Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42

PANGALAWANG BUHAY.


Sa pagkakaalam ko ay hindi man ako masamang tao ay hindi rin naman ako ubod ng buti. Hindi ko rin masasabing sakto lang. Pero sa pagkakataong ito, sinusubukan ko. Kasi kailangan kong maging magandang halimbawa. At bilang pasasalamat na rin. I knew that didn't deserve this life, but still the heavens granted me this precious second chance.


I MISS YOU.


Iyon ang note na nasa loob ng balik-bayan box. Bukod sa mga imported na sabon, lotion, chocolate, ay may mga damit din na kasama. Meron ding mga libro. Nauna pa ang kahon na ito na dumating dito kaysa sa akin. Nakikinita ko na ang nakangising mga labi ng sender nito.


Gusto talagang i-spoil kami. Kakapadala lang noong nakaraang buwan sa apartment ko sa Manila, may padala na naman ngayon na naka-address dito sa Cavite. Dinampot ko ang damit na halos puro kulay yellow lahat. Doon ako napangiti. Pero agad ding nabura ang aking ngiti nang mapatingin ulit sa mga chocolate. Kailangang maitago ko agad ang mga ito.


Hinila ko na ang kahon at inisa-isa ang mga laman paakyat sa itaas. Sinunod ko ang mga maleta na dinala sa kuwarto. Pagod na pagod at gutom na gutom ang pakiramdam ko. Hapon na pero ang huling kain ko pa ay kanina pa palang umaga. Gusto ko kasi na makatapos bago gumabi.


I looked at the time on my phone. 4:00 p.m. na pala. Kailangan ko nang magmadali. Hindi na ako makakakilos mamaya pagdating nila. Pinagsasalpak ko muna ang mga maleta sa isang sulok. Sa gabi ko na ililipat ang mga damit. Ang mga kahon naman na may lamang mga libro ay akin munang itinabi sa taas ng cabinet. Pagkatapos ay nag-mop ako ng sahig sa kuwarto at nilatag ang malapad na foam doon, para mamayang gabi ay hihiga na lang kami.


Bumaba ako sa sala. Sumubo muna ako ng tinapay na binili ko sa bakery sa katapat na subdivision ng Grand Riverside. Habang ngumunguya ay nagsaing na ako. Nakalimang tinapay ako. Ganoon talaga, lumakas ng kumain, e.


Wala naman naman na akong pakialam sa itsura ko. Pumayat man o maging chubby, ang importante ay healthy. Gusto ko na maging healthy dahil gusto ko pang mabuhay pa nang mas matagal. Gusto kong palaging malakas para makapagtrabaho at makapag-ipon ng pera. At higit sa lahat, hindi kasi ako maaaring magkasakit.


Pagkaubos sa tinapay ay nagwalis-walis ako at nagpunas-punas ng mga gamit para bawas kalat at alikabok. Nang makatapos ay mabilisan akong naligo. Nagsusuklay na ako ng buhok nang may kumatok. Nakaramdam ako ng pananabik. Nakabalik na ba sila?


Pagbukas ko ng pinto ay hindi sina Tita Judy ang nasa labas, kundi isang maputing babae na pustoryosa, nakakwintas ng gold, at banat na banat ang matapang na mukha. "Laila, nandito ka na pala."


Basta na lang itong pumasok kahit hindi ko pinapapasok. Dere-deretso sa loob habang binibistahan ang bawat kanto ng bahay. Sagad-sagaran naman ang pagtitimpi ko.


"Basta ka na lang umalis pagkalibing ni Madi. Pagpunta namin dito ay wala ka na at for rent na naman itong bahay." Hinarap ako nito. "Hindi naman makapal ang mukha mo, ano?"


"Medyo lang ho."


Lalong sumimangot ito at pinamulahan ng mukha. "Napakabastos mo! Lumabas na talaga mga tunay na kulay niyong mag-ina mula nang mamatay ang kapatid ko! Nasaan ang titulo nitong bahay? Di ba dapat ay isauli mo ito sa amin na mga tunay na kaanak ni Gil?!"


Nagtutule ako kahit hindi naman makati ang aking tainga.


"Namatay ang kapatid ko sa ibang bansa, pagdating ng katawan niya sa Pilipinas ay hindi man lang kayo nagpakitang mag-ina! Pero noong na-automatic fully paid itong bahay, saka niyo biglang inangkin! Ang kakapal niyo! Lalo ka na, Laila! Kung tutuusin ay wala kang karapatan! Hindi ka namin tunay na kamaganak dahil ampon ka lang!"


"Alam niyo ho bang puwede ko kayong ipabaranggay o deretsong ipapulis na ngayon mismo? Kayo na rin ang nagsabi na hindi niyo ako kamaganak, kaya trespasser ka rito sa pamamahay ko."


"Ang kapal talaga ng mukha mo!" Pulang-pula ito at akmang sasampalin ako nang hindi ako umiwas.


"Bakit hindi niyo itinuloy? Sampalin niyo ako. Lakasan niyo, ha? Gusto ko iyong babagsak ako riyan sa salamin na center table. Para naman mas marami akong maisampang kaso sa inyo maliban sa trespassing. Assault, malicious mischief, at grave threats."


Dinampot ko ang gunting na aking ginamit sa pagbabaklas ng scotch tape kanina sa mga kahon. Dahil bago ay makinang at matulis iyon.


Habang hawak ang gunting ay blangko ang mga mata na tiningnan ko ito. "Pero puwede ring sabihin ko na lang na nasaksak kita nito dahil gusto mo akong saktan, kaya ipinagtanggol ko ang sarili ko. Ano ngang tawag doon?" Ngumiti ako. "Ah, oo nga pala. Self defense."


Napaatras naman si Rica Estrada.


Biglang bumukas ang pinto. Agad ko namang itinago sa aking likod ang gunting, pero si Renren lang pala ang humahangos dumating. "OMG, Mommy!" matinis na tili nito. Naka-uniform pa ng pang F.A. Mukhang pagkagaling sa airport ay dito na agad dumeretso ito.


"Renesmee!" Tila nakakita naman ng kakampi si Tita Rica sa katauhan ng anak. "Darling, good thing you're here! Laila threatened me—"


"OMG, Mommy!" Part 2 na tili ni Renren. "Mommy, what did you do to Lai?! Did you away Lai again?! OMG, what if Lai leaves Cavite again?! Renren will surely be sad! OMG! OMG!"


Napailing ako. "Ren, please iuwi mo na sa inyo iyang nanay mo."


Kinaladkad na ni Renren palabas si Tita Rica. Nasa may gate na sila ay dinig na dinig ko pa ang matinis na boses ni Renren. Parang sirang plaka ito. Hindi ko na talaga alam kung matutuwa ba ako rito o ano. At mukhang magtatalo silang mag-ina hanggang makauwi sa bahay nila.


Isinara ko na ang pinto. Napabuga ako ng hangin nang mag-isa na lang ulit ako. Three years ago, bago pa kumilos ang side ng pamilya ni Papa ay umalis na ulit ako ng Cavite. Pinaupahan ko ulit ang bahay na ito. Bumalik ako ng Manila na dala ang kaunting ipon at lakas ng loob. I spent the remaining months reviewing and working online since it was risky for me to go out at that time.


Ang aking natatanggap naman na eight thousand pesos monthly rent dito sa bahay ay napupunta lahat sa ipon ko. Dahil may importanteng pinaglalaanan ako. Matapos ang isa pang taon ay nakapag-board exam na ako sa wakas. Nakapasa sa first take.


Nakakuha ako ng magandang posisyon sa isang kompanya pero hindi rin ako tumuloy doon. Sayang man, pero ayaw ko pa pala munang pumasok sa ngayon. Mas kailangan na nasa bahay lang muna ako. I decided to return to Cavite and continue with my work-from-home arrangement.


Bandang 7:00 p.m. ay nakaluto na ako ng ulam. Panay ang tingin ko sa phone kung may text ba o tawag. Naiinip na ako. Mayamaya ay may kumatok na naman. Nangunot na ang noo ko. Kung sina Tita Judy iyon ay dapat makakarinig na agad ako ng ingay ng mga bata, pero wala.


Huminga ako nang malalim bago iyon binuksan. Tama nga ako. Hindi sila. Hindi ang inaasahan ko ang aking makikita. Isang payat na babae ang nakatayo sa harapan ko. Madilim ang mukha, magulo ang buhok, tuyot ang mga labi. Nang makita ako ay sandaling nagulat pero agad ding nakabawi. Si Lydia Punzalan.



Natapik ko ang aking noo. Mga ilan pa ba ang darating ngayong araw na ito?



Nagsalita ang babaeng kaharap ko sa malat na boses. "Tama pala ang balita na nandito ka na talaga, anak."


Hindi ako sumagot, dahil hindi naman kailangan ng sagot ang sinabi niya.


"Basta kayo umalis noon ni Madi. Basta ka niya inilayo sa amin. Bumalik kayo ng Cavite pero wala kaming alam. Huli na nang malaman namin na namatay na si Madi at umalis ka na pala ulit. Ni hindi ka man lang namin nakita kahit saglit."


Umamo ang mukha ng babae. Nagkaroon ng kislap ang mga mata.


"Pero wala na si Madi ngayon, Lai. Wala na siya kaya malaya ka nang makakapunta sa amin. Walang magbabawal sa 'yo. Anak, malaya ka na rin naming madadalaw rito."


"Papunta ho ang tiyahin ko ngayon dito," salat sa emosyon na sabi ko.


"O, ano naman?" Mahinang tumawa siya. "Tiyahin mo lang naman iyon. Hindi mo naman iyon tunay na kadugo. Tawagan mo, sabihin mo na 'wag nang pumunta pa dahil nandito kamo ang tunay mong ina—"


Hindi ko pinansin, o ni pinatapos ang sinasabi niya. "Umalis na ho kayo, baka maabutan kayo ng kapatid ng mama ko."


Nawala ang kaamuhan niya at biglang hinaltak ang braso ko. "Anong pinagsasabi sa 'yo ni Madi at nagkaganyan ka? Bakit parang kinalimutan mo na talaga kami na tunay mong pamilya? Ni hindi mo nga kami inisip noong bigla kayong umalis! Wala kang alam sa nangyari sa amin! Pinabayaan mo kami!"


Hinila ko ang aking braso na hawak-hawak niya. "Hindi ba kayo nakakaintindi? Parating na sabi ang tiyahin ko!" Napataas na ang boses ko. Ganitong pagod ako ay maiksi na ang pasensiya ko.


Nagulat naman si Lydia Punzalan. Nabahiran ng galit ang mga mata, subalit sinikap na kumalma. "Sige, magpahinga ka na muna dahil tutal ay mukhang pagod ka sa paglilipat." Umikot ang paningin niya sa mga nakakahon ko pang gamit sa paligid. "Magsabi ka lang kapag kailangan mo ng tulong sa pag-aayos at ng makakasama dito. Marami kang pamangkin—"


"Hindi ko ho kailangan."


Tumango siya at tumalikod na. Pero bago lumabas ng pinto ay lumingon pa ulit sa akin. "Malaki-laki rin pala itong bahay mo. May extension pa sa likod. Samantalang mga kapatid mo at pamangkin ay nagsisiksikan sa atin."


Mag-isa na lang ako pero ang hingal ko ay abot-abot pa rin. Kaya ako bumalik para makatipid, pero unang araw pa lang ay sinusubok na ako. Naupo ako sa sofa at sumubsob sa mga palad ko. I was in that position when my cell phone suddenly rang. The caller's long-distance number and name were displayed on the screen.


Sinagot ko iyon para lang maibaling na sa iba ang aking isipan. Isang maaligasgas na boses ang narinig ko. Tila kagigising lang. [ Hi. Anong oras na diyan? ]


"7:30 p.m."  


[ Kumain ka na? ]


"Mmn," sagot ko na lang. Bahala na siyang intindihin kung oo o hindi.


Narinig ko ang mahina niyang tawa. Bakit siya tumawag? Wala ba siyang ginagawa? Hapon pa lang sa bansang kinaroroonan niya ngayon.


[ Hey, it's my off today. ] Malambing ang boses niya. [ I just woke up and remembered you. Alam ko na galit ka dahil hindi natuloy iyong uwi ko last month. But promise, babawi po ako. ]


Hindi naman ako galit. Kahit hindi siya umuwi ay nagpadala naman siya. May pera na ay may package pa. Minsan nga ay kahit walang okasyon, nagpapadala pa rin. Kahit magalit ako, hindi talaga siya naaawat. Makulit ang lahi.


Kumalansing ang gate kasabay ng isang busina. Napatayo ako dahil mukhang dumating na sina Tita Judy. Nakakarinig na rin ako ng maliliit na yabag. Pabalibag na bumukas ang pinto. Naunang pumasok ang dalawang batang lalaki na nasa walo hanggang siyam na gulang. Sina Atlas at Adam.


Ang isa sa mga ito ay yumapos agad sa bewang ko. Si Adam. "Mommy Lai!"


"Nandito na sila." Hindi pinapatay ang tawag na tumayo ako. "Nasaan ang mommy niyo?" tanong ko sa mga bata.


"She's with Daddy." Si Atlas ang sumagot.


"Daddy?"


"Daddy no. 2!" halos sabay na sumagot ang mga ito.


Napangiti ako. Mabuti.


Sumilip ako sa labas dahil mukhang nagkakagulo. Tama nga ako. Sa pinto ay narinig ko na ang matinis na boses ng isang batang babae. "Don't wantuuu!!!"


"Come on, baby girl, next time na lang ulit tayo mag-ride," my aunt said to the child. Ang batang babae ay bilog na bilog ang pisngi, malalantik ang pilik-mata at mapupula ang mga labi. Ang suot ay nito ay yellow jumper, yellow Converse, at nakatirintas ang manipis pa lang na buhok ng yellow rin na ipit.      


Hirap na hirap na ang tiyahin ko kaya lumapit na ako. With a soft voice, I called the name of the girl clothed in all yellow from head to toe. "Bobbie."


That was when the toddler let go of the car door. Lumingon sa akin at agad na humikbi ang mapupulang mga labi nang makita ako.


Nginitian ko ito. "Come here, little Bobbie. Didn't you miss me?"


Nagpababa kay Tita Judy kasabay ng sunod-sunod na paghikbi. Pagkuwa'y nanakbo na ito palapit sa akin. "Mommaaa!!!"


Natatawang sinalubong ko ito ng yakap. Si Tita Judy naman ay naiiling na lang. "Ang kulit na talaga niyan. Hirap na hirap ang mga bodyguard ng prinsesang iyan, pero enjoy naman," tukoy nito kina Atlas at Adam.


Ngumiti lang ako habang yakap ang batang babae. Ang lahat ng pagod ko sa maghapon ay tila nilipad ng hangin. Ang ligaya at direksyon na aking nakikita lang dati sa iba ay ngayo'y nararanasan ko na rin. Dama ko ang kakuntentuhan na hinding-hindi ko pagsisisihan. "I miss you, my baby," anas ko at hinagkan si Bobbie sa noo.


Malawak na bumungingis naman ito sa akin. My heart leaped at the purest and sweetest face I'd ever seen. Her smile was like heaven, but better. My newfound purpose, my love, and only bliss in this second life.


And yes, ang dalawang taong gulang na batang babaeng ito ay anak ko.


@jfstories
#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro