Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

"UMUWI KA MUNA SA INYO."


Ang gulat at sakit sa mukha ni Asher ay nanatili sa isip ko hanggang sa aking maisara ang pinto. Kung sa ibang pagkakataon ay baka hindi ko kayanin na makita siyang ganoon. Pero iba ngayon. Iba iyong pagod ko. Pagod na pagod talaga ako.


Gusto ko mang buksan ulit ang pinto para bumalik sa labas at bawiin ang sinabi, ay mas matimbang sa akin ang kagustuhan sanang magpahinga muna. Napapikit ako nang mariin. Bumilang ako ng lima. Hindi ko rin kinaya at binuksan ulit ang pinto. Iyon nga lang, wala na si Asher o kahit si Rio sa labas. Umalis na gaya ng aking inutos sa kanila.


Pagod ako at mas lalo pang bumigat ang pakiramdam ko. Sa sobrang pagka-busy ko, hindi na sumagi sa isip ko ang nararamdaman ni Asher. He was just probably worried since I was no longer responding to his texts and my phone number was unreachable. He had no idea I had lost my phone. Hindi rin niya alam na bukod sa pag-aaral ay nagtatrabaho na rin ako. But despite all that, he was not angry. Then this happened today. Basta ko siya pinaalis kaysa ipaliwanag muna sa kanya ang nangyayari. 


I knew I had hurt him. For the first time, I had hurt him. Or was this really the first time? Ilang beses na ba niya akong inintindi?


Sa ilang beses na hindi ko siya ma-reply sa mga text niya, sa mga gabing hinihintay niya ako na mag-online, pero natutulugan ko siya, sa ilang beses na hindi ako umuuwi ng Cavite, ilan sa mga iyon ang pilit niyang inintindi? Despite being a year younger than me and having a short-tempered personality, he was more understanding and was never upset with me.


Kinakain ako ng konsensiya pero bagsak na bagsak na talaga ang katawan ko sa kama. Ang sabi ko ay iidlip lang ako. Ipapahinga ko lang sandali ang katawan, pagkatapos ay maliligo na ako at pupunta ng Buenavista. Ang kaso lang, sumunod na araw na noong nagmulat ako ng aking mga mata.



1:00 P.M. NA!


Napabalikwas na lang ako dahil sa tumatama sa mukha kong init ng araw mula sa bintana. Nasabunutan ko ang aking buhok. Ito ang unang beses na hapon na ako nagising!


Nagmamadali akong naligo sa banyo namin sa itaas. Nagbihis din ako at nag-ayos ng sarili. Habang nakatingin sa salamin ay napangiwi ako sa aking kaputlaan. Kahit ang haba ng tulog ko ay mukha pa rin akong kulang sa pahinga.


Pagbaba sa sala ay nakatulala si Mama habang nakaupo sa sofa. Naririto na rin pala siya. Tumingin siya sa akin at agad na nagbago ang ekspresyon niya. "May lakad ka?"


Alumpihit ako sa pagsagot dahil hindi naman maayos ang paghihiwalay namin kahapon. "Ah, pupunta lang ako kay Tita Judy sa Buenavista..."


"Dadalawin mo si Judy?" mababa ang tono ni Mama subalit makakapaan ng sarkasmo. "Ngayon ka lang umuwi, pero mas gusto mo pa siyang makasama?"


"Pupunta rin ako kina Asher."


"Hindi pa tayo tapos mag-usap."


"Hindi natapos dahil umalis ka kahapon," matabang na sabi ko. "Hindi ba inuuna mo rin naman ang mga anak ni Tito Eloy?"


Sa tuwing may problema sa mga pamangkin niya kay Tito Eloy ay nagkukumahog agad siya. Kulang na lang ay lumipad siya papunta sa mga ito. Inaaasikaso niya ako, sinasabi niya na mahal niya ako, na anak niya ako, pero ibang-iba ang pag-aalala niya sa akin kaysa sa pag-aalala niya sa mga ito.


Ang mga mata ni Mama na malamlam ay nanalim bigla. "Hindi ako nagkukulang sa 'yo, Laila. Kahit ang layo ng Maynila ay pinuntahan kita. Palagi kitang ipinagdasaral at inaalala."


"Dahil iyon naman talaga ang obligasyon mo sa akin, Ma!" Napataas na ang boses ko. "Kasi anak mo nga ako, 'di ba? Kaya dapat lang na alalahanin mo ako! Pero ganoon ka rin sa mga anak ni Tito Eloy! Kumbaga, pantay-pantay lang! Pero aminin mo man o sa hindi, mas madalas na hindi mo maitago na mas matimbang sila para sa 'yo! Bakit, Ma? Dahil ba sila ang totoo mong kadugo—"


"Laila!" sigaw ni Mama na halos magpabingi sa akin. Nanlilisik ang mga mata niya. Mabangis ang itsura na malayo sa palagi nitong mabait na bukas ng mukha.


"Sabihin mo na sa akin ngayon, Ma!" May nginig sa boses ko. "Sa kabila ng pagiging mabuti mong ina sa akin at pagiging masaya nating pamilya, ay may isang petsa kada taon na nagluluksa ka. Sa petsang iyon ay palagi akong ipinapasyal ni Papa para mabigyan ka ng oras na mapag-isa, kasi parang ayaw mo akong makita. Bakit, Ma?"


Umiwas ng mga mata sa akin si Mama. Her face was now red. I, on the other hand, could no longer control the real emotions that I had been hiding for so long.


"Bakit din bawal akong pumasok sa kuwarto niyo ni Papa? Bakit bawal kong makita iyong laman ng pinakaiingatan mong box? At bakit noong namatay ang anak na bunso ni Tito Eloy ay mas nagluksa ka pa? Dahil ba may naalala ka? Alaala na kahit nasa piling mo ako ay hindi mo pa rin makalimutan?"


"Hindi ako nagkulang sa 'yo, Laila." Napakahina ng boses niya pero napakariin. "Hindi ako nagkulang sa 'yo."


Malungkot akong napailing. "Saka niyo na lang po ako kausapin kapag talagang gusto niyo nang makipagusap." Lumabas na ako ng pinto at sa kalsada ay doon kumalawa ang mga luha. Nanginginig ako, nagtatagis ang mga ngipin, at kuyom ang mga palad habang naglalakad.


Alam ko na ang totoo. At alam kong alam na rin ni Mama na alam ko na. Pero ayaw niya pa ring sabihin sa akin, ayaw niya pa ring ipagtapat. Gusto ko lang naman marinig mula sa kanya, e. Hindi ko ba deserve iyon?


Hanggang kailan niya pangangatawanan ang pagamit sa akin bilang panakip-butas sa tunay na dapat na anak nila ni Papa?!


It was like a smack in the face to know that all I had, from the wonderful family, nice life, freedom, and even my own talents, intellect, and dreams, which I had prided myself on all these years, were all lies.


Pero bakit nga ba ako nagagalit? I was also deceiving myself because I wanted to think that this life was really mine. That I did not just take it from someone else. So, I tried so hard to be the perfect daughter to conceal the truth that I was a fraud from the start.


Hanggang sa tricycle ay nanginginig ako at umiiyak. Inayos ko lang ang sarili noong malapit na sa Buenavista. I knew wanting to see Asher was selfish after pushing him away last time. But I really wanted to see him. I needed to see him.


Sa bahay ng mga Prudente ako pumunta. Pagsilip sa gate ay natanaw ko na agad si Aling Ason na nagwawalis ng garahe nila.


Matinis ang boses ng ginang habang nagsasalita. "Ang dami-dami niyo, wala man lang nakakaisip sa inyo na maglinis dito sa garahe! Ginagawa niyo akong katulong!"


"Nay, nagre-review kasi ako," kakamot-kamot ng ulo ang nineteen year old at pangatlong barako na si Amos. Nakasuot pa ito ng salamin at may hawak na libro.


Ang pangalawa naman na twenty-one year old na si Aram ay nakikilinis na rin sa garahe dahil nabato ito ni Aling Ason kanina ng basahan.


Parehong wala na naman sa eksenda ang panganay at bunsong barako, at madalas din naman na exempted ang mga ito. Para bang may built in immunity.


Kumatok ako sa gate. "Good afternoon po," magalang na bati ko noong makita na ako ni Aling Ason. "Si Asher po?"


"Nasa itaas." Si Aram ang sumagot. "Anong ginawa mo roon? Sad boy iyon mula pa kahapon!"


Tinampal agad ito ni Aling Ason, pagkuwa'y hinarap ako ng ginang. "Ay, ikaw pala, Lai. Nasa kuwarto si Asher, e. Masakit kasi tiyan kanina kaya nagpapahinga. Sandali, tawagin ko."


Umalis na agad si Aling Ason para tawagin ang bunso nito. Pinagbuksan ako ng gate ni Aram, pero dito na ako naghintay at hindi na pumasok.


"Bunso, me bisita ka. Si Laila!" Nasa hagdan pa lang ay sumisigaw na si Aling Ason na dinig na dinig naman hanggang dito.


Saglit lang ay mauulinigan ang sagot ni Asher. Nakasigaw rin ito. "Nayyy, 'wag niyo po papasukin 'yan! Sinaktan ako niyan, Nayyyy!!!"


Napayuko ako. Ano bang inaasahan ko? Na hindi na siya agad galit sa akin?


May mga sasabihin pa si Aling Ason pero ibinagsak na ni Asher ang pinto. Ang mga kapatid naman ni Asher ay patay malisya. Si Aram ay pasipol-sipol na nagkuskos na ng tiles nila sa garahe.


Ilang saglit lang ay nakalabas na ulit ang nanay nila. Alanganin ang ngiti nito sa akin. "Ineng, ano e, tulog pa si Asher. Siguro ay balik ka na lang?"


Sinikap kong ngumiti rito kahit ang totoo ay alam ko namang hindi talaga tulog ang bunso nito. "Sige po, Aling Ason. Pakisabi na lang kay Asher na dumaan ako. Salamat po."


Naglakad na ako paalis. Palingon-lingon pa ako sa terrace ng mga Prudente. Baka lang kasi sumilip si Asher. Baka hindi hindi rin siya makatiis. Kaya lang, nanakit na ang aking leeg sa kakalingon, pero kahit dulo ng daliri niya ay hindi ko talaga nasilayan.


Ayaw kong umuwi sa Pascam man o sa Bacao. Kahit mainit pa ay tumayo mula ako sa labas ng apartment ni Tita Judy. Nagbabaka sakali pa rin. Umalis na lang ako nang hindi ko na talaga kinaya ang init ng araw sa aking balat.


Pumasok na ako sa apartment ako ni Tita Judy. Wala rito ang babae pero tumuloy pa rin ako. Baka kasi lumabas din si Asher mamaya. Tiyak na dito iyon unang sisilip.


Naglinis na lang muna ako ng apartment. Malinis sa paligid ang tita ko, pero ngayon ay parang dinaanan ng bagyo ang apartment nito. Mukhang pati isip nito ay magulo kaya hindi na nakuhang magligpit muna bago umalis. Ako na lang ang nagligpit para pag-uwi nito ay matuwa ito.


Pagkaligpit ay saka ako nahiga sa kama. Iyong matagal na tulog ko mula kahapon hanggang kaninang 1:00 p.m. ay kulang pa pala. Saglit pa lang ay nakaidlip na agad ako. Nang maalimpungatan ako ay madilim na dahil hindi naman ako nagbukas ng ilaw kanina. "Shoot, anong oras na?!"


Pagbukas ko ng ilaw at pag-check sa wallclock ay napatanga ako. Saglit lang akong pumikit, quarter to 6:30 p.m. na agad?!


Uminom lang ako ng tubig saka nagmamadaling lumabas. Baka lumabas na si Asher. Baka kanina niya pa ako hinahanap. Nagpunta agad ako sa kanila. Pero ganoon na lang ang panlulumo ko nang sabihin ni Aling Ason na umalis pala kani-kanina lang.


Saan nagpunta si Asher?


Hindi ko naman siya maiti-text dahil wala akong cell phone. 5:00 p.m. siya umalis sa kanila. Kung sa amin siya sa Pascam nagpunta ay sana'y alam niya na ngayon na wala ako roon.


Ang tagal ko na nakatayo sa labas nila, nagbabaka sakali na babalik siya. Inabot na lang ako ng 7:40 p.m. dito sa kalsada, nilalamok na ako, at gutom na, pero wala pa rin kahit anino niya.


Naisipan ko nang mag-computer shop para makapag-online. Kaka-online ko lang nang saktong may pumasok na chat. Mula sa isa sa mga kaibigan ni Asher na si Isaiah.


Isaiah Gideon: Hi, Lai! Pascam ka ba? Oks lang ba pasundo kay Asher ngayon sa Brooke 2?


Brooke 2 o Sunny Brooke 2. Lampas ng Tierra Nevada pero hindi aabot sa may Pabahay. Birthday daw ng tiyahin ng best friend ng kuya ng bagong girlfriend ni Miko. Ang gulo, pero basta iyon. Nandoon sila para mag-inom.


Ngayon na lang ulit umalis si Asher nang hindi sa akin nagpapaalam. Kung magpapaalam man siya ay hindi ko rin malalaman dahil nga wala na akong cell phone.


Isaiah Gideon: Ano, Lai? Umuwi na agad ako kasi pumunta ako kina Vi. Si Miks naman, umalis saglit pero di na rin daw makakabalik. Nagka-emergency si Zandra sa La Salle, kaya pupuntahan niya sa Dasma.


Wow, e paano ang bagong girlfriend ni Miko? Iniwan na lang nito sa Brooke 2?!


And so si Asher na lang ang natira doon? Matapos mag-confirm kay Isaiah ay nag-log out na agad ako at nagbayad sa compshop. Madali akong umalis at sumakay ng jeep pa-Malabon. Sa Malabon ay lumipat naman ako ng jeep na biyaheng Pala-Pala.


Nang makarating sa Sunny Brooke 2 ay nag-tricycle na ako sa address na ibinigay ni Isaiah. Tatlong eskinita ang pinasukan ko bago matunton ang lugar. Gabi na pero nagbi-videoke pa. Halo ang mga teenagers at may edad na sa umpukan ng nag-iinuman. Noong una ay wala pang pumapansin sa akin doon sa labas ng bahay, kundi pa ako nagdabog ay hindi pa ako makakapasok sa loob.


Sa sala ko natagpuan si Asher. Lungayngay na siya sa gilid ng sofa habang may dalawang babae na nag-uusap sa tabi niya. Mukhang hindi mga tagarito at bisita lang din. Naka-uniform pa ang isa ng private high school uniform sa Dasma.


Ang isa sa mga ito ay nakahawak sa hita ni Asher. Pangiti-ngiti at minsa'y humahagikhik. Nang makita nito ang matalim na tingin ko ay bigla itong nanahimik.


Tuloy-tuloy ako sa kinaroroonan ni Asher. Namumula ang makinis na morenong balat niya. Iyong katabi niyang babae ay nakabawi na at ngayo'y mataray na kinompronta ako. "Sino ka ba? Bakit ginigising mo siya?!"


Imbes sagutin siya ay kinapkapan ko si Asher. Nang makita ang phone niya ay tinap ko ang screen at ipinakita sa dalawang babae ang wallpaper kung saan pagmumukha ko lang naman ang makikita. Natameme ang mga ito.


Tinapik-tapik ko na si Asher sa pisngi. Noong dumilat ay namumungay ang mga mata. "Lai, bakit andito ka..." paungol na sabi niya. "Lai, two shots pa lang, bakit hilo na ako? Hmn, Lai, 'di tayo bati..."


Nagtagis ang mga ngipin ko. Tiningnan ko ang mga inumin sa mesa, hindi pa naman nangangalahati ang bote ng Redhorse doon. Kahit tunggain niya iyon, hindi pa rin siya dapat mabengenge nang ganito.


Nang balikan ko ng tingin ang dalawang estudyanteng babae sa tabi ay guilty na nagsipagyukuan ang mga ito. Abot-abot ang pagtitimpi ko na hindi basagin ang bote ng Redhorse sa kanilang mga ulo.


"Tara na." Inakay ko na si Asher kahit sobrang bigat niya.


May mga nagtatangka pa sa aming humarang pero binangga ko ang mga ito. Noong may isang lalaki na talagang ayaw kaming paalisin ay aking malamig na binantaan. "Sige, harangan mo kami nang maranasan mong mabayagan."


Susukot-sukot na umalis naman ito dahil nakitang seryoso ako. Dahil seryoso talaga ako. Kapag hindi kami nakaalis nang matiwasay ni Asher ay magwawala talaga ako rito!


Sumakay kami sa tricycle na dumaan. Yakap-yakap ko si Asher sa loob. Panay ungol siya habang pinamumulahan at super init ng katawan. "Lai... 'Di nga tayo bati... Lai...!"


Hindi ko siya pinansin. Kahit nagtitipid ay nagpa-special ako sa driver. "Sa pinakamalapit na motel, kuya."


Si Asher naman ay itinulak ako sa mukha. "Owy, narinig ko iyon," paungol na sabi niya, bukas ang isang mata. "Anong mowtel? Bakit mo ko dadalhin sa mowtel, ha? Anong balak mo sakeeen?!"


"Shut up," saway ko sa kanya, pero ayaw niyang paawat.


Paungol na nagsasalita pa rin siya. "Lai, bakit mo nga ko dadalhin sa mowtel?! Anong gagawin mo saken doon?! Sinaktan mo ako tapos dadalhin mo ko sa mowtel? Ayoko! 'Di ako easy to get...!"


Ang dami niya pang sinasabi kaya binusalan ko na siya ng panyo sa bibig niya.


Malayo-layo rin ang motel na pinagdalhan sa amin. Wala namang aberya dahil may dala akong ID na hindi na kami minors. Pagkarating sa kuwarto ay pabagsak kong binitiwan si Asher sa kama.


"First offense," sabi ko na ang kausap ay sarili. "Dahil na rin alam kong uto-uto ka, nayakag ka lang ng tropa, at isa pa ay may kasalanan din naman ako sa 'yo, kaya palalampasin ko ito."


Nang tumingin sa akin ang namumungay na mga mata ay bahagya pa siyang napapahingal. "Lai, hindi pa rin kita bati, pero ang init... Ang init, Lai..."


Pulang-pula siya, panay ungol, at kahit nakatodo ang aircon ay pinagpapawisan. "Asher, sorry. Kahit hindi mo ako bati, hindi naman kita puwedeng pabayaan na ganyan."


Iniwan ko siya para maghugas ng kamay. Pagbalik ay walang pasabi na hinila ko na ang suot niyang short kasama ang brief. At sa sumunod na mga sandali ay ibang ungol na ang kumakawala mula sa mga labi niya.



GISING NA SI ASHER.


Madaling araw akong umalis sa motel dahil baka hanapin ako ni Mama kay Tita Judy. Nakauwi na ako sa amin sa Pascam para magpakita lang, pagkatapos ay dumaan ako sa Bacao. Dapat babalikan ko si Asher pero nasa lobby pa lang ako ay natanaw ko na siya sa frontdesk. Gising na siya.


Napalunok ako nang makita ang madilim niyang ekspresyon habang isinasauli ang susi ng motel room. Mukhang na-badtrip siya nang magising na nag-iisa na lang sa kuwarto.


Nang maglakad na siya palabas ay alanganin akong ngumiti sa kanya. Walang emosyon na tiningnan lang niya ako at pagkatapos ay nilampasan na. Galit nga. Napayuko ako at tahimik na sumunod sa kanya.


Wala kaming kibuan habang naghihintay ng dadaan na jeep pa-Malabon. Nang tingalain ko siya ay seryoso pa rin ang kanyang ekspresyon. He wasn't usually this cold and serious since we had been together. I wasn't used to him not being nice and naughty, so I knew he was really upset with me. Hindi ko rin naman siya masisisi.


Yumuko at mahinang nagsalita, "Naiintindihan ko kung galit ka."


Tahimik lang siya.


Nagpatuloy ako, "Sorry kung pinaalis din kita noong nakaraan. Sobrang pagod kasi talaga ako."


"Ako ba, hindi pagod?"


Nang tingalain ko ulit siya ay wala sa akin paningin niya. Malamig ang mga iyon na nakatuon sa kalsada.


"Kahit anong oras na, hinihintay ko pa rin ang text mo. Kahit hindi ka nagre-reply, itini-text pa rin kita. Kahit parang kausap ko na lang sarili ko, kahit parang nagti-text na lang ako sa hangin, at kahit pa antok na antok na ako, iti-text pa rin kita."


Nakagat ko ang aking ibabang labi. Kahit patag at mababa ang tono niya ay dama roon ang pait at lamig.


"Hinihintay pa rin kita kahit kailan mo gustong magparamdam. Nag-a-alarm pa ako ng madaling araw minsan. Pero dalawang linggo ka ng walang paramdam. At bago pa iyon, hirap na hirap na rin akong tyempuhan kung kailan ka nasa Cavite. Hindi ka nagsasabi, kaya hindi ko alam kung uuwi ka ba o hindi. Pero kahit hindi sigurado kung uuwi ka nga, naghihintay pa rin ako. Sumusubok pa rin ako."


Ang kaseryosohan sa boses niya ay parang matulis na bagay sa dibdib ko.


"Buong linggo iyon na hinihintay kong mag-Sabado, kasi makikita na ulit kita. Pumupunta pa rin ako sa inyo parati, uuwi ka man o hindi. Kahit pa noong nalaman ko na umuuwi ka pala pero hindi ka nagsasabi, okay lang. Kahit din noong nahuli kita na nasa Bacao, wala ka pa ring narinig sa akin na kahit ano."


Halos magdugo na ang aking mga labi sa diin ng pagkakakagat ko.


"Nakakaistorbo ba ako sa 'yo? Tuwang-tuwa ako noong makita kita, pero ayaw mo pala akong makita. Kung pagod ka, pagod din naman ako. Pero gusto ko pa rin kitang makasama. Bakit hindi ka ganoon sa akin?"


May dumaan ng jeep pa-Malabon at hinintuan kami pero hindi namin inintindi. Nakatayo pa rin kami sa gilid ng kalsada kahit pa masakit na sa balat ang init ng araw at naaabot na kami.


Tumingala siya, ang lalamunan niya ay nagtaas-baba. Mayamaya ay narinig ko ulit siya na nagsalita. Sa mas mababang tono. "'Di ba gusto mo ako? Ganoon ba iyong gusto?"


Nang sa wakas ay tumingin siya sa akin ay halos mapaso ako. Nakakapaso ang lamig ng mga mata niyang walang mababasang kahit anong emosyon.


Umismid ang mapulang mga labi niya. "Hindi mo masagot?"


Ngayon ay nauunawaan ko na. Kaya pala bihira ang tumatagal na relasyon sa mga kabataan, dahil pagsapit ng punto na tunay na buhay na, ay namumulat na ang isipan sa tunay na mundo. Na hindi nga pala talaga ganoon kadali ang lahat at hindi mo mapapansin ay nahahati na pala ang iyong prayoridad.


And our circumstance was one of the examples of why young people struggle to maintain a relationship that lasts. Because no matter how much I liked Asher, how much I wanted to be with him, or how many plans I made for our future, some things could still happen that were beyond my control.


I didn't want to be adopted, be a replacement for a dead kid, and enjoy a fake comfortable life while my real family was living in poverty. Hindi ko matatakasan ang alin man doon. O ayaw ko talaga kasing takasan. Dahil ngayon ko pa lang natutuklasan kung sino at ano ba talaga ako.


Kasalanan ko dahil bakit ako nagmadali? Bakit hinayaan ko si Asher na mahulog sa akin kahit pa hindi pa pala sigurado ang kalalagyan niya sa buhay ko?


"Asher, k-kung ayaw mo na... maiintindihan ko."


Totoo namang naging unfair ako sa kanya. Parang siya na lang iyong bigay nang bigay sa relasyon namin. Ako na iyong puro kabig na lang. Ako iyong intindihin kahit pa siya iyong mas bata sa aming dalawa. And I didn't want to push him to understand my situation as that would be more unfair to him.


"Okay, ito solusyon mo?"


Nangingilid ang mga luha ko nang sagutin siya. "I'm sorry..."


Bumukol ang dila niya sa kanyang kaliwang pisngi habang nakatingin sa kawalan. At sa muling pagtingin sa akin ng malamig na mga mata niya, ay ganoon na lang ang pagguhit ng kirot sa loob ng dibdib ko nang tumango siya. "Bahala ka."


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro