Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37

I SHOULD SAY SOMETHING, BUT AGAIN, I COULDN'T THINK OF ANYTHING.


Hanggang makaalis na naman si Asher ay wala man lang ako nasabi. Pang ilang beses na ba akong natatanga tuwing umaalis siya? At ano kaya ang tumatakbo sa isip niya?


Hindi ko na talaga makita iyong inosenteng teenager noon. Wala na rin iyong parang cute na aso na nakadepende sa akin ang lahat ng kilos at galaw, ginagawa ang lahat ng aking gusto at iniiwasan naman ang mga ayaw ko, at iyong sunod lang nang sunod na parang walang sariling desisyon. Wala na. He had indeed matured but in a positive way. Should I be proud?


Proud ex, ganoon?


Anyway, kinapa ko ang aking ilong kung may dugo ba. Mabuti at wala naman. Pero ganoon yata pag nagma-matured na, parang nakalunok ng English dictionary, tapos nagiging cold.


Isinara ko na ang pinto at sinilip si Mama sa itaas. Kasama nito si Ate Tentay. Tinutulungan si Mama na dumura sa hawak na maliit na planggana. "Laila, pati ang pag-ubo ay hindi na magawa ng mama mo. Naipon na ang plema niya sa lalamunan."


"Ate, ako na po ang bahala muna rito. Magpahinga muna kayo." Pinalabas ko na si Ate Tentay. Kailangan nitong makapag-relax para energized ito kapag magbabantay na ulit kay Mama mamaya.


Bukod kasi sa pagiging makakalimutin sa mga bagay-bagay ni Mama, matigas ang ulo, ay makalat din ito. Kakailanganin talaga na may lakas at mahabang pasensiya lagi ang magbabantay rito.


Pagkatapos kong linisan si Mama ay aking sinuutan na ito ng diaper. Mahihiga na kasi ito at mahirap nang bumangon ulit. Minsan pa ay hindi na ito nakapagsasabi kapag gusto nitong magbanyo. Nang makatulog na ito ay saka ko na iniwan sa kuwarto.


Para makapagpahinga si Ate Tentay ay ako na ang naglinis muna ng bahay. Doon ko na lang ito pinatambay muna sa kuwarto ni Mama, habang ako ay tumuloy na sa paglalaba ng mga damit. Hinahabol ko ang init ng araw kaya mabilis ang kilos ko para makatapos agad. Nagsasampay na ako nang mag-ring ang aking phone sa loob. Pagpasok ko ay tapos na ang pagri-ring.


Dinampot ko ang aking phone. Sa screen ay makikita ang two missed calls mula sa contact naka-save sa pangalang Israel. Sukat ay napatingin ako sa labas ng bintana, nagdidilim. Napahawak ako sa dibdib ko. Parang gut feeling, mukhang may paparating na bagyo.



INIWAN KAMI NI ATE TENTAY.


Bukas pa ang off nito pero kinahapunan pa lang ngayong Sabado ay nagpaalam na. Nakagat daw ng aso ang pamangkin. Iyon tuloy, malayo pa ang suweldo ay napabale ko na ng isang libo.


5:00 p.m. na pero ayaw pa ring bumangon ni Mama. Kahit nang magising kaninang tanghali ay hindi namin ito mapaupo. Ayaw kumain kahit anong pakikiusap namin ni Ate Tentay. Ngayon naman ay hindi pa rin ito nagmemeryenda.


"Ma, masarap po itong lugaw na luto ko." Kailangan nitong kumain para makainom ng gamot kaya kahit nakahiga ay sinubukan kong subuan. Ang saya ko naman nang ngumanga ito.


Ang kaso, pagkasubo ko kay Mama ay biglang ibinuga nito iyon sa akin. Nagdududura pa ito kaya nagkalat ang laway nito at ang mga butil ng lugaw sa kama.


"Ma, hindi po dapat ganyan." Sinisikap kong magpakahinahon pa rin. "Di ba po, hindi po dapat nagsasayang ng pagkain?"


Tumalim ang mga mata ni Mama sa akin. "Sino ka ba? Hindi kita kilala! Tawagin mo ang anak kong si Laila!"


"Ma, ako po si Laila."


"Hoy, bata pa ang anak ko! High school pa lang, baby face, at palaging nakangiti! Hindi ganyan na namumutla sa kapayatan, mukhang tambak ang problema, at losyang!"


"Ouch, ah," nakangiwing bulong ko.


"At nasaan ba ang aking asawa na si Gil? Umuwi iyon kahapon galing abroad, ah? Papuntahin mo siya rito. Sila ni Laila ang gusto kong magpakain sa akin, at hindi ikaw! Ang pangit mo!"


"Ma, ako nga po si Laila. Hindi na po ako high school. Tapos na rin po ako ng college. Twenty six na po ako. Syempre, nag-matured na po ang itsura ko. Saka grabe po kayo sa pangit." Lumabi ako.


Parang bata na pinakatitigan ako ni Mama. "Ikaw talaga si Laila?"


"Opo." Umanggulo ako. "Ako nga po ito. Hindi po talaga ako maganda, pero hindi rin po ako pangit. Puwede pong cute."


Kumibot-kibot ang mga labi ni Mama. "Laila, anong nangyari sa 'yo? Bakit ka nagkaganyan? Parang pasan mo ang mundo." Ngayon ay balik sa pagiging matanda ang tono.


Ngingiti-ngiti lang ako. "Ganoon po talaga pag adulting. Nakakaubos ng youth, pero at least po ay busog sa karanasan at maraming natututunan sa hamon ng buhay."


"Pero hindi ka dapat nagpapaubos. Dapat may matira pa rin sa 'yo. Kahit ang daming dapat unahin, kahit parang napakahirap na at ang gulo-gulo, dapat hindi mo pa rin makalimutan ang sarili mo. Dahil paano ka pahahalagahan ng ibang tao kung ikaw mismo ay hindi na nakikita ang sariling kahalagahan mo?"


Inabot ko ang kamay ni Mama. "Magi-skincare po ako mamaya pagligo ko."


Ngumiti na rin ito. "Tama. Dapat palagi mong maramdaman na maganda ka. At para lalo ring ma-in love sa 'yo si Tutoy."


"O-opo, Ma," sabi ko na lang habang ang ngiti sa aking mga labi ay tabingi na.


Napakain ko si Mama, ang kaso ay apat na subo lang ng lugaw. Nahiga na ulit ito at pinakuha ang cell phone nito. Ayaw ko sanang ibigay pero parang bata ito na gustong magwala, kaya ibinigay ko na. Kailangan ko rin kasi itong iwan sandali dahil kanina pa akong ihing-ihi.


Pagkatapos umihi ay naririnig ko na ang malakas na boses ni Mama. Tila galit ito. Maghihilamos pa sana ako sa banyo pero hindi ko na naituloy. At mukhang pagbalik na ni Ate Tentay ako makakaligo.


My clothes were still sweaty when I entered the room. Nakahiga pa rin si Mama sa kama pero may kausap na cell phone nito. May regular load iyon for emergency kaya may pangtawag. Pero sino ang tinawagan ni Mama na kausap na nito ngayon?


"Nasaan ka nga?!" malakas ang boses ni Mama sa kung sino mang kausap. "Punta ka nga rito!"


"Ma, sino po iyang kausap niyo?" tanong ko nang makalapit, pero tiningnan lang ako nang matalim nito.


Hininaan ni Mama ang boses pero malakas pa rin kaya dinig ko. "Pumunta ka rito, ha?! Pakiusap, iligtas mo ako dahil may nakapasok sa bahay namin. May babae rito. Ang sabi niya ay siya raw ang anak kong si Laila. Pero sigurado ako na hindi. Kasi ang anak ko ay baby face, e itong babaeng ito ay losyang. Parang sampu na ang anak!"


Napatapik ako sa aking noo.


"Sige, basta pumunta ka! Magsama ka ng pulis! Ipahuhuli ko itong babaeng ito! Magnanakaw yata ito! Ganito mukha ng mga magnanakaw, e! Dry skin!"


"Ma!" Napasigaw na ako. Akma kong aagawin ang phone pero naitago na nito sa likod nito. Pinagbabato ako ng unan at gusto pa akong duraan.


Mga kalahating oras yata ako na nagpapakilala na si Laila, pero ayaw talaga ni Mamang maniwala. Nakatalukbong ito ng kumot habang nagdadasal kasi hindi na ako magnanakaw ngayon, demonyita na raw.


Dinadampot ko ang mga nagkalat sa sahig na ipinagbabato ni Mama kanina nang makarinig kami ng katok sa ibaba. Hindi ko pa kasi nabibilhan ng bagong battery ang doorbell namin kaya aking ibinilin kanina kay Ate Tentay na 'wag nang isara ang gate pag-alis nito.


Sa sumunod na katok ay napaalis ng talukbong si Mama. "Anak, may tao yata?"


Mabuti naman at anak na ulit ako nito. "Sige po, Ma. Check ko lang po sa ibaba."


Bumaba na ako sa sala na magulo ang basta itinaas na buhok, pawisan ang leeg, at oily ang mukha. Hindi na ako nag-ayos ng aking itsura dahil wala naman akong naiisip na pupunta, maliban kay Tita Judy. Nag-text kasi ito kanina na dadaan daw para dalawin si Mama.


"Wait lang," sabi ko. Nasa may pinto ang direktang kumakatok dahil nga bukas ang gate. Madilim sa labas dahil sira ang bombilya at nakalimutan ko pa na magsuot ng salamin sa mata, kaya naman hindi ko agad nakita kung sino ang dumating.


Binuksan ko ang pinto at nang screen na ang aking bubuksan ay naiwan sa ere ang kamay ko. Ang aking nasasamyo na natural na preskong pabango ay hindi yata sa tiyahin ko?


Napaangat ako ng mukha sa matangkad na lalaki sa labas. Kahit madilim, malabo ang aking mga mata, ang bulto niya ay unti-unti kong nakikilala. Wala sa isip ko na babalik siya dahil galing na siya rito noong umaga. Saka ko na-realize kung sino ang kinakausap ni Mama sa phone kanina.


"Malamok." Magaan at baritonong boses.


Umawang ang mga labi ko.


"Ang sabi ko, malamok. Hindi mo ba bubuksan?" Ang tono niya na bagaman patag ay may kalakip na pagkainip.


"W-wait!" Kandasala-sala ang kamay ko sa pagbukas ng screendoor. Kung kailan nasa aking harapan na siya nang walang nakaharang ay saka ko naalala ang aking ayos. Walang ligo, walang suklay, at walang palit-palit ng damit mula umaga.


Humagod nang mabilis ang mga mata niya sa akin, kaya hindi puwedeng hindi niya napansin na ang suot ko ay iyong kanina pa rin. Wala siyang sinabi at nag-iwas din agad ng tingin.


"Ang mama mo?"


"Nasa itaas. Hindi ko alam na ikaw pala ang tinawagan niya kanina. Pero puwede namang hindi ka pumunta." Nakakahiya kasi dahil naabala na naman siya—


"She's expecting me, so why would I let her down?"


"Gil?!" sigaw ni Mama mula sa itaas. "Gil, nasaan ang anak natin? Ang sabi ay pupunta lang daw sa school, pero gabi na! Bakit hindi pa umuuwi si Laila?!"


Nagpaliwanag agad ako, "Nagiging ganyan na siya, pero umaayos din naman—" Hindi ko na natapos ang sinasabi dahil nakarinig kami ng kung anong nabasag.


Napaakyat na si Asher sa hagdan namin. Nag-aalala na napasunod din ako agad. Sa kuwarto ay naabutan namin si Mama na ibinabato ang mga gamit sa tabi nito. Ang mangkok na may lugaw ay basag na sa sahig, ang sumunod na ibinato nito ay ang baso, at nang ang lampshade na ang isusunod ay agad na nilapitan ito ni Asher.


"Ma, bakit kayo nagbabato ng gamit? Sayang po iyan."


Tumingin si Mama kay Asher. "Gil, bakit bumata ka? Hiyang na hiyang ka sa abroad."


"Ma, ako po si Asher."


"Asher?" ulit ni Mama.


"Opo, ako po si Asher. Si Tutoy po, Ma."


"Ah, Tutoy." Tuminis sa saya ang boses ni Mama. "Nandito ka ba para dalawin si Laila ko?"


"Para dalawin kayo, Ma."


"Bakit ako?" Dinig ko ang pag-ingos ni Mama. "Dinadahilan mo lang yata ako, eh!"


Napahinto ako sa pagpupulot ng mga basag sa sahig at pasimpleng nilingon si Asher. Nakangiti siya kay Mama.


Kinuha niya pa ang isang kamay ni Mama at dinala sa kanyang pisngi. "Na-miss ko kasi kayo, Ma. Hindi niyo kasi ako nakakalimutan kahit ang tagal na."


"Eh, si Laila ko? Hindi mo ba siya nami-miss?"


"Ma, gusto niyo na po bang kumain?" biglang sabat ko.


Tumingin naman sa akin si Mama at pagdaka'y iningusan ako. "Hindi ko kilala iyang babaeng iyan. Sino ba 'yan? Kasama mo ba 'yan? Mas maganda naman diyan di hamak ang anak ko. Lagi pang mabango, eh iyan ay mukhang di naliligo!"


"Ma, si Laila po ako."


"Hindi pangit ang anak ko."


Napakamot na ako ng ulo. "Hindi naman po ako pangit."


Hindi naman na ako pinansin si Mama. "Tutoy, magkaaway ba kayo ng anak ko? Bakit kanina ay nandito iyon? Pero noong dumating ka ay biglang umalis? Parang iniiwasan ka? May nagawa ka ba sa kanya na hindi niya nagustuhan?"


Nakangiti pa rin si Asher nang sumagot, "Baka po, Ma."


"Anong baka? Bakit hindi mo alam? Alalahanin mo. Hindi naman basta magagalit at iiwas ang anak ko na walang dahilan."


"Ouch!" Napaigik ako dahil nabubog ang aking isang daliri. Katitingin kasi sa kanila ay hindi ko napansin na dulo na pala ng basag na baso ang aking hinahawakan.


Napalingon silang dalawa sa akin.


"W-wala ito, malayo sa bituka. Di ko lang kasi nakita iyong—"


"Diyos ko, Gil!" Mama shrieked when she saw the blood on my finger. "Gil, may dugo! Dinudugo ako! Gil!"


Nag-panic na si Asher. He had no idea how to soothe Mama, who had now become frantic. Sinubukan niyang yakapin pero pinagkakalmot siya ni Mama. Pinaghahampas siya. Para naman akong naitulos sa kinaroroonan habang nakatingin sa kanila. May nahawakan si Mama na kung ano sa mesa, inihampas iyon kay Asher. Doon ako parang nagising nang makitang duguan ang kanyang pisngi.


Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig. Bigla akong napabalikwas nang tayo mula sa sahig. Ang hawak pala ni Mama ay ang picture frame ng kasal nila ni Papa. Ngayon ko na lang iyon nakita, mukhang kalalagay lang nito. Hindi ko rin alam na may naitatabi pa palang photos si Mama na kasama si Papa. Agad kong inagaw ang frame na ngayon ay basag na ang salamin.


Mama was still screaming while Asher was holding both of her wrists. "Ma, kumalma po kayo," mahinahon na pakiusap niya si Mama. Balewala sa kanya kahit duguan ang kaliwang pisngi niya.


Lalo namang nag-hysterical si Mama nang makita ang dugo. Takot na takot ito. After I put the frame down, I rummaged through the cabinet. My hands were trembling from the rush to get the medicine into the syringe. Bihira ko itong gawin pero ngayon ay kailangan na talaga ni Mama na kumalma. "Hawakan mo siya sa braso!" utos ko kay Asher.


Pagkahawak niya kay Mama ay agad kong itinurok kay Mama ang injection na ang laman ay pampakalma. Nanlalaban pa rin si Mama pero ilang sandali lang ay nanghihina na ito sa kama. Kapwa kami humihingal ni Asher nang maihiga na ito.


Inasikaso ko si Mama. Kinumutan at inayos sa pagkakahiga. Si Asher naman ang nagtuloy ng pagliligpit ng mga basag sa sahig. "May sugat ka..." Pagkatapos kay Mama ay nilapitan ko siya. Tapos na rin siya sa pagbalot ng mga basag.


Parang wala lang na sinalat niya ng likod ng palad ang dugo sa kanyang pisngi. Nang tumingin sa akin ay kaswal na nagsalita, iyong salita na sinabi ko rin kanina, "Malayo sa bituka."


"Pero mukha iyan." Noon ay sanay siya sa pakikipagbasag-ulo. Pero ibang usapan iyong mabangasan sa mukha. Tiningala ko siya nang isang hakbang na lang ang layo namin sa isa't isa. Ang aking kamay ay inabot siya. I wanted to check how deep the cut was.


When my fingers touched his skin, he flinched. Only then did I realize what I was doing. Napatingin ako sa mga mata niya na ngayon ay nakatingin din sa akin. Napaatras ako kasabay ng pagbawi ko sa aking kamay.


Pero bago makalayo ang kamay ko kay Asher ay ganoon na lang ang aking gulat nang pigilan niya ako sa pulso. "May sugat din ang daliri mo."


Napakurap ako. I did have a wound on my finger but it was not as big as his. Pahaba na cut iyong nasa kaliwang pisngi niya. Baka kailangang tahiin. "O-okay lang ako. Iyong sugat mo ang dapat alalahanin. Sa mukha iyan. Baka malalim, kailangan kahit first aid man lang."


"Okay," sagot niya pero hindi niya yata alam na hawak niya pa rin ang pulso ko.


"Uhm, how can I get a medicine box if you're still holding me?"


Siya naman ang napakurap. Binitiwan niya ang pulso ko at ibinaling ang kanyang blangkong tingin sa ibang direksyon.


Inabala ko naman na ang sarili sa paghahanap ng medicine box. Sa kusina ko iyon nakita, dahil naghanap nga pala ng ointment si Ate Tentay noong nakaraang mapaso ito sa pagluluto. Pabalik na ako sa itaas dala ang medicine box nang makitang pababa na si Asher sa hagdan. Nakapamulsa siya sa suot na black jogger pants.


"Anong oras magigising si Mama?" tanong niya sa patag na tono, at habang ang mga mata ay nakatuon sa ibang parte ng sala.


Lumapit ako na bitbit ang medicine box. Ibinaba ko iyon sa center table saka ako naupo sa sofa. Nandito na rin naman siya kaya dito ko na rin siya gagamutin. Para pagkatapos ay deretso uwi na rin siya, or kung gusto niya pang dumaan sa ospital, tutal may dala naman siyang sasakyan.


"Mamaya pa gigising si Mama," I answered his question. Malakas ang epekto kay Mama ng in-inject ko rito. Ayaw ko sana iyong gawin, kaya lang ay kinailangan na talaga kanina. "Upo ka. Let's treat your wound."


Naupo naman siya. Sa tabi ko. Pero may espasyo. Blangko ang mga mata, maging ang ekspresyon niya, habang pinapanood ang paghahanda ko ng first aid. Pigil na pigil naman ang panginginig ng mga daliri ko sa tensiyon.


Gumamit muna ako ng antiseptic wound wipes upang punasan ang dugo niya sa pisngi. Wala siyang imik habang nililinis ko ang sugat niya. Wala rin siyang reaksyon. Ni hindi siya kumukurap. Wala lang sa kanya, habang ako rito ay pawisan na sa pressure at kaba.


Parang nasa three inches ang cut niya sa pisngi. Hindi naman malalim para tahiin, pero mukhang mag-iiwan ng sugat kapag magaling na at hindi maalagaan ng scar ointment.


Makinis ang balat ni Asher, hindi gaanong halata ang pores, at pantay ang kulay ng mapusyaw na pagkamoreno. If the cut on his cheek left a scar, he would become even hotter—este, it would be a drawback pala.


"Bakit dalawa lang kayo ng mama mo rito?" tanong niya. "Where's Ate Tents?"


Napatingin ako sa mga mata niya at pasimpleng napausod. Sobrang lapit na pala kasi ng mga mukha namin. "Ano, m-may emergency sa kanila kaya napaaga ang off niya. Baka bukas o sa Lunes naman ay nandito na ulit siya."


"What will happen to her?"


Nagtaas ako ng tingin. "Kay Mama?" Malungkot na ikinibit ko ang aking balikat. "I can't say she's getting better because that's obviously a lie." Basta aalagaan ko siya hanggang kaya. She's my mother, I will not give up on her." Matapos lagyan ng Betadine ang sugat niya ay tinakpan ko na iyon ng gauze. Iniligpit ko na ang mga ginamit at ibinalik ang iba sa medicine box. "Tapos na."


Sumandal naman siya sa sandalan ng sofa. "That's great to hear. Even if things get rough, don't give up on her."


Tumingin ako sa kanya. Payapang nakapikit na pala siya, pero alam kong hindi siya natutulog. Siguro ay gusto lang niyang magpahinga. Dahil magkalapit kami, ang anggulo niyang nakatagilid ay malinaw sa paningin ko kahit wala ang suot kong salamin sa mata. Kitang-kita ko ang mataas na bridge ng ilong niya at ang mahahabang pilikmata mula sa pagkaka-sideview.


Kailan ko ulit siya nakatabi nang ganito kalapit? Kailan ko ulit siya nakatabi sa iisang sofa? Hindi ko na matandaan ang petsa sa sobrang tagal na. Pero iyong pakiramdam, parang panaginip na nagbabalik.


"D-do you still hate me?" kusang lumabas sa mga labi ko. Hindi ko alam kung paano ko nasabi, kung ano ang nasa isip ko at bigla ko iyong nasabi.


Although Asher did not respond, I caught the momentary twitch of his long eyelashes. It simply meant that my question somehow had an effect on him.


Kung hindi na siya galit, kahit paano ay magiging kaswal ang pakikitungo niya sa akin, pero tanga lang ang magsasabi na hindi. Although it was only normal for him to hate me. Natural lang kung naririmarim siya sa katotohanang may past kami at naiintindihan ko kung ang hirap nga naman makaharap lagi ang isang ex na isinusuka mo. Pero hindi na kami mga bata, puwede naman siguro kami kahit maging civil.


Sa tingin ko, hindi pa ito ang huli na magkikita at magkakasama kami dahil kay Mama. Hanggang nandiyan si Mama at hanggang hindi pa siya sumasampa ulit sa barko, babalik siya rito. At ang hirap nang makaharap siya na iniisip kong may galit siya sa akin.


"For everything..." mahinang simula ko. Ako ang mas matanda, ako rin ang mas may kasalanan, at ako rin ang madalas nangangailangan dahil kay Mama, so I should be the one to do this. "I'm sorry."


"No," he said in a low voice.


"W-what no?" Hindi niya ba tinatanggap ang sorry—


"No." He opened his eyes and looked at me with his blank gaze. "It was my fault for being naïve and stupid."


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro