Chapter 48
NITONG UMAGA LANG PAGKALAMBING-LAMBING NG IYONG MGA MATANG HAYOP KUNG TUMINGIN... ♩♬
Asher's phone began to play another song, and I blinked.
♪ ♫ Nitong umaga lang pagkagaling-galing ng iyong sumpang walang aawat sa atin.
Nananatili naman siyang nakatingin sa akin. Hindi na nga lang iyon blangko katulad nang umpisa. Ngayon ay may kung anong kislap ng masisinag sa mga mata niya. Sandali, mabalik ako, ano nga ba ang sabi niya kanina?
That I could eat everything but him? Mukha lang siyang matino pa, pero naalog na nga yata ang utak niya habang nasa dagat siya.
I chose not to just ignore his previous words. Para hindi na rin kung saan pa mapunta kapag humaba. Itinuon ko na lang ang atensyon kung paano niya nabuksan ang pinto. "Paano ka nakapasok dito?"
Doon muling sumeryoso ang mga mata niya. "I rang the doorbell five times, but no one answered."
Five times, pero hindi ako nagising? Naalala ko na anong oras na nga pala ako nakatulog at masama pa ang pakiramdam ko nang mahiga kanina.
"Inakyat ko na iyong gate para deretsong kumatok na sa pinto. I had only knocked on the door twice when I realized it wasn't locked." Pati boses niya ay mas sumeryoso. "Mag-isa ka lang dito, dapat sinisigurado mo kung naka-lock ba lahat ng pinto."
Pakiramdam ko ay namutla ulit ako. Natulog ako na hindi naka-lock ang pinto? Pinilit kong alalahanin ang ginawa bago nahiga. Gutom na gutom ako, nagbalak ako na lumabas para mamitas sa mini garden ko, nang maisip na wag na, dahil madilim pa. Pero natatandaan ko nga na umabot na ako sa pinto. Nabuksan ko ang doorknob, ang kaso ay hindi ko na maalala kung aking naisara ba ulit.
At hindi ko nga naisara. Paano na lang kung pinasok ako rito ng masasamang loob? Napasabunot ako sa aking buhok. Shit, shit! Okay lang naman dahil mag-isa lang ako rito kagabi, pero paano kung kasama ko si Bobbie?!
"It's nice to know you're concerned about your safety that much. Just make sure this won't happen again."
What? Anong sinasabi niya? Pero pinili ko na lang na wag umimik. Besides I had nothing to explain to him.
O kay bilis naman maglaho ng pag-ibig mo, sinta
Daig mo pa ang isang kisapmata
Kanina'y nariyan lang, o ba't bigla namang nawala
Daig mo pa ang isang kisapmata
Seriously, his music was getting on my nerves. It was loud, or maybe I just didn't like the lyrics. Tinigasan ko ang aking itsura at saka malamig na nagsalita, "Pakipatay iyang phone mo. Kung gusto mong magpatugtog, doon ka sa inyo."
Parang wala naman siyang narinig. Ipinagpatuloy niya na ang pagliligpit ng mga pinamili niya, habang sumisipol ng katono ng kanta.
Napahaplos ako sa aking batok na parang biglang kumirot. Kahit puyat ay feeling ko ay maha-high blood ako. Chill pa rin naman si Asher sa ginagawa. Mabilis ang kilos subalit kalmado at pulido.
Pagkalagay ng lahat sa lalagyan ay tiniklop niya na ang mga paper bag, pagkuwa'y mayamaya'y naririnig ko na mismo ang malamig at malambing na boses niya na mahinang sinasabayan na ang kanta. "Kani-kanina lang, pagkaganda-ganda ng pagkasabi mong sana'y tayo na nga. Kani-kanina lang, pagkasaya-saya ng buhay kong bigla na lamang nag-iba."
Ang boses niya na tila nanghahalina sa una, na habang tumatagal ay parang gustong magdulot ng kakaibang lungkot. "O kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo, sinta. Daig mo pa ang isang kisapmata. Kanina'y nariyan lang, oh ba't biglang nawala..."
Beep ng phone ko ang pumukaw sa aking atensyon. Maagap na kinapa ko ang aking bulsa at tiningnan. Si Tita Judy ang nag-text. Nakahinga ako nang maayos nang mabasa ang nakalagay. Pagkatapos daw ng klase ng mga bata ay dederetso sila sa mall. Ibig sabihin ay gabi pa maisasauli sa akin si Bobbie.
Nang tingnan ko si Asher ay sa akin na siya ulit nakatingin. He wasn't singing anymore. "Who's that?"
My lips twitched a little. Bakit niya tinatanong? Naalala ko na kung bakit ako bumangon, dahil sa gutom. Walang salita na tinalikuran ko siya. Lumabas ako ng bahay. Kung gusto kong kumain ay naririto ang mga pagkain.
Namitas ng dahon sa aking tanim na puno ng malunggay. This was what I needed if I wanted to feel better. Mas mayaman sa bitamina ang sabaw na magagawa ko rito; isang mangkok ng sabaw nito ay katumbas na ng orange juice na limang baso. Pumitas din ako ng isang kamatis bago bumalik sa loob.
Patay na ang sounds ni Asher pagbalik ko. Nakahahukipkip siya habang nakasandal sa ref at nakatingin sa akin. Lalong dumilim ang ekspresyon niya nang makita ang mga dala-dala ko. Dinaanan ko lang naman siya.
Sinimulan kong himayin ang mga dahon ng malunggay, naghiwa ng kamatis, at inilagay sa strainer para hugasan sa lababo. Pagkatapos ay isinalang ko na ang mga iyon sa maliit na kaserola na may kaunting tubig.
Nakatingin pa rin si Asher sa akin nang ilagay ko ang tirang lugaw kagabi patungo sa malunggay soup. Nilagyan ko iyon ng luya at binasagan ng itlog nang kumulo, at saka hinalo.
Nang sinasandok ko na ang rice soup ay doon nagtanong si Asher. "Iyan lang ang kakainin mo?"
Imbes sumagot ay naupo na ako. Kumuha ako ng kaunti sa kutsara, at hinihipan. Nang kaya ko na ang init ay sumubo na. Isang subo, dalawa, tatlo, na parang walang ibang tao.
Narinig ko ang pag-tsk niya. Naupo siya sa harapan ko. Hindi na siya nagtanong dahil na-gets niya na sigurong masasayang lang ang kanyang laway, nangalumbaba na lang siya habang pinapanood ako sa pagkain.
Patuloy pa rin naman ako. Sandok, ihip, kain. Ganoon ang ginagawa ko. Mas kailangan kong mabusog kaysa intindihin ang presensiya niya.
Hindi nga lang talaga maiwasang mahagip ng aking paningin ang braso niya. Mula sa pagkakayuko sa aking mangkok, ay tanaw ko ang ang nakapatong sa mesa na isa sa kanyang mga braso. Makinis, bahagyang balbon, mapusyaw na moreno.
Sa pagkakahagip ng aking paningin sa parte niyang iyon, ay hindi ko na napansin na umabot na rin pala sa mismong isang kamay niya ang aking mga mata. Mahahaba pa rin ang mga daliri niya, magaganda at malilinis ang mga kuko, subalit ang pinaka napansin ko ay ang mga ugat sa likod ng palad niya. Wala iyon dati, ngayon ay meron na. Hindi masyadong halata, pero makikita.
Iyong ugat na parang sa muscle. Basta maugat. Ano ba ang pinagagawa niya? O baka mahirap ang trabaho niya sa barko?
Bakit din ba iniintindi ko pa? Pakialam ko ba sa ugat niya! Kahit saan pa sa katawan niya ang may ugat, ay wala ako dapat pakialam. Walang halaga sa akin ang mga bagay na wala naman sa aking pakinabang.
Dahil sa naisip ay agad na binawi ang aking paningin at ibinalik sa mangkok. Nakarinig naman ako ng mahinang tawa sa aking harapan.
Hey, did he just laugh? Napatingala ako sa kanya. Sa iba na siya nakatingin, pero naglalaro ang isang maliit na ngiti sa kanyang mapupulang mga labi.
Nang bumaling siya sa akin ay painosente ang kanyang tingin, na tila tinatanong ako kung bakit. Dumiin naman ang pagkakahawak ko sa kutsara.
"Masarap ba iyan?" tanong niya na ngumiti ulit. Iyong ngiti na tila naaaliw siya.
I didn't bother to answer. Bukod sa sayang sa laway ko para sa walang kuwentang tanong niya, ay hindi rin ako natutuwa sa ngiti niya. Hindi ako iyong tipo ng tao na masaya porke't masaya ang kapwa ko. Actually, wala akong panahon sa pakikipag-kapwa-tao.
Nangalumbaba ulit si Asher sa mesa at nakangiti pa rin na muling nagtanong sa akin, "May lasa ba iyan? Hindi mo man lang nilagyan kahit kaunting asin."
Hindi pa rin ako kumibo. Hindi ko sinagot ang tanong niya. Imbes nga lang na mapanghinaan siya ng loob sa lantarang pag-ignora ko, ay parang kabaliktaran pa yata ang nangyari. I could see in my peripheral vision that his smiles had not faded, in fact, they had even gotten sweeter!
Really? What was wrong with this guy? Napasukan ba talaga ng hangin mula sa karagatan ang utak niya?
Nagpatuloy ako sa pagkain. Iritado na. Sinunod-sunod ko na lang ang subo para makatapos na. Ang plano ko ay bumalik na sa kuwarto pagkaubos nito. Magpapahinga na ulit ako, para malakas na malakas na ako pagbalik ng anak ko. Ah, my lovely baby. I missed her so much already.
"You know you can eat slowly. Di ka naman aagawan diyan." Boses na umistorbo sa pag-iisip ko kay Bobbie.
Dang, how annoying. Mas lalo kong binilisan pa ang kain. Gusto ko nang matapos. Sunod-sunod ang subo ko. Sa pang-anim na subo nga lang ay may bumara sa lalamunan ko. Napahawak ako sa aking leeg. Shit! Bumara sa lalamunan ko ang nalunok na luyang buo!
Natigilan naman si Asher nang mapansin ang nangyayari sa akin. "Hey, Lai?"
Napaahon ako sa upuan. Kahit anong sikap ko na lunukin ang bara ay walang nangyayari. Sinubukan kong iluwa pero ganoon din. Nakabara talaga. Alam kong sa mga oras na ito ay ang putla ko na dahil wala na akong nasasagap na hangin. Kahit umubo ay hindi ko na kaya!
Napatayo na rin si Asher mula sa kinauupuan. Kandapatid-patid siya sa paglapit sa akin. "Is this just a joke? Tinatakot mo lang ba ako?!" Nasa mukha niya ang pag-aalala.
Mukha ba akong nagdyo-joke lang dito? Nagsimula na akong maluha. Dang, hindi na talaga ako makahinga!
"Tangina," usal ni Asher na nagpa-panic na.
Namilog ang aking mga mata nang pumuwesto siya sa likod ko at yakapin ako. I tried pushing him away, but he didn't budge.
"Tangina naman, Lai, 'wag ka munang maligalig!" Gigil ang mariin na boses niya.
His strong arms hugged me tighter, his fists over my waist and beneath my rib cage. He applied pressure on my stomach, and that was when I realized what he was doing. He was performing the Heimlich maneuver on me, a first-aid technique for choking!
Mga ilang ulit iyon na na diniinan niya ang itaas ng aking sikmura, hanggang sa wakas ay mailuwa ko na ang maliit na hiwa ng luya na aking bumara sa aking lalamunan kanina! Talsik iyon sa sahig!
Kandaubo ako sa pagluha. Hindi naman niya ako binitiwan, yakap pa rin niya ako mula sa likuran. "Okay ka na?"
Nanghihina akong napasandal sa kanya. Humihingal ako, balewala ang sakit sa tiyan, dahil mas lamang ang relief na aking nararamdaman.
Shit, I really thought it was the end of me. Hindi naman ako natakot para sa sarili, kundi para kay Bobbie. Ang bata agad ang una kong naisip habang kinakapos ako kanina sa paghinga. May anak na ako kaya wala akong karapatan na basta matigok, dahil lang sa ganoon, o kahit sa anong dahilan pa.
Naramdaman ko ang pagyuko ni Asher sa aking balikat, habang ang matitigas niyang braso ay nakapulupot pa rin sa aking bewang. Katulad ko ay humihingal pa rin siya.
"How are you feeling? 'You okay now?" paos niyang tanong. I could feel his heart pounding fiercely behind me, as though he was just as terrified as I was.
Nang maka-recover na nang tuluyan sa paghinga ay napapaso na lumayo ako sa kanya. Pero sumunod ang katawan niya sa akin. Iniharap niya ako sa kanya. Dahil higit na mas matangkad siya ay halos hanggang ilalim lang ako ng kanyang leeg. Hindi pa rin matapos ang paghingal niya. Kitang-kita ko ang makailang ulit na pag-alon ng lalamunan niya.
"Hoy, Lai," tawag niya sa boses na mahina at masuyo.
Yumuko ako at marahang pinalis ang kamay niya sa aking braso. "Umalis ka na."
Ang pagtabig ko sa kanya ay wala ring napala, dahil nagkaroon lang siya ng pagkakataon na hulihin ang aking pulso. "Bakit mainit ka?"
Pag-atras ko ay nakaramdam ako ng sandaling paglabo ng paningin. Napahawak ako sa aking ulo. May sinat pa pala ako. Nabinat pa nga yata ako dahil sa nangyari ngayon.
"Hoy, may sakit ka nga?"
Tiningnan ko lang siya, at nilagyan ng puwersa ang paghila ng aking pulso mula sa pagkakahawak niya. "J-just close the door when you leave."
Nakakaramdam na ako ng pamimigat ng katawan, kaya ayaw ko nang mag-aksaya pa ng lakas sa pagtataboy sa kanya. Bahala na siya kung kailan siya aalis, basta i-lock niya ang pinto. May laman naman na ang tiyan ko kaya iidlip muna ulit ako. Lumakad na ako pabalik sa hagdan at hindi na siya pinagkaabalahang lingunin pa.
Pagkaakyat nga lang ay mahina akong napamura, dahil napindot ko pala ang lock ng doorknob sa kuwarto namin ni Bobbie kanina. Nasa drawer pa sa kusina ang duplicate key, at ayaw ko nang bumaba. Sa dating kuwarto na lang muna ni Mama ako nagpunta. Kahit tambakan na lang iyon ng gamit ay malinis naman doon. Doon muna ako iidlip ulit.
Humila ako ng makapal na sapin mula sa maleta. May extra din na unan dito at kumot na puwede kong gamitin. Naglatag na ako sa sahig at agad na nahiga, dahil ang bibigat na ulit ng mga mata ko. Hindi ko na naalala na buksan ang aking katabing maliit na electric fan.
Ngayon na lang ako nagkasakit. Dati ay hindi ako nagkakasakit, dahil siguro alam ko sa sarili na wala akong mapag-iiwanan kay Bobbie. Pero ngayon ay bumabawi sa akin ang katawan ko. Napawisan at naulanan lang ako kahapon ay nagkasakit na agad ako.
Sandali pa lang akong nakakahiga ay nakatulog na agad ako. Mukhang nagbabawi nga talaga ang katawan ko. Kahit naiinitan ay nagtuloy pa rin ang tulog ko. Pawisan na ako pero mas importante sa akin ang tulog at pahinga. Gusto ko na okay na ako mamaya pag-uwi sa akin ng anak ko.
Hindi pa ganoon kalalim ang tulog ko nang parang bumukas ang pinto ng kuwarto. Saglit lang ay nakaramdam na ako ng lamig, may nagbukas ng electric fan sa tabi ko. Dahil doon ay napreskuhan ako. Nagsimula nang mas lumalim ang tulog ko.
I could no longer tell if it was just a dream, or if I was just hallucinating, that someone was looking after me. Na meron daw nag-alis ng damit ko, may nagpunas ng katawan ko, at nag-ayos ng pagkakahiga ko. Ang sarap pa sa pakiramdam na tila may humahaplos sa buhok ko habang natutulog ako. Ah, panaginip nga lang ito.
I FELL ASLEEP SO SOUNDLY that I had no idea how long I had been sleeping. Siguro dahil na-miss ko ang pakiramdam na may umaasikaso sa akin. Kahit sa panaginip lang iyon, pinasarap niyon ang tulog ko. Ito tuloy, madilim na sa labas ng bintana nang magising ako. Ngayon na lang ulit ito nangyari. Parang bumawi ang katawan ko.
Babangon na ako nang mapatingala sa kisame. Bakit pala bukas ang ilaw? Alam ko na hindi ko iyon nabuksan bago ako natulog, dahil maliwanag pa kanina. Hindi lang ang ilaw ang bukas, pati na rin ang katabi kong electric fan. Isa pa iyon sa aking naaalala na hindi ko naman binuksan.
Sino ang nagbukas ng ilaw? Sino rin ang nagbukas kanina ng electric fan? Napalingap ako sa paligid. Mag-isa lang naman ako rito. Inalis ko ang kumot para makabangon na nang mahinto ako. Napanganga ako dahil bukod sa iba na ang t-shirt na aking suot ay wala akong shorts!
Saan napunta ang shorts ko?! At wala akong natatandaang baby pink cotton shirt ang aking suot bago natulog! Ang shirt na ito ay alam ko na galing pa sa maleta rito; kasamahan ito ng iba kong damit na hindi pa naaayos sa closet!
Napatayo ako at hinagilap muna ang aking shorts. Hindi puwede na magkikilos ako na nakahubo. Natagpuan ko naman ang shorts na hinahanap, naka-hanger iyon sa pader, kasama ng t-shirt na gamit ko kanina. Kinuha ko lang ang shorts at isinuot.
Paglabas ko ng kuwarto ay aking nalanghap agad ang mabangong amoy mula sa ibaba. May nagluluto. Dumating na ba sina Tita Judy? Wala namang ingay sa ibaba. Ibig sabihin ay walang mga bata.
Bumaba ako at ganoon na lang ang pagsasalubong ng aking mga kilay nang makita ang matangkad na lalaki sa kusina. Naka-house slippers, suot ang apron ko, at nakatali pa rin ang may kahabaang wolf-cut na buhok, habang naghahain sa mesa. Nandito pa rin siya?!
Ang pagkain sa mesa ay corned beef na maraming sibuyas, tinorta sa itlog na ginayat na ham, at umuusok na mug na ang laman ay noodles na may itlog. Meron ding isang litro ng Royal. Mga pagkain at inumin na napakatagal na mula nang malasahan ko.
Maliban din sa mga nakahain sa mesa ay may mga nabago rin sala. Ang mga throw pillows na hindi maayos ang pagkakasalansang kanina ay maayos nang nakalagay sa sofa, ang tabinging kurtina sa bintana ay ngayo'y pantay na, makintab na rin ang tiles na sahig kahit pa last week pa ako huling nag-mop. Hindi lang iyon, may mga bagong galon na rin ng mineral water kahit hindi pa naman ako nagpapa-deliver!
Nang mag-angat siya ng paningin sa akin gumuhit ang ngiti sa mapupulang mga labi niya. Hinubad niya ang suot na apron. "Gising ka na pala."
"Mukha bang tulog pa ako?"
"Naniniguro lang," he chuckled.
Lalo namang nagsalubong ang mga kilay ko. Lumakad ako papunta sa ref para kumuha ng tubig. Nauuhaw ako. Nakakauhaw ang amoy ng mga pagkain sa mesa. Mga pagkaing hindi masusustansiya!
"Okay na ba pakiramdam mo?"
Sinat lang naman iyon. Nawawala rin agad kapag itinutulog. Pero hindi ko pa rin siya pinagkaabalahang sagutin. Uminom na ako ng tubig.
"Kain ka," alok niya na maaliwalas pa rin ang ekspresyon.
Ibinaba ko ang baso na pinag-inuman. "Bakit nandito ka pa?"
Anong ginawa niya maghapon dito habang tulog ako? Naglinis? Nagluto? At bakit ganoon? Bakit nagkabali-baliktad na iyong mga plato ko sa lalagyan?! Pumintig ang sentido ko nang makitang umaapaw iyong liquid soap para sa mga hugasin, iyong pamunas ng kamay sa ref ay naging pamunas na sa mesa, at nakababad na agad sa lababo ang kagagamit pa lang na nonstick pan! Parang ang sarap niya tuloy sikmurahan!
"I called your aunt to tell her that you're sick, but she said she's busy. Hindi raw siya makakapunta. No one will cook for you when you wake up, so yeah, I decided to stay. Sinakripisyo ko na ang sarili ko."
Hindi talaga pupunta si Tita Judy dito dahil nandito siya.
Hinarap niya ako at humalukipkip na ikiniling ang ulo sa akin. "Alangang pabayaan kita."
Salat sa emosyon na nakatingin lang naman ako sa kanya.
"Magkapamilya na tayo since kasal na ang kuya ko at tita mo. Matitiis ko ba namang iwan ka na may sakit dito?" Seryoso pa siyang umiling-iling. "Hindi ka na iba sa akin, pamangkin."
"Mukhang hindi talaga maganda ang epekto ng dagat sa utak mo."
"Maybe." Nagkibit siya ng balikat. "But I have goals, so I must endure it."
"At binawasan mo pa ang kinita mo sa barko para bumili ng mga iyan." Sinulyapan ko ang mga inihain niya sa mesa. "It's like you're wasting what you've endured in seamanship."
"Hindi mo naman kailangang ma-touch. It's just a small portion of what I earned over the course of three years."
"Really?" walang buhay kong sabi. "E di okay lang kahit walang kumain at masayang ang mga iyan?"
"Why? Will you let those go to waste?"
Dumiin sa pagkakatikom ang mga labi ko.
"Are you that kind of person now? The kind of person who wastes food?"
Bumalik sa akin ang mga alaala noong nagagalit ako kapag may natitira o may natatapon siyang pagkain, sinadya man o hindi, marami man o kaunti. Halos daigin ko na rin ang nanay niya sa pangangaral at pamimilit sa kanya na wag na wag siyang magtitira o magsasayang. Pinapaubos ko sa kanya kahit hindi niya gusto, dahil lang sa ang pagkain ay pagkain, at hindi dapat sinasayang ito.
Tumaas ang sulok ng bibig niya na tila nababasa ang tumatakbo sa isip ko. "So?"
"People change." Nilampasan ko siya at tinungo na ang hagdan. Nakainom na ako ng tubig, okay na iyon. Kung iyong gutom lang din naman ay hindi pa naman ako gaboon kagutom. Mamaya na lang ako bababa kapag talagang umalis na siya.
Nasa kalahati na ako ng hagdan nang magsalita siya. "Mapag-aksaya ka na ngayon?"
I turned to face him again. Ang titig niya ay tuwid ko na sinalubong. "Wala na akong pakialam ngayon."
Dumilim ang mga mata niya. "I see, Laila. You have become heartless."
Maliit lang ako na ngumiti, pagkatapos ay tuluyang umakyat na ako sa itaas at iniwan siya na tigagal habang nakatayo sa sala. Kung manghinayang man siya sa mga inihain niya, puwede naman niya iyong kainin lahat nang mag-isa. Walang pipigil sa kanya.
jfstories
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro