Chapter 29
KAPAG DUMATING ANG ARAW NA WALA NA AKO NG NARARAMDAMAN PARA SA 'YO, PATAYIN MO NA LANG AKO.
Napangiti at napailing ako habang paulit-ulit na inaalala ang huling pag-uusap namin ni Asher. Ang paraan na naisip niya ay akala mo naman ay napakadali lang gawin. If only that was possible.
Bumaba na ako sa ordinary baby bus. Inabot na ako ng katanghalian init sa pag-uwi ng Cavite dahil nakipag-chat pa ako kay Tita Judy kanina sa computershop. Naglalabas ng hinanaing sa akin ang aking tiyahin.
Hindi na raw makausap ni Tita Judy nang matino si Mama. Mula nang mamatay ang bunsong anak ni Tito Eloy ay naging sensitibo at maiinitin na ang ulo ni Mama. Palagi na ring wala sa bahay at mas gusto na lang na alagaan ang mga batang anak ni Tito Eloy sa Tanza.
Kahit ampon lang ako, ako pa rin ang anak ni Mama. Dapat ako ang nag-aalala sa kanya. Pero paano ko gagawin iyon? Gusto ni Mama na hindi ako aalis pag umuuwi sa Cavite, pero siya naman ang panay alis. Mula nang malaman niyang alam ko na ang totoo, ay hindi niya na akong magawang tingnan sa mga mata. Para siyang napapaso kapag nakikita ako.
Dati rati'y ayaw kong mawala si Mama sa paningin ko, gusto ko siyang palaging kasama at kausap, kaya hindi ko akalain na darating pala ang araw na makakaramdam ako ng pagkailang sa kanya.
Pinag-iisipan ko pa kung saan ako mauunang uuwi ngayon, patawid ako sa pila ng mga multicab at jeep sa Tejero nang mapansin ko ang tatlong teenager na babae sa sulok ng isang saradong store. Pare-pareho ang style ng suot. High waist shorts at croptops. Ang mga phone nila ay pare-pareho ring iPhone.
Malayo-layo pa ako ay dinig ko na ang palitan nila ng conyong pananalita. Nakilala ko ang isang may malaking pink ribbon na headband. Si Renesmee Althea V. Estrada o Renren. Nakababatang kapatid ni Rio. In short, peke ko ring pinsan.
Nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang tinuktukan ng mga ito si Renren. "Ren, why did you come here? Hindi ka naman namin isasama sa SM Bacoor. Sinabi lang namin iyon to check if you're stupid. And you are really stupid!"
Kinuwelyuhan si Renren ng isa sa mga babaeng kasama niya. "Hey, Ren. Why not give us your money na lang? Come on, para magkasilbi ka sa amin. We need additional pocket money. Magpapa-manicure and pedi kami sa mall, e."
Si Renren naman ay paiyak na. "Please, allowance ko pa for next week ang money ko." Nagmamakaawa siya sa mga ito, subalit walang balak maawa ang dalawang bully niyang fake friends.
"'Wag kang madamot, Ren! Pasalamat ka pa nga, kinakausap ka pa namin, even though you're stupid!" Kinakpakan siya ng mga ito at nang makuha ang wallet niya ay muling naghagikhikan na parang mga timang.
Hindi ako nakatiis. Nagpakita ako sa kanila. "Ibalik niyo ang wallet niya."
Napatingin sila sa akin. Si Renren ay bumadha ang gulat at pagkapahiya sa mukha. She was embarrassed because I discovered that she was not a Queen Bee as she claimed to be, but rather a typical teenager who wanted to fit in but ended up being an easy target for bullies.
"And who are you?" maarteng tanong ng naka-orange sunglasses sa akin. "Ren is our slave, so you don't have the right to interfere! Oh, do you understand english?"
"And why would I tell you who I am?" balik ko ng tanong dito. "And of course, I can understand english. Anong akala mo sa akin? Kasing bobo mo?" Mainit ang ulo ko sa pagod at gutom kaya mapagpatol ako ngayon.
Nagusot ang mukha nito. "Who's bobo?!"
"Ikaw," sagot ko dito.
"What?!" maarteng bulalas nito. "How dare you say I'm bobo?! Hindi mo ba alam na sa private ako nag-aaral?!"
"Alam ko. At alam ko rin na ilang beses ng natalo sa mga quiz bee ng 'public' school na pinanggalingan ko ang 'private' na school mo. From national to academic quiz competition, isama mo na rin pati sports."
Inumang ko ang aking palad para hingin ang wallet ni Renren.
"Ang about sports, Taekwondo player pala ako noong high school. Black belter. Iyong huling natamaan ng sipa ko, tumabingi ang panga at nalunok ang brace niya."
Napaatras ang mga ito nang humakbang ako. "Tinatakot mo ba kami?!"
"No. Pero walang CCTV dito at wala ring nagdaraan. Kahit ihampas ko ang mukha niyo dito sa pader ng saradong tindahan, walang makakaalam. Puwede ko ring itanggi kung sakaling magsusumbong kayo. Magaling akong magpalusot, share ko lang."
Sabay na napalunok ang mga ito.
Tumingin ako sa mainit na kalsada bago nagbalik ng tingin sa mga ito. "Ang init ng panahon ngayon, pero mas mainit pa rin ang ulo ko, kaya akina ang wallet!" Tinaasan ko ang boses ko dahilan para mapaigtad ang mga ito. "Akina, bilis! Dang bagal, ah!"
Natataranta na ibinigay na ng mga ito sa akin ang wallet.
"Ganyan nga, mababait naman pala kayo! Pero lumayas pa rin kayo sa harapan ko dahil nababanas ako sa pagmumukha niyo! Mainitin ang ulo ng mga taga public, baka di niyo alam! Sanay rin kami sa rambol! Kaya alis na, habang hindi pa tuluyang nagdidilim ang paningin ko sa inyo!"
Nagmamadaling nagsialis naman ang dalawa, habang si Renren ay naiwang tulala sa akin. Inabot ko sa kanya ang phone niya. "Uhm, Lai... Is that true? You have black belt in Taekwondo?"
"Joke lang iyon, paniwalain lang talaga ang fake friends mo. Saka, puwede ba? Ang arte-arte at ang maldita mo sa akin, pero nagpapa-api ka sa mga weaklings na iyon? Kadismaya ka!" Tinalikuran ko na rin siya para iwan.
Nakakailang hakbang na ako nang maramdaman na sumusunod sa akin si Renren. Paglingon ko ay nasa likod ko nga siya, parang tuta na nakabuntot sa akin.
Napalabi siya. "Uhm, totoo ba na hindi ka na raw madalas umuwi kay Tita Madi?"
Tinaasan ko siya ng kilay. So kumalat na pala ang balita tungkol sa gusot namin ni Mama? Tsk. "Tinatanong mo ba iyan para asarin ako?"
Mabilis naman na umiling si Renren. Inirapan ko na siya at iniwan na ulit.
Humabol pa siya. "Take care, Lai! Bye!"
Nakasakay na ako sa multicab ay nakahabol pa ng tingin sa akin si Renren. Kumaway pa nga. Napailing na lang ako. Pero in fairness, ang cute pala ng babaeng iyon kapag mukhang tuta.
Cute naman talaga si Renren. Cuteness na hindi ko afford, dahil hindi naman ako in born cute. Sa kuwento nga ng mahal kong tiyahin na si Tita Judy sa akin, ay baby pa lang daw ay nakaka-badtrip na ang ugali ko. Iyong beautiful eyes ko raw ay pairap, hindi ako marunong mag-flying kiss, at mas trip ko raw mag-dirty finger noon kaysa mag-close open at alimunding-munding.
See? Baby pa lang ay wala na talaga akong taglay na kahit katiting na cuteness sa katawan, kaya siguro sa dami ng mga anak nina Nonoy at Lydia ay ako ang naisipang ipaampon ng dalawang iyon.
Kung merong mang cuteness na nag-e-exist ngayon sa buhay ko ay walang iba kundi si Asher lang. I smiled when I thought of him, but that smile only lasted for a second and eventually faded.
Ano nga kaya kung katulad ni Renren ang naging girlfriend ni Asher kaysa sa akin? Ganoon naman kasi talaga ang mga tipo niyang babae dati. Iyong mga pa-sweet, pretty face, at magaganda manamit. Basta magaganda, pang-display, dahil iyon naman kasi ang bagay sa kanya.
O kaya paano kung si Lou? Paano nga kung ito ang naging girlfriend niya? Maganda rin naman si Lou. Mas lalo ngang gumanda mula nang mag-college. Mas nagdalaga. At matalino. Wala itong problema sa buhay dahil katulad niya ay may kaya ang mga magulang at isa ring bunso. Napabuga ako ng hangin sa mga iniisip ko.
Pagdating sa Bacao ay nakabangga ko pa sa eskinita si Limuel. Sinimangutan agad ako nito. "Sarap buhay. Uuwi lang kung kailan gusto."
Pinili ko ang magtimpi. "Galing pa ako sa Manila. Nag-aaral ako."
Tumawa si Limuel. "Oo nga pala, may nag-papaaral nga pala sa 'yo. Sarap naman maampon, ano? Aral-aral na lang. Kami rito, kagabi pa walang makain. Si Nanay, hinika pa. Ito namang si Ate Linda, nagkatrangkaso pa! Tsk, tanginang buhay talaga!"
Nakaalis na si Limuel at naiwan na akong mag-isa sa eskinita. Hindi ko na alam ang uunahing alalahanin sa mga sinabi nito sa akin. Bigla ay naramdaman ko ang pagsisikip ng aking lalamunan. Hindi ako makahinga na kinailangan ko pang humawak sa pader para hindi ako matumba.
Mga ilang minuto ako roon bago ko nagawang humakbang patungo sa bahay na yari lang yero ang kalahati. Sumalubong sa akin ang mainit at masikip na paligid. Ang linoleum ang nagbabakbak, kakaunti ang gamit, at ang simoy ay pinaghalong amoy pawis at mapanghi.
Nakarating ba talaga sa lugar na ito si Asher? Nakita ba talaga ni Asher ang pamumuhay rito? Nakilala ang mga tao na nakatira sa bahay na ito? Napahawak ako sa aking dibdib dahil kinakapos na naman ako ng hangin.
Mula sa kuwarto ni Ate Linda ay lumabas si Ate Lenlen. May hawak itong Samsung na cellphone. Walang case pero pamilyar sa akin. "Lai, o!" abot nito sa akin ng phone. "Galing iyan kay Asher. Para daw may phone ka na!"
Nakabalik na si Ate Lenlen sa kuwarto ay nakatulala pa rin ako sa cell phone na nasa kamay ko. At kung hindi pa nakita ng nanlalabong mga mata ko ang pagkabasa ng phone screen, ay hindi ko pa mapapagtanto na lumuluha na pala ako.
WHY DID ASHER HAVE TO SUFFER BECAUSE OF ME?
Dinig na dinig ko mula sa gate nila ang malakas at galit na boses ng nanay niya na si Aling Ason. "Ano kamo? Nawawala ang cell phone mo? Kabibili lang niyon noong nakaraang birthday mo, ah? 'Tapos nagpapabili ka na ulit ng bago ngayon? Anong akala mo sa akin, nagtatae ng pera?!"
Nakayuko lang si Asher habang dinuduro siya ng nanay niya.
"Tapos noong nakaraan, naubos agad ang allowance mo! Nakita ka raw ng kumare ko sa kanto na pumapakyaw ng mga litson manok! At saan mo naman dinala ang mga manok, ha?! Aba, kagaling mo rin, ano?! Wala ka pang trabaho at asa ka pa sa amin ng tatay niyo, pero nagpapakain ka na ng ibang tao!"
Napakuyom ang mga palad ko.
"Iyong ibang kabataan nga riyan ay kailangan pang maghanap-buhay, pero ikaw ay naka-aircon pa, e nagpapalaki ka lang ng itlog mo rito sa bahay! Hindi porke't nasa barko ang tatay niyo, malaki ang bahay natin, may mga paupahan tayo, at nagpapa-5/6 ako ay mayaman na tayo! Nagsisikap lang kami para itaguyod kayo at mabigyan ng magandang kinabukasan! At iingatan na lang cell phone mo, hindi mo pa nagawa?"
Pumasok na ako dahil nakabukas ang gate. "Good afternoon po. Pasensiya na po, nasa akin po ang cell phone ni Asher."
Gulat na napalingon naman si Asher sa akin. "Lai!"
Sa nanay niya ako nakatingin. Ipinakita ko rito ang phone niya. "Pasensiya na po, ngayon ko lang nadala rito. Ito po ang cell phone niya, naiwan niya po sa amin."
Umaliwalas na ang mukha ni Aling Ason. "Naku, ayan naman pala!" Basta nito hinablot sa akin ang cell phone at sinalaksak sa bunso nito. "O ayan, magpasalamat ka kay Laila, kundi ay wala ka nang cell phone ngayon!"
Tahimik lang naman si Asher nang mahawakan ang phone niya. Nakayuko siya at hindi sa akin nakatingin.
Ang nanay niya ay wala pa rin namang tigil sa pagsasalita. "Nakakahiya kang bata ka, hindi nakakapogi ang pagiging burara! Pasalamat ka talaga na sa matino, masinop at responsableng babae ka napunta!"
At nagtuloy-tuloy na ang speech ni Aling Ason hanggang sa kung saan-saan na ito nakarating. Nadamay na rin pati ang ibang nanahimik na barako nito.
Pinagduduro nito sina Aram, Amos, at pati ang kagigising at kababa lang na si Abel sa hagdan. "Lahat kayo, ang babaeng dapat hanapin niyo ay iyong marunong sa buhay at madadala kayo! Dahil kung aasahan niyo ang mga sarili niyo ay baka sa kangkungan lang kayo pulutin! Ang tatanda niyo na pero mga wala pa ring alam! Puro kayo nanay! Kulang na lang pati magpaligo sa inyo ay ako pa!"
"Nadamay na naman o." Bubulong-bulong na lang ang pangalawang barako na si Aram. Nag-dirty finger ito kay Asher bago nanakbo paakyat sa hagdan.
Ang pangatlong barako na si Amos naman ay patuloy lang sa pagbabasa ng libro. Napakasipag talagang mag-aral, pero wala itong kamalay-malay na baliktad ang suot na shorts nito at hindi magkapares ang suot na tsinelas na pambahay.
Masaya naman na ulit ang nanay nila dahil nakaligtas sa muntikan ng gastos para ibili si Asher ng bagong phone.
Si Asher ay nanatiling tahimik na nakayuko. Alam ko ang nararamdaman niya, napahiya siya sa akin. Sinadya niya na ibigay sa akin ang kanyang phone, pero hindi ko naman iyon matatanggap.
May nakapa akong init sa puso ko. Magulo ang pamilya nila, pero totoo. Maingay ang nanay niya, pero ang gusto lang naman nito ay ang ikabubuti nila. I finally understood how much better his life was than mine.
Dinikitan ko siya at malambing na binulungan. "Asher, labas tayo?"
Napanguso siya. "Saan naman pupunta?"
"Lakad-lakad lang." Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot. Dinampot ko na ang pulso niya at hinila siya palabas ng pinto nila. Gusto ko siyang makasama. Uubusin ko ang araw na ito sa kanya.
Sa garahe ay naroon ang nanay niya. Kausap na sa cell phone nito ang asawa na nasa barko. Ang lamyos at biglang liit ng boses. "O hellow, tart? Oo, okay naman kami ng mga anak natin dine. Mababait naman sila, masunurin, malalambing. Miss ka na namin, lalo na ako, muah! Muah! Tsup! Tsup!"
Pagtingala ko kay Asher ay nakangiwi siya. Siya na ang humila sa akin hanggang makalabas sa gate nila. Siya na rin ang humawak sa kamay ko hanggang sa magkasalikop na ang aming mga kamay sa isa't isa.
"Lai, bakit binalik mo pala ang cell phone ko?" tanong niya mayamaya. Wala sa akin ang tingin ng mga mata niya.
"Sa 'yo na rin nangggaling, cell phone mo iyon at hindi akin."
Bago pa siya makapagsalita ulit ay hinila ko na siya. Nagpatianod naman na siya dahil sa nakikitang saya sa aking mukha. Yes, I was happy, and right now that was the most important thing for me. I guess it was fine to forget about everything for a while and just enjoy my time with him.
We strolled along the road together, holding hands. We didn't have a specific destination, but we were content just being together.
I WAS THINKING OF WAYS TO DO IT. But I had not expected the solution to come to me.
Ang pangatlong barako ng mga Prudente na si Amos Julian ang nagbukas sa akin ng gate noong dumalaw ulit ako sa kanila. Tulog pa raw si Asher, pero may dumating daw na bisita bukod sa akin. At ang bisita? Si Lou.
"Nasaan?" tanong ko agad kay Amos.
"Ewan. Pagbalik ko, wala na rito."
Paanong wala? May natatanaw ako ngayong pares ng pink Havaianas na sandals sa may pinto nila. Alangan naman kay Aling Ason iyon?
"Papasok ka ba?" tamad na tanong ni Amos sa akin.
"May lakad pa ako. Dumaan lang talaga ako. Pero pakigising na si Asher. Pakisabi na dumaan ako."
Bumalik na ako sa amin sa Sunterra. Napakadilim ng bahay dahil wala na naman si Mama. Hindi ako nag-abala na magbukas ng kahit isang ilaw. Kahit sa aking kuwarto, maski lampshade ay hindi ko pinagkaabalahang buksan.
Nakadipa lang ako sa kama habang tulala sa dilim. Ang pagod, gutom, at pait sa dibdib ay balewala sa akin. Sa dilim ay aking nakikita ang batang ako. Noong panahong naabutan ko si Mama na umiiyak habang yakap-yakap ang isang kahon. Taon-taon siyang ganoon. Taon-taon na may isang araw siyang nagluluksa at parang ayaw niya akong makita.
Sa batang edad ay matalas na ang aking pakiramdam. Bakit ganoon si Mama? At bakit parang basura ang tingin sa amin ng pamilya ni Papa? Inalam ko ang dahilan. Nakiramdam ako, nakialam sa mga gamit ni Papa nang di nito nalalaman, at pasimpleng pinakinggan ang mga sinasabi nina Tita Rica.
Ginamit ko ang pagiging bata para hindi nila ako paghinalaan. Pinagtagpi-tagpi ko ang lahat hanggang sa aking nalaman ang totoo, na ampon lang ako. Na nakunan si Mama matapos ikasal noon kay Papa. And I was the replacement of their dead child. In other words, I was a fake.
Mula noon, nagsikap ako lalo sa pag-aaral. Mas naging malambing, masunurin, mabuting anak. Gusto kong walang pagsisihan sina Mama at Papa na ako ang pinili nila. Na kahit hindi na sila magkaanak pa, ay magiging sapat ako para sa kanila.
Ang lahat sa buhay ko ay nakaplano na. Ang pagbawi sa mga sakrpisyo nina Mama at Papa, magandang kinabukasan ko, at maging ang lalaking pinili ko na makakasama. Kalkulado ko ang lahat. Pero ang mga planong iyon malabo na ngayon.
I used to believe that everything would be okay as long as I would be a good child to my adoptive parents, as long as I finished college and had a stable job, but I was mistaken. Kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin pala matatakasan na peke ako. Na hindi ito ang talagang buhay na para sa akin.
"LAI!"
Kumalampag ang gate mula sa ibaba. Si Asher ang tumatawag sa akin. Siya pala ang kanina pa doorbell nang doorbell, pero hindi ko gaanong naririnig dahil aking isinara sa lahat ang isip ko.
"Lai, nandiyan ka, di ba? Galing na ako sa Bacao, wala ka raw doon, kaya nandito ka, di ba? Lai, please mag-usap tayo! Hindi ko alam na pupunta si Lou!"
Nanatili pa rin akong tulala at walang kakilos-kilos sa aking kama.
"Lai, please naman!" Sumisigaw pa rin si Asher sa labas ng gate. "Hindi ko talaga alam na pupunta si Lou! Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman ang bahay namin! Nagulat na lang ako nang magising ako, nasa kuwarto ko na siya!"
Tinatahol na siya ng aso sa kabilang bahay pero patuloy pa rin siya sa pagsigaw.
"Lai, maniwala ka! Nagalit ako nang makita ko siya! Kasi may GF ako! Kasi GF kita! Inaway ko iyong kuya ko na nagpapasok sa kanya! Maniwala ka naman! Hinabol pa kami ni Mama ng kawali pagkatapos! Kahit itanong mo pa sa mga kapitbahay namin!"
Ang tagal niya pa roon sa ibaba. Kung hindi pa siya sinaway ng guard ay hindi pa siya aalis. Pero bago siya umalis ay sumigaw pa siya ulit na hihintayin niya ako hanggang sa hindi na ako galit.
Galit? Galit ba ako? Hindi ako galit. Ang totoo, natutuwa ako. Natutuwa ako dahil sa nangyari. Asher was so pure and sincere that he did not deserve this anymore. Nakatulugan ko na lang din ang dilim at ang bigat ng aking dibdib.
LASING SI ASHER.
Hapon na ako kinabukasan bumangon. Nag-log in ako gamit ang aking spare phone. May chat si Miko sa akin. Nasa Grand Riverside daw sila ngayon. Binyag ng isa anak ng tropa nila na nag-asawa na. Lasing nga raw si Asher.
Katapat lang ng subdivision namin ang GRS kaya tumawid lang ako. Sumakay ako ng pedicab nang papasok na sa loob. Nauna kong natanaw ang isa sa mga kaibigan ni Asher na si Miko. May ka-holding hands sa dilim ito habang nagbi-vape.
Ang dalawa naman niyang kaibigan pa na sina Carlyn at Isaiah ay paalis na. Si Carlyn ang magda-drive ng motor dahil hindi na magkagulapay sa kalasingan si Isaiah.
Bumaba na ako ng pedicab at nilakad na lang ang papasok sa eskinita. May nag-iinuman pa sa tent na nakatayo sa labas ng bahay ng nagpabinyag. My eyes searched for Asher. Wala siya.
Nagpalingon-lingon ako. Doon ko siya sa dilim nakita. Nakatalikod sa poste. Ang suot ay shirt na white at pantalon. Pagharap niya ay nag-ayos siya ng sinturon. Umihi pala. Nang bumalik ay napanganga siya nang makita ako.
"Lai!" Napatakbo siya agad sa akin. Muntik pa siyang masubsob dahil nakainom. Pulang-pula ang mukha niya.
Pagkadating na pagkadating niya sa harapan ko ay umigkas agad ang aking palad patungo sa kanyang pisngi.
"Pumunta lang ako rito para diyan." Pagkasabi'y tinalikuran ko na siya. Alam ko na susunod siya kaya pinaunahan ko siya. "Kapag sumunod ka, mas lalong hindi kita mapapatawad."
Pumara ako agad ng nagdaang pedicab at nagpahatid na sa labasan. Mabigat ang dibdib ko. Sobrang bigat. Ayaw ko siyang saktan, pero kailangan. Dahil kilala ko siya. Matigas ang ulo niya.
Pagkauwi sa amin ay sa Sunterra ay nag-lock agad ako sa kuwarto. Wala si Mama. Naroon na naman ito sa pamangkin kay Tito Eloy na may sakit. Umiiwas ito na muling makaharap ako. Umiiwas na matanong. Pero okay lang. Hindi ko kayang makipag-usap kahit kanino kaya okay na rin na wala ito ngayon.
Sa aking kuwarto ay humarap ako sa salamin. Itinaas ko ang aking kamay at bumuwelo, pagkuwa'y sinampal nang ubos lakas ang sarili ko. Sampal pa ulit. Isa pa. Magkabilaan. Malalakas. Walang hinto.
Ang kapalit ng aking isang sampal kay Asher ay walang katapusang sampal sa sarili ko. Huminto lang ako noong napagod na at tila nagdidilim na ang aking paligid.
Humihingal ako, nanakit ang namamagang mga pisngi, at may dugo pa sa gilid ng labi. Pero ano naman? Wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko, at sa mararaman ko pa sa mga susunod pang mangyayari.
ASHER WAS TEXTING ME NONSTOP.
Nalaman niya na kay Tita Judy na may ginagamit na akong phone. Iyong spare phone ko. Ngayon ay tinatadtad niya ako ng text at chat. Noong kinabukasan ng Lunes ay sinendan niya pa ako ng picture niya habang nakahulod siya.
I just ignored all that. Pero buong linggo na hindi siya napagod. Pati mga kaibigan niya ay itini-text na rin ako. Sina Isaiah, Miko, at Carlyn. Siguro mga inutusan niya. I-text ko raw siya kahit tuldok.
Gusto ko. Pero hindi porke't gusto ko ay gagawin ko. Kailangan kong tiisin siya dahil ito iyong proseso.
Pagsapit nang Sabado ay umuwi ako ng Cavite. Bago dumeretso sa Buenavista ay dumaan muna ako sa botika. Sa panahon ngayon ban sa bansa ang morning pills kaya ang binili ko ay box ng condom.
Pagkabayad ay sumakay na ako ng jeep na biyaheng Pala-Pala. Sa motel na tinulungan namin ni Asher noon ako bumaba. Pagkarating doon ay nag-send ako ng text sa kanya. Sinabi ko na nandito ako at kung hindi siya pupunta ay hindi niya na ako makikita.
Kumuha na ako ng kuwarto at doon naghintay. Habang naghihintay ay naligo na ako, nagsepilyo, at nag-blower ng buhok ko. Wala pang isang oras lahat nang may kumatok na agad sa labas ng pinto.
Ang humihingal na si Asher ang napagbuksan ko. Ang mapupungay niyang mga mata ay nanlaki nang makita ang itsura ko na naka-bathrobe lang at bagong paligo.
Bago pa siya makapagsalita ay hinaltak ko na siya sa kuwelyo ng shirt na suot niya. "Mag-text ka sa inyo na di ka muna uuwi. Magdahilan ka."
Nakaawang pa rin ang mga labi niya sa akin nang bigla siyang mapaiwas ng tingin. Napahawak pa siya sa kanyang bibig habang namumula. Napayuko ako sa aking katawan. Kaya pala, bahagyang lumuwag pala ang tali sa bathrobe na suot ko.
Napatikhim siya bago magawang makapagsalita. "B-bakit mo ako pinapunta rito?" tanong niya na hindi pa rin magawang tumingin sa akin. "A-at bakit ganyan ang ayos mo?"
"Sa tingin mo?"
Umalon nang ilang ulit ang lalamunan niya at may pawis siyang tumulo sa gilid ng kanyang sentido. "A-akala ko mag-uusap lang tayo..."
"Nasa hustong edad na tayo, di ba?" sa halip ay sabi ko.
"Ha?" Nakalimot na napatingin siya sa akin, para lang biglang mapabawi ulit ng tingin. Lalo pa siyang namula. Narinig ko pa siya na mahinang nagmura. How cute.
I took out the condom I bought at the pharmacy and handed it to him. "Gusto ko na, Asher..."
Marahan siyan napatingin sa inaabot ko. Sa una lang siya nagulat, kalaunan ay dumilim ang kanyang ekspresyon.
Nakaramdam ako bigla ng panliliit. "Gusto ko, pero kung ayaw mo, hindi naman kita pipilitin."
Nakita ko ang pag-igting ng panga niya.
Napayuko ako at mahinang nagsalita, "Asher, kung ayaw mo ay wala naman akong magagawa. Puwede mo na akong iwan dito at umuwi ka na sa inyo. I'm sorry."
Nakagat ko ang aking ibabang labi sa pagguhit ng sakit sa loob ng aking dibdib nang maglakad na si Asher papunta sa pinto.
But he just went to the door to lock it. When he lifted his face, the intensity in his gaze overwhelmed me. "Lai, gusto ko lang malaman mo na pagkatapos nito, mas lalong hindi na tayo puwedeng magkahiwalay."
Napanganga na lang ako nang humakbang siya palapit sa kinatatayuan ko. At sa sumunod na sandali ay mariin na angkin-angkin niya na ang aking mga labi.
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro