Chapter 54
"SINO ITONG PUTANGINANG ITO?"
Hawak ni Asher ang cell phone ko habang nagtatagis ang mga ngipin niya. Inabot ko iyon sa kanya, pero itinaas niya lang para hindi ko maabot.
"Sino nga sabi ito, Lai?!"
"Hindi mo kilala. Akina. Bakit ba pinapakialaman mo ang phone ko? Friends lang tayo, ah!"
"Iyong loob ng panty mo, puwede kong pakialaman, pero phone mo, bawal?"
Nakurot ko siya sa pisngi niya. Pero may point din naman kasi siya, ako pala iyong nagbaba ng kamay niya kanina. Pero siya pa rin naman iyong nagpasok, so wala pa rin pala siyang point.
Salubong pa rin ang mga kilay ni Asher nang ibalik niya ang phone sa akin. "Sorry. Concerned lang naman ako as a friend mo."
Inirapan ko siya. Sa sofa ay tumabi siya sa akin. Naitago ko na ang phone.
"So who's that, Lai?" Hindi siya sa akin nakatingin, pero alam kong seryoso ang mga mata niya. "At ano iyong sinasabi niya?"
"Ex ni Renren," sagot ko. "Number ko kasi ang ibinigay ng babaeng iyon."
Hindi na siya nagtanong pa. Yumuko siya, ang mga siko ay nasa tuhod, nang isubsob niya ang kanyang mukha sa mga palad niya. Matagal. Ilang minuto. Hinayaan ko lang naman siya.
Nang mag-angat na siya ng mukha ay sumandal siya sa sandalan ng sofa at tumingin sa akin. Namumula ang mga mata niya.
Sumandal din ako sa sofa at tumingin sa kanya. Naghinang ang mga mata namin, pero siya rin ang hindi nakatagal. Nagbawi siya. Ibinato sa iba ang paningin. Sa pagkakatagilid niya ay nasilip ko ang ilang ulit na pag-igting ng kanyang panga. At narinig ko siyang suminghot matapos ang ilang segundo.
Nang umahon siya ay naglabas siya ng panyo mula sa bulsa, at pinunasan ang pawis niya sa noo, sa pisngi, at dinamay na pati ang mga mata niya. Pinawisan din yata dahil nakita ko na basa ang dulo ng mahahaba niyang pilik-mata.
"Baka hinahanap ka na ng nanay mo."
"Tumigil na iyon sa paghahanap sa akin mula nang matuli ako."
"Baby ka pa rin niya."
Ngumiti siya sa akin ng ngiti na hindi abot sa kanyang mga mata. "Mas gusto kong maging baby mo."
"Ayaw ko ng dagdag intindihin."
Nagusot ang matangos niyang ilong. "Mahirap bang sakyan ang biro ko?"
Kibit-balikat lang ang sagot ko sa kanya.
Hinagkan niya na ako sa noo. Matagal na naglapat ang mga labi niya sa aking balat, na dahilan upang malayang masilayan ko ang pag-taas baba ng lalamunan niya. Ang tagal na hindi niya ako matingnan sa mga mata.
Nang humiwalay ay tumikhim muna siya bago paos ang boses na nagsalita, "I'll go ahead, Lai. Baka may gagawin ka pa."
Hanggang sa screen door ko na lang siya hinatid. Hindi na rin niya ako nilingon pa. Nakapamulsa siya habang nakayuko na lumakad na paalis. Kung ano ang iniisip niya, siya ang tanging nakakaalam. At wala akong pakialam.
NANG WALA NA SI ASHER, ay saka ko lang inilabas ulit ang aking phone. Nag-text ako sa number na pang-ibang bansa. Maiksing text lang pero deretso at walang ligoy. Pagkatapos ay blinock ko ito. Hindi naman na ito bago rito, kaya okay lang. Alam ko na sanay na sanay ito.
Ilang saglit pa lang nang walang abog na bumalik si Renren. Saktong-sakto sa pag-alis ni Asher. Dere-deretso ito. "Lai, Renren missed you agad, that's why Renren came back!"
Tiningnan ko si Renren. Naghulas na ang make up niya dahil sa pawis. Umalis ba talaga ang babaeng ito, o naghintay lang sa kung saan?
Bago naupo si Renren sa sofa ay naglabas muna siya ng alcohol spray. Tinadtad niya halos pati kasulok-sulukan, lalo iyong parte kung saan umupo kanina si Asher.
Pinabayaan ko lang siya. Dahil pinawisan ay umakyat muna ako sa itaas para magpalit ng t-shirt. Pagbaba ko ay nagsi-cell phone lang si Renren sa sofa. Ganoon naman ang babaeng ito kahit noon pa. Inaaliw ang sarili. Masaya na kahit hindi ko pinapansin, basta ang importante ay hinahayaan ko siya na pumunta.
Pagbaba ko sa hagdan ay napatakip ng bibig si Renren sa kung ano mang pinapanood niya. OA ang reaksyon niya nang tumingin sa akin. "OMG! Lai, is this your poor mother here in the vlog?!"
Vlog?
Tumayo siya at lumapit sa akin. "Here, tinutulungan iyong nanay mo nong sikat na vlogger na si Dessylicious. Don't you know her? You have the same high school alma mater!"
Nahablot ko ang phone ni Renren mula sa kanya. Naka-play na sa kalahati ang video na mahigit isang buwan nang naka-post. Ang nag-post ay page account na ang pangalan ay Dessylicious.
Ang caption: 'Visiting a poor family in Bacao. Hindi tayo titigil sa pagtulong sa kabila ng kinakaharap na kontrobersiya. Gantihan ng kabutihan ang mundong puno ng kasamaan. Please don't forget to like, comment, and share. Malay mo, baka ikaw na ang susunod ko na matulungan!' Followed by white heart emoticon.
May kasunod pa iyon ng imbento nitong quotation "In a world where evil deeds are rampant, please still choose to be kind." ― Your baby girl, Dessylicious
Kahit nag-mature ang itsura at pumuti na, ay namumukhaan ko pa rin ang vlogger na ito. Ilang beses ko itong nakita dati na kasama ng kapatid ng kaklase kong si Jordan. Taga Buenavista rin ito. Ang tunay nitong pangalan. Dessy Paredes.
Pumunta ito sa bahay ng mga Punzalan sa Bacao. Nagdala ng isang sakong bigas at mga groceries. Nag-abot din ng limang libong piso sa payat na babaeng umiiyak—kay Lydia Punzalan!
[ Maraming salamat, Dessylicious! Malaking tulong ito sa aking pamilya! ] Yumakap pa ito sa vlogger. [ Dalawa sa mga anak ko ay may mga asawa na, tatlo ay wala pa. Iyong isa kasi ay napagbintangan kaya nakulong. Iyong isa naman ay nagtatrabaho, pero maliit lang ang naiaabot dito. Iyong isa naman na nakakaluwag nga sa buhay at nakatapos ng pag-aaral, pero kinalimutan na kami. ]
[ Maliit na bagay lang po ito, Nanay Lydia. Para po ito sa inyo dahil mabuti kayong tao. Pero grabe naman po iyong anak niyo na maayos naman pala ang buhay, pero hindi man lang kayo maalalang tulungan. ]
Sumisinghot si Lydia Punzalan na tumango. Kahabag-habag ang ekspresyon ng payat na mukha. [ Nauunawaan ko naman dahil malaki na ang anak ko na iyon. Syempre nga naman ay hindi niya na kailangan pa ng gabay ng magulang. Nakakalungkot lang dahil siya ito riyang may kakayahang makatulong, kahit sa mga kapatid niya na hindi sinuwerte sa buhay, pero pinagkakaitan niya. ]
Pati iyong Dessylicious ay naluha. [ Hayaan niyo, Nay. Aayon din sa inyo ang buhay. Sana lang ay matauhan ang anak niyo na iyan. Hindi palagi ang suwerte sa mga taong hindi lumilingon sa pinanggalingan. Lalong walang mararating ang anak na kumakalimot sa magulang. ]
Binigyan ng pagkakataon si Lydia Punzalan na magbigay ng mensahe raw. Halos mapiga ko na ang habang pinapanood ang pagluha nito sa harapan ng camera.
[ Laila, anak. Lahat ng tao sa paligid mo ay dadaan lang sa buhay mo. Pero ang tunay na kadugo, kapamilya, at magulang, ay hindi mapapalitan kailanman. Kaya anak, dalawin mo naman ang nanay. Bukas palagi para sa 'yo ang pinto ng bahay natin. Miss na miss ka na namin... ] Tuluyan na itong napahagulhol pagkatapos.
Si Dessylicious naman ay tumayo na. Luhaan na lumapit sa camera para sa closing speech nito.
[ This is your baby girl, Dessylicious. Despite being targeted with false allegations, I will continue to remain firm. And will continue to help people in need. So thank you for still believing in me and supporting me, my solid dessasters! I love you all! ] Tinapos nito ang video sa pag-flying kiss.
Nag-browse ako sa newsfeed nito. Kundi bible verse, ay selfies, ay vlogs ang makikita. May post din ito ng pagpapasalamat sa mga tagasuporta nito, na nananatiling naniniwala raw dito sa kabila ng lahat. Meron palang nakasampang kaso sa babaeng ito.
Matapos sa wall, about section, ay nag-scan lang ako nang mabilisan sa tatlong video nito, pagkatapos ay okay na. Alam ko na kung saang lupalop ito matatagpuan. Ibinalik ko kay Renren ang phone. "May sasakyan kang dala?"
Nagtataka man ay tumango si Renren. "Yup! I brought my dad's car!"
"Akina susi."
Walang reklamo na ibinigay naman ni Renren ang susi. Excited na bumuntot siya sa akin palabas ng pinto. Akala yata ay mamasyal kami.
Pumasok na kami sa lumang vios ng daddy ni Renren. Ako sa driver's seat. Madali lang hanapin ang address ng pakay ko. Matapos i-set ang Waze ay seryoso ang mukha na binuhay ko na ang engine. Ang destinasyon namin ay sa Tagaytay.
Oo, doon ang punta ko. Sa vlogger na iyon na ka-alma mater ko. Mabuti na lang at boba ito, kaya hindi ako nahirapang alamin kung saang lupalop ito matatagpuan. Tatlong vlog lang ang kailangan kong panoorin, kaunting stalk sa account, at pagtatagpi-tagpi lang sa mga detalye, ay alam ko na agad saan ito ha-huntingin.
Sa isang private subdivision nakatira si Dessy Paredes. Hindi ko alam ang block at lot pero malinaw sa aking memorya ang kulay ng gate at ang dalawang paso na nahagip sa vlog, kaya madali ko nang matutukoy ang bahay, kapag nakita ko na iyon nang harapan.
There was a queue of cars at the guardhouse. Nagkakagulo dahil sumabay sa mga reporter iyong mga homeowners. Alam ko na hindi rin ako makakapasok dahil hindi naman ako tagaroon, at hindi rin ako invited as a guest, kaya bumaba na ako ng kotse. "Dito ka lang," utos ko kay Renren. "Babalik din ako."
Iniwan ko na nakaparada ang kotse sa gilid saka ako pumunta sa may gate. Mainit na ang sagutan ng isang guard at ng isang homeowner. Kesyo naiistorbo na raw ang village dahil lang sa kontrobersiya ng naturang vlogger. I took advantage of that. Nakayuko ako na sumabay sa isang kotse na pumasok sa loob. Pagkapasok ay nanakbo agad ako paliko.
Dahil naka-sneakers ay mukha lang akong magdya-jogging, kaya nag-jogging na nga ako habang patingin-tingin sa mga kabahayan. Dalawang block pa lang ay nakita ko na ang aking hinahanap. Hindi pa nagkamali ang memory ko kahit kailan, kahit pa sa napakaliit na detalye lang.
Walang katao-tao sa paligid kaya nag-over the bakod na ako. Madali lang naman kasi iyong grills ay may design na puwedeng pasukan ng paa. Nang makakita ako ng CCTV ay nag-dirty finger ako roon at dumila.
Pagkapasok sa bakuran ay nakita ko ang mga nakakalat na kahon sa labas. Mukhang wala ng mga gamit sa loob at wala na rin kahit katulong. Mukhang may balak nang magtago iyong vlogger, kaya siguro maya't maya na ang poverty porn para makalikom ng pondo sa pagtatago.
Sa aking pagsilip sa bintana ay nakita ko agad ito. Galit na galit ito na dinuduro ang kaharap. "Didn't I tell you to make fifty troll accounts? Bakit twenty lang ang ginawa mo?! Ang kaunti tuloy ng nagtatanggol sa akin sa comment section! Paano mali-lift ang spirits ng fans ko niyan?!"
Kakamot-kamot ang kausap nito na siguro ay assistant nito. "Ang hirap i-manage ng marami, ate. Kung may budget ka sana kahit tag five hundred isang ulo, ay puwede tayo bumuo ng team. Mas maganda ang ganoon para puwedeng sabay-sabay na online, habang nakaabang sa lahat ng page, kung may magpo-post ng tungkol sa 'yo."
"Hindi ko afford ang five hundred per ulo! Alam mong ang laki ng attorney's fee na babayaran ko! Tapos ang liit pa ngayon ng sahod ko sa vlogging! Kaya mag-isip ka ng ibang pakulo, para lumaki ang kita ko at may maipasahod ako sa 'yong boba ka! Iyong magmumukha dapat akong mabait, para matabunan ang mga issue ko!"
Matapos mag-usap ng mga ito ay saka ako sumampa sa bintana. Dahil bukas ang sliding window at wala namang grills iyon ay doon na ako basta pumasok. Gulat na napatingin sa akin si Dessy at ang assistant ng babae. "Sino ka?! Paano ka nakapasok dito?!"
"Hi, baby girl!" Lumapit ako sa kanila. "Remember the woman you helped in Bacao? I'm her bad daughter."
"What?!"
"Magkano ang ibinigay mo sa nanay ko? Five K? Tapos isang sako ng bigas at ilang plastic ng groceries, di ba? Sabihin na nating naka twenty K in total ang nagastos mo sa lahat-lahat."
"Right, twenty thousand pesos ang nagastos ko sa nanay mo!"
"Oo, at nag-4 M views iyong video mo, na with three active in-stream ads. And I am aware that YouTube pays per 1000 views on average. Dito sa bansa natin, the average RPM are $0.50 to $20. It means, depending on the ads in the video, $500–$20,000, or an average of $3,000 might be generated from 1 million views. So, tangina, magkano kinita mo sa nanay ko?"
Napanganga si Dessy sa akin, pati na rin ang assistant niya na tila nawalan ng dila bigla.
"Partida, ipagpalagay na nating kumita ka lang ng $2,000 per 1 million views. Partida ulit, ipagpalagay nating 55 lang ang palitan. So 2,000 x 55 x 4 = 440, 000. Ibawas na rin natin ang pagod mo at ng editor mo. Ipagpalagay na nating saradong 100K kayo. Ang laki pa rin ng tira sa kinita mo sa puhunan mo na 20K lang. Hoy, hindi yata ako papayag na matapos mong ibalandra sa social media ang kahirapan ng pamilya ko, ay ambon lang ang ibibigay mo, tapos wala pa akong parte? Very wrong, baby girl!"
Namutla si Dessy. "W-what the hell?!"
"Okay lang naman kahit di ka magbigay." Ngumiti ako. "Kikitain ko rin naman iyon."
"A-anong ibig mong sabihin?!"
Tinalikuran ko siya at binalikan ang aking cell phone na nakapatong sa pinasukan kong bintana. I turned off the recording and saved a copy to my email. Nang balikan ko ng tingin si Dessy ay hindi na lang mga mata niya ang nanlalaki, pati na rin butas ng ilong ng babae.
"Nakuhaan ko pala lahat with sounds iyong usapan niyo kanina bago ako pumasok. Iyong about sa troll accounts. Nakuhaan ko rin iyong pag-uusap natin ngayon. If I upload this online, madadamay ako, pero ayos lang. Hindi naman ako sikat, pero ikaw, sikat ka. Mainit-init ka pa pati ngayon sa social media. Surely, your fans will be delighted once they get to know the real you."
"H-how much?!" nauutal na biglang bulalas niya. Pulang-pula ang mukha. Alam ko na hindi niya afford ang panibagong kontrobersiya, lalo ngayon.
Matamis na napangiti ako. "Okay na sa akin 100K, pangkape. Di ka naman na siguro lugi roon, right?"
Nanginginig pa ang mga kamay ni Dessy na naghalungkat sa LV travel bag niya na nasa sahig. Doon ay puno ng papel na pera. Mukhang may balak na ngang magtago dahil sa dami ng cash niya. Kumuha siya roon ng isang bungkos at inabot sa akin. "H-here's the money. Now, delete the video!"
"Sure." Pagtanggap ko ng pera ay inipit ko agad iyon sa garter ng aking jogging pants. I showed Dessy how I deleted the video from the gallery. Pati sa recently deleted folder ay ipinakita ko sa kanya na burado na rin ang copy.
Nakangiti na ibineso ko na siya at sumampa na ulit ako sa bintana dala ang isangdaang libong piso. "Bye, baby girl! Lovely to meet you!"
Sa paglabas ng subdivision ay hindi na ako napansin ng mga guard since galing ako sa loob. Sumakay na ulit ako sa kotse ni Renren. Nginitian ko ang babae. "Hey, Ren, want to grab some coffee? My treat!"
Napairit naman sa tuwa si Renren. Bago ko ini-start ang engine ng kotse ay nagbukas muna ako ng phone. I went to the video I saved in the email earlier. Pinutol ko iyong kasama na ako and left only the part where Dessy was ranting and ordering her assistant to set up an online troll farm for her. Then using one of my fake email addresses, I sent the video to: [email protected]
"MAMA, MILKKK!"
Sinalubong agad ako ni Bobbie pag-uwi ko. Sa pagka-miss sa akin ay nakalimot ito na may iba pang tao. Gusto na agad dumede. Mukhang pagod sa kakalaro at inaantok na. Kinarga ko agad ito. Sa gate pa lang ay pumapasok na ang ulo ng bata sa shirt na suot ko.
Si Tita Judy naman ay nakasimangot lang na nakatingin sa akin. Sinulyapan lang nito ang nakangiting si Renren sa tabi ko. Ginabi na kasi kami sa biyahe dahil may traffic sa Monterey. May problema sa daan. Iyon, kanina pa pala sila sa akin ni Bobbie naghihintay. May video call session pala sila ni Daddy no. 1, kaya G na G na siya.
"Thanks sa paghatid, Tita Judy. Bawi ako sa 'yo bukas, ililibre ko kayo ng kambal!"
Lalong sumimangot ang tiyahin ko. "Hindi ikaw si Laila. Ilabas mo siya."
Natatawa na lang na iniwan ko na siya sa labas. Dahil nag-tricycle lang siya sa paghatid kay Bobbie ay inutusan ko na si Renren na ihatid siya. Sa loob ay kinalimutan ko na muna ang lahat para maayos na maasikaso ang aking anak.
ANG SAKIT NG KALIWANG DIBDIB KO.
Nakatulog na kasi si Bobbie kagabi kaya sa kanan lang siya nakadede. Ang bigat tuloy ng kaliwa. Ang dami ko pa namang hinigop na aking ginawang malunggay kahapon kaya punong-puno ang dibdib ko. Di bale, mamaya na lang ulit pagbalik nito.
Bago ito umalis para sumama na naman sa magaling kong tiyahin ay nagbilin pa ito. Gusto na raw kasi nitong lumaki para maging big sister na ito, kaya dedede raw ito nang maraming-marami.
Ginamit ko ang panahon na wala si Bobbie para mag-isip-isip. Umaandar ang mga araw. Isang linggo na lang, katapusan na ng buwan. Pero bago pa iyon ay mauuna na next week ang birthday ng anak ko. I should have decided by now.
Dapat ba akong humingi ng sign? Pero anong klase ng sign? Palakad-lakad ako sa sala habang nag-iisip nang biglang mag-beep ang phone ko. Napataas ang aking isang kilay nang mabasa ang text na naroon at kung kanino iyon galing.
Friend:
Are you free? May sakit ako. Can you visit me?
Nag-type ako ng sagot.
Me:
Hindi.
Friend:
Alright. Ako na lang pupunta.
Siya na lang ang pupunta? Pero akala ko ba ay may sakit siya?
Kalaunan ay nagkibit na lang ako ng balikat. Kinuha ko ang aking tuwalya sa kuwarto at saka dumeretso sa banyo. Isang oras yata ako naligo. Ang isinuot ko ay spaghetti top at maiksing puti na shorts. Nag-blower din ako ng buhok. Tumunog ang doorbell nang sakto pagkatapos ko.
Pinuntahan ko ang pinto at binuksan. Ang lalaking nakapayong ng kulay itim na payong sa labas ay mukhang bagong ligo rin. Hindi nakatali ang buhok at mukhang basa-basa. Nakangiti siya agad nang makita ako. "Hi!"
Pinapasok ko siya. "Akala ko may sakit ka?"
"Magaling na ako."
"Good."
Bumadha ang pagtataka sa guwapo niyang mukha. "Ha? Why?"
"Kasi mapapagod ka."
Bago pa siya nakapagsalita ay hinatak ko na siya patungo sa hagdan. Nagpahatak naman siya na akala mo ay wala siyang buto sa katawan. Pagdating namin sa itaas ay saka ko siya nilingon. Nakahawak ang isang kamay niya sa kanyang bibig habang nanlalaki ang mga mata niya sa akin. "Lai, why?..."
"Di ba magkaibigan tayo?"
"Hmn, yeah..."
"Ang magkaibigan di ba ay nagtutulungan?"
"Oo..." lito pa rin na sagot niya, pero namumula na ang pisngi at magkabilang tainga. Nawala na naman iyong pa-cool at pa-mysterious na aura niya. But it was okay, dahil minsan ay mas gusto iyong mukha siyang tanga.
"Tulungan mo ako," sabi ko nang deretso.
"What help? Maglilinis ba? Anong lilinisin? Agiw?"
"Gago." Hinila ko na siya papasok sa dating kuwarto ni Mama.
Dito ko siya dinala. Naglatag ako ng may kakapalang mattress sa sahig at binuksan ang electric fan. Kahit may kurtina na nakatakip sa bintana ay maliwanag pa rin ang paligid. Nakahabol lang siya ng tingin sa akin habang panay ang taas-baba ng Adam's apple niya.
"Game na. Kaya naman siguro ng ten minutes, ano?" Nang lapitan ko siya at tingalain ay nakanganga pa rin siya, kaya madali na sa aking maipasok ang aking dila sa bibig niya. Mapapamura sana siya sa gulat, pero hindi na natuloy pa. Kandaungol na lang siya.
Iyong mga ungol ni Asher ay sa umpisa lang, he was now groaning like a hungry man. At saglit lang ay dinakma na ng malalaking palad niya ang aking pang-upo. Kinarga niya ako paharap sa kanya nang walang kahirap-hirap. Nabaliktad na agad, siya na ang mas hayok na halos lapain ang mga labi ko.
Inilapag niya ako sapin nang hindi tinitigil ang paghalik sa akin. Umangat lang siya saglit upang maghubad ng shirt niya. Nang shirt ko na ang huhubarin niya ay hinuli ko ang mga kamay niya. I pulled his hands down to the the garter of my shorts. Na-gets naman niya, kaya iyon na lang ang pinagdiskitahan niya. Isang hilahan lang ang ginawa niya sa suot kong shorts at panloob.
"Ahhh..." Napasabunot ako sa kanya nang bumaba siya sa pagitan ng mga hita ko. Nagkalaglagan ang mga kahon sa gilid ko nang mahampas ko iyon. This was not just a simple licking and sucking, this was a freaking tornado!
Magaling na si Asher noon, pero para siyang nag-masteral sa galing niya ngayon. Mukhang nakatulong sa kanya ang paglalagi sa dagat dahil ang lupit niya lalo sumisid.
Habol ko ang aking paghinga pag-angat niya. Hibang na ako at mas nahibang pa nang makita kung gaano niya dilaan ang kanyang ibabang labi. He was so hot when he did that. So hot that I wanted him to fuck me this instant.
Ipinatong ko na ang aking mga binti sa kanyang balikat, pero badtrip lang dahil ayaw niya pa. Kinuha niya lang isang binti ko at sinimulang paliguan ng masusuyong halik ang aking paa. Ako naman ang napakagat ng labi dahil habang ginagawa niya iyon ay nakatingin sa mukha ko ang mapupungay niyang mga mata.
Umandar ang halik niya, gumapang mula sa aking paa, papunta sa binti, sa hita, sa aking tiyan. Napasabunot ako sa malambot niyang buhok. Ang pula-pula ng mga labi niya, kaya hindi ko na napigilan na ipasok ang isang daliri ko sa bibig niya. Agad naman niya iyong tinanggap. He started to lick it, suck on it, while staring intently into my eyes.
Nang tigilan niya ang daliri ko ay bumaba ang halik niya sa aking leeg, kasabay nang muling paghagod ng mahahabang daliri niya sa ibaba ko. Napaliyad ako sa dagsa-dagsang init. I felt so good that I didn't realize he had already lifted my top along with my bra. His sinful lips were now feasting on my breast.
It wasn't until I felt him suck on my nipple that I came back to my senses. Pagbaba ng paningin ko sa kanya ay nakatingin na rin pala siya sa akin. Subo-subo niya pa rin ang nipple ko habang nanlalaki sa akin ang kanyang mga mata.
Iyong gulat ni Asher sa likido na nasipsip sa dibdib ko ay kulang pa sa gulat niya dahil may batang babae na nakatayo sa pinto kanina pa. Hindi namin napansin na dumating pala. Naroon ito at nakatutok sa kanya ang mga mata na kababasahan ng galit.
Dinuro siya ng munting daliri nito. "Who are youuuw?! And why youw drinking my mama's milk?!"
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro