Chapter 46
Makikita mo pa rin ako. – AJP
KUMIBOT ANG SENTIDO KO.
Naalala ko na naman nang makita ang mga oversized shirt sa ibabaw ng hamper. Hindi ko pa rin iyon nalalabhan. Dinampot ko ang mga iyon. Kung ito ang magiging dahilan ay 'wag na siyang mag-abala. Nag-book ako ng Lalamove papunta sa Buenavista.
Alam ko naman ang address, unless nagpalit sila, which was impossible. Saglit lang ay may tumanggap na ng booking ko. Gumamit lang ako ng imbentong contact number ng receiver, dahil hindi ko alam kung anong ilalagay na number. The rate from Pascam Uno to Buenavista was only P95 but I'd added P50 tip for the rider.
Pagdating ng rider ay inuhan ko na itong 'wag nang tumawag sa receiver. Binayaran ko na rin agad, at nagbilin ako na kahit sino naman doon sa drop off place ay puwedeng tanggapin ang pinadala ko. Kung wala naman talagang tao, kahit ibato na lang ang paper bag sa loob ng gate. Basta makarating lang doon.
Akala ko ay okay na, pero mayamaya ay nagri-ring ang phone ko. Tumatawag sa akin ang rider. [ Ma'am, dito na po ako sa drop off. May tao po rito, kaso ayaw tanggapin iyon padala niyo. ]
What? Sino ba ang nasa drop off?!
[ Ma'am, scammer daw po kayo. ]
"Ano?!" Napatayo ako mula sa sofa. "Paanong scammer, e wala naman siyang babayaran?! Pati nga delivery fee ay bayad ko na! Basta ibigay niyo ho sa kahit sino riyan!"
[ Ayaw nga pong tanggapin. ] Tunog namomroblema na ang rider.
Napabuga ako ng hangin. "Sino ho ba ang nariyan?"
[ Lalaki pong matangkad, medyo long back ang buhok, moreno po, matangos ilong, makakapal ang kilay. Siya raw ang pinakaguwapo rito sa kanila. ]
Kilala ko na. Huminga muna ako. "Pakisabi kuya, kunin niya na iyong paper bag. Kanya kamo iyan. Wala na siyang babayaran sa delivery fee dahil nabayaran ko na—"
[ Hello. ] Biglang nagsalita ang isang malamig at baritonong boses mula sa kabilang linya. Hindi na ito ang rider na kausap ko kanina, dahil alam na alam ko kung kaninong boses na ito. Muli siyang nagsalita. Mababang tono subalit buo. [ Bakit pinadala mo rito ang mga labahin mo? ]
Nagtagis muli ang mga ngipin ko. "Excuse me?" kaswal pero mariing balik-tanong ko.
[ What do you want me to do with your laundry here? Palabhan ko sa nanay ko? ]
"Do whatever you want. Sa 'yo naman ang mga iyan. Pinadala ko riyan para hindi ka na maabala."
[ Oh, really? But I told you that I don't want them anymore, and you even offered to just pay me. ]
"Babayaran ko iyong nine hundred, pero ang gusto mo kasi ay nine thousand! Wala akong ganoon kaya tanggapin mo na iyan!"
[ I said, I don't want them anymore. Sa huling usapan natin, nilinaw ko sa 'yo na hindi ko ito tatanggapin kung hindi mo lalabhan, kaya bayaran mo na lang. ]
Sa background niya ay naulinigan ko ang boses ng rider, [ Boss, puwede na po bang makuha CP ko? May deliver pa po kasi ako. ]
Kumibot na naman ang sentido ko. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay iyong may naaabalang tao. "Okay, send them back to me. Ipapa-laundry ko bago ipadala ulit sa 'yo!"
[ Ipapa-laundry? So insincere. ]
"What? Palalabhan ko na nga—"
[ Is this how you repay me? I saved your ass. Hindi lang basta nine hundred ang katapat niyon. Kung hindi ko iyon binayaran, malamang nakapaskil na ang mukha mo sa Riverside ngayon. ]
"Basta malabhan lang, tatanggapin mo na, di ba?! Just send back the clothers here! Ako na ang magbabayad sa rider!" Pinatay ko na ang phone bago ko pa iyon maibato.
My blood was boiling, I was annoyed and irritated and I didn't need these useless emotions. Okay, Lai, breathe in, breathe out. Hindi kinaya, hinanap ko agad ang aking yoga mat at inilatag sa gitna ng sala. Sakto rin naman na oras na ng meditation ko.
Ten minutes a day lang every afternoon. Sa umaga naman ay fifteen minutes. Basta kailangan ay may fifteen minutes in total ako. I needed this for my general health. This helped me boost my cardio-metabolic health, strengthen bones and muscles, balance my hormones, relieve my menstrual pain, increase my mental clarity, improve my memory, sleep better, brighten my mood, and combat stress and anxiety.
Marami pang ibang nakukuha sa yoga kaya hindi ako rito pumapalya. Sa cardio exercise naman ay fifty jumping jack every morning before breakfast. Hindi lang dapat kumakain ng healthy food kundi may meditation for spiritual discipline at movements din. Kapag may tao kang gustong protektahan at alagaan, ang unang hakbang ay dapat mo munang unang protektahan at alagaan ang sarili mo.
Gusto kong maging malusog at malakas para sa anak ko. Gusto ko na makasama pa siya nang matagal, maalagaan pa siya nang matagal, at maprotektahan pa nang matagal. Aside from ensuring her financial security, taking care of myself was another way I proved my love for her.
Nang matapos mag-yoga ay nag-prepare naman ako ng tea para sa sarili. Mayamaya lang uuwi na ang baby ko. Sa pagkaisip dito ay lalo nang gumanda ang mood ko. Nag-iisip na ako ng puwede naming activity. Nag-color na ito at nag-drawing kanina sa playschool, kaya siguro babasahan ko na lang ito ulit ng story. Tatanungin ko na rin ito about her day.
Oh, I missed my daughter so much. My lovely daughter, my angel, my everything. Napanguso ako, nami-miss din kaya ako nito? Paano kung hindi? Paano kung masyado na itong nag-e-enjoy sa playschool, sa bahay ni Tita Judy, at sa company ng kambal? Sa naisip ay nagdilim ang mga mata ko.
Ipinilig ko ang ulo. Hindi naman siguro. Bobbie promised to love only me, and I believed my baby. Ngumiti na ulit ako.
Binuksan ko na lang ang phone at nagtingin-tingin ng mga photo ni Bobbie. Nakakailang swipe pa lang ako sa gallery ay tila nabura na ang lahat ng masasamang nangyari sa araw na ito. Masaya na ulit ako.
4:30 P.M. Bumalik ang Lalamove rider. May dinaanan pa raw kasi itong ibang nag-book, kaya ngayon lang nakabalik. Babayaran ko na ito para sa panibagong pagpunta rito, pero bayad na raw.
"Ma'am, binayaran na po ng lalaki na taga Buenavista."
Okay. Ayaw ko nang pahabain ang usapan tungkol doon, dahil tapos na akong mag-meditate. Tinanguan ko na ang rider at kinawayan na, kaya wala na rin itong nagawa kundi umalis na.
Nag-mental note ako na dalhin sa laundry shop bukas nang umaga ang mga oversized shirt. Gagastos ako for laundry, pero mas maigi nang ganoon kaysa mag-aksaya ako ng oras at lakas para labhan ang mga damit na hindi naman ako ang gagamit.
I was still smiling when I sat on the sofa. I must maintain this happy and soft expression. Kailangang pagbukas ng pinto sa pagdating ni Bobbie ay makikita niya ako na ganito, and then I would slowly stand up and welcome my baby with a gentle and loving hug.
For now, I would just entertain myself while waiting for my baby. Tutal wala na akong work ay nag-online na lang ako. Meron pa rin naman akong social media pero naka-private nga lang. Walang profile photo, walang posts, at palaging offline. Ang tanging friends ko lang ay nasa sampu.
Nag-o-online lang ako minsan upang i-save sa private album ang mga photo ni Bobbie. Maliban sa papuno ko nang phone, laptop, Google drive, mga flashdrive ay dito ko dino-double save privately lahat ng milestone ng bata. Through this platform din ako pasimpleng nakikibalita noon kay Tita Judy.
I was scrolling through the newsfeed when I saw a post from Carlyn Marie Tamayo-Herrera's account. Ang post nito ay photo ng isang cute na batang babae na naghahalong kulay tsokolate at ginto ang mga mata. Ang anak nito. Kaka-birthday lang, three years old. Matanda kay Bobbie ng ilang buwan.
Friend ko nga pala si Carlyn. Noong bumalik ako ng Cavite ay dumaan ako sa Navarro dahil tagaroon ang nakuha kong tenant sa bahay. Tagaroon din pala si Carlyn. Narinig ko sa usapan ng mga tambay na nanay sa may tindahan na may sakit si Carlyn, kaya naman dinalaw ko ang babae, tutal naroon na rin naman ako.
Halata na ang tiyan ni Carlyn noon. Nakikita ko siyang sumusulyap sa aking tiyan pero wala namang sinabi. Nagpaalam na rin ako matapos siyang kumustahin sandali. Iyon na rin ang una't huli.
Tumunog ang doorbell. Mga dalawang ring nang tumayo. Alam ko naman kasi na hindi iyon sina Tita Judy. Sino na naman kaya? Mula nang marami nang nakaalam na naririto na ulit ako ay hindi na yata lumilipas ang isang linggo na walang nagpaparamdam. Kaya nga napapapayag na lang ako ni Tita Judy, na pagkatapos ng two hours playschool ni Bobbie ay doon muna sa kanya ang anak ko.
Blangko ang ekspresyon ko nang buksan ang pinto, which immediately softened when I saw who was standing outside the gate. Si Ate Linda! Sa dami ng aking ginawa the past three months ay hindi ko pa siya na-contact para ipaalam na nandito na ako ulit. Alam ko naman na naiintindihan niya.
Napatakbo ako agad sa gate upang pagbuksan siya. Muntik ko pa siyang hindi makilala dahil hindi na siya katulad noon na mukhang may sakit at sobrang payat. Kahit paano ngayon ay nagkalaman na siya, wala na ang pangingitim ng ilalim ng mga mata, at nagkakulay na rin ang dating maputlang balat niya.
"Ate!" I missed her. Si Ate Linda ang bukod tangi na kung ano man ang meron ako ay walang pakialam, tumatanggi pa nga kahit pilit ko dating inaabutan, at hindi niya lang ako naaalala dahil lang may kailangan—
"Laila, pautang!"
Laglag ang panga ko. Ha? Ano raw?!
Napatitig ako sa mukha ni Ate Linda. "Ate, ano?" tanong ko kasi baka naman nabingi lang ako. Imposible kasi na pumunta lang siya rito para—
"Pautang."
Was that a joke? Baka joker na si Ate Linda ngayon? Pero inulit niya. Nangungutang nga siya talaga! But why? What happened to her? Oo, at malamang na nangangailangan sila, pero gaano kalaking pangangailangan para makuha niya sa aking mangutang? Kilala ko siya mula noon, mas pipiliin niyang magtiis o gumawa ng ibang paraan, kaysa mangutang!
Ate Linda's cheeks, which had usually been pale, were now flushed. "Pasensiya ka na, Lai. Ngayon na lang ulit tayo nagkita, pero nangungutang na agad ako. Kailangang-kailangan ko lang talaga."
Alam ko na desperada na siya para mangutang sa akin, dahil kung hindi, ay hindi talaga siya mangungutang. Lalo na sa akin. Pero ano kaya ang problema? Ano ang matinding pangangailangan niya?
"Pumasok ka, Ate Linda. Sa loob tayo mag-usap. Ano bang problema? Wala akong extra, pero susubukan ko, kung talagang kailangang-kailangan mo."
"M-may pinagkakautangan kasi ako..." simula siya sa maliit na boses. "Medyo matagal na kasi itong utang ko. 5/6. Three years to pay."
"Three years to pay?!" Napabulalas ako. "Magkano ang tubo niyon?!"
"Maliit lang naman. At saka, nababayaran ko naman buwan-buwan. Ang kaso, nitong nakaraan ay naiinip na ang nagpautang sa akin dahil magtatatlong taon na, pero hindi pa rin ako bayad." Lalong lumiit ang boses ni Ate Linda. "Wala naman talaga akong balak mangutang sa kanya noon. Kaya lang, wala na akong pagpipilian noong panahong iyon."
"At ngayon ay ginigipit ka kamo niya? Hindi mo ba siya puwedeng pakiusapan?"
Nagbawi ng tingin si Ate Linda. "Eskandaloso siya."
Eskandaloso? Kung ganoon ay lalaki ang pinagkakautangan niya?
"Kinukulit niya na ako. Pinupuntahan niya ako kahit sa trabaho."
Nakinig naman ako at pilit na hinuhuli ang malikot na mga mata niya.
Hindi ko na natanong kung magkano ang inutang ni Ate Linda dahil hindi na siya sumasagot. Basta ang sabi lang niya, kailangan na niyang bayaran ang kulang niya. Hindi ko naman siya maaaring pahiramin ng malaki, kaya inalok ko siya ng kahit five thousand, but she suddenly changed her mind after receiving a text message from her creditor.
"'Wag na pala, Lai. Nag-text na siya. Sorry, kalimutan mo na lang ang pangungutang ko. Masyado lang akong natataranta kanina, kaya naisipan ko na sa 'yong pumunta. Pasensiya ka na talaga."
"Ha?" Ganoon lang? May itatanong pa sana ako pero nagkukumahog na siyang umalis. Matapos akong yakapin ay dumeretso na siya agad ng pinto. Batok na lang niya ang nakita ko!
'FINALLY, IT'S FRIDAY!'
Huli na ito. Bukas ay weekend na. No playschool tomorrow for Bobbie. Kahit may work ako ng Saturday ay hindi ko ipapakuha ang bata kay Tita Judy. Nami-miss ko ang aking baby. Mas gusto ko pa na pahinto-hinto ako sa work para asikasuhin ito, kaysa wala ito. Nakakaawa lang talaga ito pag may work ako, dahil mag-isa lang ito na naglalaro.
Iyon nga lang, pagkatapos ng tanghalian ay sumulpot na agad ang magaling kong tiyahin. Hinihiram na naman ang anak ko. Saglit lang naman daw sila na magmo-mall. Ayaw ko sana, kaya lang ay nag-pout sa akin si Bobbie. Nadurog na naman tuloy ang puso ko.
Sumakto pa na may emergency Google meet ako with my clients. Hindi ko maaasikaso si Bobbie, kaya labag man sa aking loob, ay ipinasama ko na ulit ito kay Tita Judy. Pagkatapos ng mahigit two hours na online meeting ay gusto ko na lang mapaiyak sa pagka-miss sa aking baby.
Hindi pa dumedede si Bobbie sa akin mula morning! Dahil marami nang pinagkakalibangan ang baby ko ay nag-iiba na ang routine nito! What if isang araw ay hindi na ito umungot ng dede sa akin? What if isang araw ay magulat na lang ako na big girl na ito?! Ayoko!
Napa-praning ako sa pag-iisip nang maisip na makapagtanim na lang. Nabunot ko na ang tanim na pechay dahil inulam namin ni Bobbie kagabi, kailangan ko na ulit magtanim ng bago. Malilim naman sa gilid ng bahay kaya lumabas na ako.
Ang maliit na lupa sa gilid ng aming bahay na dati ay mga orchids ni Mama ang makikita, ngayon ay sari-saring pananim na. Nagsisiksikan doon ang mga balde na may iba't ibang tanim, katulad ng oregano na mabisang gamot pag may ubo si Bobbie, aloe vera for my free and organic skincare, at condiments gaya ng sibuyas, bawang, at sili, kaya hindi na kailangang bumili.
Sa gilid naman ay may maliit na espasyo kung saan sama-sama ang mga itinamin kong kamote, patatas, pechay, okra, at papaya. May puno rin ng malunggay sa may bandang gate. Lahat iyon ay kinakain namin ni Bobbie. Kahit magka-Zombie apocalypse ay hindi kami gugutumin ng anak ko.
Masarap na at nalilinis ang hangin dahil sa aking mga sari-saring tanim, may safe free food, medicine, at skincare na ako, nakakatulong pa ako sa mga kapitbahay na gusto ng organic, kahit pa wala talaga akong pakialam sa kanila.
Mga ilang minuto pa lang akong nagbubungkal ay pawisan na ako, pero ayos lang. Isa ito sa mga kasiyahan ko. Hindi ko ito magawa noon sa Mandaluyong dahil naka-apartment building kami. Nalilibang ako sa ginagawa kaya hindi ko napansin agad na may nakapangalumbaba na pala sa gate. Muntik akong mapasigaw sa gulat nang makita siya.
Siya. Him. Again. Ang buhok niya ay nakatali nang kaunti, pero may laglag pa rin sa gilid-gilid. Ang aliwalas niyang tingnan, ang bango rin, abot dito. CK yata iyong naaamoy ko, 'kaso ay wala akong pakialam.
"Hi." Hindi siya nakangiti, pero mapupungay ang mga mata niya.
At bakit ganoon? Mainit pa sa kinatatayuan niya pero bakit parang wala lang? Dapat ay ma-heat stroke na siya, di ba? Iyong tipong bubula na sana iyong bibig niya. Wala bang ganoon?
Nang makabawi ay kalmado akong tumayo at nagpagpag ng nalupaang kamay. "Kukunin mo na iyong mga damit?" Napa-laundry ko na iyon kaninang umaga. Mabilis ko lang ding nakuha dahil iilang piraso lang naman.
Asher didn't answer. He was just looking at me, and I couldn't read what was on his mind. Napakurap na lang ako nang mayamaya ay inaabot na ng kamay niya ang tarangkahan ng gate. Basta niya iyon buksan. Pumasok siya habang nakapamulsa sa suot na immaculate white jogging pants.
Actually, he was in all white. Plain white shirt, white jogging pants, at white Adidas slides sa paahan. Parang ang sarap ipunas sa kanya ang mga lupa sa kamay ko.
Bago ko pa iyon magawa ay pumunta na ako sa pinto. "Saglit, kukunin ko iyong mga damit." Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Iyon ang sadya niya kaya ibibigay ko na, para lumayas na siya. Nasasayang ang presko at sariwang hangin na pini-filter ng mga pananim ko dahil sa scent ng cologne niya.
Shit, paano kung maamoy pa iyon ni Bobbie mamaya? My daughter might think that a stranger had broken into our home! Nagmamadaling kinuha ko na ang paper bag kung saan naroon ang malilinis ng damit, saka lumabas na ako ulit. Nag-mental note ako na mag-wisik ng ginawa kong organic room spray mamaya.
"Malilinis na iyan, kunin mo na." Inabot ko agad kay Asher ang paper bag paglabas ko, subalit tiningnan niya lang ito.
Nangalay na ako pero hindi pa rin niya inaabot ang paper bag, kaya inilapag ko na iyon sa may saradong drum sa gilid niya. Bahala na siya sa buhay niya dahil busy ako. Hindi pa ako tapos magtanim at nakakaistorbo siya.
Bumalik na ako sa binubungkal na lupa nang marinig ko siyang nagsalita. "Where were you when your aunt got married three years ago?"
Nagpatuloy ako sa pagbubungkal.
"In three years, walang may alam kung nasaan ka," he continued to speak in a flat tone. "In three years na apat na beses akong sumampa, ngayon ka lang nagpakita. Sa loob ng tatlong taon, nasaan ka?"
Patuloy pa rin ako sa pagbubungkal. Dapat tumubo na agad ang pechay, dahil paborito namin ni Bobbie ang ginisang pechay with sardinas.
"You know, it was only four months that time."
Doon ako huminto. Nilingon ko siya, hindi sa akin nakatingin ang malamlam na mga mata niya.
"My contract three years ago was only for four months. Pero pagbaba ko ng barko matapos ang apat na buwan, wala na akong nadatnan."
"Why are you telling me this?" I lazily asked him.
Doon siya tumingin sa akin. "Because I want to ask you something."
"At ano iyon?"
His gaze gradually turned colder and darker, and I regretted asking him because I felt like a bucket of cold water had been poured over me when he did open his lips to speak again.
"Lai, saan mo dinala ang anak natin?"
jfstories
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro