
Chapter 49
Hi, all! For those who are interested in the hidden chapter of CS, it's now available. It's just a draft na nasa inyo na kung gusto niyong mabasa. DL Patreon app and look for account: jfstories. It's posted there for free.
-------------------------------------------------------------------------------
YOU HAVE BECOME HEARTLESS.
Not the first time as I already had heard something like that. Nasabi na iyon ng landlady ko sa Mandaluyong nang hindi ako pumayag na magdagdag ng upa dahil lang may sakit kuno ito, nasabi na rin ng nahuling snatcher ng aking phone dahil pinaderetso ko ito sa presinto, kahit pa sabi nito ay kailangan lang nito ng pang-tuition.
At higit sa lahat, nasabi na rin ng naging suitor ko sa Mandaluyong. Binasted ko kahit nagsisimula pa lang magparamdam. Guwapo naman siya, kaso iyong sahod niya sa trabaho ay kulang pa sa sarili niya, tapos lakas ng loob niyang manligaw?
Sorry bukod sa kaya kong mabuhay ng walang lalaki, ay hindi rin ako fan ng kanta ng lyrics sa kanta ng bandang Eagles na 'When We're Hungry, Love Will Keep Us Alive'.
Nasagi yata ang pride chicken nito, kaya biglang bawi na kesyo hindi naman daw ako nito nililigawan. Gusto lang daw nito makipagkaibigan, pero ang sama naman daw pala ng ugali ko. Kaya raw siguro ako iniwan ng ama ng anak ko. May point naman siya. Pointless.
Hindi pa rin ito lumayas. Pilit pa ring inaangat ang bandera ng pagkalalaki nito. Kesyo may anak na raw ako kaya dapat daw na magpasalamat pa nga ako kung may manligaw man sa akin. Sinagot ko ng 'thanks, but no thanks', ang kaso ay lalo na namang nagalit.
Pinagsarhan ko na ito ng pinto. Ang mga ganoong tao ay sayang lang sa oras ko. Marami pang ganoong tao ang nagsabi sa akin na masama ang ugali ko, pero hindi ko na iyon problema. It was not my responsibility to manage people's opinion of me.
Pag-akyat sa itaas ay sa kuwarto pa rin ako ni Mama pumunta, dahil hindi ko pa nakukuha ang susi sa kabilang kuwarto. Tiningnan ko ang aking phone. May text si Tita Judy kung puwede na raw ba silang pumunta rito. Nag-reply ako na maya-maya na.
Naghintay ako ng kalahating oras. Kumakalam na ang tiyan ko. Lumabas ako ng kuwarto at sumilip sa may hagdan kung may tao pa ba sa ibaba, nang makitang parang wala na ay saka akong tuluyang bumaba. Doon agad ako sa mesa tumingin, pero wala na roon ang mga pagkain.
Nasaan na? Napalapit ako agad doon. Wala na kahit ano sa mesa. Sinilip ko pa sa ilalim, dahil baka nahulog, pero wala. Wala na talaga ang mga pagkain!
Just to make it clear, hindi sa gusto kong kainin ang mga iyon. Napapaisip lang talaga ako kung saan ba napunta. Malay ko ba, di ba? Pero wala akong pakialam talaga.
Pero nasaan nga kaya? Dinala ba ulit ni Asher? Inuwi niya sa kanila Napasimangot ako sa naisip. Luluto-luto siya gamit ang gas ko, 'tapos iuuwi niya iyong pagkain sa kanila?!
Padabog kong binuksan ang ref para i-check kung pati ba iyong mga grinocery niya ay inuwi niya rin. Sana nga ay inuwi niya na rin, hindi ko naman kailangan ang mga iyon. Unang-una, hindi na ako kumakain ng mga ganoong pagkain ngayon—Nandito pa rin?!
I was surprised to see that all of the wet stocks he brought were still here. May bacon, nuggets, hot dogs! Puno ng stock ang ref ko! May iba rito na katulad ng ilang pirasong pineapple juice in can, Yakult, yogurt, fresh milk, cream cheese, at margarine!
Napatakbo ako sa cupboard at sabay-sabay ang mga iyon na pinagbubuksan. Naririto pa rin ang mga pinaglalagay niyang groceries kanina! Noodles, delatas, chips, cookies, condiments, at marami pa! Ang dami pa!
Bakit? Bakit nandito pa ang mga ito? I slowly turned to the microwave. My chest was pounding three times faster as I approached it. Ang kamay ko ay nagtagal pa sa ere bago hawakan ang pinto niyon. Nang buksan ko ay napasinghap ako. May mga pagkaing may takip at magkakapatong ang naroroon!
Kinuha ko ang mga iyon, tinanggalan ng mga takip, paglatag sa mesa. Ang isang plato ay iyong corned beef na maraming sibuyas, sa isa naman ay tinorta sa itlog na ginayat na ham, at sa mangkok ay ang noodles na may itlog! Ito iyong mga pagkain kanina!
Napalunok ako habang nakatitig sa pagkaing nakahain sa aking paningin. Nandito pa rin. Iniligpit lang. Kung ganoon ay hindi niya pala inuwi?
Muli akong napalunok. Hindi ko gusto ang mga ito. Ang tagal na mula nang makakain ako ng mga ganito. Mahal pero ayos lang kung hindi ako ang bibili. Hindi rin healthy pero kung minsan ay okay lang naman. Pero hindi ko talaga gusto ang mga ito, ang kaso ay alangan namang itapon ko?
Sa huli ay kumuha na ako ng plato. Kung sana ay inuwi niya na talaga, e di sana wala akong problema. Ayaw ko naman kasi na ako pa ang magtatapon ng mga ito. Una, hindi ko alam kung saan itatapon, pangalawa ay ayaw kong ako mismo ang magtatapon, dahil pagkain pa rin ito. Hindi tamang sayangin ang pagkain, kaya ito, pinili ko na lang na piliting kainin.
Ngayon lang naman. Minsan lang. Naubos ko na lahat. Pinilit kong ubusin kahit ang dami, dahil baka maabutan pa ni Bobbie. Ayaw kong kumain ng ganito ang anak ko, kaya inubos ko na. For my daughter's sake, wala akong itinira. Hinanap ko rin ang Royal softdrinks sa ref at ginawa iyong tubig. Dumighay ako pagkatapos.
Pagdating ng anak ko ay tuwang-tuwa ang bata nang makita na puno ng stock ang ref at cupboard namin. First time kasing mangyari. I mean, first time na makakita ang anak ko ng mga unhealthy food sa kusina namin. Pinayagan ko itong kumuha ng cookies, chips at yakult, pero tag-iisa lang. Tuwang-tuwa lalo ito. Napabuga na lang ako ng hangin.
Ang tiyahin ko naman ay napapataas na lang ang kilay nang makita ang mga groceries, pero hindi naman ito nag-comment. Umalis na rin agad ito dahil niyaya na ni Daddy No. 2.
WALANG PASOK SI BOBBIE. May inaayos na facility sa playschool nito, kaya nakapag-bonding kami. Hindi ako nagtrabaho para makabawi talaga rito. Binasahan ko ng story, tinuruang maghugas ng plato habang nakatungtong ito sa upuan, at habang naglalaba ako ng ilang piraso naming ay ito ang utusan ko. Masigasig ito sa pag-abot sa akin ng kung anu-ano, katulad ng sabon, hanger, at ipit.
Pagkatapos ng tanghalian ay nagyaya si Bobbie kina Tita Judy. Pinagbigyan ko na kaya nagpunta kami sa bahay ng aking tiyahin sa may Lancaster. Labas agad ang kulit nito pagkakita sa kambal na sina Atlas at Adam. Nagpa-baby agad sa dalawa nitong kuya.
Nag-afternoon nap ang mga bata, pagkagising ay nag-drawing na sa sala. Tag-iisang drawing pad ang mga ito. Bandang 5:00 p.m. nga lang nang kumulimlim na parang uulan. Niyaya ko nang umuwi si Bobbie ako dahil may sasamsamin akong sinampay.
"Mama, wantu stayyy!" Sabay yakap ng makikinis at bilugang mga braso nito sa leeg ng naunang nahagip na kuya.
"Bobbie, makakasama mo naman sila bukas, di ba? May pasok na ulit kayo. Dito deretso pag-uwi." Palagi itong pahirapang umuwi kapag galing dito kina Tita Judy.
Ang malamanika na mukha ng bata ay tumingin sa akin, umiling, at pinakitaan ako ng paawa face. Durog agad ang puso ko.
Natawa naman ang aking tiyahin. "Hayaan mo na, nasasabik lang talaga iyong anak mo na makasama ang mga pinsan niya. Nag-e-enjoy lang ang anak mo na may kasama siyang ibang bata. Ang tagal niyo ba naman sa Manila na ikaw lang ang nakikita niya."
Bumalik na si Bobbie sa pagdo-drawing sa lapag. Nakadapa ito at patingin-tingin sa drawing ng katabing si Adam, pagkatapos ay hahagikhik. Kitang-kita ang saya sa magagandang mga mata. Nagdo-drawing din naman ito sa bahay, pero tama si Tita Judy, iba talaga ang saya ni Bobbie kapag may kasama.
"Mahirap nga naman kasi na mag-isa lang siya," ani Tita Judy sa akin. "Syempre, nabo-bore din naman ang bata."
Nakalabi ako na tumingin kay Tita Judy.
Niyakap na lang ako ng tiyahin ko. Ihahatid na lang daw nito si Bobbie mamaya pagdating ni Daddy Number 2. Ayaw ko pa sanang mauna, kaya lang ay nagsisimula nang umambon. Pag nauwi iyon sa ulan ay mababasa ang mga sinampay ko.
KAPAG ONLY CHILD BA TALAGA AY MALUNGKOT?
Boring ba talaga kapag mag-isa lang? Wala rin akong kasama noon. Kami lang palagi ni Mama dahil abroad si Papa. Isa lang ako na bata sa bahay namin, pero wala naman akong natatandaan na na-bore ako. Mas gusto ko ang palagi akong nag-iisa, dahil nako-corny-han ako sa ibang bata na kaedad ko.
Wala akong nakasundo na kaklase ko mula noong Nursery ako. Nagpapanggap lang ako na natutuwa akong makipaglaro sa mga ito, para masungkit ko ang award na 'Most Friendly' during nursery. Bukod sa 1st honor kasi ay gusto ko na marami din akong iba pang award, dahil gusto ko na palaging proud sa akin sina Mama at Papa.
Pero iba-iba ang mga bata. Ayon sa mga binabasa kong tungkol sa ugali ng mga bata, ay iba-iba nga raw ang mga ito, kaya posible na iba si Bobbie. Baka gusto talaga nito ng nakakasama. Baka nalulungkot talaga ito dahil mag-isa lang ito. Nakaramdam ako ng pait sa dibdib ko. The last thing I wanted was for my child to be unhappy.
Tita Judy's kids were twins so there was no problem. Masaya sila kahit sila-sila lang sa bahay ang magkakasama. Kahit pa minsan ay nag-aaway ang kambal kapag may di mapagkasunduan, ay at least, hindi nabo-bore ang mga ito. Ganoon kapag may kapatid. Habang sakay ng tricycle pauwi sa Sunterra ay naglalakbay ang isip ko.
I was still deep in thought about it, as I got off the motorcycle in front of the subdivision's gate. I imagined how happy my daughter would be, how the thrill would light up her lovely eyes and make her jump with excitement. Ako tuloy ay nakadama din ng kung anong pananabik sa dibdib.
Natigil ako sandali sa pag-iisip nang makaliko na sa kanto ng street namin. Natanaw ko kasi ang isang matangkad na lalaki na nanunungkit sa aking tanim na puno ng malunggay. What was this guy doing here again?
Elevated ang lupa sa bakuran ko, kaya mataas na bahagi ang tangkay na may mga dahon, pero dahil matangkad ang lalaki ay nakakapitas siya nang walang aberya. Sa pagkaka-sideview ay kitang-kita ko ang mayabang na bridge ng kanyang ilong, ang bahagyang pagkaawang ng mapupulang mga labi, at maging ang pawis sa gilid ng pangahang mukha.
Bumaba ang paningin ko sa makinis na leeg ng lalaki. May kaunting pawis doon dahil sa pagpipilit na makakuha ng mga dahon ng malunggay. Bahagyang umaalon ang Adam's apple. Napakagat ako ng labi. Would my child really be happy?
"Ineng, nariyan ka na pala!" Isang matandang babae ang kumaway sa akin. Mag-isa na lang ito dahil patay na ang asawa at tuwing weekend lang umuuwi ang nagtatrabahong anak sa Manila. Mahilig ito sa gulay kaya hinahayaan ko na manghingi na lang sa akin.
Pagkakuha ng huling tangkay ay doon naman tumingin si Asher sa akin. Mukhang siya ang inutusan ni Mrs. Robles na kumuha ng malunggay dahil matangkad siya. Pero kailan pa siya rito?
Haplos ni Mrs. Robles sa braso ko ang kumuha ng aking paningin. "Ineng, pasensiya ka na, ha? Wala ka pala riyan, e balak ko sana mag-tinola na may malunggay."
"Okay lang ho. May pinuntahan kasi ako."
"Oo nga, wala ka. Mabuti na lang at nariyan itong si ano." Tumingin ang matanda kay Asher. "Ano nga pala ang pangalan niya? Kanina pa siya rito nakatayo sa tapat ng gate mo. Ano mo nga ba iyan? Ayaw sabihin, e. Secret daw!"
"Tito ko ho."
"Ah." Napanganga naman si Mrs. Robles. Sa mga mata ay may disappointment, mukhang may iba itong inaasahan. Napatango na lang ito kalaunan. "Ay, siya! Me ganyan nga naman! Magkasing edad lang kahit magtiyuhin, hano?"
Hindi ako sumagot. Sa aking peripheral vision nakikita ko ang pagtitig ni Asher sa akin.
Umalis na si Mrs. Robles bitbit ang malunggay nito. Ako naman ay binuksan na ang gate. Walang salita na pumasok na ako sa loob. Pagpasok sa pinto ay akmang isasara ko iyon nang may humarang na paa. Dahil sa bilis ko ay naipit siya.
Napahiyaw siya, "Ah, putangina!"
"Ano ba?" Napasinghal naman ako sa gulat. Paglingon ko ay nakakapit siya sa pinto habang pinamumulahan ng mukha. Hindi lang pala mukha, dahil hanggang sa leeg siya namumula. Mukhang nasaktan talaga.
Binuksan niya ang pinto habang nakangiwi ang mapupulang mga labi. Bigla siyang bumuwal sa sofa, nakasandal siya sa sandalan, habang nakatingalang humihingal. Nang tumingin siya sa akin ay sinimangutan niya ako. "Where are your manners? Sinasaraduhan mo ng pinto ang tito mo?!"
Ako naman ang napatingala. "I am calm," usal ko sa hangin.
Tumayo siya. Okay na siguro ang kaliwang paa na naipit kanina. Niyuko niya iyon. "Mabuti hindi nadale kuko ko, kung nagkataon na napatay mo kuko ko, lagot ka sa nanay ko."
Pagtingin ko sa labas ay umaambon na naman. Mukhang ngayon ay mauuwi na talaga sa pag-ulan. Lumabas ako sa pinto sa kusina para samsamin sa munti kong sampayan ang mga nilabhan. Nilagay ko agad sa basket, inilalim ko ang maliliit na damit.
Pag-angat ng ulo ko ay muntik akong atakihin nang makitang nasa likod pala si Asher. Nakasilip siya sa ginagawa ko habang nakataas ang isang kilay. May nakita ba siya?
Umayos ako ng tayo at sinalubong ang mga titig niya. Nakakailang pero hindi ko naman inalis sa kanya ang aking mga mata. Lalo sa mukha niya. What an eye candy.
Asher James Prudente's face card was really no joke.
Ngumiti siya na parang nagustuhan na nakatingin ako sa kanya nang walang kurapan. Natigilan lang siya dahil ang tagal ko nang nakatingin pa rin sa kanya, like I was enjoying his face, which was true. I was really enjoying here.
Nang humakbang ako palapit sa kanya ay siya naman ang napakurap. Parang nagulat. Nagulat nga dahil nilapitan ko siya nang ganito kalapit. Actually, hindi pa ito malapit. Humakbang pa ako hanggang sa unconsciously ay mapaatras na ang mga paa niya. Sa bawat hakbang ko ay napapaatras siya, hanggang sa tumama na siguro iyong spinal cord niya sa kanto ng kitchen counter.
Umalon ang lalamunan niya at nagsimula na siyang pawisan. "W-why?..."
Why? Was he really asking me that? He was the one who kept on coming here, right? He seemed to be flirting with me and not flirting at the same time, so it was me that should be confused in this situation, and not him.
I didn't stop staring at him, though. He was still as handsome as ever. Nabawasan na nga lang ang taglay niyang cuteness ngayon, dahil siguro hindi na siya bata na katulad noon. Mas tumangkad, sumeryoso ang dating ng mga mata, at mas lumaki at tumigas ang boses niya.
Napalabi ako. Hmn, my little Bobbie was cuter. No one could beat my baby in terms of cuteness. Not even this man.
Nang halos gahibla na lang ang pagitan namin ay tiningala ko siya. Ang mga mata niya kanina na gulat at hindi mapakali ay ngayo'y mapupungay na. "Lai..." paos nang sambit niya sa pangalan ko.
My daughter, Bobbie, was like a living doll; she was so pretty, adorable, and lovely. And how I would love to make her happy.
Tumaas ang kamay ko patungo sa makinis na pisngi ni Asher dahilan upang mapapikit siya. Napangiti ako habang nakatingin sa kanyang mukha. Tumingkayad ako at binulungan siya dahilan upang muli siyang mapadilat at panlakihan ng mga mata.
"Asher, would you like us to be friends?"
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro