Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

PARA AKONG LUMUBOG SA NAGYEYELONG TUBIG. Nayakap ko bigla ang malaki, may butas, at basa ng pawis na lumang t-shirt na aking suot. Anong ginagawa ni Asher dito? Dito sa lugar na ito? Paano niya nalaman kung nasaan ako?!


Ang tanong na hindi ko magawang isaboses ay si Rio ang gumawa. Maaskad na hinarap niya si Asher. "How did you find out about this place?!"


Kalmado pero napakalamig ng tono ni Asher nang magsalita. He answered Rio's question but his eyes were focused on me. "Nakita ko na galing ka kina Lai sa Pascam. Nasa may kanto na ako nang marinig ko ang sinabi mo sa mama niya na hahanapin mo si Lai. Kaya sinundan kita."


"Hah!" Pumalatak si Rio nang sarkastiko. "I thought you were in a relationship? But you have no idea where Lai is? Ni hindi mo rin alam na umuuwi pala siya ng Cavite all this time?"


"Rio, ano ba?" mahinang saway ko naman dito. Hindi ko malaman kung paano magtatago mula sa malamig na mga mata ni Asher na sa akin pa rin nakatutok.


Nanlilimahid ako, ang pangit ng suot ko, ang laki ng lumang tsinelas. I didn't want him to see me like this, but he didn't just see me, he even knew where I was! Paano kung malaman niya pa ang dahilan kung bakit nandito ako? Paano kung malaman niya ang tungkol sa tunay kong pamilya?!


"Anong ginagawa mo rito, Lai?" Ang malamig na mga mata niya ay naging malamlam. "Kailan ka pa nandito?"


Magsasalita sana ako nang sumigaw si Nanay. "Lai, iyong mga damit! Nahulog na lahat sa lupa! Diyos ko, ang hirap pa namang maglaba! Mabuti sana kung maraming sabon at me washing machine, kaso ay wala, e! Alam mo namang mahirap lang kami!"


Nag-panic ako. Hindi puwedeng may masabi pang iba si Nanay habang nandito si Asher. Dahil wala na akong iniingatang mga damit na bitbit ay nakabuwelo na ako. Sinimukrahan ko si Rio sanhi upang mabitiwan na nito ang aking braso. Namumulang kandaubo ito.


Nang wala nang pumipigil sa akin ay balewalang tinapakan ko ang mga damit na nalaglag sa lupa at nilapitan si Asher. Nilunok ko na lang ang hiya kahit nanlilimahid pa ako, naglalangis ang mukha, magulo ang buhok, at malaking lumang t-shirt ang suot. Hinila ko siya sa kamay niya.


"Lai!" sigaw naman ni Rio. Hahabol sana ito pero masakit pa ang tiyan sa pagsuntok ko.


Si Asher naman ay kahit nagtataka'y nagpahila sa akin. Sa may labasan nilingon ko siya. "May pera ka pamasahe?"


Tumango siya.


"Good." Pumara ako ng dumaan na tricycle. "Manong, pa-special sa Buenavista." Wala pa rin akong suot na bra, pero di naman siguro halata.


Hindi na kami pumunta pa sa pila dahil bukod sa marami doong tambay ay baka maabutan pa kami ni Rio kapag naka-recover ito. Nang lumabas ito sa eskinita ay alikabok na lang ang nadatnan nito sa kalsada.


Sa apartment ni Tita Judy ako nagpa-special sa tricycle. Nakasarado nga lang. Mukhang may pinuntahan ang tiyahin ko. Mabuti na lang at alam ko kung saan nakatago ang susi kaya kaya nakapasok kami ni Asher sa loob kahit wala roong tao.


"Wait ka lang muna riyan." I made Asher sit on the edge of the bed. Then I rummaged through Aunt Judy's clothes. Nanghiram muna ako ng t-shirt at shorts. Sa underwear naman ay may extra ito na bago at nakabalot pa. Ugali na kasi talaga nito ang magreserba. Papalitan ko na lang ang mga iyon.


Mabilisan akong nag-shower at nagbihis. Paglabas ko ng banyo ay naroon pa rin si Asher sa pinag-iwanan ko sa kanya. Tahimik na nakaupo siya sa gilid ng kama habang nakayuko at magkasalikop ang mga palad.


Naupo ako sa tabi niya. Hindi pa rin naman siya kumikibo, ni tumingin sa akin. Tinawag ko siya. "Asher..."


"Kailan pa?" Dama sa mahinang boses niya ang hinampo.


Nanginginig ang mga labi ko. "Ilang beses na," sagot ko. Ilang beses na akong umuuwi ng Cavite nang hindi sa kanya nagsasabi.


Tumango-tango siya. "Kung bakit at kung bakit ka nandoon, malamang naman ay may dahilan ka, 'di ba?"


Napatanga ako. Iyon lang? Hindi siya galit dahil naglihim ako sa kanya?


"At saka may dahilan ka rin kaya hindi mo masabi sa akin, 'di ba? Kaya, okay lang ako, Lai. Pero may gusto lang sana akong itanong. Okay lang kung sasagutin mo o hindi. Bakit alam nong lalaking iyon kung nasaan ka? Bakit alam niya, pero ako, hindi?"


"Hindi ko alam kung bakit niya alam." Hindi ko talaga alam paano naisip ni Rio na naroon ako. "Nagulat na lang ako nang pumunta siya kanina. Iyon ang una..."


Nag-angat na si Asher ng mukha mula sa pagkakayuko, at sa gulat ko ay nakangiti na siya. "Ibig sabihin ay sabay lang pala kami na nakaalam na nandoon ka?"


Napakurap ako. "Ha? O-oo...?"


Lalo siyang ngumiti, na para bang narinig na ang gusto niyang marinig. Tumango-tango pa ulit. "Nauna lang siya ng ilang minuto."


"Uhm, oo?" Ang inaasahan ko ay ang panunumbat mula sa kanya, pero bakit wala?


"Hah! Yabang niya, kung 'di lang ako natalisod sa natapakan kong bato, e di sana mas nauna pa akong nakapasok doon sa eskinita kanina kaysa sa kanya!"


Was he for real?


Malambing na ngumiti pa si Asher sa akin. "Lai, I miss you!"


"I-I miss you too..." natutulirong sagot ko. But, even if I wanted to think more about Asher's behavior, my thoughts were too preoccupied. At sa pagkatuliro nga ay hindi ko na nakuhang gumanti nang yakapin niya ako...



NAWAWALA ANG IPHONE KO.


Pagbalik ko sa Bacao kinabukasan para kunin ang aking mga naiwang gamit ay wala na roon ang aking cell phone. Wala na sa mesa kung saan ko iyon naiwan kahapon. Walang makapagsabi kung saan napunta. 


Hindi rin napansin ni Nanay dahil magdamag itong hinika. Buong magdamag pala na masakit ang dibdib dahil daw sa pag-aalala kung saan ako nagpunta. Kumalma lang ito noong ibinili ko ng gamot.


Si Limuel naman na bunso ay nairita pa nang tanungin ko. "Malay ko! Ikaw kasi, burara ka sa gamit mo! Alam mo namang walang harang ang bintana natin! Gasino lang na may pumasok dito para nakawin ang cell phone mo!"


Kinalma ko ang sarili. Kung hindi na lilitaw ang cell phone ko ay wala namang magagawa kahit pa magwala ako rito. Tama naman si Limuel, it was my fault because I didn't take care of my things. Nasanay kasi ako na kampanteng inilalapag kung saan-saan sa bahay namin sa Pascam ang aking mga gamit. Hindi ako nawawalan kahit kailan, tanging ngayon lang.


Inihatid na ako ni Nanay sa labasan. "Anak, pasensiya ka na, ha? Siguro ay nabibigatan ka na sa amin. Hindi ka naman kasi katulad ng mga kapatid mo na sanay na nahihirapan, dahil lumaki ka sa masaganang buhay."


Hindi ako kumikibo habang nagsasalita siya. Ramdam ang bigat sa dibdib niya. And I picked up that weight and carried it all the way back to Manila.



WALA NA AKONG PERA. It had only been two days, yet I had already spent my entire month's allowance. Hindi pa ako bayad sa rent ng boarding house, wala pa akong nabibiling project, at wala na rin kahit budget.


I was so desperate that I managed to get into debt with one of my boardmates. Natagpuan ko na lang ang sarili na nag-a-apply na ng trabaho. I ended up being a crew of a famous donut shop.


Napakahirap. Akala ko ay madali lang maging crew. Na tatao lang sa booth, magtitinda, pagkatapos ay okay na. Sa uwian ay uuwi na at sa katapusan ay may sahod na. Hindi pala.


May dalawang shift. Isang AM at isang PM. Minsan ay wala pang pasok. No pasok, means no sahod. Depende kung magaling ka at maging paborito ng branch manager, bago ka mabigyan ng schedule. Ako ay napunta sa PM na sched. Ang hirap dahil iyon ang sched na kailangang maipaubos ang donut hanggang sa end shift.


Ang hirap magpaubos ng donuts. Hindi rin puwedeng hindi ako o-order ulit dahil may kota sa sales. Kapag din naubusan ng donuts habang may dumarating pang customers ay malilintikan ang score ko as trainee. Tapos kapag maraming matira, iyong tinatawag na 'T.A.' o take away, ay makakaltas naman sa sahod ko.


Kumbaga, hindi lang utak, diskarte, at swerte ang labanan dito. Pag alam kong hindi na mabibili ang donut ay lumalabas na ako ng booth. Nagbebenta na ako sa mga dumaraan sa daan.


Masuwerte na lang talaga kapag PM ang schedule ko ngayon, pagkatapos ay AM naman kinabukasan. Madaling madiskartehan kahit pa may tirang donuts. Inaagahan ko ang pasok, tipong 5:00 a.m. pa lang. Sa madaling sabi, itinatago ko ang bagong deliver at pinauubos muna ang luma.


Ubos na ubos ang oras at lakas ko. Parang bigla akong tumanda at namulat sa tunay na mundo. Na hindi puwedeng saya lang, na magaan lang, at puro kabig lang. You must also give back to be fair, make sacrifices on your end, and suffer too.


I also learned that life was not that simple. Even if you already have set out plans, those plans could still change over time.


Pagod na pagod ako pagdating ng Sabado. Wala na akong damit dahil hindi ako makapaglaba sa boarding house at lalong hindi sa Bacao. Sumakay ako ng jeep at umuwi sa Pascam ngayong araw.


Nanghihina pa ako nang pumasok sa pinto. Nadatnan ko si Mama na seryosong nakatayo sa gitna ng sala habang hawak ang cellphone sa kanang kamay. "Bakit ngayon ka lang, Laila?"


Pagod na tumingin ako rito. Buo nitong binanggit ang pangalan ko, pero hindi natinag man lang. Siguro dahil nga sa pagod na pagod ako.


"Laila, nag-aalala ako dahil hindi ko na alam ang nangyayari sa 'yo, kaya lumuwas ako ng Maynila kahapon. Pinuntahan kita sa boarding house mo, pero wala ka roon. Madalas ka na raw na hindi roon umuuwi!"


Lumapit si Mama sa akin. Namumula siya sa pagpipigil habang nagsasalita.


"Ang sabi pa ng landlady mo ay palagi ka raw delayed sa renta. Nakakuwentuhan ko rin ang isang boardmate mo, may utang ka raw na hindi pa bayad sa kanya. Sinabi niya rin na nag-apply ka ng trabaho. Bakit ka nagigipit? Anong ginagawa mo sa allowance na ipinapadala sa 'yo ng papa mo?!"


Napasabunot ako sa aking buhok. Pagod na pagod ako pa sagutin ang mga tanong niya.


"Sinusubukan ka rin tawagan ng papa mo, noong una ay nagri-ring lang lagi ang phone mo, pero ngayon ay out of coverage area na. Kahit ako, hindi ka na ma-contact, Laila!"


"I lost my phone," tipid na sabi ko. Nawala naman talaga ang phone ko, pero wala akong balak sabihin kung saan at paano.


"Ano?" Napamulagat naman si Mama. "Naiwala mo ang phone mo? Alam mo ba kung paanong pinag-ipunan ng papa mo na maibili ka ng ganoong kamahal na—"


"Anong gagawin ko, Ma?" inis na balik ko sa kanya. "E sa na-holdap ako! Dapat ba nanlaban ako at hindi ko hinayaang makuha ang phone sa akin, kahit pa manelikado ang buhay ko?!"


Iyon ang lumabas sa bibig ko para lang tumigil na siya. Naririndi na kasi ako. At natahimik naman siya bigla.


Subalit sandali lang. Pagkuwan ay nanlaki ang mga mata ni Mama. "Diyos ko, na-holdap ka? Kailan? Saan? Bakit hindi mo nabanggit sa akin iyan?" Ang mataas na boses kanina ay napalitan na ng pag-aalala. "Sorry, anak, hindi ko kasi alam. Okay ka lang ba?"


Marami pang gustong sabihin si Mama nang mag-ring ang phone niya. His younger brother, Tito Eloy, was on the other line. Kahit may kalayuan ay nauulinigan ko ang mabilis na pagsasalita nito. Malamang na problema na naman.


"Ano kamo, Eloy?! May sakit ang bunso mo kay Mabel?" tukoy ni Mama sa unang kinasama ni Tito Eloy. "Aba'y, sigurado ka bang na-dengue? Sige, sige, dalhin niyo na sa ospital. Magwi-withdraw lang ako at susunod na ako riyan!"


Sabi na. Napatapik na lang ako sa aking noo. Pinanood ko ang pagkukumahog ni Mama sa paghahanap ng kanyang bag.


Bago lumabas sa pinto ay nilingon niya ako. "Magpahinga ka na muna. May pagkain akong itinago sa microwave. Kainin mo. Mag-uusap tayo pagbalik ko."


Pagkaalis ni Mama ay napatingin ako sa kitchen namin, at bigla ay kumalam ang aking tiyan. Para bang lahat ng tiniis kong gutom ay ngayon naglabasan.


Gutom na gutom ako, iyong gutom na hindi puwedeng itulog muna. Nagkalkal ako sa microwave. Naroon ang bagong bake ni Mama na banana cake. Ininit ko agad nang deretso doon iyon. Para akong trabahador na nag-OT sa sobrang bilis at dami ng kinain ko. Nagkandabulon-bulunan pa ako.


Ubos ko ang buong banana cake nang maglabas ako ng juice mula sa ref. Nilaklak ko iyon direkta sa pitsel hanggang sa mapadighay ako. Ngayon na lang ako ulit nakakain ng matinong pagkain. Ngayon na lang ulit dahil puro instant ang kinakain ko sa Manila. Sa Bacao naman ay madalas akong maubusan ng pagkain sa hapag-kainan.


Nang mabusog ay bumalik naman sa akin ang pakiramdam na sobrang pagkapagod. I was sa exhausted and sleepy. Gusto ko nang magpahinga nang bigla namang may mag-doorbell sa labas ng gate.


Padabog na nilabas ko ang sino man iyon. Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng specs ang nakita ko. Walang iba kundi si Rio. Maamo ang mukha na may pagkakabado. Pero ano na naman kaya ang pakay nito?


Bagong paligo ang lalaki, na obvious dahil basa pang bahagya ang buhok, mabangong-mabango, at ang linis-linis nitong tingnan. Puti pa ang suot a plain t-shirt, jogging pants, pati tsinelas sa paa. As in puting-puti, pakpak na lang ang kulang.


Namula agad ito nang makita ako. "L-Lai..."


Kinunutan ko ito ng noo. "Bakit?"


"Uhm, that guy," he said tensely. Parang nagdadalawang isip pa. "Is that guy really your boyfriend?"


He went here just to ask me that?


"Lai, break up with him and come to me. I'll wait for you!"


Napahilot ako ng sentido.


"You can't?" Lumungkot ang mukha niya. "But can you just try?"


Ah, shoot! Parang lalo akong inantok! Gusto ko na talagang mahiga!


But Rio was determined. He even rubbed his palms to beg. "Lai, leave him and choose me. I promise that I'll be good. So give me a chance, huh?"


Babatuhin ko na sana ito ng tsinelas nang may magsalita sa di kalayuan. "Hoy, hangal."


Napabaling ako sa lalaking dumating. Si Asher. Itim na plain t-shirt at dark grey na jersey shorts ang suot niya. Nakasombrelo nang pabaliktad. May hikaw sa isa sa makakapal na kilay ngayon. At may nginunguyang bubble gum.


Tiningnan lang din siya ni Rio pagkatapos ay bumalik na sa akin agad ang atensyon nito. "Lai, please think it over. You will not regret coming to me because I'll treat you better!"


Umigting naman ang panga ni Asher. Lumapit siya sa basurahan sa gilid ng gate, at doon idinura ang nginunguyang bubble gum. Salubong ang mga kilay niya nang maangas balikan si Rio. "Nakatira ka ba?!"


Inirapan lang siya ni Rio at tumingin na ulit sa akin. "Lai, please. At least try me. Kahit isang buwan lang o kaya kahit isang linggo lang. Okay, sige puwede rin tatlong araw lang!"


Lalong nanggalaiti naman si Asher sa narinig. "Tangina mo, pinagsasabi mo?! Gusto mong paduguin ko nguso mo?!"


Hindi na siya pinansin nito. "Okay, Lai. If you really can't leave him, just make me your number two. Kahit mas mahalin mo pa siya kaysa sa akin, basta dapat mahal mo rin ako!"


Gigil nang kinuwelyuhan na ni Asher sa t-shirt ito.


Pero ayaw pa rin talagang paawat ni Rio kahit hila-hila na ni Asher ang kuwelyo nito. "Lai, I'm serious! Okay lang din sa akin kahit pa mas lamang ang oras mo sa kanya, just please, make me your lover too! I am fine with anything and I won't ask for more than you can give. Open minded ako!"


Napabuga ako ng hangin. "Rio, umuwi ka na."


Nang marinig ang sinabi ko ay pabalandrang binitiwan ni Asher si Rio at pinagmasdan ito nang walang kasing angas. "Narinig mo? Ang sabi ni Lai, umuwi ka na! O bingi kang hangal ka?!"


Nang bumaling sa akin ay matamis na nakangiti na. Akmang bubuksan na niya ang gate para pumasok at lumapit sa akin nang magsalita ako. "Ikaw rin, Asher."


Nabitin sa ere ang pagbukas niya ng gate. Umawang sa pagkagulat ang bibig niya. "Ha?"


I stared directly into his eyes and casually repeated what I had said. "Umuwi ka na rin."


Natigagal pa muna si Asher ng ilang segundo at hindi makapaniwala na itinuro pa ng daliri ang sarili. "L-Lai, pati ako?"


Kaswal na tumango ako. "Pagod ako. Gusto kong magpahinga kaya please, umuwi ka na rin muna sa inyo, Asher."


Napakapit siya sa gate namin. He was like a huge puppy that had been punished by his owner and was about to cry. "Pero, Lai, ang tagal nating hindi nagkita! Ang tagal nating hindi nagkausap dahil hindi ka na nag-o-online! Palagi ring naka-off ang phone mo!"


Si Rio naman ay napa-tsk sa tabi. "I guess I am not the only one here that is deaf."


Bigla namang nagbago ang ekspresyon ni Asher. Mula sa pagiging maamo ay biglang bumangis. As if he went from being a gentle Golden Retriever to an angry Pit Bull Terrier.


"Anong sabi mong hangal ka?!"


"That you're deaf!"


Kinuwelyuhan ulit ni Asher si Rio. Hindi naman na nagpatalo si Rio, kinuwelyuhan din nito si Asher. Walang padedehado, magkasing tangkad, at magkasing angas sila pareho. Hindi man sanay sa pakikipagbasag-bungo si Rio pero mukhang handa talagang pumalag sa pagkakataong ito. Para na tuloy may dalawang Pit Bull na nagigirian ngayon sa harapan ko.


Ang kaso, talagang pagod hindi lang ang katawan kundi pati na ang isip ko. Napakamot na lang ako ng ulo. "Ewan ko sa inyo, gugulo niyo. Tulog muna ako."


"Lai!" halos sabay pa na tawag nila sa akin.


Si Asher ay binitiwan si Rio at kulang na lang ay dambahin ang gate namin. "Ngayon na lang ulit tayo nagkitang dalawa." His eyes pleaded with me to change what I said. "Lai, aalis din ba talaga ako?"


"Oo, Asher. Umalis ka rin. Umuwi ka na muna sa inyo." Pagkasabi'y tinalikuran ko na silang dalawa ni Rio.


Bago iyon ay nakita ko pa ang pagdaan ng di matatawarang sakit sa mga mata ni Asher. Pero talagang pagod ako. Mas gusto kong ipahinga ang aking pagod kaysa intindihin ngayon kung ano man ang nararamdaman niya....


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro