Chapter 43
LILA BATHSHEBA.
Bobbie for short. Iyon ang pangalan ng cute na cute na dalawang taong gulang na batang babaeng ito. Pantay ang kulay na mapusyaw na morena, kinis-kinis ng mamula-mulang pisngi, matangos ang maliit na ilong, at mahahaba ang pilik-mata. Parang buhay na manika. Kahit ako ay hindi makapaniwala na magkakaroon ako ng ganito kagandang anghel sa buhay ko.
Anghel ko na mukhang anghel, pero sa ugali ay 'wag niyo nang itanong.
"Mommaa, wantu ride more!" ungot nito. Naglalambing. Alam na alam kung paano dudurugin ang puso ko.
Naantig naman ako. Lagi lang kasi itong nasa bahay noong nasa Manila kami. Bihira kaming lumabas dahil nga sa homebased ang aking trabaho at dahil na rin iniingatan ko ito sa mga sakit na naglipana. Masyado akong protective dito.
Hinaplos ko ang ulo nito. "But baby, it's time to go home na. Gabi na o. Saka miss ka na po ni Mommy."
Napatingin naman si Bobbie sa hawak kong phone, nakalimutan na agad ang tungkol sa ride. Namilog ang mga mata ng bata. "Papa!" Bigla nito iyong inagaw sa akin bago pa ako nakapagsalita. Then she dashed through the door, carrying my cell phone.
Umayos ako sa pagkakatayo at naiiling na lang na sinundan ng tingin ang bata na papasok sa bahay bitbit ang cell phone ko.
"Sure ka na ba na dito na talaga kayo?" boses ni Tita Judy na pumukaw sa akin. Nakalapit na pala siya.
Tiningnan ko ang babae. Maiksi ang buhok niya ngayon, bagay sa kanya. Kahit pa fulltime mommy na ay, kumpara noon, mas naging glowing ang aura niya ngayon. Malalaki na kasi ang kambal, matured din mag-isip, nakakakilos na mag-isa, at mga nauutusan niya na rin. Kaya nga kahit nasa bahay na lang ay nakakapag-negosyo pa siya on the side.
Nginitian ko naman ang tanong ni Tita Judy. "Nakalipat na kami at nakapag-ayos na rin ako ng mga gamit dito, hindi pa ba sure ito?"
Iningusan niya ako. "Pasalamat ka talaga at wala ang asawa ko!"
Ngumisi ako. "E, di salamat!" At bago pa siya may masabi ay nagmamadali na akong pumasok sa loob para sundan ang mga bata. Sa pinto pa lang ay naririnig ko na ang maliit at matabil na boses ni Bobbie. Ayun, kinakausap na ang kanina lang na kausap ko sa phone.
"Hewow, Papa, plish buy dresh, shoosh, toy, chocowey!" tuloy-tuloy na request ng anak ko na akala mo ay may patago sa kausap nito. Ang mga binanggit ay dress, shoes, toy, at chocolate. Iyon ang mga tila naka-record na sa isip nito.
"Bobbie, that's enough," mahinahon kong saway sa bata. "Can you give Mama's phone back now?"
"But, I talk Papa!" matinis ang boses na angal nito, habang ang higpit ng hawak sa phone ko. "Hewow, Papa! I mish you, Papa! I yab you, Papa! Gimme money, Papa!"
"Anak, enough na po sabi." Inawat ko ito. "Di ba may package ka lang noong nakaraan? Tapos may package ka ulit ngayon. Ang dami mo ng dress, shoes, and toys. Saka hindi rin puwede na palagi kang magtso-chocolate. Gusto mo bang sumakit ang teeth mo?"
Umiling ito na dahilan ng pagtalbog ng mamula-mulang pisngi. "No po."
"Iyon naman pala, e. Sige na, wash na kayo ng hands niyo nina kuya," tukoy ko sa mga pinsan nito. "Kakain na tayo mayamaya. Nakaluto na ako ng food natin." Kinuha ko na ang phone dito at lumakas ako papunta sa pinto. Nang malayo na sa kanila ay saka ako nagpaalam sa nasa kabilang linya.
Ginutom ang mga bata sa paglalaro maghapon sa indoor playground sa mall, kaya pagkakain at pagkalinis ng katawan ay nagsiakyatan na ang mga ito sa itaas. Saglit lang ay mga nakatulog na. Magkakatabi ang mga ito sa inilatag kong foam sa kuwarto. Pinagigitnaan ng mga ito ang anak ko.
Pagbaba ko sa sala ay katatapos lang ng aking tiyahin makipag-videocall sa asawa. Nang makita ako ay itinago muna niya ang phone. "Hoy, babae," tawag niya sa akin.
"Tulog na ang kambal kasama si Bobbie," sabi ko.
"Oo, hayaan mo sila." Tinapik niya ang bakanteng puwesto sa kanyang tabi. "Maupo ka rito."
Naupo naman ako. "Ano ba iyon?" maang-maangan ko.
Pinandilatan niya ako. "Anong ano ba iyon?!"
"Ano nga?" Kunwari ay wala pa rina kong ideya, kahit ang totoo ay alam kong na gustong-gusto na niya talaga akong masolo pata ma-interview. Sa tatlong taon na nagdaan ay marami-rami na ring naiipong tanong, reklamo, at sermon para akin itong aking tiyahin.
Yup, in three years ay pahirapan ang komunikasyon namin. Ni hindi nga niya alam na nanganak ako. Nalaman niya na lang kung kailan may ngipin na ang anak ko.
Humalukipkip si Tita Judy at saka sumeryoso. "Sabihin mo nga, anong plano mo? Hanggang kailan kayo ni Bobbie rito sa Cavite?"
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko pa masabi. But hopefully, for good na kami ritong mag-ina."
"For good?" Nasa tono ni Tita Judy ang di paniniwala.
Ngumuso ako. "Mahal ang cost of living sa Manila. Kahit paupahan ko itong bahay rito ay maliit lang ang nakukuha ko monthly. Malaki pa rin ang bayad ko sa inuupahan ko sa Mandaluyong. At least dito ay wala na akong uupahan. Tapos kapag nangailangan kami ni Bobbie ay malapit ka lang. Anytime ay puwede kitang tawagan."
"Wow, anytime? Ano ako? On-call alila mo?"
Bumungisngis ako. "Love you, Tita Judy!"
Mahina niyang tinuktukan ang ulo ko. "Hmp! Pasalamat ka talaga dahil wala ngayon ang asawa ko!"
"Timing, no? Galing ko ba?" Wala ngayon ang asawa ni Tita Judy dahil umalis ito noong nakaraang buwan. Ipinadala ito ng kompanya nito sa Korea. Dalawang taon ang kontrata roon bago bumalik ng Pilipinas.
Hindi naman ni ngumiti si Tita Judy. Sa halip ay seryoso na tumitig siya sa mukha ko. Nagpatay-malisya naman ako. Akala ko ay hindi na siya magbabanggit, pero bumukas ang mga labi niya. "Laila, natanggap mo naman siguro ang email ko noong nakaraan, di ba? Alam mo na susunod na buwan ay bababa na ulit ng—"
"Tita, inaantok na ako." Bigla akong tumayo. "Sunod ka na lang sa itaas. Naayos ko na roon. Tabihan mo iyong mga bata. Doon muna ako sa kabilang kuwarto dahil hindi tayo kakasya sa—"
"Laila, uuwi na ulit siya."
Sandali akong tumigil at kaswal na tumingin kay Tita Judy. "Ano naman ngayon?"
"Ano ngayon?" ulit niya. Tumiim ang titig niya sa akin. "Alam mong maliit lang ang Cavite."
"Kahit naman ang buong mundo ay maliit lang." Mapakla akong ngumiti. "Pero puwedeng palakihin kung gugustuhin."
Tumuloy na ako sa pagbalik sa hagdan kahit may sasabihin pa sana ang aking tiyahin. Sa kuwarto na dating gamit ni Mama ako tumuloy. Magulo pa rito, pero nawalisan ko naman na kanina. Since I had already sold Mama's bed, I just laid a mattress on the floor to sleep on.
Nakahiga na ako at patay na ang ilaw nang maramdaman ko ang pag-iinit ng gilid ng aking mga mata. Ah, I'm really home...
Isa sa mga dahilan kaya umalis ako noon ay dahil nasasaktan pa rin ako sa tuwing nag-iisa ako rito. Nasasaktan pa rin ako sa isiping sa isang iglap, lahat ng mga taong aking inakalang matagal ko pang makakasama ay isa-isa rin sa aking nang nawala. Walang natira.
Mali. Hindi pala walang natira. At hindi na rin pala ako nag-iisa. Katulad ni Tita Judy ay meron na rin ako ngayong maliit na pamilya na maituturing na akin. So, yeah, I was no longer alone. And I would never be alone again.
"But, I still miss you, Ma..." Sa pagpikit ng aking mga mata ay siyang pagtulo rin ng aking mga luha. Kaya ko nang tumira ulit dito. Hindi na ganoon kalungkot. Kung nasaan man si Mama ngayon, gusto ko na makita niya na masaya ako. Na kahit paano, masaya na ako...
GENERAL TRIAS, CAVITE.
"Bobbie, what would you say if a stranger approached you?"
"My mama has a gun!"
"What if the stranger tells you that I know him?"
"Mama doesn't care about other people!"
Napangisi ako. "Pero paano pag di pa rin umalis ang stranger?"
"I'll shimply check around to see if there are any other people nearby in case I neej help!"
"E paano pag wala, tapos bigla kang hinawakan ng stranger na iyon?"
"I'll act nice and obedient, and once he lets hish guard down, I'll bite hish arm hard!"
"And after ka niyang mabitiwan?"
"I'll run while screaming for help!"
"Good!" Nag-apir kami ng bata bago ko ito iniwan kina Tita Judy. Just in case lang na bigla itong makatakas at mawala.
"Two years old going three pa lang ba talaga iyang anak mo?" sabat ni Tita Judy na nasa likod ko na pala.
Proud na napangisi ako. Bulol lang minsan si Bobbie pero ang tatas na magsalita. Ako lang din ang tutor nito. Nilalaanan ko ito ng oras kahit pa may trabaho ako.
"Para ba talaga sa stranger iyang mga tinuturo mo," bubulong-bulong ang tiyahin ko.
"Of course," sagot ko. "Maliban sa akin, sa 'yo, at sa kambal, lahat ay stranger na para kay Bobbie." Tiningnan ko ang bata. "Right, baby girl?"
"Yesh, I should be cautious sinsh most people in the world are bad people!"
Nag-thumbs up na ako rito. Nagpaalam na rin ako kay Tita Judy at sa kambal na sina Atlas at Adam, na busy sa paglilinis ng mesa. Magsa-siyam na taon pa lang pero pareho na talagang maaasahan.
Tumuloy na ako sa Robinson's Place. Ngayon na lang ulit ako napadpad dito dahil may inasikaso akong mga papeles. Nang matapos ay naisipan ko na tumuloy na sa pago-grocery, tutal ay nandito na rin naman na ako.
Ngayon lang ako nag-grocery dahil mas madalas akong sa talipapa namimili. Mas gusto ko kasi ang bagong karne at fresh na gulay. Sa gatas ni Bobbie ay breastfeed pa rin ito. Hindi rin ito nagda-diaper dahil simula't sa pul ay hand-me-down cloth diaper na ito, kaya maaga ring natuto.
Ang mga binili ko lang ngayon ay ilang gulay, tinapay, at mga delata para sa akin. Kapag nagmamadali akong kumain ay delata ang takbuhan ko, kaysa instant noodles. Sa stocks naman ni Bobby ay sobrang kaunti lang ng biscuits na binili ko. Walang akong biniling choco drinks o tetra pack juices dahil ayaw kong sanayin ang bata sa ganoon.
Sa panlinis naman ng bahay ay mas gusto kong gumamit ng baking soda at lemon kaysa mga liquid soap. Ang gamit naman namin ni Bobbie panligo ay puro organic products na binibili ko sa online shop ni Tita Judy. At hindi rin ako gumagamit ng disposable sanitary pads. Ang gamit ko buwan-buwan ay ang aking nabili sa online na second hand menstrual cup.
Pagdating sa counter ay nakaabang na agad ako sa total ng aking pinamili. Computed ko na sa utak ang total, at gusto kong makita kung tatama, dahil dapat ay tumama. Pagdating sa computation ay kahit kailan ay hindi pa ako nagkakamali. Gusto ko na saktong presyo ang aking babayaran, dahil hindi naman pinupulot lang ang pera.
Ang total ng bill ko sa counter ay umabot ng two thousand three hundred fifty, gayung sa computation ko ay dapat ay nasa two thousand one hundred lang. Wala akong pakialam kahit naiimbyerna na ang mga kasunod ko sa pila, hindi ako agad umalis at sinipat nang mabuti ang aking resibo.
"Miss, ano itong product na ito?" kalmadong tanong ko sa cashier. May isang uknown item na worth two hundred fifty pesos akong nahagip sa resibo. Hindi ko alam kung ano iyon dahil code lang ang nakalagay.
Pinalabas ko isa-isa ang aking mga pinamili sa ecobag, pero wala talaga ang item na iyon. Kahit ang cashier ay hindi alam kung ano ang item na nasama sa resibo. She had their manager check it, and found that the picture frame was a non-existent item. Ipina-void ko agad-agad iyon dahil wala naman akong binibiling ganoon.
Hindi naman kasalanan ng cashier, kundi ng system. Pero kailangan talagang maging alerto at mapagmatyag, dahil kadalasang nangyayari talaga ang ganito. Nang ma-settle na sa counter ay saka ako umalis. So what kung two-fifty lang ang ipinaglaban ko? Kahit magkano lang iyon, pera din iyon, ano!
Palabas na ako ng lobby nang mag-text si Tita Judy. Gising na raw si Bobbie at hinahanap na ako. Nag-type ako ng reply na pauwi na ako.
Dahil hindi magkandatuto sa paghawak ng bag ko, phone, at one big ecobag of groceries, ay nabitiwan ko ang isang hawakan ng ecobag. Nalaglag sa sahig ang nakabalot na repolyo. Gumulong iyon kaya kandahabol tuloy ako.
Wala man lang din tumulong sa akin. Mga nakatingin lang habang hirap na hirap ako sa paghahabol dahil may mga bitbit pa akong iba. Kandalaglag-laglag na rin ang shoulder bag ko sa kakayuko sa paghabol ng lintek na repolyo. Bakit ba kasi iyon bilog na bilog?!
Napangiti ako nang maaabutan ko na sa wakas. Malapit ko na iyong mahawakan, kaya lang ay isang malaking kamay na may mahahabang daliri ang nauna sa aking dumampot ng repolyo ko. Sa laki ng kamay ay inisang dakma lang niya ang pasaway na gulay!
Napaangat ako agad ng mukha para magpasalamat. "Thank you—" Pero ang aking pagpapasalamat ay hindi ko na natuloy nang makita ang matangkad na lalaki sa aking harapan.
The first thing I saw were his hawk-like eyes, down to the high and thin bridge of his nose, and his red lips. Ang kanyang buhok naman ay tila kaylambot na itim na itim, bahagyang mahaba na wolf cut. Habang mapusyaw ang pantay na kulay ng balbong morenong balat.
Subalit wala sa mga iyon ang higit na nakakuha ng aking atensyon... Kundi ang pahabang peklat sa makinis niyang kaliwang pisngi. Sa aking isip ay aking binigkas ang pangalan niya na hanggang ngayon ay natatandaan ko pa pala. Asher James Prudente...
The news that reached me was correct; he was back. Ilang beses ko nang pinaghandaan sa isip ang posibilidad na makaharap ulit siya, at nakakatawa lang dahil natulala pa rin ako ngayon sa kanya.
Nakatitig lang din naman siya sa mukha ko, pero walang kahit anong makikita sa kanyang mga mata. Ako na ang naunang nagbawi. Ibinaba ko ang aking paningin sa repolyo at akmang kukunin iyon mula sa kanya, ang kaso ay bigla niya iyong ilayo.
Napamaang naman ako. Muli kong inabot pero inilipat niya sa kanyang kabilang kamay ang repolyo. Nang abutin ko ulit ay ibinalik naman niya sa kabila. Napaangat ulit ang aking tingin kasabay ng pagnganga. Anong problema niya?!
Nang tingnan ko siya ay nakataas lang sa akin ang isa sa makakapal na kilay niya.
Inabot ko ulit ang repolyo, binilisan ko para mahabol ko, pero binilisan niya rin ang paglayo niyon sa akin.
Para akong bano na basketball player na nang-aagaw ng bola sa isang player na pro. Effortless siya at kamay lang ang gumagalaw sa tuwing ilalayo niya ang bola sa akin, habang ako naman ay nagsisimulan na ritong pagpawisan!
Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao rito. Naiinis na ako kaya gigil na ang pag-agaw ko sa repolyo, pero itinaas niya iyon gamit ang kaliwang kamay niya. Dahil mas matangkad siya at dagdag pa na naka-flats lang ako kaya hindi ko tuloy abot. Kinailangan ko pang magtatatalon, pero wala pa rin! Shit!
Napipikon na napasinghal na ako. "Ano ba?! Repolyo ko iyan! Akina!"
Wala pa rin siyang reaksyon.
"Ano? Magugulay ka ba pero wala kang pambili ng sarili mong repolyo, kaya nang-aagaw ka ng repolyo ng may repolyo?!" Gigil na gigil na talaga ako. Wala akong pakialam kahit dumadami na ang napapatingin sa amin dito na mga tao.
Gusto ko na siyang kalmutin sa mukha dahil maiksi lang talaga ang aking pasensiya, pero tumaas ang sulok ng bibig niya. Sa ginawa niyang iyon ay para akong natanga bigla. Fuck!
His eyes, which had previously shown no emotion, now seemed to be flashing with amusement. Nahugot ko ang aking paghinga nang bumukas ang mga labi niya para magsalita.
"Kilala mo ba ako?"
Napanganga ako. "What?"
"I'm asking you. Kilala mo ba ako?"
Was he serious? Porke't hindi na siya semi-calbo at para na siyang bad boy model ng anti-dandruff shampoo, ay feeling niya na hindi ko na siya makikilala?
Umayos ako sa pagkakatayo at deretsong sinagot ang tanong niya. "No."
He arched a brow again.
"I don't know you, but I must say you're familiar," sabi ko na seryoso at walang ngiti.
"Familiar? How so?" Ibinaba niya na ang repolyo ko pero hindi pa rin sa akin inaabot.
"Familiar. Normal lang naman ang itsura mo. Marami kang kamukha. In other words, you're too common." Hindi iyon totoo, pero wala akong paki. "Nothing special."
"So, that was why," sabi niya na hindi ko alam ang ibig sabihin.
Wala rin akong paki. I was a busy person to even give a damn. Hindi ko na rin ipinaglaban pa ang repolyo na nalamog na sa pagkakadakma niya. "Kung ayaw mong ibigay ang repolyo ko, sige, iyo na iyan. Just think of it as my donation to you, since you seem to be in desperate need of it."
Tinalikuran ko na siya at timpi ang paghingal na naglakad na paalis. Sa aking pangatlong hakbang ay nagsalita siya. "Asher."
Hindi naman ako lumingon o ni tumigil sa paghakbang.
"Asher James Prudente ang pangalan ko. Just in case makakita ka ng mga kamukha ko, at least you know my name."
I continued walking without looking back at him.
"But it's okay if you don't want to tell me your name," habol niya sa salitang kaswal, mahinahon at saktong lakas lang, subalit dinig na dinig ko pa rin. "Because I know you."
Kumuyom ang mga palad ko pero hindi pa rin ako huminto.
And when I didn't hear him speak again, I assumed he was no longer behind me. That was also when I stopped walking, only to realize that it was just a trap. Dahil bigla ko ulit narinig ang bagaman kalmado ay maaligasgas na boses niya.
"Laila Valmorida na taga Sunterra. I still remember you."
jfstories
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro