Chapter 50
FRIDAY NIGHT pa lang ay ipinag-drive na kami papuntang Muntinlupa ni Kuya Nato, ang personal driver ni Ninong Luis. Hindi na sana ako sasabay kaya lang mapilit si Mommy.
Nagkasya naman kami sa sasakyan. Sa backseat kaming tatlo nina Mommy at Levi. Kalong ko ang makulit kong kapatid. Si Ninong Luis naman ay katabi sa harapan si Kuya Nato.
Sa buong biyahe ay panay ang lingon ni Ninong Luis kay Mommy. "Clara, are you alright? Honey, do you feel any discomfort? Honey, gusto mong mag-stop over muna? Are you hungry? Are you thirsty? What do you want? Are you sleepy?"
Maya't-maya ang lalaki magtanong. Hindi mapakali.
Si Mommy naman ay nai-imbeyra na. "Luis, naiirita na ako sa 'yo, manahimik ka kung ayaw mong pababain kita."
Pero may pinagmanahan yata talaga sa pagiging maligalig ang kapatid ko. Hindi pa rin kasi huminto si Ninong Luis.
Sa huli ay nakipagpalit na ako ng upuan sa lalaki. Ako na sa passenger seat at siya na sa backseat para katabi niya si Mommy.
Sa kaka-stop over namin ay inabot na kami ng 10:00 pm bago nakarating sa Fernandez Residence na nasa Hillsborough Alabang Village. Daig pa namin ang nagpunta sa Baguio.
Inalalayan ni Ninong Luis si Mommy pababa ng kotse. Mukhang iritable pa rin si Mommy kay Ninong Luis dahil tinatabig niya ang kamay ng lalaki. Nauna na silang pumunta sa kwarto nila para makapagpahinga.
Si Levi naman ay nakatulog sa biyahe kaya binuhat ni Kuya Nato. May sariling kwarto ang batang lalaki at doon siya dinala.
"Ma'am, kunin ko po ang bag niyo," salubong sa akin ng nasa mid thirties na babae. "Katulong po ako rito. Ikay po pala," pakilala niya.
Inabot ko naman sa kanya ang bag na kinalalagyan ng ilang damit na baon ko. Nalaman ko na siya ang asawa ni Kuya Nato.
Bukod kay Ate Ikay at Kuya Nato ay may iba pang kasambahay sina Ninong Luis dito sa Hillsborough. May sixty five years old cook, si Manang Perla, at twenty two years old na isa pang tagalinis, ang working student na apo ni Manang Perla na si Nanette.
Kakailanganin talaga ng maraming tauhan dahil malaki pala talaga itong nabiling bahay ni Ninong Luis. Up and down at lima ang kwarto. Ang 350 SQM at ang bahay lang pala. Hindi pa kasama ang garden sa likuran. Doon gaganapin ang children's party ni Levi sa Linggo.
"Ate, ang ganda niyo pala sa personal," nagniningning ang mga mata ni Nanette sa akin. Maliit na babae siya, charming ang itsura at may ilang pimples. Mukhang makulit na mabait.
Ngingiti-ngiti naman si Ate Ikay. "Ma'am Carlyn, palaging pinagmamalaki sa amin ng mommy mo ang picture mo kaya excited kami na makita ka ng personal."
"Carlyn na lang po," sabi ko sa dalawa na maghahatid sa akin sa guestroom kung saan ako pansamantalang magi-stay.
"Kamukhang niyo po si Ma'am Clara," patuloy ni Nanette habang paakyat kami sa hagdan. "Magkasing ganda kayo. Maamo nga lang po ang mukha ng mommy niyo 'tapos sa inyo matapang-"
Siniko ni Ate Ikay si Nanette sanhi para mapahinto saglit ang huli sa pagsasalita.
Sandali lang din namang nanahimik si Nanette. Pagkarating namin sa second floor ay nagpatuloy na naman ang babae sa pagsasalita. "Ma'am Carlyn, may boyfriend na po kayo?"
"I don't have time for that."
"Ay! Pero nakita niyo na po ba iyong batang architect na magre-renovate rito? Baka magbago po ang isip niyo pag nakita niyo. Ang guwapo, ang tangkad, ang tangos ng ilong, saka brown ang mata--"
Sa pangalawang pagkakataon ay malakas na ang ginawang pagsiko ni Ate Ikay kay Nanette. Kulang na lang ay tumalsik ang babae.
Pagkarating sa guestroom ay nagpaiwan na ako sa dalawang kasambahay. Nagbihis lang ako at pagkatapos ay inilabas ang dala ko na mga magazine tungkol sa mga café interior design. Doon ko inubos ang oras ko.
Mabilis lang na lumipas ang Sabado at sumapit na nga ang 7th birthday ni Levi. Isang navy blue sleeveless jumpsuit with buttons ang suot ko at beige wedge sandals ang suot ko. Naka-bun ang aking buhok at ang tanging accessory ay wide white bangle sa kaliwang pulso.
Maraming bisita na karamihan ay mga kamaganakan ni Ninong Luis. Pulos may mga kaya ang mga ito. Mukha namang mababait ang mga Fernandez at tanggap nila sa pamilya nila si Mommy.
"My eldest," pakilala ni Mommy sa akin sa tita ni Ninong Luis.
"She's lovely," anang ng ginang na nasa mid sixties siguro ang edad. Pustoryosa ito at may mabait na bukas ng mukha.
"Thank you po," magalang na sabi ko.
"Are you still single? My youngest son is still a bachelor. He's only thirty five. I can introduce you to him."
Ngumiti lang ako roon.
Nasa kalagitnaan na ang party nang maka-received ako ng text message mula kay Charles. Nasa labas na siya ng village. Hinintay ko na siya sa gate.
Nakamasid ako kung paano niya isisingit sa mga nakaparadang sasakyan ng mga bisita ang kanyang Mazda3. Ingat na ingat siya sa kotse niya dahil hinuhulugan niya pa ito sa asawa ng tita niya. Napangiti ako nang swabe siyang makapag-parallel parking.
Pagbaba niya ay binistahan ko agad ng tingin ang kanyang kabuuhan. White polo at jeans ang suot niya. Hindi pa gaanong naita-tuck in ang polo dahil yata sa pagmamadali. Nevertheless, he was still very attractive.
Hindi ko na talaga makita sa kanya iyong maligalig kong schoolmate noon. Behave na siya at binatang-binata nang kumilos. Natutuwa ako sa kanya.
Tumawid siya sa kalsada papunta sa gate kung saan ako nakatayo. "Hi! Sorry I'm late."
"Okay lang. Akala ko lang na di ka na makakapunta."
Humingi ulit siya ng pasensiya. Ang tita niya ang nagpaaral sa kanya kaya hindi niya natatanggihan kapag may mga favor na hinihingi. Doon siya galing ngayon.
"Kumain ka muna." Niyaya ko siya sa loob ng bahay. Sa may dining room ko siya dinala. Walang ibang tao rito maliban sa amin.
"Hindi ba nakakahiya na tayo lang dito?"
Ang lahat ng tao ay naroon sa garden dahil nandoon ang party. Ang mga bagong dating na bisita naman ay nasa sala.
Nagkibit ako ng balikat. "Okay lang. Di ko rin naman kilala iyong mga nandoon."
Iniwan ko siya saglit para ikuha siya ng makakain. Sa kusina ako direkta na kumuha. Isang plato na may kanin tapos iyong ulam ay pinagsama-sama ko na lang sa ibabaw. Kumuha rin ako ng isang baso ng lemon juice.
Pagkabalik ko sa dining ay inilapag ko ang mga dala ko sa harapan ni Charles. Sandali siyang natigilan nang makita ang plato na dala ko. Naghalo na ang sabaw ng menudo sa caldereta. Pati ang fried chicken ay nakadikit na sa kapirasong gelatin. Hindi pala magandang idea ang pagsamasamahin. Pero hindi naman siya nagreklamo.
"Mukhang masarap," nakangiting sabi niya nang tumingala sa akin.
Inirapan ko siya. "Pwede ka na sa di nabubulok. Ang plastic mo."
Natawa naman siya. "Okay na ito. Lamang tiyan din." Magana siyang sumubo para ipakita sa akin na okay lang talaga ang dinala kong pagkain.
"Sabihin mo kung may iba ka pang gusto."
"Okay na muna ito."
Naupo ako upuan na malapit sa kanya pagkatapos ay nangalumbaba ako at pinanood siya sa pagsubo. Natutuwa talaga ako sa kanya.
Ang maganang pagkain niya kanina ay biglang naging mabagal. Naging mailap din ang mga mata niya. May AC dito pero may pawis siya sa noo.
"Charles, gumuwapo ka lalo."
Nagkandasamid siya sa huling pagsubo. Nasalaksak niya yata ng kutsara ang ngala-ngala niya. Inabot ko naman agad sa kanya ang baso ng lemon juice.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
Namumula siyang umiling. "H-hindi. I mean, okay lang ako."
Muli akong nangalumbaba sa mesa. Si Charles naman ay hindi na bumalik sa pagkain. Para siyang constipated na hindi malaman ang gagawin. Namumula pa rin ang kanyang mukha at nakatitig na lang siya sa plato niya.
Napabuga ako ng hangin. "Don't you really have a girlfriend, Charles?" Inaalala ko lang kasi na baka meron. Nasasayangan siya ng oras na dapay at sa girlfriend niya inuubos.
Umiling siya at pagkuwan ay tumingin sa akin. "How about you?"
Umiling din ako. "Wala rin akong girlfriend."
Napangiwi siya.
"Kidding." Ngumiti ako. "No, I don't have a boyfriend. Wala akong time at wala akong balak."
Kitang-kita ko ang pag alon ng Adam's apple ni Charles.
Inginuso ko ang plato niya para i-remind siya na ituloy ang pagkain. Sumubo naman siya ulit. Parang hindi niya nga lang magawang lumunok nang matiwasay.
"'You're here." Isang malamig na boses mula sa pinto ng dining ang nagpahinto sa akin sa ginagawa kong pagtitig kay Charles.
Tamad na lumingon ako sa pinto kung saan nakatayo ngayon ang walang kangiti-ngiting si Jordan.
Black button-down long sleeves polo, black baston jeans, and black rimmed specs. Funny that with all the dark colors, he looked clean and... divine.
Charles on the other hand, with his all white attire, was clean looking, too. He was also very handsome. Napailing ako sa sarili dahil sa aking biglang pagkukumpara.
"Levi's looking for you," sabi ni Jordan na ang paningin ay diretso sa akin. Ni hindi niya sinulyapan si Charles na para bang walang ibang tao sa paligid kundi kami lang.
Nang lingunin ko si Charles ay madilim ang ekpresyon ng lalaki.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Jordan na hinahanap ako ni Levi. Okay naman ang bata kanina nang umalis ako. Hindi nga niya napansin na iniwan ko siya dahil busy siya at masaya habang kalaro ang mga kaibigan niya.
Nag-ring ang phone ni Charles na nasa ibabaw ng mesa. Tinanguan ko siya bilang pagsasabi na sagutin niya muna iyon. Mukhang importante ang tawag dahil pangalan ng tita niya ang nag-a-appera sa screen. "Hello, 'Ta? Opo."
Tumayo si Charles at lumayo nang kaunti. Pagbaba niya ng phone ay tumingin siya sa akin. Nagtatalo sa malamlam niyang mga mata ang pagde-desisyon.
"You need to go now?" tanong ko sa kaswal na tono. "Okay lang, Charles. Mukhang importante ang gagawin mo."
"Yeah." Hinagod niya ng mahahabang daliri ang kanyang buhok pagkatapos ay napabuntonghininga. "Carlyn, babawi na lang ako next time."
Tumayo na rin ako mula sa upuan. "Ihahatid na kita sa labas."
Tumikhim si Jordan sa pinto. "Levi's waiting for you in the garden."
Ngumiti si Charles sa akin. "It's okay, Carlyn. Puntahan mo na ang kapatid mo."
"Pupuntahan ko siya mamaya. Ihahatid muna kita." Dinampot ko ang phone ko sa ibabaw ng mesa at nilingon si Jordan. "Pakidala na lang iyong pinagkainan ni Charles sa lababo."
Nauna na akong lumabas pagkatapos. Hindi ko na tiningnan ang reaksyon ni Jordan o ni Charles.
Hanggang sa gate ko hinatid si Charles. Nakayuko siya at parang may gustong sabihin. Tinapik ko siya sa malapad niyang balikat. "Sige na, baka kailangan ka na ng tita mo."
Tumingin siya sa akin at lumunok. "Uh, yeah. I'll better go ahead."
"Ingat ka."
Patalikod na ako nang pigilan niya ako sa braso. Nakakunot ang noo na nilingon ko siya.
Pursigido na ang mga mata niya. "Carlyn..."
"If you still want to see me again, don't say it."
Nanghina ang kamay niya na nakahawak sa aking braso hanggang sa tuluyang mabitiwan niya na ako.
"Ingat," sabi ko ulit at ngumiti sa kanya.
Ngumiti rin siya pero hindi nga lang umabot ang ngiti sa kanyang malamlam na mga mata. "Yeah. I... I will."
Pagkaalis ni Charles ay bumalik ako sa garden kung saan ginaganap ang birthday party ni Levi. Natagpuan ko ang bata na tuwang-tuwa sa pakikipaghabulan sa mga kaklase niya sa Kinder.
Nang huminto si Levi para humingi ng juice sa dumaang waiter sa caterer ay nilapitan ko siya. "Levi, were you looking for me?"
Umiling siya sanhi upang tumalbog ang namumula niyang pisngi. Pagkatapos makakuha ng juice at uminom ay muling nanakbo ang batang lalaki pabalik sa mga kaibigan niya.
Namatay ang tugtog dahil may bagong game na ia-announce ang emcee ng party. Ang mga clown ay naglagay ng mga upuan sa harapan at pinalayo muna ang mga bata.
Napapailing na humakbang ako pabalik sa loob ng bahay. Hindi naman ako kailangan sa party kaya baka sa guestroom na lang muna ako.
Sa pinto ng lanai ay nakasalubong ko si Jordan. Umiinom siya ng juice sa baso. Nang makita ako ay siya pa talaga ang may ganang magtaas ng kilay sa akin.
"Akala ko ba hinahanap ako ni Levi?"
His shoulders rose up in a shrug. "Ang tagal mo kasi kaya baka nakalimutan na niya."
Itinirik ko ang aking mga mata at akmang lalampasan na siya. Tumigil ako dahil biglang nagsalita sa microphone ang emcee ng party ni Levi. "Bring me a loving couple!"
Paglingon ko ay agad akong namutla nang makitang nananakbo si Levi papunta sa amin ni Jordan.
"Mommy can't join the game because her tummy is already big!" sigaw ng batang lalaki sabay kuha sa isang kamay ko. Sa kabila ay hinawakan niya naman ang kamay ni Jordan.
Hinintay ko na humindi si Jordan pero walang sinabi na kahit ano ang lalaki.
Namilog ang mga mata ko. "Levi, I can't--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil hinila niya kami papunta sa kinaroroonan ng emcee.
Naroon din ang mga kaibigan ni Levi na bitbit ang kanya-kanyang mga magulang. Ang iba sa mga ito ay may mga edad na. Kaunti na lang ang nasa mid forties at kaedad nina Mommy at Ninong Luis.
Mukhang lahat din ang married couples. Kami lang ni Jordan yata ang hindi mag-asawa.
"Wow, may bagets na loveteam tayo rito," nakangiting puna ng isang clown sa amin ni Jordan.
"Pahinga muna tayo sa kiddie games! Mga mommy, daddy, tita, and tito muna tayo!"
Ang emcee ng game ay tila naaaliw rin sa pagtingin sa amin. Hindi ko makuhang ngumiti. Hindi ko rin nililingon si Jordan sa aking tabi. Hindi ko alam kung anong game ito pero para kay Levi lang naman kaya ako nandito.
Sina Mommy at Ninong Luis ay natanaw ko na papalabas mula sa bahay. Nang makita kami ay sabay na napanganga ang dalawa. Nasa mga mata nila ang pagkagulat at pagtatanong.
Bago magsimula ang pinaka game ay may mga umatras na magkakapareha. Iyong iba kasi ay nahihiya at ang iba naman ay magi-give way na lang daw para sa mga mas bata-batang couple. Gusto ko na rin sanang umatras kaya lang ay ngiting-ngiti si Levi habang nakatingin sa amin ni Jordan.
"That's my ninowng and my big sister!" pagmamayabang ng batang lalaki sa kanyang mga kalaro.
"Are they married?" tanong ng batang katabi ni Levi.
Ngumuso naman si Levi. "Not yet! But they will soon!"
Kumibot ang sentido ko at biglang parang ang sarap kutusan ni Levi. Saan naman niya kaya nakuha ang idea na iyon?
Pasimple kong nilingon si Jordan. Walang reaksyon ang lalaki.
Lima na lang kaming pares na natira. Binigyan kami ng emcee ng tag-iisang whiteboard at pentel pen. Ang dalawang clown naman ang nag-assist sa amin. Pinaupo kami sa mga upuang inilagay sa gitna.
Ang sitwasyon ay magkakaharap ang mga couple. Kaharap ko ngayon si Jordan dahil siya ang kapareha ko.
Nanunukso naman ang mga bisita. Maging ang mga bata ay mga pasaway na sumisigaw pa ng kiss. Ang sarap paghahampasin ng hanger sa puwitan.
Ang game ay question and answer for couples. May itatanong ang emcee sa mga magkakapareha na kailangang sagutin sa pamamagitan ng pagsulat sa whiteboard. Kailangang pareho ang sagot ng bawat magkakapareha para mag-earn ng points. Ang unang couple na magkakaroon ng 5 points ang siyang tatanghaling panalo.
"Our first question..." pabitin na simula ng emcee.
Napalunok ako at simpleng sumulyap kay Jordan. Ang paglunok ko ay muntik na mauwi sa pagkasamid nang makitang titig na titig siya sa akin. Agad akong nagbaba ng paningin.
"Question no. 1: Where did you first meet?"
Kanya-kanyang sulat ang mga kasama naming magkakapareha pero kami ni Jordan ay hindi gumagalaw sa kinauupuan. Kung hindi pa may bilang ay hindi pa kami magsusulat.
"Saan kayo unang nagkita," maligayang ulit ng emcee. Nagkagulo ang mga kasama naming couple sa pag-alala sa kung saan nga ba.
Nanginginig naman ang mga kamay ko nang magsulat sa whiteboard. Ang sagot ko ay: CORRIDOR. Doon kami unang nagkita sa aking pagkakatanda. Doon kami nagkabangga.
Nang utusan ang lahat na iharap na ang mga board ay napaawang ang mga labi ko sa nakitang sagot ni Jordan. It was different from my answer.
His answer was: INSIDE THE JEEPNEY.
What the? Napatiim ang mga labi ko sa pagkairita kahit wala namang kaso sa akin kung nakalimutan niya na.
Ang lahat ng mga kasama naming couples ay nagtama ang mga sagot sa mga kapareha. Kami lang ni Jordan ang bukod tanging hindi.
"Second question: Sino ang unang nakaalam ng pangalan ng isa't isa?"
Tamad na sumulat ako sa whiteboard. Ako ang unang nakaalam dahil matapos kong makabangga si Jordan ay umeksena noon si Nelly. Doon ay nalaman ko agad na ang pangalan niya ay Jordan Moises Herrera na taga Science Class.
My answer was: ME
Nang iharap ang mga whiteboard ay muling kumibot ang sentido ko nang makita ang sagot ni Jordan.
Jordan's answer: ME
Him? Really? Nauna niyang malaman ang pangalan ko? Kailan? Sa room namin? May nametag ba ako noon?
Sa pangalawang tanong ay talo na naman kami dahil hindi tugma ang sagot namin. Anyway, wala naman akong pakialam kung matatalo kami.
Ang inaalala ko lang talaga ay si Levi. Ngayon ay malungkot ang mukha ng bata habang nanonood sa amin.
"Third question. Who cheated first?" Tumawa ang emcee. "Kidding aside, lovers! Wag seryoso!"
Nagtawanan ang mga audience maging ang ibang magkaparehang kasama namin sa game. Kami lang ni Jordan ang kapwa tahimik.
"Ito na talaga ang third question: Who is the sweetest?"
Humigpit ang pagkakahawak ko sa pentel pen. Kung ang mga nanonood at pati ang ibang couples ay kinikilig, ako ay nate-tense. Dalawang beses na kaming nagkamali ni Jordan, hindi ba pwede na ma-disqualify na lang kami?
Natapos na ang bilang na hindi ako nakapagsulat sa whiteboard.
Jordan's answer on "Who is the sweetest?" question was: YOU.
Tumaas ang isang kilay ko. So he was thinking of me as the sweetest when we were still together?
He was clingy pero naalala ko ang aking sarili na nilalambing siya. Hindi man ako masalitang tao pero madalas ko siyang harutin. Ang mga hindi ko masabi sa salita ay dinadaan ko sa gawa. Siguro doon niya naisip ang sagot.
Nakatingin sa akin ang lahat dahil ang whiteboard ko lang ang walang nakasulat. Wala naman akong pakialam. Nanatili akong walang emosyon nang ibaliktad ulit ang whiteboard. Wala rin namang reaksyon si Jordan.
Ang mga couples na kasama namin ay palipat-lipat ng paningin sa amin na parang ngayon lang may nahalata. Nagkaroon naman ng kaunting bulungan sa mga nanonood.
Kahit ang emcee at ang mga clown ay pasimpleng napaungol. The tension was now can be felt in the air.
Sina Mommy at Ninong Luis na nasa audience ay parang gusto nang ipatigil ang game.
Tumikhim ang emcee at alanganing nagsalita. "Okay... Let's proceed to the fourth question."
Tahimik na tahimik ang lahat. Awkward na ang makalikha ng kahit kaunting ingay. Maging ang mga makukulit na batang bisita ay himalang hindi na nagliligalig ngayon.
"Fourth question is... Who made the first move?"
Wala na akong balak magsagot. Talo na rin naman na kami. Aamuhin ko na lang si Levi mamaya.
Hindi ko na rin inaasahan na sasagot si Jordan kaya nagulat ako nang iharap niya ang kanyang whiteboard. He answered: ME. He made the first move.
Nakanganga ako sa kanya samantalang siya ay cool lang.
Muling nagkaroon ng bulungan ang mga nanonood. Tuluyan na naming nakuha ang atensyon nila.
Wala pa rin akong sagot habang si Jordan ay parang proud pa sa pag amin niya na siya ang naunang nanlandi. But was it really him?
May pigil na ngiti na sa mga labi ng emcee nang muling magtanong. "For the fifth question: Who said I love you first?"
Ang mga tao ay nasa akin na nakatutok ang paningin. They were all waiting for me to write on the whiteboard.
Pati ang mga kasama naming couples ay parang wala nang pakialam kung mananalo ba sila o hindi. Ang makikita na lang sa kanila ang curiosity para sa amin ni Jordan.
Again, I didn't bother to write on the whiteboard. Si Jordan lang ulit ang may sagot. His answer was the same: ME. Siya ang unang nag 'I love you'. Well that was true.
Dahil wala pang nakakalimang puntos sa mga kalaban naming couples, patas na tag aapat pa lang ang mga ito, kaya may pang anim na tanong pa.
"Who's the heartbreaker?"
Sumulat na ng sagot ang mga couples. Napakatahimik ng paligid. Maging ang mga bata ay walang kaingay-ingay kahit wala naman silang naiintindihan sa nangyayari.
Tumaas ang sulok ng aking bibig nang hindi nagsulat sa whiteboard si Jordan. Ako ang sumulat sa pagkakataong ito.
I wrote: ME
Nang iharap na ang mga whiteboard ay mas interesado pa ang lahat sa sagot namin ni Jordan kaysa sa resulta ng laro. Meron nang nanalo pero kahit ang mismong nanalo ay walang pakialam. Nasa amin ang atensyon nila.
Walang sagot si Jordan at ako ay may sagot na pag-amin sa huling tanong. I claimed the title of the heartbreaker.
That was the truth, anyway. Jordan was a prince charming back then and I was the villain who ruined everything.
I was the imperfect one.
Tumayo na ako sa upuan dahil tapos naman na ang laro. Ngumiti ako at bumati sa couple na nanalo. Nakatulala ang mga ito sa akin nang kamayan ko.
Umalis na ako sa gitna at iniwan si Jordan. Hindi ako nagpakitang-tao na magpapaalam pa sa kanya.
Lumapit na si Ninong Luis sa emcee at binulungan ito. Namutla naman ang emcee. Hindi na kami pinansin ni Jordan at nag-focus na lang sa ibang games. Nagpatugtog din ng malakas para tuluyan nang makalimot ang mga bisita.
Katatapos lang ng party at kakauwi lang ng mga bisita nang biglang manakit ang tiyan ni Mommy. Manganganak na ang babae at mukhang parehong petsa pa sa birthday ni Levi.
Nataranta si Ninong Luis at dinala agad sa ospital ang asawa. Ang nag-drive sa kanila ay si Kuya Nato. Kasama rin nila si Ate Ikay.
Naiwan ako na kasama si Levi sa bahay. Sinamahan ko ang batang lalaki sa kanyang kwarto. Inamo-amo ko at nilibang dahil nag-iiyak at gustong sumama sa mga magulang sa ospital.
Nang tulog na si Levi ay saka ko lang iniwan. Itinext ko si Ninong Luis para kumustahin si Mommy. Dahil siguro sa sobrang pagkataranta ay hindi makuhang mag-reply ng lalaki.
Si Kuya Nato na lang ang tinawagan ko. Si Ate Ikay ang nag-reply sa akin. It was a smooth and safe delivery. Hindi raw umalis ni minsan si Ninong Luis sa tabi ni Mommy. Baka bukas din ng hapon ay uuwi na sila.
Napangiti ako habang nakatingin sa screen. I was a big sis again.
Pumunta ako kusina ng bahay. Wala nang katao-tao at madilim na ang paligid. Nakaalis na ang mga caterer at nagpapahinga na rin ang mga kasambahay.
Kumuha ako ng alak sa mini bar ni Ninong Luis. Hindi ko na tiningnan kung anong alak ang nadampot ko. Basta dumampot ako ng bote at nagsalin sa shot glass. Kailangan ko lang ng kahit dalawang shots pampaantok.
Ang huling inom ko pa ay iyong nakaraang tatlong buwan sa bakasyon ko sa Maldives. Namiss ng sikmura ko ang alak. Ang dalawang shots na plano ko ay umabot sa lima hanggang sa naging pito o walo pa yata. Siguro naman ay bagsak na ako nito pagdating sa aking kwarto.
Sa huling shot ay sinikap ko nang tumigil. Tumayo na ako. Nagulat ako nang makaramdam ng matinding hilo. Mukhang matindi ang alak na natira ko dahil may tama na ganito.
Iniwan ko ang alak sa kusina saka pinilit na makabalik sa second floor ng bahay. Mainit ang aking pakiramdam kaya nagpasya ako na magpahangin muna sandali.
Nakakapit ako sa pader na tinungo ko ang veranda na kaharap ng garden. Hindi ako nag-abalang magbukas ng ilaw dahil maliwanag naman ang buwan sa labas.
Pagkarating sa veranda ay humawak ako sa barandilya. Lalo lang akong nahilo nang tumama sa mukha ko ang malamig na hanging panggabi.
Sa pagyuko ko sa ibaba ay hindi ko napigilang masuka. Isinuka ko ang laman ng tiyan ko mula kaninang umaga. Mula sa paghetti, pansit, afritada, caldereta, pati shanghai. Hinang-hina ako na halos mayakap ko ang barandilya ng veranda.
Shit. Nabigla ako. Siguro ay malakas talaga ang alak na nadampot ko sa mini bar kanina kaya halos bumaliktad ngayon ang aking sikmura.
Matapos sumuka ay gumewang ako sa pagkakatayo. Napamura ako dahil akala ko ay mapapahiga ako sa sahig. Hindi naman iyon nangyari dahil imbes na mabuwal ay bumangga ang likod ko sa kung anong matigas na bagay.
Napasandal ako roon kasabay ng aking pagsinghap. Kilala ko ang mabangong amoy at ang mainit na paghinga ng may ari ng matigas na dibdib na nasa aking likuran.
Humakbang ako para lumayo pero pumigil ang mala-bakal niyang braso sa aking bewang. Nakanganga na nilingon ko siya.
Sa malamlam na liwanag mula sa sinag ng buwan ay nakita ko ang seryoso niyang mga titig sa aking mukha.
Jordan!
Ang mga palad ko ay itinukod ko sa pagitan namin. Balewala nga lang iyon dahil mistulan akong manika na itinaas niya at ipinaupo sa barandilya ng veranda. Sa hilo at sa takot ko na mahulog sa ibaba ay napakapit ako nang mahigpit sa balikat niya.
"You, bastard!" Nanlaki ang mga mata ko. "Ibaba mo ako!"
Dahil sa aking pagkakawag at panunulak sa kanya ay naalog ako. Pakiramdam ko ay bumaliktad na naman ang aking sikmura. Dahil nasa harapan ko siya ay sa damit niya ako sumunod na nasuka. Narinig ko ang mahina niyang pag-ungol.
Nahihilong hinila ko ang kanyang kwelyo. Sumubsob ako sa mabangong leeg niya habang wala pa ring tigil ang pagsuka ko.
Pag angat ng mukha ko ay nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Jordan. Napangiti ako nang marealized na punong-puno na siya ng aking suka.
Ngumanga at huminga ako sa mukha niya para patirin ng tuluyan ang kanyang pasensiya. "How's that, bastard?"
And I won. Napatid nga ang pasensiya ni Jordan, at naramdaman ko na lamang na sakop-sakop na ng mainit niyang mga labi ang mga labi ko.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro