Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 56

HOW THE HELL DID WE END UP LIKE THIS?

He was asking me to take him back again. But why? What was his reason?

Was it because he enjoyed the sex? Hindi ba siya nasisiyahan sa iba?

Nakalimutan niya bang may girlfriend na siya? Kasi ako nakalimutan ko bigla. Paano ko hindi makakalimutan samantalang umaakto siya na parang wala siyang sabit.

"Do you really have a girlfriend?"

Umiling siya.

"Then why did you say that you have?"

Hindi niya sinagot. Sumubsob lang siyang sa kandungan ko. He was like a big puppy.

Napailing ako. Hinaplos ko ang buhok ni Jordan. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na may mangyayari sa amin ang ganito. Ngayon lang tumimo sa akin ang pagiging padalos-dalos ko.

"We should accept the fact that we did that thing," kaswal na sabi ko.

Hindi niya kailangang magdrama o kung anupaman. Kung ang inaalala niya ay ang sasabihin nina Ninong Luis at Mommy, wag na siyang mag-alala.

"Know that you have no obligation to me."

Hindi iyon big deal ang nangyari dahil pareho naman kaming adult. Hindi na kami mga bata at normal lang na mangyayari at nangyayari iyon.

Sa parte ko, hindi ko alam kung dapat ba akong magsisi dahil wala akong ganoong nararamdaman. Honestly speaking, I enjoyed it.

I was always curious about sex. At least ngayon alam ko na ang feeling. Masakit sa umpisa yet satisfying in the end.

I liked it but it didn't mean that I would try it again with someone else. Well, hindi ko rin masasabi. Baka naman in the future ay may posibilidad na ma-attract din ako physically sa ibang lalaki.

And as for Jordan, mas lalong hindi big deal sa kanya. Lalaki siya at walang nawala sa kanya. Baka nga madalas niya na itong gawin sa ibang babae.

"I am also on the pill. I am taking it continuously to regulate my period. So you really have nothing to worry about." Pero hindi na talaga ako nagpi-pills. Kung meron mang makakaapekto ay iyon ang mga gamot na iniinom ko.

Nag-ring ang phone niya. Yumuko ako at ako ang kumuha ng phone sa bulsa ng suot niyang sweatpants. Bago ko inabot sa kanya ay nakita ko pa sa screen na ang nag-message ay ang mommy niya.

Tinanggap niya ang phone at binasa ang message. Walang pagbabago sa reaksyon niya nang muling ibalik ang phone sa kanyang bulsa at tumayo.

"I'm still not feeling well," sabi ko sa kanya. "Mahihiga muna ako. Pakisara na lang ang pinto paglabas mo."

Sumampa na ako sa kama at nagkumot. Hihiga muna ako maghapon dahil talaga namang iniinda pa ng tadyang at balakang ko ang aking pagkabagsak kagabi. May iba pang masasakit sa katawan ko bukod doon.

Habang nakahiga ay nag-cellphone ako. Paminsan-minsa'y sinusulyapan ko si Jordan na nakatayo pa rin at hindi umaalis. Nakatalikod siya sa akin at tahimik na nakayuko.

Nang magsawa akong mag-phone ay inilagay ko na iyon sa bedside table. Ilang minuto na akong nakapikit pero hindi pa rin tuluyang nakakatulog. Hindi ko alam ang ginagawa ni Jordan ngayon. Naramdaman ko lang na lumapit siya sa akin. Kinumutan niya ako at walang salitang lumabas na ng kwarto.

Hapon nang magutom ulit ako. Papadilim na sa labas ng bintana at malapit na maghapunan kaya siguro kumakalam na ang tiyan ko. Kahit mabigat ang pakiramdam ay nagpilit akong bumangon sa kama.

Iika-ika ako na lumabas ng kwarto. Nawala na ang bisa ng Mefenamic, at dama ko na ulit ang pagkirot ng iba't ibang parte ng aking katawan. Nakangiwi ako nang makababa sa sala.

Kapapasok lang ni Nanette mula sa main door. Nakasimangot siya at bubulong-bulong ng makita ako na nakatayo sa paanan ng hagdan.

"Nababadtrip ako sa mga kapitbahay mo, 'Te!"

"Sinabi ko na sa 'yo, 'wag mo silang pansinin."

Bubulong-bulong pa rin siya na tumuloy sa kusina. Sumunod ako roon at nagtingin kung ano ang niluto niya para sa hapunan.

"Tinolang manok ang nandiyan, Ate. Bago umalis si Architect ay siya ang nagluto. Para daw sa hapunan."

Wala naman akong kahit na anong reaksyon.

Nakamasid sa akin si Nanette na parang pinag-aaralan ang bawat kilos ko. "Ate, may sakit ka ba?"

"Nadulas ako kahapon," maiksing sagot ko.

"Ah..." Tumango-tango siya. "Kaya pala hindi ka makalakad nang maayos. Nadulas ka pala, akala ko kung ano na..."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa sandok.

"Sabi nga ni Architect kanina wag ka raw iistorbohin dahil masama ang pakiramdam mo."

Tahimik na nagsandok ako ng kanin. Sa ulam ay si Nanette ang naghain. Sabay kaming dumulog sa mesa. Habang kumakain ay panay ang cellphone niya. Mabuti na rin iyon para hindi ako iyong lagi niyang napapansin.

Nauna akong natapos kumain. Tumayo ako na bitbit ang ginamit kong plato, mga kubyertos, at baso. Dadalhin ko na ang mga ito sa lababo nang magsalita siya.

"Ate, masama 'yang pinagliligpitan mo agad ako na hindi pa ako tapos kumain. Baka hindi na ako makapag-asawa niyan!"

Napailing ako sa pamahiin niya. Ibinalik ko ang mga ginamit ko sa mesa para sa kapanatagan ng kanyang kaluluwa.

"Ate, sarap ng luto ni Architect, no?" pahabol niya sa akin nang iwan ko na siya sa dining.

Bumalik na ako sa kwarto. Maraming text messages sa akin si Mommy nang mag-check ako ng phone. Puro pangungumusta at bilin. Matapos ko siyang sagutin ay humiga na ulit ako.

Around 7:00 pm ay kumatok si Nanette. Sumilip sa pinto ko ang babae. "Bumalik po si Architect. May kasama siyang manghihilot."

Napabangon ako. "What?"

Akala ko hindi na siya babalik ngayon.

Bumukas nang malaki ang pinto ng kwarto at nakita ko si Jordan. "How are you feeling?"

White polo na bukas ang ilang butones sa gawing dibdib ang suot niya at itim na jeans. Ang linis-linis niyang tingnan at kahit seryoso ang perpektong mukha ay napakaamo.

Napalunok ako at hindi makasagot dahil nandiyan si Nanette.

"Naku, Architect, hirap makalakad si Ate Carlyn kanina. Iika-ika siya," matabil na sabat ni Nanette.

Pinanatili ko na formal ang aking ekspresyon habang si Jordan ay ibinato ang paningin sa ibang direksyon.

Tumikhim siya bago muling nagsalita. "Sinundo ko iyong kapitbahay namin dati sa Pascam na marunong manghilot ng mga pilay."

Ngingiti-ngiti si Nanette habang nakatingin sa amin. "Ate, tawagin ko lang iyong manghihilot, ah."

Nang sumara ang pinto ay tiningala ko si Jordan. "I'm feeling okay now. I'm hoping that you won't tell this to Ninong Luis and Mommy."

Tumango siya at naupo sa gilid ng kama. Nakayuko lang siya habang nakatalikod sa gawi ko.

Nakakabingi ang katahimikan dahil hindi siya nagsasalita. Hindi rin naman ako nagsasalita. Nakakairita ang biglang awkwardness sa paligid.

Hanggang bumalik na si Nanette kasama ang isang matandang babae. "Iwan ko na po muna kayo. Maglilinis lang po ako sa kusina," paalam ni Nanette.

Naiwan ako at si Jordan na kasama ang matandang babaeng manghihilot na dating kapitbahay ng mga Herrera sa Pascam. Manang Ada raw ang pangalan. Siguro ay nasa 70's na ang edad pero mukhang malakas pa rin.

Tumayo si Jordan para bigyan ng daan ang matandang manghihilot. "She's Carlyn, Manang Ada."

"Kumusta, Ineng?" magiliw na bati sa akin ng matanda.

Maliit na ngumiti lang ako.

Si Jordan ay pumuwesto sa malapit sa pinto. Sumandal siya sa pader habang nakapamulsa sa suot na jeans. Bakit hindi na lang siya lumabas kasama ni Nanette? What, panonoorin niya ba ang paghihilot sa akin?

Pinulsuhan ako ni Manang Ada. "Ineng, mukhang nalamog ka nang husto."

Nang muli akong sumulyap kay Jordan ay mahinang napaubo siya.

Kinapa ni Manang Ada ang likod ko. "Hindi ka ba nakakatayo? Ano ba ang nangyari sa iyo? Saan banda ang masakit?"

"Sa balakang at tadyang po. Nadulas po ako kahapon."

Pinataas ni Manang Ada ang suot kong t-shirt dahilan para malantad ang aking tiyan at ang ilalim ng suot kong bra. "Maigi siguro kung maghuhubad ka na lang ng baro."

Nilingon ng matanda si Jordan na parang sinasabi na hindi siya dapat nandito kung maghuhubad ako ng t-shirt. Tiim naman ang mga labing lumabas ng kwarto ang lalaki.

Dumapa agad ako sa kama matapos kong hubarin ang suot na t-shirt. Nahihiya akong makita ng matanda ang naiwang malalabong pulang marka sa aking dibdib at sikmura.

"Natatandaan kita," narinig kong sabi ni Manang Ada sa akin habang hinahaplos niya na ng langis ang likod at balakang ko.

"Po?"

"Sa may malapet ako sa baranggay nakatira, tumandang taga Pasong Camachile Dos na ako," kwento niya na malalaman mong nakangiti ang mga labi.

Pinababa rin ang shorts ko hanggang sa aking hita dahil pati sa puwetan ko raw ay may pilay.

"Nang lumipat laang ang anak kong buntis sa Ecotrend kaya ako napirme sa sabdibisyon. Alaga ko sa hilot iyon at maselan. Nabuburyo ako tuwing hapon noon kaya madalas akong magkape sa malapit sa bintana."

Mahinahon at malambing ang boses ng matanda kaya kahit salita siya nang salita habang hinihilot ako ay hindi nakakairita.

"Hayun, sa ganoong oras kapag Sabado, madalas kitang makita na nagpupunta sa bahay ng mga Herrera."

Hindi ako kumikibo. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Manang Ada.

"'Ika ko ay dang ganda naman ng dalagitang iyon. Maganda naman iyong anak ni Ethel na kapatid niyang si Jordan," tukoy ng matanda kay Jillian. "Pero iba 'ika ko ang ganda mo. Iba ang aura mo."

Nag-init ang pisngi ko habang nakasubsob sa unan.

"Palage na kitang inaabangan noon kaya laang nahinto ka na sa pagpunta. Huling kita ko sa iyo e magkausap kayo ni Jordan sa labas ng bahay nila."

Nagpakawala ng malumbay na paghinga ang matandang babae.

"Huwag mo sanang mamasamain, hane? Hinde naman ako para manghimasok sa inyo noon. Napansin ko laang naman na tila hinde maganda ang usapan niyo. Sinigawan mo siya at tinalikuran. Aalis na sana ako sa bintana kaya laang ay nagulat ako kay Jordan."

Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya.

"Pagtalikod mo sa kanya ay tila kandilang naupos iyan sa tapat ng bahay nila. Hanggang umulan, nandoon laang nakayukyok sa gutter ng kalsada. Ayaw umalis."

Ang sumunod niyang hinilot ay ang bewang ko. Nagsasalita pa rin siya habang patuloy sa paghaplas ng langis sa akin.

"Nilabas ng kapatid at ng isa pang babae. Hinde naman natinag. Aywan ko ba, ako na ay hinde na rin nakatiis. Nilabas ko at pinagalitan. 'Ika ko ay baka maabutan siya ng mga magulang niya. Mabuti naman at nakinig."

Nilingon ko si Manang Ada. Maliit na nakangiti sa akin ang tuyot na mga labi niya.

"Ineng, akala ko talaga ay hinde na talaga kita makikita ulet. Natutuwa ako na malamang nagkaayos naman na pala kayo."

Bumuka ang aking mga labi, gayunpaman ay walang lumabas na kahit anong salita.

"Masyadong tahimik na binata iyon. Hindi palakibo pero ay pakabait niyan at hinde ako nagtataka dahil malamang na nagmana sa ina."

Ibinaba niya na ang aking damit nang matapos akong hilutin.

"Iyang mommy ng magkapatid na Jordan at Jillian na si Ethelinda ay nasubaybayan ko sa Pascam. May kaya ang pamilya niyan, maraming lupa na dating palayan bago ibinenta upang gawing sabdibisyon. Kahit may kaya 'yan si Ethel at may kaya rin ang half foreigner na napangasawa, nanatiling simple siya at mapagkumbaba. Napakabait ng pamilya nila kaya kay swerte ng mga mamanugangin."

Nang bumangon ako ay nakayuko ako. "Thank you po," mahinang sabi ko.

"Ay, siya sige. Mauuna na ako. Pinayagan lang ako ng aking apo gawa ng sinundo ako ni Jordan. Ihahatid niya lang din ako ngayon."

"Ingat po..."

Tumayo na si Manang Ada. Sumakto namang sumilip si Nanette para mangumusta kung tapos na akong hilutin. Paglabas ni Manang Ada sa pinto ay lumabas na rin ulit si Nanette.

Umalis ako sa kama at humakbang patungo sa bintana. Maliit kong hinawi ang kurtina. Mula sa aking kinatatayuan ay nakita ko na palabas ng gate ang kulay puting Porsche ni Jordan.

Kumawala sa akin ang isang buntonghininga. He was leaving. Ihahatid niya na si Manang Ada pauwi sa Pascam at siguro ay dideretso na rin siya pauwi ng Tagaytay.

Nang makaalis na ang kotse ay isinara na ni Nanette ang gate. Bumalik na ako sa kama at naupo ako sa gilid niyon. Hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi ni Manang Ada kanina. Ipinilig ko rin agad ang aking ulo at nahiga na.

Naginhawaan ako matapos ang paghilot kaya naging madali sa akin ang makatulog ulit. Sa kalagitnaan ng gabi ay nagising ako. I had a very weird dream.

Humihingal ako nang bumangon sa kama. Hinagilap ko agad ang aking pouch sa bedside table. Kahit kaunti na lang ang tubig na natira sa basong dinala ni Nanette kanina ay uminom ako ng gamot na pampakalma.

The dream that I had was like a scene in the past. I was with the nineteen-year-old Jordan Moises Herrera. Naglalakad kami sa gilid ng kalsada kung saan ang tao ay kami lang dalawa. Suot niya ang high school uniform noong sa iisang high school pa kami nag-aaral. Maaliwalas ang guwapo niyang mukha habang panaka-nakang lumilingon sa akin habang naglalakad kami.

It was a very, very weird dream indeed.


DALAWANG LINGGO ang nagdaan na hindi ko nakikita si Jordan. Matapos niyang dalhin ang manghihilot sa bahay ay hindi na ulit siya bumalik. Maybe he was busy.

Hindi pwedeng hindi siya magiging busy dahil kahit hindi pa nagsisimula ang renovation sa bahay nina Mommy sa Muntinlupa ay malamang na meron din siyang ibang ginagawa. May personal siyang buhay.

Sa pagkakarinig ko sa mga sinasabi ni Ninong Luis ay magta-trabaho o nagta-trabaho na yata si Jordan sa firm ng kaibigan ng lolo ng lalaki. Madalas siya roon.

So maybe, sa firm na iyon nabi-busy these days si Jordan. Wala siyang panahon para sumunod kung sakaling pakikiusapan na naman siya ni Ninong Luis at Mommy para i-check ako rito sa bahay.

Plus, nakuha niya na ang gusto niya.

Isinubsob ko na lang ang sarili sa pag-aasikaso ng aking itatayong negosyo para hindi na kung anu-anong walang kwentang bagay ang naiisip ko.

Bored na bored si Nanette kaya naman minsan ay isinasama ko siya sa mga lakad ko sa pagv-visit ng mga pwestong pinagpipilian ko. Isinama ko rin sa coffee making seminar na aking pinuntahan.

Nage-enjoy naman si Nanette sa pagagala. Minsan ay sinasamahan kami ni Charles kapag walang ginagawa ang lalaki.

Ngayong araw ay hindi ko kasama si Nanette dahil nagpaalam siya na makikipagkita sa ka-chat niya na taga Dasma raw. Ayaw ko sanang payagan pero hindi talaga mapipigilan ang isang taong desidido. Tinadtad ko na lang siya ng bilin at paalala.

"Are you okay?" tanong ni Charles sa akin. Nasa manibela siya habang nagda-drive. Ihahatid niya na ako pauwi sa Navarro. Galing kami sa napili kong location ng café sa Tanza.

"Si Nanette kasi ang bagal mag-reply." Minamaya't-maya ko sa pangungumusta ang babae. Nasa sinehan ito ngayon.

"Come on, chill." Nangingiti si Charles. "Matalino naman siguro si Nanette. Hindi siya maiisahan kung sakali."

"Pero nasa sine sila!" inis na sabi ko. Patingin-tingin ako sa oras sa phone ko. 8:30 pm na. Daig ko pa ang nanay na nag-aalala sa anak na dalaga.

"Mas safe nga roon kasi maraming tao. Basta paalalahanan mo lang siya na wag sasama sa labas ng mall." Lumingon si Charles sa akin at magaang pinisil ang pisngi ko. "Mag-relax ka na."

Tinabig ko naman ang kamay niya. "Paanong safe sa loob ng sinehan? Madilim doon! Paano kung hawakan iyong kamay niya? Paano kung bigla siyang halikan? Yakapin?!"

What more kung mas malala ang gawin? Damn it! Sana pala hindi ko na hinayaang umalis si Nanette kanina. Sana pala kahit nagmamaktol ay isinama ko na lang.

"Okay, okay." Pigil ang ngiting napailing si Charles. "Gusto mo ba na puntahan natin? For your peace of mind, we can do that."

"E nasa sinehan sila. Doon natin pupuntahan?"

"Yes. We can watch a movie, too. Pag naman kakain na sila sa kung saang resto, e di kumain din tayo roon. Kung saan sila pupunta, susunod tayo."

Inirapan ko siya. "Ayoko nga. Gusto mo lang umiskor ng date e."

Natawa si Charles. "Halata ba? Sorry."

"Try again next life."

Hindi pa rin maalis ang ngiti sa mapula niyang mga labi. "Okay. Pag ba sa next life, may posibilidad na piliin mo na ako?"

Umismid lang ako sa biro niya.

"Come on. I wanna know," pilyong pangungulit niya sa akin.

"Charles, mukha kang tanga."

"Why? I just wanna know."

"Sakit ako sa ulo."

Matagal siya bago sumagot. "Kahit anong klaseng sakit kung sa 'yo manggagaling, handa akong tanggapin."

Nang lingunin ko si Charles ay natigilan ako nang makitang hindi na siya nakangiti. Wala na rin ang bakas ng pagiging pilyo sa kanyang mga mata. Seryoso na siya habang nakatutok ang atensyon sa kalsada.

Hindi na ako kumibo. Ibinuhos ko na lang ang paningin ko sa labas ng bintana sa aking tabi. Nagpanggap ako na busy sa pagtingin-tingin sa paligid. Hindi na rin naman na nagsalita pa si Charles.

Pagbaba ko sa amin ay nahiya naman ako na hindi yayain si Charles sa loob. Mula pa kanina siya pagod sa kakasama sa akin. Siya ang driver ko since morning. Inalok ko muna siya ng kape para naman hindi siya antukin sa pag-uwi ng Buenavista.

Nagpaunlak naman siya. Sandali lang naman siyang nag-stay dahil napansin niya na ang tahimik ko. Ipinagpalagay niya na pagod na ako kaya nagpaalam na rin siya.

"Thank you again, Charles." Hanggang sa pinto ko na lang siya inihatid.

"Make sure to call Nanette," bilin niya. "Wag ka ng lumabas and do not open the door if it's not Nanette or any of your family members."

Ngumiti ako. "Alright. Noted."

"I'll text you once I'm home." Tumalikod na siya pero pagdating sa gate ay lumingon pa ulit.

Pag-alis ni Charles ay isinara ko na ulit ang pinto. Ini-lock ko at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Hindi ko pa nauubos ang tubig sa baso nang may mag-doorbell.

"Sandali!" Ibinaba ko ang baso sa mesa. Si Nanette na siguro ang dumating.

9:00pm na sa wallclock pagsulyap ko roon. Sasabunin ko ng sermon ang babaeng iyon. Lumapit ako sa pinto at gigil na binuksan ang mga lock.

"Bakit ngayon ka lang?!" salubong ko nang biglang matigilan.

Napanganga ako nang masalo ko ang mainit na mga tingin ng kulay tansong mga mata niya. Hindi si Nanette ang nasa harapan ko—kundi si Jordan!

Marahan niyang itinulak ang pinto at pumasok sa loob. Parang natatanga na umatras naman ako habang nakatingala pa rin sa kanya.

Dalawang linggo siya na hindi nagpakita at nagparamdaman, ngayon ay walang pasabi na bigla-bigla siyang darating.

"Where is Nanette?" maaligasgas ang boses na tanong niya.

"Wala pa." Umiwas ako sa mga mata niya na hindi ko maintindihan kung bakit ang epekto sa akin ay hindi nakakatuwa.

Wala siyang pakialam sa oras kahit umaga o gabi, basta kung kailan niya gusto ay pumupunta siya. Why? What was his reason?

Bakit na naman ba siya nandito? May utos na naman ba si Ninong Luis at Mommy?

"So you're alone," malamig ang tono niya ngayon.

Tumaas ang isang kilay ko.

"You're alone yet there was a guy in here," mahina ang boses na sabi niya na sapat lang para marinig ko. Madilim ang ekspresyon niya nang humakbang palapit sa akin.

He saw Charles?

"Excuse me?" Sa muli kong pag-atras ay tumama ang aking binti sa sofa. Hindi na ako makakaatras pa.

Napahagod siya ng mahahabang daliri sa kanyang buhok. Tila nauubos ang pasensiya gayunpaman ay kalmado na siya nang yumuko ulit sa akin.

Napahingal ako dahil gahibla lang ang pagitan namin sa isa't isa. Nasa ilalim ako ng kanyang leeg. Nakikita ko ang pag alon ng kanyang lalamunan.

And from here, I could smell the manly and spicy scent of his perfume. It was intoxicating. And when I looked up at him, I saw him licking his lower lip. Damn, I wanted to slap him and kiss him all at once.

Nagugulat ako sa aking nararamdaman. Nakakalito na kinailangan kong umatras palayo, but then wala na pala akong maaatrasan. Sa pag-atras ko ay muntik akong mabuwal sa sofa.

It didn't happen, though. Naagapan ng matitigas na braso ni Jordan ang pagtumba ko. Niyakap niya ako sa bewang na nagpasinghap nang matindi sa akin.

"I won't demand anything that you can't give," anas niya na nagpatayo sa lahat ng balahibo ko sa katawan.

"W-what?" Napatitig ako sa mga mata niyang ngayon ay nagliliyab na.

No, he wasn't mad. Or maybe he was. Pero ibang galit ang meron sa kanya ngayon. A different kind of madness.

Pagod ako pero ang init na hatid ng pagdidikit ng mga katawan namin at dagdag pa ang ilang araw ko siyang hindi nakita ay nagdala ng kakaibang pakiramdam sa akin.

"Jordan..." sambit ko.

"I am here now. I am here again."

Ang pagkakatulala ko sa kanya ay nauwi sa pagtataas ng kilay. "Are you sure?"

"Yeah." Ngumiti siya. Isang ngiting muntik nang bumura sa tapang ko.

Napatili ako nang bigla niya akong kargahin at naglakad na siya patungo sa hagdan.

"I'll take what I can get."

JF­­

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro