Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46

WHY DID JORDAN MOISES HERRERA SMILE?


What the hell is that for?


I didn't expect that I would see him again. I really had no idea that he was here. My head was now throbbing like crazy because of the shock. 


Sa dinami-dami ay ang firm pa na pag-aari ng tito ni Jordan sa Manila ang kinuha nina Mommy at Ninong Luis. Siguro nagkita lang sina Jordan ni Mommy sa kung saan at nagkakumustahan. Nabanggit niya ang firm nila at agad namang nagustuhan ni Mommy ang idea. Just like what he said, tinanggap niya ang trabaho dahil kay Mommy. Hindi niya lang talaga matanggihan.


Ipinilig ko ang aking ulo at hinintay na lang na ipasok ng driver na si Kuya Nato ang mga maleta ko. Ang lalaki ang driver na sumundo rin sa akin sa airport kanina. Ipapaakyat ko sa aking kwarto ang mga maleta pero bukas ko na aayusin ang mga laman. Gusto ko na lang munang mahiga sa kama para magpahinga.


Narinig ko ang boses ni Mommy mula sa labas ng pinto. Pumasok ang babae sa loob ng sala. "Darling, nagpasundo pala sa Dasma ang Ninong Luis. Dumiretso roon ngayon si Nato."


"Ang mga maleta ko, My?" tanong ko. Nasa trunk pa kasi ng kotse ng mga iyon at hindi pa yata naibababa.


Bumukas ulit ang pinto at sandali akong natigilan nang si Jordan ang pumasok doon. Kumunot ang aking noo nang makitang bitbit niya sa magkabilang kamay ang dalawang maleta ko.


Oh, I thought he was leaving because his girlfriend was waiting for him?


Ang mga muscles niya sa braso ay naging firm dahil sa pagbubuhat ng mga maleta ko. Ibinaba niya ang mga ito sa lapag. Mabibigat ang mga ito pero hindi naman siya mukhang nahirapan.


Napatingin ako sa harapan ng suot na black V-neck shirt ni Jordan. Ngayon ko lang natitigan nang husto ang kanyang kabuuhan. Kaya nga niya talagang magbuhat ng kahit mabigat. His chest and shoulders were wider and broader now. His body build was now on the mid fit and ripped type.


Sakto at bagay sa kanyang tindig at tangkad ang lahat. Kung sa mukha naman, wala pa ring maipipintas sa kanya kahit katiting. He was a work of art. 


He was no longer the pretty boy I knew in high school, Jordan Moises Herrera was now a drop-dead-gorgeous. I'd give him that much.


Napansin ko na nakatingin din siya sa kabuuhan ko. Was he examining the changes in my body, too?


Ang kulay tanso niyang mga mata na bagaman blangko ay nakatuon nang direkta sa akin. Gustong tumaas ng isang kilay ko pero pinigilan ko ito. Ayaw kong magsayang ng kahit na kaunting lakas.


"Thank you," pasasalamat ni Mommy sa lalaki.


Tumango lang naman si Jordan.


Bumaling si Mommy sa akin. She was waiting for me to thank Jordan too. But I didn't say anything.


Nag-ring ang phone ni Mommy. Nag-excuse siya sa amin para sagutin ang tawag. "Hello, honey? What do you want for dinner? Yes, I miss you, too."


Nabaling na ang atensyon ni Mommy sa kausap na halata naman na si Ninong Luis. Nakangiti ang babae na naglakad papunta sa kusina.


Naiwan na naman kami ni Jordan na solo sa sala. Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon kung bakit nandito siya, pero ayaw kong abalahin sa pag-iisip ang aking sarili.


Tinapunan ko lang siya ng saglit na tingin pagkatapos ay tinalikuran ko na. Dinampot ko ang shoulder bag ko sa sofa at naglakad na papunta sa hagdan ng second floor. Hindi ko pa alam kung saan ang aking kwarto kaya hahanapin ko na lang.


"Your luggages," narinig ko ang bagamat malalim ay kalmadong boses niya.


"Just leave them there," kaswal na sagot ko na hindi nag abala man lang na lingunin siya.


Hindi ko hinintay kung may sasabihin pa siya. Umakyat na ako sa hagdan.


Maayos na ang lahat at pinturado na sa pangalawang palapag ng bahay nang makarating ako roon. Katulad sa ibaba ay mataas din ang ceiling kaya talagang nagmukhang malawak ang paligid. May tatlong pinto rito. May hagdan sa dulo na patungo sa hindi pa tapos na roof top.


Hinanap ko ang aking kwarto. Sumilip ako sa unang pinto. Malaki iyon at may sariling banyo. Hindi pa gaanong naaayos ang ilang gamit. May mga maleta at ilang kahon sa sa sahig. Ito marahil ang masters bedroom na kwarto nina Mommy at Ninong Luis.


Sa pader ng kwarto ay may malaking frame ng kasal nila. Magkayakap sila habang nakayuko si Ninong Luis at nakahalik sa noo ni Mommy. Sa itsura nila ay mababakas kung gaano nila kamahal ang isa't isa.


May isa pang frame na malapit doon. Kuha ito nang first birthday ni Levi. Nakahalik silang dalawa sa magkabilang pisngi ng anak. May mainit na humaplos sa aking puso habang nakatingin doon.


Lumabas na ako ng kwarto at tiningnan naman ang pangalawang pinto. Kulay baby blue ang pintura sa loob. Marami ring laruan ang nagkalat sa tiles. Karamihan ay mga legos at toy cars. Sa dingding ng kwarto ay may mukha ni Mickey Mouse na may nakasulat na pangalan: Valenti Luis Levirich Fernandez III.


Mula sa kabilang parte ng kama sa loob ng kwarto ay isang maputi at guwapong batang lalaki ang lumitaw. Lumabas ang maliliit niyang ngipin nang tumili. "Hey, Prettyyy!"


Napangisi ako at ibinuka ang mga braso sa kanya. "Hello, handsome!"


Nanakbo agad siya sa akin. Nilamukos ko siya ng yakap at pinaliguan ng halik sa makinis at mamula-mula niyang pisngi. Pabirong kinagat ko rin ang matangos na ilong ng batang lalaki. Humahagikhik naman siya dahil sa pagkakiliti.


Sandaling nakalimutan ko ang pananakit ng aking ulo dahil sa tuwa na makita ulit si Levi. "How old are you now, baby damulag?"


Itinaas niya ang mga kamay at ipinakita sa akin ang limang mga daliri. Pagkatapos ay dinagdagan niya ng isa para maging anim.


"Wow! Binata na! May girlfriend ka na ba, ha? Ipakilala mo sa akin iyon para makaliskisan ko!"


Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Mommy. "Nagkita na pala kayo."


Nilingon ko siya. "Namiss ko ang poging ito, Mommy!"


The last time I saw Levi was last year. Sobrang saglit lang iyon dahil busy ako sa trabaho. Umuwi rin agad sina Mommy ng Pilipinas dahil madalas naman na wala ako sa condo.


Kapag dumadalaw si Ate Jade sa akin ay tinatawagan ng babae si Mommy. Doon lang nagkakaroon ng pagkakataon na makapag-video call kami ni Levi. Nakakatuwa na hindi naging malayo ang loob sa akin ng kapatid ko kahit sobrang bihira at saglit lang kaming magkausap. Siguro kasi nararamdaman niya na ako ang yaya niya noong baby pa siya.


"Pretty, magiging kuya na aku!" excited na kwento sa akin ni Levi.


Hinawakan ni Mommy ang ulo ng batang lalaki. "Kaya nga kuya, dapat maging good boy ka na. Wag ng pasaway dahil magkakaroon ka na ng baby sister."


Babae ang ipinagbubuntis ni Mommy. Kabuwanan niya na. Kompleto na si Ninong Luis sa anak. Nagkaroon na ng junior, 'tapos magkakaroon na rin ng anak na babae ngayon.


Naupo ako sa rubber mat na sahig ng kwarto at nakipaglaro saglit kay Levi. Si Mommy naman ay tahimik na nanonood lang sa amin. Mayamaya ay nagsalita siya.


"Darling, about Jordan..." simula niya.


"Hmn what about him?" tamad na tanong ko dahil abala ako sa pagtulong kay Levi sa pagbuo ng tore na gawa sa iba't ibang kulay na legos.


"Nagandahan sa proposal niya ang Ninong Luis mo that's why siya na rin ang kukunin namin para sa renovation ng bahay natin sa Alabang."


"Oh, I see."


"Don't you like the idea?" tanong niya sa akin sa nanunubok na boses. "I'm sorry, we just thought that--"


"It's okay, Mom." Tiningala ko siya at nginitian.


Naisip ko lang na masyado akong immature sa aking naunang reaksyon. That man belonged in the past so I really didn't expect that I would get to see him again. Pero humupa na ang emosyon ko so ayos na. Ayaw kong magsayang ng lakas para sa mga walang kabuluhang bagay.


Matapos makipagharutan sa batang lalaki ay sinamahan na ako ni Mommy sa magiging kwarto ko.


Pagpasok sa kwarto ay naroon na ang dalawang maleta ko. Nasa tabi ng kama. Sino ang nagdala ng mga ito rito?


Tatanungin ko sana si Mommy kung nakabalik na ba si Kuya Nato mula sa pagsundo kay Ninong Luis, kaya lang nauna siyang nagsalita.


"Nagustuhan mo ba ang kwarto mo?" tanong ni Mommy na nagpatigil sa aking pag-iisip.


Minasdan ko ang kabuuhan ng kwarto. Kahit hindi ganoon kalaki na katulad ng sa masters bedroom ay maaliwalas ito. Medium light tone of rose pink ang kulay ng pintura, cover ng kama, mga unan, at mga kurtina. Girl na girl ang ambiance na pakiramdam ko ay bumalik ako sa aking elementary days. Naaalala ko na ganito ang favorite color ko noon.


Nilingon ko si Mommy at nag-thumbs up ako sa kanya. "Yes, Mommy. Thank you!"


"I'm glad, darling." Malamlam ang mga mata niya nang haplusin ang aking pisngi. "Are you hungry? May niluto ako sa kusina. Gusto mo bang ipaghanda kita?"


"Maybe later? Inaantok ako kaya baka umidlip muna ako."


"Okay. Magpahinga ka na muna. Pag gusto mo nang kumain, bumaba ka lang o sabihan mo ako. Pwede naman kitang dalhan dito."


Nagpasalamat ako kay Mommy bago siya lumabas ng kwarto. Nang ako na lang mag-isa ay nagtingin-tingin ako sa paligid. Kapansin-pansin na nasa ayos na ang lahat. Mukhang mas priniority muna ni Mommy na ayusin ang aking kwarto kaysa sa kwarto nila ni Ninong Luis.


Natuwa ako nang makitang may sarili rin pala akong banyo rito. May maliit na bathtub pa sa loob. Meron na ring mga toiletries. Natatandaan pa ni Mommy ang mga brand na ginagamit ko noon.


Naisipan ko na maligo muna para mapreskuhan. Nagbabad ako sa bathtub habang nag-iisip-isip. 


Akala ko hindi na ako babalik ng Pilipinas dahil hindi ko naplano iyon kahit kailan. But I was back. And I decided to stay. I had to face my demons.


Maraming mangyayari ngayong buwan, ang paparating na 6th birthday ni Levi, ang nalalapit na panganganak ni Mommy sa bago kong kapatid, at ang renovation ng bahay ng pamilya nila sa Muntinlupa. They would be very busy. And I would, too.


Lumublob ako sa bula at pumikit. Wala akong balak na tumambay nang matagal. Maghahanap ako ng sariling place at magtatayo ng negosyo. May ipon mula sa mana ko kay Daddy at sa pagta-trabaho ko sa Singapore. Sapat na iyon panimula.


My priorities were clearer now. I didn't want to be a bum anymore. Gusto ko ng responsibilidad. I wanted to be a better person in society. Magbigay ng trabaho sa mga tao, magkaroon ng objectives sa araw-araw, mag-set ng goal sa sarili kung paano mapapatatag at mapapalago ang naisip kong negosyo. 


Kailangan ko na lang mag-isip ng lugar kung saan ako magse-settle. Kung dito pa rin ba sa South o susubok ako sa North. 


Nilaro ko ang mga bula sa aking kamay habang sinasamyo ang mabini at mabangong halimuyak ng bath soap. Ilang minuto akong naglulunoy sa bathtub bago umahon. Nilalamig na kinuha ko ang tuwalya na nakahanda sa towel holder at ipinulupot sa hubad aking hubad na katawan.


Pagkalabas ng banyo ay hindi na ako nagkalkal gaano sa mga bagahe ko. Ang nasa ibabaw na isang pares ng spaghetti strap at maiksing shorts silk sleepwear ang basta ko hinugot.


Matapos mag-blower ng buhok ay nahiga na ako sa kama. Sa pagod ay nakatulog agad ako. Nang magising ay madilim na sa labas ng sliding window. Bumangon ako at nag-check ng oras. 11:00pm na ayon sa kulay hot pink na wall clock.


Inabot na ako ng hating gabi. Ngayon na lang ulit ako nakatulog ng ganito katagal. Hindi man lang ako namahay, sa halip ay nakatulog pa nang payapa. Nakilala siguro ng aking katawan kung saang lugar ako naroroon ngayon.


Napahawak ako sa aking tiyan nang bigla iyong tumunog. Sa tagal ko sa Singapore ay nasanay na akong hindi kumakain sa gabi. Ngayon na lang ulit ako nagutom nang ganito.


Muli akong sumulyap sa wall clock. 11:00pm na kaya tulog na sina Mommy. Malamang na umuwi na rin ang mga gumagawa sa rooftop namin. Magkakalkal na lang ako sa kusina kung may makakain.


Sumilip ako sa labas ng pinto ng kwarto. Napakatahimik na. Patay na ang ilaw sa hallway. Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit. Nagsuot na lang ako ng bra at basta lumabas para bumaba.


Madilim ang kabuuhan ng bahay kaya natiyak ko na wala na talagang tao. Kampante ako na naglakad para lang matigilan nang makarating sa pinto ng kusina. Ang malamlam na liwanag mula sa three pieces pendant kitchen lamps ay nakabukas pa.


Huli na para umatras dahil nakita na ako ng matangkad na lalaking nakasandal sa island table.


Nandito pa rin siya?


It was him. Jordan Moises Herrera. The new architect.


Ano ba? Ganito ba ang mga tauhan sa firm nila? 24 hours? Baka naman masobrahan na siya sa promotion niyan?


Nakatingin siya sa akin. Katulad nang kanina ay wala pa ring bahid ng emosyon ang kulay tansong mga mata na nasa likod ng suot niyang clear glasses.


Naalala ko ang aking itsura. Isang pares ng sexy silk set ang tanging takip sa katawan ko. Napakaiksi ng shorts at ang pang-itaas ay sleeveless at mababa ang neckline.


Pero bakit ako maiilang? May suot naman akong bra at sanay naman akong magsuot ng revealing na damit.


Sa Singapore ay naging model ako ng isang brand ng bikinis. Sa mga beaches na pinagbabakasyunan ko ay balewala rin sa akin kahit anong suot ko. Taas-noong binawi ko ang aking paningin kay Jordan at kaswal ako na kumilos sa kusina.


Hindi ko na pinagtuunan ng pansin kahit naririto siya at kahit alam ko na nakatingin siya.


Tumuloy ako sa ref para maglabas ng pitsel ng tubig. Iinom na lang ako para mawala ang aking gutom. Anong oras na rin kasi at baka hindi na ako matunawan kung kakain ako.


Inilapag ko ang pitsel sa ibabaw ng island table saka kumuha ng malinis na baso sa lalagyan. Mula sa pagsasalin ko hanggang sa pag-inom ay ramdam ko ang nakasunod pa rin na tingin ni Jordan.


Pagkainom ay dadalhin ko sana sa lababo ang basong pinag-inuman para hugasan nang biglang kunin niya iyon sa akin. Gulat at nagtatakang napatingala ako sa kanya dahil hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya.


"What?" kalmadong tanong niya. "I'm thirsty and I want to drink, too."


Umawang ang mga labi ko nang salinan niya ng tubig mula sa pitsel ang mismong baso na ginamit ko. Pagkatapos ay doon nga siya uminom habang ang mainit niyang paningin ay nakatutok sa akin.


Nang ibaba niya ang baso sa ibabaw ng island table ay yumukod siya sa mukha ko. Nawala ang ang pagiging kalmado ng kulay tanso niyang mga mata. 


Ibinaba ko ang aking paningin at hindi sinasadya na napatingin naman ako sa kanyang mapulang mga labi na ngayon ay bahagyang basa ng tubig dahil sa kaninang pag-inom niya.


"You are blocking the way," muli ay narinig ko ang kalmadong boses niya.


Napakurap-kurap ako at salubong ang mga kilay na tiningnan siya muli. Formal pa rin ang mukha niya bagamat may kung ano sa kanyang ekpresyon ang tila nagbago.


Nang marealized ang kanyang sinabi ay tumiim ang mga labi ko. Napakalawak ng espasyo sa pagitan namin at ng island table para sabihin niyang nakaharang ako.


Walang imik na umatras ako at humakbang na papunta sa pinto ng kusina. Iniwan ko siya roon ng wala kahit anong salita. Kung aalis siya, umalis na siya.


Paakyat ako sa hagdan nang maramdaman ko ang kanyang presensiya sa aking likuran. Nakasunod siya sa paglabas ko ng kusina.


Tumuloy na ako sa pag-akyat nang hindi siya pinagkakaabalahang lingunin kahit saglit lang. Kung nakatingin pa rin siya, ayaw ko ng alamin dahil wala naman akong pakialam.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro