Chapter 73
PALADESISYON!
Willing to wait pero gusto na akong itali para wala nang kawala? Sarap niyang umbagin kung hindi lang nakasunod ng tingin ang pamilya niya!
Magandang ang mga ngiti ng mag-asawang Herrera kaya ang hirap mag-maldita sa harapan nila. Saka ako bumawi nang maiwan kami ni Jordan sa kusina. Lumabas kasi ang parents niya sa garden para magpahangin. Excited sila na at the same time ay naluluha dahil nga sa mag-aasawa na ang panganay nila.
Tinadyakan ko sa paa si Jordan na sanhi para mapangiwi ang mapula niyang mga labi. "Ano iyon?!" singhal ko sa kanya.
Kahit masakit ang paa na tinadyakan ko ay nakuha niya pa ring ngumiti kahit tabingi. "I'll be good to you, I promise."
Sumilip sa pinto ng kusina si Jillian. "Kuya, aalis na raw si Nat."
Aalis? Ngayon pa lang aalis? Bakit kailangang magpaalam pa? Dapat nga kanina pa siya lumayas. Gusto pa yatang magpahabol.
"Kuya, may sasabihin daw si Nat."
Hinawakan ni Jordan ang kaliwang kamay ko. "No. I'll stay here."
Tumango si Jillian at umalis na.
Hinarap ko muli si Jordan. "Bakit 'di mo nilabas?"
"Ayaw kitang magselos."
Irap lang ang isinagot ko sa kanya dahil ayaw kong magsalita. Pakiramdam ko kasi ay kapag ibinuka ko ulit ang aking mga labi ay guguhit mula rito ang isang ngiti. Agh! Nakakaasar talaga!
Dahil sa pakiusap nina Mr. and Mrs. Herrera ay hindi ako nakauwi kinagabihan. Dito na naman ako sa kanila nagpalipas ng magdamag, doon sa kuwarto ni Jordan. At syempre, wala na namang tulog na nangyari.
Pagbangon ko kinabukasan ay ang pait-pait ng panlasa ko. Diretso ako sa banyo nila. Nagdududuwal ako sa maliit na lababo habang pinagpapawisan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Paglabas ko ay nakaupo si Jordan sa gilid ng kama habang matamang nakatitig sa bawat galaw ko. Tila may nais siyang sabihin, gayunpaman ay wala naman siyang sinabi na kahit ano.
Sabay kaming naligo at sabay rin na nagbihis. Kailangan niyang bumalik sa Manila ngayon dahil may meeting sila sa firm. May malaking project sila bukod pa sa mga projects na hawak ng firm. Sasabay na ako sa kanya kahit hanggang sa Monterey lang. Mula Manggahan ay maga-Grab na lang ako pauwi sa amin sa Navarro.
Paglabas namin sa kuwarto niya ay hinarap niya ako para magaang yakapin. "I don't wanna leave you."
"Kailangan mong mag-trabaho."
Hinaplos niya ang pisngi ko. "Dito ka na lang. Uuwian kita rito."
"Ayoko nga mamaya lasunin pa ako ni Jillian."
Pagkasabi ko ay sakto naman na lumabas si Jillian mula sa pinto ng kuwarto nito. Narinig niya ako.
Napangiwi ako at nag-peace sign. "Joke lang."
Tiningnan lang naman ako ng babae at pagkuwa'y bumaba na sa hagdan patungo sa sala.
Nag-breakfast kami bago umalis. Todo asikaso sa akin si Mrs. Herrera na dahilan para manliit at mailang ako. Para kasing hindi ko talaga deserve ang kabaitan ng ginang.
Nang mapatingin ako kay Jillian na ipinagsasandok ng kanin ang anak ay hindi siya nakatingin sa akin. Mukhang wala naman siyang pakialam.
8:00 am nang magpaalam na kami ni Jordan. Napilit ko ang lalaki na pauwiin ako. Inihatid niya muna ako sa Navarro bago siya tumuloy sa Manila. Parang ayaw niya pa akong iwan.
Bago siya umalis ay hinalikan niya muna ako ng makailang ulit. Hindi rin nakaligtas sa akin ang paghaplos-haplos niya sa aking tiyan na kulang na lang ay dasalan niya ito.
NAGING busy ang sumunod na mga araw pero ngayon ay madalas ang tawagan at text namin ni Jordan sa isa't isa. Sumasagot na ako at minsan pa nga ay ako pa ang nauunang magparamdam sa kanya. Ewan ko ba, nitong mga nakaraan ay para bang miss na miss ko siya. Hindi ko siya matiis.
Nililibang ko na lang ang sarili para hindi siya gaanong maalala. Ngayon ay kinuha ko na naman si Kulitis. Ang batang bungi ang pinaglibangan ko. In fairness din sa makulit na ito, hindi ako naasar ngayon dito, sa halip ay cute na cute pa nga ako.
Hindi pa rin ako naasar kahit kung anu-ano ang ipinabili sa akin samantalang wala namang binigay na budget ang tatay nitong makapal ang mukha.
Nawiwirduhan naman ang bata sa akin. "Luh, si ninang mukhang timang!"
Ngingiti-ngiti pa rin ako. Naaaliw ako kahit gaano ito kakulit. Habang nakamasid dito ay napahaplos ako sa aking tiyan. Posible nga kaya?
Natatakot ako, kinakabahan, pero may isa pang pakiramdam na nagwawala sa loob ng puso ko—excitement.
Nakakapagtaka at nakakagulat kasi wala ito sa plano ko. Wala akong kabalak-balak, hindi ko inisip ito maski sa hinagap.
Pero nang makita ko ang kislap sa kulay tansong mga mata ni Jordan, ang ngiti sa mapula niyang mga labi, at nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa aking tiyan, may saya na nabuhay sa dibdib ko.
Bahala na.
Bahala na kung ano ang mangyari. Kung totoo nga na meron na, siguro iyon na iyong sign na baka naman pwede akong sumugal, na baka pwede rin akong sumaya.
Bandang hapon ng mag-text sa akin si Isaiah; nasa Kiss Bar daw siya. Doon pinahahatid ng lalaki si Kulitis. Pagkagaling sa mall ay doon nga kami nagpadiretso sa Grab.
Ang Kiss Bar ay ang restobar sa Brgy. Pinagtipunan na malapit sa high school alma mater namin. Pag-aari iyon ng parents ni Zandra na napangasawa ng tropa naming si Miko. May tatlong branch na ang Kiss Bar. Meron na sa Tanza, sa Imus, at iyon ngang sa Pinagtipunan. Ang pinakamalaki ay iyong sa Imus, pero syempre mas masaya sa Pinagtipunan kasi iyon ang malapit sa amin.
Pagbaba namin ng Grab car ay nangunguna na sa pagpasok sa entrance ng restobar si Kulitis. Bitbit nito ang mga pinamiling laruan. Hapon na at bukas na ang dine in pero bawal pang um-order ng alak.
Pagpasok ko sa loob ay sumalubong sa akin ang malakas na lagabog ng drums at ang tugtog sa speaker. Nagja-jamming sa loob sina Isaiah at Miko. Oo nga pala, Linggo, kaya walang mga pasok ang mga gunggong.
"Nitong umaga lang, pagka lambing-lambing ng iyong mga matang hayup kung tumingin..." Ang malamig na boses ni Isaiah sa microphone.
Ang lalaki ang kumakanta at siya rin ang nagi-gitara. May hawak siyang electric guitar.
"Nitong umaga lang, pagka galing-galing ng iyong sumpang walang aawat sa atin..."
Si Miko naman ay sumi-second voice habang pumapalo sa drums. Sina Asher at Arkanghel ang kulang sa banda nila.
Si Kulitis ay nakikipaglaro na ngayon sa maliit na batang lalaki na nakita nito sa sulok ng restobar. Maliit pa iyong bata, mga magti-three pa lang siguro. Kamukha ni Miko kaya malamang anak niya iyon.
Mula sa mini office ng bar ay lumabas ang isang magandang babae na matapang ang itsura— si Zandra. "Carlyn, no?" tanong niya sa akin nang lapitan ako.
"Yes. Hi, Zandra!" Nginitian ko siya. "Ikaw pala ang nakatuluyan ni Miko. Malas mo."
Tumawa siya. "Oo nga e."
Matapos ibaba ang microphone ay nilapitan ako ni Isaiah. Tapos nang magpasikat sa mga babaeng estudyante na nakatambay rito sa restobar. Itim na plain shirt ang suot niya at jeans. May suot siyang cap na kulay itim din. Ang silver na hikaw niya sa kaliwang tainga ay kumikislap. Nag-apir kaming dalawa.
"'San si Sussie?" tanong niya sa akin.
"Nasa bulsa ko nagka-kape."
Inambahan ako ng kutos ni Isaiah kaya sumagot ako ng matino.
"Nasa kanila. Bakit ba?"
"Pinsan ko, nag-aagaw buhay na."
"Luh! Anyare sa manok ko?"
"Mauutas na nga. Mamaya pupunta na naman iyon dito."
"Pupunta si Arkanghel dito mamaya?" sabat ni Zandra.
Saktong lumapit na rin sa amin si Miko. Itinulakng lalaki ang mukha ng asawa. "Hoy!"
Napangiwi naman si Zandra. "Customer din kasi iyon, mahal. Malay mo mag-invest pa rito sa bar."
Sumimangot si Miko. "Mukha mo! Doon ka nga, ikahon kita e!"
Tinawag ng nag-aayos sa stage ng Kiss Bar sina Isaiah at Miko. Iniwan muna kami ng dalawang lalaki.
Nang kami na lang ulit ni Zandra ay siniko ako ng babae. Niyaya niya ako na maupo sa upuan ng bakanteng table malapit sa amin.
Umupo naman ako. Nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanya. "Hoy, Zandra. Paano pala kayo nagkatuluyan ni Miko?" tanong ko dahil curious ako.
Nangalumbaba rin si Zandra sa mesa. Nagsimula siyang magkuwento. "Noong na-broken ako kay Arkanghel, si Miko iyong pini-peste ko. Ayun, napeste nga. Nilasing ako. Nabaliw nang malamang siya iyong nakauna sa akin."
Napamaang ako. First chukchak niya si Miko? Kung ganoon ay sino kaya ang nilalang na nakangkang ni Hugo sa may labas ng simbahan noong nagsimbang gabi ang itlog na iyon?
"Zandra, may tanong ako. No offense ha, pero maitim ba dati singit mo?"
Ang lakas ng halakhak ni Zandra. "Budhi lang ang maitim sa akin, singit hindi."
"Naging kayo ni Hugo, di ba?" Hindi na ako nakatiis na i-mention si itlog.
Ngingiti-ngiti sa akin si Zandra na parang alam kung ano ang naglalaro sa isip ko. "Oo two days. Hindi kami nagtagal kasi alam ko naman kung gaano siya kababaero. Mas trip ko iyong mga good boy noon, like Arkanghel."
"Ow? E sino iyong nakangkang ni Hugo—"
"Ako dapat kaso nakaiwas ako. Mabuti na lang dahil trip si Hugo ng pinsan ko, iyon ang nag-sub."
"Sinong pinsan? Tangina, ispluk mo 'yan!"
Umusod siya para ibulong sa akin ang chismis ng taon. "Naging kaklase niyo noon. Si Dessy Paredes. Siya iyong best friend ng ex-hipag mo. Patay na patay iyon kay Hugo."
Binato kami ni Miko ng binilog na tissue. "Hoy, anong pinagtsi-tsismisan niyo?!"
"'Sabi ni Zandra nagsisisi na raw siya na pinatulan ka niya!" sigaw ko.
Napatayo naman si Zandra at nilapitan ang lalaki. "Hoy, wala kong sinasabi, mahal!"
Todo iwas naman si Miko. "'Wag mo akong kausapin, nagsisisi pala, ah! Walang mangangalabit mamaya!"
Tumayo na rin ako. Hinanap ng mga mata ko si Isaiah. Natagpuan ko siya sa may stage. Tinotono niya ang hawak na gitara. Ang mga nakatambay na babaeng high school students sa kabilang mesa ay pinag-f-fiestahan siya.
Lumapit ako para harangan ang view ng mga baby girls. "Hoy, Isaiah! Anong oras pupunta si Arkanghel?"
Sandaling sumulyap sa akin ang lalaki. "'Di ko alam. Susulpot na lang iyon. Mga gabi siguro. Dito dideretso pagkatapos sa opisina. Tulungan mo akong isalba ang buhay ng pinsan ko. Papuntahin mo si Sussie rito maya."
"Try ko."
Bumukas ang entrance ng restobar. Pumasok mula roon si Vivi. Tinakbo agad ni Kulitis ang ina.
Hinarap ko ulit si Isaiah. "Hoy, iwan ko na anak mo, ah? Nandiyan naman na si Vivi."
"'Ge." Pagtataboy niya dahil nasa mag-ina niya na ang kanyang buong paningin at atensyon.
Nagpaalam na ako sa kanila. Habang naghihintay sa binook na Grab car ay itinext ko muna si Sussie.
Me:
Inom tayo mamaya. Treat mo.
Hindi ako mag-iinom. Papupuntahin ko lang talaga si Sussie. Hindi pa naman siya nags-start sa pagtuturo sa dati naming school kaya libre pa naman siguro siya na mag-happy-happy.
Naaawa na rin ako sa best friend kong ito e. Deserve niyang lumigaya. Saka iyong manok ko, nag-aagaw buhay na raw. Hindi ko naman matitiis iyon at baka matuluyan.
Me:
Sa Kiss Bar mayang 9. Pag nag-pass ka, aasawahin ko si Arkanghel.
Blinackmail ko pa siya. Sabi ko kapag di niya ako sinipot mamaya ay magpapadala ako ng used underwear sa bahay nina Arkanghel sa QC tapos kunwari galing sa kanya. Hayun, nag-yes agad siya.
KINAGABIHAN sa Kiss Bar ay nauna na akong pumunta. Wala pang 9:00 pm ay naririto na ako. Nag-reserved ako ng mesa ni Zandra. Sa table 7 na malapit sa stage ang puwesto. Niyaya ako nina Miko na tumagay pero tumanggi ako. Wala talaga akong balak uminom.
Habang nakaupo ay marahan kong hinahaplos ang impis kong tiyan. Habang umaandar ang mga minuto ay napupuno ng excitement ang puso ko. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako.
Nakaramdam ako ng pagkaihi habang naghihintay. Tumayo muna para pumunta sa banyo. Pagbaba ko ng underwear ay ganoon na lang ang aking pagkatigagal nang makakita ako ng dugo.
Kaunti lang ang dugo dahil kaunti lang naman ako kapag dinadatnan. Minsan spotting lang. Pero malinaw ang ipinararating nito—dinatnan ako!
Ang kaninang masaya kong ngiti ay naging mapait. Kasing pait ng gumuguhit na damdamin sa aking dibdib.
Kung ganoon ay ito ang sagot sa aking tanong. Ito ang sign na ibinigay sa akin.
Naramdaman ko ang pangingilid ng aking mga luha. Kahit nanlalabo sa luha ang mga mata ay sinikap kong mag-ayos. Naglagay ako ng panty liner. Inayos ko ang sarili pero hindi pa rin ako agad na lumabas ng banyo. Nagpalipas muna ako ng ilang minuto.
Pagbalik ko sa mesa ay nanghihinang ichineck ko ang aking phone. May text si Sussie na on the way na siya. May text din si Jordan.
Jordan:
Where are you?
Bukod sa tanong ni Jordan ay tumatawag din pala siya. Meron siyang three missed calls. Hindi ko narinig dahil maingay ang tugtugan sa loob ng restobar at dahil na rin sa tila manhid ang aking pakiramdam.
Nanginginig ang mga daliri na nag-tap ako sa phone. Nilagay ko sa silent at ibinalik sa bulsa. Kagat-kagat ko ang aking ibabang labi.
I'm sorry, Jordan...
Kumaway ako sa waiter na dumaan. Um-order ako ng alak. Habang naghihintay kay Sussie ay nagsimula na akong uminom-inom.
Nang makitang papasok si Sussie sa entrance ay malawak kong nginitian ang babae. Iyong ngiti na maligaya dahil iyon iyong gusto ko sanang maramdaman.
"Girl!" Kinawayan ko siya.
Ang ganda-ganda niya sa suot na square neck puff sleeve white dress na hanggang tuhod ang suot.
"Saan binyag?" biro ko sa kanya nang makalapit na siya.
Ang ganda niya talaga at bitter lang ako. Naka-all white kasi siya, pwede na silang dumiretso ni Arkanghel sa huwes kung gusto nilang magpakasal.
Ngumuso siya at naupo na sa upuan. "Ano bang problema?"
Hindi ako sumagot. Tumingin ako sa tumutugtog ngayon sa stage. Mga kabataan ang nandoon. Sa baba ng stage ay naroon si Isaiah. May ka-text ito sa hawak na phone. Tiningnan ko ang reaksyon ni Sussie.
Kunwari naman ay wala akong alam. "Ay, walang ganap si Engineer ngayon." Echos lang iyon dahil may usapan talaga kami ni Isaiah. Ang lalaki ang nag-utos sa akin na papuntahin ngayong gabi rito si Sussie.
Mayamaya lang ay katabi na ni Isaiah si Miko. Nagbubulungan ang mga ito, pagkuwan ay nagtulakan na parang mga tanga. Kung magharutan ang dalawa ay akala mo mga hindi pa tatay.
Siniko ko si Sussie. "Ay Sunday pala ngayon. Dito tambayan ng mga ungas kapag walang pasok."
Pagkababa ng mga kabataan sa stage ay umakyat naman sina Isaiah at Miko. Si Isaiah ang may hawak ng microphone habang nakasukbit sa katawan ang electric guitar at si Miko naman ay sa drums. Namatay ang ilang ilaw at natira ang red and neon green lights. Sandali lang ay pumailanlang na ang malamig na boses ni Isaiah, ang pag-strum sa gitara, at ang palo ni Miko sa drums.
♫
Although loneliness has always been a friend of mine
I'm leavin' my life in your hands
People say I'm crazy and that I am blind
Risking it all in a glance
Napayuko si Sussie sa kinauupuan. Ako naman ay maligaya kahit wala namang dapat ipagsaya. Feel na feel ko ang kanta na kulang na lang ay isayaw ko kahit hindi naman iyon dance song.
Salitan ang pagtungga ko sa bote ng mucho at pagwagayway ng kamay sa ere. Walwal tapos party-party ang peg ko.
And how you got me blind is still a mystery
I can't get you out of my head
'Don't care what is written in your history
As long as you're here with me
♫
Nagsisimula pa lang akong mag-init sa pagpa-party-party nang biglang umakyat si Zandra sa stage. Hinila nito sa kwelyo si Miko. Natigil tuloy ang tugtog. Napahagalpak ako ng tawa sa itsura ni Miko. Akala ko batas, under pala ang gunggong. Kakamot-kamot ng ulo ang lalaki na sumunod sa asawa. Wala na tuloy drummer si Isaiah.
Hindi ako maka-get over. Tawa pa rin ako nang tawa. "Gaga talaga 'tong si Zandra. Eskandalosa ampota!"
Akala ng mga tao sa restobar ay stop na talaga ang tugtog nang mula sa baba ng stage ay may lalaking umakyat at pumalit sa iniwang pwesto ni Miko sa harapan ng drum set.
Napahiyaw ako nang makilala kung sino. "Tangina, whooo!" Sabay palakpak pa.
Nandito na pala ang manok ko straight from Manila. Ang bebe ni Sussie! Si Saing Boy #1: Arkanghel Wolfgang!
Ang guwapo-guwapo ni CEO. Naka-formal attire, may specs sa mata, mukhang kagalang-galang. Napakaguwapo kaya nagtilian iyong mga babae sa audience, kabaliktaran naman ng BFF ko na parang biglang nawalan ng dila dahil sa pananahimik.
"Palo, 'insan!" sabi ni Isaiah sa mic saka kinalabit ng mga daliri ang guitar strings.
Habang tumutugtog sila ay panay ang kislap ng neon lights sa kisame ng restobar. Ang astig-astig. Mas mabangis pa rin sila sa mga bagets kanina.
"Who you are...!" Nakikikanta ako habang iwinawagayway ang mga kamay sa ere. "Where you're from! Don't care what you did as long as you love me!"
Lasing na ako, shet! Bat ang bilis hayurp!
Kinalabit ako ni Sussie. Akala ko magyayaya nang umuwi. Inasar ko siya. Pero iba pala ang balak niya.
Nagulat ako nang bigla siyang magpa-order. "Um-order ka pa ng Red Horse. Gawin mong lima."
Gumuhit ang malawak na ngiti sa mga labi ko. "Sure. Pasabugin natin itong bar ni Zandra!" pagkasabi'y umorder ako ng Red Horse. Pero hindi lima kundi sampu!
Itonodo namin ang pag-iinom. Nagwalwal kami na parang wala nang bukas. Habang nag-iinom ay panay vibrate ng phone ko. Naka-silent pero hindi ko pala naalis ang vibration. Tumatawag si Jordan. Nakasimangot na nag-tipa ako ng text para tumigil na siya sa kakatawag niya.
Ibinalik ko ang phone sa bulsa ko saka tiningnan si Sussie. Bangenge na rin siya tulad ko.
"Huy, gagu!" bulalas ko na madulas na ang dila.
"Baket ba?" tanong ni Sussie sa akin na madulas na rin ang dila. Mas lasing yata siya kasi hindi naman siya sanay uminom.
Humagikhik ako kasi nga first time niyang malasing. Ang cute-cute niya pala pag namumungay ang mga mata. "Lasheng ka na, gorl!"
"'Kaw ba hinde?!" balik niya sa akin.
Sabog na ikinampay ko ang aking kamay sa ere. "Hinde nuh! Na-text ko pa nga si Jordan e. Sabi ko sa kanya, mamatay na siya!"
"O?" Kinuha ni Sussie ang phone ko at nanduduling ang mga matang tiningnan. Mayamaya ay sumimangot siya. "Pinaglololoko mo ko!" Hindi tumitingin na ibinalik niya ang phone ko pero doon niya sa sa lalaking dumating isinalaksak, hindi sa akin.
Napabungisngis ako. Nang mag-angat ng mukha si Sussie ay napanganga siya.
"You're drunk," sabi sa malamig na boses ng lalaking inaabutan niya ng phone ko.
Ang lamig ng boses saka tunog guwapo kaya naman napaangat ang paningin ko rito. Kumiling ang ulo ko nang makilala ito. Sunod-sunod na kalabit ang ginawa ko kay Sussie. "Hala Sussie, si Arkanghel o!"
Kumurap-kurap naman si Sussie habang nakanganga pa rin.
Ako naman ay napatitig kay Arkanghel. Di ba sa Manila nakatira ang lalaking ito? Anong ginagawa niya rito? Wala na sila ni Sussie, ah? Ang papansin naman niya!
Binalikan ko ng hilong tingin si Sussie. "'Di ba wala na kayo? Bat andito 'yan?"
Umiling si Sussie. "'Di ko alam. Galit ako riyan e."
Lumabi ako. "'Di ba sabi mo, masama ugali niyan?" Wala naman siyang sinabing ganoon o baka meron yata. Ah, hindi ko na matandaan.
Sunod-sunod naman siyang tumango at nangalumbaba sa mesa. "Oo kaya magalit ka rin sa kanya, okay?"
Nang maalala ko ang pagpapagutom ni Sussie ay nakaramdam ako ng matinding galit para kay Arkanghel. Ang kapal ng mukha niyang saktan ang best friend ko!
Nag-thumbs up ako kay Sussie. "Basta kaaway mo, kaaway ko rin!"
Naluha ang mga mata ni Sussie at bahagya pa siyang napasinok. "You really are my best friend. I love you!" humihikbing sabi niya.
Naluha na rin ako at umusod palapit sa kanya para yakapin siya. "Oh, I love you, too!"
Wala namang ibang magkakampihan at magdadamayan kundi kaming mga girls. Kami ang mga biktima ng mga lalaking mahal lang kami sa umpisa. Ang kakapal ng mga mukha nilang mangako ng langit at lupa pero sa huli, mga susuko rin pala. Masasama sila. Dapat sa kanila, kinakapon!
Hindi pa nagtatagal ang yakapan namin ni Sussie nang bigla niya akong itulak. "Nakakasuka ang amoy mo. Amoy alak ka!"
"Hala! Hindi naman ako uminom, ah?!" Napatingin ako sa mga nagkalat na bote ng Red Horse sa mesa namin. Nakapagtataka na wala ng laman ang halos karamihan ng mga ito. Sino ang umubos?!
Nang masinghot ko ang amoy ni Sussie ay nanlaki ang mga mata ko.
"Nakakasuka ka rin, gorl! Ambaho mo rin!" Sa kanya ko naaamoy ang Red Horse. Parang gustong umikot ng sikmura ko hindi dahil sa kalasingan, kung hindi dahil sa amoy. Napakusot ako ng ilong matapos mapaatras.
Pareho kaming nagkukusot ng ilong ni Sussie nang mula sa entrance ng Kiss Bar ay pumasok ang isang matangkad na lalaki. Katulad ni Arkanghel ay nakasuot din siya ng button-down down long sleeves polo. May specs din at kagalang-galang ang aura— para ding familiar siya.
Nang malapit na sa amin ang lalaki ay napatakip ako ng bibig. "Uy, hala!" bulalas ko kasi ang guwapo niya, sobra.
Kahit nahihilo ako at malabo ang liwanag sa paligid ay natitiyak ko na guwapo talaga siya. Huminto siya table namin ni Sussie, at sa gulat ko ay hinawakan niya ako sa braso. Pinatayo niya ako at amazing kasi tumayo naman ako.
Mahilig ako sa guwapo pero hindi ako ang klase na mabilis magtiwala sa tao. Pero ang lalaking ito na may hawak-hawak sa aking braso, magaan sa kanya ang loob ko.
"Let's go home," mahinahon, malamig, at ang sexy ng boses na sabi niya. Hala, parang crush ko na talaga siya!
Napatayo rin si Sussie nang makitang nakatayo na ako. "Carlyn, 'wag mo akong iiwan dito! Wala akong pambayad sa in-order natin!"
Pinanlakihan ko ng mata si Sussie. "O mayaman ka na, di ba?! Saka treat mo ito!" Nagyaya siyang mag-inom 'tapos ako ang pagbabayarin niya? Saka 'di ba heiress siya? Bakit wala siyang pambayad?!
Ginantihan naman ni Sussie ang panlalaki ng mga mata ko. "Wala naman akong sinabing treat ko 'to, ah! Tinakot mo lang ako na magpapadala ka ng panty kina Arkanghel kaya ako pumunta rito!"
Napatingin ako kay Arkanghel at nahuli ko ang pag-alon ng lalamunan ng lalaki.
Nang mag-sink naman sa akin ang bintang ni Sussie tungkol sa pagpapadala ng panty ay nanlaki ang butas ng ilong ko. "Panty?! I don't remember saying that! At bakit naman ako magpapadala ng panty?!"
Saka ako napalingon sa lalaking may hawak sa braso ko. Kaya pala familiar siya dahil kilala ko talaga siya.
Hindi ako pwedeng magkamali, ang lalaking ito ay si Jordan Moises Herrera! Nang maalalang paubos na ang lacey thong ko sa closet ay galit na dinuro ko siya. "Wala na nga akong matinong panty dahil laging sinisira nito!"
Katulad ng pag-alon ng lalamunan ni Arkanghel ay umalon din ang lalamunan ni Jordan.
Ang ibang customers dito sa Kiss Bar ay napapatingin na sa amin. Nakuha na namin ang atensyon nila dahil kami lang ang bukod tanging nakatayo at nagsisigawan dito. Sina Zandra at Miko na may ari ng resto bar na ito ay nakatingin na rin sa amin.
Mabuti na lang at naglaho na si Isaiah dahil kung nandito pa iyon ay malamang na nakikiusyo na rin. Tsismoso iyong hayup na iyon e.
"Let's go, Carlyn," sabi ni Jordan saka inalalayan ako palabas ng Kiss Bar. Bago umalis ay nagtanguan pa sila ni Arkanghel.
"I'll pay the bill," sabi ni Arkanghel sa kanya. Dumukot ang lalaki ng wallet at saka naglabas ng tatlong kulay blue na perang papel para ilapag sa mesa.
Pumalatak ako. "Wow, 3K!"
"Hey, watch out!" Maagap na hinawakan ako ni Jordan dahil muntik na akong mangudngod sa mesa dahil sa pagsipat sa pera.
"Bakit si Arkanghel ang nagbayad?" tanong ko sa kanya habang naluluha ang aking mga mata. "Bakit si Arkanghel may 3K? Bakit ikaw, wala? Mabuti pa si Sussie, mayaman ang boyfriend niya, may 3k! Boyfriend ko walang 3k! Kawawa naman tayo, wala tayong pera! Wala tayong 3k!" Napaiyak na ako.
"Shhh, don't cry. Later I will give you 3K," pagpapakalma niya sa akin habang yakap-yakap ako at inaalalayan sa pagpunta sa exit ng resto bar.
"Talaga?" sumisinok na tanong ko kasi baka niloloko niya lang ako. Baka wala naman talaga siyang 3K!
"Yes."
Sumama na ako kay Jordan. Paglabas namin ng Kiss Bar ay sumalubong sa amin ang malamig na hanging panggabi. Paglingon ko sa gilid ay nakita ko na nandito rin pala ang best friend kong si Sussie. Napakunot ang aking noo dahil may kasama siyang lalaki. Nakahawak pa ang lalaki sa braso niya.
Ipinagpag ko ang pagkakahawak ni Jordan sa braso ko at nang makita ako ni Sussie ay ipinagpag niya rin ang pagkakahawak ng katabi niyang lalaki sa kanyang braso.
Sino ba ang lalaking kasama ni Sussie? Familiar? Napalingon ako sa lalaking kasama ko na kanina'y may hawak sa braso ko, familiar din. Parang kanina ay kilala ko pero ngayon ay hindi ko na matandaan kung sino.
Gumegewang na nilapitan ko si Sussie at malakas na binulungan. "Kilala mo sila?"
Napatingin naman siya sa dalawang lalaki na ngayon ay nasa harapan namin. Parehong formal ang ayos at itsura ng mga ito. Naka-long sleeves polo na magkaiba lang ang kulay. Nasa ilalim mismo ng light board ang mga ito kaya kitang-kita ang ekspresyon na parehong seryoso. Kitang-kita rin mga detalye ng mga mukha na parehong perpekto.
Pareho ding may suot na specs ang dalawang lalaki, gayunpaman ay malinaw ang kulay ng mga mata na hindi purong Filipino. Ang isang lalaki ay kulay tanso ang mga mata at ang isang lalaki naman ay kulay abo. Ang guguwapo. Pero parang mas guwapo iyong kulay tanso ang mga mata— brown eyes.
"No," sagot ni Sussie sa tanong ko kung kilala ba niya ang dalawang lalaki. Nakatitig pa rin siya sa mga ito at mukhang hindi nga niya kilala.
Umusod ako at bumulong ng malakas sa kanya. "Medyo guwapo iyong brown eyes."
Umiling naman si Sussie at malakas ding bumulong. "For me, iyong grey ang eyes."
Sabay na kumunot ang noo ng dalawang lalaki sa aming harapan. Ang itsura ng mga ito ay seryoso pa rin pero parang malapit na sa pagka-pikon. Ang cute-cute! Parang ang sarap nilang gawing keychain!
Iyong kulay abo ang mga mata ay familiar. Itinuro ko ito kay Sussie. "Kamukha ng ex mo."
Kumiling naman ang ulo ni Sussie para sipatin ang itinuturo ko. "Sinong ex? Iyong feeling love?"
"Luh, feeling love?"
Sumimangot si Sussie habang nakatingin sa lalaking may kulay abong mga mata. "Uu, 'di ko na love iyon," sabi niya.
Tumawa ako at pasubsob na niyakap si Sussie. "'Di ko na rin love ex ko."
Natawa rin siya. Nag-apir kaming dalawa. Nagtatawanan kami, 'tapos mag-a-apir ulit, at magtatawanan na naman kahit wala namang nakakatawa. Tumatawa kami pero hindi namin alam kung ano ba iyong nakakatawa. Basta lang masaya. Tapos halos magyakap na kami sa sobrang hilo.
Ang dalawang lalaki naman sa harapan ay nakamasid pa rin sa amin.
Siniko ako ni Sussie. "Sama tayo sa kanila?"
Napahagikhik ako dahil sa katapangan niya. Ngayon lang siya nagyaya ng ganito. Saka mukha namang mabait ang dalawang lalaki. Feeling ko pa nga ay kilala ko sila. Sumang-ayon ako kay Sussie. "Sige, sino sa 'yo?"
Itinuro niya ang lalaking kulay abo ang mga mata. "'Yung grey nga mata."
Bumungisngis ako. "Hala, sige! Single naman tayo! Landi-landi rin 'pag may time!" Pasubsob na lumapit ako sa lalaking napili ko—iyong brown eyes. Bago ako masubsob ay nasalo ako nito.
"'Pre, iuuwi ko na ito," paalam ng lalaking may hawak sa akin. Ang kausap niya ay iyong kulay abo ang mga mata.
Kumaway na ako kay Sussie. Umiikot na ang aking paningin kaya hindi ko alam kung si Sussie pa ba iyong kinakawayan ko o iyong basurahan.
Kinarga na ako ng lalaking may hawak sa akin. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Hindi ako makatutol dahil hinang-hina ang aking pakiramdam. Nang marinig kong nagsisisigaw si Sussie at tinatawag ako ay napadilat ako. Kasasara lang ng pinto sa tabi ko. Nasa loob na ako ng isang sasakyan.
Lumingon ako sa aking katabing bintana. Kahit nahihilo'y naaninagan ko na isinasakay na rin si Sussie sa kotse ng lalaking kulay abo ang mga mata. Sinubukan kong umalis pero nakagapos ako sa seatbelt ng upuan.
Natutop ko ang aking bibig dahil sa reyalisasyon. May kumuha sa kaibigan ko at may kumuha rin sa akin! May kumidnap sa amin!
Bumukas ang pinto sa driver's seat ng kotseng kinaroroonan ko, at pumasok mula roon ay pumasok ang kidnapper ko. Siya iyong lalaking kumarga may kulay tanso na mga mata. "Saan mo ako dadalhin?!" singhal ko sa kanya. Kahit natatakot ay sinikap kong magpakatatag.
Tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay. "What? You want to come with me, right?"
Sinabi ko ba na gusto kong sumama sa kanya? Wala akong natatandaan. Sinungaling siya! Saka bakit ang guwapo niya? Ang hirap tuloy matakot sa kanya.
No, he's still a kidnapper!
Kahit gaano siya kaguwapo, kabango, at kasarap pakinggan ang baritono at mahinahon niyang boses ay masama pa rin siyang tao. Hindi basehan ang itsura para manghusga, malay ko ba kung member pala siya ng isang sindikato!
Akma kong aalisin ang seatbelt sa aking katawan kaso nagkandaduling-duling ako sa hilo. Hindi ko rin matandaan kung saan ba banda ito nabubuksan. Saan nga ba iyon? Pwede kayang kagatin ko na lang itong seatbelt para masira? Ang kaso mukhang matibay.
Narinig ko ang pag-tsk ng lalaki sa aking tabi. Gigil na nilingon ko siya. "Pakawalan mo ako! Bababa na ako! Kung may balak kang ibenta sa black market ang kidney ko, pwes ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa 'yong may UTI ako!"
Noong senior high ay meron naman talaga akong UTI. Hindi niya mapapakinabangan ang kidney ko. Ang kaso ay walang pakialam ang lalaki. Ini-start niya na ang engine ng kotse.
Nagpapasag ako sa passenger's seat. "Hoy, ibaba mo nga sabi ako! Ayokong sumama sa 'yo!"
Hindi niya ako pinansin. Pinaandar niya na ang kotse. Ang malalaki niyang kamay at mahahabang mga daliri ay swabeng nakapatong sa manibela.
"Hoy!" asar na bulyaw ko sa kanya dahil chill lang siya. "Hindi mo talaga ako ibababa? Pagsisisihan mo ito! Lagot ka sa boyfriend ko! Black belter iyon! Magaling sa math! Saka sa science!"
Deadma niya pa rin ako. Chill pa rin siya habang nagda-drive.
Yumukyok ako sa pagkakaupo passenger's seat. Naramdaman ko na naman ang kirot sa aking dibdib. Bumalik sa akin ang dahilan kung bakit ako uminom, kung bakit gusto kong lumimot. I asked for a sign and I received one.
Napahikbi ako. "I am not pregnant..."
Napatingin ang lalaki sa akin.
"Do you hear me? I am not pregnant..." iyak ko. "There's no baby inside my body..."
Napatitig ako sa charm bracelet na nasa aking kaliwang pulso ko. Niloloko ko lang ang sarili ko. Hindi ko naman talaga deserve ang magagandang bagay sa mundo.
Tumango-tango ako matapos bumuo ng pasya. "Aayusin ko iyong mga negosyo ko. Iyong café at iyong cosmetic business ay ipapaubaya ko muna sa kaibigan kong si Nelly, 'tapos aalis ako..."
Sumandal siya sa sandalan ng passenger seat habang ang kulay tansong mga mata ay nakatingin sa akin. "And where are you going?"
Napaisip ako. Saan nga ba ako pupunta? Natigilan ako kasabay nang reyalisasyon na hindi na siya nagmamaneho. Hindi ko alam kung nasaan na kami pero basta hindi na kami umaandar. Nakahimpil na ang kotse sa gilid ng daan.
"Where do you plan to go?" nakataas ang isang kilay niya nang tanungin muli ako.
Napalunok ako. "Uhm, sa malayo. Basta hindi na ako babalik... Walang dahilan para mag-stay pa ako rito. Niloloko ko lang ang sarili ko na pwede ako rito. Puro kamalasan lang ang dadalhin ko, mananakit lang ako rito... Aalis na lang ako... Magpapakalayo..."
"And how about your boyfriend?"
Gumuguhit ang hapdi sa dibdib ko nang sumagot. "He'll get over me. He will hate me but he will eventually forget about me."
"Really?"
Tumango ako. "Y-yes... But I can not forget about him... I can never forget..."
Pumatak ang mga luha mula sa aking mga mata.
"He gave me so much to remember... I can never forget him..."
"Then don't forget him. Don't leave him."
Humihikbing umiling ako. "H-hindi pwede..."
"And why?"
"I will just ruin him..."
"Yeah, you'll ruin him once you leave him."
Luhaang nilingon ko siya. "Anong gagawin ko?"
Sa tulong ng pinagsamang malamlam na ilaw ng kotse niya at sa liwanag ng buwan na mula sa labas ay nakita ko kung paano kumislap ang kanyang kulay tansong mga mata—parang katulad ng kay Jordan.
"Stay with him and let him love you."
Muli akong humikbi. "P-pwede ba akong mahalin?"
Nagulat ako na imbes sagutin ang tanong ko ay umusod siya at halikan ako sa aking mga labi.
Natulala ako ng ilang minuto dahil ang init ng mga labi niya. Nang mahimasmasan ay hinampas ko siya sa matigas niyang balikat. "Bakit mo ako hinalikan? 'Sabi ko di ba may boyfriend na ako!"
Ngumiti siya at muli lang akong hinalikan sa labi.
"Ano ba?!"
Hinalikan niya muli ako.
"Sumosobra ka na!"
Halik ulit.
Napaiyak na ako nang tuluyan. Para akong batang nagmamaktol sa harapan niya. "Ang sama mo! Porke't kamukha mo iyong boyfriend ko, sinasamantala mo ako!"
"Do you love him?"
Napamaang ako sa tanong niya. "Ha?"
"Your boyfriend. Mahal mo ba siya?"
Napakurap ako. Mahal ko si Jordan? Hindi ko na kinailangang paganahin ang aking isip dahil kusang bumaha sa aking sistema ang kasagutan.
Napatitig ako sa lalaki at bumuka ang mga labi ko para magsalita. "Y-yes... Mahal ko siya siya... Mahal ko si Jordan Moises Herrera..."
"Mahal na mahal ka rin niya."
Hindi ko na naalala ang mga sumunod na pangyayari dahil nalunod na ako sa mainit at makapugtong-hiningang halik niya.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro