Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46

MALIGO KA PAGKATAPOS AY BUMALIK KA RITO.


Nakakabingi ang kabog ng aking dibdib nang sumunod ako sa sinabi ni Isaiah. Bumaba nga ako para maligo. Dahil lutang ay tuwalya lang ang aking nadala, at wala akong nabitbit na pagbibihisan. Pero kailangan pa ba?


Ang tagal ko sa ilalim ng shower. Naka-tatlong beses yata akong nagsabon. Pagkaligo ay nag-toothbrush din ako. Hindi pa ako nakuntento, nagbuhos pa ulit ako. Sari-sari ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Gulat, kaba, at inaamin ko... may pagkasabik ako na nadarama.


Umakyat na ako sa second floor matapos ang almost 40 minutes ko sa banyo. Giniginaw na ako, pero balewala ang ginaw sa lakas ng kabog ng dibdib ko.


Pagkarating sa tapat ng pinto ng kuwarto ay mas lalo pang lumagabog ang aking dibdib. Sa tagal ko ay hindi kaya'y nakatulog na si Isaiah? Kumatok muna ako ng dalawa bago ko binuksan ang pinto. He was still on the bed with only his pajamas and nothing on top. Ewan ko kung tulog na ba.


Pumasok na ako. Malamig at madilim sa loob. Ang liwanag lang ay ang lumalagos na init mula sa manipis na kurtina. Hininaan ko ang aircon saka ako lumapit sa kama. Wala pa ring kakilos-kilos sa pagkakadapa si Isaiah. Tulog na nga siguro siya—


"Bakit ang tagal mo?"


Muntik na akong masubsob sa paghakbang ko dahil sa bigla niyang pagsasalita. Hindi pa pala siya tulog. "Gising ka?"


"Hindi. Nag-sleep talking lang ako." Nag-angat siya ng mukha at nakita ko na bahagyang namumula ang kanyang mga mata. Mukhang sa paghihintay sa akin ay nakaidlip na siya.


Lumabi ako. "Sorry ang tagal ko. Kinakabahan kasi ako..."


"At bakit ka kinakabahan?" Sinipat niya ako ng tingin. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang ayos ko. "Saka, bakit nakatuwalya ka lang?"


Kumiling ang aking ulo. "Ha? Di ba may gagawin—"


Bumalik siya sa pagkakadapa. "Masahiin mo ako."


Bumagsak ang balikat ko. "Ha?"


"'Di ba marunong ka kamong magmasahe? Pakita mo na 'yang pinagmamalaki mo. Masahiin mo ako."


Kung ganoon ay mali ako ng naisip? Pero bakit disappointed ako? Napalabi ako habang nakatingin sa kanya, partikular sa matambok na pang-upo niya. "Kung masahi lang pala, magdadamit muna ako—"


"Masahiin mo na ako, dalian mo. Magpapahintay ka na naman. Bilis. Dang bagal, ah!"


"S-sige na nga, mamaya na ako magbibihis..." Kikibot-kibot ang labi na sumampa na ako sa kama. Mamaya na ako magdadamit. Mamasahiin ko na muna siya bago siya magalit na naman.


Umayos si Isaiah sa pagkakadapa. Nanginginig ang mga palad ko nang lumapat sa matigas at malapad niyang balikat. Hindi ko maiwasang hindi mapalunok. Kahit malamig ang buga ng aircon at nakahubad siya, ang init pa rin ng kanyang balat.


I couldn't help but smile while giving him a back massage. Hindi ko akalain na mahahawakan ko ulit siya nang ganito. Kumpara noon ay talagang lumaki at nabanat na ang katawan niya. He became slightly muscular, just right for his towering height. 


Maganda naman ang katawan niya dati pa. Kahit kulang sa tulog ay nag-e-exercise siya tuwing bagong gising. Pampawala niya ng antok ang one hundred push ups a day. Minsan kapag tinatamad ay fifty push ups.


Magaling din siyang sumayaw. Minsan kahit nagsasampay lang ay sumasayaw pa siya. May pagkakataon din na para may pang-Jollibee ako noon, ay umi-extra siyang zumba instructor sa zumba sa baranggay.


I slowly made a circular motion as I moved my hands upward Isaiah's back. Wala naman siyang kakilos-kilos sa pagkakadapa. "Uhm, Isaiah..." tawag ko sa kanya.


"O?" tamad na tanong niya.


"Wala ka bang lotion? Para sana madulas."


"Wag ka nang maghanap ng wala."


"Okay..." Ayos lang naman magmasahe kahit walang pampadulas, kaya lang gusto ko sana na meron. Para lang masahe talaga.


Mga sampung minuto siguro nang marinig ko siyang magsalita. "Tama na."


Ha? Ayaw na ba niya? Hindi ba siya nasarapan sa masahe ko? Ibinuhos ko naman ang best ko, ah?


Tumihaya siya. Napaawang ang mga labi ko nang masalo ang nakakatupok na tingin ng mga mata niya. Parang hindi na masahe ang gusto niya. 


Hinuli ng kamay ni Isaiah ang aking kanang pulso, at sa aking pagkurap ay ako na ang nakahiga sa kama at siya na ang nasa ibabaw ko. "Isaiah..." gulat na sambit ko.


Nakanganga lang ako sa pagkagulat nang yumukod siya at siniil ng mainit na halik ang aking mga labi. Nanlaki ang mga mata ko. 


Ang utak ko ay windang. Totoo bang hinahalikan talaga ako ngayon ni Isaiah? Totoo bang nararamdaman ko muli ngayon ang mga labi niya? Nalalasap ko muli ngayon kung gaano kasarap ang halik niya? 


Nang gumalaw ang malambot niyang mga labi sa ibabaw ng mga labi ko ay para akong nalunod. It was as if the air suddenly ran out of my chest, and the only way to breathe was to kiss him back.


And then I found myself closing my eyes and accepting his kisses. Ginaganti ang mga halik niya. Niyayakap siya.


Napaungol si Isaiah sa loob ng bibig ko nang salubungin ko ng aking dila ang pagpasok ng dila niya. Para kaming mga uhaw na ayaw mag-aksaya ng sandali. Maririnig ang tunog ng halikan namin sa loob ng tahimik ng kuwarto.


Isaiah's wet and warm lips slowly moved down my neck. I could only hold on when he started kissing, licking, and tasting me there. Naalis niya na rin pala ang tuwalya sa katawan ko. Wala nang takip ang aking magkabilang dibdib na ngayon ay nakakulong na sa mainit na mga palad niya. Ang mahahaba niyang daliri ay nilalaro ang dulo ng mga ito.


Nang ang mga labi niya na ang nasa aking dibdib ay napasabunot ako sa kanyang buhok. "Isaiah..." impit na daing ko.


Ang pagliyad ng aking katawan ay hindi ko na mapigilan. Parang dumadaloy ang kuryente mula sa mainit na bibig niya patungo sa dibdib ko. It didn't end there, because his left hand was already between my legs.


His hand moved on top of my sex, and he pushed a finger inside. And a second finger moved in right after. Inaatake niya ako sa taas at ganoon din sa ibaba.


Pabiling-biling na ang aking ulo sa unan dahil sa tindi ng sensasyon na binibigay niya ngayon sa akin. His lips. His mouth. His long fingers. How he used all of those parts of him. Hindi pa rin siya nagbabago, ang galing pa rin. O mas lalo pa yatang gumaling.


Nanginig ang balakang ko kasabay ng pagkaubos ng aking lakas. Doon lang huminto si Isaiah at bumangon. His gaze was devouring my nakedness as he pulled down his pajamas.


Hindi ko rin naman maalis ang aking tingin sa katawan niya, higit lalo sa parte niyang ngayon ko na lang ulit nakita. His manhood were huge, slightly swollen, and erect. I wanted to touch it and I did.


Isaiah bit his lower lip, hard, like he was in pain. Lalo nang damahin ko ng aking daliri ang basang dulo niyon.


"Itigil mo 'yan," paos na saway niya sa akin. Hinuli niya ang kamay ko at dinala sa aking uluhan.


May inabot siya sa drawer ng bedside table. Kumislap sa malamlam na liwanag ang kulay pula foil. Dinala niya iyon sa bibig niya at kinagat para buksan. Naamoy ako ang pamilyar na matamis na amoy.


Inabot niya iyon sa akin. "Wear it on me. 'Wag kang mag-alala, good item 'yan."


Nanginginig ang kamay na tinanggap ko iyon. He seemed to get harder when I put the condom on him and it almost didn't fit.


Pagyuko ni Isaiah ay muling nagsanib ang mga labi namin. Nagrigodon sa antisipasyon ang puso ko nang maramdaman ang pagbuka niya sa aking mga hita. He would now take me, again. Our bodies would be entwined once more.


It hurt a little, but the pain went right away. Isaiah though didn't move yet, like he was waiting for me to adjust first. I rose my hips to meet him to let him know that I was now ready to fully take him.


Ang magandang uri ng mga maya niya ay para bang lalong nagliyab. And when he started to move inside me, I melted under him.


He was now going fast and hard but I could tell that he was still holding back. "Ah, Vi..." he growled when he felt me clenching around him.


Inabot ko ang pawisan niyang pisngi pero hinuli lang niya lang aking daliri. He brought my fingers to his mouth and sucked them.


His movement now became intense, until the creaking of his bed could be heard and the metal headboard was now banging against the wall.


Nakatunghay siya sa akin. Tila gustong kabisaduhin ang lahat ng ekpsresyon na meron ako. At nang malapit na ako, nang makita niya ang pag-alpas ng aking paghinga ay hinugot niya ang sarili sa loob ko. Nagtatanong ang mga mata ko sa kanya.


He pulled me up and when he was about to flip me, my eyes widened in panic. I knew immediately what position he wanted us to do.


"S-sandali, Isaiah!" Pinigilan ko ang paghawak niya sa akin sa bewang.


I pushed him to the bed then I went on top of him. Nakamaang siya sa akin kung bakit ako umibabaw sa kanya.


"A-ako na lang..." I hastily positioned myself on his manhood before he could even protest. Napanganga na lang siya nang maipasok ko na lahat-lahat.


Hindi rin nakuntento si Isaiah nang nakahiga lang. Bumangon siya. Kinuha ko naman agad ang mga kamay niya at inilagay sa aking dibdib, then I grabbed his face and kissed him as I ride his throbbing hardness.


Magkasama kaming bumagsak sa kama. Nasa ibabaw niya ako habang magkahugpong pa rin ang aming katawan at aming mga labi. Akma niya akong yayakapin nang hulihin ko ang kanyang mga kamay at itaas sa kanyang uluhan.


Pagkatapos ng rumaragasang init ay umalis ako sa ibabaw niya. Habol ang paghinga at nanghihina na nahiga ako sa kama. 


Isaiah got up to throw away the used condom, then lay down next to me. Katulad ko ay humihingal pa siya. Hinaplos ko ang kanyang buhok na basa ng pawis. Napaungol naman siya at yumakap sa dibdib ko. 


Pagod na pagod ako kaya hindi na ako nagtaka nang makaramdam ng antok. Nakatulog ako na may ngiti sa mga labi. Nang magising ako ay wala liwanag na lumalagos mula sa kurtina ng saradong sliding window sa kuwarto ni Isaiah.



GABI NA. Hindi ko lang sigurado kung anong oras na. Masakit man ang aking bewang at mga hita pero sinikap kong bumangon. Mag-isa na lang ako sa kama. Wala na sa tabi ko si Isaiah.


Mahina ang aircon at balot na balot ako ng kumot kaya hindi ako nakaramdam ng ginawa. Masarap ang tulog ko. Pero nasaan si Isaiah? Nakatulog din ba siya? Saan siya nagpunta?


Masakit ang katawan ko dahil nabigla, pero masaya ako. Nae-excite na ako na makita si Isaiah. Gusto ko rin siyang makausap. But before that, I needed to fix myself first.


Humarap muna ako sa salamin ng kuwarto. Hindi ako payat na payat pero kumpara noon ay masasabing namayat talaga ang katawan ko. Gayunpaman, lumaki ang dibdib at lumapad ang aking balakang. Ano kaya ang opinyon ni Isaiah sa mga pagbabago sa aking katawan? Siguro tatanungin ko na lang siya.


Pakanta-kanta pa ako habang nangangalkal sa drawer ni Isaiah. Nang makakita ako ng wipes ay pinunasan ko ang aking sarili. Nakigamit din ako sa suklay niya bago lumabas ng kuwarto at pumasok sa kabilang kuwarto para magdamit.


Sa hagdan pa lang ay naririnig ko na ang maliit at matinis na boses ni Vien. "Daddy, nasan nga si mommy ku?!"


Nakakahiya, nakauwi na pala sila. Anong oras kaya sila dumating?


Sumilip muna ako. Nakita ko si Vien na nakabuntot kay Isaiah mula sa pagkuha niya ng pitsel sa ref hanggang sa pagsasalin ng tubig sa baso, at maging hanggang sa pag-inom. Ayaw siyang tantanan ng bata.


"Daddy, saan nga mommy ku?! Bat wala sa kuwarto, ha? Umuwe ba si Mommy? E baket nasa labas ang tsinelas niya?!"


Dinakma ni Isaiah ng palad niya ang mukha ni Vien at marahan itong itinulak. "'Wag kang maingay, pagagalitan ka ni Madam Anya!"


Speaking of Mama Anya. Kalalabas lang nito sa banyo. "Ano ba 'yan, ang ingay-ingay?!" nakasimangot ito habang nakahawak sa tiyan. "Isaiah, ilabas mo nga ang nanay niyan nang manahimik 'yan!"


Lumapit naman si Papa Gideon. "Mahal, nasakit pa ba tiyan mo? Bakit kasi ang dami mong kinain sa Tanza kanina?"


Bumalik na ang mag-asawa sa sala. Mukhang sira ang tiyan ni Mama Anya at kanina pa ito pabalik-balik sa banyo. Hindi ako nito napansin nang makababa na ako.


Si Vien ay napabungisngis agad pagkakita sa akin. "Mommy ku!"


"Hello, baby." Hinimas ko ang ulo ng bata. "Kumusta ang lakad niyo?" Habang kausap si Vien ay nakay Isaiah nakatuon ang paningin ko. Umiinom pa rin siya ng tubig na hindi maubos-ubos sa baso.


"Oks na oks, Mommy! Dame ku kinain sa bahay ng pinsan ni Wowa! Busog na ku, Mommy! Di na ku kakaen! Bukas na ulet!"


"Talaga? Wow, busog ang baby ko." Nang mapatingin si Isaiah sa akin ay matamis ko siyang nginitian. Kandasamid siya sa iniinom niya.


7:00 p.m. na pala sa wallclock sa kusina. Hindi pa ako nakakapagsaing, pero may mga paper bag sa mesa. Mukhang nag-uwi ng pagkain sina Mama Anya at papa Gideon. Kumain na kaya si Isaiah?


Lumapit ako sa mesa at tiningnan ang mga pagkain. May pansit at lechon manok. Malambing na tinanong ko si Isaiah, "Kanina ka pa ba gising? Kumain ka na?"


Ibinaba niya ang baso. Ubos na ang tubig. Simot niya pati iyong nailuwa niya kanina.


Sumigaw si Mama Anya mula sa sala, "Vivi, andiyan ka na pala. Kumain na kayo ni Isaiah. Inyo lahat 'yang nandiyan!"


Hindi pa rin pala nakain si Isaiah. Ang ngiti ko ay lalong tumamis. Mukhang hinintay niya ako na magising para sabay kaming kumain. Ang puso ko ay parang lumobo dahil doon.


Masaya na inilabas ko ang mga pagkain sa paper bag. "Isaiah, maghahanda ako ng pagkain. Sabay na tayo, ha? O tingnan mo, chicken. Paborito mo ito, di ba?"


Wala pa rin siyang imik kahit nang kumuha na ako ng mga plato namin. Pati baso ay naglagay ako sa mesa. Ipinaghila ko rin siya ng upuan. Ngayong okay na kami, gusto ko na mas makabawi sa kanya, kahit sa mga simpleng pagsisilbi lang. 


"Isaiah, kain na tayo," nakangiting yaya ko sa kanya. "Gutom na ako, e. Ikaw, siguro gutom ka na rin. Sorry, ngayon lang ako nagising, ha? Naghintay ka pa tuloy—" Napalis ang aking pagkakangiti nang makitang hindi siya sa akin nakatingin kundi sa phone niya.


Ngayon ko lang napansin na may hawak na pala siyang phone. Mukhang importante iyong ginagawa niya. Baka e-mail sa work, or ka-chat niya ang katrabaho niya, kaya hindi ko muna siya inistorbo. Naghihintay na lang ako na makatapos siya.


Mukhang matagal pa si Isaiah kaya naisipan ko na linisan na lang muna si Vien. "Isaiah, linisan ko muna si Vien, ah?" malambing na paalam ko sa kanya.


Tinawag ko na ang anak namin para linisan ito ng katawan. Dahil ang dami pang kuwento ni Vien ay nagtagal pa tuloy kami sa banyo. Plus, tumae pa ito kaya inabot kami ng ilang minuto.


Pagkatapos linisan ng katawan si Vien ay nakahubo ito na nanakbo sa itaas. Nakita kasi ang lolo nito na umakyat. Mukhang doon ito magpapabihis. "Vien, dahan-dahan, madulas ka sa hagdan!"


Nag-thumbs up lang sa akin ang bubwit saka tuloy-tuloy sa itaas. Napailing na lang ako. Binalikan ko na si Isaiah sa hapag para lang matigilan kasi hindi na siya nagpo-phone. Kumakain na pala siya. Nauna na siya sa akin.


Bago pa ako makalapit ay tumayo na siya. Tapos na siyang kumain. Binitbit niya ang plato niya sa lababo saka muling kinuha ang phone sa kanyang bulsa. May tumawag sa kanya.


Nakanganga lang ako habang nakasunod ng tingin sa kanya paglabas niya sa pinto. Si Mama Anya na nasa sala ay nakataas naman ang kilay sa aming dalawa.


Kumakalam na ang aking tiyan sa gutom, kaya kumain na lang muna ako. Ang tagal ni Isaiah sa labas. Mukhang about work ang kausap niya. Baka may problema siya sa office o sa site?


Quarter to 9:00 p.m. nang umakyat na rin si Mama Anya sa itaas. Namumula na ang mga mata nito dahil sa pagod. Sina Papa Gideon at Vien naman ay mukhang nakatulog na rin dahil tahimik na sa itaas.


Pagkatapos kong linisan ang mesa at hugasan ang pinagkainan ay saka ko sinundan si Isaiah sa labas. Wala na pala siyang katawagan. Pero bakit hindi pa rin siya pumapasok?


Nakasandal na lang siya sa motor niya habang nag-s-swipe sa screen ng phone. Malayo sa ilaw ang garahe kaya malamlam ang liwanag sa paligid niya, dahil lang sa liwanag ng phone kaya nakikita ko ang kanyang seryosong ekspresyon.


Nilapitan ko siya at hinawakan siya sa bewang. Naramdaman ko ang paninigas ng kanyang kalamnan. Nagulat siguro siya. Napangiti ako muli nang matamis.


"Isaiah, aalis ka ba bukas?" malambing na tanong ko sa kanya. "Balak ko kasing mamalengke. Ako ang magluluto sa tanghalian. Anong gusto mo? Iluluto ko."


"Bahala ka."


Lumabi ako. "Anong bahala? Ayaw mo bang mag-request?" Nakangiti pa rin ako. "Ngayon na lang kita ipagluluto, di ba? Sige na, mag-request ka. Kahit ano." 


Nakatingin pa rin siya sa phone niya. Sinilip ko ang screen ng phone niya. Pa-scroll-scroll lang naman siya, wala naman siyang tinitingnan na mahalaga. Tinapik ko ang kamay niya para maibaba niya ang phone.


"Ano ba kasi 'yang tinitingnan mo sa phone mo? Wala naman, e." Nang maibaba niya ang phone ay yumakap na ako sa bewang niya. Muli ay naramdaman ko kung paano siya matigilan. Siguro nabibigla. Nahihiya.


Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti. Ganitong-ganito si Isaiah dati. Mabilis siyang mahiya pagdating sa akin. Pero alam ko na gustong-gusto niya naman kapag clingy ako sa kanya. Akma kong hihigpitan ang aking pagkakayakap sa bewang niya nang marahan niya akong itulak sa balikat.


Sakto na bumukas ang pinto sa bahay nina Tita Roda. Lumabas mula roon si Tito Kiel. Napangisi ito nang makita kami. "Ay, sorry! Naka-istorbo ako sa lovebirds!"


Napabungisngis ako pero si Isaiah ay seryoso pa rin ang ekspresyon. Napahiya marahil sa tito niya. Nauna na siyang pumasok sa loob ng bahay. Sumunod naman ako agad.


Ipinagsalin ko siya ng tubig sa baso. Habang umiinom siya ay nagsara at nag-lock ako ng pinto sa ibaba. Pinapasok ko ang mga pusa sa loob, pagkuwa'y ini-off ang ilaw sa labas, at itinira lang ang ilaw sa kulungan ng mga aso sa labas.


Paakyat na si Isaiah sa hagdan nang tawagin ko siya. Tumigil naman siya. "Isaiah, magha-half bath lang ako," paalam ko sa kanya. 


Bagaman hindi siya kumibo ay tumango siya. Tumuloy na siyang umakyat sa itaas. Napangiti na naman ako. Nahihiya pa siguro talaga siya. Kahit ako rin naman, e. Pero mamaya ay sana'y makapag-usap na kami. 


Naghilamos muna ako at nag-toothbrush bago umakyat sa itaas. Sa kuwarto ni Vien ay wala roon ang bata. Mukhang doon na naman nakatulog sa kuwarto nina Mama Anya. Pero mabuti na rin na wala rito si Vien ngayon, dahil hindi ko rin ito matatabihan. Babawi na lang ako sa bata bukas.


Ngiting-ngiti ako habang nagbibihis. Ang pinili kong pantulog ay iyong sleeveless at maiksing shorts. Hindi ako magpa-pajama. Nag-lotion din ako at nagpabango. Tiniyak ko na malambot ang aking balat at mabangong-mabango ako.


Bumaba ang aking paningin sa babang bahagi ng dibdib ko. Makikita roon ang mga namumulang marka na gawa ng mga labi ni Isaiah. Nag-init ang aking pisngi, madadagdagan kaya ang pamumula na iyon ngayong gabi? Napahagikhik ako sa naisip.


Binatukan ko ang sarili. Ano ba? Mag-uusap muna dapat kami. Saka baka naiinip na si Isaiah dahil ang tagal ko. Sinipat ko pa muna muli ang sarili sa salamin, saka ako lumabas ng kuwarto.


Pagkarating sa kuwarto ni Isaiah ay hindi na ako kumatok. Basta ko na lang pinihit ang doorknob, para lang matigilan dahil naka-lock. Pinihit ko ulit, naka-lock talaga. Bakit naka-lock?


Kumatok na ako dahil baka nakalimutan lang ni Isaiah, baka hindi niya napansin na nai-lock niya pala. Nakakailang katok na ako pero hindi pa rin siya nagbubukas. Baka magising na sina Mama Anya sa kakakatok ko.


Mahinang kumatok ulit ako. "Isaiah?" pabulong na tawag ko sa kanya. "Isaiah, nandito na ako. Pabukas."


Pero wala talaga. Akmang kakatok pa ulit ako nang mula sa hagdan ay dumating si Papa Gideon. Galing pala ito sa ibaba. Napapahiyang napalingon ako sa lalaki. Mukhang bumaba ito para umihi.


"O Vivi? Hinahanap mo si Isaiah?" Nasa mukha ni Papa Gideon ang pagtataka. Napapalatak ito. "Ay, kasabay ko lang na bumaba kani-kanina. Ako pa nga ang nagsara sa kanya ng pintuan."


Laglag ang panga ko. "Po?"


"Doon daw siya matutulog sa tropa niyang bagong baba sa barko. Nagmamadali ngang umalis, akala ko naman ay alam mo. Hindi ba nagpaalam sa 'yo?"


Nakabalik na sa kuwarto si Papa Gideon pero tigagal pa rin ako. 


JF


#SerialCharmerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro