatpants!
"Bakit ka bumaba?" tanong niya sa naghahalong malambing at nanunuksong boses.
"Hindi ako makatulog kaya uminom muna ako ng gatas!" paasik na sagot ko.
"Hindi rin ako makatulog, you think I need milk too?"
Ang naniningkit na mga mata ko ay napalitan ng pagpungay sa tanong niya. Bumukas ang mga labi ko upang tanungin din siya. "Uhm, gusto mo ba?"
"I'm just a guest. Who am I to decline my host's generosity?"
"That's so nice to know. And as a kind guest, you'll do your host a favor, won't you?"
Ang sagot niya sa tanong ko ay malalim na halik, na buong sabik at init ko namang agad na tinanggap. No more slowing down, no more hesitating, and no more pretending. We wanted it, so we went for it.
We kissed each other as if our life depended on it as if stopping would mean death.
Ang katahimikan ng sala ay napalitan ng tunog ng nagsasalpukan naming mga basang labi, ng paglalaban ng aming mga dila, at ng pagtilapon ng mga hinubad naming damit sa sahig.
Minutes passed and we still had our tongues down each other's throats.
Kung hindi ko pa siya pinaghahampas sa balikat ay hindi pa siya lalayo. Marahas ang paghabol ko sa sariling paghinga. Sabunot-sabunot ko ang malambot na buhok niya nang bumaba ang kanyang ulo sa aking leeg. His warm lips and wet tongue were now running down my neck, while his big palms swept across my half naked body.
Nang maabot ng kanyang bibig ang aking dibdib ay salitan niya iyong dinilaan. Hindi pa siya nakuntento, isinubo niya nang salitan ang mga dulo. Kung noong una ay nailuwa niya, ay ngayo'y wala na siyang pakialam kahit ano pa ang kanyang malasahan. He sucked on my nipples until he had his fill.
When he stood up, he still had milk on the side of his lips, which he licked. And he was so damn hot that fire burned through my veins.
Hinawakan niya ang garter ng suot kong shorts, inisang hilahan niya kasama ang underwear sa loob. He then nudged my legs wider apart; my left leg was anchored on the back of the couch, as his hungry gaze feasted on my wetness. And I moaned like a wanton woman when he touched me there.
He bent down, and my eyes followed him. He flashed me with his oh-so-white smile and continued on his way to my inner thigh. He hitched both of my legs on his broad shoulders, giving himself better access to his purpose. Then he began to devour me like I was the nicest meal he'd ever had.
"Ahhh, ahhh..." pabiling-biling ang ulo sa sofa na ungol ko. "Asher... ahhh..."
"I like that, please keep moaning my name," he said as he kept eating me and inserting his finger inside me.
Sabay ang sigaw at halinghing ko sa nakakabaliw na sarap. "Oh, Asher..."
Mas lalo niyang nilaliman ang paghalik sa parte kong halos maglawa na. I tugged on his hair, pushing him to keep going, but he stopped.
"Do you want me to insert another one?"
"P-please..."
And he obliged. What a nice boarder he was. Dalawang daliri na ang labas-masok sa akin. Ilang beses nanginig ang balakang ko at tumirik ang aking mga mata, habang halos pigain ko ang hawakan ng sofa.
Tumaas si Asher. "Though I can please you like this, but don't you need something bigger?"
Inalis niya ang mga daliri sa akin nang makailang ulit na akong nakatapos. Basang-basa ang kanyang mga daliri na galing sa akin nang sabay na isubo niya. Ah, ang bastos.
Ang harapan ng sweatpants niya ay parang may kung ano sa loob na hindi na makahinga. Inilabas niya na ang kanya. Hinimas-himas niya iyon para pakalmahin, subalit lalo lang tila gustong kumawala. Napabangon ako habang nakatitig doon. It was bigger, thicker, than I remember, and his veins were protruding.
Kahit dim ang liwanag ay nakita ko pa rin, una ang namamagang dulo na may kulay puting likido. He made me feel good for I already lost count, kaya deserve niya na mapagbigyan. Tumingala ako sa kanya. "I'll help you with that."
Bago pa siya nakasagot ay hawak ko na. Lalo iyong nagwala sa palad ko. Pero hindi ito uubra sa akin. Hinagod ko nang taas-baba.
"Lai, don't you want to put it in?" hirap na sambit niya dahil lalong tumitigas.
"No. I still need your medical result."
Binilisan ko at hindi na siya nakapagsalita pa. Alam ko ang tamang hagod na gusto niya, alam ko kung alin sa kanya ang masarap, alam ko kung ano ang masakit, at alam ko kung kailan tama na, kahit ang totoo ay gusto niya pa.
Napaupo na siya sa sofa, habang nakaibabaw ako sa kanya at hawak pa rin ang tila bakal sa tigas na bahagi ng katawan niya. Nakayuko ako sa kanya habang pinapanood kung paano siya mapatingala habang kagat-kagat nang mariin ang mga labi niya.
Yumukod ako at ako naman ang humalik sa kanya. Magaan na napasabunot naman siya sa buhok ko. Hindi ko alam kung anong men's cologne ang gamit niya, but he smelled so good. His scent was a combination of earthy woods, sensual musks, and cool breeze.
Kahit dati ay ang sarap niya nang amuyin palagi. Magaling siyang pumili ng pabango, aftershave, at sabon. Pero tingin ko ay mabango talaga siya. Iyong bango na sisinghutin mo hanggang maubos. Really, his fresh scent was one of the things I liked about him.
After kissing and sucking the skin of his neck, I went down on his hard chest, and alternately licked and softly bit his light brown nipple. When I was done, I pulled away from him to see the red marks left by my kisses and bites on his fine, pale bronze skin. His abs flexed as he heavily breathed. Oh, what a sight to behold.
Namumula ang mukha niya hanggang sa leeg, kagat-kagat pa rin ang ibabang labi, habang nakatingin sa akin ang magagandang uri ng mga mata. Parang gusto ko siyang i-freeze nang ganoon para anytime na gusto kong tingnan. It was just fascinating how someone could look so tasty.
Binagalan ko ang pagtaas-baba ng hagod ng aking palad. Tapos binilisan ulit. Iba na ang paninigas, alam ko na malapit na. Tama ako dahil iba na ang paghingal niya. "W-wait, Lai... Ah, stop...!"
But, sorry, I didn't want to stop. I continued to stroke him fast, causing him to curse under his breath. And after only a minute, an ample amount of white fluid spurted out of the little hole on the very tip of his thing.
Both of us were breathing heavily, and sweating like crazy, after. Nauna akong tumayo. Pinagpupulot ko ang aking mga hinubad na damit saka isinuot.
Pabalik naman na ako sa hagdan nang umalis siya sa sofa. Muntik pa siyang masubsob dahil nanghihina pa yata. "Aalis ka na?" tanong niya na humihingal pa.
Nilingon ko siya. "Oo. Bakit? May kailangan ka? Pareho naman na tayong nakaraos na, di ba? O hindi ka sanay iwan pagkatapos? Kung may balak kang magtagal dito, puwes masanay ka na."
Umawang ang mga labi niya.
Ngumiti ako sa kanya. "And, oh, I really like the way you look right now."
Tila siya binuhusan ng malamig na tubig. Parang wala namang nangyari na tinalikuran ko na siya, at iniwan nakatayo sa sala habang hubo't hubad na nakanganga.
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro