Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

Kahit hindi ko nakita kung sino ang caller ay malakas ang kutob ko na si Isaiah iyon. Kung paano nakuha ni Isaiah ang number ko ay hindi ko na pinag-ukulan ng pansin. Malamang naman kasi na kay Nelly. Ang mas inaalala ko ngayon ay ang pagbabago ng reaction ni Jordan.


Ang maamong mukha ni Jordan ay dumilim. Maging ang mga mata niya na madalas na kalmado ay naging malamig.


Ibinalik niya ang phone ko sa ibabaw ng kitchen island nang tapusin ang tawag. Napabuga siya ng hangin at tumingin sa akin. Sa isang iglap, kumalma na ulit at naging mahinahon ang kanyang anyo.


Nagpunas ako ng kamay matapos maghugas ng mga plato sa lababo. Wala akong imik na naupo sa upuan. Patingin-tingin ako sa kanya.


Hinagod niya ng mahahabang daliri ang kanyang buhok pagkatapos ay naupo rin siya sa tabi ko. "Sorry."


Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Bakit ka nagso-sorry?"


Hindi siya sumagot. Nakayuko lang.


"Si Isaiah iyong tumawag, no?" mahinang tanong ko.


Saka lang siya tumingin sa akin. "I don't want you to continue being friends with him. Am I being selfish?"


Umiling na lang ako matapos mapakagat-labi.


"Thank you."


Umusod ako at niyakap ko siya. Hinaplos-haplos ko ang buhok niya habang nakasubsob siya sa gilid ng aking leeg.


"I love you," bulong niya sa akin.


Nang maghiwalay kami ay hinalikan niya ako.


Ginanti ko naman ang mga halik niya kahit parang may kakaiba ngayon sa klase ng pag-atake ng mga labi niya sa akin. Malalim na may kakaibang diin. Parang nakakabaliw.


Nang maghiwalay kami ay wala na akong mabakas na kahit ano sa mga mata niya. Kalmado na talaga siya.


Bumalik na kami sa pag-uusap at pagkukwentuhan na katulad nang kanina.


12 midnight na nang umuwi si Jordan. Bago siya umalis ay hinalikan niya ulit ako sa labas ng bahay namin. Hanggang sa gate ko siya inihatid.


Pagkauwi ay nag-text siya na nasa kanila na siya. Pero hindi pa rin ako nakatulog kahit sinabi ko sa kanya na matutulog na ako. May parte ko ang nababalisa at napapaisip sa nangyari kanina.


Magliliwanag na sa labas ng bintana nang makaramdam ako ng antok. Nakatulog na ako na kayakap sa kama ang regalo ni Jordan. Ang pink na teddy bear na pinangalanan ko ng Jorlyn, ito ang panganay namin.


  

NAGISING AKO sa mga kalabog sa sala. Ang aga-aga pa at wala pa akong matinong tulog. Masakit ang ulo na sinikap kong bumangon. Nag-aalala ako dahil baka bumalik pala si Daddy. Baka hina-harass niya si Mommy.


Madali akong nagsuot ng bra bago tinungo ang pinto. Pinihit ko ang doorknob at lalabas na sana ako nang ibang boses ang aking marinig mula sa sala.


"Clara, please? Wag mo naman akong paalisin," basag na boses ni Ninong Luis.


Sumandal na lang muna ako sa pinto ng aking kwarto bagamat bahagya nang nakaawang ito.


"Clara, I still love you..."


Walang sagot mula kay Mommy. Kung hindi pa muling nagsalita si Ninong Luis ay hindi pa mawawala ang katahimikan sa labas.


"I can't forget you. Please, Clara. I'm begging you, marry me. Give me a chance. I promise you that I will be a good husband and father to Carlyn and to our baby. I will love and serve you until my very last breath."


"I'm sorry," kalmado ang boses na sagot ni Mommy sa lalaki.


"Clara, please don't do this to me..." basag na basag na ang boses ni Ninong Luis.


"Hindi ko ilalayo sa 'yo ang anak mo, Luis. Pwede kang magsuporta, hindi kita pipigilan. Tutal obligasyon mo iyon."


Namilog ang bibig ko sa pagkakanganga. Daig ko pa ang nakikinig ng drama sa radio.


Lumabas na ako ng kwarto nang magtagal na ang katahimikan sa sala. Paglabas ko ay naabutan ko si Mommy na umiinom ng tubig sa baso. Nang mapatingin siya sa akin ay ngumiti siya.


"Nagluto ako ng breakfast."


"Ows?" Tumaas ang isang kilay ko.


"Yes, darling. Pinaghanda rin kita ng babaunin mo." Tumalikod na si Mommy para mauna sa lamesa ng kusina.


Nakasunod naman ako sa kanya. Pasimple kong pinag-aaralan ang itsura at bawat kilos niya. Kapansin-pansin na maaliwalas na ang mukha niya ngayon kaysa noong mga nakaraang araw.


Nakapag-adjust na siguro si Mommy. Nalalabanan niya na kahit paano ang stress at depresyon. Bagaman payat pa rin ay mas maayos naman na ang pangangatawan niya ngayon.


Naupo ako sa upuan. "Dumating si Ninong Luis, My?"


"Yes," kaswal na sagot niya. Hindi niya ikinaila. Very good.


"Gusto ka niyang pakasalan, My? Bakit ayaw mo?"


Kinuhanan niya ako ng plato at pinagsandukan ng kanin at ulam bago sumagot. "Hindi naman na kailangan niyon. Ang importante ay susuportahan niya ang kapatid mo."


Hindi na ako nag-usisa. Pasimpleng pinag-aralan ko na lang ulit si Mommy. Siya ang naghain sa akin ng pagkain, pinabaunan niya rin ako na katulad noon.


Masaya na ako na kahit paano, nagiging okay na siya ulit ngayon.



"CAR, BATI NA KAYO NI ISAIAH?"


Kakaupo ko lang sa upuan ko nang bigla akong tanungin ni Sussie. Nasa school na ako. Wala pa kaming teacher. Nakakalat sa armchair ko ang laman ng kikay pouch ko. 


"Nakita ko magkasama kayo noong Sunday. Binyag yata ng anak ng friend niyo iyon."


Natigilan ako sa ginagawang pagkikilay. Biglang kumabog ang dibdib ko. "Saan mo nakita?"


Hindi ko na siya nahintay na sumagot. Ibinaba ko ang gamit kong eyebrow pencil. Kinuha ko ang aking phone sa bulsa ng suot na palda. Kinakabahan ako kahit wala naman akong ginawang masama.


Mabuti at may data pa ako kaya nakapasok ako sa Facebook. Mabilis ko namang nakita ang tinutukoy niyang mga photos.


Ang mga photos ay post ni Nelly. Ito iyong binyag ng anak niya. Nasa ibabaw ng newsfeed kasi marami ang nagko-comment na kamag-anakan ng babae kaya nag-a-up ang post.


Ang title ng album ay 'Baby Saialyn's Christening'. Maraming tao ang naka-tag, kasama na ako, ang tropa at si Isaiah.


Syempre natural lang naman na i-post ito ni Nelly dahil binyag ito ng anak niya. Ang photographer ay ang asawa ng babae.


Nanginginig ang daliri ko nang i-tap ang mga photos para isa-isahin. Wala namang malisya. Wala naman talaga.


Nangunguna sa mga photos ang kasama ako at si Isaiah. Kami lang din ang may photo na dalawa lang kami na kasama ang baby.


Sa sumunod na mga photos ay sa reception na sa GRS. Doon ito sa bahay nina Nelly. Kaharap namin ang alak at sa gilid ay videoke. May nahagip dito na nilapitan ako ni Isaiah. Ito iyong inagaw niya iyong tagay na dapat ay para sa akin.


"Okay na kayo?" untag ni Sussie sa pagkabalisa ko.


Hindi ako makasagot.


Mula sa pinto ng room ay pumasok si Hugo. Wala nang suot na school polo ang lalaki. Itim ang t-shirt nito. Sa amin patungo. "Hoy, Carlyn! Pinabinyagan niyo na pala anak niyo ni Isaiah, di man lang kayo nag-imbita!"


"Hugo, ano ba?" mahinang saway ni Sussie sa lalaki.


Naupo si Hugo sa armchair ni Sussie. "Hoy, taba! Di mo ba alam na may anak na si Carlyn kay Isaiah? Lima na. Tinatago lang nila. Dalawa puti, tatlo may batik—"


Sa buwiset ko ay kinurot ko si Hugo sa tagiliran. Namilipit siya at nagkandamura sa sakit.


Tumayo na ako. "Sussie, ilayo mo 'yan sa akin! Hindi na makaka-graduate 'yan kapag ginilitan ko 'yan ng leeg!"


Pigil naman ang hagikhik ni Sussie sa upuan niya. Si Hugo ay napahawak sa armchair ni Sussie dahil namimilipit pa rin siya. Pino kasi ang pagkakakurot ko sa tagiliran niya.


Tumambay na lang muna ako sa bench. Nakatitig ako sa screen ng aking phone. Hindi ako makapag-desisyon sa gagawin. Sa huli ay pikit-matang tinawagan ko ang number ni Jordan.


Hindi ko naman talaga siya dapat tatawagan. Kadalasan kasi siya ang tumatawag sa akin at hindi ako. Pero gusto ko lang marinig ang boses niya ngayon. May gusto lang sana akong alamin.


Abot-abot ang kaba ko habang nagri-ring ang linya niya. Gusto ko nang mag-cancel sa pang apat na ring nang bigla siyang sumagot.


Narinig ko ang kaswal na boses niya. Iyong mahinahon na medyo malambing. Wala naman akong nakapa na kahit anong kakaiba roon.


[ Hi. Kumain ka na? ]


"Uhm, oo."


Nagda-dalawang isip ako kung bubuksan ko ang topic.


"Sige, gusto ko lang talagang marinig ang boses mo." Gusto ko lang malaman kung nakita mo ang naka-tag na photos sa akin, dagdag ko sa isip.


[ I love you, Carlyn. ]


Napangiti na ako. "Sige, bye. Ingat ka riyan!" masayang paalam ko na sa kanya. Pinatay ko na ang linya pagkatapos.


Tumayo na ako sa bench at ibinulsa ang phone sa aking school skirt. Hindi galit si Jordan. Nakahinga na ako nang maluwag.


Kahit naman siguro makita niya ang mga photos ay wala lang iyon sa kanya. Alam naman niya na nakasama ko talaga noong Sunday si Isaiah. Nagpaliwanag naman na ako sa kanya.


Wala naman kaming ibang naging problema mula noon. Kahit bihira na kaming magkita, nakakagawa pa rin naman kami ng paraan para makapag-usap minsan kahit pa sa chat lang.



ANG TULIN ng oras. Mas naging busy na ang lahat sa mga sumunod pang mga araw, linggo, at buwan. Minsan ay hindi na rin kami nakakapagkita ni Jordan kahit Sunday.


Graduating na ako ng senior high kaya naman todo habol ako sa mga subjects na napag-iiwanan ako. Nauubos din ang oras ko sa mga projects. Si Jordan naman naging officer sa isang organization sa course niya kaya naging busy lalo.


Kahit busy sa kanya-kanyang schedules ay nakukuha pa rin naman namin minsang mag-chat. Tumatawag din siya tuwing free time niya. Hindi na nga nakakapag-video call masyado dahil pareho na kaming pagod tuwing sasapit ang gabi.


Saka noong binyag ni Baby Levi ay pumunta siya kahit pa wala pa siyang tulog at pahinga. Isa siya sa mga naging ninong ng kapatid ko. Ang iba ay mga kaibigan na ni Ninong Luis.


Ang sarap lang sa pakiramdam na nasa isang matured na relationship ka. Iyong hindi kayo nagsisilipan sa oras, iyong nagkakaintindihan kayo sa mga bagay-bagay, sinusuportahan niyo ang isa't isa. At iyong may tiwala ka sa partner mo at ganoon din siya sa 'yo.


Nakangiti ako nang mahiga na sa kama. Katatapos ko lang buksan ang ipinadalang regalo sa akin ni Jordan para sa aming 7th monthsary.


Isang Daily Bread na book at isang swarovski necklace na sparkling dance heart ang pendant. Naka-box ito ng kulay blue at may ribbon. Bukod dito ay may chocolates din ako.


Hindi siya nakakalimot. Kahit sinabi ko na sa kanya na wag nang gumastos, hindi siya tumitinag. Palagi pa rin siyang may pasabog tuwing monthsary kaya nakaugalian ko na rin tuloy ang mag-expect.


Buwan-buwan ay nadadagdagan ang mga iniipon kong gamit na mula sa kanya.


Inilagay ko ang lahat sa isang malaking box na binalot ko ng kulay pulang giftwrapper. Pati ang pad paper at mga balat ng chocolates na binigay niya ay nililinis ko at inilalagay rin dito.


Gamit ang pentel pen ay sinulatan ko ng malalaking letter ang box: JORDAN MOISES HERRERA'S BALIKBAYAN BOX




IYAK ng baby ang gumising sa akin noong umaga ng Sabado. Wala akong pasok ngayon kaya ako ang naka-toka na mag-aalaga sa 5-month-old na cute at emoterong baby boy na si Baby Levi.


"Baby, tahan na..." Kinarga ko si Baby Levi. Kahit umiiyak ay ang cute-cute pa rin, manang-mana sa ate.


Katabi ko sa kama ang sanggol. Iniiwan siya ni Mommy sa tabi ko tuwing Saturday and Sunday na wala akong pasok. Ako ang nag-aalaga kay Baby Levi maghapon.


Si Mommy kasi ay may trabaho at Monday and Tuesday lang ang off. Call center agent si Mommy sa isang BPO company sa Bacoor, Cavite. AM shift siya. Busy siya during her working days.


Tuwing nasa school naman ako ay si Ninong Luis ang yayo ni Baby Levi. All around ang lalaki sa bahay namin. Minsan yayo ng baby, minsan naman muchacho ni Mommy, labandero, tagahugas ng plato, tagalampaso ng sahig.


Ewan ko lang kung may sideline pa si Ninong Luis kay Mommy tuwing gabi. Nahuli ko siya kasi isang beses na tumalilis papasok sa kwarto ni Mommy. Nang mahuli ko ay ang dahilan niya na baka raw umiiyak si Baby Levi. Hay, ang cute-cute nila. Sarap nila pag-untugin minsan.


Nang makatulog na ulit si Baby Levi ay naligo muna ako. Pagkaligo ay naghugas na ako ng feeding bottles. Hinanda ko na rin ang maligamgam na tubig para sa panligo ng baby.


Pagkagising ni Baby Levi ay tinimplahan ko siya ng milk at pinaliguan. Hinayaan ko siya sa crib niya sa sala na maglaro habang naglilinis ako sa kusina.


Doorbell mula sa labas ang nagpasilip sa akin sa pinto.


"Hu da hel? Char."


Ang nakatayo sa labas ng gate namin ay ang pinakagwapong boyfriend sa buong General Trias, Cavite. Syempre si Jordan iyon. Alangan naman si Isaiah, si Arkanghel, si Asher o Miko? Ang papangit kaya nila kahit magsama-sama pa sila.


Pasilip-silip si Jordan sa gate. Ang cute-cute. T-shirt na grey at shorts lang ang suot niya. May suot siyang cap na kulay itim.


Hindi ko agad siya nilapitan. Mainit sa labas kaya hinayaan ko muna siya roon ng mga 2 minutes. Mas gwapo kasi siya pag pawisan.


"Bakit ka nandito?" Pinagbuksan ko na siya ng gate. "Pawisan ka, kawawa ka naman." Hinaplos ko siya ng kamay ko. Pati leeg niya, hinaplos-haplos ko.


"Tutulungan kitang mag-alaga kay baby."


Napangiti ako at tinalon ko na siya ng yakap. Ang bango kahit pawisan.


Hinalikan niya ako sa pisngi. "I missed you."


Hinila ko na siya papasok sa gate. May bitbit siyang plastic na may tupperware. Hinubad niya ang suot na sombrelo at bahagyang iwinilig ang ulo. Mukhang bukod sa pawis ay basa talaga ang buhok niya dahil naligo siya bago pumunta rito.


Bago pumunta sa pinto ipinunas ko muna sa ulo niya iyong malinis na lampin ni Baby Levi na nakasampay sa aking balikat. Yumuko naman siya at nagpapunas.


"Kumain ka na?" Pumasok na kami sa loob ng sala. Nag-alcohol siya ng kamay at braso mula sa alcohol spray na nasa may pinto bago niya nilapitan si Baby Levi.


"Hindi pa ako nakakakain kasi nagising si baby." Nilapitan ko sila. Sabay kong kinurot ang pisngi nila ni Baby Levi.


Di ko matiis na hindi kurutin si Jordan. Bahagya kasing namumula ang pisngi niya dahil sa init sa labas. Hinuli naman ng labi niya ang daliri ko kaya agad kong binawi.


"May dala akong ulam. Nagluto kasi si Jillian kanina."


"Di ba nakamamatay 'yan? Char." Kinuha ko na ang plastic na dala niya.


Ang ulam ay sweet and sour fish. Nakalagay ito sa tupperware. Mukhang masarap. Natatakam ako dahil wala pa ako kahit almusal. Nagsandok ako ng kanin at ulam sa isang plato. Karga na ni Jordan si Baby Levi pagbalik ko sa sala.


"Ikaw, kumain ka na?"


"Yes." Hinele-hele niya ang limang buwang sanggol pero umiyak pa rin. Papampam din kung kailan ako kakain e.


Nilapag ko muna sa sofa ang plato ko saka kinuha kay Jordan si Baby Levi. "Hush, tahan na, baby..." inalo-alo ko at saka lang tumahan. Ayaw magpababa.


Kumakalam na talaga ang tiyan ko dahil mag-a-ala una na. Natatakam na ako sa pagkain kaya lang si Baby Levi ay nananadya talaga.


"Subuan na lang kita," alok ni Jordan.


Tiningnan ko siya. Kinuha niya na ang plato at kubyertos sa sofa. Sumandok siya ng kanin na may onting ulam sa kutsra saka inumang sa bibig ko. Ngumanga naman ako.


"Ano raw oras uuwi sina Tita Clara?" tanong niya.


Nilunok ko muna ang laman ng bibig ko matapos nguyain bago ako sumagot sa tanong niya. "Maya pa iyon. Subuan mo pa ako. Ah!" Ngumanga ako.


Saglit siyang napatitig sa akin bago sumandok ng kanin at ulam.


Gutom na gutom talaga ako kaya naubos ko iyong pagkain sa plato sa pagsubo lang sa akin ni Jordan. Ikinuha niya ako ng tubig sa kusina.


Nang makatapos kumain ay tyempo na nagpababa na si Baby Levi. Best actor talaga. Inilagay ko sa crib tapos uminom na ako.


Nilalaro-laro na ni Jordan ang sanggol. Mukhang wala na talagang toyo kasi ngingiti-ngiti na habang kinikiliti niya sa tiyan.


"May gagawin ka ba?" lingon ni Jordan sa akin. "Gawin mo muna habang good mood si baby. Ako munang bahala."


"Okidoki." Kiniss ko siya muna nang mabilis sa lips tapos iniwan ko na sila.


Naghugas ako ng pinagkainan saka mga iba pang tambak sa lababo mula kagabi. Pasilip-silip ako sa sala. Minsan kinakarga ni Jordan si Baby Levi pag umuungot-ungot, kapag naman kumakalma ay ibinababa niya ulit sa crib.


Nagligpit din ng kalat sa sala si Jordan. Pag nakikita niya ako ay kumikindat siya. Syempre kinikindatan ko rin siya. 


Noong di siya nakatiis, sinundan niya ako sa kusina saka ikiniss ng 1 minute bago siya patakbong bumalik sa sala. Umiyak na naman kasi ang papansin kong kapatid.


Para kaming nagbabahay-bahayang dalawa. Sinamantala ko na nandito siya. Nagsalang ako ng mga marurumi ni Baby Levi sa washing machine.


Nang makatapos sa gawain ay naligo ulit ako. Nag-toothbrush din. Nang matapos na sa gawain ay binalikan ko na sila sa sofa.


Napangiti ako sa natagpuan. Nasa sofa na sila. Nakatulog na si Baby Levi sa ibabaw ng nakatulog na ring si Jordan.


Ang cute nilang tingnan. Ang sarap sa puso. Inilabas ko ang phone ko at kinuhanan ko sila ng picture. Ginawa ko iyong wallpaper. 


Marahan kong kinuha na si Baby Levi kay Jordan saka maingat na inilagay ang baby sa crib. Binalikan ko si Jordan na tulog pa rin sa sofa.


Mukhang pagod na pagod siya kasi hindi man lang siya nagising. Sabado pa lang ngayon kaya wala pa talaga siyang pahinga pero pumunta pa rin siya rito kasi alam niyang wala akong katulong sa pag-aalaga sa kapatid ko.


Tinabihan ko siya sa sofa at niyakap. Umungol siya pero hindi gumising. Mayamaya ay humarap siya sa akin at sumiksik sa aking leeg.


Hinaplos ko ang ulo niya. "Thank you..."



INTRAMS na namin. Nakalimutan ko na muse nga pala ako. May laban ang mga muse at escort tuwing intrams.


At nakalimutan ko rin na isang maligalig na hambog ang escort ko. Sa ayaw ko man o sa gusto ay kailangan naming mag-team up para sa intrams.


"Ano bang talent natin, sugar baby?" Nakabuntot sa akin si Hugo sa upuan ko.


"Kumanta na lang kayo," suggest ni Sussie sa amin.


"Pwede," sang-ayon ko. Pwede namang mag-gitara na lang si Hugo habang nakanta ako. "Ano sa tingin mo, itlog? Torete, Migraine, Tell Me Where It Hurts, Especially For You, Crazy For You, ano diyan kaya mo ang chords?"


"Amboring niyan. Sayaw na lang tayo," mayabang na sabi ni Hugo sabay akbay kay Sussie.


Pasimple namang tinabig ni Sussie ang braso ng lalaki. Pigil ang hagikhik ko habang nakatingin sa kanila.


"Gago, marunong ka sumayaw?"


Inirapan ako ni Hugo. "Oo naman. Anong akala mo sa akin? Kaya matagal ako maligo palagi kasi sumasayaw ako sa banyo habang nagsa-shower."


"Ew!" Itinirik ko ang mga mata ko. "Di ko ma-imagine."


Si Sussie rin ay napangiwi. Bumalik na lang sa ginagawang pagbabasa ng libro kanina.


Lintek na Hugo, last day na pero wala pa rin kaming naiisip na talent. Napaka-walang kwenta niyang partner. Kung hindi pa kami pinagalitan ng adviser namin ay hindi pa siya makikipag-cooperate.


Ang talent namin ni Hugo ay nauwi nga sa sayaw. Siya ang nag-desisyon kung anong tugtog. Bubble Butt by ft. Tyga, Mystic, and Bruno Mars.


Pinaghalong moves ni Marian Rivera sa Youtube at hiphop ang steps na nilapat namin sa tugtog.


Nang araw na ng intrams ay ang mommy ni Hugo na si Mrs. Normalyn Aguilar ang umarkila ng tao na mag-aayos sa amin ng anak niya.


Naririto na kami ni Hugo sa room kasama ang make up artist na isang magandang gay.


"Anong gusto mong ayos, gorgeous?" tanong sa akin ng make up artist.


"Iyong parang natutulog lang po sana."


Napahagikhik ang make up artist. Light make up lang ang inilagay sa akin. Ang buhok ko naman na lampas balikat ay plinantsa lang at hinayaang nakalugay. Parang pang commercial ng shampoo.


Ang suot ko sa pang-itaas ay kulay itim na sexy racerback sando. Itinaas ko ang laylayan para makita ang patag kong tiyan at ang korte ng aking bewang. Sa pang-ibaba naman ay red jogger na bahagyang inangat ang laylayan. Sneakers na white naman sa aking paahan.


Si Hugo ay hindi na gaanong inayusan. Makinis naman kasi siya kaya nilagyan na lang ng lipgloss para mas pumula ang natural na talagang mapulang mga labi niya. Black shirt ang suot niya at red din na jogger.


Ang mommy niya na si Mrs. Aguilar ang gumastos sa lahat-lahat. Saglit lang kami na nag-practice ni Hugo sa baba ng hagdan dahil wala ng time. Bale on the spot halos lahat.


Pagdating ng number namin sa stage ay naghiyawan ang mga estudyante.


Pati mga taga ibang branch ng Gov ay nag-iingay. Halos puro girls talaga. Mga fans ni Hugo. Proud na proud naman ang lalaki na pakaway-kaway pa.


May nagch-cheer din sa akin, si Sussie saka sina Miko at Asher. May banner pa sila na kartolina kung saan nakasulat ang pangalan ko na buong-buo: LEGIT SCAMMER CHECK: CARLYN MARIE TAMAYO 


Hindi ko natatanaw sa audience si Isaiah. May LBM daw sabi ni Miko. Di ko alam kung echos lang o talagang totoo.


"Lez do this, sugar baby!" tawag ni Hugo sa pansin ko.


"Yes, Daddy!" Nag-apir kami bago pumuwesto sa gitna ng stage.


Pumailanlang na ang malakas at maharot na tugtog.


Bubble butt, bubble, bubble, bubble butt...

Bubble butt, bubble, bubble, bubble butt


Lalong lumakas ang ugong ng hiyawan sa audience. In fairness din talaga kay Hugo, kahit ginago niya lang iyong practice namin kanina e magaling siyang gumiling. Nakakasabay siya sa akin.


"I love you, Hugo!!!" sigaw ng mga babae sa audience. May mga OA na parang gusto pa yatang himatayin.


Si Mrs. Aguilar naman ay nasa baba ng stage. Stage mommy na kumukuha ng picture ng anak. Proud na proud.


Iisang anak lang kasi si Hugo. Premature pa dahil nagkaroon na ng problema sa matris ang ginang matapos magbuntis. Kaya naman mahal na mahal nito ang unico hijo kahit siraulo.


"I love you, Carlyn!" may sumigaw din sa akin. Paglingon ko ay si Charles Felix Columna. Kumaway sa akin ang lalaki.


Napangiwi ako sa huling ikot ko. Nang magtama ang paningin namin ni Hugo ay nginisihan niya ako. Kitang-kita ang silver na hikaw niya sa dila.


Nang mag-switch sa hiphop ang steps ay chill-chill lang si Hugo. May ipagyayabang pala talaga ang itlog na ito.


Pagkatapos ng number namin ay napatili ako dahil bigla niya akong kinarga pababa ng stage. Eksena amputa. Kilig na kilig naman ang mga nanonood.


Tawa nang tawa si Hugo habang sinasabunutan ko siya sa baba ng stage. Pasalamat lang talaga siya dahil inawat ako ni Sussie kaya hindi ko siya nabigyan ng internal hemorrhage sa ulo.


Pagsapit ng question and answer ay tamad na tamad na ako. Ang boboring kasi ng tanong. Parang pang Little Miss Philippines. Kay Vivi lang bagay e. Sana pala siya na lang talaga nanalo noong botohan ng muse sa room namin.


Si Hugo naman ay na-enjoy ang question and answer. Tuwang-tuwa ang itlog na gaguhin ang sagot sa mga tanong. Ang audience naman na majority ay kababaihang estudyante ay ligayang-ligaya. Parang mga tanga.


Pagkababa namin ng stage ay sinalubong ni Mrs. Aguilar ang anak at piningot sa tainga. Sa lahat ng iyon ay maligaya pa rin naman si Hugo.


Tumawag sa akin si Jordan habang naghihintay kami ng resulta sa mga judges. Sa likod ng CR ko sinagot ang tawag dahil maingay sa malapit sa may stage.


[ How's my baby? ]


Napabungisngis ako sa lambing ng boses niya. "Ito miss ka na ng bebe mo."


[ I missed you, too. How's the competition? ]


"Baka talo. Hehe."


[ Don't be pressured. Just enjoy the experience. I'm sorry I can't be there to support you. ]


"Naiintindihan ko naman kung bakit di ka pwede ngayon. Keri lang. Di mo nga lang nakita ang ganda ko ngayon. Pero palagi naman akong maganda."


[ I know. Send me selfies later. ]


"Oki!"


[ Make sure to eat after, okay? Kakain na rin ako mayamaya. Galing pa kasi ako sa library tapos may meeting pa sa org. ]


"Ano ba 'yan sobrang busy mo. Wala ka ng pahinga, ah?"


[ I need to study hard so I can give you a nice future. ]


"Ako na lang ang bubuhay sa 'yo."


[ Silly. Of course, I won't let that happen. ]


"Sus." Napangisi ako sa pagiging mapagpatol niya. "Okay naman na sa akin kahit laging asin-tubig lang ulam. Basta ba pag kakain e susubuan mo ako."


Narinig ko ang mahina niyang tawa. [ Iba pa rin pag masarap ang isusubo ko sa 'yo. ]


Napahagikhik naman ako. Tinawag na ako ng make up artist. Ire-retouch na raw ang mukha ko. "Teka, maya na lang," paalam ko kay Jordan.


[ Alright. Enjoy there. I love you. ]


"Thank you! Mwa!" Pinatay ko na ang linya.


Nagpalit na ako ng damit dahil pina-rampa na ang mga candidates. Si Sussie ang nag-assist sa akin sa pagbibihis.


Paglabas namin ng banyo ay naghihintay na sa akin si Hugo. Nakasuot na siya ng pang-formal, kaso naka-sneakers pa rin sa paahan.


Bago lumabas ng room ay nag-selfie muna ako. Mga sampu. Iba-ibang pose. Halos karamihan ay pa-cute at wacky. Isinend ko lahat ng selfies kay Jordan.


Me: Blessing your inbox!


Saglit lang ay may reply na siya.


Jordan Moises Herrera: Thank you for the blessings.


Ngiting-ngiti ako. Magta-type pa sana ako ng chat kay Jordan nang itulak na ako ni Hugo sa likod. "Hoy, bilisan mo. Mamaya ka na makipaglambutsingan kay Isaiah. Tayo na lang wala sa baba."


Ginantihan ko rin siya ng tulak. "Anong Isaiah? Siraulo!"


"Tama na nga kayo," nakukunsuming saway sa amin ni Sussie. "Tara na sa baba. Hinihintay na tayo ni Mrs. Aguilar." Bitbit niya ang mga pinagbihisan namin ni Hugo. Nasa loob ng kulay pink niyang bayong.


Pagbaba namin ay sumunod na kami sa stage. Isa-isa na kaming pinarampa.


Kanya-kanyang pasiklaban ang mga kasama naming contestants na mula sa iba't ibang branch ng Gov. Kami lang yata ni Hugo ang parang naglalakad lang sa kanto.


Pareho kaming 1st runner up lang sa huli. Taga Biclatan Annex ang nanalo na muse at taga Buenavista ang escort. Ex ni Hugo last year ang muse. May grudge pa yata sa kanya kaya ang sama ng tingin sa amin.


Si Hugo ay walang pakialam. Kahit 1st runner up lang ay kung makakaway sa mga bebe gurls niya sa audience ay akala mo nanalo siyang presidente ng Pilipinas sa halalan.


Quarter to 9:00pm na ako nakauwi. Dumating kasi kaninang 6:00pm ang yayamaning daddy ni Hugo. Inilibre kaming lahat ng dinner sa Max's Restaurant.


Pati ang make up artist, ilang teachers at ilang kaklase namin ay kasama. Pina-Grab car sila. Napasama din kahit sina Asher at Miko. Si Arkanghel lang ang hindi. 


Pagkatapos ng dinner ay si Hugo ang naghatid sa akin pa-motor. Inutusan siya ni Sussie. Naka-angkas ako sa pinagmamalaking bagong Aerox ng lalaki.


Pagbaba ko sa tapat ng bahay namin ay pinalayas ko na rin agad si Hugo. Pagod na pagod ang katawang lupa ko at gusto ko nang magpahinga. Bukas kasi ay ako na naman ang mag-aalaga kay Baby Levi. 


Pumasok na ako sa gate ng bahay namin. Madilim sa loob ng bakuran. Patay na ang ilaw sa sala kaya siguro nasa kwarto na sina Mommy, Baby Levi, at ewan ko lang kung kasama si Ninong Luis.


Isinasara ko pa lang ang gate nang mag-beep ang phone ko. Nabawasan ang pagod ko nang makitang si Jordan ang nag-text.


Jordan:
I want to see you.


Nalungkot ako nang mabasa iyon. Gusto ko rin siyang makita sana. Ang kaso, magna-9:00pm na at malamang na kakauwi niya pa lang mula sa Dasma. Wala pa siyang pahinga.


Mabigat ang loob na nagtipa ako ng reply.


Me:
Sa Sunday na lang. Magpahinga ka na muna.


Jordan:
Pupunta ako sa inyo.


Nandilat ang mga mata ko. Dito ba siya dideretso? Hindi ba siya pagod?


Dahil alam ko na pupunta siya kaya tumambay muna ako sa labas namin. Hindi ko na binuksan ang ilaw at hinayaan ko na lang na madilim ang paligid.


Nakaupo ako sa upuan sa labas nang mayamaya ay matanaw ang isang matangkad na anino. Sumampa ito sa bakuran namin. Bumaha ang excitement sa dibdib ko.


Pagkababang-pagkababa niya sa semento ay sinalubong ko agad siya ng yakap. Hinalikan ko siya sa labi at saglit siyang natigilan.


Napangiti ako dahil siguro nabigla siya kung gaano ko siya kamiss.


Hindi nagtagal ang halik dahil hindi gumagalaw si Jordan. Napatigil din ako nang may maamoy ko sa kanya ang naghahalong amoy ng Redhorse at Empi.


Mula sa katiting na sinag ng liwanag mula sa lamppost sa labas ay nasilayan ko ang nanlalaking mga mata ng lalaki. Hindi kulay tanso!


Nanginginig ang kamay na inalis ko ang suot niyang sombrelo. "Isaiah!"


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro