Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 51

"LAI, WHOSE DOLL IS THIS?"




Dumiin ang pagkakahawak ni Asher sa bagay na iyon, sa manika na pag-aari ni Bobbie, habang ang mga mata niya ay seryosong-seryoso na sa akin nakatuon.


Hindi naman ako nagbaba ng tingin, o maski umiwas sa mga tingin niya. Sinagot ko nang deretso ang tanong niya. "Sa anak ni Renren."


Napakurap siya. "Renren?"


"Yes, Renren. You probably don't know her—"


"Kilala ko iyon," agaw niya na sa boses ay may iritasyon. "Sa anak niya ba talaga ito?"


Kilala niya si Renren? O puwede na namumukhaan lang dahil nakita niya na noon—


"Saka, may anak na ba talaga iyon?" hindi makapaniwala niyang tanong.


"Why? Hindi ba posible? May matris naman iyon, sa pagkakaalam ko."


Tumango-tango siya. "Ah, okay. Galing siya rito kasama iyong anak niya? Tapos naiwan itong manika?"


"Oo." Hinablot ko na sa kanya ang laruan at agad na itinago sa aking likuran.


Napayuko naman si Asher, pero bago iyon, ay hindi nakaligtas sa akin ang pagguhit ng lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ko naman pinagtuunan ng pansin, kasi hindi naman mahalaga.


Inilagay ko sa hamper sa may kusina ang manika. Pagbalik ko sa sala ay nakayuko pa rin si Asher. Nakabuka ang kanyang mga hita at magkasalikop ang mga palad niya habang nakayuko. Napakatahimik niya.


Ilang minuto rin. Maalinsangan ang paligid kaya nilakasan ko ang electric fan. Para din lumakas ng kaunti ang ingay ng luma kong elisi, dahil ang katahimikan sa paligid ay medyo nakakabingi.


Sandali lang ay narinig ko na ulit ang boses ni Asher. Mahina. "Lai, someone saw you before."


Tiningnan ko siya. Nakayuko pa rin siya.


"One of our neighbors in Buenavista. Lumuwas ng Maynila para mag-lansum sa SSS. Nakasabay mo raw doon. Ang sabi, nakita ka raw na parang malaki ang tiyan. Pagkauwi ay naikuwento sa nanay ko."


It was a month before I returned to Cavite and stopped by in Navarro to visit Carlyn, so the information did not come from her. Sa tingin ko rin sa babae ay hindi ito ang tipo na basta-basta magsasabi, kahit pa kaibigan niya ito.


Para siyang may gustong marinig nang mag-angat ng paningin. "Lai..."


"Baka busog lang ako."


Napanganga siya sa akin.


Itinutok ko naman sa kanya ang nakatodo na electric fan, kaya naitikom niya ang kanyang bibig.


Bumagsak ang balikat niya pagkuwan at tamad na nagsalita, "Yeah, I also thought it was impossible." Napabuga siya ng hangin. "We were cautious, and you were taking pills, so it was impossible even though I was so drunk and hadn't used protection the last time we..." Hindi niya na naituloy ang sinasabi.


Naupo ako sa katapat niyang sofa. Nanahimik na siya pero nahuhuli ko ang paminsan-minsan niyang pasimpleng pagmamasid sa paligid. Makailang ulit ko rin siyang nakita napapabuga ng hangin.


"Lai, ano pala ang gagawin since friends na tayo?"


"Hmn..." Napahimas ako ng baba. "Magkuwentuhan?"


"Ha? Ano?"


"Kuwentuhan," ulit ko na yamot na. "Kuwento. Kumusta ang kuya mo?" tanong ko bilang simula.


"Sino sa kanila? Marami akong kuya."


"Sige, lahat na sila. Isa-isahin mo." Mas maigi na kaysa magpanisan kami ng laway rito.


Napasimangot naman si Asher. "Bakit interesado ka sa kanila?"


"Of course, we are friends. Normal lang naman kumustahin ang mga kapatid ng kaibigan, di ba?"


"Our eldest is in another country. Two years contract siya roon. Asawa siya ng tita mo, may anak sila na kambal, alam mo naman iyon. Minsan, napunta iyong hipag ko sa amin kasama iyong mga bata. Kaso, ngayon ay busy raw sa school, kaya hindi sila makapunta."


Hindi pa rin siya happy, pero pinaunlakan niya ako; tamad siya na nagkuwento. Magandang tactic nga na maibaling sa iba ang atensyon niya. Lihim ako na napangiti. It was amusing to see how certain things remained the same.


"Pangalawa kong kuya naman, Kuya Aram, ay matagal nang umalis sa bahay. May condo siyang kinuha malapit sa MOA. Nandoon na siya nakatira, pero wala pang asawa. Nitong nakaraan na uwi niya, naghabulan sila ni Nanay hanggang kabilang kalye. Gusto siyang dalhin sa ospital kasi nakitaan nga siya ng old injury."


Sa sinabi niya ay napatitig tuloy ako sa malabong scar sa kaliwang pisngi niya, iyong nahiwa ng nabasag na frame, noong inaawat niya si Mama sa pagwawala noon. Malamang na nagalit din ang nanay niya nang makita iyon. Ano kaya ang sinabi niya? Sinabi niya kaya ang totoo kung saan niya nakuha iyon?


"My third brother," pagpapatuloy naman niya sa kuwento. Na kay Amos Julian na. Ito ang pinakaseryoso yata sa kanilang magkakapatid. Ito rin ang masipag mag-aral, pero tamad nga lang sa bahay. Matalino pero walang pakialam sa paligid.


"Iyong pangatlo, pagkatapos sa required clinical training hours at pagpasa sa board, dentista na. Umuutang siya ngayon sa nanay namin ng pangtayo ng sariling clinic."


Pinapanood ko lang siya habang nagkukuwento. Minsan ay nagsasalubong ang mga kilay niya, minsan ay napapasimangot. And although he seemed to hate talking about his elder brothers, the glint in his eyes revealed how proud he was of them.Umikot sa ganoon ang mahigit isang oras namin.


Nalaman ko na huling sampa na ng tatay niya sa barko ngayong taon. Magreretiro na raw tutal lahat sila ay nakatapos na sa pag-aaral, may mga trabaho na, at kaya na nilang mabuhay mag-isa. May ipon na rin ang mag-asawa para sa pagtanda ng mga ito, kaya panahon na mabawi na nila ang mga panahon na sila ay palaging magkalayo.


Pinagkuwento ko lang si Asher tungkol sa pamilya niya. Sa pamilya niya lang. Parang dismayado naman siya dahil wala talaga akong tanong tungkol sa kanya.


Dumi-quatro siya ng pagkakaupo habang nakahalukipkip. "How about you, Lai?"


"Hmn?" kaswal na tanong ko naman. "I have nothing to tell you, wala akong pamilya na kasama. Kung tungkol naman sa biological family ko ay wala naman akong gaanong alam tungkol sa kanila."


"I am not interested in them."


"Sa akin?" Maang na itinuro ko ang sarili.


"Yup. Sa 'yo ako interesado." Ang mga mata niya ay nagkaroon ng kakaibang dating. "Lai, kumusta ka na ba?"


"Nakapasa na ako sa board. May work ako sa Manila pero mas gusto ko pala ang setup ng work from home. Umuwi rin ako rito dahil tingin ko ay mas okay kung titirahan ko itong bahay na iniwan ng adoptive parents ko sa akin, kaysa paupahan ito sa ibang tao."


"Yeah, maybe it's for the best; at least you're closer to your aunt now."


Napatikwas ang isang kilay ko dahil parang may iba pang laman ang sinabi niya.


"So your aunt can visit you. Kapag din nagkaroon ka ng emergency, at least malapit ka lang."


Nag-beep ang phone ko. Si Tita Judy. Nagising na raw si Bobbie at dumating na ang kambal. Nagpapaalam sa akin na kung puwede isama nila ang anak ko. Saglit lang naman daw. Nagyaya raw kasi si Daddy No. 2 na mag-Tagaytay. Nangunot naman ang noo ko. Parang ayaw kong pumayag.


Tikhim ni Asher ang pumukaw sa akin. "Sino iyan?"


Saka nabura ang pagkakakunot ng noo ko. Nakalimutan ko na nandito pa nga pala siya. Kinalma ko ang ekspresyon at nakangiti na sinagot ang tanong niya, "Ah, si Tita Judy. Pupunta raw siya sa Tagaytay kasama ang kambal. Mamasyal."


Noo naman ni Asher ang nangunot. "Mamamasyal?"


"Oo, naiinip siguro sa bahay nila," nakangiti pa rin na sagot ko. Ganito ang bonding.


"Mamamasyal?" ulit niya na naman na nakakairita na.


"Oo nga," medyo burado na ang ngiti ko dahil paulit-ulit siya. "Gusto niyang mamasyal kasama ang kambal. Naiinip siguro sa bahay nila."


"How come?" nanulas sa mga labi ni Asher habang ang mga mata ay pag-aalala. "I thought she's sick?"


"Sick?" Paanong sick iyon e ang ligalig nga?


"I texted her last week, the other day, and this morning. Gusto kong dalawin ang mga pamangkin ko, pero ang sabi niya ay saka na lang dahil hindi niya kayang tumanggap ng bisita. Masama raw kasi ang pakiramdam niya."


Napalunok ako.


Nagpatuloy naman si Asher habang salubong ang makakapal na kilay niya. "Palagi akong nagsasabi kay Ate Judy na gusto kong pumunta sa kanila, pero masama nga raw ang pakiramdam niya. Nasabi ko na nga kay Nanay, kaya baka dumalaw iyon ngayon doon—"


"Pupunta sa tiyahin ko ang nanay niyo?!" Napatayo ako mula sa pagkakaupo.


"Yeah," nagtatakang sagot naman ni Asher.


"Aalis nga sina Tita Judy! Wag na kamong pumunta ang nanay niyo!" Napasigaw na ako. Nakalimutan ko nang bonding kami, at dapat calm and casual lang lagi.


Nagtataka pa rin naman si Asher habang nakatingala sa akin. "Pero nag-aalala si Nanay—"


"'Wag kamo siyang mag-alala! Gala lang ang sagot sa masamang pakiramdam ng tiyahin ko!"


"Pero baka papunta na iyon."


"Alright." Padabog na dinampot ko ang aking phone mula sa center table. "Don't worry and stay put. Pipigilan ko na umalis ang tiyahin ko." Agad na nag-type ako sa phone.


Me to Tita Judy:

Pinapayagan ko na si Bobbie na sumama sa inyo sa Tagaytay. Basta bilisan niyong umalis. Kung magmi-make up ka pa, sa kotse mo na gawin!



Sana lang ay wag magtampo ang biyenan nito. Pagkatapos ay binalikan ko si Asher na hinihintay ako. Malungkot ko siyang tiningnan. "Naku, nakaalis na raw pala ang tita ko."


Siya naman ang naglabas ng phone. "Sige, iti-text ko na lang si Nanay. Pero okay lang ba talaga si Ate Judy?"


"Okay lang. Sabi ko naman, gala lang ang gamot sa kahit anong sakit niyon."


Tinawagan niya na rin ang nanay niya para sigurado. Pagkatapos nilang mag-usap ay pinauuwi na siya. Pupuntahan daw nila sa condo nito si Aram.


Nang tumingin siya sa akin ay malamlam ang mga mata niya. "Thanks for today, Lai."


Ngiti lang ang sagot ko.


Paalis na siya nang lumingon pa siya sa akin sa may pinto. "Lai, I forgot something. Tungkol sa pagkakaibigan. May isa pa."


"Ano?"


Ngumiti siya sa akin habang mapanglaw ang kanyang mga mata. "Friends don't lie with each other."


Wala na siya ay nakatitig pa rin ako sa pinto na nilabasan niya. Sa isip ko ay paulit-ulit na aking sinasabi sa sarili, hindi ito pangmatagalan. That this was only for a brief period of time.





I WAS JEALOUS OF MY AUNT.


Naipasyal na ni Tita Judy si Bobbie sa Tagaytay. Naunahan pa ako. Hindi ko makuhang ngumiti nang ibalik na nito sa akin ang anak ko noong gabi. Sobrang saya ng bata. Panay ang kuwento na malamig daw at may horse sa pinuntahan ng mga ito.


Ako dapat ang nakakita ng amaze na reaction ni Bobbie, hindi dapat si Tita Judy, ang kambal, o kahit si Daddy No. 2. Ako dapat at hindi ibang tao!


Naiinis ako pero hindi dapat malaman ng anak ko, kaya nakangiti ako sa harap nito. Nakangiti noong nililinisan ko ito ng katawan, noong tinutulungan na mag-toothbrush, magpalit ng pajama, at kahit noong nasa bed na. Nakangiti ako habang kinukumusta ito, kinukuwentuhan ng bedtime story, hanggang sa makatulog na ito. At noong tulog na ito, doon lang nabura ang ngiti ko.


Matagal na nakatitig lang ako sa bata, sa anak ko. Mga ilang minuto rin, o umabot na sa isang oras siguro. Titig na titig lang ako sa tila manikang mukha nito. Hanggang sa unti-unti ay gumaan na ang loob ko.


Hinalikan ko ito sa noo. "Goodnight, my baby. I love you." Payapa na ulit ang loob ko na tinabihan ito. Nakatulog ako na may ngiti sa mga labi habang kayakap ang anak ko.





KAAALIS PA LANG NG BIYENAN NG TIYAHIN KO.



Akala pala talaga ni Aling Ason ay may sakit si Tita Judy, kaya tinuloy na dalawin ngayon. Dinalhan sila ng groceries, kinumusta sila, at ipinagluto ng hapunan para sa gabi. Balak pa nga raw na doon mag-stay. Konsensiyang-konsensiya naman ang bruha kong tiyahin.


"Bakit kasi ganoon ang sinabi mo?" sita ko sa kanya.


"Aba, malay ko ba kasi na magsusumbong sa nanay niya ang magaling kong bayaw?" Ilang beses na pala kasing nagtatangka si Asher na dalawin siya at ang mga bata, pero naubusan na siya ng dahilan.


"Puwede mo naman padalawin, e. Itanong mo lang kung kailan pupunta para prepared ka, at maitago mo iyong lalaki mo!"


Hinambalos niya ako ng throwpillow. "Siraulo!"


Ako ulit ang naghatid at sumama kay Bobbie sa school kanina. Pinaglamayan ko talaga ang aking mga files sa magdamag para makatapos agad. Mabuti na lang din pala, dahil nga may bisita ang tiyahin ko. Pagkaalis ng biyenan nito ay dito na nga agad dumeretso.


Gusto ko na siyang paalisin dahil baka maisipan na namang hiramin si Bobbie. Isa lang naman ang alam ko na paraan para idispatsa siya. Kailangan ko lang siyang paringgan na gusto kong mangutang.


"Tita Judy, may extra ka ba riyan?" tanong ko kahit hindi ko naman kailangan. "Delayed kasi ang sahod ko. Gusto ko lang mamili ng skincare. Nagrereklamo na ang balat ko sa organic, e."


Para naman siyang walang narinig. Hinahanap si Bobbie at miss na miss na raw ang bata. Tsk. Pagdating talaga sa usapang utang ay nabibingi ang babaeng ito.


"Nasa itaas, nagdo-drawing." Inwian ko si Bobbie sa kuwarto dahil doon lang kami may aircon. Ayaw ko kasi na naiinitan ang bata.


"Okay, puntahan ko muna si Pretty." Iniwan na agad ako ng magaling kong tiyahin. Wala pa rin talaga siyang pinagbago, noon at ngayon, kahit may monthly nang padala mula sa asawa, ay saksakan pa rin siya ng kuripot.


Napaisip tuloy ako. Isang beses nang nasa Mandaluyong ako noon, bago ko ipanganak si Bobbie, ay natakot ako na baka hindi magkasya ang aking ipon. For the first times since I left Cavite, I tried to contact Tita Judy. Gulat na gulat siya at pinagsisisigawan ako. Itinatanong kung nasaan daw ako. Hindi ko sinabi. Wala akong sinabi, maliban sa baka kailanganin ko ng pera.


Nang mismong araw na iyon, lumakad lang ang oras nang muli akong tawagan ni Tita Judy. Ni hindi nagtanong ang aking tiyahin kung saan ko gagamitin ang pera, basta lang niyang hiningi ang bank account ko. Nagulat na lang ako dahil ora mismo, ay nakatanggap agad ako ng one hundred thousand pesos mula sa kanya. Hindi na kami gaanong nagkausap pa, dahil matapos kong magpasalamat at mangako na babayaran ko siya, ay nagpalit na agad ako ng simcard.


Lumipas pa ang tatlong taon bago ulit ako nagparamdam. As in three years bago ulit kami nagkaroon ng contact sa isa't isa. Nakalimutan na nga kaya niya talaga ang utang kong one hundred thousand pesos sa kanya?


Pagbaba ni Tita Judy ay bitbit na niya ang anak ko. Pinupupog na ng halik ang mamula-mulang pisngi nito. At ayun na nga, gusto na namang hiramin sa akin. Hindi pa ako pumapayag ay hinahanapan na niya ito ng sandals.


At ang anak ko naman ay tila unggoy na nakakapit sa tiyahin ko. Nang lumingon sa akin ay nagpapaawa ang mga mata. "Mommy, plish! Wantu go with Mommy Judy!"


Mula talaga nang masanay na ito na may ibang mga tao na nakikita maliban sa akin, ay nagi na itong mainipin. Parang hindi na rin kompleto ang araw na hindi nakikita ang kambal na sina Atlas at Adam.


Dumating na si Daddy No. 2 para sunduin sila. Bago lumabas ang tiyahin ko ay pinandilatan ko ang babae. "Pagbalik ng asawa mo, gumawa na kayo ng babaeng anak, ha?! Para hindi ka na nang-aagaw ng di mo anak!"


"Oo, gagawa kami agad. Pero sa ngayon, pahiram muna rito kay Pretty Bobbie! Byeee!"


Nang mawala na ang mga ito ay napabuntong-hininga na lang ako. Nami-miss ko na agad si Bobbie, pero mas matimbang ang awa ko rito. Gusto lang naman ng bata na makasama ang kambal at makalaro. Sino ba ako para ipagdamot iyon dito?





DINATNAN AKO NG BAGONG FILES. Inubos ko na lang ang oras sa pagtatrabaho. Nag-unat ako ng mga braso nang makatapos. Anong oras na ba? Hapon na pero mainit pa rin sa labas. At walang dumating.


Tiningnan ko ang doorbell kung nakasaksak ba. Kasi baka may nagdo-doorbell na pala, nang hindi ko nalalaman. Pero nakasaksak naman iyong nang maayos. Wala lang talagang dumating.


Kunot ang noo ko na bumaba sa sala para lang muntik nang mapatili nang makita ang lalaki sa tapat ng screen door. Nakatayo si Asher sa labas! Kailan pa siya roon? Bakit hindi siya nagdo-doorbell?!


Kahit siya ay nagulat sa akin. Pero nang makabawi ay ngumiti. "Hi."


Pinagbuksan ko siya ng screendoor. Napatingala agad ako sa kanya. Bagaman nakapasok siya sa gate at nakasilong na sa tapat ng bahay ay pawisan pa rin siya, dahil nga mainit ang singaw ng kalsada sa labas. Pero kailan pa ba kasi siya? Bakit ni hindi man lang siya tumawag?!


"Sorry kung pumasok na ako sa gate. Nakabukas kasi. Saka, nakita ko na bukas din ang pinto. Naka-lock nga lang iyong screen, tapos walang tao rito sa sala. Pinag-isipan ko pa kung tatawagin kita kasi baka tulog ka."



Pinapasok ko siya at tinutukan ng electric fan. Hindi naman siya amoy araw. Pawisan lang talaga ang makinis na leeg niya, pero mukhang bago siya umalis sa kanila ay naligo muna siya.


"Hindi ako tulog. May tinapos lang ako na work."


Inalok ko siya ng isang baso ng malamig na tubig na hindi naman niya tinanggihan. Nang ibalik ko na ang baso sa kusina ay sumunod siya sa akin. Paglingon ko ay magkaharap na kaming dalawa. Nakatapat na ako sa bandang ilalim ng makinis na leeg niya. Nakikita ko ang pagbaba-taas ng lalamunan niya.



Tiningala ko siya. "Nauuhaw ka pa ba?"


"What if I say yes? And what will you do if I am still thirsty even after giving me water to drink?"


"Of course, as your friend, I'll be worried. Dahil bakit uhaw ka pa rin kahit ilang beses na kitang bigyan ng tubig?"


"Ang bait mo naman palang kaibigan."


Ngumiti lang ako at lalampasan na siya nang magaan na pumigil sa braso ko ang isang kamay niya. Nakahawak lang iyon sa akin habang wala siyang kahit anong salita na sinasabi. Nang lumingon ako ay nakayuko siya. Kagat-kagat niya nang mariin ang kanyang pang-ibabang labi.


Ang isang kamay ko ay kusang marahan na umabot sa kanya. Ang aking daliri ay maingat na dumampi sa mga labi niya niya. "Baka magdugo..."


Doon siya sa akin tumingin. May kung anong damdamin sa kanyang mga mata nang idinampi niya ang mga labi sa aking daliri. Napapitlag naman ako sa gulat, kahit ako naman ang nauna.


Still, I could not withdraw my hand. Ang mga daliri ko ay kusang nakaangat sa ere, doon sa tapat ng mga labi niya. Hindi niya hawak, hindi niya pinipigilan, pero nananatili roon. Nananatili habang nakayuko siya at marahan at masuyong hinahalikan ang mga daliri ko isa-isa.


Ramdam ko ang paggapang ng kakaibang init mula sa aking mga daliri, pababa sa aking palad, sa braso, hanggang sa kumalat sa iba't ibang parte ng katawan ko. Mas sumiklab pa ang init na iyon nang hindi na makuntento si Asher sa simpleng paghalik lang. Napasinghap ako nang isubo niya nang sabay ang dalawa sa mga daliri ko!


Nakayuko siya, sinisipsip, dinidilaan ang mga daliri ko, habang nakatutok sa mukha ko ang mapupungay at nagliliyab na uri ng magagandang mga mata niya!


"J-just to remind you, we're just friends."


"Yes," sagot niya pero patuloy pa rin.


Napapapikit na ako nang bigla siyang huminto. Nagtataka na napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin na lumayo.


"That's what friends do," sabi niya na nasa mga mata pa rin ang pamumungay.


"A-ano?"


"You have a cut on your finger."


Napatingin ako sa tinutukoy niya. Meron ngang nakapaliit na sugat sa dulo ng isang daliri ko. Nahiwa noong naggayat ako kanina ng sayote na ulam namin ni Bobbie. Kung ganoon ay iyon ang dahilan kaya sinipsip niya ang daliri ko?!


Bumalik na si Asher sa sala. "Can I ask for another glass of water, please?" hiling niya sa paos na boses.


Lito man ay ikinuha ko siya ulit ng tubig dahil baka nauuhaw siya. Ang dami niya yatang naaksayang laway kanina. But come to think of it, sobrang liit lang naman ng cut sa daliri ko, ah? Hindi nga mukhang sugat. Wala na ring dugo. At isang daliri lang naman ang may sugat, pero bakit kulang na lang ay sipsipin niya pati buong kamay ko?!


Bago ako bumalik sa kusina ay naghugas muna ako ng kamay. Napataas ang gilid ng mga labi ni Asher nang inaabot ko na sa kanya ang baso ng tubig, at makita niyang basa ang kamay ko. Patay malisya naman ako na naupo sa katapat niyang sofa.


Ininom niya ang laman ng baso pero ramdam ko na nasa akin nakatuon ang mga mata niya. Hindi siya nagsasalita. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Wala rin naman akong sasabihin sa kanya. Hindi rin naman ako puwedeng mag-thank you sa ginawa niya kanina.


He said he would teach me things that friends do, but only a fool would believe that.


"Lai, kumusta ka na ba?"


Napatigil ang paglilikot ng mga mata ko sa paligid. Hindi ba at naitanong niya na iyon? Sa pagkakatanda ko ay nasagot ko na rin iyon.


"I know I've already asked you this, and you've already responded. But can I hear more?"


That was when I turned my gaze back to him. My calm and collected composure fled my skin. "Wala namang espesyal. Kung ano lang iyong nakikita mo ngayon."


"I know, we are friends now. And I am thankful. It's just that... there is something that I can't stop thinking about. Something that puzzles me."


"Ano ang bagay na gumugulo sa 'yo at hindi mo maintindihan?"


Nag-angat siya ng mukha mula sa pagkakayuko. "You."


"What?"


Ngumiti siya na hindi umabot sa mga mata niya. "Lai, you hate me for reasons I can not understand."


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro