Chapter 36
I HAVE NO TIME TO WASTE ON YOU.
Hindi pa sinabi ni Asher ang ganoon, pero iyon din naman ang gusto niyang i-point. Napapahiyang napailing ako agad. "No!" Bigla kong naagaw ang basket ng prutas sa kanya.
Sa aking pagkakahablot ng basket ay hindi sinasadya na nahawakan ko ang kamay niya. Daig ko pa ang nakuryente kaya agad ko rin iyong binitiwan. Halos yakapin ko ang basket ng prutas sabay talikod sa kanya. Narinig ko na lang ang pag-tsk niya bago ako nagmamadaling pumasok sa bahay.
Humihingal pa ako pagkasara ko sa pinto. Bahala na siya kung ano ang isipin niya, pero sana ay lumayas na siya tutal naman tulog si Mama.
"O Lai, saan galing iyan?" tanong ni Ate Tentay sa akin. Napatingin siya sa sofa. "Ay, nasaan ang yosi ko riyan?"
"Wala na!" pasigaw na sagot ko. Kahit ako ay nagulat sa sarili. "Sorry, Ate Tentay. Basta 'wag niyo na lang hanapin ang yosi niyo. Di ba pinagbawalan ko na rin kayo? Saka na lang kayo mag-ganoon kapag rest day niyo."
Inabot ko na sa kanya ang basket ng prutas nang hindi sinasagot kung kanino iyon galing. Ang pakiramdam ko ay lalong na-drain. Saglit na lang ako na nag-check kay Mama, pagkuwan ay dumeretso na ako sa sarili kong kuwarto para magpahinga.
Kinaumagahan ay ang matinis na boses ni Renesmee Estrada ang gumising sa akin. "SISSUM!!!"
Nauna pa ang babae sa alarm clock ko. Pagmulat ko ay nakasampa na siya sa aking kama. This time ay kulay green ang rubber sa braces niya. Ewan ko ba, ang tagal na at okay naman na ang kanyang ngipin pero hindi niya pa rin iyon pinapatanggal.
"Ren, ang aga mo." Pupungas-pungas pa ako.
"Because Renren missed Sissum so much!" Ang mga mata ni Renren ay nandidilat sa akin. "OMG! When Renren heard that Sissum was back, Renren was so happy that she immediately wanted to see Sissum! But sadly, Renren was still busy with the OJT, eh. You know, Renren wants Sissum to be proud!"
Ang aga-aga ay nanakit yata ang utak ko sa pag-intindi ng sinasabi niya.
Kababangon ko pa lang nang yakapin at alug-alugin. Feeling ko ay naalog pati ang aking kaluluwa. "But don't be sad na, Sissum, because Renren is here na rin ulit sa Cavite! Sissum will always see Renren na!"
"Di ba may boyfriend ka na? Bakit ka nandito? Di ba dapat boyfriend mo kasama mo?" tanong ko sa kanya matapos akong tumayo sa kama para tumakas sa kanya. Mahilo-hilo pa ako sa pag-alog niya sa akin kanina.
"Oh, are you jealous with my boyfriend, Sissum? But it was Sissum who wanted Renren to have a boyfriend, di bah?!" Lumabi si Renren. Ang cute lang ng babaeng ito kahit aning-aning.
"Excuse me, ha? Magkaliwanagan tayo!" Pinamewangan ko siya. "Ikaw ang nagpapili sa akin kung sino doon sa dalawang sinend mong photos ang sasagutin mo. Nanghula lang ako, nag-eeny, meeny, miny, moe!"
"What, really???" Nangislap naman ang mga mata ni Renren. "Nanghula ka lang, but still, you were able to help Renren?! OMG, Sissum! You're really cool! It'd be great if I could stay with you forever!"
Napatapik ako sa aking noo. "Utang na loob, ang aga-aga, Renesmee Estrada! Umuwi ka na muna sa inyo, dahil baka hindi kita matantiya!" Iniwan ko na si Renren sa kuwarto kahit nagtititili pa ang babae at pinababalik ako.
BAHAY-TRABAHO. ON REPEAT.
Iyon ang routine ko. Kayod lang nang kayod. Hindi ko kaya ang magpahinga. Kahit humanap ng mas magandang oportunidad at maghanda sa pagti-take ng exam ay hindi ko maharap. Mas kailangan ko kasing kumita at mag-ipon ngayon.
Umaandar ang mga araw. Ang sakit ni Mama ay palala at hindi pagaling. Anumang oras ay kakailanganin kong maglabas ng pera, at iyon ang aking pinaghahandaan.
Nagbihis muna ako at nag-alcohol ng mga kamay at brao bago pinuntahan si Mama sa kanyang kuwarto. Gising pa pala si Mama. Nakatulala siya habang nakikinig ng radio. Hinagkan ko siya sa noo. "Good evening, Mama. Nakauwi na po ako from work."
Matalim ang mga mata na tumingin si Mama sa akin. "Baka niloloko mo ako, Laila! Ganyan naman di ba? Ang tino kapag kaharap ka! Pero nakatalikod ka ay niloloko ka pala!"
"Ma, hindi po," agad na sabi ko, kahit pa may parte ko ang nakokonsensiya. Nakipagkita kasi ulit ako sa isa sa mga tao na gusto niyang kalimutan ko na.
Hindi na ulit nagsalita si Mama. Tumulala na ulit siya. Umuungol-ungol, may makati sa kanya pero hindi niya alam kung paano kakamutin. Ako na ang gumawa, masuyong kinamot ko ang balikat niya, likod niya, ang braso niya.
Umuungol siya ulit, humihikab. Gusto niya nang matulog pero hindi siya makapikit. Hinaplos ko naman ang mukha niya para mapapikit ang kanyang mga mata. "I love you, Ma..." naiiyak na bulong ko sa kanya.
Tinabihan ko siya sa kama. Nang gabing iyon ay sa tabi niya ako natulog upang mabantayan ko siya. Dahil sa pagbabantay sa kanya ay napuyat ako sa magdamag.
Mataas na ang araw paggising ko. Sabado naman, pero importante kasi ang bawat araw na nakakasama ko si Mama. Ang rest day ko sa kanya ko ibinubuhos talaga.
Lumabas ako ng kuwarto na ang tanging suot ay oversized shirt na mahaba pero di umabot sa tuhod. Sa ilalim niyon ay boyleg panties lang aking suot. Ang buhok ko ay hindi ko pa nasusuklay at wala pa akong hilamos. Kami-kami lang naman sa bahay kaya ayos lang na ganito ang ayos.
Pupungas-pungas pa ako pagbaba sa hagdan. "Ate Tentay, nakapag-almusal na po ba si Mama?" naghihikab pa na tanong ko.
Sa mesa agad natuon ang mga mata ko. Natanaw ko kasi na may mga nakatakip doon na mga pagkain. Nalanghap ko rin ang aroma ng bawang. Mukhang may sinangag. Natakam ako dahil hindi na naman nga pala ko nakapaghapunan kagabi.
Ang presensiya naman ni Ate Tentay ay aking ramdam sa gilid ko. She was in the kitchen. Siguro ay naghuhugas siya ng mga plato. Naririnig ko kasi na umaagos ang gripo sa lababo.
Nagpatuloy ako sa pagsasalita na hindi sa kanya nakatingin. "Ate Tentay, pasensiya na po pala dahil ngayon lang ako nagising. Ang sama po kasi ng pakiramdam ko kagabi. Anong oras na ako nakapag-out dahil OT, tapos ang tindi pa ng traffic sa Tejero pauwi."
Tiningnan ko ang nakatakip na pagkain sa mesa. Naglaway agad ako nang makita ang sunnyside up egg doon, ham, at chicken embotido. Meron ngang sinangag na puno ng bawang at may ginayat na carrots at hotdogs pa.
"Ang dami niyo naman pong niluto, Ate Tentay. Parang wala naman tayong stock na ham? Namili po ba kayo sa talipapa? Baka maubos po ang budget niyo. For emergency lang po sana iyan dito sa inyo ni Mama."
Hindi sumasagot si Ate Tentay. Natakam naman ako sa mga pagkain. Sumubo na ako ng sinangag. Uy, ang sarap!
"Sige po, okay na ito sa ngayon, Ate Tentay. Basta next time po, tipid muna tayo, ha? Iyong nandiyan muna ang pagkasyahin natin. Kapos pa, eh. Pati nga po napkin ko, hindi pa ako makabili. Dadatnan pa naman na ako ngayong linggo. Panay na ang pananakit ng puson ko."
Nakarinig ako ng kalansingan. Mukhang nabitiwan ni Ate Tentay ang kung ano mang hinuhugasan niya sa lababo.
Naupo naman na ako at nagsimulang kumain. Aba, mukhang sumarap nga ang luto ni Ate Tentay ngayon. Naubos ko tuloy agad ang aking sinandok sa plato. Dumagdag pa ako. "Ate Tentay, gumagaling kayo sa pagluluto. Naku, pag ganito ay baka ma-pressure ako na i-increase niyan ang sahod niyo."
Naramdaman ko naman na lumapit si Ate Tentay sa akin. Dala niya siguro ang tubig dahil walang tubig dito.
Nagbiro pa ako. "Masarap talaga ang luto, ah. Pero saka na kita increase ng sahod, kasi gipit pa. Kiss na lang po muna kita!"
Ibinaba niya ang pitsel ng tubig sa harapan ko. Nakangiti pa ako habang nakatingin doon, nang mapansin na bukod sa makinis at moreno, ay balbon ang braso na nakikita ko. Pati ang kamay at mahahabang daliri na may hawak ng pitsel ay imposibleng pag-aari ng aking kasambahay.
Hindi lang iyon. Ang nalalanghap kong mas masarap pa yata rito sa sinangag, the subtle cool scent of a combination of wood, spice, and mint, seemed to belong to someone else. And I knew who that person was.
Ang ngiti ko ay tuluyang nabura nang mag-angat ako ng paningin sa kanya. Mali at tama nga ako. He was not Aling Tentay. He was my ex, Asher James Prudente!
Napatanga ako sa kanya. Wala naman siya kahit katiting na reaksyon. Nang makabawi ay pinilit ko ang sarili na ngumiti, kahit tabingi. "Ikaw pala. Hindi ka kasi nagsasalita. I was just joking..."
Iyong kiss ang tinutukoy ko. Shoot naman! Nakakahiya kasi!
Pero hindi naman niya siguro mamasamain. Dinaan ko na lang sa kunwari nga joke. Saka, kunwari na lang din na wala lang sa akin na nandito siya, so I acted like it. To alleviate the awkwardness in the air, I pretended not to mind his presence.
"You take me too lightly."
"Ha?" Napatitig ako sa seryosong mga mata niya. "Ah, no!" Umiling ako agad. Napahiya na naman. "I'm sorry!"
"For what?"
"Uhm, for..." Shoot! Ano ba? Iniba ko ang usapan, "Si Mama, nasaan ba iyon? Kumain na ba iyon?"
"Kumain na siya. Nasa labas sila ni Ate Tentay, naglalakad-lakad. Magpapaaraw daw."
"Ah, okay." Ngumiti na ulit ako. Na agad na naman ding nabura, dahil nakatingin pa rin sa akin ang seryosong mga mata niya.
I couldn't say if it was a good thing that his phone suddenly rang, but maybe it was. Medyo nakahinga ako dahil sa distraction. May tumatawag sa kanya pero sa pangalawang ring niya pa nga lang niya kinuha ang kayang phone mula sa bulsa ng suot na sweatpants. Sinagot niya ang tawag habang sa akin nakatingin.
The person on the other line was saying something to him while he was simply listening. He didn't have any reaction, so I had no idea who he was talking to. I just felt uneasy since his eyes were still on me although he was on the phone with someone.
Pasimple ko na lang na nailagay ang aking isang kamay sa leeg ko, at ang aking buhok ay inilagay ko sa harapan upang matakpan ang aking gawing dibdib. Naalala ko, my shirt was oversized but I had nothing underneath. Wala naman siguro siyang nakita dahil sa mukha ko siya nakatingin, right?
Ilang na ilang ako dahil bakit ba siya nakatingin sa mukha ko? What, may muta ba ako? Yeah, hindi pa nga pala ako naghihilamos man lang. Nakakailang kaya kunwari na lang ay iinom ako, kaya gamit ang isang kamay ay nagsalin ako sa baso ng tubig.
Puno nga lang iyong pitsel kaya ang bigat. 2 liters ba naman kasi. Hindi ko basta mabuhat gamit ang isang kamay lang, lalo na at nakaupo ako kaya walang buwelo. But still, nagpumilit pa rin ako. Mas ayaw kong mapahiya rito dahil nakatingin sa akin si Asher. Especially since he seemed to be waiting to see whether I could do it or not.
Nakaka-pressure tuloy, pinagpawisan na ako sa gilid ng sentido. Nagsikap ako lalo mabuhat ang pitsel nang isang kamay lang, nagawa ko naman pero gumewang-gewang iyon. And now, ang pagsasalin na lang sa baso ang kailangan kong i-accomplish ngayon.
"Go. I'm not home," una at huling sinabi Asher sa kung sino mang kausap bago niya ibinaba ang phone.
Pagkabalik niya ng phone sa bulsa ng sweatpants ay napapitlag ako nang hawakan ng malaking kamay niya ang pitsel na hawak ko. Siya na ang nagsalin ng tubig sa aking baso.
"T-thank you..."
"Baka matapon, mahihirapang maglinis si Ate Tentay. Inaasikaso niya pa ang mama mo."
I frowned. So? Kung sakali mang tatapon ang tubig, hindi ko ba iyon kayang linisin para iasa pa kay Ate Tentay?
Bumukas ang pinto at pumasok sina Ate Tentay na alalay-alalay si Mama. Tapos na yatang maglakad-lakad sa labas at magpaaraw. Ang formal na mukha ni Asher ay biglang umamo. Ang mga labi niya na walang kangiti-ngiti kanina ay ngayoy nakangiti na.
"Tapos na po kayo, Ma?" kay hinahon pa ng boses niya nang magsalita. Sinalubong niya sa pinto sina Mama.
Ngiting-ngiti naman si Mama. "Nandito ka pa pala, Tutoy! Akala ko ay umalis ka na. Ano, naturuan ka na ba ni Lai ng assignment mo habang wala ko kanina?"
Nakangiti lang si Asher. Hindi niya sinasagot si Mama, dahil siguro ayaw niyang magsinungaling.
Bumaling sa akin si Mama. "Lai, ito bang si Tutoy ay napakain mo na?"
"Yes, Ma. Napakain niya na po ako." Si Asher ang sumagot.
Ano namang napakain ko sa kanya?
"Talaga ba? Okay naman ba ang pinakain ng anak ko sa 'yo? Nabusog ka ba?"
"Yes, Ma. Masarap po."
"Naku, mabuti naman. Tinuturu-turuan ko na iyan si Lai magluto. Hindi lang puro talino sa eskwela, dapat sa babae ay kahit paano'y may alam din sa kusina. Ay, sandali, bakit pala pagpasok namin ay parang may hindi kayo pinagkakaunawaan na dalawa?"
Nakita yata ni Mama ang pagkakasimangot ko kanina. "Laila? Ano, inaway mo ba itong si Tutoy, ha? Aba, 'wag ganyan, anak. ikaw na nga ang dinadalaw niya rito, eh."
"Ma, hindi po." Pagtingin ko kay Asher ay parang wala man lang siyang balak itama sa sinasabi nito si Mama. Nakataas lang ang isang kilay niya.
"Laila, napakabait nitong boyfriend mo. Hindi nga iyan nagrereklamo sa 'yo. Kahit nga minsan ay hindi ka umuuwi mula sa Manila, nagpupunta pa rin iyan dito. Nariyan lang iyan lagi sa labas ng pinto, nakaupo. Kahit malamok ay naghihintay pa rin hanggang sa gumabi. Hindi napapagod kahit hindi sigurado kung uuwi ka o hindi."
Si Ate Tentay naman ay dumaan sa gilid ko. May pakanta-kanta na naman. Pumipintig na ang sentido ko. "Ate Tentay, pakiakyat na muna si Mama sa kuwarto. Hindi siya puwedeng masyadong mapagod."
"Ay, sige, Laila. Dalhin ko na ang mama mo sa itaas para magkasolo na kayo nito ni pogi."
Ngali-ngali kong hilahin ang dila ng matabil na ginang. Pero kahit masama ang aking ugali ay iginagalang ko pa rin na mas matanda ito sa akin. Pigil na lang ang gigil ko nang pakanta-kanta na naman itong nang alalayan na si Mama.
"Pogi, hiramin ko muna si Ate Madi. Kailangan nang magpahinga ng biyenan mo."
Nagpaalam na rin si Asher kay Mama. "Pahinga ka na po muna, Ma. Magpalakas ka."
Tumango si Mama. "O sige. Pero ayusin niyo ang kung ano mang pinag-aawayan niyo ni Lai, ha? Hindi dapat ganyan, mga anak. Dapat pinag-uusapan agad kahit anong problema. Wag patatagalin. Naku, pag pinatagal ay mas mahirap na iyang ayusin."
"Opo, Ma." Hinalikan niya na si Mama sa noo, pagkuwan ay binalingan si Ate Tentay. "Ate Tents, ikaw na muna bahala kay Mama."
"Sure, pogi. Saka, salamat pala sa mga dala mong pagkain at pagluluto sa amin kanina, ha? Nakalibre ako ng gawain!"
"NP!"
Lalong bumungisngis si Ate Tentay. "GG!"
Nang wala na ang mga ito ay bumalik na sa dating kawalan ng reaksyon si Asher. Formal na ulit at mga mata ay malamig.
"Una na ako," sabi niya sa patag na boses. Para bang sinabi lang iyon out of pakitang-tao, pero kung puwedeng basta umalis nang walang paalam ay baka ginawa niya na.
"Bumili ka ng pagkain?" tanong ko na hindi rin tonong patanong, kasi alam ko na. Narinig ko nang sinabi ni Ate Tentay kanina. Hindi lang pala siya nagluto, nagdala rin siya ng stocks dito.
Sabagay, saan nga ba manggagaling iyong mga pagkain? Wala naman kaming stock na ham at chicken embotido. Wala ring hotdogs at carrots na ginamit niya kanina sa sinangag. Pero hindi iyon ang point. Ang prutas na pasalubong kay Mama ay katanggap-tanggap pa, pero ang stocks? Ibang usapan na.
Isa pa, nakakainis dahil nagluto pa talaga siya rito. He was so kind to Mama and Ate Tentay. Paano kung masanay ang mga iyon? Paano kapag nalaman ng girlfriend niya at pagbawalan na siya sa pagpunta rito? Hindi niya ba naiisip iyon?
Ang tanong ko tungkol sa pagbili niya ng pagkain ay hindi niya sinagot, siguro dahil alam niya na alam ko naman na ang sagot. He used to be casual with me, but now he was openly expressing his contempt for me. Ang dating ay ang plastic niya!
Again, Asher seemed to know what was going through my head and found it funny. Parang nakakatawa na kailangan ko pang magtaka.
"Isn't it a given?" His tone was casual, yet anyone could detect sarcasm in it.
"A-ano?" Nagtanong pa rin ako na parang tanga.
And I was taken aback when the corner of Asher's mouth twitched into a smirk. "How I treat them and how I treat you should be different."
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro