Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41

"MAAGANG UMALIS SI ISAIAH."


Hindi na ako nakatulog pagkatapos kong maligo kaninang madaling araw. Bumaba ulit ako bandang 5:30 a.m. Kinakabahan pa ako dahil baka maabutan ko si Isaiah, kaya nakahinga ako nang maluwag nang malamang nakaalis na pala siya.


Ang nagkakape na si Mama Anya ang naabutan ko sa mesa. "Nagising ako kanina sa tunog ng gate. Pagsilip ko ay si Isaiah pala. Wala pa yatang 4:00 a.m. lumayas na agad. Hindi yata nakatulog."


Nakagat ko ang aking ibabang labi.


"Ano pala ang plano mo ngayong nandito ka na sa Pinas, Vi?"


Naupo ako sa upuan. "Mag-a-apply po ako next week, Mama. Hindi po ako nakapag-college kaya hindi ko pa sigurado kung anong trabaho ang papasukin ko. Kailangan ko lang talagang makapasok na agad bago pa maubos ang natatabi kong pera."


"May kakilala ako sa Epza. Okay lang ba sa 'yo magpabrika? Garments o electronics? Below minimum nga lang ang sahod."


"Thank you, Mama. Opo, okay lang po sa akin kahit ano. Hindi naman po ako namimili ng trabaho."


Sumimsim siya ng kape bago nagsalita muli, "Ang tanong lang, okay kaya kay Isaiah?"


Nanahimik ako ng ilang segundo. "W-wala naman na po kami. Si Vien na lang dahilan namin..."


Nagkibit-balikat lang si Mama Anya.


"K-kahit magkatrabaho ako, hindi ko naman pababayaan ang anak namin. Kapag wala po akong trabaho, ako pa rin ang mag-aasikaso kay Vien."


Kailangan kong magtrabaho dahil paubos na ang pera na natatabi ko. Wala na iyon sa twenty thousand pesos dahil nagbayad ako sa pakabit ng kuntador. Hindi naman puwede na palagi akong makikain at makitulog dito kina Isaiah.


Nang uwian na sa school ni Vien ay ako ang sumundo rito. Na-late ako ng ilang minuto dahil hindi ako agad nakasakay ng tricycle. Sa bukana ng gate ng nursery ay natanaw ko si Vien na may kausap na nanay yata ng kaklase nito.


"Vien, may asawa ba iyong daddy mo?" tanong ng babae rito na parang hindi nalalayo ang edad sa akin. Maputi ito, naka-make up, rebonded at may kulay ang buhok. Ang suot ay sleeveless blouse at maiksing maong shorts.


Nagkamot ng pisngi si Vien. "Wala pow. Pero kaibigan niya ang mommy ku."


Napangiti ang babae. "Ah, magkaibigan lang? Kung ganoon ay hiwalay na sila? Ako rin e, hiwalay sa asawa. Kailan ka nga pala ulit susunduin ng daddy mo?"


"Sa work pow si Daddy e! Engineer siya sa Manila!"


Nangislap ang mga mata ng babae. "Kabisado mo ba ang number ng daddy mo? Puwede bang hingin—"


Hindi na ako nakatiis. Napasigaw na ako. "Vien!"


Napatingin sa akin ang bata, maging ang babaeng kausap nito. Natigilan ang babae nang makita ako, higit lalo nang mapagmasdan nito ang itsura ko.


"Vien." Nakangiting hinimas ko ang buhok ng bata. "Sorry late si Mommy. Si Daddy mo kasi, ayaw pa akong paalisin kanina. Ipinagluto ko na nga, gusto pa subuan ko siya. Alam mo naman iyon, ang lambing."


Hinila ko na si Vien paalis bago pa ito may masabi. Pagsakay ng tricycle ay nagtatanong ang kumikislap na mga mata ng bata sa akin.


Napalabi ako. "Secret lang natin iyong sinabi ko."


Nag-thumbs up siya sa akin. "NP!"


Napabuntong hininga ako. Ngayon na nga lang ako dumating, ang unang itinuro ko pa sa anak ko ay pagsisinungaling.


Pagkauwi ay pinalitan ko na agad ng damit si Vien. Sabay kaming kumain ng tanghalian. Si Mama Anya ang nag-asikaso ng kusina ngayon. Napansin ng ginang na parang hindi maganda ang mood ko.


Nasa kuwarto ako ni Vien nang sumunod ang bata. "Mommy, baket ka malungkot?!"


Umiling ako. "Wala. Sorry, anak." Niyakap ko siya at hinalikan sa matambok at makinis niyang pisngi. "I love you, baby ko."


Ang anak ko lang ang dahilan kaya nandito ako. Iyon ang dapat kong idikdik sa kukote ko.


"Mommy, andami mo pasalubong sa akin. Kina Wowa rin, Yoya Roda, at Yoyo Kiel!" Humarap sa akin si Vien. "Baket ke Daddy ku, wala pow?"


"M-meron din naman," mahinang sabi ko at napayuko. "Hindi ko pa lang naibibigay sa kanya..."


Isaiah's polos and shirts were in Vien's closet. Hindi pa ako nakakakuha ng tyempo na ibigay iyon sa kanya. Kahit noon kapag nagpapadala ako ay meron din para kay Isaiah. Kahit alam ko na hindi niya ginagamit, o maski tinitingnan ang mga padala ko, nagpapadala pa rin ako.


"Mommy, gustu mu pow lagay na naten sa damitan ni Daddy 'yon pasalubong mu?!"


Hindi pa ako nakakasagot ay nanakbo na si Vien papunta sa closet. Nangalkal siya roon ng mga naka-plastic. Tiningnan niya ako para tanungin kung iyon ba ang para sa daddy niya, nang tumango ako ay pinagkukuha niya na ang mga plastic.


Napasunod na lang ako sa kanya nang pumunta siya sa kabilang kuwarto. Hindi ako pumigil sa bata, siguro dahil naku-curious din ako kung ano na ba ang itsura ng kuwarto ngayon ni Isaiah—ang kuwarto na minsang naging kuwarto ko rin sa bahay na ito.


May ilang nagbago sa kuwarto ni Isaiah. Lumiit nang kaunti dahil nasakop ang espasyo para sa kuwarto ni Vien. Gayunpaman, mas maaliwalas ngayon ang kuwarto ni Isaiah. Bago na ang pintura, bago na rin ang kisame at tiles. May aircon na rin, computer table at gaming chair.


Wala na ang malaking estante dati. Ang napalit ay glass shelves. Naroon sa loob ang koleksyon niya ng CDs at songbooks. Ang kama niya ay double bed pa rin pero iba na ang frame. Pinalitan na pero bakal pa rin.


Dati rati'y hate na hate ni Isaiah ang bakal na frame sa kama. Lumalagutok daw kasi at lumilikha ng kalabog. Hinaharangan niya pa noon ng unan ang pagitan ng headboard at dingding para walang tunog kapag umuuga.


Napatingin sa parte ng dingding kung saan nakadikit dati ang mga pina-print niyang pictures namin. Wala na roon ang mga pictures na iyon. Ang nakadikit na sa dingding ay anime posters na. May kirot akong naramdaman sa aking dibdib subalit agad ko iyong binura.


Si Vien ay basta nagbukas ng closet ng ama. Isinalampak nito sa loob ang mga plastic na kinalalagyan ng mga pasalubong kong t-shirts at polo. Dahil sa pagsasalaksak nito ay naglaglagan ang ibang nakalagay sa loob.


Tinulungan ko ang bata na magdampot. Sa pagdadampot ko ay isa sa mga nadampot ko ang isang kandila na kulay pula. I wouldn't have paid attention to the red candle if only I hadn't seen a sticky note attached to it.


I read what was written on the sticky note. HBD, Sexy Engineer! Just DM me if you want me to blow your thick and long candle for you!– XOXO, Patrice Lim.


Nabitiwan ko ang kandila sa sahig dahilan para mabali iyon.


"Hala, nabali, Mommy!" takot na sabi ni Vien. "Baka gagamitin pow 'yan ni Daddy sa pagpi-pray!"


Nagpa-panic na pinagdadampot ko ang mga nagkalat na gamit ni Isaiah sa sahig at basta isinalampak sa closet. Pati ang nabaling kandila ay ibinalik ko sa loob. Pagkatapos ay hinila ko na agad si Vien palabas ng kuwarto.


Bumalik ako sa kuwarto ni Vien, habang ang bata ay bumaba dahil tinawag ito ni Mama Anya. Tumatawag ang wowo nito sa Messenger.


Napaupo ako sa gilid ng kama habang hawak ang aking dibdib. Who was Patrice? Girlfriend ba siya ni Isaiah?


Alam ko naman na posibleng magkaroon ng iba. Hindi na dapat ako magulat. Dapat nga inaasahan ko na. Pero bakit ganito? Bakit ganito ang pakiramdam ko?!


Sinaway ko ang sarili. Napaka-selfish ko naman para makaramdam nang ganito. Pinalaya ko na siya. He even thanked me for his freedom.


I shouldn't be acting like this anymore. Isaiah and I were already done. Taon na.


Bumalik si Vien para sa afternoon nap. Habang pinapatulog ko ang bata ay hindi ko rin napigilan ang sarili na pasimpleng mag-usisa. "Vien, meron bang girls na nakakausap ang daddy mo?"


Naghimas ng baba ito. "Hmn, bukod pow ke Wowa at Yoya Roda?"


Tumango ako. "Bukod sa kina wowa at yoya mo. Bukod din kina Ninang Carlyn, Ninang Zandra o Ninang Laila mo."


"Ah, sa school ku, Mommy! Lahat ng mommies ng kaklase ku, palage nila inaabangan si daddy ku! Pati pow teacher ku, gusto kinakausap si daddy ku!"


Nang makatulog na si Vien ay bumangon ako. Nakarinig ako ng pagbukas ng gate mula sa unahan ng compound. Parang biglang tumalon ang puso ko.


"O umuwi ka na naman?" Malakas na boses ni Mama Anya mula sa ibaba.


Namawis ang palad ko. Nagpalakad-lakad ako sa kuwarto. Alam ko na si Isaiah ang dumating. Naalala ko ang nangyari kagabi. Sinalakay ako ng hiya. Hindi ko alam kung paano siya haharapin.


Mga isang oras yata akong palakad-lakad nang mapapiksi ako dahil bumukas ang pinto ng kuwarto. Ang pormal at seryosong mukha ni Isaiah ang nalingunan ko.


Naka-jeans pa siya pero naka-medyas na lang at wala nang pang-itaas na damit. I could clearly see his naked upper gorgeous body. And dang! He was breathtaking!


Ang pantay na kulay ng kutis niya, ang malapad niyang dibdib, balikat at ang walong pandesal niya sa sikmura. Bakit ba siya nakahubad?! Mainit ba?!


Napabalik ang mga mata ko sa kanyang mukha nang magsalita siya. "Pumasok ba si Kulitis sa kuwarto ko?"


"Ha?" Kinabahan na ako.


"Nagulo ang damitan ko at may nasira akong gamit."


Napalunok ako. Sigurado ako na ang tinutukoy niyang nasirang gamit ay iyong pulang kandila.


"Ah, e..." Napakamot ako ng pisngi sabay tingin sa batang naghihilik sa kama. "Ah, oo, pumasok si Vien sa kuwarto mo."


Tumaas ang isang kilay niya.


"B-basta na lang siya pumasok, e. Hindi ko na siya naawat. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya sa kuwarto mo. B-baka naglaro..." Sa isip ko ay humihingi ako ng 'sorry' sa tulog na bata.


Anak, sorry. Mahal ka naman ng daddy mo kaya mapapatawad niya kapag ikaw. Pero kapag ako, baka pag nagalit siya ay palayasin niya ako dahil hindi niya na ako mahal.


"Marami akong uwing trabaho galing sa office. Wala akong oras magligpit. Ikaw ang magligpit."


"Ha?" Laglag ang panga ko sa sinabi niya.


"What? You don't want to?"


"Ah, s-sige. Ilabas mo na lang, dalhin mo rito, liligpitin ko."


"Anong ilalabas at dadalhin ko rito? Iyong buong closet ko?"


Napakamot muli ako ng pisngi. "O sige, pupunta ako sa kuwarto mo para magligpit. Tatawagin na lang kita pagkatapos kong magligpit."


"Not gonna happen."


"Ha?"


"May trabaho nga ako, di ba? Saan mo ako pagtatrabahuin kung hindi sa kuwarto ko? Hindi naman puwede rito dahil natutulog si Kulitis."


"Sa kuwarto ng mama mo?"


"Nakakatawa iyon?" sarkastikong tanong niya.


"S-sorry. Sige, tara na sa kuwarto mo." Nauna na akong lumabas sa kanya ng pinto. Huminto lang ako nang nasa hallway na. Siya na ang pinauna ko.


Pagpasok sa kuwarto niya ay nagtayuan ang aking balahibo sa katawan, hindi dahil sa aircon kundi dahil sa pagkailang. Dalawa lang kasi kami rito tapos topless pa siya. Hindi ba siya nilalamig?


Nagsimula na akong magpulot ng mga damit niya sa sahig. Naglaglagan din pala ulit ang mga iyon. Dinala ko sa kama dahil alangan namang sa sahig ko tupiin.


Si Isaiah naman ay nasa may computer table. Busy siya sa ginagawa sa Adobe yata. Nandoon ang buong atensyon niya kaya kahit paano ay nakapagligpit ako nang payapa.


Pati ang ibang gamit niya ay niligpit ko na rin. Ang higaan niya ay inayos ko rin.


Bandang alas dos nang mag-stretch siya ng mga braso at magpalagutok ng mga buto sa kamao. "Pahingi ngang tubig."


"S-sige." Nagulat ako sa utos niya pero agad akong sumunod. Dali-dali akong bumaba para ikuha siya ng tubig na malamig.


Pagbalik ko ay inabot ko iyon sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay niya nang mahawakan ang baso. "Ayoko ng masyadong malamig."


"Ha? Ganoon ba? S-sige, ikukuha ulit kita ng bago."


Bumalik ako sa ibaba at kumuha ng tubig. Kalahating malamig at kalahating hindi. Pagbalik ko sa kuwarto ay nagulat ako nang makitang umiinom na si Isaiah ng tubig mula sa hawak na mineral bottle.


"Nakainom ka na pala..."


Sumulyap siya sa akin at kaswal na nagsalita, "May tubig pala ako rito."


Ipinagpatuloy ko na ang pagliligpit ng kuwarto niya. Ang mga papel niya na nasa paahan ng kama ay pinagpatong-patong ko at inilagay ko sa envelope.


Tumayo siya at inagaw sa akin ang envelope. "These are important office documents. Hindi mo ito dapat basta-basta hinahawakan!"


"Hindi ko naman ginulo. Pinagpatong-patong ko lang..." Napayuko ako. "Sorry..."


"Iyong laman ng mga hamper, may tatlong polo diyan at isang pantalon. Labhan mo na lang para may magawa ka naman."


Napaangat ang mukha ko sa kanya. Seryoso siya sa utos niya.


"What? Ayaw mo? Sige, iutos mo na lang sa mama ko sa ibaba. Tutal sanay naman iyong mama ko na siya lang ang napapagod, dahil halos lahat dito sa bahay ay siya na ang gumagawa at kumikilos."


"A-ako na ang maglalaba."


"Then do it now. Baka hintayin mo pang mawala na ang araw bago ka maglaba. Saan mo pa ibibilad ang sinampay? Sa buwan?"


"N-ngayon ko na lalabhan habang may araw pa."


"Okay. Kaunti lang naman 'yan, baka naman maisipan mo pang gamitan ng washing machine."


Umiling agad ako. "Hindi ko gagamitan. Kukusutin ko na lang."


Tumango siya at tumalikod na. Bumalik siya sa ginagawa niya sa computer. Ako naman ay pumunta na sa hamper para gawin ang inuutos niya.


Pagbaba ko ay natutulog si Mama Anya sa sofa. Nakatulugan na nito ang panonood. Pinatayan ko ito ng TV saka iniwan.


Bitbit ko ang hamper na kinalalagyan ng mga damit ni Isaiah. Kumuha ako ng planggana at sabon saka pumunta sa banyo. Doon ako maglalaba dahil magkukusot lang naman ako.


Marami-rami din pala ang polo ni Isaiah. At hindi rin totoong isang pantalon lang ang nasa hamper, kundi tatlo. Pero ayos lang, malaki naman ang banyo at malakas ang tubig kaya hindi ako nahirapan sa paglalaba.


Mahapdi na ang mga daliri ko sa pagkukusot nang makatapos ako. Banlaw na lang. Nananakit na rin ang aking likod kaya nag-stretching muna ako.


Huling banlaw na nang dumating si Isaiah. "Iihi ako."


"Ah, sige." Mabilis akong tumayo at hinila ang planggana para makadaan siya. Dahil puno ng tubig ang planggana ay kandairi ako sa paghila. Nabasa rin ang dulo ng suot kong tokong.


Hindi na ako nahintay ni Isaiah na makalabas ng banyo. Dere-deretso siya sa loob at umihi na. Nakatalikod naman siya sa aking umihi. Iyon nga lang ay naririnig ko ang tunog. Dama ko ang pamumula ng aking pisngi.


Nag-flush siya, at nang humarap siya sa akin ay nakasarado na ang pants niya. Ang sinturon na lang ang nakabukas. "Bilisan mo, mawawala na ang init ng araw. Hindi na matutuyo ang mga 'yan."


"'Wag kang mag-alala, patapos na ako—" Hindi ko na natapos ang sinasabi dahil nakatalikod na siya sa akin. Umalis na siya papunta sa hagdan.


Napabuga na lang ako ng hangin saka bumalik sa pagbabanlaw ng mga damit. Minadali ko na para makapagbilad pa ako sa araw. Pagod na pagod ako nang makatapos.


Pagkasampay ko sa mga damit ni Isaiah ay naligo na rin ako. Pagbalik ko sa itaas ay narinig ko ang paghagikhik ni Vien. Kinikiliti pala ito ni Isaiah sa tiyan.


"Ano, di ka pa magigising, ha?!" Pati ang ilalim ng leeg ng bata ay kinikiliti niya.


"Opu, Daddy, giseng na nga ku waaa!" Mangiyak-ngiyak sa pagtawa na nagpapasag naman si Vien.


Ang ganda ng pagkakangiti ni Isaiah. Buhay na buhay ang kapilyuhan sa mga mata niya habang nilalaro si Vien. Ang ekspresyon niya na kagtagal na mula noong huli kong makita.


Bumalik lang sa pagiging seryoso ang mukha niyang malamang nandito ako. Tumayo na siya at pumormal na ulit. "Bumangon ka na, Kulitis."


"Nai-hanger ko na sa labas iyong mga damit mo. Mamaya ipapasok ko na lang," sabi ko na tipid na tinanguan niya lang at pagkatapos ay nauna na siyang lumabas ng pinto.



PAPAGABI na nang may dumating na bisita. Si Isaiah ang nagbukas ng screen door. Sumilip ako at nakita ko na ang dumating ay ang kaibigan niyang si Carlyn.


"Ano na namang ginagawa mo rito?" maangas na tanong ni Isaiah rito. Ganoon yata sila talaga mag-usap kahit noon pa.


Nag-usap ang magkaibigan sa sala. Ngayon ko na lang ulit nakita nang personal si Carlyn. Nag-mature ang mukha at katawan nito na lalong nagpaganda rito. Mas lumakas ang dating nito. Kahit noon pa man ay nagagandahan na ako rito. Minsan ko rin itong napagselosan noon kay Isaiah.


Hindi man kami naging magkaibigan noon ni Carlyn ay batid ko naman na mabait ito. Ang hindi ko makakalimutan ay noong minsang gutom na gutom ako dahil wala akong baon. Binigyan ako nito ng siopao.


"Vi, pengeng tubig!" sigaw ni Isaiah.


Kumuha naman ako ng isang baso ng malamig na tubig, at dinala kay Carlyn. Ito pala ang iinom. Nakangiti naman nito iyong tinanggap.


"Thanks!" Sa pagngiti ni Carlyn ay nabawasan ang pagiging masungit ng mukha nito. Lalong lumutang ang ganda.


Napakislot ako nang bigla akong hawakan ni Isaiah sa bewang. "Paayos ng kuwarto ni Kulitis, doon muna matutulog si Carlyn. Tabi muna sila."


Nagitla ako at napalunok. "S-saan ako?"


"Sa kuwarto ko, syempre. Pero kung gusto mo sa kuwarto ni Mama, pwede naman."


Napangiwi ako. Hindi ko pa na-try kahit kailan na matulog sa kuwarto ni Mama Anya.


Umakyat ako sa itaas para palitan ng bedsheet ang kama ni Vien. Pagbaba ko ay sa kusina pa ako namalagi. Hindi ako mapakali. Si Mama Anya ay nagtataka na sa pagiging aligaga ko.


Nilapitan ako ni Isaiah at bumulong siya sa tainga ko, "Mauna ka na sa itaas. Ayusin mo ang kama ko."


Pagharap ni Isaiah kay Carlyn ay inutusan niya ang kaibigan, "Nalinisan naman na 'yan ni Mama. Patulugin mo na." Ang tinutukoy niya ay si Vien.


Kasabay lang nila Carlyn na akong umakyat. Nang nasa kuwarto na ako ni Isaiah ay hindi ko malaman ang gagawin. Pati yata mga internal organs ko ay nagpa-panic. Totoo ba ito na dito ako matutulog sa kuwarto ni Isaiah?


Kaya ko bang matulog dito ngayong gabi? Kaya ko bang makatabi si Isaiah? Galit siya sa akin. Paano kung habang tulog ako ay bigla niya akong sakalin? Paano kung daganan niya ako ng unan sa mukha?!


Kagat-kagat ko ang aking daliri sa hintuturo habang palakad-lakad. What if kay Mama Anya na lang kaya ako tumabi ngayong gabi?


Napailing ako. Mabait sa akin si Mama Anya pero parang nakakailang ito na makasama sa kuwarto. Uhm, what if sa lapag na lang ako ng kuwaro ni Vien matulog? O kaya what if sa sala na lang ako?


Bumukas ang pinto at pumasok si Isaiah na bagong paligo. Tumutulo pa ang basa niyang buhok at ang tanging takip sa kanyang kahubaran ay puti na tuwalya lang sa bewang.


Kandalunok ako nang pumunta siya sa closet at kumuha ng damit. Brief na gray, cotton white pajama, at light blue na shirt ang kinuha niya. Nang magbibihis na siya ay tumalikod ako. Narinig ko ang pag-ismid niya.


Kagat ang ibabang labi na naupo ako sa gilid ng kama. Baka isipin niya ay ang arte-arte ko. O baka isipin na naman niya na may balak akong—


"Matulog ka na."


"Ha?" Paglingon ko sa kanya ay nakabihis na siya. Kinukuskos na lang niya ng tuwalya ang kanyang basang buhok.


"Matulog ka na. May tatapusin akong trabaho ngayon magdamag kaya solo mo ang kama."


"S-sige. G-goodnight..."


Hindi na siya nagsalita pa ulit. Tinalikuran niya na ako para maupo sa harapan ng desk kung saan naroon ang computer niya. Dahil busy na siya sa ginagawa ay nahiga na ako sa kama.


Kanina ay kabado ako at hindi aligaga, pero ngayong hindi pala kami magkakatabi ni Isaiah sa kama ay parang gusto kong malungkot. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Ano ba talaga ang gusto ko?


Sobrang tahimik. Nakakabingi ang katahimikan. Ang paminsang click lang ng mouse sa computer ni Isaiah ang maririnig at panaka-nakang pagta-type niya sa keyboard. It was like music to my ears that made me slowly fall asleep.


Kinapa ko ang matigas na bagay na aking katabi. Lalo iyong nanigas nang yakapin ko. I didn't want to let it go because it was giving me warmth. The kind of warmth that was calming and soothing not only to my body but also to my heart. It felt like after a long journey, I was finally home.


Habang nakayakap roon ay sinisinghot din ng aking ilong ang pamilyar nitong mabangong amoy. Not satisfied yet, I also started kissing it.


Nakarinig ako ng mahinang ungol na hindi ko matiyak kung dahil nasasaktan o nasasarapan. 


Marahan akong nagmulat. Sa inaantok kong diwa ay unting luminaw sa akin ang guwapong mukha ni Isaiah. Ang mga mata niya ay nagliliyab na nakatunghay sa akin.


Saka ko lang napagtanto ang ayos namin. Nakahiga siya patihaya sa kama habang ako ay nakadagan sa kanya. Ang mas ikinawindang ko ay ang namumulang marka na sa tulong ng liwanag ng lampshade ay nakikita ko sa kanyang leeg.


Ha? Did I just give him those hickeys?!


Pagbalik ko ng tingin sa mukha ni Isaiah ay nakataas ang isang kilay niya sa akin. Ang boses niya na malamig pa yata sa buga ng aircon ay tuluyang ginising ang diwa ko.


"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"


JF


#SerialCharmerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro