Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

HINDI AKO NAKATULOG.

Magdamag akong dilat. Kung nakakaidilip man ay naaalimpungatan din agad. Nasa kuwarto ako ni Vien. Mag-isa lang sa kama kaya kahit biling-baliktad ako sa paghiga ay ayos lang.


Nakatulog ako bandang 7:00 a.m. na. Hindi ko na namalayan ang oras. Maingay sa ibaba pagmulat ko. Alas dose na. Nakakahiya. Tinanghali ako ng gising. Napabalikwas ako ng bangon.


"Gising ka na pala, Vivi." Si Mama Anya ay may bitbit na bandehado na may sabaw. "Hindi na kita ginising dahil parang puyat ka."


Napatingin ako sa mesa. Nandito na si Isaiah. Pinagsasandukan niya ng kanin ang plato ni Vien. Hindi siya nakatingin sa akin.


"Elow, Mommy!" bati sa akin ni Vien nang makita ako.


Naupo na ako sa hapag. Habang kumakain ay patingin-tingin ako kay Isaiah. Anong oras siya bumalik?


Pagkatapos kumain ay ako ang nagligpit ng pinagkainan. Si Isaiah naman ay pumasok sa banyo para maligo. Pagkaligo ay binitbit niya na si Vien sa itaas para patulugin.


Naligo na rin ako pagkatapos maglinis ng kusina. Umakyat ako sa itaas. Wala si Vien sa kuwarto ng bata, kung ganoon ay nasa kuwarto ito ni Isaiah. Doon ako pumunta. Naka-lock na naman ang pinto.


Kumatok ako. Gusto ko siyang makausap. Mga limang katok bago siya nagbukas. Hindi naman siya mukhang nakatulog. "Bakit?"


"P-puwede ba tayong mag-usap?"


"Tungkol saan?"


Napalunok ako sa kalamigan ng tono niya. Gusto ko nang umatras pero nagpakatatag ako. "Tungkol sa atin, Isaiah. Mag-usap tayo."


Napatanga ako nang tumaas ang gilid ng bibig niya. "So you decide when you want to talk."


Lumabas siya ng kuwarto at pumasok sa kuwarto ni Vien. Sumunod ako sa kanya. Ako ang nagsara ng pinto. Nakatalikod siya sa gawi ko habang nakapamulsa sa suot na sweat pants.


"Isaiah, mag-usap tayo..." simula ko. "T-tungkol sa nangyari sa atin kahapon. Anong ibig sabihin non?"


Nanigas ang malapad na balikat niya.


"Isaiah, sorry dahil gusto ko lang malaman kung..."


Humarap siya sa akin. "Saan mo nakukuha lakas ng loob mo?"


Napaawang ang mga labi ko. Para akong sinampal dahil sa titig ng seryosong mga mata niya. Nangatal ang katawan ko at hindi ako makapagsalita.  


Hindi na rin ulit nagsalita si Isaiah. Para bang naisip niya na isang malaking sayang sa kanyang oras ang makipag-usap pa sa akin. Iniwan niya akong mag-isa at tulala sa kuwarto ng anak namin.


Hindi ko alam kung gaano ako katagal ng nakatayo sa kuwarto ni Vien. Tulala lang sa pader, masakit ang dibdib ko pero ayaw kong umiyak. Kasalanan ko naman kasi, dahil ang tanga-tanga ko na isiping dahil lang may nangyari sa amin ay okay na kami. 


Ilang oras pa ang nagdaan at dumidilim na sa labas ng bintana, pero nandito pa rin ako. Nakatayo pa rin ako sa puwesto ko, blangko ang mga mata, at walang kakurap-kurap na tulala sa kawalan.


Napakurap lang ako nang marinig ang boses ng anak ko, gising na pala ito kanina pa. Saka lang bumalik ang buhay sa mga mata ko, saka lang ako kumilos, at saka lang din bumalik ang maliit na ngiti sa mga labi ko. Inayos ko ang aking sarili saka ako masiglang lumabas ng kuwarto. 



"ISAIAH, NANDITO PINSAN MONG HILAW!"


Nasa hagdan ako nang hagdan nang marinig ang sigaw ni Mama Anya. Pagbaba ko ay hinanap ng aking mga mata ang anak ko. Nasaan si Vien?


Si Vien at ngumangabngab ng icecream. Nakakalong ito sa guwapong lalaki na nakasuot ng polo na puti at jeans, ang mga mata sa likod ng suot na specs ay kulay abo. Seryoso ang itsura kaya muntik ko pang hindi makilala.


Nang ngumiti ito ay saka lang lumiwanag ang mukha at umamo ang mga mata. "Hello, Vivi."


"H-hello." Nagulat ako na si Arkanghel ito. Mukhang nahiyang ito sa ibang bansa at sa pagiging mayaman. Lalo itong gumuwapo, kaya lang ay nawala na ang pagiging pilyo. Seryoso na ang dating nito. 


Parang nagmukha prinsipe bigla si Arkanghel sa paningin ko. Gayunpaman, papalag pa rin si Isaiah sa kaguwapuhan ng pinsan. Isaiah might not pass as a royal prince, but he could effortlessly pass as the empire's charming knight.


Dumating din si Asher mayamaya. Katulad ng magpinsang hilaw ay ang laki na rin ng ipinagbago nito. Ang tangkad din, lumaki ang katawan, pumusyaw ang balat, at gumuwapo lalo. Wala na ring bakas ng pagiging pilyo.


If Arkanghel was the crown prince and Isaiah was the empire's charming knight, then Asher was the warmonger duke, the hero of the battlefield.


Mga seryoso ang mga ekspresyon nila habang magkakasama sa sala. Ano bang nangyari? Bakit parang mga nag-ibang tao bigla sila?


Hindi rin nagtagal si Asher dahil may pupuntahan daw ito. Tinanguan lang ako nito bago umalis. Hindi ginanti ang ngiti ko o kahit ang pagbati.


Tumayo rin sina Isaiah at Arkanghel. Narinig ko na bibili sila ng alak. Mag-iinuman. Duet na sa pagtatatalak sina Mama Anya at Tita Roda hindi pa man nagsisimula ang magpinsan.


Pagbalik nina Isaiah at Arkanghel ay may mga dala na ngang bote ng Red Horse. May juice sa pack at mga junkfood. Si Vien ay kumuha agad ng dalawang Piattos at Nova.


"Hoy, pulutan 'yan!" tawag ni Isaiah pero nanakbo na ang bata paakyat sa itaas.


Si Arkanghel ay lumabas saglit para bumili sa kanto ng barbecue. Si Isaiah naman hinahanda ang mesita kung saan sila mag-iinom.


"Vi, penge ngang yelo," utos niya sa akin. Saka niya lang parang naalala na nag-e-exist ako.


Walang reklamo na sumunod naman ako. Kumuha ako sa ref ng yelo na binili nila kanina, at nilagay sa bandehado bago ibinigay sa kanya. Tinanggap naman niya iyon at hindi niya na ulit ako kinausap.


Pagbalik ni Arkanghel ay parang na-harass ang itsura nito. Magulo ang buhok at tabingi ang kwelyo. "Isaiah, bakit biglang naging inaanak ko lahat ng anak at apo ng kapitbahay natin?"


Natawa si Isaiah. "Aba, masarap nga naman kasing magka-ninong na may ari ng malaking kompanya. Kung sanggol lang ako, e kukunin din kitang ninong ko."


"Fuck you!"


Binato naman niya si Arkanghel ng cornick. "Kahit pa hindi tayo magkadugo, hindi pa rin tayo talo! Maglaway ka gago!"


Nagsimula na silang tumagay. Ako ay nasa tabi lang para kapag may iuutos si Isaiah. Minsan kasi ay kailangan niya ng extrang baso, kutsara na panghalo sa juice o kaya kahit taga abot ng remote. Nanonood kasi sila ng movie habang nag-iinom.


Nagpa-order ng dinner si Arkanghel. Doon dinala sa bahay nina Tita Roda kaya roon naghapunan sina Mama Anya at Papa Gideon. Kasama ng mga ito si Vien. Napakuwento pa yata kaya hindi pa nagsisibalik.


"Vi, pakuha nga ng CP ko sa kuwarto," utos ni Isaiah sa akin.


Tumango ako at tumalima agad sa utos niya. Umakyat ako sa itaas para kunin ang phone niya. Sa kama ko nakita ang phone. Dadamputin ko na iyon nang biglang sunod-sunod na mag-beeped.


Napatingin ako sa screen. Makikita roon ang sender ng text message. Ang sender ay nagngangalang Patrice. Nangunot ang noo ko. Ito ba ang Patrice Lim na nagregalo kay Isaiah ng pulang kandila at briefs?


Parang may sariling isip ang mga daliri ko na nag-tap sa screen. May lock ang phone. Sinubukan ko ang birthday ni Vien. Gumana iyon at bumukas.


Patrice:

Ignoring me?


Maraming messages. Mukhang naiinis o galit na iyong Patrice. I was about to stop reading when I saw they had previous conversations apart from the woman's messages. 


Patrice:

Went to your condo last night but you weren't there. *sad emoticon*


May condo si Isaiah sa Manila?


Sa klase ng text ni Patrice ay parang hindi iyon ang unang beses na nakapunta ito sa condo ni Isaiah.


Isaiah:

I'm in Cavite. Monday pa balik ko.


Lumamig ang mga mata ko na nakatingin sa screen. Why did he have to answer her? Why did he have to tell her where he was and when he would be back?


Patrice:

Oh, sad coz wanna drink with you.


Wala nang reply si Isaiah. Si Patrice ang mag sunod-sunod na text.


Patrice:

Imy. Saan ka ba banda sa Cavite? Maybe I can visit you there? Wanna meet your fam too, especially your kid.


Humigpit ang pagkakahawak ko sa phone sa huling message nito. Itinigil ko na ang pagbabasa.


Umalis na ako sa messages. Bumaba na ako bitbit ang phone ni Isaiah. Walang salita na inabot ko na iyon sa kanya. Hindi rin naman niya ako tinapunan ni sulyap. Busy siya sa pagtungga sa laman ng hawak na shot glass.


Naupo ako sa may dining habang tahimik na nakatanaw lang sa kanila. Salitan lang sila ni Arkanghel sa tagay, walang usap. Hanggang sa nakaubos na sila ng isang bote.


Kunsuming-kunsumi si Tita Roda sa kakabalik-balik. "Nag-iinom pa rin ang mga ungas na 'yan? Anong oras na?!"


"Ma, minsan lang naman," nakangising sabi ni Arkanghel sa ina. Bangenge na. His composed face was now gone.


"Hayaan niyo na, nagkakasiyahan lang naman ang magpinsan," sabat ni Tito Kiel na sumilip sa pinto. Tumingin ito kay Arkanghel. "'Nak, thank you ulit sa bagong bala ng NBA, ah?"


Dinagukan ni Tita Roda ang asawa. "Isa ka pa! Ang tanda mo na, naglalaro ka pa rin ng video games! Nagsasayang ka ng kuryente!"


Sumabat si Arkanghel, "Ma, ako na lang po magbabayad ng bill niyo ni Papa."


"Manahimik ka!" singhal ni Tita Roda rito. "Ubusin niyo iyang isang bote at pagkatapos ay tama na, ha?! Pag hindi pa kayo tumigil, lalagyan ko ng betsin 'yang alak niyo!"


Ngingisi-ngisi lang naman ang magpinsan.


Bumalik na sina Mama Anya bandang 10:00 p.m. Nakatulog na si Vien na karga-karga ni Papa Gideon. Umakyat na ang mga ito sa itaas pero hindi pa rin tapos sina Isaiah at Arkanghel sa pag-iinom.


Inabot na sila ng madaling araw. Lumabas pa ulit sila para bumili ng alak. Hindi na lang Red Horse, may Emperador na rin. Nang malamang nag-motor sila ay sa pagbili ay pinaghahampas sila ni walis ting-ting ni Tita Roda sa labas.


Bandang alas tres nang hindi na magkagulapay si Arkanghel sa upuan. Nagsasalita na ito o mas tamang sabihin na umuungol. "Sussie... Sussie, where are you? I can't see you, Sussie...!"


Kung hindi pa ito inalalayan ni Isaiah ay muntik nang mangudngod si Arkanghel sa sahig. Pulang-pula na ang mukha nito hanggang leeg. Parang naghihingalo na.


"Nasa kanina si Sussie, insan." Pabalibag na ibinalik ni Isaiah si Arkanghel sa upuan.


Nagpapadyak naman si Arkanghel. "Ahhh, Sussie!" Nabasag na ang boses nito. "Sussie, go on! Fine, hate me! Don't forgive me! You can kill me too if you want!"


"Insan, magigising sina Mama, yari tayo!"


Pero ayaw pa rin paawat ni Arkanghel. "Sussie, if I die, will you finally forgive me?!" sigaw nito na may halo ng iyak. Hindi na kagalang-galang, parang isa na itong batang napagalitan. "Sussie, but if I die, I can not see you anymore, right? So, Sussie, please don't kill me!"


"Tangina naman, insan!" Dinaganan na ito ni Isaiah ng unan sa mukha.


Kandasubsob na rin si Isaiah dahil lasing na rin. Napatayo na ako nang muntik na siyang mapahalik sa pader pag-atras niya.


"Isaiah, tara na." Inalalayan ko siya. Halos pikit na rin ang mga mata niya at sumisinok siya.


Inakyat ko na si Isaiah sa itaas. Si Arkanghel naman ay naiwan sa sofa. Binalikan ito ni Tita Roda para punasan ng basang tuwalya. Umiiyak na ngayon na parang bata ang lalaki.


Hirap na hirap ako na iakyat si Isaiah sa hagdan dahil paekis-ekis na ang hakbang niya. Kung saan-saan pa patungo ang paa niya. "Isaiah, sandali, mali. Pader 'yan."


Tumungo siya sa akin at ngumisi. Napakurap ako nang pisilin niya ang pisngi ko. Hindi pa siya nakuntento, yumukod pa siya at hinalikan ako. Nanatili lang naman na kalmado ang ekspresyon ko.


Pagkapasok sa kuwarto niya ay isinara ko agad ang pinto. Pinahiga ko na siya sa kama. Pabiling-biling ang ulo niya habang nakangisi.


Talagang nasobrahan siya sa pag-inom ngayon. Sandali lang ay dumuduwal na siya sa sahig. Napababa tuloy ako para magbasa ng malinis na tuwalya at para kumuha na rin ng basahan at timba.


Sa sala ay sumusuka na rin si Arkanghel. Si Tita Roda ang umaasikaso rito habang katawagan ng ginang sa phone ang biological mother ng lalaki. Humihingi ito ng pasensiya sa kausap sa phone.


Sa aking pagbalik sa kuwarto ay hinubaran ko si Isaiah. Pinunasan ko siya ng basang tuwalya ang mukha at leeg niya. Nang maiayos ko siya sa kama ay aking sinunod na linisin sa sahig ang suka niya.


Nasuka pa ulit si Isaiah sa timba. Hinagod ko ang likuran niya para pakalmahin siya. Tinabig niya ang kamay ko. At nang tumingin siya sa akin ay natigilan ako. 


"Vi, bakit ka pa ba bumalik?"


Namumungay man ang mga mata niya ay masisinag doon ang pait.


"Bakit bumalik ka pa? Tanggap na namin na hindi ka na babalik. Pinili mo nang mahirapan sa Australia, di ba? Tangina, parang kasalanan ko pa na naghihirap ka roon."


"Isaiah, gusto ko lang makasama ang anak natin."


"Tanginang dahilan 'yan." Sumabog ang galit sa mga mata niya. "Gusto mong makasama? E natiis mo nga na hayaang lumaki na nasa malayo ka. Maiintindihan ko pa sana kung nang mamatay si Mommy Veron e umuwi ka, pero hindi pa rin."


"M-may sakit din si Tita Duday. Hindi ko siya puwedeng basta iwan. Baon pa rin sa utang—"


"Tangina, tama na," mariing sambit niya. "'Wag na tayong magaguhan dito o. Kung iyong utang niyo lang din doon, handa naman kami noong tumulong. Ibebenta namin ang van, magsasanla ulit kami ng lupa, o kaya kahit mangutang ako kay insan. Lahat na, para mapauwi ka lang."


Pumatak na ang mga luha ko. Kanina ay dapat mag-uusap kami pero tinalikuran at iniwan niya ako. Ngayon kung kailan lasing siya ay saka niya na nailalabas ang laman ng dibdib niya.


"Hinagilap ko pa si insan para tulungan ako na mapauwi ka! Kahit isama mo pa pauwi rito ang tita mo. Pero nasaan ka sa loob ng isang taon na hindi ka nagparamdam? Ang dami-dami mong dahilan. Aminin mo na lang kasi, less priority mo kami!"


Basag-basag na ang boses niya habang dinuduro ako. 


"Buntis ka pa lang noon, niyayaya na kita na magpakasal. Bakit hindi ka pumayag? Bakit kahit anong bring up ko ng usapan tungkol sa kasal, umiiwas ka?!"


Pinisil niya ang aking braso para paharapin ako sa kanya dahil nakayuko ako habang tahimik na umiiyak.


"Ang dami mo palaging dahilan noon. Kahit may kutob na ako, pinipili ko pa ring paniwalaan ka. Hanggang sa nagkatotoo na iyong hinala ko. Kaya pala ayaw mong magpakasal sa akin kasi alam mong darating ang araw na aalis ka. Tama ako, di ba?"


Tumango ako habang umiiyak. Ayaw kong magsinungaling.


"O di ba, putang-inga!"


Napahilamos siya ng palad sa kanyang mukha.


"Pero ayos lang iyon. Nabuhay naman ang anak natin na kami lang ang kasama niya." Nagpatibuwal siya muli pahiga sa kama. "Kaya 'wag kang umakto na parang napakalaki ng halaga mo. Dahil kahit wala ka, kinaya naman namin lahat dito!"


Nang makatulog na si Isaiah ay tahimik akong umiyak.  Tahimik akong umiiyak habang patuloy na nagliligpit. 


Nilinis ko ang natapon na suka niya sa sahig. Nang sumuka ulit siya ay sinahod ko sa timba ang suka niya. Hinihingal na ako kakababa-taas sa hagdan para linisin ang timba na sukahan niya. Mga 4:00 a.m. na ako nakapagpahinga.


Pumasok si Vien sa kuwarto. Pupungas-pungas ito. "Mommy, ditu aku tulog!" Hindi na ako nito hinintay na sumagot. Sumubsob na agad ito sa tabi ng ama.


Nang maramdaman naman ni Isaiah ang bata ay agad na niyakap niya ito. Sandali lang ay magkayakap na ang mag-ama sa kama.


Nakatitig ako sa kanilang dalawa habang tumutulo ang luha ko sa aking mga mata. Mas lamang talaga ang mukha ni Isaiah sa bata. Para silang pinagbiyak na bunga.


Ang kirot sa dibdib ko ay kumalat sa aking buong sistema. Hindi na ako nakatulog pa, inubos ko na lang ang natitirang oras sa pagmamasid sa kanila. Sa pagkakataong ito, wala nang luha na kumakawala mula sa mga mata ko.



HAPON. Gising na si Vien. Kapapaligo ko lang dito pero naroon sa sala habang pagulong-gulong sa sahig kasama ang dalawang aso. Hindi nakapasok ang bata ngayong araw dahil sa puyat. At dahil din hindi ko na ito naasikaso.


Nasa kusina ako habang blangko ang mga mata na nakatanaw kay Vien nang mula sa hagdan ay bumaba si Isaiah. Kagigising lang niya. Gulo-gulo pa ang kanyang buhok.


"Nasaan ang baril ko?" tanong agad niya. Ang tinutukoy niyang baril ay iyong in-arbor niya sa pinsan niyang si Arkanghel. Iyon din iyong baril na ginamit niya noong nakipagtutukan siya kay Daddy noong nakaraan.


Wala siyang malay na dumating ang kaibigan niyang si Carlyn kanina habang tulog siya. Kinuha nito ang baril niya.


Hindi ako sumagot. Si Mama Anya ang sumagot sa tanong niya, "'Wag mo nang hanapin. Kinuha na ni Carlyn kanina habang tulog ka. May babarilin yata siya."


Napasabunot si Isaiah sa kanyang buhok. Nagkalkal siya sa ref. May hangover siya at gutom. Naghahanap siya ng makakain. Ang nakita niya lang ay iyong tira kaninang tanghalian. Nawalan siya ng gana kasi malamig iyong ulam.


Napatingin siya sa pera na nasa mesa. One thousand seven hundred pesos iyon. Si Mama Anya ang nagsalita kahit hindi siya nagtatanong, "Sa 'yo iyang perang nandiyan."


Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ha?"


"Bayad daw ni Vivi sa 'yo."


Saka siya napatingin sa akin. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. "Iyong bayad iyan sa inabono mo kay Aling Barbara noong nakaraan. Pasensiya ka na kung ngayon lang."


Lalong nangunot ang noo niya dahil sa kaswal at kalmadong tono ko. Lalong pa siyang napakunot noo nang makita ang bag na bitbit ko.


Lumakad na ako papunta sa sala. Nakapagpaalam na ako kaninang umaga kay Mama Anya na uuwi muna. Magpapakabit na kasi ako ng kuntador bukas sa bahay. Saka aasikasuhin ko na ang aking requirements para sa pag-a-apply ng trabaho.


Si Mama Anya na nagbubunot ng buhok sa kili-kili gamit ang tiyane ay tumingin sa akin. "Vi, ayos lang ba talaga na umuwi ka sa inyo? Nandoon ba ang daddy mo?"


"Wala po si Daddy. Ilang araw na raw po na hindi umuuwi sabi ni Tita Hannah na kapitbahay namin."


Si Vien ay gumapang papunta sa akin. Kagat-kagat kasi ng aso ang laylayan ng shorts nito. "Mommy ku, kelan ka babalik?!"


Hinimas ko ang ulo ng bata. "Pagkatapos kong asikasuhin iyong ang requirements sa in-apply-an ko. 'Wag kang pasaway rito habang wala ako, ah?"


Nakalabi na tumango si Vien. Naupo naman ako para halikan ito sa noo. Pagkuwan ay nagmano ako kay Mama Anya.


Sa aking peripheral vision ay nakita ko nakatingin sa akin si Isaiah. Nilingon ko siya para tipid na tanguan. Pagkatapos ay lumabas na ako ng pinto.


Bukas ang gate ng compound kaya tuloy-tuloy ako sa paglalakad. Palabas na ako nang sumunod sa akin si Isaiah. Paglingon ko sa kanya ay sa kamay niya tumuon ang aking mga mata. Dala niya ang susi ng motor niya.


Malumanay ko siyang nginitian. "Inutusan ka ba ni Mama Anya na ihatid ako?"


Hindi siya kumibo. Nagtataka sa akin ang mga tingin niya.


Nakangiti pa rin ako nang umiling sa kanya. "Isaiah, 'wag ka nang mag-abala."


At bago pa siya makapagsalita ay tinalikuran ko na siya. Kung ano man ang naging reaksyon niya, hindi ko na rin pinagkaabalahang alamin pa.


JF


#SerialCharmerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro