Chapter 74
MAHAL NA MAHAL KA RIN NIYA.
That was the last thing I heard before he claimed my lips and I fell into a slumber.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog. Naalimpungatan na lang ako na malamig ang paligid at nakahiga ako sa malambot na higaan.
Nang imulat ko ang aking namimigat na mga mata ay isang anghel ang nasilayan ko. Ang ganda-ganda niya, ang amo-amo ng mukha. May kamukha siya. "Are you okay?" malamyos at malambing ang boses niya. Pinupunasan niya ako ng bimpo sa mukha.
Habang nakatingin sa kanya ay naalala ko na kung sino ang kamukha niya. "Kamukha mo iyong masungit na kapatid ng boyfriend ko," nakangising sabi ko sa kanya.
Hindi siya kumibo. Tuloy lang siya sa masuyong pagpupunas ng bimpo sa akin.
"Ang ganda-ganda mo," tila hibang na sambit ko habang nakatingin sa kanya. "Alam mo? Ang ganda-ganda rin ng kapatid ng boyfriend ko. Kamukha mo nga siya, mukha rin siyang anghel na katulad mo. Ang kaso ay allergic iyon sa akin."
Nakita ko na napalunok ang anghel na nasa harapan ko. "Magpahinga ka na, Carlyn," mahinahon ang boses na sabi niya sa akin. "Kausap lang nina mommy si Kuya sa baba. Mamaya aakyat na siya rito."
"Hala, kilala mo ako?!" Napahagikhik ako. "Saka may kuya ka rin? Hindi mo lang pala kamukha iyong kapatid ng boyfriend ko, kapareho mo rin siya. Mabait iyon e, alam mo ba? Galit lang sa akin pero mabait iyon."
"She's not mad at you," mahinang sabi niya.
Umiling ako habang pumapatak ang mga luha mula sa aking mga mata. "Galit iyon. Galit sa akin, halos isumpa ako. Sayang, kasi alam mo ba? Akala ko dati ay magkakasundo kaming dalawa. Mabait kasi siya. Pero hindi ko siya masisisi kung nagalit man siya sa akin. Alam mo, hindi kasi ako naging mabuti sa kuya niya."
"Do you really love her brother?" tanong niya sa akin.
Ngumiti ako at nakapikit na tumango. "Always."
Nang dumilat ako ay kumunot ang aking noo nang makitang pinangingiliran ng luha ang anghel sa harapan ko.
"Don't cry..." Inabot ko ang pisngi niya pero dahil nanghihina ay hindi ko siya naabot. "Kapag ganyan ka, lalo mong nagiging kamukha si Jillian." Ang mga luha ko ay patuloy pa rin sa pagpatak.
Siya ang kumuha sa kamay ko at marahan iyong pinisil. "You're crying too, you know."
"Kasi nga kamukha mo si Jillian. Kapag nakikita ko siya, naaalala ko kung gaano ako kawalang kwenta kumpara sa kanya. Perfect iyon e. Maganda, matalino, matino. Mabait na tao..."
"Why? Aren't you a good person?"
Umiling ako at suminghot. "Sinasaktan ko ang mga tao na ang gusto lang naman ay mahalin ako. Hindi ko kasi alam kung paano susuklian nang tama ang pagmamahal nila kaya mas pinipili ko na lang na saktan sila. Just like what I did to Jordan, I hurt him in the past. I am still hurting him now."
"Carlyn, what happened in the past between the two of you wasn't solely your fault. You both made your share of mistakes."
Napatitig ako sa maamong mukha ng anghel. "Siguro tama ka na pareho kaming may mali. Pero hindi ibig sabihin niyon na pwede kami ngayong sumubok uli. Because I never changed. Ako pa rin iyong immature, abnormal, magulo ang utak at puso na nanakit sa kanya noon. His sister, Jillian, is right. I don't deserve his brother. I don't deserve to be a part of his family. They're too good for someone like me..."
"If you think so, then let him go."
Napahikbi ako. Nagsisikip ang aking dibdib sa isiping gagawin ko ang sinabi ng anghel sa harapan ko.
Maliit naman na ngumiti ang anghel. "You can't do it, right? You think you don't deserve him, but still you can't let him go. 'Pag wala ka ng tama ng alak, pag-isipan mong mabuti ang mga desisyon mo. Kailangan mo lang pumili at pangatawanan kung ano ang pipiliin mo."
Tumayo na ang anghel.
"Kuya will be here in a bit." Bago siya lumabas ng pinto ay lumingon pa siyang muli sa akin. "It was nice talking to you, Carlyn."
Gusto ko sana siyang pigilan kaya lang ay nakaalis na siya. Napahawak ako sa aking ulo na bahagyang kumirot. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil inaantok na naman ako.
Narinig ko na bumukas muli ang pinto pero hindi ko na nagawang dumilat pa. Bago ako muling makatulog ay naramdaman ko na may tumabi at yumakap sa akin. Sa init ng katawan niya ay naging mahimbing at masarap ang aking pahinga.
SHIT! ANG SAKIT!
Pagmulat ko ay maliwanag na ang labas ng malaking sliding window. Familiar ang lugar na alam kong hindi ko kuwarto. Sinikap kong maupo sa kama kahit parang binabarena sa sakit ang ulo ko.
May isang baso ng tubig sa bedside table. Inabot ko iyon at nilaklak. Habang nakatulala ay bumalik sa akin ang nangyari kaya masakit ang ulo ko. Galing ako sa restobar nina Zandra kagabi, sa may Kiss Bar sa Pinagtipunan. Kasama ko roon si Sussie. Nagwalwal kaming dalawa. Pero paanong nandito ako ngayon nagising sa kuwarto ni Jordan?
Nanlaki ang mga mata ko. Oh, shit! Nasa Tagaytay ako?!
Nang mahimasmasan ay umalis ako sa kama. Naguguluhan pa rin ako kung paano ako nakarating ng Tagaytay. Ano iyon? Nang malasing ba ako ay pumunta ako rito? O si Jordan ang nagdala sa akin dito? Natutop ko ang bibig sa huling naisip. Gumapang sa aking pisngi ang pag-iinit.
Wala naman siguro akong ginawang kagagahan kagabi, 'no? Wala naman siguro.
Sanay akong mag-inom noon pero hindi na gaano ngayon. Madali na akong malasing. Shit, talaga. Hindi ko matandaan ang mga nangyari kagabi. Ang hirap pa naman sa akin kapag nalalasing, daig ko pa ang asong nauulol.
Ichineck ko ang sarili. Buo pa naman ako. Ang damit ko nga lang ay hindi sa akin. Tiyak ko na kay Jordan ang malaking t-shirt na aking suot. Malapit na ang laylayan nito sa aking mga hita. Nang itaas ko a nakahinga ako nang maluwag, may underwear ako.
Nang huling matulog ako rito ay wala akong panty kaya paggising ay puro kabag ako. Nang maalala iyon ang nanggigil na naman ako kay Jordan.
Speaking of Jordan. Nasaan ba ang lalaking iyon ngayon? Maaga ba siyang pumunta ng Manila?
Nakaramdam ako ng lungkot sa isiping umalis siya nang hindi ako gising. Ni hindi ko man lang siya nakita.
Wait! Bakit naman gusto ko siyang makita? 'Di ba nga pinagtataguan ko siya?
Dapat masaya ako na wala siya kasi makakatakas ako. Makakaalis agad ako. Hello? Wala akong balak magtagal dito sa kanila dahil bukod sa nakakahiya sa parents niya ay baka kung ano pa ang gawin sa akin ni Jillian. Baka habang wala siya ay i-salvage ako nito at itapon sa bunganga ng bulkang Taal.
Nagmamadaling hinanap ko ang aking mga pinaghubaran damit nang nakaraang gabi, kaya lang ay hindi ko makita. Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon. Mula roon ay nalanghap ako ang aroma ng pagkaing niluluto mula sa babang kusina. Parang tocino. Paborito ko ang toccino pero ngayon ay hindi ako natutuwa sa amoy nito.
Nakaramdam ako ng pagkaduwal, hindi dahil sa hangover, kung hindi dahil sa hindi ko trip ang amoy ng nilulutong tocino. Nanakbo ako sa banyo at dito sa lababo ngumudngod. Wala naman akong naisuka, mapait lang talaga ang aking panlasa.
Paglabas ko ng banyo ay muntik akong mapatalon nang makitang nandito si Jordan. Seryoso ang mukha niya habang nakapamulsa sa suot na jeans at nakatingin sa akin.
"Punyeta! Ano ba? Ba't ba nanggugulat ka?!" hawak ang sariling dibdib na sigaw ko sa kanya.
Lumapit siya at may inabot na maliit na kahon sa akin. "Use this."
Kinuha niya ang kamay ko at inilagay roon ang maliit na parihabang kahon. Nang siyasatin ko ay nangunot ang aking noo nang malamang isang PT iyon.
Tiningala ko siya. "Hindi nga—"
"I'll wait for you outside," malamig ang boses na putol niya sa sinasabi ko.
Nagtagis ang mga ngipin ko. Sige, para magtigil siya ay pagbibigyan ko siya. Blangko ang ekspresyon na bumalik ako sa banyo.
Sa loob ay ginamit ko ang PT. Mariing magkalapat ang aking mga labi habang hinihintay ang resulta. Siguro naman pagkatapos nito ay titigil na si Jordan. Baka ito na rin ang sign para tapusin na namin ang kung ano mang—
Nanginig ang mga kamay ko na may hawak sa PT nang unti-unti ay gumuhit ang mapusyaw pangalawang pulang guhit. Napahugot ako ng paghinga ng habang tumatagal ay lumilinaw ito.
"Tangina..." sambit ko na ngayo'y nanlalabo na ang paningin dahil naluluha na pala ang aking mga mata.
Napatingin ako sa salamin ng banyo. Wala na akong make up, may nagpunas sa mukha ko habang tulog ako. Ngayon ay kitang-kita ko ang bahagyang pamamaga ng aking magkabilang pisngi. Ngayon ko lang napansin, parang tumaba ako.
Muli akong napamura. Shit! Damn it! Bullshit! Pakshit!
Sunod-sunod ang mura ko. Hindi ako makapaniwala. Paano nangyari ito? May spotting ako. Hindi ako buntis kaya nga nagwalwal ako dahil sa sama ng loob. Paanong nangyari ito?!
Sinilip ko ang aking panty. Inalis ko ang pantyliner, walang dugo o kahit anong mantsa. Hindi nasundan ang spotting kagabi. Napahawak ako sa aking impis na puson. Buntis ako? Buntis ako. Buntis ako!
May kumatok sa pinto ng banyo. Agad ko iyong binuksan at nasalo ko ang malamlam na kulay tansong mga mata ni Jordan. Napahikbi ako habang nakatingala sa kanya.
Ang paningin naman niya ay bumaba sa hawak kong PT. Hindi bumilang ang sandali, kinabig niya ako at niyakap. Sa matigas na dibdib niya ay kumawala ang mga luha ko.
Iyak ako nang iyak. Hindi ko na alam kung ano ba ang iniiyak ko, basta gusto kong umiyak. Naghahalo ang emosyon ko. Masaya ako, kinakabahan, at nagsisisi kasi bakit ako uminom kagabi?!
Kasalanan ito ni Isaiah! Siya ang nagsabi na dalhin ko sa Kiss Bar si Sussie. Siya ang dahilan kaya napainom kami ng kaibigan ko. Siya ang dahilan kaya kahit wala akong balak uminom ay napainom ako dahil sa natukso ako sa alak. Kasalanan niya! Kapag lumabas na lasing ang anak ko, hindi ko mapapatawad si Isaiah! Kakapunin ko siya!
Nang nahimasmasan ay kumawala ako mula sa pagkakayakap ni Jordan. Natutulirong naupo ako sa gilid ng kama. Ang higpit ng pagkakahawak ko sa PT. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
May baby na ako. Magkaka-baby na ako. Mommy na ako. Anong gagawin ko? Ano bang dapat gawin?
"Carlyn." Mainit at masuyong boses ni Jordan ang pumukaw sa nagliligalig kong diwa.
"Uhm... W-wala ka bang pasok ngayon?" maliit ang boses na tanong ko. Hindi ko magawang tumingala. Naduduwag ako na salubungin ang kanyang mga tingin.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
Mayamaya ay nagsalita siya sa bagamat mahinahon na tono ay kakapaan ng awtoridad. "You can't leave this place without me."
Doon lumipad ang tingin ko sa kanya. "Ha?"
Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. "'You hear? Kung nasaan ako, doon ka."
Napalunok ako. "A-ano? Paano kung nasa work ka? Kung nasa firm o kailangang mag-visit sa construction? Doon din ako? Anong gagawin ko roon? Maghahalo ng semento?"
Tumiim ang mga labi niya. "I am serious."
Napanguso naman ako.
"If I need to tie you on the bed to make you stay with me, I'll do it."
Napanganga ako.
"We'll get married. You can hate me, curse me, I don't care. But we must get married."
Kinuha niya mula sa pagkakahawak ko ang PT. Napamaang ako nang bigla siyang tumayo at lumabas ng kuwarto. Hindi ko alam saan siya pupunta. Saka bakit kailangang dala iyong PT? Anong balak niya?!
Saka kasal? Bakit kasal? Pakakasalan niya ako? Sure siya? Final answer na iyon?!
At bakit ang demanding niya bigla?!
Nakatulala ako sa pinto. Parang panaginip sa akin ang mga nangyayari. Sinubukan kong kurutin ang sarili para lang mapamura dahil ang sakit. Ang sakit, letse!
Dinampot ko ang phone ko sa bedsidetable. Habang wala si Jordan ay kailangan ko ng makakausap dahil kung hindi ay baka mabaliw ako. Tinawagan ko si Sussie. Siguro naman gising na ang babae. Nahimasmasan na rin siguro siya mula sa kalasingan. Hindi naman marami ang nainom niya e, mas marami pa rin iyong akin.
Sandali lang ay sinagot niya agad ang tawag ko. [ Kumusta? Nakauwi ka ba nang maayos kagabi? ]
Napahikbi ako nang marinig ang malambing at may pag-aalalang boses niya. "Sussie, I'm pregnant..."
Matagal bago siya nagsalita ulit. Sa pagkakataong ito ay wala nang kalambing-lambing ang boses niya. [ Gaga, bakit ka nagyaya ng inuman kung buntis ka pala talaga?! ]
Muli akong humikbi. "Hindi ko naman kasi alam na buntis pala talaga ako. I thought it was just a false alarm. Akala ko rin na nagf-feeling lang si Jordan!" Napahagulhol na ako.
Ang baby ko, ang baby ko na hindi pa nga gaanong buo sa tiyan ko ay nabinyagan na agad ng Sanmig at Red Horse!
Pumalatak si Sussie nang marinig ang pag-iyak ko. [ E anong sabi ni Jordan? ]
Imbes na sagutin ang tanong niya ay malakas na umatungal ako. "Sussie, baka maging kamukha ni Jillian ang magiging baby ko! No!!!"
Natawa siya. [ Siraulo. Malamang kamukha, kapatid ni Jordan iyon e. Saka di ka naman tayo dahil maganda naman si Jillian. Actually, mas maganda pa nga sa 'yo. ]
May sinasabi pa siya nang ibaba ko na agad ang tawag dahil narinig ko ang pag-click ng doorknob. Pinahiran ko ang aking luhaang mukha at itinago ang phone sa aking likuran.
Pumasok mula sa pinto si Jordan. "Sinong kausap mo?"
Teka, teka. Kanina pa ako nakakahalata, ah. Feeling boss siya at ang demanding niya. Tumayo ako at dinuro siya. "Ang yabang mo, ah!"
Tumaas ang isa sa makakapal na kilay niya. "Dahil may ipagyayabang ako."
Lalo akong nanggalaiti. "At ano iyon, ha? Na matalino ka? Na nakatapos ka ng pag-aaral, may magandang pamilya, may mamahaling kotse?!"
"No."
"E ano? Ano iyong pinagyayabang mo? Ah, na guwapo ka?! Matangkad?! Mabango?! Perpekto?!"
"Still no."
Napalabi ako. "Uhm, e ano nga iyong ipinagyayabang mo..."
Ang kaninang formal niyang mapulang mga labi ay ginuhitan ng isang matamis na ngiti. "Na mahal mo ako."
Napanganga ako. Ramdam ko ang aking pamumula mula ulo hanggang talampakan. Nang makabawi ay pinanlakihan ko siya ng mata. "Neknek mo! Saan mo naman nakuha iyang kahangalang iyan?"
"Secret." Ngingiti-ngiti pa rin siya.
Hindi ko naman na siya inaway pa. Nang yakapin niya kasi ako ay nabanguhan ako sa kanya. Mas mabango siya kaysa sa toccino kaya sa tingin ko, siya ang aalmusalin ko ngayong umaga.
SOBRANG INGAT ni Jordan. Kulang na lang ay de numero ang bawat galaw niya. Nakakairita na kaya ako na iyong nag-lead the way. Na-enjoy naman niya. Naka-dalawa kami. Tinulungan niya akong mag-ayos ng sarili pagkatapos. Inihiram niya ako ng damit kay Jillian.
In fairness kay Jillian, pinahiram niya ako ng damit. Iyong mag tag pa. Ano kayang nakain nun? Toccino ba?
Speaking of toccino. Ang fiancé niya pala na si Harry ang nagluto. Dito yata natulog kagabi. Maaga pa lang daw ay gising na ito at si Jillian. Busy na sa pag-aasikaso sa kusina. Nagbabahay-bahayan.
Nagpa-practice na siguro ang dalawa dahil malapit nang ikasal. Dapat this year ang kasal nila, kaya lang baka next year na dahil mauuna kami ni Jordan. Bawal kasi ang sukob hehe.
Natigilan ako sa iniisip. Pumayag na ba akong magpakasal kay Jordan? Okay lang ba talaga?
Kaninang kausap ni Jordan ang parents niya ay nakatulala lang ako. Wala akong ibang ginagawa kundi ang makinig at tumango sa mga sinasabi nila. Para akong nakalutang. Hindi gumagana nang matino ang utak ko. Hanggang ngayon kasi ay parang hindi pa rin ako makapaniwala na ang mga nagaganap ay totoo.
Posible ba talaga ang lahat ng ito?
Natutuliro ako. How could I do this? Could I really do this? Could I really be a mom?
Nasa kuwarto ako dahil pinagpapahinga ako ni Jordan. Nakatulala ako sa kawalan nang bumukas ang pinto. Pagtingin ko roon ay nakita ko si mommy. Napakunot ang noo ko dahil bakit siya nandito?
"Carlyn, are you really pregnant?" Namimilog ang mga mata ni mommy.
Tumayo ako at sinalubong siya. "Yes, My."
Malamang na si Jordan ang tumawag sa kanya kaya napapunta siya rito. Malamang din na kasama niya ngayon si Ninong Luis.
Nagbago ang mukha ni mommy. Nabura ang pagkagulat sa kanyang ekspresyon at napalitan ng kaseryosohan. Tumalim ang maamo niyang mga mata. "Kailangan niyo nang magpakasal ni Jordan. Hindi pwedeng lalaki ang tiyan mo na hindi pa rin kayo kasal!"
Napamaang ako. "Bakit, Mommy?"
"Anong bakit?!" Napabuga siya ng hangin. "Of course, kailangang makasal kayo dahi—"
"Bakit may pakialam ka sa akin?" manghang tanong ko. Muli ay naguguluhan ako sa kanya.
Umawang ang mga labi ni mommy.
"Wala kang alam sa akin, Mommy," mahinang sabi ko sa mababang tono.
Napamulagat siya. "Carlyn, w-what are you..."
"Wala kang alam sa akin," umiiling na anas ko. "Hindi mo malalaman hindi dahil sa hindi ko sinasabi, kung hindi dahil sa hindi ka nagtatanong."
Nakatitig ako sa emosyon na nasa mga mata ni mommy. Dati-rati'y madalas na wala iyong emosyon. Minsan naman ay galit, paghihirap, sakit ang mababasa, pero mula nang maranasan niya nang maging masaya, palagi ng maaliwalas iyon at minsa'y kumikislap.
Madalas na puno ng pagmamahal ang mga mata niya sa tuwing nakatingin kay Levi, kay Baby Caley...
I would look at my own child the same way. Puno ng pagmamahal, mamahalin ko rin ang magiging anak ko. Gagabayan ko, pakikinggan ko, kahit hindi ko naranasan kay mommy ang ganoon. Kahit hindi ko naranasang lumaki nang buo, pipilitin kong maging buo para sa anak ko. Magsisikap ako at—
Napakurap ako nang ma-realize na puno na pala ako ng luha. Umiiyak na pala ako nang hindi ko namamalayan.
Nanginig ang mga labi ko nang magsalita. "Mommy, I can be a good mother to my child."
Si mommy ay nakatigagal sa akin. Nasa mga mata niya ang pagtatanong, ang pagtataka, kasi katulad ng palagi ay wala siyang alam.
Matabang kong sinalubong ang mga tingin niya. "No. Hindi lang ako magiging mabuting ina sa anak ko, kundi matapang na ina rin na pwede niyang kapitan. Iyong pwede niyang sandigan kapag pakiramdam niya ay mawawasak na ang mundo dahil sa dami ng problema."
Because that kind of mother was my dream. Iyong may uuwian ako para masabi kung ano iyong masasakit na aking dinanas. Gusto ko sana na may magtatanggol sa akin mula sa mga kapitbahay na kinukutya ang pagiging anak ko sa labas. Gusto ko rin sana na may mapagsusumbungan ako kasi sinulatan ng crayons ng kaklase ko ang aking suot na uniform, dahil pumasok ako sa school nang hindi naliligo at walang baon.
Gusto ko sana iyong may mommy ako na pupunta sa school para pagalitan iyong kaklase ko na gumupit sa buhok ko. Ginupit ang buhok ko dahil may kuto ako. Palagi kasi ako sa arawan dahil gabi na umuuwi si mommy. Hindi rin ako palaging nakakapagsuklay dahil nawawala iyong suklay namin sa bahay.
Pinagtatawanan ako at iniiwasan ng mga kaklase ko dahil bukod sa may kuto ako ay mabaho raw ako. Hindi ko naman kasi kayang maligo mag-isa. Hindi ako marunong mag-init ng tubig pampaligo at hindi ko abot ang lalagyanan namin ng shampoo sa banyo. Sinubukan kong tumungtong sa toilet bowl pero nadulas lang ako.
Kahit sana nang magkaisip na ako, gusto ko pa rin sana na meron akong mommy na mag-aasikaso sa mga pangangailangan ko. Halimbawa noong una akong dinatnan ng regla, sana meron akong mommy na nagpaliwanag sa akin kung ano ang nararanasan ko at kung ano ba ang dapat gawin. Akala ko kasi noon ay mamamatay na ako dahil dumudugo ang pepe ko.
Di ba kahit malaki na ay pwede pa rin namang may aasikaso sa akin? Kagaya ng tatanungin ako kung kumusta ba ang araw ko? Kung kumain na ba ako?
Gusto ko rin sana ng mommy na hindi palaging tulala, umiiyak, at palagi lang nagkukulong sa kuwarto. Iyong mommy sana na hindi sinusugod at ipinapa-baranggay dahil isa siyang kabit. Iyong mommy na lalabanan ang masasakit na salita ng mga tao para ma-protektahan ako.
"I can be that kind of mom..." anas ko. Iyong mga gusto kong maranasan, ipaparanas ko sa anak ko.
"Darling..." narinig ko ang basag na boses ni mommy. Sinubukan niya akong abutin pero umatras ako palayo.
Nginitian ko siya. Ngiti na puno ng pait. "I will never be like you."
"Darling, Carlyn, I'm sorry..."
Umiling ako. "Masakit na ang tainga ko sa mga sorry mo, mommy. Mula pa noon, mula pa noong bata ako, nagso-sorry ka na. Magso-sorry ka sa tuwing may matutuklasan ka sa akin, 'tapos babawi ka ng ilang araw, at pagkatapos ng mga araw na iyon, babalik ka na naman sa dati. Paulit-ulit lang na ganoon."
Napahagulhol si mommy sa mga palad niya. Katulad ng paghagulhol ko noong bata pa ako. Humahagulhol ako sa unan, pigil ang ingay dahil ayaw kong marinig niya, ayaw kong malaman niya na umuwi akong umiiyak mula sa eskwela. Dahil kahit naman marinig at malaman niya, wala namang magbabago. Papasok pa rin ako sa susunod na araw at tutuksuhin na naman ako ng mga kaklase ko.
Hanggang sa dumating ang araw na hindi na ako umuuwing luhaan. Dumating ang araw na imbes luha ang nasa mukha ko ay mga bangas na, mga bangas na mula sa pakikipagbasag-ulo ko sa kung sinu-sino. Nagising ako sa katotohanan na hindi ako aapihin kung hindi ako magpapaapi.
To protect myself, I learned how to fight.
I also learned to guard my emotion. I put up my walls so high because I would be safer that way.
Habang lumalaki ay natutunan kong dalhin ang aking sarili. Saka maganda ako, mas maganda ako kaysa sa aking mga kaklase na kung tingnan ako ay pailalim. Kung tutuusin, wala silang binatbat lahat sa akin.
Kahit hindi ako matalino, kahit ang gulo ng pamilya ko, kahit pa sarili ko lang ang kakampi ko sa mundo, ayos lang. Salat man ako sa ibang aspeto, umaapaw naman ang ganda ko. Pwede na iyon.
"I... I'm sorry..." humihikbing sambit ni mommy.
"I don't need your sorry, mommy. Okay lang po na wala iyon. Kaya ko naman kasing harapin at tanggapin lahat. Nasanay na ako. Bata pa lang ay namulat na ako na magulo ang mundo at walang ibang poprotekta sa akin kundi ang sarili ko. Sinikap kong maging matapang, kasi pag hindi ako matapang, aapihin nila ako. Aapihin nila tayo."
Humakbang siya palapit sa akin pero umatras lang ulit ako.
"Mommy, nahihirapan ako pero tinitiis ko lang kasi ako lang iyong malakas sa ating dalawa. Kasi Mommy, mahina ka."
Isa pa sa dahilan kaya kailangan kong maging matatag ay dahil kailangan ni mommy ng makakapitan. Noong lumaki ako at naging matigas sa buhay, ako ang naging sandigan niya sa maraming pagkakataon na gusto niya nang sumuko. Ako iyong tahimik na tagasalo ng lahat ng frustration niya sa mundo.
Ngayon ay tapos na ang tungkulin kong iyon. Maayos na si mommy, masaya na siya. Nandiyan na si Ninong Luis na nagmamahal ng tunay sa kanya. Nagkaroon na rin siya ng Levi mula sa lalaking mahal niya. 'Tapos ngayon ay nariyan na rin si Baby Caley para mas buuhin ang dating nasirang buhay niya dahil sa isang pagkakamali.
Hindi niya na ako kailangan kaya gusto ko nang lumaya sa kanya. Gusto kong sumubok mag-isa. Nakatanggap ako ng isang magandang regalo sa Diyos at gusto ko sanang pakaingatan ito.
"Mommy..." tawag ko sa kanya. I just wanted to ask something.
Luhaan ang namumulang mga mata ni mommy na nakatingin sa akin.
"Mommy, gusto ko lang sanang malaman... Pwede rin ba akong maging masaya na katulad mo? Pwede na ba? Kasi magkaka-baby na ako, hindi ko alam kung kaya ko ito, kung magagawa ko ba ng tama? Natatakot ako na baka matulad sa akin ito, na baka hindi rin siya maging masaya sa buhay niya..."
Tumango si mommy. Nangangatal ang mga labi niya nang magsalita sa paos na boses. "Y-yes, darling... Magiging masaya ka at ang baby mo... Magiging masaya kayo kasi iba ka sa akin. Iba ka sa akin, Carlyn. Mas matalino ka, mas matapang ka, at mas malakas ka..."
"Thank you, mommy..."
"M-magiging perpekto ka para sa baby mo. I am sure, darling... I am sure..."
Luhaan siya na lumabas ng kuwarto.
Ilang sandali lang ay pumasok doon si Jordan. Nasa guwapong mukha niya ang pag-aalala, higit lalo nang makita niya ang itsura ko. Agad siyang lumapit sa akin. "Are you okay?"
Yumakap ako sa kanya.
Iniyak ko lahat-lahat.
Hindi niya ako pinakawalan hangga't hindi nagiging maayos ang aking paghinga.
Kinailangan lang niya akong sandaling iwan dahil nagpaalam na sina Mommy at Ninong Luis na uuwi. Sa ibang araw na lang daw babalik. Kinausap niya ang mga ito.
Habang mag-isa sa kuwarto ay nag-iisip ako. Ang mga usapan namin ni mommy ay paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko. Hindi ko akalaing masasabi ko sa kanya ang mga bagay na wala akong balak kahit banggitin man lang sa kanya.
Bakit ginawa ko iyon? Bakit sinaktan ko si mommy?
Napatingin ako sa phone ko sa bedside table. Dinampot ko iyon para ibaling sana sa iba ang aking atensyon. May mga unread messages pala sa inbox ko na hindi ko na nagawang buksan.
Sa dulo ay may isang text pala sa akin si Charles. Last week pa ito at ngayon ko lang nakita dahil natabunan na ng ibang messages mula Smart, Globe, mga scam messages, at text ni Nelly. Ichinichika ng babae sa akin ang landlady ng shop namin, kabit daw pala ito ng isang pulitiko.
Binuksan ko ang message ni Charles.
Charles:
Hi, Carlyn! I would like to thank you again for accepting me as your friend. That was just a little dream of mine that came to life. I am happy. Yes, I am truly happy. My heart is at peace and I am hoping that you'll find peace too in this chaotic world. I wish that your heart will be healed and may you learn to give in to your heart desire. You are a good person and you deserve good things in life. I am rooting for your happiness so please, always choose to be happy. I miss you already. I'll see you again.
Pumatak ang luha ko habang nakatitig sa text message ni Charles.
Do I really deserve that kind of life and happiness?
Is that really okay?
Nagtipa ako ng message kay Charles. Gusto ko siyang makita. Kukunin ko siyang ninong ng baby ko at—
Napahinto ako sa pagtitipa nang mag-appear ang pangalan ni Charlotte sa screen. Tumatawag ang babae. Pinunasan ko ang aking luha bago siya sinagot.
"Hello, Charlotte?"
Matagal. Matagal bago siya nagsalita. [ Carlyn... Wala na si kuya... ]
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro