Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37

ISAIAH, KUMUSTA KA NA BA?


A bitter smile formed on my lips. When Tita Duday sent me the message about my Mommy's condition five years ago, Isaiah already knew what my decision would be.


Kahit bali-baliktarin ang mundo, hindi ko magagawang talikuran ang mommy ko. Nangako rin ako kay Kuya Vien na hindi ko pababayaan si Mommy. At alam iyon ni Isaiah. Nauunawaan niya.


Naging mabilis ang proseso ng pag-alis ko. Hindi naging mahirap ang lahat dahil iyon pa rin ang apelyido ko at hindi naman napalitan. Tatlong buwan ang hatol ng immigration sa akin bilang tourist sa Australia.


Hindi na yata kami natulog noon ni Isaiah hanggang sa araw ng flight ko. Parang ayaw ko nang bumitiw sa kanila ni Vien noon sa airport. Para akong pinapatay habang paakyat sa eroplano. Sobrang sakit na umalis dahil naiwan sa Pilipinas ang puso ko.


Paulit-ulit ang bilin ni Isaiah na dapat palagi kaming mag-uusap. Paulit-ulit din niyang pinapaalala na pagkatapos ng tatlong buwan ay dapat balikan ko na sila agad. Pero hindi iyon nangyari dahil hindi ko puwedeng basta iwan si Mommy.


Sa loob ng mahigit dalawang taon na inunawa ako ni Isaiah, ay hindi rin natupad kahit iyong araw-araw na dapat kaming mag-uusap. Pareho kaming naging abala at nawalan ng oras. At ang lahat sa amin ay doon na rin nag-wakas...


Ang pag-iisip ko ay nagambala nang pabalibag na bumukas ang pinto. "VIVI!"


Nakatayo sa aking harapan si Daddy. Magulo ang kanyang buhok, ang coat na suot niya ay tabingi. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling, pero ilang araw siyang hindi umuwi.


"Nasaan ang passport mo?!" sigaw niya sa akin.


Walang emosyon ang mukha ko nang sagutin siya, "Si Tita Duday ang nagtago."


Umikot ang mga mata niya sa aking kuwarto para magsiyasat. Nang makita niya na bukas ang ang aking cabinet at kompleto doon ang aking mga damit, ay saka lamang siya kumalma.


"Akala ko, nagbabalak ka ng umuwi sa Pilipinas. Mas kailangan ka rito. Nakakahiya sa tita mo kung iiwan mo siya. Ang laki pa ng utang na kailangang bayaran. Alam mo namang wala ako ngayong trabaho."


I didn't say a thing and just listened to him.


"Saka ano bang uuwian mo sa Pilipinas? Malamang na pinagiba na ni Hannah iyong bahay natin doon, dahil hindi ko na nahulugan pa sa kanya iyong lupa niya."


Ang tinutukoy niya ay ang bahay namin sa Buenavista na basta na lang nila noong iniwan.


"O baka iniisip mo na makakauwi ka pa sa tarantadong ex mo? Aba, e mag-isip-isip ka. Ang tagal niyo nang hindi nagkikita, malamang may ibang babae na iyon ngayon."


I was still silent.


"Anak na lang ang meron sa inyo. Ang importante lang naman ay hindi ka pumapalya sa pagsuporta. Pero 'wag mong lakihan ang sustento, dahil baka sa padala mo na lang sila magsi-asa. Aba, swerte naman nila. Instant dollar buwan-buwan."


Nagpalakad-lakad si Daddy sa kuwarto ko. Marami pa siyang sinabi pero hindi ako umalma o nagreklamo. Pinabayaan ko lang siya.


Everyday was hell for me and I was already used to that kind of life, anyway.


"Hindi ka mahal ng lalaking iyon. Kita mo nga't nabuntis ka niya pero hindi ka naman pinakasalan. Nasa tamang edad na kayo at napakadali lang magpakasal kung gusto ka niya talagang pakasalan. Kahit simpleng kasal lang, pero wala, di ba?


"Kung nagtitipid siya o walang budget, puwede namang sa huwes kayo nagpakasal. Mura lang doon. Kung gusto naman niya nang libre, mero namang kasalang bayan taon-taon. 


Kung talagang mahal ka niyan, kahit simpleng kasal lang, pakakasalan ka niyan. Hindi siya papayag na ipanganak mo iyong anak niyo na hindi kayo kasal. Unless, hindi siya naniniwala sa kasal.. o baka naman ay hindi siya sigurado sa 'yo kaya marami siyang dahilan."


Iyon ang palaging sinasabi sa akin ni Daddy. That my son was a child out of wedlock.


Totoo naman iyon. Ipinanganak ko ang bata na hindi man lang ako naikakasal sa ama nito. Na ipinanganak na bastardo ang anak ko. Walang basbas ng Diyos o kahit basbas man lang ng batas ng tao. Masakit iyon para sa akin.


Hindi nga lang alam ni Daddy na mula nang mabuntis ako, ay walang araw na hindi binabanggit sa akin ni Isaiah ang tungkol sa kasal. Gusto ni Isaiah na itama ang mali namin. Gusto niyang patunayan na sigurado na siya sa akin, na hindi darating ang panahon na maghihiwalay kami.


Even Isaiah's parents wanted us to get married, for the sake of our son. But I refused. I was the one who was making excuses.


I avoided the topic of marriage because deep in my heart, I knew that this would happen. Na kakailanganin kong sumunod dito sa Australia. Mas madali ang proseso ng pag-alis kung hindi magbabago ang apelyido ko at marital status. Tama nga ako dahil kinailangan ko ngang sumunod dito.


"Sige, alis na muna ako. Pupuntahan ko pa ang Tita Duday mo sa ospital." Nagpadala na si Tita Duday noong isang linggo. At walang kaalam-alam si Daddy na for sale na ang condong ito.


Paglabas ni Daddy ay naghintay lang ako ng ilang minuto bago tumayo. Sumilip ako sa sala. Wala na roong tao. Nagbihis agad ako at mula sa ilalim ng kama ay inilabas ang isang maliit na maleta. Binitbit ko iyon kasama ng passport ko at ticket. Nag-taxi ako papunta sa Perth.


Wala na ang lumang sasakyan dahil naibenta na iyon ni Tita Duday noong nakaraang araw lang. Nasa kanya ang pinagbentahan, kasama ng napagbentahan ng iba pang gamit. Ni hindi man lang napansin ni Daddy na wala na ang ilang gamit sa condo.


Nag-ring ang phone ko. Agad ko iyong sinagot. Isang baritonong boses ang aking narinig, [ Hello, Vi? Naghihintay na sa 'yo si Lola sa Perth. Ibinilin na kita sa kanya. Ang pinsan ko ang maghahatid sa 'yo bukas sa airport. ]


Napangiti agad ako kasabay ng pagluha ng aking mga mata. "Thank you, Eli..."


Mula noon, hanggang ngayon, hindi ako pinabayaan ni Eli. Napahagulhol ako habang hawak ang phone. Sa wakas, makakauwi na ako. Sa wakas, makakabalik na ako sa Pilipinas...



NAIA, PHILIPPINES. Ilang beses kong kinurot ang sarili dahil baka nananaginip lang ako. Nanakit ang aking pisngi kaya malamang na hindi ito panaginip.


Dumaan ako sa Duty Free. Excited ako na namili ng mga chocolates. Idadagdag ko iyon sa mga pinamili kong laruan na pasalubong. Halos mangalahati ang pera na dala ko, pero ayos lang. Masayang-masaya ako sa aking mga nabili.


Paglabas ko ay gumala ang aking paningin sa mga taong nasa airport. May tumawag sa akin mula sa kanan. "Vivi!"


Napatili ako nang makilala ang matangkad at guwapong lalaki na kumakaway sa akin. "Eli!"


White polo and dark jeans ang suot niya. May suot na specs sa mata. Lalong tumangkad, lumaki ang katawan, at gumuwapo. Paglapit niya ay agad ko siyang tinalon nang mahigpit na yakap. Natatawa na gumanti naman siya sa yakap ko.


Pinisil ko ang kanyang pisngi. "Eli! Binatang-binata ka na!"


Tatawa-tawa pa rin siya. "Ikaw naman, mukha ka ng lola!"


"Sira!"


Akbay-akbay niya ako papunta sa kotse niya na isang itim na sedan. Hyundai ang brand ng sasakyan na ang nag-down ay ang mama niya na si Tita Hannah. Sa monthly naman ay siya raw ang solong naghuhulog mula sa sariling sweldo niya.


Maganda ang buhay ni Eli. Nakatapos siya ng college bilang Magna Cum Laude, nakapag-OJT sa Malaysia, at ngayon ay may stable job na sa malaking kompanya sa Manila. For promotion na siya ngayong taon.


"Tahan na, Vi." Pinunasan niya ng panyo ang luha ko sa pisngi dahil kanina pa ako umiiyak sa driver's seat na katabi niya.


Umiiyak ako kasi masaya ako para sa kanya. Natupad niya na ang kanyang mga pangarap. Siguradong proud na proud sa kanya ang mama niya na si Tita Hannah.


Nang huminto kami sa gas station para magpa-gas ay humarap si Eli sa akin. Inayos niya rin ang buhok na nagulo. "Tahan na," nangingiti niyang alo sa akin. Hinalikan niya ako sa noo.


Marahan ko siyang itinulak at pagkuwa'y tumahan na ako. Sa pag-andar ulit ng kotse ay pinagmasdan ko na lang ang tanawin mula sa labas ng bintana. Sa Cavite kami uuwi. Papasok na kami ngayon sa CAVITEX.


Ang dami nang nagbago sa daan. Nakakalungkot na at the same time ay nakakaaliw. Marami bagong establishments na ngayon ko lang nakita at meron ding mga nawala na.


Sa Cavite kami umuwi. Nandoon pa rin ang bahay nila sa Buenavista. Bumalik daw doon ang mama niya pagkatapos niyang maka-graduate two years ago. Ang sabi sa akin ni Eli ay hindi naman daw ginalaw ng mama niya ang bahay namin. Buo pa rin daw iyon hanggang ngayon.


Nag-offer si Eli na sa kanila ako umuwi. Tumanggi ako dahil nakakahiya na masyado. Saka na-miss ko na rin ang umuwi sa bahay namin.


"Daan tayo sa hardware. Bibili ako ng mga wire. Kakabitan ko ng kuryente ang bahay niyo," ani Eli nang sumulyap sa akin habang nagmamaneho. Wala na kasi kaming kuntador. Nahatak na. Hindi na naasikaso pa.


Pagdating sa General Trias ay nagsimula na naman akong maluha. Dumaan kami sa Pinagtipunan, sa dati naming school noong high school. Umatake sa akin ang iba't ibang pakiramdam.


Sakto ang oras na walang masyadong sasakyan ngayon sa daan, kaya nagawa ni Eli na bagalan ang pagda-drive. Ang mga mata ko ay nagmasid sa daan. Mula sa paradahan ng mga tricycle, babaan at sakayan ng jeep.


Huminto ang mga mata ko kung saan kami madalas bumaba noon nina Eli at Kuya Vien sa tuwing papasok kami sa school. Parang nakikita ko kami roon na nakatayo. Masayang sabay-sabay na tatawid.


Ang mga tindahan naman na natatandaan ko sa gilid ng daan ay ngayo'y mga naluma na ng panahon. Meron na ring mga bagong nadagdag. Limang taon na nga naman ang lumipas, malamang na marami nang pagbabago ang naganap.


Gabi na nang makauwi kami ng Buenavista. Sinalubong ako ni Tita Hannah ng yakap. Ganoon din kahigpit ang yakap ko sa kanya. Walang salita kundi puro luha. Alam niya ang mga nangyari sa akin, sa amin nina Mommy sa Austalia.


May hinandang pagkain si Tita Hannah. Ipinagluto niya ako ng paborito namin ni Kuya Vien. 


"Sigurado ka bang okay ka lang mag-isa?" tanong niya sa akin. Binigyan niya ako ng katol para hindi ako lamukin.


Nakangiti akong tumango at nagpasalamat. May ilaw na sa bahay dahil naayos na ni Eli ang mga kable. Pansamantala na nakikabit muna ako ng kuryente sa kanila. 


Sinamahan pa ako ni Eli sa pagpunta sa bahay. Pinahiram niya rin ako ng electricfan para meron akong gamitin. Wala na kasing mga gamit sa bahay. Pati ang aircon ko sa kuwarto ay naibenta na noong umalis sina Daddy noon.


Tinulungan ako ni Eli na maglinis nang kaunti dahil puro alikabok ang paligid. Pagkalinis ay umalis na rin si Eli para makapagpahinga na ako. Pag-alis niya ay naligo na ako at pumunta na sa kuwarto ni Kuya Vien. Doon ako matutulog.


Namasa agad ang mga mata ko pagpasok sa kuwarto ni Kuya Vien. "Imissed you so much, kuya..."


Masaya ako nang makitang naroon pa rin ang kama ni Kuya Vien. Kung meron kong higit na na-miss sa bahay na ito ay iyon ay ang kuwartong ito. Kaunting linis lang ang ginawa ko roon. Pinalitan ko lang ang bedsheet at mga unan ay sinuutan ng bagong punda.


"Kuya, sorry, ah? Ngayon lang ako nakabalik." Nakangiti akong nagsasalita habang panay ang tulo ng aking luha. "Saka, okay lang ba? Makikitulog ako rito sa kuwarto mo..."


Pinunasan ko ang aking luha at naupo sa gilid ng kama. Pinagsawa ko ang aking paningin sa paligid. Napakasaya ko na nakabalik na ako. 


Nakahiga na ako para magpahinga nang mag-beep ang phone ko. Ibinili ako ni Eli ng sim card kanina at may load ito na pang-data. Bukas ang Internet at ang notification ay galing sa Viber app. Nagpalit ako ng number doon kanina.


Nakakunot na tiningnan ko iyon. Isang unknown number ang nakita ko.


+63916*****

Nakauwi ka na raw sabi ni Mama.


Napabalikwas ako ng bangon. Ang pagod at antok ko ay parang biglang inilipad lahat sa bintana. Kahit hindi ko tanungin ang sender ng message ay meron na akong hinala kung sino siya.


Ilang taon na... Ilang taon na mula nang huli akong makatanggap ng message mula sa kanya...


I put on slippers and immediately went downstairs. Sa aking pagbukas ng pinto ay natanaw ko agad ang motor na nakaparada sa tapat ng gate. Sa tabi niyon ay nakatayo ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng all black, mula jeans, shirt, at cap.


Ang paglalakad ko palapit doon ay naging slow-motion, habang ang dibdib ko ay parang tinatambol sa lakas ng kabog nito. I could almost hear the sounds of my own heart beat!


Nakayuko ang matangkad na lalaki na nakasuot ng sombrelong itim. Nasa may gawing dilim din siya kaya hindi gaanong maaninagan ang kanyang mukha. But I know him.


Malayo pa man, hindi man ganoon kaliwanag sa kanyang kinatatayuan, at kahit ilang taon na ang nagdaan mula nang huling pagkikita namin ay hindi pwedeng hindi ko siya makikilala.


Marahan akong lumabas ng gate at ang tunog ng tarangkahang bakal ang kumuha sa atensyon niya. Umangat ang kanyang mukha mula sa pagkakayuko. Ang itim na sombrelo niya ay bahagya niyang inangat nang tumingin siya sa akin.


"Kanina ka pa?" maliit ang boses na tanong ko.


"Kailan ka pa dumating?" tanong din niya.


Ang boses niya na bagamat mahina ay buong-buo. Kasing lamig ng hangin na tumatama sa balat ko ang salat sa emosyon niyang tono.


Nilinis ko ang bikig sa aking lalamunan bago nakuhang sumagot sa tanong niya. "Hapon na. Na-delay kasi ang flight ko."


"Pupunta ka ba sa bahay?"


"K-kung okay lang sana..."


Tumango siya at pagkuwa'y tumalikod na. Tinungo niya ang itim na motor na nakaparada sa gilid. Sumakay siya roon. Itinalikod ang suot na sombrelo saka naglagay ng helmet sa ulo.


Nang i-start niya na ang motor ay hindi ko napigilan ang sarili na tawagin siya, "Isaiah!"


Lumingon siya. Dahil hindi pa nakababa ang salamin ng helmet ay nakita ko ang malamig na kakulay ng gabi niyang mga mata. "Bakit?"


"S-salamat..." sambit ko.


Tumaas ang isa sa makakapal niyang kilay.


"Salamat sa pag-aalaga sa... kanya habang wala ako..."


Matagal na nakatingin lang siya sa akin bago tipid na nagsalita. "NP."


Natigagal ako nang biglang ngumisi ang mapula niyang mga labi.


"Anak ko iyon, alangan namang pabayaan ko."


Pinaandar niya na ang motor at iniwanan ako. Nang wala na siya ay napahawak ako sa aking dibdib.


Bumalik na ako sa loob at dumeretso sa kuwarto. Dinampot ko ang phone na nagri-ring. May nagre-request ng video call. Isang guwapong batang lalaki ang agad na bumungad sa screen. Nakanganga ang mapulang mga labi kung kaya't makikita ang mga ngiping bungi.


[ Elow, mommy! 'Kita mo ba daddy ko?! ]


Katulad ng ginagawa ko palagi, sinikap ko ang magpakita ng isang masayang ngiti. "Hi! Yes, galing siya dito."


[ Binigay ni Daddy gift ku?! ]


Kumunot ang noo ko. "Ha? Anong gift?"


Ngumisi ang batang bungi. [ Kiss!!! ]


Napalunok ako. Bigla ay aking na-imagine si Isaiah kanina na hinahalikan ako. I immediately shook my head at the thought.


[ Mommy, nag-tutbras si Daddy ku pag alis kase ki-kiss ka nya! Mommy, kiniss ka niya??? ]


Tumango na lang ako at iniba ang usapan. "I'll see you tomorrow, baby."


[ Oki! See yu, Mommy! Bye, magtu-Tulfo na si Wowa e, nikukuha na saken CP niya! Ba-bye!!! ]


Natulala ako matapos ang tawag. After so many years, I could finally see my son again.


At kanina lang, nakita ko na ulit si Isaiah. Nakausap ulit. Nakaharap ulit. Parang panaginip. Napakalamig. 


But no matter how much Isaiah hated me, and no matter how much he wanted to erase me from his life, he could not do it. May anak kaming dalawa.


And because of our son, our lives were already intertwined. And whether we liked it or not... it was an inevitable fact.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro