Chapter 38
I SAID SORRY AND THAT WAS HIS ANSWER. OKAY.
Hindi naman nakakagulat. Pero nakakasugat.
"S-sige, ha? Akyat muna ako sa itaas. Parang narinig ko na nagising na si Mama, e." Tumayo na ako na hindi hinihintay ang sagot niya. Mukha rin namang wala siyang balak sumagot kahit obviously ay alam niyang hindi naman talaga nagising si Mama. Ipinikit niya ang mga mata habang prenteng nakasandal sa sandalan ng sofa.
Iniwan ko na si Asher sa sala. Bahala na siya kung uuwi na siya. I-lock na lang niya ang pinto. Around 11:00 PM nang pakainin ko si Mama. Gising na ito. Humingi ng pagkain pero biscuit lang ang gusto. Ipinagtimpa ko rin ng gatas na nasa garapon sa kuwarto nito. Mayamaya ay nakapikit na ulit.
Binantayan ko pa rin hanggang sa tuluyang makatulog. Nag-Internet ako sandali para tingnan kung online ba si Tita Judy. May chat pala ito. Nagka-emergency raw kaya hindi na ito nakadaan. Tingin ko nga ay emergency talaga dahil gulo-gulo ang typings nito.
Sinulit ko ang data sa pagtingin sa newsfeed. Nahagip ng aking paningin ang tagged photos sa isang kaopisina ko. Ang babaeng kapatid nito na tagakabilang kompanya ay nasa ibang bansa pala. According to the caption, they were sent to Korea under the 5-month company's staff exchange program.
Hindi ko na sana pakatitingnan kung di ko lang namukhaan ang katabi ng babaeng kapatid ng kaopisina ko. Pamilyar na mukha. It was Lou. Kung ganoon ay kasama ito sa pumunta sa Korea? Bakit? I mean, hindi ba nito alam na uuwi si Asher ng bansa? Sila ba talaga o hindi na?
If they were still dating, was Lou even aware that her boyfriend was paying a visit to his ex's mother? At kung alam nga ni Lou, I doubt na makakangiti ito nang ganito sa photo nito. Maybe she had no idea, or... they are no longer together.
Ang pagpitik ng kung ano sa loob ng dibdib ko ay sinabayan ng pagkalam ng tiyan. Hindi pa nga pala ako kumakain. Hindi ko na inaasahan may daratnan pa sa sala kung kaya basta na lang akong bumaba, kaya muntik na akong mapabalik sa itaas nang makitang naririto pa pala si Asher sa hanggang ngayon!
Bakit nandito pa ang lalaking ito? Nasa sofa pa rin siya kung saan ko siya iniwan kanina. Nakasandal pa rin sa sandalan sofa at nakapikit. Natutulog ba siya talaga?
Siguro ay pagod na siya bago pa pumunta rito. Ayaw ko siyang istorbohin sa pagpapahinga kaya marahan ang aking ginawang pagpunta sa kusina. Habang nag-iisip ng makakain ay panay ang punas ko sa aking leeg. Ang init dito sa ibaba. Pinapawisan pa ako dahil kanina pa ako kilos nang kilos kakaasikaso kay Mama.
"Do you want to take a shower?"
Napapitlag ako nang biglang may magsalita. Napalingon ako sa sala. Nakadilat na si Asher at nakatingin na pala sa akin. Kailan pa?
"You can take a shower. Ako na muna ang magbabantay sa mama mo. Aakyatin ko siya kapag narinig kong nagising." Tumayo siya at lumapit sa akin.
"Okay lang." Kinakailangan ko siyang tingalain dahil hanggang leeg niya lang ako. Matangkad na siya dati pero mas higit na talaga ngayon.
Habang nakatingala sa kanya ay hindi ko maiwasang hindi maisip ang nakita kanina sa social media. Si Lou na nasa Korea. Natitiyak ko na hindi papayag ang babae na pumupunta rito si Asher. But he was still coming here. So maybe... maybe...
"Maligo ka na."
Natigil ako sa pag-iisip. Ang baho ko na ba talaga at ganoon na ako karumi tingnan?
Niyuko ko ang sarili. Pawisan ang aking leeg, marumi ang harapan ng damit, at tiyak na magulo rin ngayon ang basta na lang na nakatali kong buhok. Nahiya ako bigla. Kinuha ko ang tuwalya na nakasampay sa labas. Mga basa pa iyong aking mga nilabhan pero hindi ko na ipinasok. Nakasilong naman kasi iyon.
Pagpasok ko ay nagtitimpla na si Asher ng kape. "Sorry wala kaming creamer." Nagtitipid kasi ako kaya kape puro lang ang meron dito.
"Okay lang," sagot naman niya sa patag na boses. Mukha namang hindi plastic. Okay lang talaga na pure, plain, ang no sigar. Ganoon yata ang trip niya sa kape, matapang. Iyong kaya siyang ipaglaban.
Napakagat ako ng labi. "S-sige, uhm, paki pakinggan na lang si Mama kung magigising." Pumasok na ako sa banyo. Sa loob ay hindi pa agad ako naghubad. Nakakainis dahil ang isiping nasa labas lang si Asher ay nagpapainit sa aking pisngi. Babae pa pala ako na may pakiramdam na ganito? Akala ko kasi hindi na. Akala ko converted na ako into fungus six years ago.
Sumahod na ako sa shower bago pa makarating kung saan ang init na iyon. Pagkatapos magbasa ng katawan ay agad akong nagsabon. Ayaw kong magtagal dahil ayaw ko siyang paghintayin. O baka dahil baka umuwi na siya at hindi ko na maabutan. Well, hindi pa kasi ako nakakapagpasalamat.
Alam ko, sasabihin niya na para kay Mama naman ang lahat ng ito. But, I still wanted to thank him. There was nothing wrong with being thankful, right? Maldita ako pero may kaunting manners pa rin naman.
Ang sabi ko ay nagmamadali ako, pero nagsabon pa ulit ako ng pangalawa. Ilang araw na kasing puro mabilisan ang ligo ko. Hindi na ako nakakapaghilod dahil palagi akong nagmamadali. Pati paa ko ay aking hiniluran bigla. Kinutingting ko rin pati ang aking pusod na akala mo naman ay may mag-ch-check niyon mamaya.
Tapos na ako pero nakukulangan pa rin. Bakit nga ba hindi ako bumili noong sahod ng sabon maliban sa pink na Safeguard? Hindi rin ako nakadampot sa grocery ng kahit mumurahing salt scrub? At wala na rin pala akong feminine wash?
Pagkaligo ay nag-toothbrush din ako. Sinimot ko ang facial wash na nasa bote at naglinis ako ng tainga. Piniga-piga ko pa ang aking buhok sa tuwalya, at saka na ako lumabas—nang nakatuwalya na lang. Wala pala kasi akong nadala na bihisan. Alangan naman din na isuot ko ulit ang aking pinaghubaran.
Sa may pinto ng kusina ko nakita si Asher. He was checking the doorknob. "Wala bang ibang lock ito?" Hindi siya sa akin nakatingin.
Napatingin din ako roon. Hindi ko pa nabibilhan iyon ng bagong kandado. Ang nasa isip ko kasi ay kahit pawasak na ay matatiyaga pa naman iyong doorknob. Wala rin naman sigurong makakaisip na pasukin kami rito, dahil wala naman silang mapapala.
Nang umalis si Asher sa may pinto ay hindi pa rin siya sa akin tumitingin. Kaswal lang naman ang ekspresyon niya habang ang mga mata ay nakabaling sa iba.
Ako naman ang nagtanong habang kipit-kipit sa dibdib ang buhol ng tuwalya na tanging nagsisilbing takip sa aking kahubaran. "Asher, hindi ka pa naghahapunan, di ba? Hindi pa rin ako kumakain. Gusto mo ba ng... canton?"
Canton. Favorite namin noon.
Wala lang, naalala ko lang kasi iyon lang ang maio-offer ko ngayon. Hindi na ako nagtangka na magmalaki, dahil wala na rin akong ipangbibili kung magyayaya ako ng ibang pagkain.
Ako ang nag-alok kaya ini-expect ko na ako rin ang kikilos, pero nauna na siyang magbukas ng cupboard. "Ako na. Ayusin mo na muna ang sarili mo."
Nanliit ako sa laman ng cupboard. Meron na lang doong tatlong delata ng meatloaf, isang pack ng cereal ni Mama, at dalawang pancit canton. Kinuha niya ang mga pancit canton, pagkuwa'y kumuha siya ng kaserola sa ilalim ng cabinet. Doon ako maliit na napangiti. He remembered where we often kept our cooking stuff.
"Magbibihis muna ako," paalam ko kahit pa hindi siya sa akin tumitingin. Umakyat na ako na naroon pa rin ang maliit na ngiti.
Sa kuwarto ay pumili ako ng damit. Normal na palagi kong isinusuot. Pambahay na loose shirt at lumang cotton shorts. Nakasuot na sa akin iyon nang maisipan ko na magpalit ulit. Ang pinili ko ay white top na lady's cut at sakto ang sukat. Sa pang-ibaba naman ay dolphin shorts na hindi gaanong luma. Sa panloob ay 'wag niyo nang itanong.
Nagsuklay ako ng buhok, naglagay ng manipis na pulbo sa mukha, at nagpahid ng kaunting pabango sa gilid ng leeg at pulso. Ginamit ko iyong pasalubong ni Renren sa akin na perfume.
Nakailang minuto rin ako sa itaas kaya pagbaba ay luto na ang pancit canton. Ang bango. Ang sarap talaga ng canton sa hating gabi.
"Sorry, natagalan kasi ch-in-eck ko pa sa kuwarto niya si Mama." Nahalo na ni Asher ang sauce, nahati na sa dalawang plato, at ngayo'y nakahain na sa mesa. Kumukuha na si Asher ng pitsel ng tubig mula sa maliit naming ref sa kusina. Ako na ang kumuha ng mga baso at naglagay niyon sa mesa.
Wala siyang sinagot, although this time ay tumingin na siya sa akin. Hindi niya ako ipinaghila ng upuan, pero hindi siya naupo hanggang hindi ako nauunang umupo. Kumain kami nang tahimik.
Sa sobrang tahimik ay mako-confused ka kung nasa kusina pa ba kami o nasa sementeryo na. Ganoon katahimik, na ultimo paglapat ng utensils sa babasaging plato ay maingat at hindi mo maririnig. Dati-dati ay kada subo, may kiss.
Sa paghuhugas ng pinagkainan ay ako na ang nanguna. Gusto kong magpababa ng kinain. Ako na ang nasa tapat ng lababo, pero sumunod pa rin siya. Walang imik at seryoso lang na inaabangan ang nahuhugasan ko. Siya ang nagpupunas ng mga hinugasan ko at naglalagay sa lalagyan.
Ayaw niya nang walang ginagawa. Nakakapanibago lang dahil noon ay hindi naman siya tumutulong. Tumutulong lang siya noon kapag nasa baba si Mama, nakikipag-agawan siya sa paghahanda sa mesa. Pero kapag kami na lang ay nakatitig lang siya sa akin nang walang kurapan sa tuwing naghuhugas ako ng plato.
Palihim ko siyang sinulyapan. Seryoso pa rin ang ekspresyon niya habang pinupunasan ang baso na bagong hugas ko. Ang layo-layo na sa natatandaan kong ekspresyon niya noon. He was not even looking at me now. Wala na iyong parang cute na puppy na palaging nakatanghod sa akin dati.
"Thanks." Dahil maliit lang ang lababo namin ay ang sikip tuloy ng puwesto. Pagkatapos ko ay tumagilid ako na saktong pagharap naman niya. Nasa may bandang leeg niya ang aking mukha. Nang tumingala ako ay halos magdikit na ang aming labi dahil yumuko rin siya.
Napaatras ako agad palayo. Ang malamlam na mga mata niya ay naglakbay sa aking mukha pababa na dahilan ng panunuyo bigla ng lalamunan ko.
Bumukas ang mga labi ni Asher. "Just what did I like about you back then?"
Umawang ang mga labi ko. "Ha?" Ang nagsisimulang mabuo sa paligid ko ay biglang gumuho.
Nang magbalik ang mga mata niya ng tingin sa akin ay nakita ko roon ang tila naaaliw na kislap. "Tell me, ginayuma mo ba ako dati?"
Ano?! Napahumindig ako. Buong lakas na naitulak ko siya sa matigas niyang sikmura, nang biglang kusang umatras siya. Ang nangyari tuloy ay dumulas ang aking mga palad pababa at muntik na akong masubsob sa sahig kung hindi niya lang nasalo ang aking balikat.
Namimilog ang mga mata na nabawi ko agad ang aking mga palad. Hindi ako makatingin sa kanya sa sobrang pagkapahiya. Sa pagkakayuko ay napatitig ako sa jogger pants niya. Wait, ako ba dapat talaga ang mahiya?
Napapiksi ako dahil iyong kamay niya ay nasa balikat ko pa rin pala. Ang init na dulot niyon na tumatagos sa suot kong t-shirt papunta sa aking balat ay parang may titis ng kuryente. Umusod ako palayo, ang kaso ay sumama ang kaliwang kamay niya. Pagtingin ko roon ay kaya naman pala, ang sinulid ng strap ng house bra ko ay sumabit sa relong suot niya!
Hinila niya naman, kaya lang ay nahila rin niya ako. Napasama ako sa dahil nga sa nakasabit sa relo niya ang sinulid na natastas sa strap ng bra na suot ko. Nayakap ko bigla ang aking dibdib. "S-sandali!"
Nagulat din si Asher. Tila ba bigla ay hindi niya rin alam ang gagawin. His casualness and coldness have vanished, leaving behind just astonishment and innocence. And the expression on his face right now triggered some memories.
Inosente, mukhang natatanga, pero para sa akin ay walang mas ku-cute pa sa kanya. Those were the times when I was the only one who knew that he had such facial expressions.
"Guntingin na lang," sabi niya na tila gumising sa akin. Nakabawi na siya.
Wala na sa akin ang paningin niya, kundi naghahanap sa kung saang parte ng kusina. Sandali, nasaan nga ba ang gunting? Alangang magkasunod pa kami na maghahanap sa mga drawer dito sa kusina?
Nang nakakapag-isip na yata siya ulit nang matino ay naalala niyang meron pala siyang swiss knife sa bulsa ng suot na jogger pants. "'Wag kang malikot."
Hindi naman ako naglikot, kahit pa parang nabibingi na ako ngayon sa naririnig kong kabog. Sana lang ay hindi gaanong namumula ang mukha ko sa mga oras na ito. Hinintay ko na matapos ang ginagawa niya, halos hindi na ako huminga, kaya lang ay parang ang tagal yata. Hindi pa ba tapos? Nahihirapan ba siyang putulin ang sinulid?
Tiningnan ko at nakitang pigtal naman na ang sinulid. Pero bakit hindi pa rin lumalayo si Asher? Nang tumingala ako sa kanya ay nagulat ako dahil nakatingin siya sa akin.
"What have you been doing during the last six years?"
Bakit tinatanong niya? Bakit bigla siyang interesado? Naalala ko ang mga sinabi niya kanina. Lumayo ako sa kanya. "Umuwi ka na. Anong oras na. Sasabayan ko na ang tulog ni Mama, dahil gigising iyon maaga mamaya."
Matagal siya bago sumagot. At nadismaya ako sa sagot niya. "All right."
Napakurap-kurap ako sa kanya habang hinahagod niya ng kanyang malaking kamay ang leeg niya. Ako ang nagpaalis kay Asher, pero bakit noong pumayag siya ay hindi ako masaya?
"I really should go." Tumalikod na siya para pumunta sa pinto.
Aalis na siya. And then a sudden realization came to me. I didn't really expect him to be civil, let alone friendly.
Right, I didn't want either of those. I didn't want him to treat me like a stranger too. At sino bang estranghero ang maglalaan ng oras, pagod, at panahon sa nanay ng isang taong wala ka naman na dapat pakialam pa?
For years, I forgot about having great self-esteem and the ability to be ambitious, but there was no harm in trying to remember now, was there? And if I was going to remember everything, I might as well go all in.
Bago niya buksan ang pinto ay hinayaan ko ang sarili na magsalita. "You can stay the night."
Lumingon si Asher. Nakataas ang isang kilay na halatang may hinihintay.
"K-kung gusto mo lang naman..."
Tumaas ang sulok ng bibig niya. "Mainit dito sa sala niyo."
"Uhm, hindi ka puwede sa kuwarto ni Mama. Magulo roon at wala kang pupuwestuhan."
"And where do you think I should sleep then?"
Napalunok ako bago buong tapang na sinagot ang tanong niya, "Sa kuwarto ko."
Doon gumuhit ang isang ngiti sa natural na mapupula niyang mga labi. "Sure."
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro