Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 48

MIDDLE FINGER.


Iyon ang isinagot ko sa sinasabi ni Jordan. Nanlaki ang kulay tansong mga mata niya subalit agad din siyang nakabawi. Pumormal muli ang kanyang mukha.


"I suppose this is the price I have to pay," mababa ang boses na sabi niya.


What? Kumunot ang noo ko nang tumalikod na siya at tinungo ang palabas na pinto.


Nang makaalis na siya ay pumanhik na ako sa aking kwarto. Nahiga ako sa kama at nag-browse na lang sa Internet. Nasa canvassing stage ako para sa naiisip kong café and cosmetic boutique.


Ayaw kong magsayang ng oras. Gusto kong bago matapos ang taon ay masimulan ko na ang mga pinaplanong negosyo. By next week ay titingin na ako ng pwesto.


Anong oras na ako nakatulog dahil ang dami kong inaral sa magdamag. Nagpaalam ako kay Mommy na aalis muna nang umaga. Skinny jeans and knitted ribbed croptop ang suot ko at itinali ko into a bun ang mahaba kong buhok.


Ngumiti si Ninong Luis sa akin. "Aalis ka ba? Kailangan mo si Kuya Nato para ipag-drive ka?"


"Hindi na, Ninong."


"Gusto mo si Jordan na lang ang utusan ko na ihatid ka?"


Muntik ko nang itirik ang mga mata ko. Iyong totoo? All around na ba si Jordan dito?


"Aalis na po ako," magalang na paalam ko kay Ninong Luis.


Tinanong niya ako kung may pera ako. Sinabi ko na meron. Nahihiya na ako dahil siya pa ang nag-ayos ng mga cards ko pagkauwi ko rito sa Pilipinas. May koneksyon siya sa mga bangko kaya naging madali ang paglilipat ng ilang accounts ko.


Ang dami niya pang tanong, mabuti at nagising na si Levi. Pababa pa lang sa hagdan ang makulit kong kapatid ay nagpasaway na agad sa ama.


Ichinat ko si Nelly na pupuntahan ko siya. Off niya kaya nasa kanila siya ngayon. Nag-book na ako ng Grab.


Paglabas ng pinto ay natanaw ko sa tapat ng kalsada si Jordan. Hindi pa tirik ang araw pero pawisan na siya. But he still looked fresh. T-shirt na kulay grey ang kanyang suot at isang faded pair of jeans. Ang mahahaba niyang daliri ay hinaplos niya sa kanyang basang buhok at ibinaba sa gilid ng kanyang makinis na leeg.


"Architect, iaakyat na namin iyong mga salamin sa itaas," sabi ng isa sa trabahador sa kanya. May mga kasunod itong galing din sa firm nina Jordan sa Manila.


Nagbigay siya ng ilang utos sa trabahador. Sa bawat pagbuka ng mapulang mga labi niya, pag-alon ng kanyang Adam's apple, at ang simpleng pagkumpas ng mga kamay niya sa hangin ay nakasunod ang mga tingin ko.


Napasinghap ako nang marealize ang ginagawa. I was staring at Jordan Moises Herrera!


Nagsisi ako na lumabas agad na wala pa ang binook na Grab. Hindi ko naman magawang tumalikod at bumalik sa loob dahil nakita na niya ako.


Pumuwesto ako sa tapat ng gate at nagpanggap na lang na busy sa hawak kong phone. Pinakatitigan ko ang Grab app na para bang sa ganoong paraan ay mas mapapabilis ang arrival ng Grab car na ibinook ko.


Nanigas ang mga daliri ko sa ibabaw ng phone screen ng mula sa aking peripheral vision ay nakita kong humakbang palapit si Jordan.


Nagpaka-busy lalo ako sa phone. Pumunta ako message inbox, nag-scroll sa newsfeed, pumunta sa calculator, sa phonebook, at bumalik sa Grab app.


Dumaan sa gilid ko si Jordan. Hindi ko siya pinansin kahit pasimple akong napasinghot dahil ang bango niya. Nakapagtataka lang na ang bago niya kahit pawisan. Presko pa rin siya at nalalanghap ko rin ang mabining amoy ng men's cologne na gamit niya.


Hindi ko napigilan ang sarili na lingunin siya. Muntik ko nang mabitiwan ang phone ko nang makitang sa akin din siya nakatingin. Nakahinto siya sa mismong tabi ko.


"Carlyn?!" tawag sa pangalan ko mula sa tindahan ni Aling Barbara. "Ikaw ba 'yan, Carlyn?!"


Paglingon ko roon ay isang malaking babae ang aking nakita. May karga-karga siyang bata na nasa dalawang taon siguro ang edad. Pamilyar sa akin ang pahaba niyang mukha.


Naglakad pamilyar na babae para bahagyang mapalapit sa harap ng bahay namin. "Carlyn, ang ganda mo lalo, ah?"


Ngumiti ako sa kanya nang makilala ko siya. "Barbie."


"Ang tagal mo nawala. Kukunin sana kitang ninang netong anak ko e," tukoy niya sa karga-karga niyang batang babae.


Naglalaway ang bata habang nakangiti. Wala pang kamuwang-muwang sa mundo. Inabot nito ang munting mga kamay sa amin.


Napalingon ako kay Jordan nang hawakan niya ang kamay ng bata. Nang tingnan ko ang kanyang ekspresyon ay parang may mainit na humaplos sa aking dibdib. He was smiling at the kid.


"Kayo pa rin pala," matabil na komento ni Barbie.


Hindi ko tiningnan ang reaksyon ni Jordan. Ako naman ay nagpaka-kalmado pa rin kahit gusto kong tampalin sa noo si Barbie.


"Carlyn, tsismis pala rito sa atin na kaya ka raw umalis kasi nabuntis ka. Akala pa nina Nanay na si Isaiah iyong nakabuntis sa 'yo."


Humigpit ang pagkakahawak ko sa phone. Wala namang naging sagot si Jordan doon.


"Nakatapos ka ba, Carlyn? Ako 3rd year lang kasi nabuntis ako. Pero iyong kapatid ko ay graduating na. Nursing. Mag-a-abroad. Siya ang magpapagawa ng bahay namin kapag nakaalis siya."


"I see," tamad na sabi ko na lang.


Hindi pa rin tapos si Barbie. "Inpeyrness talaga sa inyo ni Jordan. Ang tagal niyo na. Baka naman kapag magpapakasal na kayo ay di kayo mag-imbita, ha?!"


"I gotta go," putol ko sa pagsasalita ni Barbie. Natanaw ko na ang Grab car na susundo sa akin.


Pumunta na ako kulay itim na Mirage G4 na nag-park sa tapat ng kalsada. Hindi ako nag-aksaya ng lakas na lumingon sa aking mga iniwan. Sumakay na agad ako sa Grab car.


Sa backseat ng sasakyan ay hindi ko rin naman naiwasang hindi mapatingin sa rearview mirror sa harapan. Mababa iyon kaya madali kong natanaw ang likod.


Nagsalubong ang aking mga kilay nang makitang magkausap pa rin sina Jordan at Barbie. Kung ano ang pinag-uusapan nila ay sila lang ang nakakaalam.


Nakapagtataka lang na ini-entertain pa ni Jordan ang mga pinagsasabi ng madaldal na si Barbie. Mahaba talaga ang pasensiya niya, hindi mo nga lang talaga masasabi kung hanggang saan. Magugulat ka na lang.


Napailing ako at sumandal na sa sandalan ng backseat. Sandali lang ay nasa Sunny Brooke 1 na kami sa San Francisco, General Trias, Cavite. Ang daan nito ay diretso lang palampas ng Pascam Uno at Dos.


Nagpahatid ako mismo sa street nina Nelly. Dito nakakuha ng pasalong bahay ang babae. Kapisan niya ang nanay ng bagong kinakasama.


Sa kanto pa lang ay nagtititili na si Nelly nang makita ako. "Carlyn!" Nagkakakaway siya. May highlights ang buhok niya, ang lusog-lusog ng katawan, at mukhang masayang-masaya naman siya sa buhay.


Niyakap niya agad ako. Dahil maliit lang ang espasyo ng street nila ay napapatingin sa amin ang kanyang mga kapitbahay.


Maliit lang ang daan sa street nila. May mga nanay na kinukutuhan ang mga batang anak, merong nagpe-pedicure sa mismong daan, at meron ding simpleng nag-uusap lang. Mababait ang bukas ng mga mukha nila habang nakatingin sa amin.


"Nelly, ang ganda naman ng kaibigan mo."


Proud na proud naman si Nelly habang hila-hila ako. "Muse namin ito noong high school sa Gov," pagyayabang niya sa mga kapitbahay.


Ang ginang na nasa tapat ng magandang bahay sa gilid ng daan ay ngumiti sa akin. "Ay, sa Gov ka nag-aral? Andoon ngayon ang anak ko. Science class."


"Science class din po ito," nakangising sabi naman ni Nelly.


Pagpasok namin sa bahay nila ay pabiro ko siyang hinampas sa balikat. "Gaga ka. Bat mo sinabi iyon? Paano kung tinanong ako kung ano ang smallest planet in the solar system?!"


"Di mo ba alam?" tanong niya sa akin.


Bumungisngis ako. "By mass or by order?"


"Ang tarush!" tili niya. "Bat alam mo 'yan?!"


Nagkatawanan kami na akala mo ay hindi kami matagal buhat nang huling magkita. Sinumbatan niya ako dahil wala akong pasalubong. Malaki na rin daw ang utang ko sa inaanak ko.


Maliit lang ang bahay nina Nelly pero malinis. Masinop ang biyenan niya. Walang kalat kahit pa maraming bata. Pati ang mga anak ni Nelly ay mukhang alagang-alaga at hindi marurungis.


Napansin ko rin kay Nelly na nag-mature na siya. Kahit madaldal at wala pa ring preno ang bibig ay hindi na siya ganoon kaligalig.


Pitong taon na si Saialyn na inaanak ko sa kanya. Maliit pa pero nauutusan na magbantay sa mga nakababatang kapatid. Marunong na mag-ugoy ng duyan kung saan nakahiga ang bunsong anak ni Nelly.


"Sorry, hindi ako nakabili ng pasalubong. Biglaan kasi." Inorderan ko ng laruan sa online ang mga anak ni Nelly. Binayaran ko through card. Dito ko ipina-address sa kanila ang delivery.


Naghanda si Nelly sa pagdating ko. Nagluto siya ng pansit at biko. Nagpabili rin siya ng softdrinks sa bagong gising na kinakasa niya. Off din pala ng lalaki ngayon. Nakilala ko na ang bago niyang jowa, at okay naman ito. Mukha namang mabait. Malambing din sa mga anak nila.


Umorder ako sa Grab ng cake at iba pang pastries para pandagdag sa pagkain. Umorder din ako ng icecream at pizza. Nag-foodtrip kami habang nagkukwentuhan.


Hapon na kami natapos dahil napakaraming kwento ni Nelly. Napaka-astig niya dahil ang dami niyang alam. Kilala niya kung sino sa mga kaklase namin ang mga maagang nabuntis, ang mga nakatapos, mga nag-abroad, mga hindi nagkatuluyan, at mga naghiwalay.


"Magji-jeep ka lang pauwi o Grab?" tanong niya nang ihatid ako sa labas ng maliit nilang gate.


"Grab." Nag-book na ako pauwi.


Bago lumabas ng bahay nila ay inabutan ko siya ng 500 Singaporean dollar. Namilog ang mga mata niya pagkahawak sa pera.


"Di 'yan sa 'yo, para 'yan sa utang ko sa inaanak ko," biro ko sa kanya.


"Mare, di ko tatanggihan—este, di tatanggihan ito ng inaanak mo."


"Bahala ka na. Ibili mo siya ng kahit ano, isama mo na rin mga kapatid niya."


"Sama ko na rin pati sarili ko."


Natawa ako at niyakap siya. "Ge, aalis na ako bago pa ako manghinayang at bawiin 'yan."


Napangisi siya. "Sige, mabuti pa nga umalis ka na."


Paglabas ko ay nasa kanto na ang binook ko na Grab. Sumakay na ako. Ngayon ko lang nailabas ang aking phone kaya hindi ko nakalimutan ko na deadbat na naman. Nakakalimutan ko palaging i-charge. Hindi naman kasi ako ma-cellphone na tao.


Maaga pa kaya sa malapit na mall muna ako pupunta. Doon ko ibinook ang Grab. Ayaw ko pang umuwi. Malamang nandoon pa si Jordan sa amin. Walang eksaktong oras kung kailan pumupunta at umaalis ang lalaki.


Kahit hating gabi nasa amin pa siya. Wala na ang mga tauhan pero siya nandoon pa. Hindi ko na maintindihan kung architect ba talaga siya o security guard.


Sa Robinsons Place General Trias ako bumaba. Noon ay SM Rosario lang ang meron, ngayon ay marami na talagang bagong establisyemento ang naitayo. Kaliwa't kanan na rin ang mga subdivision.


Pumasok ako sa mall at nagtingin-tingin ng pwedeng bilhin. Kailangan ko ng karagdagang pambahay na damit. Karamihan kasi sa naimpake ko ay mga panlakad at lingeries. Hindi naman kasi ako madalas na naglalagi sa condo ko sa Singapore.


Ang naiwan ko namang mga damit sa Navarro ay masisikip na. Ang mga shorts ko noong senior high ay masyado nang maiiksi dahil bukod sa lumapad ang aking balakang at lumaki ang aking puwetan ay humaba rin ang aking mga hita at binti.


Ganoon din sa mga tops dahil mas malaki na ang dibdib ko kaysa noon. Mula sa pagiging 32B ay 34B na ngayon.


Bumili rin ako ng ilang pirasong pang-araw-araw na sandals at ipinakahon iyon sa staff ng Department Store.


Matapos mamili ay tulak-tulak ang malaking trolley na pumila ako sa cashier. Pagkabalot sa aking mga pinamili ay saka ko narealized na naparami pala ang bili ko.


Kinulang ang apat na naglalakihang eco shopping tote bag para sa lahat-lahat. Tinanong ako ng isang staff ng department store kung kailangan ko ng assistance hanggang sa parking lot.


"Uhm, I have no car," nahihiyang sagot ko.


Lumilipad ang isip ko kaya hindi pa ako nakakapagpa-book ng Grab. Saka wala pa naman kasi akong balak umuwi.


"Pwede niyo pong dalhin ang trolley hanggang sa labas, Ma'am," offer sa akin ng staff. "O tulungan ko na lang po kayong magbuhat—"


"No need. I'll help her." Isang baritonong boses sa gilid ko ang nagsalita.


Gulat na napatingala ako sa lalaking biglang dumating. Napatitig ako sa mukha niya matapos sandaling mapanganga. The man possessed good looks; penetrating dark eyes, thick brows, sharp nose, and sensual red lips.


Napakurap-kurap ako. His features were very familiar.


Nakangiti pa rin ang mapula niyang mga labi nang kunin sa akin ang malalaking tote bags. "Let's go," yaya niya sa naghahalong malumanay at malambing na boses.


Nakatingin sa akin ang staff na tila nag-aalala kung kilala ko ba ang lalaki.


Napalunok ako bago sumunod. Inaalala ko kung saan ko siya nakita. Iniisip ko na bawiin sa pagkakahawak niya ang mga pinamili ko, pero habang nakasunod ay naglalakbay ang aking paningin sa kanyang likuran.


Bumukas ang mga labi ko at mahinang nagsalita. "Charles..."


Huminto sa paglalakad ang lalaki at lumingon sa akin. Ngayon ay pati ang maamo niyang mga mata ay nakangiti sa akin.


He was really Charles Felix Columna. Nag-mature ang itsura niya, nawala ang pagiging boyish na aura kaya hindi ko agad siya nakilala. Plus he was taller and leaner now.


Sumabay ako sa paglalakad sa kanya. Nangingiti pa rin ako kapag naaalala ko kung gaano siya kaligalig noong high school days namin.


Pagtingin ko sa kanya ay nangingiti rin siya.


"Hindi ko na tatanungin kung may kasama ka," sabi niya mayamaya.


"Yup. Ako lang. Di ko lang akalain na mapaparami ang nabili ko." Tiningnan ko ang mga bags na dala niya. "Thanks pala."


Hindi ko akalain na magkikita kami ngayon. What a small world. Sabagay, iisang lugar lang naman kami. Parehong taga Gentri at parehong Caviteño.


"Kailan ka pa nakabalik?"


Tumaas nang kusa ang isang kilay. Alam niya na umalis ako?


Nabasa niya siguro ang nasa isip ko. "Naging schoolmate ko si Isaiah sa Lyceum. Di ko natiis na di siya tanungin kung saan ka nag-college. Ang sabi niya lang, umalis ka nga raw."


Tumango-tango ako. "Ngayon-ngayon lang. Ano palang course ang natapos mo?" Siya naman ang tinanong ko habang naglalakad kami paalis sa Department Store.


"Bachelor of Science in Accountancy."


"Accountant." Nilingon ko siya. "Congrats, Charles."


"Di pa ako nagti-take ng board. How about you?"


Nagkibit ako ng balikat. "Di ako tapos. Na-enjoy ko ang pagta-trabaho."


Hindi siya nag-comment. Wala rin akong nadama na panghuhusga mula sa kanya.


Nagyaya siya na mag-merienda. Tatanggi sana kaya lang ayaw ko pa rin namang umuwi. Nagpaunlak ako kay Charles.


Sa Greenwich kami pumasok. Siya ang umorder habang inaayos ko ang mga eco shopping tote bags na kinalalagyan ng mga pinamili ko. Nasa bandang ibabaw pa pala iyong mga plastic ng mga binili kong bra. Pinagsiksikan ko iyon sa loob kaya lang umaangat pa rin.


Hindi naman ako nakakain masyado nang dumating ang order namin. Nabusog na kasi ako kina Nelly. Nakipag-kwentuhan na lang ako kay Charles.


Simple lang ang mga pinag-uusapan namin, tungkol lang sa ilang pagbabago sa Gentri. Ang topic ay mga bagong establisyemento at subdibisyon. Habang naguusap ay nahuhuli ko ang panaka-nakang pagmamasid niya sa akin.


Nang magtama ang mga mata namin ni Charles ay napaubo siya at kunwari'y bumaling ng tingin sa iba.


Humalukipkip ako at pinatitigan siya. Nagmature na talaga ang itsura niya maging ang kanyang kilos at pananalita. Hindi ko maiwasan ang paguhit ng ngiti sa aking mga labi.


Natigilan naman siya nang makitang nakangiti ako. "W-why?"


Lalo lang akong napangiti sa reaksyon niya.


Wala siyang singsing sa kanyang mahahabang daliri kaya single pa siya. Napapaisip ako kung meron na kaya siyang girlfriend?


Sana kung meron siyang girlfriend ay mahal na mahal siya. He deserved to be happy.


Pagkatapos naming magmerienda ay inalok niya ako na ihatid. May kotse siya, Mazda3 na kulay itim. Ipinagbukas niya ako ng pinto sa passenger seat.


Inalis ko ang seat belt sa aking katawan at nilingon siya mual sa driver's seat. "Thanks."


Hindi siya kumibo. Katulad nang buong biyahe ay seryoso at tahimik lang siya.


Pababa na ako nang marinig ko siyang magsalita. "Carlyn."


"Bakit?"


Napahaplos siya sa kanyang batok.


"Bakit nga?"


Umalon ang Adam's apple niya bago siya nakasagot. "I want to see you again."


Tinitigan ko siya. "May gusto ka pa rin sa akin?"


Napangiti siya pero hindi nagsalita. Ang kislap ng mga mata niya ay sinasabing hindi pa rin ako nagbabago.


Bumaba na ako sa kotse ni Charles. Bumaba rin siya para tulungan ako sa mga dala-dala ko.


"Okay na ako rito," sabi ko sa kanya. Nakatingin kasi sa amin ang mga kapitbahay.


Lalo na si Barbie na lumabas pa talaga sa kanila para tingnan kami. Hindi sagabal sa kakiki-usyoso niya kahit bitbit niya ang anak. Nanlaki ang mga mata ng babae nang mamukhaan si Charles.


"Alright." Ngumiti si Charles at hinintay na makapasok ako sa loob ng gate bago bumalik sa kanyang sasakyan.


Sa garahe ay nanghahaba rin ang leeg ng mga trabahador habang sinisiyasat kung sino ang lalaking naghatid sa akin. May pagtataka sa mga mata nila na gusto ko ring ipagtaka kung para saan.


"Ma'am, nasa loob po si Architect," sabi ng foreman sa akin.


Gustong tumaas ng isang kilay ko dahil hindi naman ako nagtanong. Pero ayaw kong magbigay ng impression sa manggagawa. Dumiretso na ako sa loob ng bahay na bitbit ang aking mga pinamili.


Sa sala ay nakita ko na naririto nga si Jordan. Mag-isa lang siya na akala mo hari na nakaupo sa sofa. Nakasandal siya sa sandalan, nakapamulsa sa suot na jeans habang naka-dequatro ang mahahaba niyang binti. Nakatingin siya sa akin na parang inaasahan niya na ang pagpasok ko sa pinto.


Hindi ko siya pinansin o tinapunan kahit ng isang simpleng ngiti.


Tumayo siya at humakbang palapit sa kinatatayuan ko. Bumaba ang malamig na titig niya sa mga bitbit kong shopping tote bags.


"You need help?"


"No."


Sa gulat ko ay kinuha niya pa rin ang mga tote bags sa akin. Nandidilat ang mga mata ko sa kanya nang tingalain ko siya. Tinanong niya pa ako, hindi rin pala siya makikinig.


Tumaas lang naman ang sulok ng kanyang bibig saka tumalikod at umakyat sa hagdan na dala ang aking mga pinamili.


Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Pagkarating sa second floor ay nanguna ako sa harapan ng pinto ng aking kwarto. Hinarap ko siya.


"Ilapag mo na lang sa sahig," utos ko sa kanya. Hindi ko siya papapasukin sa kwarto ko o kahit pasisilipin man lang.


Inilapag naman ni Jordan ang mga tote bags sa tiles na sahig. Dahil hindi naman tumatayo ang tote bags ay natumba ang isa sa mga ito. Sa pagtumba ng isa ay lumabas ang ilang laman niyon. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang plastic na kinaroroonan ng mga bra na binili ko sa Department Store.


Oh, shit!


Nakatiwangwang sa sahig ang transparent na kinalalagyan ng kulay pulang bra kung saan kitang-kita rin ang sukat na nakasulat sa sticker.


34B


Paglingon ko kay Jordan ay nakita kong doon nakatutok ang kanyang paningin.


"So they got bigger," narinig kong kalmadong sabi niya.


Nanlisik agad ang mga mata ko sa kanya. "You perv!"


Malumanay na ngumiti lang siya sa akin. "Welcome back, Carlyn." Pagkasabi'y tumalikod na siya at tinungo ang hagdan. Bumaba na siya at iniwan ako na pulang-pula sa inis at hiya.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro