Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

DREAMING ABOUT THE DAY WHEN YOU WAKE UP AND FIND, THAT WHAT YOU'RE LOOKING FOR HAS BEEN HERE THE WHOLE TIME!


"Kailan pa naka-saved sa 'yo ang number ko?"


Iyong tanong ni Asher sa akin ay parang ang ringtone ng phone ko, nag-e-echo sa pandinig ko. Alam niya na naka-saved, dahil ibang ringtone ang naririnig niya, at malamang na nahagip ng mga mata niya na hindi number ang naka-saved sa screen, kundi pangalan. Na mabuti ay naitago ko bago niya tuluyang mabasa.


Bumukas-sara ang bibig ko na walang lumalabas na kahit anong salita. Si Asher naman ay nakahalukipkip na ngayon sa akin, nakataas ang isang kilay, nakataas din ang gilid ng mga labi, at may kung anong kislap sa mga mata.


Lumunok ako. Mga limang beses bago malinis ang bara sa lalamunan ko. Itinaas ko rin ang aking baba para kuwari ay wala akong kakaba-kaba. "Matagal na," sagot ko na deretso at walang kurap sa kanya.


"Ow?" Kumiling ang ulo niya habang nakataas pa rin ang isang kilay at nakahalukipkip. "Eh, puwede bang malaman ang detalye niyang 'matagal na' 'yan?"


Tumikhim ako at pinagana nang mabilis ang isip. "Kinuha ko kay Lou ang number mo nang di niya alam. Wala lang, gusto lang sana kitang balaan noong gusto mo siyang ligawan. Alam ko kasi na paaasahin ka lang niya. Concerned ako dahil hindi man tayo close, anak ka pa rin ng landlady ng tita ko sa apartment niya."


Napahimas ng baba si Asher. "Hmn, walang butas, ah." Pagkuwa'y tumango-tango siya. "Okay."


"O-okay na?" Itinago ko na ang phone ko na galing sa kanya. "Saka iyong ringtone, wala lang iyon. Random selection."


"Okay." Ngiting-ngiti siya na parang tanga.


Napanguso na lang ako dahil hanggang sa ihatid niya ako sa sakayan ng tricycle, hindi pa rin maalis ang pagkakangiti niya. Special ako pauwi sa Pascam, at hindi ko na siya napigilan nang siya ang mag-abot sa driver ng bayan na buong isang daan.


"Kuya, pakiingatan GF ko. Bago pa lang kami niyan," bilin niya pa sa driver. At nang makaalis na, nakita ko pa siya sa rearview mirror na kinakawayan ako.


Hindi pa siya umalis sa kinatatayuan hanggang hindi ako nakakaalis nang tuluyan. At sa pag-uwi, may text ako na natanggap mula sa kanya. At ganoon na lang ang pamimilipit ko sa kilig nang mabasa ang laman ng text niya.


Future Hubby:

Ei Lai..,pahinga kana paguwe mo. .. o pasado ng sentence yan aah.!,



ANG SARAP NA NAMAN ng gising ko kinabukasan. Pakanta-kanta pa ako, na pati tuloy si Mama ay napapangiti na. Bihira kasi ako nito marinig na kumakanta, kaya pati ito ay nahawa na.


Pagdating ko sa school ay naghagilap agad ang aking mga mata. Wala mang usapan ay parang nakaugalian na namin ni Asher ang magpaligsahan kung sino ang mauuna na pumasok sa aming dalawa. Sa mga nagdaang araw at linggo, mas madalas na ako palagi ang nauuna. Siya kasi ay may pagkakataong hindi siya nagigising sa alarm niya.


Minsan ay humahangos pa siya na pumapasok sa gate. Hindi pa nakabutones ang polo at minsan ay nakakalimot pang i-zipper ang pants niya sa pagmamadali. Mabuti na lang talaga at kapiranggot lang ang buhok niya sa ulo, hindi niya problema ang pagsusuklay kung sakali.


Ngayong araw ay napakaaga ko kaya sure na akong ako na naman ang una, kaya ganoon na lang ang aking gulat nang matanaw na siyang nakaupo sa may bench ngayon.


Anong meron? Napakaaga niya ngayon. Nakakunot ang noo ko habang papunta sa kanya. Mukha ring may laman ngayon ang bag niya, nakaumbok kasi. Magpi-periodical na kasi kaya siguro ganado na siyang mag-aral. Nakaka-proud naman, pero nakakapagtampo rin dahil hindi pala ako ang dahilan. Sinaway ko rin naman agad ang sarili sa pag-iisip ng negatibo.


Bakit kaya ganoon pag in a relationship, ano? May pagkakataon talaga na kahit matalino ka, kikitid at kikitid din talaga ang utak mo. O nasa tao rin siguro. Parang ako, kapag napapansin kong hindi na yata tama, kahit mahirap ay itinitigil ko na agad ang pag-iisip ng kung anu-ano. 


Nang makita ako ni Asher ay napatayo siya agad mula sa bench at sinalubong ako. Ang guwapo-guwapo na, ang bangu-bango pa niya. Hindi lang amoy ng sabon na eucalyptus mint, pati na rin ang gamit niyang body spray. Ang fresh-fresh. At ako lang naman ang GF niya. Hay, araw-araw na lang talaga akong blessed.


Naupo kami ni Asher sa bench. Dito kami nagpapatay ng oras. Minsan kami lang, madalas ay kasama ang tropa niya. Wala naman masyadong nakakapansin sa amin dito dahil maaga nga ang pasok ng special section. Umaalis na agad ako bago dumating ang mga kaklase ko, dahil ako ang tagabukas ng pinto.


"Ahm, Lai..." mahinang tawag ni Asher sa akin ilang minuto bago mag-ring ang unang bell.


"O?" tanong ko habang nagkukuyakoy ng paa at pinagmamasdan ang iilang estudyante na pumapasok sa gate.


"Itatanong ko lang, ililibre ba kita sa breaktime mamaya?"


Napatingin ako sa kanya. Nakayuko siya habang namumula ang tainga niya.


"Kasi ano, eh..." Napahaplos siya ng malaking kamay niya sa kanyang ulo. "Fifty lang ang baon ko. Nagalit kasi nanay ko dahil nabasag namin ng isang kuya ko iyong paborito niyang plato. Naghuhugas kasi kami sa lababo, di naman namin sinasadya, kaso nabasag nga. Ayun, tag-fifty lang ang ipinabon sa amin ngayon bilang parusa."


Para siyang maamong brown bear. Ang sarap pigain ng yakap, kaso baby pa siya, bawal pa ang skinship.


"Paano iyan, kasya na ba sa 'yo ang fifty sa maghapon? Malamang nabawasan pa iyan sa pamasahe mo. Gusto mong pautangin muna kita?"


Salubong ang mga kilay niya nang tumingin sa akin. "Hinatid naman ako ng isang kuya ko kanina. Hindi nagalaw ang fifty ko rito. Nasabi ko lang sa 'yo," aniya saka lumabi. Mukhang nasagi ang pride chicken.


Nagsimula lang naman iyong panlilibre ni Asher sa akin noong isang beses na sabay kami sa canteen. Kulang ang barya ko kaya siya ang nagbayad sa aking biniling ilang balot ng mani. Pagkatapos niyon ay nagtuloy-tuloy na. Parang naging panata niya na ang pagbabayad sa mani ko.


Hindi lang mani, ibinibili niya rin ako ng pantulak na mineral water. Tapos minsan, may pa-burger pa siya. Basta niya lang inaabot sa akin nang walang salita. Hindi naman ako nagpapalibre, nagugulat na lang ako talaga.


Alam ko kasi na medyo kuripot siya, kaya naa-appreciate ko ang ganoong gesture niya. Siguro ay nagugulat din siya sa akin dahil nga sa hindi ako sakit ng ulo na katulad ng mga exes niya. Wala siyang natatanggap sa akin na sumbat, demand, o pangna-nag.


Sa normal na araw ay madalas na chill lang kami. Katulad ngayon. Magkatabi kami sa bench na nagpapakiramdaman. Kontento na ako sa ganito. Ang totoo, ayos na ayos nga sa akin dahil malaya ko na siya ngayong nakakatabi at napagmamasdan.


Speaking of pagmamasid, walang nakakatakas sa mga mata ko. Ngayon ay pilipit ang lace ng ID na suot niya. Kung hindi pilipit ang lace ay nakasampay naman sa balikat niya. Nagkataon lang pero mas maraming beses na sinasadya niya talaga. Akala niya yata ay ikinaka-cool niya.


"Bakit?" Bigla siyang na-conscious dahil sa pagkakatitig ko.


"Halika." Tinawag ko siya padaliri para pausurin siya sa akin.


"Ha?" Napahawak naman ang dalawang kamay niya sa kanyang dibdib. "Bakit nga? Anong gagawin mo? Bakit mo ako pinapalapit sa 'yo?"


"Basta, halika sabi. Usod ka rito."


"P-pero, Lai..." Napalingon-lingon siya sa paligid kung saan wala pang gaanong estudyante maliban sa nasa malalayo na iisa o dalawang piraso na nagdaraan.


Ako na ang umusod sa kanya. Napapikit siya nang mariin nang halos kulang na sa isang dangkal ang pagitan ng mga mukha namin. Pinisil ko ang matangos na ilong niya. "Wala naman akong gagawin. Nakapilipit lang kasi ang lace ng ID mo..."


Marahan siyang nagmulat ng una ay isang mata lang, pagkuwan ay ang isa pa. Malapit pa rin ako sa kanya na halos madama namin ang init ng paghinga ng isa't isa. Ang mga mata niya na kanina'y maligalig, ngayon ay malamlam na.


Nangingiti ako na lumayo sa kanya. "Okay na. Naayos ko na. Puwede ka nang huminga."


Nakayuko lang si Asher at hindi nagsasalita. Ang tainga niya na base sa aking nakikita ay parehong namumula.


"Sige, pasok na ako sa room namin. Alam mo na, nasa akin ang susi ngayon kaya ako ang magbubukas." Wala pa rin siyang imik habang nakayuko nang tumayo na ako. Hinaplos ko pa ang ulo niya bago ko siya tuluyan nang iniwan sa bench na mag-isa. Mayamaya rin naman ay parating na ang mga tropa niya.


Nang malayo-layo na ay saka ako lumingon sa kanya. Hindi na siya nakayuko. Nakasandal na siya sa sandalan ng bench habang nakatingala sa kalangitan at tulala. Ang aking simpleng ngiti tuloy ay higit na tumingkad kaysa kanina.



"LOU, NANDIYAN IYONG SEMI-CAL CUTIE MO!"


Late kaming pinauwi ngayon kaysa sa regular sections. Nasa room pa ang last subject teacher namin nang marinig ko ang sinabi ng isa sa aming kaklase. Dinig na dinig ko dahil sa new seatplan ay nasa likod ko mismo ngayon ang grupo ni Lou.


Nanigas ang leeg ko dahil doon. Sinong semi-cal cutie ang tinutukoy nito?! Napalipad tuloy agad ang aking paningin sa labas ng bintana ng room namin. Nakatayo sa corridor ang matangkad na lalaking guwapo sa maangas na paraan, semi-cal, nakapamula sa school slacks, at nakasabit ang bag sa kaliwang balikat.


Anong ginagawa ni Asher dito? Wala kaming usapang dalawa, maliban sa hiling niya na 'wag muna naming ipaalam kahit kanino na kami na. Kaya bakit ngayon ay nandito siya?!


"Ay, iyan ba iyon?" tanong naman ng isa pang kaklase namin na malapit kay Lou. Nasa bandang likod ko mismo. "In fairness, ang guwapo!"


Panay naman ang hawi ni Lou sa buhok nito nang lingunin ko. "Hala, bakit nandito iyan? Hindi ko na iyan pinapapunta rito, e." Sabay sulyap nito kay Jordan na busy sa paglalagay ng libro sa sariling bag.


"Baka na-miss ka, Lou," sabi naman ng katabi.


Mahinhin na tumawa si Lou. "Hindi siguro. Nag-text kasi ako sa kanya kanina, nagpapasa ako ng load dahil I forgot my purse sa house, di ba? Kaso, he replied na wala raw siyang extra ngayon. So baka he's here para mag-sorry, I don't know."


Nanlaki ang isang tainga ko na nakatapat sa gawi nila. Ano, nagka-text silang dalawa kanina?!


Wala ngang pera si Asher ngayon dahil fifty lang ang ipinabaon sa kanya ng nanay niya, pero paano kung hindi lang fifty? Paano kung buo ang allowance niya ngayon? Papa-load-an niya nga ba itong Lou na ito?!


"Aw..." chorus ang mga nakapalibot kay Lou. "How thoughtful of that guy. Come on, Lou, go to him. Tell him that because he's nice, you'll accept him as a friend."


Muling sumulyap si Lou sa kinauupuan ni Jordan. Sumama ang mukha ng babae nang makitang walang pakialam ang tinitingnan. Sa inis siguro ay napatayo na ito. Nauna pa sa pagpapatayo ng teacher namin sa amin.


"No. I think I'm gonna give that guy a chance," anito na sadyang nilakasan ang boses. Bitbit nito ang bag na pumunta sa pinto.


Sakto na rin na nagpaalam na ang teacher sa last subject. Nagtayuan na ang mga kaklase namin at naglabasan na. Ako na lang ang hindi pa. Nagtatagis ang mga ngipin ko sa kiinauupuan.


Dahil ba talaga kay Lou kaya nandito si Asher? Gusto niya pa rin ba hanggang ngayon si Lou? Dahil sa lahat ng babaeng ginusto niya, ito lang ang hindi naging sila. Niligawan niya pa pero hindi rin umubra. At sa pag-text ba na iyon ni Lou sa kanya kanina ay muli siyang umasa?


Was he really serious about her? But how about me? Did he realize that it would still be better if Lou was his GF and not me?


My fists clenched without me being aware of it. I refused to look. I didn't want to listen anymore, yet I could still hear them. Dinig na dinig ko pa rin!


Ang sunod-sunod na tanong ng mga kaklase kong babae sa kanya. "Hi! Are you the suitor of Lou?", "Anong grade mo?", "What is your section", "Saan ang room mo?", and so on.


Sa lahat ng iyon ay walang kahit na anong sagot mula sa kanya, pero baka nga hindi ko lang narinig. Baka sadyang mahina ang boses niya, o talagang hininaan niya. Mahina na si Lou lang ang makarinig ay sapat na.


Napakurap ako nang makitang may tumulong dugo sa ibabaw ng desk ko. Doon ko lang naramdaman ang paghapdi ng aking ibabang labi. Sa mariing pagkakakagat ko, dumugo na pala.


Ang ingay sa labas ng room ay mula sa pagiging masigla ay tumamlay. Nauwi sa bulungan. Dahil sa biglang paghina ng mga boses, naulinigan ko pa ang puno ng pagtataka na tanong ni Lou. "Asher, bakit?"


There was no answer from him. Nakayuko pa rin ako sa aking armchair habang pinapanood ang isang patak ng dugo ko na naroon. Siguro tatayo na lang ako kapag natuyo na iyon. Siguro saka na ako aalis kapag wala na ring tao sa labas ng room. At siguro—


Malamig pero malambing ang boses na sanhi para mapatingala ako. "Oy, ano pang ginagawa mo rito?"


Ha? Gulat na gulat ako nang sa pagtingala ay ang nakangiti at maaliwalas na guwapong mukha ni Asher ang aking makita. Bakit naririto siya sa loob ng room namin? Sa mismong harapan ko? At kailan pa siya pumasok dito?!


Naupo siya pa-squat sa harapan ko habang nasa mapupulang mga labi pa rin ang isang ngiti. "Kanina pa kita hinihintay, nangalay na ako sa labas, hindi ka pa rin tumatayo rito."


Ang ngiti niya ay nabura nang mapatitig siya sa mga labi kong merong dugo.


"Oy, anong nangyari diyan? Bakit dumudugo iyan?! Ice ka lang?!" Nagmamadali siyang naglabas ng panyo mula sa bulsa ng suot na slacks. Siya na mismo ang maingat na nagdampi niyon sa mga labi ko. Habang ginagawa niya iyon ay nakatingin lang ako sa kanya, partikular sa magagandang uri ng mga mata niya na masisinagan ng pag-aalala.


Totoo ba ito? Nag-aalala siya? Totoo rin ba na ako talaga ang ipinunta niya rito at wala ng iba?


Hindi lang ako ang tigagal sa mga oras na ito, pati na rin ang mga kaklase ko, at higit lalo si Lou na tila naestatwa sa may pinto.


Nang mapunasan ang labi ko na may dugo ay tumayo siya. Siya na ang naglagay sa bag ko ng aking naiwang ballpen sa armchair. Binitbit niya rin ang bag ko sa kabilang balikat niya. Kahit pa iyon ay may kabigatan, wala siyang pakialam. "Tara na." At sinenyasan niya ako na tumayo na.


Tigagal pa rin naman ako nang tumayo at sumunod sa kanya. Nakatingin ang lahat sa amin. Ang mga naiwang kaklase kong lalaki ay nasa mukha ang amazement, ang mga babae ay halo, may nakataas ang kilay, may walang pakialam, at sa grupo ni Lou, matatalim sa akin ang mga tingin ng mga ito.


Si Jordan naman na nasa labas pa rin pala ay ang bukod tanging hindi negatibo ang reaksyon. Nang magtama ang mga mata namin ay tinanguan ako nito, at pagkuwa'y umalis na nang may maliit na ngiti sa mga labi.


Si Asher ang nauuna sa paglabas ng pinto habang ako ay nakasunod sa likod niya. Si Lou ay madadaanan dahil nasa mismong pinto ito. Nang tumapat si Asher dito ay hindi nakatiis ang babae na magsalita. "Kilala mo si Laila?"


Huminto sandali si Asher at nilingon si Lou. "Hindi gaano."


Ang nakangiwing mga labi ni Lou ay biglang nagbago. Ang mga mata ay muling nagkakislap. "Hindi gaano? So you're just here to make me jealou—"


"Hindi pa gaano kasi getting to know each other pa lang kami," putol ni Asher sa sasabihin pa dapat nito.


Napanganga si Lou habang ako naman ang napangiwi sa mga oras na ito.


"Saka 'wag mo na akong ini-english, sa GF ko pa nga lang pagod na ako sa kaka-Google kapag nag-e-english, eh. Kaya 'wag ka nang dumagdag. Mas okay rin siguro kung 'wag mo na pala akong kausapin." Nilingon ako ni Asher at matamis na nginitian. "Lai, tara na."


"G-GF?" windang na sambit na lang ni Lou nang lampasan na namin ito.


Bago pa kami tuluyang makaalis ni Asher ay lumingon pa ulit ako kay Lou at sa grupo nito upang mag-iwan ng ngiting panalo. Saka ako masiglang sumunod na sa BF ko!


Nasa gate na kami nang haltakin ko ang bag niya para patigilin siya. Happy naman ako kaya lang gusto ko pa rin siyang i-kompronta. "Bakit ka pumunta sa room namin? Wala iyon sa usapan, ah? At bakit may pa-eksenang ganoon? May pinaglalaban ka ba?!"


Nakasimangot ang guwapong mukha nang humarap siya. Iyong simangot na hindi naman galit, iyon bang parang nagtatampo lang.


Napahalukipkip tuloy ako habang nakatingala sa kanya. "'Wag mong gamitin sa akin iyang mukha mo na iyan, oo at nakakapanghina iyang pagmumukha mong iyan, pero sagutin mo muna ang tanong ko. Ayusin mo ang sagot dahil nakasalalay riyan kung aabutan ka pa bukas ng umaga."


Napakamot siya ng ulo. Inilagay niya sa kanyang harapan ang bag niya. Binuksan niya ang zipper at mula sa loob ay may kinuha siya. Napakurap-kurap ako nang makita ang isang nasa 30 centimeters na purple bear stuffed toy. May red ribbon iyon sa leeg na nakasulat ay BLUE MAGIC. Inabot niya iyon sa akin. "O para sa 'yo."


"P-para sa akin 'yan?"


"Alangan naman para kay kuyang guard sa gate." Nakasimangot pa rin siya nang isalaksak niya iyong stuffed toy na bear sa akin. "Sa 'yo nga iyan!"


Napayakap naman ako sa malambot na stuffed toy habang natatanga pa rin na nakatingala sa kanya.


Nagsalita siya habang hindi makatingin sa akin nang deretso at ang mukha ay bahagyang namumula. Tumihikhim siya bago muling mahinang nagsalita. "Pumunta ako sa room niyo para surpresahin ka sana. Ito ang unang beses na nakaabot ako ng isang buwan sa isang relasyon. Ngayon lang din ako sumaya nang ganito at nakuntento—"


Hindi na niya natapos ang sinasabi dahil tumingkayad na ako para mabilis na yakapin siya. Namimilog ang mga mata niya sa akin paghiwalay ko sa kanya.


"Happy first monthsary, Asher," nakangiting sabi ko. At ako naman ngayon ang nauna nang lumakad sa kanya patungo sa gate.


Mga ilang segundo rin bago ko siya maramdamang humabol sa akin. At bago lumabas ng gate, naramdaman ko ang simpleng pagkuha ng kamay niya sa isang kamay ko... para pagdaupin ang mga ito.


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro