Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44

ANO PANG HINIHINTAY MO? SIMULAN MO NA.


I blinked and then slowly nodded. "S-sige."


I was not confident that I could do it right, but I would do my best. Nag-stretching muna ako at huminga muna ako nang malalim.


Nakatingin lang naman sa akin si Isaiah. Hinihintay niya ang aking sunod na gagawin. Lalo tuloy akong na-pressure dahil sa nakikita kong kislap sa mga mata niya, excitement yata iyon?


Hindi pa ako ganoon kagaling pero sisikapin kong pagbutihin. Ito na, gagawin ko na. Itinaas ko ang aking mga kamay at pinagkiskis ang aking mga palad, pagkuwa'y kinuha ko ang kamay ni Isaiah at marahang minasahe siya.


Nagsalubong ang mga kilay niya. "Anong ginagawa mo?"


Ngumiti ako. "Reflexology. Nire-relax kita para makalimutan mo ang lamig."


Napatanga siya. "Ha?"


"Natutunan ko ito sa center na pinasukan ko sa Australia," proud na sabi ko. "Puwedeng ma-relax ang katawan ng tao sa pamamagitan ng pagmasahe o paglagay ng pressure sa mga key points ng katawan at—"


"Nanti-trip ka ba?!"


Kumiling ang aking ulo. "Ha?"


Pahaltak na binawi niya sa akin ang kanyang kaliwang kamay.


"Isaiah, sandali. Hindi pa tapos—"


"Ayoko na! Hindi na ako nilalamig!" Bigla niya akong ibinaba paalis sa kanyang kandungan saka siya tumalikod sa akin.


"P-pero masasarapan ka sa masahe—"


"Manahimik ka! Ayokong masarapan!"


Napakamot ako ng ulo. Pinagmasdan ko na lang siya habang nakabaluktot siya at nakatalikod sa akin. Galit na naman siya.


I tried to touch his shoulder, but he just brushed my hand off. Napabuntong-hininga na lang ako. Mayamaya ay nahiga na rin ako dahil naka-recline ang sandalan ng upuan.


Nakatingin lang ako kay Isaiah hanggang sa dumaan ang mga sandali. Hindi ko na nabilang kung ilang minuto o oras ang lumipas, basta napansin ko na lang na malalim na ang paghinga niya. Nakatulog na siya dahil sa pagod at puyat.


Mabilis naman talagang makatulog si Isaiah. Palagi kasi siyang pagod at walang pahinga. Hindi pa siya nagbabago, parang nasanay na siya na ganoon, iyong sinasagad ang sarili hangga't kaya niya.


Umalis siya nang maaga kanina paluwas ng Manila papunta sa trabaho. Sa hapon ay umuwi rin siya agad. Naka-motor lang siya buong biyahe. When he got home, he just took a shower and talked to his dad as if he was not tired.


I moved closer to him and wrapped my arm around his waist. Idinikit ko rin ang aking pisngi sa kanyang hubad na likod. Hindi naman siya makakapagreklamo dahil tulog na tulog na siya.


Ang sarap ng pakiramdam. Sa pagpikit ko ay saka ko lang din naramdaman ang aking sariling pagod. Kung kailan ako nakatulog ay hindi ko na matandaan.



HINDI KO NA ALAM ANG ORAS. How many hours had I been sleeping? I just felt like someone was watching me. But, I didn't want to open my eyes yet.


I wanted to sleep some more. I was very comfortable in my position. Kahit malamig ang paligid at hindi ako makatuwid nang higa, ayos lang. Masasabi ko na napakasarap ng naging tulog ko.


Kung hindi pa may kumatok sa labas ng bintana ng van ay hindi pa ako mapipilatan na magmulat ng mga mata. Pagdilat ko ay ang una kong nasilayan ay ang nakapikit na guwapong mukha ni Isaiah.


Nagulat ako dahil nakatulog pala kami na magkayakap na dalawa. Nakapagtataka dahil ang huli kong natatandaan kagabi ay natulog siyang nakatalikod sa akin. Pero ngayon ay magkayakap na kami?


Nakaunan ako sa matigas na braso niya, ang aking mukha ay nakaharap sa banda leeg niya, at nakayuko siya sa akin. Ang isang braso naman niya ay nakayakap sa aking bewang at ganoon din ang braso ko na nakayakap din sa kanya.


Siguro nilamig siya kaya naisipan niya na yakapin na lang ako. Kahit ayaw niya, wala siyang choice kundi pagtiyagaan ako.


Marahan kong inalis ang pagkakayakap namin sa isa't isa. Tumingin ako sa oras na nasa harapan ng van. 7:00 a.m. na pala. Ganoon katagal napahaba ang tulog ko?


Bumangon ako. Hindi pa rin nagigising si Isaiah. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na pagmasdan siya. Noon ay gawain ko rin ito sa tuwing nauuna akong magising sa kanya, palagi ko siyang pinakatititigan.


Palagi kong tinatanong noon sa sarili ko kung ano ba ang nagawa kong mabuti sa mundo? Bakit ako biniyayaan ng isang Isaiah? Bakit sa dami-dami ng babae, ako ang maswerteng nagkaroon ng katulad niya?


Hindi pa ako titigil sa pagtitig sa kanya kung di pa naulit ang katok mula sa bintana ng van. Oo nga pala, may tao sa labas. Pagtingin ko ay si Tito Kiel ang naroon. Pilit kaming sinisilip nito sa tinted na bintana.


Inayos ko muna ang aking sarili bago siya pinagbuksan ng pinto ng van. "Good morning po, Tito Kiel."


"Good morning din, Vi." Nakangiti sa akin ang papa ni Arkanghel. "Gising na ba kayo ni Isaiah?" Sumilip ito sa loob ng van. "Aba'y tulog pa rin iyan?"


Nang makita na tulog pa si Isaiah ay ako ang muling hinarap nito. May inabot ito sa aking paper bag. Mga damit ni Isaiah ang nasa loob.


"Nagdala ako ng nilutong lugaw ni Roda kina Anya, isinabay ko nang kunan ng damit si Isaiah sa kanila."


"Salamat po, Tito."


"Hindi ko na kayo dinalhan ng almusal, ha? Kumain na lang kayo sa fastfood diyan sa kanto." Inabutan din ako nito ng pera. Five hundred pesos na buo saka isang daan na tagbebente para may barya kami.


Binalita rin ni Tito Kiel na okay na nga raw si Papa Gideon. Babalik daw siya sa loob para makipagpalit muna kay Mama Anya. Pag-alis nito ay isinara ko na ulit.


Naalimpungatan naman na si Isaiah. Pupungas-pungas siyang bumangon. "Sino iyon?"


"Si Tito Kiel. Dinalhan ka niya ng damit." Inabot ko sa kanya ang paper bag. "Okay na rin daw ang papa mo."


Nilabas niya ang damit na nasa loob ng paper bag. T-shirt na plain white saka navy blue na shorts ang nasa loob. Isinuot niya agad ang mga iyon. Ako naman ay ibinaling ang paningin sa labas ng bintana habang nagbibihis siya.


Lumabas na kami pagkabihis niya. Bitbit niya ang susi ng van pag-alis namin. Sumilip muna kami sa loob ng ospital. Kakaalis lang ni Mama Anya para maligo at magbihis. Si Tito Kiel ang naabutan namin na nagbabatay kay papa Gideon.


Hinalikan ni Isaiah sa noo ang natutulog na ama bago kami umalis ulit. "Pa, pagaling ka. Balik ako maya."


Iniwan niya kay Tito Kiel ang susi ng van. Paglabas namin ng lobby ay inabot ko sa kanya ang pera na bigay ni Tito Kiel. Kinuha niya iyon at ibinulsa.


Kumakalam na ang tiyan ko sa gutom pero hindi ko naman masabi kay Isaiah na pang-almusal namin iyong pera. Nahihiya ako sa kanya. Masyado kasing seryoso ang mukha niya.


Pagtawid namin sa kalsada ay nauuna siya sa paglalakad. Siya ang tagaharang ng kamay niya sa akin sa pagtawid.


Nang nasa kabilang kalsada na kami ay napalunok ako nang matanaw ang Jollibee. Kumalam ulit ang tiyan ko. Pagtingin ko kay Isaiah ay nakatingin pala siya sa akin. Napapahiyang napayuko ako.


"Nagugutom ka?" kaswal na tanong niya.


"Ha?"


Hindi niya na hinintay ang sagot ko. Nauna na siyang maglakad papunta sa Jollibee.


Pagpasok namin sa loob ng fastfood restaurant ay sumalubong sa aking pang-amoy ang mabangong aroma ng mga pagkain. Takam na takam ako. Kailan ba ako huling kumain sa fastfood? Parang noon pang six years ago.


"Humanap ka ng mesa," kaswal na utos sa akin ni Isaiah saka siya pumila sa counter.


Naghanap naman agad ako ng mesa. Pagkaupo ko sa upuan ay sumalakay sa akin ang mga alaala. Ganitong-ganito rin kasi kami dati ni Isaiah. Kahit noong buntis pa ako na dinadala niya ako sa fastfood, ako iyong nakaupo at siya iyong nasa pila.


Kahit nang manganak na ako ay ganoon pa rin. Siya ang tagabili ng pagkain. Palaging isang order lang noon ang binibili niya. Palaging para sa akin lang. Busog daw siya kaya nakikisubo-subo lang siya sa ng french fries ko.


Alam ko naman noon na hindi talaga busog si Isaiah. Hindi kami puwedeng basta-basta gumastos, kaya ang pagkain ay pinaparaya niya na lang sa akin. Tumitikim-tikim na lang siya.


Pagbalik ni Isaiah ay isang Jollibee Super Meal ang in-order niya sa akin. May isang chickenjoy, one cup of rice, burger steak, kalahating spaghetti, at orange juice sa drinks. Samantalang sa kanya ay isang burger lang at Coke.


"Bakit iyan lang ang sa 'yo—"


"Bilisan mong kumain," putol niya sa sinasabi ko. Pagkuwan ay hindi na siya ulit nagsalita. Pero at least ay merong para sa kanya. Dati kasi ay ako lang ang ibinibili niya ng pagkain.


Noong magsimula na siyang kumain ay kumain na rin ako. Nahihiya pa ako sa simula, hanggang sa natalo na ako ng pagkatakam sa pagkain. Ang tagal na kasi mula nang huling beses na nakakain ako nang ganito.


Nakalimutan ko na kasama ko si Isaiah, na-focus na ako sa pagkain. Busog na busog ako pagkatapos. Hindi ko pa siya maaalala kung hindi niya pa ako abutan ng tissue. Gulat na napaangat ang mga mata ko sa kanya.


"Punasan mo iyong ketchup sa labi mo." Bagama't walang emosyon ang boses niya ay hindi naman malamig.


Nahihiya na tinanggap ko ang tissue para ipunas sa aking bibig. Nag-iwas naman na ng mata sa akin si Isaiah.


Pagtingin ko burger niya ay ubos na pala iyon. Tapos na siyang kumain. Pero kanina pa ba siya nakatingin sa akin? Nakakahiya talaga dahil baka isipin niya na ang patay-gutom ko na nga, ang kalat ko pang kumain.



PANGATLONG ARAW bago nakauwi si Papa Gideon. Okay na ito. Pagkakain namin sa Jollibee ni Isaiah ay nakabalik na rin agad si Mama Anya sa ospital. Nagsalitan kami sa pagbabantay.


Pumasok na rin sa trabaho ulit si Isaiah nang masiguradong okay na talaga ang papa niya. Pang-apat na araw na ulit siya umuwi.


Sa tanghalian ay magkakasama kaming lahat sa mesa. Iyon daw ang pinakana-miss ni Papa Gideon, ang sabay-sabay na pagkain ng pamilya sa hapag.


Nagluto si Mama Anya ng tinolang manok na may papaya at malunggay. Habang kumakain ay tamang kuwentuhan lang, hindi naman nababanggit ang tungkol sa nangyari noong nakaraan.


"Kain ka pa?" tanong ko kay Vien na nasa aking tabi. Nagpasandok pa ang bata ng kanin dahil paborito raw nito ang may sabaw.


"Vi." Si Papa Gideon na nasa dulo ng mesa. "Mag-a-apply ka raw sabi ng Mama Anya mo?"


Alanganin akong napasulyap kay Isaiah na nasa aking harapan. Wala namang kibo ang lalaki habang kumakain.


Tumikhim ako bago sumagot sa tanong ni Papa Gideon, "Opo, Papa. Aayusin ko pa lang po ang requirements ko tapos ay mag-a-apply na po ako."


"Puro trabaho na lang ang inatupag mo sa Autralia, anak. Lahat na yata ng trabaho ay pinasukan mo roon, wala kang tigil. Tingnan mo at ang laki ng ipinayat mo. Siguro dapat ay magpahinga ka na lang muna rito sa atin."


"Siya nga," sabat ni Mama Anya. "Vivi, kali-kaliwa ang trabaho mo roon sa ibang bansa. Nagkakasakit ka na kakatrabaho pero hindi ka man lang yata nakakapagpahinga."


Maliit akong ngumiti. "Ayos lang naman po. Kailangan ko rin po talaga ng pagkakakitaan dito sa Pilipinas..."


Umiling si Papa Gideon. "'Wag ka nang magtrabaho. Alaagan mo na lang ang apo ko. Maganda naman ang trabaho ni Isaiah, makakaya niya kayong buhaying mag-ina."


"Po?" Nahihiyang napatingin ako kay Isaiah. Seryoso pa rin siya at walang kibo sa pagkain.


Nagpatuloy si Papa Gideon sa pagsasalita, "Vivi, okay naman tayo rito. Napaparentahan na ang van at kumikita na ulit, wala na ring mga utang, at may ipon naman ang Mama Anya niyo. Hindi mo na kailangang magtrabaho."


"Tama ang papa mo, Vivi," ani Mama Anya. "Panahon naman na para makapagpahinga ka."


"'Wag kang mag-alala, anak," nakangiting sabi ni Papa Gideon. "Makakaya natin ito. Babalik ako sa abroad para—"


"Hindi ka na babalik sa abroad, Pa." Doon sumabat si Isaiah sa patag na tono.


Nang magtama ang aming paningin ay napaso ako sa lamig ng kanyang mga mata.


"Pa, okay na ang trabaho ko sa Manila. Malaki ang sweldo ko at pa-regular na ako. Marami rin akong projects na parating, ako na ang bahala sa mga gastusin."


Tinaasan siya ng kilay ng mama niya. "O pati kay Vivi, ikaw na ang bahala?"


Hindi pinansin ni Isaiah ang patutsada ng ina. "'Wag ka nang bumalik sa abroad, Pa. Kaya ko naman na. Ikaw ang higit kanino man ang dapat nang magpahinga at wag nang matrabaho pa."


"Anak, hindi naman puwede na iasa ko sa 'yo ang lahat. Ako pa rin ang padre de familia sa pamamahay na ito. Saka, malakas pa naman ako para umasa sa 'yo. Ipunin mo na lang ang pera mo para sa sarili mong pamilya."


Nagsalubong ang kilay ni Isaiah. "Pa, bakit ko kayo pababayaan ni Mama? Ang gusto ko nga ay makabawi sa inyo, sa mga sakripisyo niyo. Nagsikap ako para sa inyo at hindi para sa ibang tao!"


Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa huling salita na binitiwan niya.


"Isaiah, may sarili ka nang pamilya," umiiling na sabi ni Papa Gideon. "Sila na dapat ang prayoridad mo at hindi na kami ng mama mo. Malalakas pa kami, kaya pa namin ang mga sarili namin. Ang mag-ina mo ang iyong asikasuhin."


Padaskol na binitiwan ni Isaiah ang hawak na kutsara at tinidor, saka siya matigas na nagsalita, "Kayo pa rin ang pamilya ko ni Mama. Saka, saan ko ilalagay ang pinaghirapan ko? Si Kulitis lang naman ang kargo ko, sobra pa rin ang pera ko!"


Hindi na kumibo pa ang mga magulang niya. Namayani ang katahimikan hanggang makatapos kaming kumain.


Naunang tumayo si Mama Anya. "O Isaiah, tutal di ba gusto mong makabawi sa amin ng papa mo? Hala, ikaw ang maghugas ng kinainan mo!"


Napasimangot naman si Isaiah. "Bakit ako?"


Pinamewangan siya ni Mama Anya. "O sinong gusto mong paghugasin? Si Kulitis?"


Napatingin si Isaiah sa akin.


"Hindi puwede si Vivi!" singhal agad ni Mama Anya sa kanya. "Siya na ang naghugas palagi! At tigil-tigilan mo ang kakautos sa kanya, mabuti sana kung sinusuwelduhan mo 'yan, e hindi naman. Hala, ikaw ang maghugas ng pinagkainan!"


Patay malisya naman ako na kunwari ay inasikaso sa pag-inom ng tubig si Vien.


Sina Mama Anya at Papa Gideon ay lumipat na sa sala. Magkatabi habang magkaakbay na sa sofa ang mag-asawa habang nanonood ng TV. Sumunod naman si Vien at agad kumandong sa lolo nito.


Kami ni Isaiah ang naiwan sa hapag. Nakasimangot siya nang pagpatung-patungin ang mga plato. Tinulungan ko naman siya, ako ang nagpunas ng mesa.


Nasa lababo na siya at nagkakalabugan ang mga plato sa paghuhugas niya. Pagkatapos kong magwalis ng sahig ay nilapitan ko siya. "Ako na riyan, Isaiah..."


Nakasimangot pa rin siya at parang walang narinig. Gayunpaman, tinulungan ko pa rin siya. Ako ang nagbabanlaw ng mga sinabunan niyang hugasin.


Mula sa sala ay narinig ko ang boses ni Vien, "Wowa, huhugas den ako plato kasama sina Mommy at Daddy ku!"


"'Wag ka nang makigulo roon, masahiin mo na lang ako!" ani Mama Anya sa apo.


Natapos kaming maghugas ni Isaiah na nakasimangot pa rin siya. Nilalagay ko ang mga plato sa lalagyan nang iwan niya na ako na mag-isa.


Naligo siya at umakyat sa itaas. Pagbaba niya ay humahalimuyak sa hangin ang ginamit niyang men's cologne. Ang presko at ang bangu-bango. Nakasuot siya ng shirt at jeans. Bitbit niya ang susi ng kanyang motor, at walang paalam na umalis.


Hindi ko alam kung saan pupunta si Isaiah. Wala naman siyang pasok ngayon. Gumabi na ay hindi pa rin siya bumabalik.


Hindi naman ako mapakali. Pasilip-silip ako sa bintana para tumanaw sa gate ng compound. Hinihintay ko siya dahil nag-aalala ako sa kanya.


Si Mama Anya na hawak ang phone ay lumapit sa akin. "Nag-text sa akin si Carlyn. Nasa kanila raw si Isaiah, at lasing na lasing."


Napalingon ako sa ginang. "Po?"


"Sunduin mo na at baka maisipan pa ng ungas na iyon mag-drive pauwi."


Hindi na ako nakatanggi dahil ipinasa sa akin ni Mama Anya ang pin point papunta sa bahay nina Carlyn sa Navarro. Saka isa pa, nag-aalala rin ako kay Isaiah dahil nga baka mag-drive siya.


Si Mama Anya ang nag-book ng Grab car para sa akin. Pagkarating sa pin point ay nagtanong-tanong ako kung saan nakatira si Carlyn Marie Tamayo. Umabot ako sa maliit na tindahan na naroon.


Nagulat ako dahil ang tindera pala roon ay si Aling Barbara. "Oy, Vivi!" masayang tawag nito nang makita ako.


Ang ibang nanay rin sa may tindahan ay nakatingin sa akin. Tila ba kinakaliskisan ako sa klase ng mga tingin nila.


"Kow, nakina Carlyn iyong tatay ng anak mo. Bumili ng alak dito. Mukhang nag-iinuman sila sa loob." May malisya ang tono nito.


"E di ba ay nariyan din ang boyfriend ni Carlyn?" sabat ng isang nanay na nakatambay rin sa tindahan.


"Naku, baka pag mga nalasing ay magpang-abot ang mga iyon," sabat naman ng isa pa. "Kanina pa nga ako padaan-daan doon sa tapat ng gate para makiramdam. Baka kasi kako magkagulo."


Marami pa silang palitan ng haka-haka. Mga wala naman silang alam sa tunay na nangyayari. Hindi na rin ako nag-abala na itama ang kung ano mang pinaniniwalaan nila.


Nagpaalam na ako agad nang malaman ko na kung saan ang bahay ni Carlyn. Iyong malaking bagong gawa pala ang bahay ng babae. Natanaw ko rin sa garahe ang motor ni Isaiah.


Pagka-doorbell ko ay nilabas agad ako ni Carlyn. Nakapanlakad pa siya at mukhang kauuwi lang. Nang makita ako ay tumaas ang isa niyang kilay. "Bakit?"


Hindi naman siya galit, ganito lang talaga siya. Siguro kung hindi pa ako nasanay ay baka nanakbo na ako sa takot. Pero alam ko naman kasi na mabait siya.


Kimi ko siyang nginitan. "Uhm, good evening. Nandiyan ba si Isaiah?"


Lalong napataas ang isang kilay niya, bagaman tumango siya. "Oo nasa loob si Isaiah. Naghihingalo na."


Pinasunod niya ako sa loob ng sala. Kahit nahihiya ay sumunod ako. Natapik ko ang aking noo nang makita si Isaiah na walang malay at nakabulagta sa sofa.


"'Di mo na mapapatayo 'yan. Iniwanan na ng kaluluwa, e," ani Carlyn.


Bigla akong namroblema. "Paano ko siya iuuwi?"


"Kung may bantay ang anak niyo, 'wag mo na lang munang iwan 'yan dito."


Mukhang ganoon nga ang mangyayari. Matagal bago ako nakapagsalita. Mahina ang boses ko, "Uhm, okay lang ba na dito muna kami?"


"Oo naman basta wag lang kayong gagawa rito ng milagro."


Uminit ang aking pisngi sa hiya.


Nang makaakyat na si Carlyn sa itaas ay naiwan na kami ni Isaiah sa ibaba. Hindi na bumaba ulit ang babae dahil busy ito sa boyfriend na lasing din.


Si Isaiah na nasa sofa ay umuungol dahil nasisilaw sa liwanag ng chandelier. Nakalaglag pa ang isang braso sa sofa. Namumula ang mukha pati ang leeg. Lasing na lasing. Napabuga ako ng hangin.


Pinatay ko ang ilaw sa sala at itinira ang malamlam na liwanag mula sa kaunugnog na dining. Pagkuwan ay naupo ako sa gilid ng sofa kung saan siya nakahiga.


"Bakit ka nagpakalasing?" mahinang tanong ko habang hinihimas ang buhok niya.


Umungol lang siya. Nakapikit pa rin at bahagyang gumalaw lang ang mahahabang pilik-mata.


"Bigla kang umalis nang walang paalam sa mama at papa mo. Nag-aalala sila sa'yo." At pati ako...


Kinapa ko ang shirt niya. Hindi naman siya pawisan dahil may aircon sa sala. Inayos ko na lang siya sa pagkakahiga. Ang bigat-bigat niya at ang laki pero kinaya ko.


Nang maayos siya sa pagkakahiga ay nilagyan ko ng throwpillow ang ilalim ng kanyang ulo. Akma akong tatayo na nang biglang pumigil ang kamay niya sa aking pulso.


"Isaiah..." gulat na sambit ko.


Dumilat siya at tumingin sa akin ang malamlam niyang mga mata. Ang akala ko ay lasing na lasing siya at wala nang lakas, pero isang hila niya lang ay napabagsak niya ako sa ibabaw niya.


Nanlaki ang mga mata ko nang halos magdikit na ang mga labi namin sa isa't isa. Sa pagkurap ko ay napagpalit niya na ang aming posisyon. Ako na ang nasa ilalim at siya na ang ang nasa ibabaw ko.


Ang mainit niyang hininga ay mabango kahit pa nahahaluan ng amoy ng alak. Nangingibabaw pa rin ang amoy ng mint candy at toothpaste roon. O baka nakadagdag pa sa bango ang amoy ng Red Horse at Empi?


Napakurap ako nang makita ang pagguhit ng ngiti sa mapulang mga labi ni Isaiah. Bahagya siyang umangat saka hinubad ang suot niyang shirt.


I breathed heavily when he lowered his head and started kissing my neck. His warm and soft lips caressed my skin.


"Isaiah, s-sandali..." Napaliyad ako nang marahan niyang sipsipin ang leeg ko.


Ang mainit at basa niyang dila ay sinugpo ang lamig ng aircon sa sala, at nagdala ng dagsa-dagsang kuryente sa aking sistema.


I wanted to stop him, but my hands, apart from being powerless, were also being held by him. I was about to give in, but he suddenly stopped.


Napadilat ako. Then I felt something on my neck, and when I touched it to check what was it, I was stunned. They were his tears.


"Isaiah..." anas ko. Ang bahagyang panginginig ng balikat niya ay aking naramdaman.


"Vi..." Basag ang paos na boses niya. "Vi, bakit hindi mo na ako binalikan?"


JF


#SerialCharmerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro