
Chapter 53
"PAPA!"
Para akong itinulos sa kinatatayuan habang namimilog naman ang mga mata ni Asher habang nakayuko sa batang babae na hirap man sa pagtingkayad, ay nagsisikap para maabot ng yakap ang bewang niya.
"L-Lai..." Ang kanyang mga kamay ay nanigas sa ere at hindi malaman kung hahawakan ba niya ang ulo ng batang nakamaskara ng Spongebob. Bukas-sara ang bibig niya, at wala siyang masabi maliban sa pagtawag sa akin.
Hindi ko naman alam ang gagawin dahil sa pagkabigla, si Bobbie ay nakaabot pa rin sa bewang niya, at mukhang walang bumitiw ang bata. Parang pinipilas ang puso ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Why? Why was this happening? Hindi ito kasama sa kalkulasyon ko.
Nakaramdam ako na may nakatingin sa amin. Sa pagbato ko ng paningin sa likuran ni Asher ay nakita ko sa di kalayuan si Zeph. Iyong lalaki kanina, at mukhang may balak kaming sundan ng anak ko. Salubong ang mga kilay nito ngayon habang dito nakatingin. Kitang-kita ko ang pagtatagis ng mga ngipin nito bago madilim ang mukha na tumalikod na sa amin.
At noong wala na si Zeph ay saka biglang parang magic na bumitiw si Bobbie kay Asher. Parang walang nangyari na lumayo ang bata sa kanya, at nanakbo upang magtago sa likod ko.
"L-Lai, who's that kid?" Halos hindi ko marinig ang boses ni Asher sa sobrang hina. Parang hindi na siya humihinga, habang hinihintay ang magiging sagot ko sa kanya.
Natigilan naman ako dahil may kakaibang emosyon akong nakikita sa mga mata niya. Parang takot, pag-aasam, pananabik. Ang cute. But what should I tell him?
Bumukas muli ang mga labi niya. "Lai, is that kid our..."
"Kay Renren," sagot ko bago pa siya makarating sa kung saan.
"Huh?"
Naramdaman ko ang paghila ni Bobbie sa akin. Nang yukuin ko upang silipin ay hindi pa rin nito inaalis ang suot na maskara, subalit alam ko na nakasimangot na ito. Naiinip na.
Hinarap ko muli si Asher. "Oo, kay Renren." Iyon lang sinabi ko, hindi naman na kailangang sabihin ang pangalan ng bata. "Pinaalagaan sa akin. May gagawin kasi siya. Kaya ipinasyal ko muna. Sige, una na kami."
Hawak-hawak ko sa kamay si Bobbie na iniwan na si Asher na nakatanga pa rin doon sa cashier, habang ang ibang customer na nakapila sa likod niya ay mga nayayamot na.
Nakalabas na kami ng department store kaya hindi ko na nakita pa ang pagdidilim ng ekspresyon sa mukha ni Asher.
Nang nakalayo na kaming mag-ina ay saka ako nagsalita sa mahina pero seryosong boses. "Why did you do that?"
Narinig ko ang mahinang hagikhik ng bata sa loob ng suot na Spongebob na maskara nito. "Why did you do that too pow?"
Ang itinatanong nito ay ang pagsabi ko na ang mama niya ay si Renren. With this kid's sharp memory and being quick-witted, no one could easily tell her true age. Lalo pa at malaking bulas na bata ito. Matangkad na parang nasa 4-5 years old na.
Yumuko ako sa harapan ni Bobbie upang magpantay kami, then gently removed the mask she was wearing. Her cute face was full of sweat, and her plump cheeks were flushed from being covered in the mask. Pinunasan ko ang pawis nito ng aking dalang panyo. Ngingiti-ngiti naman ito tila ba may ginawang nakakaaliw. Ang mga ngiping maliliit ay nakalitaw.
"What's funny?" Napabungisngis ito lalo nang mahinay kong kinurot ang kili-kili.
"I love youw, Mamaaa!" Yumakap na sa akin ang bata. Alam ko na kung bakit nito iyon ginawa, to show Zeph na meron kaming ibang kasama. Para ibangon ako sa mga pinagsasabi ng lalaking iyon. At para din magtigil na ito sa pangangarap nang gising.
"And I love you the most, my little baby." Nakangiting ginanti ko ang yakap ng bata. My daughter was a clever child indeed.
"YOUR BIRTHDAY IS COMING."
Magkaharap kami sa mesa ni Bobbie. Sinasamahan ko ang bata na magkulay sa coloring book nito. Magbi-birthday na ito sa susunod na buwan. Grateful kid man si Bobbie sa kahit anong bagay, maliit man o malaki, ay gusto ko pa rin ito tanungin palagi.
Pinalalaki ko ito na vocal sa lahat ng ayaw nito at gusto. Mas mabuti na habang lumalaki ito ay maramdaman nito sa sarili, na anumang bagay ay aking pinapahalagahan ang opinyon nito. Kahit ganoon ay minsan lang naman ito magreklamo o humiling.
Kapag naman hindi ko kaya, o hindi ako sang-ayon, ay sinasabi at pinaliliwanag ko rito kung bakit. Hindi ako nagsu-sugarcoat. Mabilis naman itong makaintindi. Kaya ngayon, kung may hihilingin man ito sa akin para sa birthday nito, at kaya ko naman na ibigay ay bakit aking hihindian?
"Baby, what do you want for your birthday?"
Umangat ang mukha nito mula sa ginagawa. Nangislap ang mga mata. "Mamaaa, I wantcha... baby brotherrr!"
Nakulayan ko bigla ng color pink ang talong sa coloring book ng bata.
Dumating si Tita Judy bandang hapon. Tapos na ang mini bakasyon nito kasama ng mga Prudente. Mag-isa lang ito na pumunta rito dahil kasama ng kambal si Daddy No. 2. "Ano, may balak ka na ba sa birthday ni Bobbie?"
Ilang birthday na ni Bobbie ang sa bahay lang ginanap at dalawa lang kami ng bata. Hindi sa pagtitipid, kundi dahil gusto ko lang i-celebrate ang birthday ng anak ko na kami lang dalawa. Ngayon naman ay hindi pa ako nakakapag-decide kung ano nga ba.
"May gift ka na ba kay Bobbie? Ano ang wish niya? Mahal ba? Kaya mo ba?"
"Kaya naman. Pero kailangan ko ng kaambagan."
Hindi na nagtanong ang tiyahin ko. Sisipol-sipol na lang siya, pero napasimangot nang makitang nakatingin pa rin ako sa kanya.
"Ano iyang tinitingin-tingin mo riyan?" sita ni Tita Judy sa akin. "Wala akong pera!" Pagkasabi'y iniwan na niya ako na nakapangalumbaba sa mesa.
Napailing ako habang nakasunod ng tingin sa kanya. Umiinom na siya ngayon ng tubig sa kusina. Tsk, hindi pa rin talaga nagbabago sa kakuriputan ang babaeng ito. Alam din naman kasi niya na hindi naman talaga ako magpapawala ng pera.
Nakapagtataka lang talaga, dahil parang hindi na naaalala ng aking tiyahin na may utang ako dati sa kanya. Piso nga ay naaalala niya, pero bakit ang one hundred thousand ay kinalimutan na niya?
Bago lumayas si Tita Judy ay lumambing na ulit sa akin ang tiyahin kong magaling. Hihiramin na naman pala kasi si Bobbie. Na-miss na rin raw kasi ng mga pinsan nito ang anak ko. Kinukuyumos niya ng halik ang bata. "You're so pretty! Pagbalik talaga ng asawa ko, gagawa kami nang ganitong-ganito!"
"Hindi niyo kaya," sabi ko na nakasimangot. "Komplikado ang procedure niyan."
Inirapan lang naman ako ng tiyahin ko. Hindi na niya hinintay pati ang pagpayag ko, kinarga na niya agad si Bobbie, na parang unggoy naman na agad yumapos sa leeg niya.
Hindi na rin tuloy ako nakatutol pa. Malungkot na inihatid ko na lang sa labas ng gate ang dalawa. Matagal nang nakaalis sila pero nakatayo pa rin ako sa gate. Nami-miss ko na agad si Bobbie, pero naaawa naman ako rito dahil noong nagdaang dalawang araw na hindi nito nakikita ang mga pinsan ay halatang-halata ang pananamlay nito. Nasanay na talaga ito sa presensiya ng kambal.
Nakatulala ako sa kawalan nang biglang may kumatok sa gate. Pagtingin ko ay naroon ang isang nakangiting lalaki. "Hi, friend. Are you waiting for your me?"
Napakurap ako. Nasa alas dos pa lang ng hapon. Makulimlim ang langit kaya hindi tirik ang araw, pero maliwanag na maliwanag ang paligid. Kitang-kita ko ang maaliwalas na guwapong mukha sa aking harapan. Bigla ay naibsan ang nararamdaman kong pangungulila kay Bobbie.
Ngumiti ako sa kanya. "Hi."
Muntik namang masubsob si Asher sa gate dahil biglang sumala ang siko niya na nakapatong doon. Parang bigla siyang nag-panic. "H-Hi."
Binuksan ko ang gate para makapasok siya. Ang bango. Mukhang naliligo ka talaga muna bago pupunta rito.
Nauna ako sa loob. Niligpit ko agad ang mga coloring materials sa mesa. Katatago ko pa lang niyon nang pumasok siya sa pinto. "Amoy candy."
Nakagat ko ang aking ibabang labi. Candies iyon na dinala ni Tita Judy kanina. Pasalubong kay Bobbie. "Kumain ako ng candy," sabi ko. Sabay talikod ko sa kanya. Nagkunwari ako na inaasikaso ang mga pinitas ko kaninang herbs sa labas. Hinugasan ko sa lababo para maalis ang mga lupa.
May nahulog na thyme at oregano sa sahig, yumuko ako upang damputin ang mga dahon nang yumuko rin si Asher para damputin ang mga iyon. Sumagi ang mga daliri namin sa isa't isa. Pagtayo ko ay sa dibdib ko nakatuon ang mga mata niya. "Nabasa iyong damit mo."
Napayuko ako. Kaliligo ko lang, pero nabasa na ulit ako. Pero hindi ito basa na mula sa gripo sa lababo. Nakaramdam ako ng paninigas ng dibdib. Pangalawang araw na pala na hindi dumedede si Bobbie sa akin. Masyadong naging malungkutin ito mula nang nagbakasyon sina Adam at Atlas. Nakalimutan na ang paghiling ng dede sa akin.
"Okay ka lang?" tanong ni Asher nang mapansin ang biglang pagngiwi ko.
Pasimple akong humalukipkip upang ipitin ang aking dibdib. "Okay lang."
Nakatanga naman si Asher sa akin, nang pagkuwan ay nagsalubong ang mga kilay niya. "Lai, ganyan ba talaga kalaki iyan?"
Ako naman ang napanganga sa tanong niya. Magkaharap kami habang nakayuko siya sa dibdib ko nang biglang bumukas ang pinto sa sala. Humahangos na pumasok doon si Renren. "Lai, why open ang gate—" Natulala ito nang makita kami. "O—M—G—!"
Napalayo agad ako kay Asher. Si Renren naman ay nabitiwan ang dalang box ng cake sa sahig. Pinuntahan ko naman ito para damputin ang box ng cake, kasi sayang.
"Who's that?" mariin at mahinang bulong ni Renren sa akin.
Napatitig ako sa namimilog na mga mata ni Renren. Hindi niya kilala si Asher? O hindi niya natatandaan?
Si Asher naman ay nasa likod ko na pala. "Hoy, may anak ka na raw?"
Napapitlag si Renren sa gulat. "OMG! Why did you have to gulat Renren?! And what did you say? Sinong may anak?!"
"Ikaw."
OA na napanganga si Renren, pero bago ito nakapagsalita ay nakita na nito ang pandidilat ng mga mata ko. Biglang nagbago ang ekspresyon. "Oh, yes! You're right! I already have a child! It's a cute, cute, child! The cutest child in the whole wide word! In universe rather!"
Humalukipkip naman si Asher.
"My child is so cute! She's a daughter! A lovely daughter who looks like me and Lai!"
Tumaas ang isa sa makakapal na kilay ni Asher. "How can your child look like Lai when you aren't even related?"
"Pinaglihian ako—I mean, pinaglihian ko si Lai! OMG, you didn't know that's possible? OMG, kasi you were in the barko, sa gitna ng dagat, nang matagal! Siguro seasick pa rin iyang tiny brain mo!"
"Renren." Sinaway ko na ito dahil baka kung ano pa ang masabing kasunod.
Inirapan naman ni Renren si Asher, at sumunod na sa akin sa kusina ang babae. "Lai, did you miss Renren? Because Renren missed Lai so much!"
Sa aking peripheral vision ay hindi ko matiyak, kung talaga bang dumilim ang mga mata ni Asher habang nakatuon iyon sa mga haplos ng kamay ni Renren sa aking braso. Pero nang tumingin na ako sa kanya ay kumalma naman agad ang mga mata niya.
Hinango ko naman na ang herbs na nakalagay sa strainer. Pinunasan ko na ng malinis na basahan. Marami ako ritong iba't ibang basahan, dahil hindi ako gumagamit ng paper towel kahit kailan. Si Renren naman ay hindi pa rin ako nilulubayan. Panay ang bulong sa akin. "Lai, Renren doesn't like that guy!"
Nagkibit lang ako ng balikat.
"Come on, Lai. I feel something sinister about that guy. He was like the psycho character from some of the horror movies I've seen. You know, someone with dual personalities, acting like an innocent, gullible, dumb, but the real him is a crazy son of a gun!"
Sinulyapan ko naman si Asher sa sala. Nakaupo na siya sa sofa habang mabait na nakangiti sa akin.
Kinalabit ulit ako ni Renren. "Believe me, I really feel that this guy is hiding his true self."
Muli kong sinulyapan si Asher. Hindi na sa akin nakatingin. Wala nang emosyon ang mga mata niya na iginagala sa paligid. Tila may kung anong hinahanap, o gustong makita.
"OMG, Lai! Why don't you believe Renren? He's bad news, I'm telling you! Paalisin mo na siya! Ipa-blotter mo! Like, OMG, now na!"
"Kailangan niyo ba ng tulong diyan?"
"Eee!" tili ni Renren sa gulat sa biglang pagsulpot ni Asher sa harapan namin.
Sinitsitan ni Asher si Renren. "Umuwi ka na, hoy. Baka hinahanap ka na ng anak mo. OMG, lakwatserang nanay."
"Lai!" Napasigaw na si Renren. "Look at him! He's so bastos! Walang modo! Walang konsensiya! Walang kaluluwa!"
"Sige na, Ren."
"W-what?" Nagulat naman si Renren. Nangilid agad ang mga luha. "Lai, really? Pinapauwi mo na ako?!"
"Yes. I'll text you later."
"You promise you'll text me?" humihikbing paniniguro nito.
Tumango ako. Doon lang naman kumalma si Renren. Pero bago ito umalis si Renren ay matalim ang iniwan muna nitong titig kay Asher.
Nang kami na lang dalawa ay sumandal si Asher sa kitchen counter habang ang mga mata ay sa akin nakatuon. Pinagpatuloy ko lang naman ang ginagawa. Mayamaya ay narinig ko siyang nagsalita. "Three years ago, what did that woman tell you?"
Sakto na tapos na ako sa ginagawa. Nilingon ko si Asher. Bakit itinatanong niya? At ano naman ang sasabihin ni Renren noong nakaraang tatlong taon? At kung meron man, bakit nga niya kailangang itanong?
Imbes sagutin ang tanong niya ay nagtanong din ako. "Kailan ang sampa mo ulit sa barko?"
"Next month."
Tumango-tango ako habang sa isip ay nagsisimula na akong magbilang. There was no much time left.
Napakurap na lang ako ako nang maramdaman ang dulo ng isang daliri ni Asher na humaplos sa gitna ng mga kilay ko. "Lai, you're frowning."
Pagtingala ko sa kanya ay nakangiti siya sa akin, ngiti na bakit parang malungkot? He suddenly pulled me closer until I was in his arms, my face was positioned against his hard chest, where I could hear his heartbeat. It was pounding so fast, and so loud.
"I'm leaving next month. Hindi ko pa alam kung ilang buwan itong bagong kontrata, malalaman ko pa lang next week pagpunta ko sa kompanya."
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko na rin marinig pa ang sinasabi niya, dahil ang pinakikinggan na lang ng aking tainga ay ang tibog ng puso niya. Bakit mabilis? Bakit malakas? Bakit parang gustong-gusto nito na talagang marinig ko ito? Katulad ng may ari nito ay papansin din ito.
Humawak ang malaki at mainit na kamay ni Asher sa aking pisngi, sanhi upang mapatingala ako sa kanya. Nakayuko siya sa aking mukha habang nangungusap ang magagandang uri ng mga mata niya. May gusto siyang sabihin na hindi niya na naman masabi. Nakailang alon ang lalamunan niya, pagkuwa'y tumalikod na siya.
What was that? Nakatalikod na sa akin si Asher pero dahil nakatali ang buhok niya ay nakita ko ang kanyang tainga. Namumula.
May maliit na ngiti na gumuhit sa mga labi ko, saka tiningnan ang rack kung saan naroon ang mga herb na pinitas mula sa aking mini garden sa labas. Sa isang partikular ako nakatingin. Sa mga pula kong sili.
Habang nakatalikod pa rin si Asher sa akin ay dumampot ako ng dalawang sili. Iyong pulang-pula. Isinubo ko, nginuya ko, hanggang kumalat ang init at anghang sa aking bibig. Pagkatapos ay hinarap ko siya at hinila ang kanyang braso. Gulat naman siyang napatingin sa akin. "Lai?"
Ang gulat niya ay mas nadagdagan pa nang tumingkayad ako at walang pasabi na ikinulong ang guwapong mukha niya sa mga palad ko, pagkuway siniil ko ng halik ang bahagyang nakaawang na mga labi niya. Nanigas ang buong katawan niya at naiwan sa ere ang kanyang mga kamay. Kitang-kita ko rin ang panlalaki ng kanyang mga mata.
Hindi siya makagalaw sa pagkabigla, pulang-pula ang mukha niya, at medyo nagluha ang kanyang mga mata, habang halos magkapalitan na kami ng laway na dalawa. Ilang ulit siyang umungol subalit hindi naman nagtangka na itulak ako.
Hindi rin naman nagtagal sa panlalaki ang mga mata niya, dahil ilang saglit lang ay mamungay na ang mga ito at marahang napapikit na. Ang mariing paghalik ko sa kanya ay ginanti niya nang mas mariin pa. Mas malalim pa. Mas mapaghanap. Balewala na sa kanya kahit kanina lang ay halos maglaway siya sa anghang. Ngayon ay para siyang gutom na gusto akong lulunin nang buo.
Ako naman ang napaungol dahil sa pagkaubos ng aking paghinga. Shit, hindi na ako makahinga. Sinubukan ko nang lumayo, pero agad na sumunod sa akin ang mga labi niya. Ang isang palad niya ay sumalo sa aking batok upang hindi ako makawala!
Nakahinga lang ako nang bumaba na ang mga labi ni Asher sa leeg ko. I was too busy panting and catching my breath to push him. Now his hot and wet tongue was on my neck. Bukod sa init niyon ay iba pang init akong nadarama. Iyong init at anghang na mula sa akin na ngayon ay nasa laway niya na rin.
Patuloy siya sa pagpapak sa leeg ko, habang ang mga palad niya ay taas-baba sa paghagod sa likod ko. Napasabunot ako sa malambot na buhok niya, dahilan upang mabuwag ang kanyang tali. Oh, nice. Okay pala na may nasasabunutan.
Before I knew what was going to happen, Asher had already lifted my top. I was worried because I knew he would taste my breast, but thankfully, he held back. Alam niya sa sarili na masasaktan ako dahil maanghang ang laway niya.
Hahawakan na lang niya sana pigilan ko siya. Bago niya madama ang paninigas ng aking magkabilang dibdib, ay nadala ko na ang kamay niya sa aking bewang. Agad naman iyong pumasok sa garter ng suot kong shorts.
Nang mag-angat siya ng mukha ay mapupungay ang mga mata niya na nakayuko sa akin. "Do friends do this?" tanong niya sa paos na boses habang humahaplos ang palad sa pang-upo ko.
"Di ba ako ang dapat nagtatanong niyan? You should be the one teaching me what friends do, right?"
"Ah, right. Dapat sa magkaibigan ay walang lamangan. It should be a give and take relationship."
"Sure." Humakbang ako dahilan upang mabangga na ang likod niya sa kitchen counter.
Inabot ko ang leeg niya at sinimulan siya roon halikan. Sinamyo ang mabangong leeg niya, dinilaan ang makinis at pantay na kulay na balat niya, at nang manggigil ay marahang kinagat siya. Dang, nakakagigil. Kapag diniinan ko pa ba ang pagkagat sa kanya ay magdudugo kaya? Oh, I would love to see.
Nakapikit naman na si Asher habang kagat ang ibabang labi niya. "Ah, Lai... Ah..." Parang nagdedeliryo na siya. Ang isa niyang kamay ay may inilalabas na sa harapan ng shorts niya.
That was when my phone beeped. I broke away from Asher, assuming my aunt had texted and was on her way back with my daughter. Napaungol naman si Asher nang lumayo ako habang hawak ko ang aking phone. Hindi rin naman pala ang tiyahin ko ang nag-text. Ang text message ay mula sa ibang bansa. What a timing!
Israel:
Honey, how's our kid?
Kabubukas ko pa lang ng message nang bigla ay hablutin ni Asher sa akin ang phone. Wala na ang init sa mga mata niya. His expression was dark and his teeth gritted as he spoke. "Who the fuck?!"
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro