
Chapter 31
ANG DAMING PAGBABAGO.
Ganoon siguro talaga kapag nagkaka-edad ang isang tao. Nagbabago hindi lang ang pisikal na anyo, kundi pati pagkilos at pananaw. Hinuhubog ang isang tao ng kanyang mga pinagdadaanan at karanasan, kaya walang tao na maari mong husgahan sa kung sino man siya at ano man ang nagawa niya sa nakaraan.
Naglalakbay ang diwa ko. Iniisip iyong mga nagawa ko, kung bakit ko nga ba nagawa? At kung anong klaseng isip ba noon ang meron ako?
Five long years.
It had been five years since the last time I set foot in this place. My eyes couldn't help but tear up as they wandered around the tiny space that used to be my haven. Hindi na kasing ganda ng dati ang pintura, luma na rin ang tiles sa sahig, at may mga mapa na ang kisame, pero nakikita ko pa rin dito ang dati kong kuwarto.
'Leave everything.' Those were the words that Madeth Enfante Valmorida asked me five years ago. Yes, sa huli ay si Mama nga ang pinili ko.
I didn't regret choosing Mama Madi, but I admit that there were times when I couldn't help but feel a tinge of bitterness in the depths of my heart. Napapaisip pa rin ako minsan, na katulad ko ay nakaramdam din ba ng pait ang mga taong basta ko na lang iniwan noon.
Ah, ayaw ko nang isipin. Especially that man, whose name I didn't want to think about. Cavite was huge. I may never see him again.
"Anak?" Sumilip si Mama sa pinto. "Sigurado ka bang hindi mo papipinturahan ang kuwarto mo?"
Umiling ako. "Okay na ito, Ma. Ang importante naman ay nalinis na ito. Iyong kuwarto niyo na lang po ang papinturahan natin."
Ang tagal din namin ni Mama sa Manila. Kaaalis lang ng umuupa rito kaya ngayon lang kami nakabalik. Marami pang ayusin, pero titirahan na ulit namin. Lalo na't nakapagpasa na rin ako ng application sa Epza. Bukas na rin agad ang interview sa akin.
At dahil magsisimula pa lang ulit ako sa trabaho ay kailangan magtipid. Wala akong balak pagtrabahuin ulit si Mama. Siya na ang bumuhay at nagpaaral sa akin sa huling isang taon namin sa Manila. Gusto ko naman siyang magpahinga ngayong narito na ulit kami sa Cavite.
Ang malamlam na mga mata ni Mama ay kagyat na dumilim. "Ang bahay na ito na lang talaga ang kabayaran sa lahat."
Bago pa siya makapagsalita ng kung ano pa man ay niyakap at nilambing ko na siya agad. "Ma, order muna ako ng pizza! Gutom na ako!"
Nagbago na ulit ang mood ni Mama. Nakangiti na ulit siya nang sabay na kaming bumaba. Wala kaming kagamit-gamit maliban sa mga damit namin, pero at least ay may bahay kami. Amin na ang bahay na ito. Automatic fully paid noong isang taon. At tama si Mama, ang importante ay sa amin ang bahay na ito napunta.
Pagkatapos kumain ay hinatid ko na si Mama sa kuwarto niya. Hinintay ko siya na makatulog muna. Alam ko kasi na mag-iisip na naman siya ng kung anu-ano, at iyon ang iniiwasan ko.
11:00 p.m. na ako nahiga sa manipis na foam na nilatag ko sa aking kuwarto. May interview ako ng maaga bukas subalit hindi pa rin ako dalawin ng antok. Nakatihaya ako, nakatitig sa kisame, habang nakapatong ang braso sa aking noo.
Limang taon. Limang taon na napakaraming nangyari. Noong gabing nagalit sa akin si Nanay dahil pinigilan ko ito sa pangungutang nito, doon ko mas naramdaman ang aking kawalan ng lugar sa mundo.
Even if the world turned upside down, I was not Mama Madi's real daughter, and despite my effort to squeeze myself into my real family in Bacao, I was still an outsider in their eyes.
Noong akala kong wala na akong lugar kahit saan, dinala ako ng aking mga paa pauwi sa Pascam. Ang inaasahan ko na galit ni Mama ay hindi ko nadatnan. Sa unang pagkakataon, inamin niya sa ang aking pagiging ampon. Sinagot niya ang mga tanong na bumagabag sa akin ng ilang taon.
Inamin ni Mama na sa kabila ng pagiging mabuting ina niya sa akin, totoo na hindi niya pa rin magawang kalimutan ang namatay na tunay na anak nila ni Papa. Inamin niya rin ang kanyang takot na balang araw ay iiwan ko sila. Doon ko napagtanto na pareho lang kaming natatakot at nasasaktan.
Nang magpasya si Mama na ayusin ang relasyon namin ay hindi na ako nakatanggi. I didn't want to hurt her anymore, so I didn't object despite my surprise at her sudden decision to leave Cavite and move to Manila.
Kinabukasan din ay umalis agad kami. Pinaupahan na lang ang bahay namin sa Pascam at sa Manila na nga kami nanatili. Hindi ako pinapayagan ni Mama na umuwi ng Cavite kahit kailan, maski makipag-communicate sa kahit sino na tagarito ay hindi niya ako pinapayagan, kahit pa kay Tita Judy. Kulang na lang din ay bantayan ako ni Mama hanggang sa university.
Hindi na sana kami babalik pa rito sa Cavite, pero kailangan. This house was the only memory we had of our happy family, and we were not going to give it up...
ANONG ORAS NA?
Nagising ako kinabukasan na mainit na ang pumapasok na liwanag mula sa bintana ko na wala pang kurtina. Shoot! Nagmamadali na akong kumilos. Naligo agad ako at kandatali-talisod pa na bumalik sa kuwarto para magbihis. Hindi na rin ako nakapag-blower man lang ng buhok.
Pagbaba ulit ay kapapasok lang ni Mama sa pinto. May dala siyang piling ng saging. "Bumili ako ng saging sa talipapa sa Riverside." Nagulat siya sa itsura ko. "Ngayon ka pa lang nag-aayos? Naku, anak, pasensiya ka na. Akala ko kasi ay gising ka na kanina."
"Okay lang po, Ma. Pero hindi ko na po makakain ang hinanda niyang almusal sa akin." Sinulyapan ko ang nakahain sa mesa. "Late na po kasi ako sa interview ko sa Epza."
Humarap na ako sa salamin sa sala para mag-lipstick nang mapansing titig na titig sa akin si Mama. Nang magtama ang aming mga mata sa salamin ay may napansin ako na tila kakaiba sa kanya.
Ngumiti sa akin si Mama. "Galit ka ba sa mama dahil pinaglihiman kita noon? Dahil pinaramdam ko sa 'yo na kahit nasa piling na kita, hindi ko pa rin makalimutan ang namatay naming anak ng papa mo?"
Ha? Bakit biglang inungkat na naman ni Mama ang tungkol doon?
"Anak, alam ko na raw-araw kitang nasasaktan dahil sa isiping kahit bali-baliktarin ang mundo, hindi tayo magkadugo. Kaya hindi kina masisisi kung bakit pakiramdam mo'y may kulang sa pagkatao mo. Kaya hindi kita masisisi kung hinanap mo sila."
"Ma, tapos na po iyon," malumanay na sabi ko. Siya ang pinili ko noong gabi na pinapili niya ako. Kaya nga sumama ako sa kanya nang biglaan siyang magpasya na umalis kami noon ng Cavite.
"Ikaw na lang ang meron ako, Laila. Patawad kung huli ko nang napagtanto na ikaw lang ang aking kailangan sa buhay na ito."
Nilapitan ko si Mama at niyakap siya. "Ma, kumain ka, ha? Mamaya pag-uwi ko ay lalabas tayo. Bibili tayo ng mga ilang bagong gamit dito sa bahay, kakain, at manonood ng sine sa SM Rosario."
Hinalikan ko na si Mama sa pisngi bago siya iniwan. Lumakad na ako patungo sa Epza. Doon ako nagpasa ng application form. Mabilis lang naman ang naging interview. Natanggap ako sa office. Next week na agad ang start ko.
Palabas na ako ng Gate 1 ay nag-beep ang phone ko. Bukas nga pala ang data. Isang selfie photo ang na-receive ko sa chat. Galing sa account na ang nickname ay 'Sissum Forever' followed by a flower, heart, and kissing emoticons. Just to be clear, hindi ako ang may gawa niyon.
Ang photo ay isang babaeng naka-all pink. Naka-pout sa cam, naka-peace sign, at oo, cute naman. Ang kasunod na message ng photo: Hiii, my sissum! Sending you my latest photo for todayyy! I'm cute right? Right?! *and three blushing emoticons*
Yes, ugali na ng babaeng ito na padalhan ako ng selfie nito araw-araw. Pati photos ng mga lugar na pinupuntahan nito, mga bagong kakilala, at pagkain na kinakain. Parang ako ang boyfriend nito kung mag-update ito sa akin.
Sissum: I heard you're now back in Cavite! OMG! I'll see you soon! I miss you sissummmm! Muwah!
Kung nagtataka kayo kung sino ito, ito lang naman ay walang iba kundi si Renesmee Estrada. Oo, ito nga iyong may topak din na kapatid ni Rio. Mula noong araw na iniligtas ko raw ito noong binu-bully ito ng mga schoolmate nito ay para na itong nagkaroon ng sapi. Panay na ang chat nito sa akin. Harmless naman ito kaya pinababayaan ko na lang. Nakakainis lang dahil pinag-aawayan pa nilang magkuya kung sino raw sa kanilang dalawa ang mas gusto ko. Muntik pa nga raw silang magsabunutang magkapatid noon sa harapan ko.
Sa ngayon ay si Renren na lang ang madalas na mangulit sa akin. And Rio? Napabuga na lang ako ng hangin at napatingala sa kalangitan.
Saktong 3:00 p.m. ay nakauwi na ako sa bahay namin sa Sunterra, Pascam. Sumilip muna ako sa screen bago tinawag si Mama. Wala si Mama sa sala. Mukhang wala rin sa kusina dahil madilim. Pumasok na ako nang tuluyan.
"Ma, nandito na po ako." Tinawag ko si Mama pero walang sumasagot sa akin. Napansin ko ang nakahain na pagkain sa mesa. Iyong almusal pa iyon kaninang umaga. Nanigas na roon at lumamig na. Bakit hindi iniligpit ni Mama?
Ang sabi ni Mama ay kakain siya pag-alis ko? Pero bakit ang mga pagkain ay naririto pa rin? Hindi nga man lang nagalaw. Hindi rin tinakpan man lang. Ni hindi yata nagtanghalian si Mama.
Nag-alala na ako dahil baka gutom na siya kaya umakyat na ako sa itaas. Wala si Mama sa kuwarto niya. Doon ko siya natagpuan sa kuwarto ko. "Ma, ano pong ginagawa niyo rito?"
Nakatayo si Mama sa harapan ng lumang built in closet ko. Nang humarap sa akin ay nakabadha sa mukha niya ang pagtataka. "Laila, nasaan ang mga school uniform mo?"
Napakurap ako. "Po?"
Napakamot si Mama ng ulo. "Ang mga school uniform mo, bakit wala rito? Kalalaba ko lang ng mga iyon kahapon. Paplantsahin ko sana ngayon. Lunes na bukas, pero hindi mo man lang inaalala ang susuutin mo. May flag ceremony pa naman kayo sa umaga."
Pakiramdam ko'y binagsakan ako ng langit sa nakikitang kaseryosohan ni Mama.
"At bakit pala ganito ang kuwarto mo?" Iginala ni Mama ang paningin niya sa paligid. "Nasaan ang mga gamit mo? May kama ka rito, may study table, may bedside table." Tumuon ang mga mata niya sa pader na may butas at natatakpan ng tabla. "At ang aircon mo, bakit wala na?"
Kahit nanginginig na ako at anumang sandali ay bubuhos na ang luha ko, ay sinikap ko pa ring ngitian si Mama. "M-ma, gutom na po siguro kayo. O-order na lang po ako ng pagkain, ha? Next time na po tayo pumunta sa SM Rosario."
Um-order na lang ako ng pagkain namin. Maayos naman na kumain si Mama. Tahimik lang siya kahit nang magligpit na ako ng pinagkainan namin. Hindi ko naman magawa kahit magbihis man lang, kasi hindi ko siya maiwan.
Mayamaya ay narinig ko ulit siya na nagsalita. "Mahal na mahal talaga tayo ng papa mo. Ang laki na naman ng ipinadala niya sa atin ngayong buwan. Kumain daw tayo sa labas. Ibili rin daw kita ng kahit anong gusto mo."
Kumuyom ang mga palad ko.
Pinanood ko si Mama na umakyat na sa hagdan pagkatapos. Matutulog na siya. Mga ilang segundo lang ay saka ako sumunod. Nakahiga na si Mama sa foam niya. Yakap na naman iyong blue na kahon. Hinintay ko na pumayapa ang kanyang paghinga bago ko siya iwanan.
PRECLINICAL ALZHEIMER'S DISEASE.
Iyon na ang nangyayari kay Mama noong mga nagdaang taon pa. Hindi agad iyon mapapansin, hanggang sa unti-unti na pala na lumalala. Kay Tita Judy ko lang nalaman na ang lola ni Mama ay nagkaroon din daw ng ganoong karamdaman.
Nagbulag-bulagan lang ako at kumapit sa pananalig na bata pa si Mama para magkaroon ng ganoon. Na baka naman posible pang maagapan, na posibleng hindi matuloy, pero heto. Hindi na maipagkakaila ang mga sintomas kay Mama ngayon.
"W-what can I do for my mother, Doc?" tanong ko sa doktor ni Mama. Inilipat ko na si Mama ng doktor dito sa Cavite.
"Alzheimer's illness remains incurable. It is a loss of brain function that might lead to dehydration, starvation, or infection in the later stages. These complications may end in death."
Nagpunas ako ng luha at tinanaw si Mama na nasa sofa. Tulala siya habang nakatingin sa wall clock ng kuwarto ni Dr. Topacio.
"There's still no treatment for it. But, as her only child, you can help your mother by being present for her. A peaceful, loving, and stable family environment might help decrease some behavioral issues."
Ang mga tao na may Alzheimer's disease ay nakakatagal lang daw ng three years to eleven years, pero meron din namang mga kaso na suwerteng umaabot ng twenty years o lampas pa. At ilalaban ko si Mama. Hindi lang twenty years o twenty one years, kundi mas matagal ko pa isyang gustong makasama.
Pinahiga ko na si Mama sa foam niya nang makauwi kami mula sa ospital. Naglilinis ako ng kusina nang makatanggap ako ng internet load mula kay Renren. May ipinasa na naman kasi siya sa aking selfie, dapat daw na makita ko iyon.
Ang photo ni Renren ay nasa airport. May interview ito. Tourism ang kinuha pala nitong course. Gusto raw nitong maging flight attendant. Pag kumikita na raw ito ay ipapasyal ako nito sa iba't ibang bansa. Ewan ko kung bakit ako? Bakit hindi na lang ang mommy at daddy nito?
Dahil may load ay nag-Internet na rin muna ako. Wala lang, na-curious lang ako kung kumusta na ba ang social media. Para sa akin kasi ay sayang lang ito sa oras ko, kaya kahit may account ako ay hindi ako active.
Scroll-scroll lang. And I regretted doing it as I came across the suggested friends section. There I saw accounts of my former high school classmates. And one of them was Marilou dela Cruz, or 'Lou'.
Muntik ko pa itong hindi makilala dahil ang laki ng iginanda nito. Maganda naman na ito dati, pero higit ang ganda nito ngayon. Mas maputi na, blonde na ang buhok, at naka-contact lens ng blue. Mukhang nang foreigner. Nag-oopisina ito sa Epza.
I was tempted to visit Lou's profile, and that was exactly what I did. Ang tagal ko nang umiiwas pero ngayon ay aking hinayaan ang sarili. At gusto ko na naman ulit magsisi. Inaasahan ko na, pero nakakabigla pa rin pala. Ang cover photo ni Lou ay isang lalaki na nakatayo sa deck ng barko.
Isang lalaki na nakaputo habang nakatalikod. Pero kahit nakatalikod ito, kilala ko ito. Kilala ko subalit kahit bigkasin sa isip ang pangalan ng lalaki ay aking iniiwasang gawin. Bakit? Dahil wala akong karapatan.
Binitiwan ko na ang lahat ng karapatan mula nang basta ako umalis ng Cavite kasama si Mama, mula noong sabihin ni Mama na 'iwan ko ang lahat', at piliin ang aming pamilya.
And on my last night in Cavite before Mama and I left for Manila, I saw Lou in front of Prudente's residence. I knew in an instant that it wouldn't end there. Pero nakakagulat pa rin na naging sila pala talaga. At hanggang ngayon ay sila pa rin pala.
May kung anong hapdi ang dulot sa akin ng isiping iyon, na agad ko rin namang tinuligsa. Aalis na ako sa profile ni Lou nang mapa-scroll down nang kaunti ang daliri ko. Hindi naka-lock ang account at hindi rin private kaya kitang-kita ang mga info tungkol dito. Walang nakalagay sa status nito.
Posible na private ang relasyon nila? Pero kung private, bakit cover photo niya ang lalaki? Natalo ako ng kuryosidad kaya nagpatuloy na ako sa pag-scroll down. Kakaunti lang ang post. Karamihan ay tagged photos sa opisina. Mukhang busy ito sa trabaho.
Nag-scroll pa ako para mapaisip. Ano nga ba talaga ang hinahanap ko?
Nakarating na ako sa nakaraang buwan. Doon ay may post na si Lou. Selfie nito, binabati ng happy birthday ang daddy nito, at post ulit tungkol sa trabaho. At sa wakas, may nakita na akong post tungkol sa lalaking nasa cover photo nito.
Isang photo ng lalaking nakayuko na bahagyang nakatagilid ang kuha. Nasa tila isang coffee shop na dim ang ilaw. The man was wearing a black cap, black rimmed spectacles, and a white T-shirt. At habang nakatingin sa photo na ito ay para bang may kung anong bigla na lang nagdabog sa loob ng dibdib ko.
Ang kamay ay nakapatong sa mesa, kaya nahaharangan ng mahahabang daliri ang mukha. Gayunpaman, sa bridge pa lang ng ilong at sa perpektong panga ay alam ko na agad kung sino siya. Ang caption ng photo: When can I see you again, love?
Doon lang ako napakurap. Iyon lang naman ang gusto kong malaman at ngayon ay alam ko na nga. Sila nga. Sila pa. Dahil doon ay mabilis na akong umalis si profile ni Lou at pinatay na rin agad ang data ng phone ko.
Parang lumabo ang paningin ko, kaya kinusot ko ang aking mga mata. Dahil sa pawis siguro dahil parang nabasa ang gilid ng pisngi ko. Siguro dahil iisa lang kasi ang electricfan dito sa sala, tapos nakatutok pa kay Mama.
Hindi na ako nagsi-cellphone pero may kung ano pa ring kumakalabog sa loob ng dibdib ko. Nasobrahan yata ako sa pagkakape ngayong araw. Naupo na lang ako sa sofa katabi ni Mama para makihati sa hangin ng fan. Habang nakaupo ay pinagmasdan ko si Mama. Siya lang dapat ang palaging iniisip ko. Siya ang pinili ko nang papiliin niya ako.
May sakit si Mama pero sisikapin ko na makasama pa siya nang matagal. Gagawin ko ang lahat para sa kanya. Mama would be alright as long as I could make her feel safe and provide her with anything she would ask me for.
Tinabihan ko si Mama. Nakisiksik ako sa sofa at niyakap siya. Hindi ko na namalayang sa pagod sa pag-iisip ay nakatulog ako. Nang maalimpungatan ako ay papadilim na at wala na si Mama sa tabi ko. Napabalikwas ako ng bangon. Binuksan ko ang ilaw sa sala at hinagilap ko si Mama.
Natagpuan ko siya na nakaupo sa hagdan habang hawak ang kanyang cell phone. "Ma, ano pong ginagawa niyo riyan?"
Nag-angat siya ng paningin sa akin. "Anak, gusto kong magluto ng macaroni spaghetti."
"Sige po, Ma. Bukas po, bibili po tayo ng rekados..." Hindi ko pa natatapos ang sinasabi nang magpatuloy si Mama.
"Gusto ko lutuin iyon dahil pupunta ulit bukas ang boyfriend mo, di ba?"
Nanlamig ako bigla. "Po?"
"Ang sabi ko, pupunta ulit bukas ang boyfriend mo, di ba?" Ngumiti sa akin si Mama. "Sabado na bukas. Siguradong nandito na naman ang batang iyon. Magpapaturo na naman sa 'yo ng assignment niya. Itu-tutor mo na naman siya sa mga lesson nila."
Nanginig ang mga labi ko habang nakatingin sa kanya. "Ma..."
Hinawakan ni Mama ang kamay ko. "Si Tutoy. Napakapoging bata, napakagalang, napakalambing. Hay, nami-miss ko na iyon, parang hindi siya pumunta noong nagdaang Sabado."
Nabasa ang aking mga mata na batid kong hindi na lang dahil sa pawis. Ang tinutukoy ni Mama walang iba kundi ang may ari ng pangalan na ayaw ko na sana kahit banggitin.
Ayaw ko na sanang marinig pa, pero iyon ang pangalan mismo na binanggit ni Mama sa akin. "Anak, si Asher. Ang boyfriend mo. Gusto ko na papuntahin mo siya rito."
Nagsisikip man ang dibdib ay sinagot ko ang kauna-unahan niyang hiling. "S-sige po..."
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro