Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 67

COULD I REALLY LET HIM GO?

Nakasandal ako sa sofa habang tulala nang mag-beep ang phone ko. Tamad na tiningnan ko iyon pero nawala ang katamaran ko nang makita kung tungkol saan ang notification.

Ang paghinga ko ay sandaling tumigil habang ang puso ko ay bigla na lang nag-sirko. Ang daming pakiramdam ang bumuhos sa akin. Napakurap-kurap pa ako dahil baka nagkakamali lang, pero malinaw ang friend request na nasa screen:

Jordan Moises Herrera added you as a friend!

Nakakainis na kusa na lang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. Agad ko iyong binura pero nagmukha lang akong tanga.

In-accept ko ang friend request niya kasi wala lang naman iyon. Saka wala akong balak i-stalk siya o kahit tingnan man lang ang newsfeed niya. Hindi rin naman siya active masyado sa social media. Wala lang talaga.

Papatayin ko na ang wifi nang sunod-sunod na nag-beep na naman ang notification. Kunot-noong tiningnan ko kung ano na naman ba iyon.

Jordan Moises Herrera reacted to your photo ( heart react ) 3 seconds ago... Jordan Moises Herrera reacted to your photo ( heart react ) 2 seconds ago... Jordan Moises Herrera reacted to your photo ( heart react ) 1 second ago...

Iyong unang profile photo ko na mirror shot habang naka-two piece, iyong cover photo ko na background ng dagat, at iyong bagong palit ko na profile photo na si Baby Caley, pinusuan niya iyon lahat!

Nag-popped up ang chat heads dahil nag-pm pala siya.

Jordan: Thanks for the accept *smiling emoticon*

Inginudngod ko na lang ang aking mukha sa unan para masikil ang tili. Ngayon na lang, ngayon na lang ulit ako nakaranas masiraan ng bait na ganito.

Ang itim ng ilalim ng aking mga mata pagising kinabukasan. Hindi ako nakatulog agad kagabi dahil sa pagkalutang.

Tiningnan ko ang aking phone. May message na good morning si Jordan. Mukhang masarap ang tuloy niya samantalang ako ay napuyat. Sana maligaya siya!

Bumangon na ako at naligo. Pupunta ako sa café ngayon. Nakabihis na ako nang maka-received ng text message mula sa mama ni Isaiah. May ka-meet up daw si Tita Anya sa Tanza ngayon na buyer ng lupa na kinukumisyon ng ginang. Walang bantay kay Kulitis.

Weekend naman at nandiyan si Isaiah, ang problema nga lang ay lasing ang lalaki. Lasing na nga na umuwi, nag-inom pa ulit nang gabi dahil bigla raw dumating ang pinsang hilaw.

Nagpaalam na ako kina mommy na aalis. Sa Pasong Kawayan II ako nagpahatid sa Grab. Sa labas ng compound ng mga del Valle ay natanaw ko na agad ang isang pangmalakasang midnight black Lambo.

Tama nga ang balita, nandito sa Cavite ang pinsang hilaw ni Isaiah na ex-bebe ng BFF kong si Sussie.

Pumasok ako sa gate. Nakasalubong ko sa daan ang kinilalang mama ni Arkanghel. May kausap ito sa phone.

Lulugo-lugo ang ginang. "Pasensiya ka na. Bigla na lang dumating dito kagabi si Arkanghel. Pinigilan ko naman na mag-inom kaya lang nalingat lang ako, nakaalis na sila ng pinsan niya. Bumili na pala ng alak..."

Nahulaan ko na agad na ang tunay na mommy ni Arkanghel ang kausap nito.

"Pasensiya ka na talaga. Hayaan mo, aasikasuhin ko habang nandito. Pag nahimasmasan, saka ko na pauwiin diyan. Oo, walang anuman. Salamat at pasensiya na ulit."

Nilampasan ko na ito. Pumunta na ako sa bahay nina Isaiah. Bukas ang pinto kaya dire-diretso pasok ako. Nasa sala ang magpinsang hilaw. Nilapitan ko si Isaiah na nasa sofa. Tinadyakan ko sa tagiliran pero hindi pa rin gumising.

Si Arkanghel naman ay nasa upuan, nakaupo habang nakalungayngay ang ulo. Tanggal ang necktie, bukas ang ilang butones ng suot na white polo, at nakakalas ang sinturon. Nilapitan ko rin siya.

"Kailan pa ito rito, Tita?" tanong ko sa mama ni Isaiah na kabababa lang ng hagdan kasama ang maligalig na apo.

"Kagabi pa. Pagdating ay niyaya agad si Isaiah mag-inom. Nakailang balik sila sa 7-Eleven kabibili ng Red Horse. Mabuti nga at di naaksidente. Mga naka-motor pa man din 'yang dalawang ugok na 'yan."

"Ugok nga." Sinipat ko ang mukha ni Arkanghel.

Muhang bangenge sa kalasingan ang lalaki pero napakaguwapo pa rin. Ang fresh pa rin. Bakit kaya ito biglang napadayo ng inuman dito?

"Hayaan mo na 'yang mga 'yan diyan. Si Roda na ang bahala sa kanila," sabi ni Tita Anya na ang tinutukoy ay ang ina-inahan ni Arkanghel.

Sabay na kaming lumabas ng compound. Sa akin si Kulitis. Isinama ko ang bata sa café. Pagkatapos ko bumisita sa café ay itinambay ko muna sa SM Rosario. Itinext ko si Sussie at nalaman ko na narito pala siya sa Cavite. Kagabi siya umuwi. Ang fishy.

Magkausap na kami sa phone. "Yes, dito ko SM Rosario ngayon. Gusto ko na nga umuwi kaso tinotopak itong inaanak mo. Nagpabili na naman ng tokens. Gusto yata dito na kami tumira sa Quantum."

Ninang din ni Kulitis si Sussie. Paladesisyon talaga si Isaiah.

[ Puntahan ko na lang kayo. ]

Huling kita pa niya sa instant inaanak ay noong last year pa. Nakasabay niya ang mama ni Isaiah sa palengke ng Malabon. Hinarang daw siya ng ginang para sabihing inaanak niya nga ang batang bungi.

[ Ligo lang ako. Miss ko na rin 'yang inaanak ko. Kurutin ko 'yan. ]

"Okay!" masayang sabi ko. Kating-kati na akong i-chismis sa kanya si Arkanghel. "May nagbabagang balita pala ako."

Ikinuwento ko na over the phone ang magpinsang hilaw. Nang marinig niya na nandito sa Cavite si Arkanghel ay sandali siyang natahimik. Parang nahulog siya sa malalim na pag-iisip.

Tuloy-tuloy naman ako sa pagsasalita hanggang pati pagkaasar ko kay Isaiah ay naisama ko na. Nang matapos kaming mag-usap ay hinintay ko siyang dumating.

Dalawang oras na kami sa Quantum ni Kulitis tsaka nagsabi si Sussie na hindi siya makakapunta. Napanguso ako kahit expected ko na. Gets ko talaga ang babaeng iyon. Sure ako na sa mga oras na ito namumula siya habang tulala. Mukhang may naganap kagabi sa mag-ex bebe.

"Ninang, bat haba nguso mu?" tanong sa akin ni Kulitis habang kinakaladkad ko na siya palabas ng SM.

"Inindian tayo ng Ninang Sussie mo."

"Si Ninang Sussie pu 'yan na lablab ni Titu Ark?"

"Nadale mo."

Updated ang bungi.

"'Lika na nga, tsismoso ka rin e. Manang-mana ka sa pinagmanahan mo."

Kinabukasan ng hapon ay nasa amin na naman si Kulitis. Tulala si Nanette habang hawak-hawak ang munting kamay ng bata.

"O bat andito na naman 'yan?" tanong ko. Kababa ko lang mula sa itaas ng bahay. Mabuti nandito ako ngayon dahil galing ako sa café kanina.

"Hinatid 'te..." tulala pa rin na sagot ni Nanette.

Pagsilip ko sa labas ng pinto ay nanghahaba ang leeg ng mga kapitbahay ko. Kaya naman pala, nakatingin sila sa paalis na mamahaling kotse ni Arkanghel. Mukhang ngayon pa lang nakaraos sa hang over ang ex-bebe ni Sussie.

"Ate, ang guwapo ng kasama ni Kuya Isaiah!" bulalas ni Nanette. "Kulay grey ang mata!"

"'Wag ka roon, hindi marunong magsaing iyon."

Hindi inintindi ni Nanette ang sinabi ko. Hibang pa rin siya nang magsalita. "Ate, bakit ang daming guwapo rito sa Cavite?!"

"Kasi kung hindi sila guwapo, aba mahiya naman sila sa akin."

Chineck ko ang phone ko. May text pala si Isaiah. Ngayon na raw magkakabayaran sa kinukumisyon na lupa ang mama niya kaya wala na namang bantay si Kulitis. Dito raw muna dahil kailangan na rin daw kasi niyang bumalik sa Manila. Sasabay na siya kay Arkanghel para libre pamasahe.

Pinaupo ko sa sofa si Kulitis. Pagala-gala lang ang mata nito sa paligid. Behave pa. Nagpapakondisyon pa bago magpasaway.

Mula sa hagdan ay bumaba si Levi. Napatingin agad ito sa bata sa sofa. "Pretty, sinu 'yan?"

"Anak ng friend ko. Mukha lang tiyanak iyong ngipin niyan pero mabait 'yan. Play kayo, ah!" Itinulak ko ang kapatid ko papunta kay Kulitis.

Nagkakahiyaan pa ang dalawang bata pero mayamaya ay naghaharutan na. Si Nanette naman ay naglabasan na ang litid sa leeg kakasaway.

Nanonood na ang dalawang bata ng TV sa sala pagkatapos kong maligo. Nang may mag-doorbell ay ako na ang nagbukas ng pinto. 

"Hi! Pwedeng mang-istorbo?" Nakangiti si Jordan sa akin na sanhi para sandaling tumigil ang mundo.

Napakurap ako sa lalim ng description. Bwiset ano iyon?

Windang pa ako nang maswindang pa ulit dahil sa pagsulpot ng isang maputing bata mula sa likod niya. Kasama niya ang batang pamangkin na si Hyde!

"May bata!" sigaw ni Kulitis mula sa loob na akala mo naman ay hindi pa kilala at nakalaro si Hyde.

Pinapasok ko si Hyde habang kami ni Jordan ay nagkakatitigan pa rin sa may pintuan. Kung hindi pa siya yumuko para halikan ako sa pisngi ay hindi pa ako mahihimasmasan.

Namumulang tumalikod ako at nagkunwari na lang na pupunasan ang basang likod ni Kulitis.

"Ate, anyare?" kalabit ni Nanette sa akin. "Kailan pa naging daycare center itong bahay niyo?"

"Kunan mo ng damit si Levi sa itaas," utos ko kay Nanette. Pareho palang basa ng pawis ang dalawa. Inuna kong palitan ng damit si Kulitis mula sa baon nito sa backpack. Pagbaba ni Nanette ay sinunod kong palitan ng damit si Levi.

"Ninang, baket lagi pala nag-i-english si Hyde?" kalabit sa akin ni Kulitis.

"Bat di ka marunong english?" tanong naman ni Levi kay Kulitis.

Inawat ko na ang pagchi-chismisan ng mga ito. "Manood na lang kayo ng TV o maglaro."

Tumikhim si Jordan. "Carlyn, kung wala kang gagawin, pwede natin silang dalhin sa mall."

Mall? With three kids? Ayos lang siya? Gusto niya ba akong malosyang ng maaga?!

Magsasabi palang ako ng 'hindi' pero nagtalunan na sa sofa sina Kulitis at Levi dahil sa excitement. "Yehey! Mall!"

Natapik ko ang aking noo lalo nang pasimpleng umiskapo si Nanette. May schedule raw siya ngayon ng video call sa nanay niyang may sakit.

Umakyat na si Levi sa itaas para magpaalam kay Mommy. Nang malaman ni Mommy na si Jordan ang kasama ay pumayag agad ito. Wala na akong magawa dahil pagbaba ni Levi ay nakasapatos na ang bata.

Si Kulitis naman ay nagsuot na rin ng sapatos na hinubad kanina. Ready na ang makukulit. Ang batang si Hyde naman ay shy type lang pero mukhang excited din mag-mall.

Napabihis na lang din ako dahil may pagpipilian pa ba? Kapag kumontra ako ay baka iyakapan pa ako ng tatlong bata. Bago ako lumabas ng kuwarto ay nagulat ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Jordan.

"Hoy, makita ka nina Mommy!" pabulong na singhal ko sa kanya. Ang totoo ay kinakabog nang matindi ang dibdib ko. 

Lumapit siya at yumakap sa akin. "I miss you..."

Gumanti ako ng yakap sa kanya pero agad ko rin siyang itinulak. Hindi ako makatingin sa mga mata niya kaya nauna na akong bumaba sa sala.

Sa backseat ng kotse ni Jordan nakapuwesto ang tatlong bata. Sa SM Dasma kami pupunta dahil nandoon daw si Jillian. Doon na ihahatid ni Jordan ang pamangkin.

Palingon-lingon ako sa mga bata mula sa passenger's seat. Okay naman sila. Behave pero ang iingay. Si Hyde na kanina ay tahimik, ngayon ay nagyayabang na.

"My mommy is an artist! She can draw Avengers on her Mac!" pagbi-bida nito sa ina.

'Di rin naman nagpatalo si Levi. "Really? Can your mommy catch a cockroach and kill it? My pretty sister can!"

Sinitsitan ko si Kulitis. "Hoy, ano iyong panlaban mo? Patatalo ka ba sa kayabangan ng dalawang 'yan?"

Ngumuso ang bungi. "Ayoko english e!"

Hindi ko napigilan mapabungisngis. Binuksan ko ang stereo sa kotse ni Jordan at inilagay sa FM. "Kanta ka na lang!"

Nang pumailanlang ang tugtog sa kotse ay kumanta na nga lang si Kulitis. Kahit bulol ang ibang lyrics ay lahat talaga ng kanta, alam niya. Ultimo kanta ng Eraserheads, Rivermaya, at Parokya ni Edgar, kabisado. Nasa tono at marunong ding magkulot ng boses kahit bata pa.

Noong una ay si Kulitis lang ang kumakanta, nang tyumempo sa medyo bago-bagong kanta ay sumabay na rin si Levi. In fairness sa kapatid ko, tumotono rin kahit mali-mali ang lyrics. Si Hyde naman ay ma-pride pa na nagha-hum lang muna. Nang magsabay-sabay na ay wala na akong maintidihan.

"I needsh somebody who love me at my worsh..." nag-duet ang mga bulol na boses with feelings.

Ang kanta ay ang At My Worst ni Pink Sweat$.

"Wooohhh..." May pag-ungol pa ang mga bubwit.

"What's that song?" nangingiting tanong ni Jordan.

"Theme song 'yan ni Roli kay Ara. 'Di mo alam iyon no? Casa Inferno lang kasi binasa mo. Sold out na ang book pero may reprint. Bili ka, meron sa NBS, Shopee, saka sa Lazada."

Sinabayan ko ang mga bata sa pagkanta. Talo nila ako shet.

I need somebody who can love me at my worst

No, I'm not perfect, but I hope you see my worth

'Cause it's only you, nobody new, I put you first

And for you, girl, I swear I'll do the worst.



Pagkarating sa SM Dasma ay pinatay ko na ang tugtog. Nag-park si Jordan at isa-isa na naming pinababa ang mga bata.

"O walang hihiwalay, ah. Bawal ang makulit." Hinawakan ko sa magkabilang kamay ko sina Kulitis at Levi.

Sa kabila naman ng kamay ni Kulitis ay si Jordan. Si Hyde ay hindi na kailangang hawakan dahil hindi naman malikot. Ito na rin ang kusang humawak sa kamay ni Jordan.

Pinakain muna namin sa Jollibee ang mga bata bago dinala sa arcade. Parang nakatakas sa kural ang mga ito. Pati si Hyde na kanina'y tahimik lang ay bigla na ring lumabas ang kakulitan. Nasa loob pala talaga ang kulo.

Nanakit ang paa ko kakasunod sa mga ito. Si Jordan naman ay chill lang na nag-a-assist sa mga napipiling laruin ng makukulit. Ako ang inuutusan nilang magpapalit ng tokens.

"Pagod ka na?" masuyong tanong ni Jordan sa akin nang maupo ako sa motor for racing game sa arcade. Nilapitan niya ako at pinunasan ng panyo ang pawis ko sa noo.

"Obvious ba? Para lang naman akong nag-anak ng tatlong sunod-sunod!"

Ngumiti lang siya.

Nainis naman ako kasi parang hindi man lang siya napapagod. Ang fresh fresh pa rin niya kahit mas marami siyang kilos at habol sa mga bata kaysa sa akin. "Bat masaya ka pa riyan, ha?" asik ko sa kanya.

"Nothing. Pahinga ka na lang muna rito, ako na muna bahala sa mga bata."

"Mabuti pa. Bantayan mo sila ng mabuti  dahil wala tayong pamalit sa mga 'yan."

Kinulit siya ng mga bata na laruin ang gun shooter game sa arcade. Iyong Aliens: Armageddon. Tuwang-tuwa ang mga bata ng hawak niya na ang baril.

Nakatitig lang naman ako kay Jordan habang namamaril siya. Cool lang siya habang nakataas ang isang kamay na may hawak ng laruang baril. Nakakainis lang dahil may mga babaeng estudyante na bigla na lang nagsulputan sa paligid.

Bumaba ako sa motor at lumapit. "Paano ba 'yan?" singit ko sabay hawak sa bewang niya.

Nanigas si Jordan at natigil sa pamamaril. Bumaba ang paningin niya sa akin at nang ngumiti ako ay na-game over na siya sa nilalaro.

"Turuan mo ako niyan," malambing na sabi ko sabay tingin ng matalim sa mga babaeng nanonood. Sarap paghihilahin ng mga pilik-mata nila. Halata namang hindi iyong games ang pinapanood nila kundi si Jordan.

Tinuruan naman ako ni Jordan kahit easy lang naman iyong game. Hinawakan niya ang kamay ko na may baril tapos, ayun, namaril na kami habang magka-holding hands.

"Panget naman!" sigaw ni Kulitis. "Korni! Di na maganda, lipat na tayo!" yaya nito sa dalawang bata na agad namang sumunod dito.

Kumibot ang sentido ko pero nagpigil akong mamalo ng bata. Mamaya may mag-video pa sa akin at mag-trending pa ako. Pag-angat ng paningin ko kay Jordan ay lalo akong nabuwiset nang makitang ngiting-ngiti siya.

Inirapan ko siya at sumunod na ako sa mga bata. "Magpapalit ka ng tokens!" pasigaw na utos ko sa kanya.

Sinundan ko ang tatlong bata na ngayon ay naroon na sa arcade hoops basketball. Nagkanya-kanyang puwesto na ang mga ito. Ako ang tagahulog nila ng tokens. Nang lumabas na ang mga bola ay naawa na lang ako dahil mga hindi nakaka-shoot ang malilinggit, kasi nga maliliit.

"Carlyn!" May pamilyar na boses na tumawag sa akin.

Isang nakangiting babae ang ang papalapit. Naka-skinny jeans ito, black slim fit Lacoste polo shirt, at flats sandals. Maiksi ang buhok at mukhang sosyal. Nakilala ko ito nang muling magsalita. Si Lou pala.

Si Lou iyong dating kakalse ni Jordan sa Science Class na hinusgahan yata pati kaluluwa ko, pero tama naman siya. Siya rin ang ex kaharutan ni Asher noong high school kami.

"Carlyn, hala nag-asawa ka na pala? Mga anak mo 'yan?" Ang mga mata niya ay nakatingin kina Hyde, Kulitis, at Levi, na nag-aagawan sa arcade hoops.

"'Di mo alam?" balik tanong ko sa kanya.

Sandaling nangunot ang noo ni Lou. "Hindi e. Pero kahit expected ko na, nakakagulat pa rin talaga. Pero tatlo agad? Sunod-sunod ba?"

"Oo e. Pero iba-iba tatay nila."

"Ha?"

"Iyong tisoy, anak ko kay Hugo. Iyong bungi ay anak ko kay Isaiah, at iyong kamukha ko, anak ko kay Jordan."

Napanganga siya.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Nilapitan ko na ang mga bata. "Mga anak, tama na ang paglalaro. Mauubos na ang pera natin kakapalit ng tokens. Mapuputulan na tayo ng tubig at kuryente dahil wala na tayong pambayad."

"Magta-trabaho ako nang mabuti para may pambayad tayo," baritonong boses na nagpatayo ng mga balahibo ko sa batok.

Paglingon ako ay ang nakangiting si Jordan ang aking nakita. Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa hiya.

Nang pasimple kong sulyapan si Lou ay namumula ang babae habang nakatingin sa amin. Siguro ngayon ay gumana na ang utak niya na kahit gustuhin ko man, hindi ko kayang maglabas ng tatlong bata na ganito ang mga edad sa loob lang ng anim na taon.

May humatak na kay Lou. Jowa niya yata. Mabuti naman at hindi na si Asher ang pinag-iinitan niya. Wala na sana akong pakialam nang bigla akong kawayan ng lalaking kasama niya.

Kulang na lang ay bumagsak ang panga ko nang makilala ito. Tangina, kapatid ni Asher!

Hanggang makalabas kami sa arcade ay windang ako. Kung hindi pa hinawakan ni Jordan ang kamay ko ay hindi pa ako matatauhan. "Are you okay? Papunta na si Jill dito para kunin si Hyde."

Hindi pa ako nakakasagot nang matanaw na namin na parating si Jillian kasama ang isang payat na babae. Familiar ang babae na nakilala ko agad na si Dessy Paredes. Kaklase rin namin dati. Hanggang ngayon pala ay BFF sila.

"Hi, handsome baby!" bati ni Dessy pagkakita kay Hyde. Payat na payat ito at malalaki ang boobs. Makapal ang make up at nagmumura sa laki ang bitbit na LV bag.

"Hello, Ninang Des!"

"Ninang mo 'yan?" bulong ni Kulitis na ewan ko ba kung bulong talaga kasi ang lakas. "Mayaman din 'yan?"

Proud na tumango naman si Hyde. "She has lots of money and she's famous!"

"Dessy is a vlogger," sabi ni Jordan sa akin.

"Oh," sambit ko. Mapera nga talaga siguro.

Nakita ko na nalungkot ang mukha ni Kulitis. Nainggit yata ang bubwit sa ninang ni Hyde.

Nilapitan ko ito at binulungan. "'Wag kang mag-alala, mas mayaman man ninang niya, mas maganda naman ninang mo."

Bumungisngis ang bata. Nag-apir kaming dalawa.

Si Levi naman ay kukurap lang na hindi maintindihan ang nangyayari. Nagpaalam na sina Jillian at Dessy. Kasama na nila si Hyde nang umalis. Kami naman nila Kulitis at Levi ay sumama na kay Jordan pabalik sa parking.

Ginabi na kami. Tulog na si Kulitis nang ihatid namin sa Pasong Kawayan II. Kahit si Levi ay bagsak na rin pagkauwi namin sa Navarro. Sinalubong kami ni Ninong Luis sa gate at ito ang kumarga sa bata papunta sa kuwarto.

Naiwan kami ni Jordan sa may gate. Nakatingala ako sa kanya habang nakayuko siya sa akin.

"Aalis na ako," paalam niya sa mahina at hirap na boses.

Dama ko ang pagtutol ng aking loob nang sagutin siya. "Ingat ka..."

"Yeah. Bye..."

"Bye..."

Nang tatalikod na siya ay tila may sariling buhay na pumigil ang kamay ko sa manggas ng suot niyang long sleeves polo. Nang lumingon siya sa akin ay agad akong tumingkayad at inabot ang mga labi niya para dampian ng halik na magaan pero mainit.

Nanlaki ang mga mata ni Jordan sa pagkabigla. Ako naman ay napakurap ako nang ma-realized ang ginawa.

"Carlyn..." usal niya sa paos na boses.

Napalunok ako at napayuko. "Uhm, ingat ka. B-bye..." Patalikod na ako nang ako naman ang pigilan niya sa braso. 

Ang mga mata niya na kahit madilim ay malinaw sa pagkislap. Nang yumuko siya para halikan ako ay kusang pumikit ang aking mga mata. Hinintay ko ang pagdampi ng mga labi niya sa akin pero lumipas na ang ilang minuto na hindi iyon nangyari.

Napadilat ako at nakita ang masuyong ngiti niya. Nag-init ang aking pisngi at akmang lalayo nang angkinin niya sa isang makapugtong hiningang halik ang mga labi ko.

Nang maghiwalay kami ay humihingal ako. "J-Jordan..."

Masuyong ngumiti siya. "No pressure. Go slow. It's okay. I love you, Carlyn and I am willing to wait for you..."

JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro