Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

ASHER WAS KISSING ME AGAIN IN THE SAME WAY, LIKE HE WANTED TO SWALLOW ME WHOLE.



Magaling na pala talaga siya, hindi na katulad nang dati na nangangapa pa, sumasablay ang mga labi, at parang pumapapak ng kung anong masarap. Ngayon ay kumbaga, hustler na. Alam na alam na rin kung paano ang tamang galaw, at kung mas paano ako babaliwin.


Ano ngayon kung papadilim na? Malamok na, at kahit pa maalikabok ang silong ng saradong tindahan kung saan kami naroon? Wala kaming pakialam dahil ang mahalaga lang ay maibsan ang aming pagkauhaw at pananabik.


Sa sobrang dalang-dala si Asher sa tuwing magkalapat ang mga labi namin, ay huli niya nang napansin na wala ng pagitan ang pagitgit niya sa akin at ramdam na ramdam ko na ang buhay na buhay na parte na ngayong nakadiin sa tapat ng aking sikmura.


Napaungol ako sa bibig niya dahil parang may nakadiin na matigas na bagay sa tiyan ko. Nagtangka pa iyong humagod sa akin nang mapadilat siya bigla. Nagtama ang mga mata namin, at doon niya napagtanto ang nagawa.


Napabitiw siya agad sa akin. "Lai, sorry!" Sabay hila niya sa laylayan ng kanyang shirt upang matakpan ang bahaging iyon ng school pants niya.


Nakasandig pa rin naman ako sa saradong tindahan, may paghingal pa habang namumungay ang mga mata na nakatingala sa kanya. "Happy anniversary, Asher..."


Napahilamos siya ng kanyang palad sa mukha. Nang tumingin ulit sa akin ay maliit siyang ngumiti. "H-Happy anniversary din..."


Iniwan ko muna siya roon sa madilim na silong. Mga limang minuto ako na nakatalikod sa kanya, bago siya sumunod sa akin. Kalmado na pero may paghingal sa paghinga.


Inabot ko naman ng aking panyo ang pawisang leeg niya. "Okay ka na?"


Matamis siyang ngumiti bilang sagot.


Nakaakbay siya sa akin na naglakad na kami patungo sa labas na kalsada. Nanood lang kami ng sine, kumain sa fastfood, at umuwi na rin. We were both exhausted, but we didn't want the night to finish without us enjoying ourselves...





BACAO.


Pagkauwi sa Cavite ay dito ako dinala ng mga paa ko. Hindi sa amin sa Pascam o kina Asher sa Buenavista, kundi rito. Hindi ko rin alam kung bakit. Probably because this issue was still bothering me even as I was immersed in my studies the whole week.


This was not the first time, nor the second time.


I began to search for them when I was in fourth grade. However, there were no emotions involved, only pure curiosity. For me, it was entirely by coincidence that I was born into their family. Except for blood, we have no relationship.


Kaya alam ko lang kung saan sila nakatira, pero hindi ang mismong bahay nila. Hindi ko rin para usisain kung sino-sino sila o kung buhay pa ba sila. Dahil wala naman akong pakialam. But Rio, the jerk, stepped in.



I thought that he just knew something about my origin, pero hindi ko inakala na alam nito ang buong detalye. Ginamit nito ang talino upang kunin ang gusto. But sad to say, wala itong makukuha na kahit ano. He was just a pawn in my plan. I wanted to keep him a little longer, but he overdid it, thus he was now a worthless piece of junk to me.


Sa pinagtataguan kong pila ng mga tricycle ay natanaw ko nang parating si Linda. Maputla at payat na payat. Ganoon pa rin ang aura, mabigat na akala mo'y pasan ang buong mundo. Kasi pasan naman talaga nito. Naglalakad lang ito mula sa pagbaba ng jeep sa labasan.


Bumaba ang aking paningin sa mga kamay ni Linda. May bitbit sa kaliwa na plastic kung saan masisinag ang green na kahon. Gatas na Nestogen na palagay ko'y para sa bagong silang na pamangkin. Sa kanang  kamay naman ay plastic ng bigas. Sa tantiya ko ay nasa tatlong kilo lang.


Wala akong pakialam pero bumigat ang aking pakiramdam. At nadala ko ang bigat na iyon hanggang sa makauwi sa bahay namin sa Pascam. Masayang sinalubong agad ako ni Mama ng yakap at pangungumusta.


"Kumusta sa Manila, anak?" Kinuha niya agad ang mga dala-dala kong travel bag. "Bakit pala ngayon ka lang? Noong isang linggo ay pabalik-balik dito si Asher. Akala uuwi ka. E, ngayon, alam ba niyang uuwi ka?"


"Hindi po," mababa ang tono na sagot ko. Hindi ko naman talaga nabanggit dahil baka biglang pumunta. Pagod na pagod ako ngayon, kaya bukas ko na siya iti-text para papuntahin.


"Gutom ka ano?" lambing ni Mama sa akin. "Alam ko kasi na uuwi ka kaya nagluto ako ng paborito mong escabeche."


"Busog po ako, Ma. Baka bukas ko na lang kainin." Hinalikan ko si Mama sa noo pagkuwan ay tumungo ako sa banyo upang maghugas ng kamay. I went to my room after that.


Hindi naman ako busog. Wala lang talagang kagana-gana. Gusto ko lang talagang umuwi upang magpahinga. Sinusian ko na ang doorknob ng aking kuwarto gamit ang aking susi na may palawit na mga itim na balahibo.


Pagpasok sa kuwarto ay hindi ang main light ang binuksan ko, kundi ang string lights na nakakalat sa gilid ng aking kisame. Bumaha sa paligid ang iba-iba ang kulay niyon na lamang ang puti at pula. Pagsara sa pinto ay humakbang ako palapit sa pader na katapat ng aking kama.


I caressed the curtain that covered the wall. "Ang hirap-hirap sa college, ang hirap ng accountancy, at ang hirap-hirap mabuhay nang may gumugulo sa isip."


I drew back the curtain, revealing the images of a handsome guy behind it. As always, I'd finally feel better, and a happy smile would appear on my lips. Ah, this face is really the best!


Its effect was even more potent than the drug in high doses. Ang mga photos niya ay iba-iba, iba-iba ring size, at karamihan ay stolen, pero ang mga bago ay hindi na lahat ganoon. Dahil sa mga bago ay madalas na kasama na ako. Nasa pinakagitna ang mga iyon, nakadikit na bumubuo ng puso. Marami pa rito sa phone ko na ipapa-develop ko pa.


Meron pa rin namang mga bagong stolen photo ni Asher. Iyong nasa kusina kami habang umiinom siya ng tubig, kumakain ng tinapay, o kaya sa sala habang seryoso siyang naka-focus sa screen ng TV. He didn't have an idea that I took a photo of him. Hindi ko kasi mapigilan. Parang wala kasi siyang anggulo na hindi masarap picturan.


"Siguro magtatampo ka kapag nalaman mong bukod sa 'yo ay may iba pang gumugulo sa isip ko." Lumabi ako. "Bukod sa pagsisikap ko sa pag-aaral, naiisip ko sila. Ayaw ko naman talaga, pero naiisip ko sila."


Ang mga taga Bacao ang tinutukoy ko. I was not even sure why I was discreetly watching over those people. I just woke up one day and had a sudden desire to learn about their daily lives.


Inalis ko muna ang mga ito sa aking isip. Pinasaya ko ang sarili sa pamamagitan ng pagmamasid ulit ng mga photos ni Asher sa pader. "'Wag ka nang magtampo, ha? Sobrang miss kita. Hindi sapat iyong nakakausap lang kita sa phone o tinitingnan ang photos natin sa gallery."


Gusto ko iyong nakikita ko si Asher sa maraming anggulo, sa maraming klase ng litrato, at sa maraming background na naroon siya. But I couldn't do that at the boarding house. Bawal magdikit ng kung anu-ano kahit sa pader doon na katabi ng kama ko.


Nainis din ako sa isang kasama ko sa kuwarto dahil nakita nito ang frame kung saan naroon ang photo ni Asher. Kuha iyon noong nakaraang Christmas party. Naka-polo at jeans ang lalaki, nakaporma, at ngiting-ngiti. My roommate's eyes were filled with admiration for Asher's appearance, and I didn't like it.


Mula noon ay hindi na ako naglabas pa ng kahit anong photo ni Asher. Maiinis lang kasi ako sa aking roommates ko at baka bigla ko lang masunog ang buo naming boarding house.


My expression darkened as I remembered it. Ang hawak kong susi na may palawit ay nagbagsakan ang mga durog na feather sa sahig. Sa pagkakatikom pala na mariin ng palad ko ay nagkalasog-lasog ito.


Napatitig ako roon at may napagtanto. Gabi na, pero gusto ko palang makita si Asher ngayon.





WHAT WAS ASHER DOING RIGHT NOW?


I was also unable to respond to his calls and texts because of the amount of work I had to do at university throughout the week. He didn't complain to me, but he must be upset. Pagkaisip sa kanya ay nagmamadali agad akong magbihis. Kahit gabi na ay pupuntahan ko siya sa Buenavista!


Habang sakay ng tricycle ay naiimahe ko na ang itsura niya. Siguro na nakausli ngayon ang nguso niya, salubong ang makakapal na kilay, at matalim ang magagandang mga mata. Napangiti ako at lalong nasabik na makita siya.


Sigurado rin na kahit masarap ang ulam nila ay may reklamo siya. Bubulong-bulong pa iyan. Ganoon na ganoon siya, e. Parang batang nagta-tantrums. Nakikinita ko na rin na may pagdadabog ang bawat galaw niya, kaya malamang na matutuktukan na naman siya ng mga kuya niya kapag hindi nakatingin ang nanay nila.


Sa kanto ako ng street bumaba. May mga nakaharang din kasi sa daan na mga sasakyan. Ilang sedan at ilang motor. Sa kanto pa lang din ay dinig na ang videoke. Birthday kasi ni Aram, iyong Lasalista na pangalawang barako ng mga Prudente.


Nag-beep ang phone ko habang naglalakad. Kumibot ang sentido ko. Kay Rio galing ang text. Hindi pa rin ako tinitigilan nito. Ibinalik ko sa bulsa ang aking phone. Ayaw kong masira ang magandang gabi kung kailan makikita ko ulit ang aking baby.


Isang bahay na lang ay nasa tapat na ako ng bahay nina Asher nang mula sa pinto ay lumabas siya kasama ang kaibigang si Miko. Nauuna si Miko pero sa kanya natuon agad ang buong atensyon ko. Tama nga ako, nakasimangot si Asher. Nanunulis ang kanyang nguso.


Ngiting-ngiti ako dahil ang cute ni Asher, kaya lang ay nabura ang aking ngiti nang mapansin ang kamay na nasa kanyang balikat. Nakaakbay pala sa kanya si Miko. Nangunot ang aking noo. Kahit lalaki si Miko at kaibigan niya ito ay bigla akong nakaramdam ng pagkairita rito.


Nabura lang ang iritasyon ko nang mapansin na ako ni Asher. Tinabig niya agad ang pagkakaakbay ni Miko sa kanya habang namimilog sa gulat sa akin ang mga mata niya. "Hala, Lai, ikaw nga!"


Napangiti na ulit ako. Ah, ang guwapo talaga ng baby ko kahit ganitong gulat at mukhang tanga ang ekspresyon niya.


Kandatali-talisod siya na humakbang. "Diyan ka lang, Lai! Ako na ang lalapit sa 'yo!"


Hindi naman ako tuminag at hinintay siya, kahit pa gustong-gusto ko na siyang salubungin.


Pagkarating sa harapan ko ay humihingal-hingal pa siya. "Lai, akala ko di ka uuwi ngayon. Muntik na akong masiraan ng ulo kakaisip sa 'yo!"


Ah, 'di pa ba?


Hinaplos ko agad ang pisngi niya. "Sorry, ngayon lang ako, ha? May mga—"


"Okay lang!" agaw niya sa pagsasalita ko. "Kahit ano pa iyon, ako ang may kasalanan!"


Si Miko ay humakbang na rin palapit sa amin. Nakapamulsa sa suot na cargo shorts ang isang kamay habang ang isa ay may hawak na cell phone. "Wala na bang iko-corny iyan?"


"Umuwi ka na!" sigaw ni Asher sa kaibigan.


"Hi, Lai!" bati sa akin ni Miko na hindi siya pinansin. "Kayo na pala talaga? Hirap ba LDR?"


Tinapunan naman ni Asher ng matalim na tingin si Miko. "'Wag mong palungkutin si Lai!"


Nagtututule gamit ang hinliliit na daliri na umalis na si Miko. Wala naman nang paki si Asher dito. Naiwan kaming dalawa sa gilid ng kalsada. Pumikit siya para damahin ang aking kamay sa kanyang mukha.


"Hindi mo ba ako aalukin na pumunta sa inyo?"


Nanulis na naman ang nguso niya. "Bakit?"


"Wala lang. 'Di ba may handaan ngayon sa inyo? Kakain ako at gusto ko ring batiin ang kuya mo dahil birthday niya ngayon."


"At bakit mo siya babatiin? Ako na lang batiin mo!"


"Bakit, birthday mo rin ba ngayon?"


Lumabi siya. "Hindi. Pero kahit na. Puwede mo namang i-advance for next year ang pagbati mo sa akin ngayon, ah!"


"Tara na sa inyo. Gutom na ako, e." Nauna na ako sa kanya.


Parang batang nagmamaktol na sumunod naman siya sa akin. "Lai, hindi mo puwedeng batiin ang kuya ko! Lai, bakit ka nauunang maglakad? Lai, bakit ayaw mo akong kasabay?! Lai!!!"


Maraming bisita sa bahay ng mga Prudente. Mga taga La Salle, Dasma. May mga babae pero mas maraming mga lalaki. Nasa sala lahat, kumakain, nagkukuwentuhan, may nag-iinom din, at nagkakantahan sa videoke. Dahil apat ang barako ni Aling Ason ay apat na beses din na ganito ang kaganapan taon-taon.


Naabutan ako ni Asher. Kulang na lang ay takpan niya ang mga mata ko para hindi ko makita ang mga lalaking bisita. Hinila niya ako papunta sa kusina. Dito raw kami.


Ikinuha niya ako ng handa nila. Pansit na lang at fried chicken kasi iyon na lang ang natira. Lasog-lasog na kasi iyong cake tapos iyong iba ay pampulutan na sa sala. "Sorry, matigas na iyong pansit, ah? Kanina pa kasi. Pero kung ayaw mo niyan, puwede kitang ibili ng kahit ano. Gusto mo ba bili kita sa kanto g pizza?"


"Okay na ito," awat ko sa kanya. "Masarap naman itong pansit, eh. Gusto ko ito."


"Gusto mo?" Sumama na naman ang timpla niya. "Mas gusto mo kaysa sa akin?!"


"Syempre, mas gusto pa rin kita."


"Talaga?" Umaliwalas na ulit ang mukha niya.


Tumango ako sabay kindat sa kanya. Namumula ang mukha niya at pigil ang ngiti. Pagdaka ay maliksi siyang umalis para ikuha ako ng tubig. Inagawan niya rin ng isang electric fan iyong mga nasa sala at dinala rito sa kusina para itutok sa akin.


Hinayaan ko lang naman si Asher kahit itinodo niya ang fan sa number 3. Baka raw kasi ako pagpawisan. Hindi na lang ako kumibo kahit para na ako ritong liliparin. Pagkatapos niyon ay naupo na siya sa tapat ko. Nakapangalumbaba siya sa akin habang pursigido na pinapanood akong kumain.


Sa Manila ay wala akong kagana-ganang kumain. Kahit sa bahay namin sa Pascam ay wala rin. Pero dito kasama ni Asher, habang pinapanood niya ako, dito ko naramdaman lahat ng gutom ko. Naubos ko tuloy ang nilagay niya sa akin sa plato.


Ang aso nilang si Honeybunch ay pumasok mula sa pinto ng kusina. Hindi na ako kinahol dahil inabutan ko ng laman ng manok. Biglang umamo sa akin at lumingkis pa sa paa ko. Naaliw naman ako rito at hinimas ko ito sa balahibo. Nang makita nga lang iyon ni Asher ay napasimangot na naman siya. Bigla niyang pinalayas ang aso nila.


Pagbalik ng tingin sa akin ay ngumiti na naman na parang walang nangyari. Yumukod siya sa akin na ang ibig sabihin ay himasin ko siya sa ulo. Ginawa ko na lang kaysa magtampo.


Sa kusina ay pumasok ang  panganay na kapatid niya na si Kuya Abel. Naka-tshirt na puti at pajama na itim ito. May sumunod ditong isang babaeng sexy. Hindi naman ito pinapansin ng lalaki.


Pulado na ang mukha ni Kuya Abel. Mukhang nakainom. Maiksi na ang pasensiya. Iniwan din agad nito ang babae na humabol naman agad ulit dito. Napasunod ako ng tingin sa mga ito—nang biglang harangan ni Asher ng kamay niya ang paningin ko.


"Bakit mo sila tinitingnan?" sita niya agad sa akin.


"GF ba iyon ng kuya mo?" tanong ko. Hindi ko pinansin ang pagmamaktol na naman niya.


"Ewan ko." Napanguso naman siya. "Namumukhaan ko lang. Parang nakita ko na dati, kaya baka isa sa ex niya na. Tapos andito kasi gusto ng comeback."


"Saan sila pupunta?"muli'y usisa ko na ngayon ay kunot-noo na. "Asher, parang papunta na iyong kuya mo sa hagdan. Pupunta na yata sa kuwarto niya. Paano kung sundan siya roon ng ex niya? Nakainom pa naman siya at mukhang bangenge na, baka mapikot siya!"


"O?" Humalukipkip siya habang nakanguso pa rin na parang bata. "Hayaan mo siyang mapikot para umalis na rito! Panay siya utos, kala mo kung sino siyang hari!"


Doon na ako napikon. "Paano ang tita ko?!"


"Ha?" Sukat ay pinamilugan si Asher ng mga mata. Napahawak siya sa kanyang bibig nang may mapagtanto. "Pota..."


Pinanlisikan ko naman siya ng tingin. "Ano pa ang hinihintay mo? Paalisin mo iyong babae!"


Hindi na ako nagdalawang sabi, biglang tumalikod si Asher at nanakbo pasunod doon sa kuya niya at doon sa ex na ayaw umalis. Naulinigan ko na lang ang malakas na boses niya na sumasabay sa tunog ng videoke. "NAY, NAY, SI KUYA MAY DADALHING BABAE SA KUWARTO NIYA! NAY!!!"


Kasunod niyon ay lagabugan at ang boses ng ilaw, slash, speaker ng tahanan. Naratrat silang lahat, nadamay pa iyong mga bisitang wala namang mga muwang.


Pagbalik ni Asher ay ngiting proud siya. Kinawayan ko siya agad para palapitin. Para na naman siyang maamong tuta na sumandig sa balikat ko. "Lai, umalis na iyong babae!"


Hinaplos ko siya sa leeg. "Good job..."


Nagtaas siya ng paningin. "Lai, reward. Kiss tayo," malambing na ungot niya.


Paano ba ako hihindi sa ganitong pagmumukha?


Bago nga lang maglapat ang mga labi namin ay nag-beep ang phone ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Ang maiksing text message ay buo na nag-pop up sa screen ko.


RIO DEMONYITO:

I'm outside your house. Let's talk. I'll wait for you.


Huli na upang madampot ko iyon, nabasa na ni Asher ang nasa screen, ayon sa pagiging malamig ng kanina'y malambing niyang ekspresyon.


"Pinsan ko..." agad na nasabi ko.


Ngumiti nang matamis ang mga labi ni Asher. Masiglang nilingon niya ako. "Gusto ka raw niyang kausapin. Sasamahan kita."


Napatitig ako sa kanya. Nakangiti siya pero ang lamig sa kanyang mga mata ay hindi nawawala.


He was still smiling when he spoke again, but there was a chill in his tone that couldn't be mistaken. "Nasa labas daw siya ng bahay niyo. Kaya tara na. 'Wag nating paghintayin ang pinsan mo." At nauna nang tumayo siya sa akin.


Hawak niya ang kamay ko palabas ng kusina. Ang mga tao sa sala nila ay tinawag siya pero ni hindi niya man lang tiningnan. Seryoso ang kanyang ekspresyon hanggang makalabas kami sa gate nila. Pinagpag ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay. "Asher, sandali."


"Bakit?" seryoso pero inosenteng tanong niya.


"Rio is not my cousin," pagtatapat ko. Walang pagbabago naman sa ekpresyon niya. Ni hindi siya nagulat man lang. Napalunok muna ako. "M-may gusto siya sa akin."


Asher still didn't react, but the coldness in his eyes seemed to grow.


"May gusto siya sa akin. Sinabi ko na ayaw ko, pero kinukulit niya ako. Hindi ko siya gusto. Ikaw lang ang gusto ko."


Isang matamis na ngiti ang biglang gumuhit sa kanyang mga labi. "Gusto rin kita, Lai."


Pagkuwan ay ay naulinigan ko ang paglagutok ng kamao niya.


"Kaya tara na?" nakangiting yaya niya. "Dapat malaman ng kung sino man iyan, na kahit anong gawin niya ay wala siyang mapapala. Mababasag ang mukha niya at magkakabali-bali ang buto niya, pero hinding-hindi ka pa rin niya makukuha, kasi ako lang ang gusto mo at wala nang iba, 'di ba?"


Tumango ako kay Asher, at magkahawak-kamay na kaming naglakad papunta sa labasan. Sa isip-isip ko, sana makaramdam si Rio at umalis na. Pero kung nakatakda talaga itong mabangasan ngayong gabi, ay wala na akong magagawa pa.


Tumingala ako kay Asher habang naglalakad kami. Yumuko naman siya at sabay pa kaming napangiti. Ah, my baby. He wasn't just any crazy guy, because I had to admit he was pretty crazy. But I believed if the subject was about 'being crazy', I wouldn't be beaten in that category.


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro