Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 70

STOP TAKING JORDAN FOR GRANTED.


Masakit ang ulo ko nang bumangon sa kama kinabukasan. Napatingin ako sa suot na charm bracelet. Kahit sa sikat ng araw na nagmumula sa nakabukas kong bintana ay kumikinang ito. Mas maganda pala sa liwanag, mas buhay na buhay ang pagkislap ng mga palawit na charms.


"How perfect. Do I really deserve you?" kausap ko sa porselas.


Napahawak ako sa impis na tiyan ko. Naalala ko ang pagf-feeling ni Jordan nang nakaraan na akala mo may baby na sa loob nito.


Napabuga ako ng hangin. "If only I truly deserve beautiful things in this life..."  


Pag-alis ko sa kama ay nakita ko ang isang Louis Vuitton paper bag bag sa malapit sa pinto. Tiningnan ko ang loob niyon. Ang laman ay LV pink tote handbag.


Napalabas ako ng pinto nang marinig na umiiyak si Levi. Sa hagdan pa lang ay naririnig ko na ang mga pagtatalo.


"No! I don't want to leave!" tili ni Levi.


"Dadalawin ka naman ng ate mo," malambing na nagpapakalmang boses ni Ninong Luis sa anak.


Pagbaba ko ay napatingin sila sa akin. Kumunot ang aking noo nang makitang bihis na bihis sila. Maging si Nanette ay nakapanlakad din at hawak ang maleta.


"Gising ka na pala, Carlyn," pansin sa akin ni Ninong Luis. Nakangiti ang lalaki. Isang genuine na ngiti kahit pa kasama siya sa pinag-alala ko kahapon.


"Ate..." hikbi ni Nanette. "Ayaw ko ring sumama pabalik sa Muntinlupa pero pinapasama ako ni Ma'am Clara. Help..."


Si Mommy na karga-karga ang sanggol na bunso kong kapatid ay hindi man lang ako tinapunan ng kahit sulyap. "Tigilan mo ang pagda-drama, Nanette. Bilisan niyo na at baka abutin tayo ng traffic."


Kinarga na ni Ninong Luis ang nagmamaktol na si Levi. "Carlyn, may breakfast na sa dining table. Kung ayaw mo niyon, umorder ka na lang. Saka iyong regalo ko sa 'yo, nakita mo ba?"


Tumango ako. "Thank you po." Alam ko naman na sa kanya galing ang LV bag. Taon-taon kapag birthday ko ay hindi pwedeng wala siyang mamahaling gamit na ipinapadala sa akin sa Singapore bilang regalo. 


"Sorry, Carlyn. Gusto na kasi talagang umuwi ng mommy mo sa Muntinlupa. But don't worry, we'll visit you—"


"She's an adult, Luis," putol ni Mommy sa pagsasalita ni Ninong Luis. "She no longer needs us. She can choose how to live her own life."


"Clara," gulat na sambit ni Ninong Luis.


"Tara na." Karga si Baby Caley na nauna nang tinungo ni Mommy ang pinto. Bago lumabas ay sinigawan niya ang nakatulala na si Nanette. "Nanette, tara na. Ang mga gamit, isunod mo sa sasakyan."


Tinapik ni Ninong Luis ang balikat ko. "Don't mind your mom. Pagod lang iyon sa pag-aalaga kay bunso."


Maliit na ngumiti lang ako. Hinatid ko sila hanggang sa pinto. Si Levi ay na nakasimangot ay humihikbi. Hinalikan ko ito sa noo.


"Pakabait ka roon, handsome." Pati si Nanette ay kinalamay ko ang loob. "'Nette, makakabalik ka pa rin dito."


"Ate, pasundo mo ko kay Kuya Isaiah!"


"Gaga!" Itinulak ko na siya papunta sa sasakyan.


Nang ako na lang sa bahay ay napabuntong-hininga ako. Damang-dama ko bigla ang kahungkagan at katahimikan ng paligid.


Noon ay sanay naman akong nag-iisa, pero mula nang makasama ko ulit sina Mommy, saka makasama ko si Nanette rito ay bigla na akong nanibago ngayon. Parang bigla ay ang laki-laki ng paligid para sa akin.


Bumalik ako sa kuwarto at nahiga na lang ulit. Nag-text si Jordan na baka hindi siya matuloy sa pagpunta. Nasa firm siya at hinimatay raw si Harry. Siya ang bantay nito sa ospital habang wala pa si Jillian. 


Natulog na lang ako maghapon. Nagising ako bandang 3:00 pm dahil may nagdo-doorbell. Paglabas ko ay Food Panda delivery. Nagpadala si Jordan sa akin ng pagkain para hanggang gabi.


Sa sumunod na araw ay inabala ko ang sarili. Walang masyadong gagawin sa café kaya bored na bored ako. Damang-dama ko ang kalungkutan sa bahay. Naisipan ko na pumunta na lang sa Brgy. Pasong Kawayan Dos. Bibisitahin ko na lang ang inaanak ko. 


Naabutan ko si Isaiah na may dinadasalang motor sa garahe ng compound nila. Nandito pala siya ngayon sa Cavite. 


"Hoy, bago 'yan?" tanong ko. Kulang na lang ay i-lips to lips niya ang motor kung may labi lang ito.


Napaangat siya ng tingin sa akin. Kumikislap ang mga mata niya. "Pinautang ako ni insan pambili nito. Second hand lang ito kaya mura ko nabili. Ayos ba?"


Halata ngang hindi bago ang Black na Kawasaki Ninja na big bike pero maganda pa rin naman. Maangas ang dating. Guwapong-guwapo siya niyan pag sinakyan niya. 


"Hindi na ako mag-stay sa condo ko, mag-uuwian na ako ng Cavite mula ngayon para hindi ko na ma-miss anak ko."


"Ay, weh? Anak mo talaga?"


Sumimangot siya at hindi na nagsalita.


Niyaya niya ako sa loob ng bahay nila. Wala pala si Vivi ngayon. Nakikain ako ng tanghalian tapos tumambay kami sa rooftop nila. Tuloy-tuloy na pala ang trabaho niya bilang engineer sa kumpanya nina Arkanghel. Ayos ang sahod niya, makakaipon siya. Bukod pa roon ay pinilahan siya ng project kasi nakitaan siya ng sipag at potensyal.


"Ang hirap magsimula pero ayos lang. Tiyaga lang talaga," sabi niya habang tumutungga sa hawak na can beer.


"Bawal kang uminom kapag magda-drive. Ang layo ng biyahe mo uwian araw-araw. Tandaan mo, may anak ka kaya dapat kang mag-ingat. Pag na-tsugi ka, paano na ang anak mo, di ba?"


"E anong ginagawa mo?" nakangisi siya sa akin.


"Ano? Sa akin mo pagkakatiwala ang anak mo? Gusto mo ibenta ko iyon sa sindikato?"


Tinuktukan niya ako sa noo. "Hoy! 'Pag narinig ka ng nanay nun!"


"E di sama ko siya sa bebenta ko."


Pinandilatan niya ako. "Gusto mong bumangon ako sa hukay para lang sakalin ka?!"


Kinabukasan ay nakina Isaiah na naman ako. Wala akong magawa, lutang ang utak ko kaya matapos sa café ay tumatambay na lang muna ako sa kanila. Sakto noong hapon ay nasa bahay na siya. Maaga raw kasi siyang umuwi dahil meeting lang naman ang ginawa niya kaninang tanghali.


"Ano na namang ginagawa mo rito?" Pinagbuksan niya ako ng pinto. Wala siyang pang-itaas na damit, topless, naka-jeans na lang at litaw ang garter ng boxers na suot.


"Mag-a-apply akong yaya ng anak mo." Tinulak ko siya sa matigas niyang dibdib para makapasok ako sa loob ng sala nila.


"Stay in?" tanong niya. Naupo siya sa sofa nang pabukaka.


"Oo kung pwede." Naupo ako sa katapat niya. "Saka painom nga. Nauuhaw ako!"


"Vi, pengeng tubig!" sigaw niya.


Saglit lang ay lumalapit na si Vivi at dala-dala ang isang basong tubig para sa akin. Ngayon ko na lang siya nakita ulit in person. Mukha pa rin siyang manikin at lalo siyang gumanda nang mag-mature ang mukha. Siguro mga isang paligo na lang ang lamang ko sa kanya.


"Thanks!" pasasalamat ko pagtanggap sa baso.


Hinawakan siya ni Isaiah sa bewang. "Paayos ng kuwarto ni Kulitis, doon muna matutulog si Carlyn. Tabi muna sila."


Kitang-kita ko ang paglunok ni Vivi. "S-saan ako?"


"Sa kuwarto ko, syempre. Pero kung gusto mo sa kuwarto ni Mama, pwede naman."


Nangasim ang maamong mukha ng babae. Muntik na akong matawa pero pinigilan ko lang.


Pag-alis ni Vivi ay kinindatan ako ni Isaiah. Binato ko siya ng throw pillow. "Daganan ka sana ni Vivi ng unan sa mukha pagtulog mo!"


"Baka siya daganan ko," bulong niya.


"Manyak ka talaga!" Binato ko siya ng throw pillow sa mukha pero nasalo niya. 


Ngingisi-ngisi siya nang tawagin ang anak para pakainin ng hapunan. Niyaya rin nila ako na sumalo sa pagkain na hindi ko naman tinanggihan.


Tumulong ako sa pagliligpit ng kinainan. Si Vivi ang naghuhugas sa lababo habang ako naman ay naglinis ng mesa. Ang mama naman ni Isaiah na si Tita Anya ay nakahiga na sa sofa habang nanonood ng teleserye.


Nilapitan ni Isaiah si Vivi at may ibinulong siya sa babae. Pagharap sa akin ni Isaiah ay sinenyasan niya ako na dalhin na si Kulitis sa itaas.


"Nalinisan naman na 'yan ni Mama. Patulugin mo na," utos niya sa akin na kulang na lang ay ipagtulakan ako. Sineryoso talaga ang pag-a-apply ko na yaya. Akala mo naman may ibabayad siya sa akin.


Hinila ko na si Kulitis papunta sa kuwarto ng bata. May sarili itong kuwarto. Maliit lang na katabi ng kuwarto ni Isaiah. Plywood ang dibisyon.


Pinahiga ko na si Kulitis sa kama. "Matulog ka na para tubuan na ng ngipin 'yang mga bungi mo."


"E sina Mommy at Daddy ku, tutulog na ren?" tanong niya.


"Gagawa pa ng kapatid mo." Kinumutan ko na siya.


Nang ilabas ko ang phone ko ay saka ko lang naalala na naka-silent nga pala ito. May limang missed calls si Jordan. May mga text din si Nanette.


Nanette:

Ate, saan ka raw sabi ni Architect? Galing daw siya sa bahay niyo, walang tao.


Bago pa ako nakapag-tipa ng sagot kay Nanette ay nag-text na si Jordan.


Jordan:

Carlyn, where are you?


Wala sana akong balak sagutin nang maalala ko ang huling usapan namin. Kusang nagtipa ang mga daliri ko sa screen.


Me:

I'm okay. Ayaw ko lang munang umuwi. Magpahinga ka na, magpapahinga na rin ako.


Dahil sa pagod ay nakatulog agad ako sa kuwarto ni Kulitis. Katabi ko ang batang maligalig hanggang sa pagtulog. Ilang beses akong muntik nitong masuntok.


Maaga akong nagising kinabukasan. Madilim pa sa labas. Pagtingin ko sa phone ko ay walang sagot si Jordan sa text ko kagabi pero may panibagong mga missed calls siya.


Bumangon ako at bumaba sa first floor ng bahay. Malamang na gising na si Isaiah dahil maaga siyang luluwas ng Manila. Sa kusina ay naabutan ko si Vivi na nagsasangag ng kanin.


"Good morning," nakangiting bati niya sa akin. "May lakad ka? Sumabay ka ng mag-almusal kay Isaiah."


Paglabas ni Isaiah sa banyo pagkagaling sa pagligo ay naka-jeans at t-shirt na ito pero magulo pa ang basang buhok. Ipinaghila siya ni Vivi ng upuan sa mesa.


"Aga mo, ah!" puna niya sa akin habang pinupunasan ni Vivi ng ang basang buhok niya.


"Ang likot ng anak mong matulog." Naupo na rin ako sa harapan ng hapag. Mukhang masarap ang sinangag ni Vivi pati ang itlog at tortang talong na may kamatis.


"Maaga rin kaming nagising ni Vivi. Galing dito si Herrera kaninang 3:00 am. Hinahanap ka."


Pasimple akong napalunok. "'Wag mong sasabihing nandito ako kundi tuturuan kong mag-Tinder si Vivi."


Saktong kumakain na si Isaiah. Nasamid ang walanghiya.


Tumingin ako kay Vivi. "Vi, anong gusto mong username?"


Binato ako ni Isaiah ng isang butil ng sinangag.


Pag-alis ni Isaiah ay nagpaalam na rin ako na uuwi. Kailangan kong maligo kasi babalik ako sa café. Si Vivi ay hinintay na magising anak anak dahil aasikasuhin sa pagpasok sa school.


Hayahay naman si Tita Anya na ang aga-aga pa ay may mga plano na. Magsu-zumba raw sa court 'tapos diretso McDo. Doon daw sila ng mga ka-Zumba buddies niyang mamamahinga habang pumapapak ng french fries at sundae.


Pagkaligo sa bahay ay pumunta na ako sa café. Ang sabi ng mga staff ko ay dumaan din pala roon si Jordan kagabi bago sila magsara.


Pagkatapos ko sa café ay bumalik na ako kina Isaiah. Umuwi na raw kanina galing abroad ang papa niya at may pasalubong din daw sa akin. Nang mag-overseas call daw kasi ito ay sinabihan ni Kulitis na pasalubungan din ako. In fairness sa inaanak ko, thoughtful kahit maligalig.


Ka-text ko si Sussie habang papasok ng gate ng compound. Pagkatapos kong ibaba ang phone ay nakarinig ako ng mga ingay. "Ilabas niyo ang anak ko! Akala niyo, hindi ko malalaman na dito umuwi ang anak ko, ha?!"


Sa tapat ng bahay nina Isaiah ay isang malaking lalaki na may hawak na baril ang naroon. Ang kausap nito ay ang dalawang lalaki na nakilala kong papa ni Isaiah at papa ni Arkanghel.


"Sinasabi ko na, ilabas niyo ang anak ko kung ayaw niyong magkagulo tayo rito!" sigaw muli ng malaking lalaki sabay angat sa hawak na baril patutok sa mga kaharap. Mukhang lasing ito. Nang makita ko ang mukha nito ay na-gets ko agad na ito ang daddy ni Vivi. May itsura ang lalaki kahit may edad na, parang Ian Veneracion na galit ang aura nito.


"Pare, ang anak mo ang pumunta rito," malumanay na sabi ng papa ni Isaiah na si Tito Gideon. Sa itsura ay mukhang pagod dahil may jetlag pa. Guwapo pa rin ang daddy ni Isaiah kahit maagang naging lolo.


"Pare, ibaba mo ang baril. 'Wag sanang daanin sa init ng ulo. May bata rito sa loob at baka ma-trauma," sabi naman ng papa ni Arkanghel na guwapo rin. Mukhang mabait na tulad ni Tito Gideon. Mukhang compound ng mga under itong lugar nila.


"Ineng, lumayo ka riyan!" sigaw sa akin ng mama ni Arkanghel. Kapatid ito ni Tita Anya. Hinila ako nito patungo sa bahay nila dahil baka madamay raw ako.


Mula sa pinto ay lumabas si Vivi. Luhaan ang babae habang nanginginig. "Daddy, please 'wag kang manggulo rito."


Lalong nangalit ang mukha ng galit na version ni Ian Veneracion. "Halika rito kung gusto mong umalis ako! Sumama ka sa akin pauwi!"


Kasunod lang halos ni Vivi na lumabas ng pinto si Isaiah. Nakahubad baro pa ang lalaki at boxer shorts lang ang suot. Napanganga ako nang makitang may hawak din na baril ang gunggong at itinutok sa daddy ni Vivi. "Ikaw ang lumayas dito sa teritoryo ko!"


"Isaiah, sinabi nang 'wag kang lalabas!" Napahawak sa sariling dibdib si Tito Gideon.


"Isaiah!" tili ni Tita Anya mula sa loob ng bahay nila. Pati ang iyak ni Kulitis ay mauuligan din.


Sinibukang pigilan ni Vivi at ng papa ni Arkanghel si Isaiah pero hindi siya nagpapigil. 


Dire-diretso siya sa daddy ni Vivi at nakipagtutukan ng baril. "Tangina ka, 'di ka talaga titigil?! Ngayon mo ako angasan, pasasabugin ko bungo mo!"


Kandahabol naman si Vivi sa lalaki at mahigpit na yumakap sa bewang ni Isaiah. "Isaiah, please wag..." Humahagulgol na ang babae nang harapin ang ama. "Please, daddy! Umalis ka na!"


Napasigaw ako nang makitang bumagsak sa sahig si Tito Gideon. Inatake ito sa puso. Agad naman itong dinaluhan ng papa ni Arkanghel. Napalabas na sa bahay si Tita Anya kasama si Kulitis.


"Wowo!" iyak ni Kulitis nang yakapin si Tito Gideon.


Saka lang tila natauhan ang daddy ni Vivi. Natakot ito at nagmamadali tumalikod paalis. Si Isaiah naman ay nahahati kung susunod o pupuntahan ang inatakeng ama.


"Isaiah!" sigaw ni Tita Anya. "Dalhin natin sa ospital ang papa mo!"


Doon nanakbo si Isaiah sa ama. "Papa!" Tulong-tulong sila na dinala sa van si Tito Gideon. Ang papa ni Arkanghel ang pumuwesto sa manibela.


Ang mama ni Arkanghel ang nagbukas ng gate para sa kanila. Nakigulo na rin ako dahil hindi na magkandaugaga sina Tita Anya at Vivi dahil umiiyak pa si Kulitis. Inagaw ko sa kanila ang bata. Saka lang nakahabol si Tita Anya sa van.


Sinigawan ko si Vivi. "Vi, sumama ka na kina Isaiah. Rendahan mo 'yan at baka makaisip pang puntahan mamaya ang daddy mo. Ako na munang bahala kay Kulitis!"


Umiiyak na tumango si Vivi. Sumunod siya sa van na mabuti ay hindi pa nakakaalis. Dinala ko na muna sa kuwarto si Kulitis.


"Wowo!" iyak nito. Naghahalo na ang luha at sipon ng bata. Para itong basang sisiw na sumisinok-sinok sa pag-iyak.


"Tahan na..." pang-aalo ko sa kanya dahil pulang-pula na ang mukha. Nanginginig na rin ang maliit na katawan.


"Wowo ko! Patay na wowo ko!"


Hindi ko napigilang kaltukan ito sa ulo. "Hindi pa patay! 'Wag kang excited!"


Natigil ito sa pag-iyak at bumubula ang laway na nagtanong. "Hindi pa pu patay?" 


"Hindi!" Niyakap ko ito nang mahigpit. Sinubsob ko sa boobs ko para manahimik.


Gumanti naman ito ng yakap. Shet, napunta iyong sipon sa damit ko.


Nang mapatahan ko na ang bata ay nilibang ko muna. Ipinalaro ko ang phone ko habang ipinaghahanda ko ng pagkain. Pancit canton at pritong itlog ang iniluto ko para sa hapunan namin. Dito na rin kami kumain sa kuwarto. Binihisan ko at pagkatapos ay pinatulog na.


11:00pm nang i-text ako ni Tita Anya. Salamat at okay na raw si Tito Gideon. Hindi siya makakauwi kasi siya ang bantay sa asawa. Nakauwi na rin kanina pa-commute ang papa ni Arkanghel. 


Ang mga magulang naman ni Kulitis ay nasa van sa parking ng ospital. Doon daw magpapalipas yata ng magdamag. Malamang hindi nakapasok si Isaiah sa ospital, naka-boxers lang kasi siya. Sa iba na lang siya papasok. 


Pagkagising ko kinabukasan ay nakabalik na si Tita Anya. Iniwan ko na si Kulitis sa kanya. Pagkauwi sa bahay ay naligo ako at nahiga na sa kama dahil puyat ako sa kakahintay sa update ng mama ni Isaiah. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil nag-aalala ako.


Namimikit na ako nang mag-ring ang phone ko. Nangunot ang noo ko nang makita ang unknown number sa screen. Bago pa ako makapag-isip ay nasagot ko na pala ang tawag.


Isang malamig pero malamyos na boses ang aking narinig. [ Carlyn, I got your number from my brother. ]


Napabangon ako sa kama nang makilala siya. Bakit siya tumawag? Anong kailangan niya?


[ Mommy wants to invite you on Sunday. ]


Naulinigan ko sa background ang mabait na boses ni Mrs. Ethelinda Herrera. [ Baby, please tell Carlyn that I'll prepare delicious food for her, huh?! ]


Natigilan ako. Kung ganoon ay marahil inutusan lang siya ni Mrs. Hererra na tawagan ako. Sabagay hindi gagawin ni Jillian na basta na lang hingin ang number ko sa kuya niya para lang magkausap kami.


"Anong meron?" malamig na tanong ko.


[ Nothing. Mom just wants to see you. ]


"E ikaw? Gusto mo ba akong pumunta?"


Hindi siya sumagot.


"Hindi ako pupunta unless kaladkarin na naman ako ng kuya mo."


Matagal siya bago sumagot na tila lumayo pa para lang walang makarinig sa sasabihin niya. [ Are you really back with my brother now, Carlyn? If yes, why are you acting like you don't want him? ] Malumanay man ay may gigil na madadama sa tono niya.


Ako naman ang hindi nakasagot.


[ If you really love Kuya Jordan then keep him. Maging tama para sa kanya. Pero kung hindi ka pa rin seryoso, then pakawalan mo na siya. Hayaan mo siyang makakita ng taong handang maging tama para sa kanya— ]


"Naaalala mo ba iyong sinabi ko sa 'yo noong high school tayo? Kung gusto mong layuan ako ng kuya mo, siya ang kausapin mo. Sabihan mo siya na tigilan ako at maghanap ng perpektong tao na katulad niyo."


[ Nakikipagusap ako sa 'yo nang maayos, Carlyn. ]


Dahil sa puyat at pagod ay madaling napatid ang pisi ko. "Bakit hindi ba ako maayos kausap? O hindi ko lang talaga maabot ang standard mo? Tangina, alam mo pala na ganoon e bakit kinakausap mo pa ako?!"


Napahingal siya. [ God, I don't know how to talk to you. ] Pinatayan niya na ako ng phone.


Nanlabo ang mga mata ko pero ikinurap-kurap ko iyon.


Muling nag-ring ang phone ko. Tumatawag si Sussie. Bago sagutin ang tawag ay tumikhim ako para linisin ang bara sa lalamunan.


Nakangiti ako nang makipag-usap kay Sussie. Ang timbre ng boses ko ay tinimpla ko nang mabuti, iyong playful at masaya. May mga problema rin kasi siya sa buhay kaya ayoko na pati ako ay alalahanin niya pa. 


Matagal kaming nag-usap dahil ichinika ko sa kanya ang mga ganap kina Isaiah. 


Nakahiga ako sa kama habang kausap si Sussie nang bigla na lang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Mula roon ay pumasok ang isang matangkad, guwapo, at nakasimangot na lalaki.


Napabangon ako dahil sa gulat. "Tangina, ano ba? 'Bat ka andito?!"


"Why are you hiding from me, huh?" salubong ang makakapal na kilay na tanong niya. "You didn't do that yourself, magkasama nating ginawa 'yan kaya hindi mo pwedeng ilayo 'yan sa akin! You cannot leave me, Carlyn!"


Nanlaki ang butas ng ilong ko. "Anong pinagsasabi mo?!"


Ambisyosong ito!



Dinuro ko siya. "Saka bakit ka nga nandito di naman kita kailangan?! Paano ka nakapasok dito sa bahay namin?!" Hindi ko nai-lock ang pinto ng kuwarto ko pero naalala ko na ini-lock ko ang pinto sa ibaba. "Sino nagpapasok sa 'yo rito, ha?!"


"Mommy mo. Iuwi na raw kita dahil pinapasakit mo lang ulo niya rito."


Nagtagis ang mga ngipin po. Binigyan siya ni mommy ng susi?! Lalong nag-init ang ulo ko. "Sige iuwi mo ko sa inyo para ulo naman ng nanay at kapatid mo pasakitin ko tangina niyo!"


Kumawala na ang lahat ng naipon sa dibdib ko. Pumalahaw ako ng iyak. Nakalimutan ko na ang phone ko at ang kausap na si Sussie. Pinagbabato ko si Jordan ng unan habang para akong bata na ngumangawa.


Lumapit naman si Jordan at niyakap ako. Kahit anong pananakit at pagtulak ang ginagawa ko ay balewala sa kanya. Masuyo niya akong hinalik-halikan sa ulo. "Sorry. Sorry..."


Hindi niya ako binitiwan kahit pa noong kumalma na ako. Namalayan ko na lang na ako na pala ang nakayakap nang mahigpit sa kanya. Inaaliw ko ang sarili para hindi siya maisip pero hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na makalimutan siya. 


Palagi na lang akong nagbabalik sa umpisa, sa simula kung saan hindi ko siya kayang mawala.


"Tahan na..." Hinalikan niya ako sa noo.


"K-kailan ka uuwi?" humihikbing tanong ko habang nakasubsob sa matigas na dibdib niya.


"Nakauwi na ako."


"Ha?" Nagpunas ako ng luha. "Sa Tagaytay?"


"Sa 'yo."


Nanigas ang katawan ko. Humigpit naman ang pagkakayakap ni Jordan sa akin.


Hinaplos niya ang buhok ko at muli'y narinig ko ang masuyong boses niya. "Carlyn, kahit ilang beses mo akong paalisin, babalik at babalik pa rin ako. Kahit saan ako pumunta, uuwian pa rin kita. Kahit pagtaguan mo pa ako, hahanapin kita. Sa 'yo lang ako paulit-ulit na pupunta. Sa 'yo lang ako hindi mapapagod at hindi magsasawang uuwi."


"H-hindi ka mapapagod at magsasawa?"


Nang tumingin ako sa mukha niya ay natulala ako. Ilang beses na alam kong pinipigil niya ang sarili, niyayakap niya ako, sumusobsob siya sa leeg ko, sa balikat, sa tiyan, o sa dibdib. Pero tanging ngayon ko lang nakita sa liwanag, harapan ko mismo, ang mga luhang hindi niya ikinahihiya sa aking ipakita.


Hinayaan niya akong tuluyang makita ang kahinaan niya. Pakiramdam ko ay may sumasakal sa puso ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko kaya, hindi ko matagalan.


Umusod siya at hinalikan ako habang patuloy sa pagtulo ang mga luhang hindi niya pinipigilan. Nangangatal ang malambot niyang mga labi sa labi ko. "I am aware about your insecurities and fear..." Nang humiwalay siya ay idinikit niya ang noo sa akin. "I am sorry for breaking your trust, for hurting you so much, and for leaving you alone for so long..."


"J-Jordan..." humihingal na sambit ko.


Ang mainit at mabango niyang hininga ay tumatama sa balat ko. "Carlyn, it will be different this time..."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro