Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

KAHIT ANONG MANGYARI, KAKAMPI MO AKO LAGI.


"'Wag na 'wag kang haharap, kundi magagalit ako sa 'yo," garalgal ang boses na banta ko sa kanya habang yakap-yakap ko siya sa bewang mula sa kanyang likuran.


Hindi naman humarap si Asher o maski tuminag. Narinig ko lang ang mahinang boses niya. "Sige, iyak mo lang."


Ginawa ko nga. Tahimik na humikbi ako habang nakasubsob sa kanyang likod ang aking mukha. Basang-basa na ang likod ng shirt niya nang matapos ako.


"Okay ka na?"


Tumango ako kahit di naman niya nakikita. "Umuwi ka na. Ingat ka..."


"Magpahinga ka na, ha? Iti-text kita kapag nakauwi na ako." Nakapamulsa siya na humakbang paalis. Hindi na siya lumingon pa, dahil alam niyang iyon ang gusto kong gawin niya.


Ang dibdib ko na ilang araw at gabi nang mabigat ay tila nabawasan ng dinadala. Nang pumasok na ako sa amin ay hindi ko na nakita pa ang paghinto ni Asher sa kanto. Lumingon siya at inihatid ako ng malulungkot niyang mga mata hanggang sa pagpasok ko sa pinto.



SEMBREAK.


Wala pa ring pasok. Mula noong ilibing ang bunsong anak ni Tito Eloy ay hindi na gaanong naglalalabas ng kuwarto nito si Mama. Mas dinamdam pa nito kaysa kapatid ang pagkamatay ng pamangkin.


Sumilip ako sa nakaawang na pinto ng kuwarto ni Mama. Natagpuan ko ito na nakahiga sa kama habang natutulog. Sa mga bisig nito ay yakap-yakap na naman ang isang lumang kahon. Kahon na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang laman, subalit may mga ideya ako.


Maingat akong pumasok upang ayusin ang pagkakakumot ni Mama. Bago iwan ito ay magaan ko itong hinagkan sa noo. "I love you, Ma. I will always love you."


I went down to the living room, and my expression darkened when I saw Rio walk in. Navy blue shirt ang suot niya na lalong nagpalutang ng kanyang pagiging mestizo, white shorts na cargo, at hinubad niya na sa labas ang kanyang tsinelas. Ang mahahaba at malilinis niyang paa ay nakatapak sa tiles ng aming sala.


Rio hadn't shown up in a couple of days; he had only now found the nerve to come to see me again. Although hindi naman siya ngayon makatingin nang deretso sa akin. "Uh, kanina pa ako nagdo-doorbell, pero walang lumabas. Pumasok na ako kasi nakabukas naman ang gate at pinto niyo..."


Hindi sira nag doorbell, hinugot ko lang talaga sa saksakan.


"Tulog si Mama," tamad na sabi ko kung sakaling ito ang gamitin niyang dahilan kung bakit siya nandito.


Napayuko siya. "I'm not here because of Tita Madi."


Tinawag niya si Mama na 'tita'? Nakakatakot, nabalita kaya sa TV na gugunaw na mamaya o bukas ang mundo?


Rio spoke again and in a very low voice, "Lai, I'm sorry. Dahil pinangunahan ko ang pagsasabi sa 'yo ng tungkol sa bagay na iyon. I shouldn't have done that. You must have been shocked, confused, and heartbroken to learn the truth."


"Okay lang."


Napaangat siya ng paningin sa akin. "Huh?"


"I said it's okay." Pasalampak akong naupo sa kaharap niyang sofa. "But it's quite shocking as I assumed you only had an idea; I hadn't considered that you also knew the details."


Umawang ang mga labi ni Rio. "W-what do you mean?"


"That what really surprised me was how well you knew the specifics. I don't know who told you, or if you just found out about it on your own. Pero wala namang problema alin man doon."


"W-wait, wait!" Namilog sa akin ang mga mata niya. "You know already?" Gilalas siya. "When did you know?!"


Imbes sumagot ay dumi-quatro ako sa sofa habang nakatingala sa kanya.


Gulat pa rin na napahawak siya sa kanyang bibig. "A-and you're not mad at me?"


"Why should I? Dapat pa nga na magpasalamat pa ako sa 'yo dahil kung sina Mama at Papa lang din ang aasahan ko, malabong sabihin nila sa akin ang totoo."


Umalon ng pababa at taas ang lalamunan niya.


"For a long time, I've been contemplating whether or not to confront them about it. Pero dahil sa ginawa mong pangingialam, binigyan mo lang ako ng dahilan." Matamis akong ngumiti sa kaya. "Alam mo iyon, kapag tinanong nila ako kung kanino ko nalaman, may ituturo na ako sa wakas. And that's you, Rio. Ikaw ang ituturo ko."


Namutla siya dahil siguro napagtagpi-tagpi niya na ang mga pangyayari.


Tumayo ako at humakbang papunta sa kanya. "Akala ko hindi aabot sa ganito dahil matalino ka naman. Pero nakakabobo pala talaga ito." Itinuro ko ang tapat ng dibdib niya kung saan ramdam ang malakas na pagtibok doon. "O baka naman ito." Ang aking nakaturong daliri ay pinadausdos ko pababa dahilan upang mahigit niya ang kanyang paghinga.


"L-Lai..." Nakagat niya ang ibabang labi nang idiin ko pa ang aking hintuturo.


"Tell me, Rio. What really caused your foolishness?"


Nagtagis ang mga ngipin niya kasabay ng pamumula ng kanyang buong mukha. May hinanakit sa tono niya akong tinanong. "Did you plan this all along?"


"Sa tingin mo?" Nginitian ko siya lalo habang nakatingala ako sa kanya. "Tutal matalino ka naman, hulaan mo na lang. O baka nabobo ka na talaga nang tuluyan?"


Ang aking ngiti ay nauwi sa mapanuyang pagngisi nang maramdamang bumabangon ang natatapatan ng dulo ng daliri ko. "I didn't know that you could be this disgusting, golden boy Rio Theodore V. Estrada."


Tinabig niya ang kamay ko at namumula ang buong mukha at leeg na nagmamadali siyang lumabas ng pinto. Blangko ang mga mata na nakatanaw na lang ako sa pag-alis niya.


Mataas ang ere ni Rio, kaya alam ko na simula pa lang ay hindi uubra sa kanya kung gagayahin ko ang pagbabait-baitan niya. Ang mga ganoong uri ng tao ay dapat sinasalungat. Dapat ay nilalabanan dahil kung gusto mong makuha ang atensyon nila, iyon ang pinakamabisang paraan.


Ang hindi ko lang inaasahan ay na mahuhulog nang ganoon si Rio. Napailing ako. "Pathetic," usal ko at ini-lock na ang pinto.


Bumalik ako sa kuwarto ko matapos i-check ulit si Mama. Tulog na tulog pa ito. I locked the door of my room and took my old model spare phone out of the drawer. Iyong recon, o galing pa yata sa snatch na nabili ko ng mura noon sa Baclaran.


Sa phone na ito naka-saved ang apat na account. Mga account na ang iba ay ako ang nang-hack at iyong iba ay nagbayad ako ng mangha-hack. Lahat ng may ari ng mga account na ito ay wala pa ring malay magpasahanggang ngayon na nabubuksan ko ang kanilang mg account.


I tapped the name of my favorite login account. Pag-aari ni Rica Valmorida-Estrada. Panganay na kapatid ni Papa at ina naman nina Rio at Renren. Hindi ako pumunta sa GC nito kasama ang bunsong kapatid na si Tita Tootsie, ang hipag na si Tita Janine, at ni Mamila. Plastikan lang naman ang mga ito roon.


Ang tinungo ko ay ang private convo nito sa kapatid na si Tita Tootsie. Ang huling usapan ng dalawa ay noong nakaraang araw lang. Naglalabas ng hinanaing si Tita Rica dahil feeling daw nito ay may babae na naman ang asawang si Tito Terion at ganoon din si Tita Tootsie na feeling din ay niloloko rin ng asawa nito. Nagpalitan lang ng mga payong pang-tanga ang dalawa at pagkatapos ay nauwi na ang usapan sa paboritong topic, tungkol na naman kay Mama.


Tootsie: Maiba ko Ate Rica, namatayan daw pala ng pamangkin si Madi. Anak dw doon sa kapatid niang batugs?


Rica: Oo nga dw. Hay, alam n kung sino ang gumastos sa libing. Wala nmn dba trabaho ung namatayan? Tas ung isa naman e teacher lang. Malamang pasikat n nmn si Madi doon sa pamilya nia gamit pera ng kapatid ntin!


Tootsie: Hmp. Hayaan mo na, sandamakmak nmn karma nyan ni Madi. Hawak nia lng sa leeg si kuya gil ngaun ksi mahal pa sya, pero pag nauntog yun, sana iwan sya!


Rica: Yes. Hope so. Nakakainis pa rin tlga kasi si Madi. Kung di niya inahas noon si Gil sa best friend ko, e di sana ay natuloy si Gil sa Amerika! Di na need magpakakuba sa Dubai! At sana rin, marami ng anak ang kapatid natin!


Tootsie: Kinarma naman na talaga si Madi! Nakunan ang bruha!


Marami pa silang usapan na halos kabisado ko na. Paulit-ulit lang kasi ang ibinabato nilang mga salita kay Mama. Ini-off ko na rin ang phone pagkatapos masiguro na wala namang bagong ganap sa Valmorida clan.



IT'S BABE TIME!


Pagsapit ng 5:00 p.m. ng hapon ay naligo na ako. Pares na plain peach color cotton baby tee at highwaist shorts ang damit ko. Matapos tuyuin sa blower ang aking humahaba ng buhok ay itinirintas ko iyon nang padalawa. Ang finale ay ang pagsusuot ko ng aking salamin sa mga mata.


Oha, ang layo sa mga pretty girls, di ba? Walang namumukadkad na extra long fake lashes, heavy blush on, o highlighted hair iyan. Sa pananamit naman ay kung ano lang ang mahugot sa closet, kadalasan pa ay partnered shorts at shirts na papasang pormahang pang-Elementary. Kaya sino ba ang mag-aakala na masisilo ko ang maligalig na si Asher James Prudente?


Tumunog ang doorbell. Isinaksak ko na nga pala ulit sa saksakan. Bumaba na ako at bago buksan ang pinto ay inalis ko na ang kanina pang madilim na ekspresyon. Inihanda ko ang aking malambing na ngiti.


Pagbukas ng pinto ay nakita ko agad ang matangkad at guwapong lalaki sa labas ng gate. Plain white shirt, black jogger pants, black slides. Ang linis na naman at ang bango kahit ang layo pa naman.


Kumaway siya agad pagkakita sa akin. Dahil hindi fully-covered ang gate ay natanaw ko ang hawak ng mga kamay niya. Iyong kanan ay plastic na may lamang tinapay at iyong kaliwa ay malaking plastic bottle ng Minute Maid Original.


Agad na nilapitan ko siya pero hindi pa siya pinagbuksan ng hanggang dibdib naming gate. Nakalabi ako nang tingalain siya. "You're three minutes late!"


"Sorry, Lai. Traffic sa kanto ng Malabon. Takte, porke't sembreak, nakalimutan kong may pasok pa rin sa Epza." Tukoy niya sa napakalaking economic zone na matatagpuan dito sa Cavite. Tadtad ng naglalakihang kompanya at pabrika ang loob, kaya napakaraming empleyado ang pumapasok.


Binuksan ko na ang gate para kay Asher. "Tulog pa si Mama kasi masama ang pakiramdam niya, kaya bawal tayong maingay, ha?"


"Behave lang naman ako lagi."


Inirapan ko siya. "May behave ba na malingat lang ako, naninipsip na ng daliri?"


Napangisi naman siya. Hay, ang guwapo na ang cute pa. Nakapag-charge tuloy ulit ako.


Sa sala ulit kami pumuwesto. Kahit ilang buwan na kami ay hindi pa rin siya nakakatungtong sa kuwarto ko. Bawal iyon. At hindi rin talaga puwede, baka ma-shookt siya sa mga makikita niya kung sakali.


Hindi ko na pala pinaghandaan si Asher ng merienda dahil may dala na siya. Mapera nga kasi siya ngayon, di ba? So iyong dala niya ang pinagsaluhan namin sa sofa. Ang tinapay pala na kanyang dala ay iyong paborito niyang ensaymada. Nakadalawa na agad tuloy siya.


"Akalain mo iyon, ano?" namumualan pa sa tinapay na salita niya. "Pareho tayo ng favorite na tinapay!"


Ngumiti lang ako habang ipinagsasalin siya ng Minute Maid sa baso.


"Lai, pati sa juice, pareho tayo. Pati rin sa ulam na adobong manok at sa desserts na fruit salad, pareho rin tayo ng paborito!"


Ngingiti-ngiti lang naman ako. Asher had no idea I'd just declared those were my favorites because I knew those were his.


Pati nga favorite color niya, TV channel, NBA player ay sa pagkakaalam niya'y mga favorite ko rin. Ang lakas lang maka-destiny. Baka mawindang pa siya kapag sinabi ko na pati brand ng shaver ay pareho kami.


Mayamaya ay mahina siyang nagsalita. Para bang kanina pa nga tuma-timing. "Uhm, Lai, nakita mo ba iyong nag-comment pala sa tagged na photo sa akin kagabi?"


Tumigil ako sa pagkagat sa ensaymada sa pagbukas niya ng paksa. Iyong tinutukoy niya ay iyong stolen photo na naka-tag nga sa kanya. Ang nag-tag ay isa sa mga kaibigan niya na si Isaiah. Ang photo based sa background ay parang sa bilyaran sa Bgry. Pinagtipunan. Nakasimangot siya sa kuha dahil parang natalo sila pustahan.


Badtrip si Asher doon sa kuhang iyon. His thick black eyebrows were drawn together, his natural red lips were pursed, and I guess his fists were clenched. Iyon bang kaunting provoke lang ay susugod na siya. Pero ayun at napag-trip-an pa siya ng tropa niya.


Isaiah Gideon DV's caption on Asher's photo: No matter what I do all I think about is you. Even when I'm with my boo, you know I'm crazy over you... uh, uh, uh, uhg!!!


Mula sa kantang R&B na Dilemma. May comment din sina Miko at Arkanghel na pang-aasar kay Asher.


Arkanghel DV: Sabi ko na nga ba me relasyon kayo. Oy, insan, bata pa yan.


Michael Jonas Pangilinan: Walang bata-bata. Pwede na yan. Asher, niregla ka na dba?


Palagi talagang siyang pinagtutulungan ng mga kaibigan niya. Siya man ang pinaka-playful sa kanilang apat, ay siya rin ang pinakamaiksi ang pasensiya at pinakabata pa.


Pero wala sa photo na posted ni Isaiah, sa caption, o sa mga comments ng tropa niya ang dahilan kung bakit hindi siya makatingin sa akin ngayon. Bukod kasi kina Arkanghel, Isaiah, at Miko ay may iba pang comments sa photo niya. Comments na mula lang naman sa kung sino-sinong mga babae!


Princess Ana Lyn Mahusay: Hi Asher! Uztah?

Doralyn Poblete: @Rosethel Torres – Puks, ex mu :p

Rosethel Torres: @Doralyn Poblete Kainiz' may pag-mention pa ih. -.-

Mary Joy Viray: Dami girls ha? Hmp.

Carlyn Marie Tamayo: Wag paloko sa photo, kalbo yan sa personal.


At marami pang iba. Minsan lang kasi magkaroon ng photo sa account si Asher. Karamihan ay puro post lang tungkol sa online games o shared memes, kaya noong nagkaroon ng photo ay naputakte agad-agad. Na-miss siguro siya ng mga babaeng minahal niya noon ng less than two weeks.


Mapagmahal kasi siya pero maximum of two weeks nga lang talaga. May expiration ang kanyang feelings, and after that ay malilimutan niya na pati pangalan ng mga babaeng minahal niya. Bale ako lang iyong na-extend.


Ang tagged stolen photo ni Asher na kahit nakasimangot ay lalaban pa rin sa usaping paguwapuhan, ay may ninety reactions at twenty-five comments lang naman. Ayos lang iyong kay Carlyn sa dulo, pero iyong ibang girls talaga ang nakakapintig ng sentido. Wala akong balak itanong kay Asher ang tungkol dito, pero siya na mismo ang nag-bring up ngayon.


"Hindi ko naman alam na may tag pala si Isaiah sa akin," mahina ang boses na sabi niya. "Paggising ko na lang, sabog na notif ko."


Nakatingin lang ako sa kanya habang nagpapaliwanag siya.


"Uy, Lai, galit ka ba?" nangangapa ang boses na tanong niya dahil hindi nga ako nagsasalita.


Humalukipkip naman ako habang nakatingin sa kanya. "Kailan mo ba ako nakitang nagalit?"


"Uhm..." Napakamot siya sa kanyang makinis na pisngi.


Doon sumeryoso ang mga mata ko. "But you should really apologize for that. Why do still look so attractive even though you're frowning and the photo is candid? Doesn't that sound unfair? Nakasimangot ka na pero ang guwapo mo pa rin, tama ba iyon? Ayan tuloy, ang daming babae ang nag-comment."


Bumadha naman ang takot sa mukha niya. "Lai, galit ka ba? Sorry hindi ko naman sinasadya na maging guwapo riyan sa stolen photo na iyan. Sorry talaga kasi ang guwapo ko pa rin diyan kahit nakasimangot ako. Badtrip ako riyan kasi talo kami sa pustahan, kaya dapat pangit ako riyan. Baka nadala lang sa anggulo. Lai, sorry talaga, please."


Napakamot na naman siya ng pisngi nang makitang hindi pa ako kumbinsido sa paliwanag niya. Para siyang maamong tuta.


"Lai, sorry na talaga. Hindi ko talaga sinasadya maging guwapo riyan. Maniwala ka, hindi ko talaga sinasadya na ganyan ang kalabasan. Promise, hindi na mauulit. Nag-PM na nga ako ke Isaiah na i-delete iyan, hindi pa lang niya nasi-seen. Pero dadaanan ko siya sa kanila mamaya pag-uwi ko. Please, 'wag ka nang magalit o..."


Ngumiti na ako. Ngiti na malambong.


Nagsalubong naman ang mga kilay ni Asher sa pagtataka. "Uhm, Lai? Bakit nakangiti ka? Kinakabahan ako kasi lips mo lang nakangiti pero iyong mata mo hindi. Parang blank lang. Parang may iniisip ka."


Lalo akong napangiti, this time ay kasama na ang mga mata. May kislap na. Hindi na blangko na katulad kanina.


Hindi pa rin naman okay si Asher. Parang kabado pa. Pinakatitigian niya pa ako sa mukha. "Galit ka pa ba o hindi na? O baka nag-iisip ka na ng kung ano-ano tapos mamaya lang ay ibi-break mo na pala ako? Oy, Lai, hindi ako papayag. Na-kiss mo na ako kaya hindi mo na ako puwedeng hiwalayan diyan!"


Ang pagngiti ko ay nauwi sa mahinang tawa. Takang-taka naman lalo siya.


Matapos ay inilapit ko ang aking mukha sa kanya. "Why are you so cute?"


Napakurap naman ang mga mata niya na nagtatampok ng mahahabang pilikmata. So perfect. My baby was so perfect.


Tumaas ang aking isang kamay upang abutin at marahan haplusin ang kanyang pisngi. "You are so fine that I want to keep you, possess you, and hide you to the world so no one but me can see you."


Muli siyang kumurap habang nakatitig din sa mukha ko. "Uhm, Lai, magki-kiss ba tayo?"


Pinisil ko ang matangos na ilong niya. "Iyan lang ba ang pinupunta mo rito?"


Kandahingal naman siya dahil sa tagal na pisil-pisil ko ang ilong niya. Nang makabawi ay saka sumagot. "Oy, hindi, ah. Pero syempre iyon din."


How honest. How pure. How innocent. Ganito talaga siya na lingid sa kaalaman ng iba. Na kahit ako ay ngayon lang din nakikita ang ganitong mga reaksyon at ugali sa kanya.


He was so genuine and so precious that I wanted to protect him. He did not deserve to be hurt in any way.


Habang nakatingin sa maaliwalas at nakangiti niyang mukha ay may mga pagsisisi ang isa-isang biglang bumangon sa loob ng dibdib ko. Palagi kong kalkulado ang mga nangyayari at mangyayari pa lang, pero bakit nakaligtas sa akin ang mga importanteng bagay na katulad nito.


"Lai?" tawag ni Asher sa akin dahil siguro ay napansin niya ang pagbabago ng mood ko.


Sinikap ko na ngumiti. Muli ko siyang hinaplos sa kanyang pisngi. Pumikit naman siya para mas damahin ang mga haplos ko sa kanyang balat.


Umusod ako at pinagdikit ang dulo ng mga ilong namin. Pinagmasdan ko sa mas malapit ang perpektong mukha niya. "Asher, don't like me too much..."


Doon siya dumilat. "Bakit ngayon mo lang sinabi?"


Ang kislap ng kanyang mga mata ay nagbago na. Mula sa pagiging inosente ay ngayo'y mainit at mapanukso na. "Asher..." Sinubukan kong lumayo nang maagap na pumigil ang malaking palad niya sa aking batok. Napaawang ang mga labi ko sa pagkabigla.


"Late ka na, Lai. Gusto na kita. Gustong-gusto na kahit magwala ka pa sa kalsada, hindi na kita pakakawalan pa." Pagkasabi'y sinamantala niya ang pagkakaawang ng aking bibig, upang angkinin nang buo ang mga labi ko at lunurin ako sa nakakabaliw na halik.


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro