Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

BAKIT HINDI MO NA AKO BINALIKAN?


Nakasubsob si Isaiah sa balikat ko na ngayon ay basang-basa na ng kanyang luha. "Vi, bakit? Bakit hindi ka na bumalik?" Basag na basag ang boses niya. "Bakit?!"


Tulala ako sa kisame habang ang aking mga luha ay nagsisimula na ring pumatak. Hindi ako makahinga, hindi dahil nasa ibabaw ko siya, kundi dahil sa pagsisikip ng dibdib ko. Nadudurog ang puso ko.


"Sobrang hirap, Vi. Sobrang hirap. Hirap na hirap ako..." 


Hanggang sa tuluyan na siyang makatulog sa pag-iyak. Hindi ko siya itinulak paalis sa aking ibabaw kahit gaano pa siya kabigat. Tiniis ko. Hinayaan ko lang siya.


Tahimik akong umiiyak sa ilalim niya. Ang hapdi-hapdi na ng mga mata at lalamunan ko sa pigil na pag-iyak. Impit ang mga hikbi ko dahil ayaw ko na magising siya. 



HINDI KO NA MATANDAAN KUNG KAILAN AKO NAKATULOG. Nang magmulat ako ay wala na si Isaiah sa ibabaw ko. Nakatagilid na siya habang nakayakap sa akin. Wala siyang suot na shirt at nakakalas ang sinturon ng kanyang jeans.


Nang gumalaw ako ay humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Saka ko napansin ang isang kamay niya na nasa loob ng aking blouse. Nag-panic agad ako, pero agad ding nakahinga dahil nasa bewang ko lang naman siya nakahawak.


Gayunpaman, nag-aalala pa rin ako. Wala naman sigurong ibang nakapa si Isaiah?


Marahan kong inalis ang braso niya na nakayakap sa akin para hindi siya magising. Bumangon na ako at inayos ang nagusot kong damit dahil sa pagkakahiga. Kinapa ko rin ang hook ng aking bra kung natanggal ba. Hindi naman.


Tumayo na ako at iniwan muna si Isaiah sa sofa. Kapag lasing siya ay gutom na gutom siya pag nagigising, kaya kailangan ko siyang ipaghanda ng makakain.


Pagkatapos maghilamos at magmumog sa banyo ay nakialam na ako sa kusina nina Carlyn. Ang tirang sinaing nila ay lulugawin ko bago mapanis. Lumabas ako para bumili ng sahog sa lugaw. Ang balak ko rin ay bumili ng pandesal sa bakery.


Paglabas ko ng gate ay napatingin agad ako sa malapit na tindahan ni Aling Barbara. Maaga pa lang ay naka-assemble na ang mga tambay na nanay sa harapan. Nakatingin na rin agad sila sa akin na para bang mga kanina pa nakaabang.


"Hala, diyan ka natulog, Vivi?" tanong agad sa akin ni Aling Barbara pagdaan ko. Lumabas pa talaga ito sa tindahan nito.


Kiming ngiti lang ang isagot ko sa ginang. Hindi pa rin naman ako tinantanan nito. Ang mga mata nito ay tila may sinisipat sa bandang leeg ko.


"Vi, kaibigan mo ba 'yang si Carlyn, ha? Kailan pa? Ang akala ko ay hindi ka palakaibigan? Kinakaibigan ka raw ng anak ko na si Barbie noong high school kayo, pero hindi mo raw siya pinapansin!"


"Kaibigan niya si Carlyn?" Sumabat na naman ang isang nanay roon. "Aba'y sabi ni Barbara ay asawa mo iyong naka-motor, di ba? Dang husay ano? Naging kaibigan mo pa ang ex ng asawa mo!"


Yumukod lang ako sa kanila at lumampas na. Nagmamadali ako sa pagbili sa bakery. Nakakailang kasi dahil grabe makatingin sa akin sina Aling Barbara. Titig na tigig sila lalo sa bandang leeg ko.


Pagbalik ko ay tulog pa rin si Isaiah sa sofa. Napahinto ako nang makitang bukod sa nakakalas ang belt niya ay bukas din pala ang butones, at nakababa ang zipper ng suot niyang jeans. Nakalabas na ang kulay grey niyang briefs.


Nilapitan ko agad si Isaiah para itaas ang zipper niya at isara ang butones ng jeans niya, nakakahiya kasi baka makita pa siya nina Carlyn pagbaba. Kakaangat ko pa lang ng zipper ni Isaiah nang hulihin niya ang kamay ko.


Paglingon ko sa kanya ay nakapikit pa rin siya. Natutulog pa pero ayaw niyang bitiwan ang kamay ko. Napasinghap ako nang hilahin niya ang kamay ko at ipinatong sa ibabaw ng jeans niya.


"Isaiah!" impit na singhal ko sa kanya. Napatingin agad ako sa hagdan dahil baka may bumaba at makakita sa ginagawa niya.


"Boo, blo—!"


Hindi niya na natapos dahil tinakpan ko agad ng aking kamay ang kanyang bibig. Umungol lang ulit siya at inihagod ang kamay ko sa jeans niya. Hindi ko na alam kung paano siya patitigilan kaya ang ginawa ko ay dinakot ko na lang.


Mariin ang pagkakadaklot ko dahilan para mapangiwi siya. "Aw, Vi, masakit..."


Doon niya lang ako nabitiwan. Doon lang din ako nakalayo sa kanya. Umuungol siya at natulog na ulit. Pero mabilis pa rin ang kabog ng aking dibdib. Ngayon ko na lang kasi ulit iyon nadama nang ganoon.


Napailing ako. Hindi pa rin nagbabago. Matigas pa rin iyong ano ni Isaiah tuwing umaga.


Iniwan ko na siya sa sala dahil kung anu-ano pa ang aking naaalala. Sa kusina ay nagluto na ako. Pritong itlog, hotdogs, bukod pa sa ng lugaw. Ang binili kong tinapay sa labas ay nilagay ko rin sa toaster.


Naghahain ako nang pumasok sa kusina si Carlyn. Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Good morning. Sorry nakialam na ako..."


"Okay lang."


Ipinagsalin ko siya ng tubig sa baso. Ang mga mata niya ay napatingin sa aking leeg. Saka ko lang naalala ang ginawa ni Isaiah kagabi. Agad kong tinakpan ng aking buhok ang gilid ng leeg ko. Naalala ko bigla sina Aling Barbara sa labas, hindi kaya't may nakita rin ang mga ito?!


"Nagsuka ba si Isaiah kagabi?" kaswal na tanong ni Carlyn. Alam ko na tinanong niya lang iyon para magkaroon ng paksa at hindi ako mailang sa kanya.


Umiling naman ako. "H-hindi sumuka. Sanay naman iyong uminom..." Napakahina ng boses ko dahil nahihiya ako.


Ilang minuto ng katahimikan. Nagpapakiramdaman lang kami ni Carlyn. Mayamaya ay sabay na pumasok sa kusina ang dalawang matangkad na lalaki. Nakakaaliw na kahit mga mukhang sabog, magugulo ang buhok, at may bakat pa ng higaan sa pisngi, ay ang guguwapo pa rin ng mga ito. 


Umismid si Carlyn pagkakita sa dalawa. "Gising na ang mga lasenggo."


Ang isang lalaki ay si Isaiah at ang isa ay ang boyfriend ni Carlyn na si Jordan Moises Herrera. Mga sabog pa nga. Halatang may mga hangover pa.


Si Isaiah ay nakasuot na ng t-shirt. Mukhang wala siyang naaalala sa nangyari kagabi o kahit ang pagdedeliryo niya kanina. Ipinaghila ko siya ng upuan at inasikaso na. Wala naman siyang palag, siguro dahil may hangover pa. 


"Sandali, ititimpla kita ng kape." Pagkapaupo ko sa kanya ay ipinagtimpla ko agad siya ng kape para mahimasmasan at magising na ang diwa niya. Pagkatimpla ay inabot ko agad sa kanya ang tasa.


"Mainit," angal ni Isaiah dahil napaso siya. Bigla kasi siyang uminom.


"Dahan-dahan, mainit pa." Inalalayan ko siya na makasimsim sa tasa. Hinihipan ko rin nang kaunti bago siya pinainom ulit.


Pagkainom ng kape ay ipinagsandok ko rin si Isaiah ng kaunting lugaw sa mangkok. Nanghihina pa siya kaya ako na ang nagsubo sa kanya. Ngumanganga naman siya sa bawat subo ko.


Sina Carlyn at Jordan naman ay nakatingin lang sa amin habang inaasikaso ko si Isaiah. Si Carlyn ay tinanong ang boyfriend, "O ano? Naiinggit ka sa kanila? Asa ka!"


Kakamot-kamot na lang ng batok si Jordan. Si Isaiah naman ay ngumisi sa lalaki.


Inutusan pa niya ako, "Vi, subo pa."


Sinubuan ko naman siya ulit at pagkuwan ay pinunasan ang gilid ng bibig niya. Lalo siyang ngumisi kay Jordan na tila nagmamalaki. 


Si Jordan naman ay animo kaaawa-awang tuta na tumingin kay Carlyn. Hindi rin naman ito natiis ng babae. Sinubuan na rin, kaya lang ay puno ang kutsara na isinubo rito. Nabulunan tuloy at nagkandaubo si Jordan.


Kami ni Carlyn ang nagligpit ng pinagkainan. Si Isaiah ay nasa banyo para maghilamos. Pinahiram siya ng t-shirt ni Jordan. May mga damit pala ang lalaki sa bahay ni Carlyn. Mukhang nagli-live in na ang mga ito.


Paglabas ni Isaiah sa banyo ay sinalubong ko siya ng malinis na tuwalya na ipinahiram sa akin ni Carlyn. Pinunasan ko ang basang mukha at leeg ng lalaki. Pati ang buhok niya na binasa niya ay pinunasan ko rin.


Dinuro siya ni Carlyn. "Ibalik mo 'yan, ah! Mahal 'yan!" tukoy nito sa t-shirt ni Jordan.


Tatawa-tawa lang naman si Isaiah, at saka ako inakbayan. Napaigtad ako, bagaman hindi ako nagpahalata.


Nang tumingala ako sa kanya ay hindi siya sa akin nakatingin. Hawak niya na ngayon ang kamay ko. Hinila niya ako papunta sa sala. Kasunod namin sina Carlyn at Jordan na magkahawak-kamay rin.


Dahil mahaba ang sofa ay nagkasya kami roong apat. Magkakatabi kami habang nanonood ng movie sa malaking flat screen TV. Nakaakbay sa akin si Isaiah at si Jordan ay nakaakbay rin kay Carlyn. Kung titingnan kami ay para kaming bumalik sa pagiging teenagers at ngayon ay nagdo-double date.


Ang totoo ay wala akong naiintindihan sa pinapanood namin. Pag lumilingon ako sa gilid ay nahuhuli ko si Jordan na nagnanakaw ng halik kay Carlyn. Si Isaiah naman sa aking tabi ay inaamoy-amoy ang leeg ko, at minsan kapag nanggigigil ay marahan akong kinakagat.


Napapaigtad ako sa bawat hagod ng mainit niyang mga labi sa leeg ko. Dulot lang ba ito ng hangover niya kaya siya ganito? Pasimple ko siyang nilingon para sitahin gamit ang aking mga mata, pero nginisihan niya lang ako. 


Damang-dama ko ang pag-iinit ng aking pisngi sa hiya. Nang hindi na ako nakatiis ay pasimple ko nang kinurot sa hita si Isaiah. Sa gilid naman namin ay parang naghalikan na yata sina Carlyn at Jordan.


2:00 p.m. nang matapos ang ewan ko kung pang-ilang movie na namin. Nagpaalam na si Isaiah kina Carlyn, wala na raw siyang hangover. Okay na raw siyang mag-drive. "Car, alis na kami. Salamat din, Herrera!"


Tawag na rin nang tawag si Mama Anya kaya nagpaalam na kami kina Carlyn na uuwi na. Saka, mukhang gusto na rin nilang mag-boyfriend na umuwi na kami ni Isaiah para magkasolo na silang dalawa.


"O bakit ke Jordan ka lang nagpapasalamat?!" Si Carlyn nang ihatid kami sa pinto. "Nakalibre kayo ng check in, wala man lang thank you?!"


"Wala," sagot ni Isaiah. "Unsatisfied customer, ang sikip ng sofa." 


Pinalayas na kami ni Carlyn nang tuluyan. Binantaan din nito si Isaiah na wag nang babalik. Napailing na lang ako dahil sa palitan ng tinginan nina Isaiah at Jordan, malamang na merong Part 2 ang kanilang inuman.


Angkas ako ni Isaiah na umuwi sa PK2. Walang kaming kibuan hanggang sa compound nila. Para bang hindi niya ako dinaganan magdamag at pinapak ang leeg ko maghapon sa sofa nina Carlyn.


Ako ang nagbukas ng gate para makapasok ang motor. Ako rin ang nagsara. Pagka-park niya sa motor ay dere-deretso na siya sa bahay nang hindi man lang ako hinihintay. Sumunod na lang ako sa kanya. 


Pagpasok na pagpasok sa sala ay sinalubong si Isaiah ng sermon ni Mama Anya. "Magaling na lalaki, mabuti at naisipan mo pang umuwi!"


Nakayuko na pasimpleng pumasok ako sa pinto. Natatakot ako na madamay dahil pareho kami ni Isaiah na hindi umuwi kagabi. Wala naman sa akin ang atensyon ni Mama Anya dahil nakaharang sa akin si Isaiah. 


"Napakatigas naman yata ng mukha mo, Isaiah!" Nahampas pa siya sa balikat. "Hindi porke't me trabaho ka na ay lalayas ka na lang at uuwi kahit kailan mo gusto! Hangga't nakatira ka pa rin sa pamamahay ko, kailangan mo pa ring igalang ang batas ko!"


Humingi naman siya ng pasensiya sa mama niya, pero nabato pa rin siya ng throw pillow sa mukha.


Natigil lang si Mama Anya ng sermon nang lumabas sa banyo si Vien. Pinaliguan pala ito ni Papa Gideon. Balot na balot ng tuwalya ang bata na parang burrito.


"Nakabalik na pala kayo, Vivi." Nakangiti si Papa Gideon sa akin. "Isasama sana namin ng mama niyo sa Tanza si Kulitis, kung okay lang sana."


"Okay lang po, Papa." Ako na ang nag-asikaso sa pagbibihis kay Vien para makapag-ready na rin sina Mama Anya at Papa Gideon. May pupuntahan daw silang lupa sa Tanza, at dederetso sa mall pagkatapos.


Partner yellow na t-shirt at shorts na may tatak na character na si Sponge Bob ang isinuot ko kay Vien. Ang buhok ay nilagyan ko ng gel dahil request nito. Pagbaba namin ay bihis na bihis na ito at may backpack pa. Humahalimuyak ang baby cologne at ang leeg ay puno ng pulbo.


Kalalabas lang ni Isaiah mula sa banyo dahil naligo siya. Naka-towel lang siya sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Tumutulo pa ang tubig mula sa basa niyang buhok patungo sa kanyang malapad na balikat. Napaiwas agad ako sa kanya ng tingin. Narinig ko naman ang pag-tsk niya.


Tinakbo siya ni Vien. "Daddy ku, sasama ku kina Wowa at Wowo sa Tanza!"


Kinarga naman niya ang bata. "Dambalasek naman ng porma ng Kulitis ko, ah!"


Bumungsngis naman si Vien kaya kitang-kita ang mga bungi nito. Nag-fist bump silang mag-ama. "Sheesh!"


Umakyat na si Isaiah sa itaas para magbihis. Ako ay inasikao pa si Vien dahil bago umalis ay natae pa ito. Marami raw kasing kinain kaninang tanghali. Tapos lumaklak pa ng dalawang tetra pack ng choco drink.


Inihatid ko na sila sa labas. Dala nila ang van. Si Mama Anya ang pumuwesto sa manibela dahil ayaw nitong pag-drive-in si Papa Gideon. Hindi naman na nakapalag ang lalaki.


Si Vien ay humalik na sa akin. "Bye, Mommy! Batsi na kame!"


Pag-alis nila ay bumalik na ako sa bahay. Isinara ko na ang pinto at ipinagtimpla ng kape si Isaiah. Baka kasi masakit ang ulo niya.


Umakyat na ako at kumatok sa pinto ng kuwarto niya. "Pasok," sagot niya mula sa loob.


Pagpasok ko ay nakahiga siya sa kama. Sarado ang kurtina sa bintana, at ang lampshade sa bedside table ang tanging ilaw niya. Wala siyang pang-itaas na damit at pajamas lang ang sa pang-ibaba.


Alumpihit ako na pumasok para iabot sa kaya ang tasa ng kape. Hindi ko naiwasang hindi mapatingin sa nakaangat na harapan ng pajama niya. Nahuli niya ang tingin ko na dahilan ng pagtaas ng gilid ng kanyang mapulang mga labi.


Bumangon siya para abutin ang tasa. "Nakaalis na sila?"


"Oo." Pinanood ko kung paano siya sumimsim ng kape sa tasa. Sa mga labi na lang niya ako tumingin kaysa sa kung saan.


"Anong oras daw balik?"


"Gabi raw..."


"Good." Pagkalapag ni Isaiah ng tasa sa bedside table ay tiningnan niya ako. "Iyong pinto sa ibaba, ni-lock mo?"


Napahugot ako ng paghinga dahil ang mga mata niya na nakatingin sa akin ay bagaman malamlam, may titis ng apoy na masisinag doon.


Hinawakan niya ang kamay ko na isa pa sa ikinabigla ko. "Maligo ka."


"Ha?"


"Maligo ka tapos bumalik ka rito. May gagawin tayo."


JF

#SerialCharmerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro