Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

NAKATULALA ako habang nagkakarambola silang lahat sa paningin ko.

Lahat ng nagtatangkang lumapit sa akin ay nakakatikim ng sipa kay Jordan. Sa kaliwa ko naman ay naroon si Isaiah. Pinaghahampas niya ng napulot na kahoy sa kalsada ang mga ito.

"Ano, palag!" Sunod-sunod ang suntok ni Asher sa kalbong ka-square niya. "Ang dami niyong kakantiin, prinsesa pa talaga namin, ah! Kahit scammer 'yan, scammer talaga 'yan!"

Dinampot ni Wayne ang nabitiwan niyang baseball bat sa sahig at sinugod si Jordan. "Fuck you, Herrera!"

Matapos akong igilid ulit ni Jordan ay binalikan niya si Wayne. Isang tadyak ang binigay niya sa sikmura ng lalaki. Sumuka ito ng dugo pero bumangon ulit na bitbit ang baseball bat.

Napatili ako nang tamaan ng baseball bat si Jordan sa braso pero hindi naman niya iyon ininda. Malamig ang mga mata niya nang umikot siya at bigyan ng huling sipa si Wayne sa panga.

Nang hindi na gumagalaw sa kalsada si Wayne ay nilapitan ko ang lalaki at hinampas ng bag ko ang mukha. "Ano, gago ka, ah!"

Pinigilan naman ako ni Jordan at inilayo. Pawisan siya at ayon sa malamlam na liwanag mula sa lamppost ay namumula ang mukha niya. Humihingal siya na hindi ko matiyak kung dahil sa pagod o galit.

Pagkausod niya sa akin ay tinulungan niya sina Isaiah sa ibang tropa ni Wayne bagaman hindi pa rin siya lumalayo sa tabi ko.

Hineadbat ni Isaiah ang tropa ni Wayne na kalaban niya. Katatapos lang niyang magpatulog ng isa matapos niyang hampasin ng kahoy sa batok. Napaluhod sa kalsada ang hineadbat niya at pagkatapos ay tinadyakan niya sa mukha.

"Isaiah, 'wag sa mukha, gago!" sigaw ni Miko. "Katawan lang para di masyado halata!"

Sa siyam tropa ni Wayne ay pito na lang ang natira. Ang dalawa kasi na kasama nila ay hindi makatayo matapos sagasaan ni Arkanghel ng motor kanina.

"Tangina niyo, kayo ang makukulong!" sigaw ng isa sa halos gumapang na sa kalsada. "Nanagasa ang kasama niyo! Kayo ang makukulong!"

"Sino raw nanagasa sa kanila?" nakangising pasigaw na tanong ni Miko kay Asher.

"Wala akong nakita," nakangisi ring sagot ni Asher. 

May sumuntok sa tiyan ni Miko sanhi para magkadaubo siya. "Tangina ka, bakit mo ko sinikmurahan?! Kakakain ko lang ng J.Co!"

Galit na galit si Miko na bumuwelta sa nanuntok. Pinagtatadyakan niya ang kalaban na higit na malaki at parang mas maedad sa kanya. Hindi niya tinigilan kahit halos hindi na makatayo ang binabanatan.

"Miko, gago! Tama na!" sigaw ni Asher habang nakikipagrambol sa mga sumusugod sa kanya. Inalis niya na ang suot na asero dahil pumutok iyong noo ng isang sinapak niya kanina.

Bago puntahan ni Miko si Asher ay binanatan niya pa ulit ang wala ng malay na kalaban. Parang ayaw niya pa talagang patawarin kahit nakagulapay na iyon sa kalsada.

Meron na ring dumaraang iilang sasakyan kaya alam ko na may magre-report na sa nangyayari. Tumigil na sina Isaiah at pinilit itayo ang mga pinatumba nila. Nagmumumura pa rin ang mga ito pero wala ng rambol. Kahit ang tropa ko ay mga pagod na at sinawaan na sa pakikipagbasag ulo.

"Si Isaiah walang bangas sa mukha!" puna ni Miko na wala naman yatang galos maliban sa putok na labi.

"Meron!" sagot ni Isaiah. "Nasuntok ako nong isa riyan sa mukha kanina. Magkaka-black eye ako mamaya. Si Herrera ang walang bangas."

Tiningnan ko si Jordan. Gusot ang suot niyang white polo at maliit na sugat lang sa gilid ng makapal niyang kilay ang injury niya.

Lumapit si Isaiah kay Jordan. "Pre, baka madiin tayo 'pag wala kang injury."

Naguguluhang nakatingin ako sa kanila. Lalo pa akong naguluhan nang tumango si Jordan kay Isaiah, at pumikit.

Bumaling si Isaiah sa akin. "'Wag kang titingin." Sinenyasan niya si Miko na hilahin ako.

Hinawakan ako ni Miko at pinaharap sa kanya pero hindi ako pumayag na takpan niya ang mga mata ko. Kitang-kita ko tuloy nang undayan ng suntok ni Isaiah sa mukha si Jordan.

"J-Jordan..." Napaiyak ako at tinulak ko si Isaiah. "Anong ginawa mo, hayup ka?!"

"Car, kailangan 'yan," awat ni Asher sa akin.

Napadura ng dugo si Jordan sa kalsada. Kinatok niya ang kanyang panga at nang mag-angat siya ng paningin ay sinuntok niya rin ng isa si Isaiah. Hindi naman umilag ang lalaki. Ngayon ay pareho na silang duguan ang bibig.

Gilalas na gilalas ako sa nangyayari. Nilapitan ako ni Jordan at hinaplos niya ang buhok ko bilang pagpapakalma sa akin.

Ilang saglit lang ay may patrol car na ng tanod na dumating. Sabay na lumuhod sina Miko at Asher sa kalsada kasama ng mga tropahan ni Wayne. Umungol sila na animo mga injured.

"Anong nangyayari dito?!" sigaw ng isa sa mga tanod. May hawak na batuta.

Napapiksi ako nang hawakan ni Isaiah ang aking isang pulso. Paglingon ko sa kanya ay kinarga na lang niya akong bigla. Nakanganga naman si Jordan dahil hindi niya inaasahan.

Dinala ako ni Isaiah sa isa sa mga patrol. "Mga sir, kaibigan namin ito. May group study sana kami ngayon kaya pupuntahan namin siya. Kaya lang nakita naming hinarang siya ng mga adik na 'yan sa daan. Pinagtangkaan siya ng masama. Hindi na kami nakahingi ng tulong dahil sinugod agad kami."

Mga nangatwiran naman ang mga tropa ni Wayne pero hindi sila mukhang kapani-paniwala dahil sa mga porma nila. Saka mukha talaga silang naka-droga dahil namumula ang kanilang mga mata.

"Sir, napuruhan kami!" sabat ni Asher na kunwari'y hirap tumayo. "Hindi naman kami palaaway, sir. Nagmakaawa kami pero mga high siguro sila sa drugs kaya ayaw kami tigilan."

"Totoo iyon, Miss?" tanong sa akin ng tanod.

Napatingin muna ako kay Isaiah bago ako tumango. Hindi ko sila pwedeng ipahamak kaya sumang-ayon ako. Totoo rin naman na pinagbalakan ako nina Wayne ng masama.

Pinasakay kaming lahat sa patrol car at dinala sa barangay hall. Hiningi ang contact number ng mga magulang at guardian namin. Habang nasa loob ay panay ang dakdak ni Wayne. Umi-English pa ang hayup.

"They started it! I'm calling my dad!" sigaw ni Wayne.

"Hindi po iyon totoo, sir!" piyok na sabat ni Asher. May nginig-nginig pa. "Gusto lang po namin mag-aral kaya pupunta kami kina Carlyn. Nakita na lang namin na inaabangan nila sa daan ang kaibigan namin."

"Maniwala kayo, sir. Matitino kami," nanghihinang sabi naman ni Miko. "Ito ngang tropa namin, sir, taga Science Class pa." Itinuro niya si Jordan na nakatayo sa tabi ko. "Siya dapat magtu-tutor sa amin ngayon kaya kami magkikita-kita sana."

Hindi naman ako makausap ng mga pulis dahil hindi ko magawang magsalita. Tahimik ako sa kinauupuan habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Sa tuwing tinitingnan ko si Jordan ay parang pinipiga ang puso ko. May bahid ng dugo ang gilid ng putok niyang labi. Namumuo na rin ang pangingitim ng pasa sa kaliwang pisngi niya. Dahil iyon sa suntok sa kanya ni Isaiah kanina.

"Tahan na, Car..." sabi ni Miko sa akin sa pagitan ng kanyang pag-ubo. "Ligtas na tayo... Wag ka nang umiyak..."

Naunang dumating ang pamilya ni Jordan. Ang parents niya na sina Mr. and Mrs. Herrera ang agad na nakipag-usap sa barangay. Nagbaba ako ng tingin dahil sa hiya na makasalubong ang mga mata nila.

Kasunod ng parents ni Jordan si Jillian. Pormal ang maamong mukha ng babae nang pumasok sa loob. Lumapit agad siya kay Jordan. "Kuya!"

Hinaplos ni Jordan ang ulo ng kapatid. "I'm okay, Jill."

Ang pormal na mukha ni Jillian ay napalitan ng paghikbi. "Bakit kasi nagpagabi ka, Kuya?" garalgal na ang boses niya. "Dapat umuwi ka na lang agad para hindi ka nadamay sa gulo. Paano kung walang dumating na mga tanod?!"

Niyakap na siya ni Jordan. "Tahan na, okay naman ako e."

Humihikbi pa rin na gumanti si Jillian ng yakap sa kapatid. Nang mapatingin siya sa akin ay agad na nanalim ang luhaan niyang mga mata. Napayuko naman ako.

Mayamaya lang ay dumating na rin ang ibang tinawagang mga magulang. Sa labas pa lang ay maingay na ang mommy ni Asher. Ang mommy naman ni Miko ay isa palang policewoman na may mataas na ranggo. Lumapit agad ang ginang na naka-police uniform pa sa desk ng barangay.

"Sir, itataas namin ito sa pulisya. Hindi ako papayag na hanggang barangay lang 'yang mga 'yan." Ang tinutukoy ni Mrs. Pangilinan ay sina Wayne. "May record na 'yang mga 'yan, hindi lang marijuana kundi pati shabu. Gumagamit at nagbebenta."

Nang tingnan ko si Wayne ay mga namumutla ang kumag. Alam niya na siguro na hindi masusuhulan si Mrs. Pangilinan. Kinakabahan na marahil siya dahil alam niyang may mataas na ranggo sa pulisya ang hahawak ng kaso nila.

Saglit na nakipag-usap si Mrs. Pangilinan sa kapitan bago hinarap si Miko. Ang matapang na aura ng ginang ay biglang lumambot nang makitang may putok sa labi ang anak. "Okay ka lang, baby ko?"

Yumakap naman agad si Miko sa mommy niya. Parang batang inapi ang lalaki. "Mommy, natakot ako kanina. Bigla na lang nila kaming sinugod kahit wala naman kaming ginagawa. Mabuti na lang may dumating na tulong. Akala ko talaga mamamatay na ako, Mommy!"

"Shhh, baby ko. Okay na, ha? Safe ka na. 'Wag ka nang matakot," alo ni Mrs. Pangilinan kay Miko.

"Mommy, ang sakit ng tiyan ko. Sinikmurahan ako nun!" Itinuro ni Miko ang isa sa mga tropa ni Wayne na kanina'y binabanatan niya at ayaw niyang tantanan. Gulpi-sarado ang itsura nito.

Napatungo na lang ako dahil di ko ma-take ang inarte ni Miko.

Dumating na rin ang mga magulang ni Isaiah. Sa bukana pa lang ng barangay hall ay nanlilisik na agad ang mga mata ng mama niya habang ang papa naman niya ay tila maamong tupa na nakasunod sa asawa.

"Anak, okay ka lang?" nag-aalala agad na tanong ng papa ni Isaiah sa kanya.

Kakamot-kamot ng ulo si Isaiah. "Opo, 'Pa. Di naman po ako napuruhan."

"Mabuti dahil sa bahay kita pupuruhang lintek ka!" Kinutusan naman siya ng mama niya. "Pinabibili lang kita ng suka sa tindahan, kaya pala ang tagal mo, nakipagbasag-ulo ka na pala!"

Kuntodo iwas naman si Isaiah sa mama niya. "Aray, Ma! Aray!"

"Anya, tama na 'yan," umaawat ang papa ni Isaiah. "Injured na nga iyong bata, sinasaktan mo pa."

"Hoy, Gideon! Kaya lumalaki ulo nitong anak mo dahil kunsintidor ka, isa ka pang lintek!"

Nagkakagulo sa loob ng barangay hall nang marinig ko ang malamyos at garalgal na boses ni Mommy. "Carlyn, darling..."

Paglingon ko ay nakita ko si Mommy na humahangos papunta sa akin. Luhaan ang mukha niya. Kasama niyang dumating si Ninong Luis.

"What happened, darling?" Napahikbi ako ako nang mahigpit akong yakapin ni Mommy. "Tell mommy, please..."

Iyak ako nang iyak at hindi ko masagot si Mommy. Nahihiya ako sa kanya dahil sa nangyari. Ngayon alam niya na ang lahat ng ginawa ni Wayne sa akin at sinisisi niya ang sarili. Nanginginig siya habang yakap-yakap niya ako.

Si Ninong Luis ang nakipag-usap sa barangay dahil hindi na mentally unstable si Mommy. Naririnig ko na lang na sinasabi niyang magsasampa kami ng kaso laban kina Wayne. At dahil nasa legal age na ang karamihan sa kina Wayne ay diretso kaso na at wala ng areglong mangyayari.

"Hindi ako papayag na di makulong 'yang mga 'yan," mariing sabi ni Ninong Luis. May tinawagan na siyang personal lawyer galing sa Manila.

Nagkalistahan na sa barangay at nagpasundo na rin ng police patrol ang mommy ni Miko na si Mrs. Pangilinan. Kahit dumating na ang parents at guardians nina Wayne ay wala ng nagawa ang mga ito. Hindi nila masusuhulan ang mommy ni Miko at ang Ninong Luis ko. Maging ang parents nina Isaiah at Asher ay magsasampa rin ng kaso.

Malaki ang laban namin dahil malamang sa malamang na magpo-positive sa drugtest ang tropahan nina Wayne. Dagdag pa na ang tatlo sa kanila ay nakapkapan ng ilang gramo sa bulsa.

Hiningan ako ng pahayag ni Mrs. Pangilinan at sinabing siya na ang bahala sa presinto. Ipapatawag na lang ako kapag may kakailanganin. Si Ninong Luis naman ay pinaderetso na ang personal lawyer niya sa presinto kung saan dadalhin sina Wayne.

Paglabas ng barangay hall ay pinagsasabunutan si Isaiah ng mama niya kaya hindi na siya nakapagpaalam. Si Miko at Asher na lang ang lumapit sa akin.

"Car, una na kami!" sabi ni Asher na nakangiwi dahil mukhang magugulpi siya ng tatay niya pag-uwi.

Si Miko naman ay nakangising kumaway sa akin. "'Wag mo nang alalahanin iyon, Car! Mas mag-alala ka sa kaluluwa nina Isaiah at Asher!"

Nagsi-alisan na ang lahat. Sina Jordan at ang pamilya niya ang huling lumabas sa barangay hall. Gusto ko sanang lumapit para humingi ng sorry pero masyadong pormal ang mukha nina Mr. and Mrs. Herrera.

Bago sila sumakay ng kotse ay nilingon ako ni Jordan. Nagtama ang aming mga mata. Naputol din ang palitan namin ng tingin nang hilahin na siya ni Jillian pasakay sa backseat ng kotse nila.

Sumakay naman na kami nina Mommy sa kotse ni Ninong Luis. Sa backseat kami ni Mommy.

"Ihahatid ko lang kayo, Clara." Sinilip kami ni Ninong Luis mula sa rearview mirror. "Pupunta ako sa presinto."

Hindi kumibo si Mommy. Niyakap lang niya ako habang mahina siyang humihikbi. Pagkarating sa amin ay bumaba rin si Ninong Luis para ihatid kami mismo sa loob ng bahay.

"Carlyn, magpahinga na lang muna kayo ng mommy mo," bilin ni Ninong Luis sa akin. "'Wag kayong mag-alala, makukulong iyong mga iyon sa pagtatangka nila sa 'yo. Hindi ako papayag na hindi."

Yumakap ako kay Ninong Luis. "Thank you po."

Ginulo niya ang buhok ko. "Ikaw na muna ang bahala sa mommy mo. Aalis na ako."

Ngayong gabi ay sa kwarto ako ni Mommy natulog. Yakap-yakap niya ako habang umiiyak siya at humihingi ng sorry sa akin.

Alam na ni Mommy ang lahat. Sinabi ko sa kanya pati ang pagtatangka noon ni Wayne na gahasain ako. Alam na rin niya ang tingin ng mga tao sa akin. Lahat kwinento ko at nakatulong iyon para lumuwag ang dibdib ko. Ang kapalit nga lang ng pagtatapat ko ay ang nasaktan nang sobra si Mommy. Pero kailangan niya na rin talagang malaman ang lahat ng nangyayari sa buhay ko.

Ayaw niya muna sana akong payagan na pumasok sa school pero sinabi ko na gusto kong pumasok. Wala na rin siyang nagawa sa desisyon ko. Pinangako niya na lang ako na mag-ingat ako.

Kinaumagahan ay nauna akong magising kay Mommy. Naligo na agad ako at nag-ready sa pagpasok sa school. Hinalikan ko sa noo ang natutulog na si Mommy saka ko siya iniwan sa kwarto.

Paalis na ako nang mag-doorbell si Ninong Luis. Ang aga niyang dumating ngayon. May ibabalita raw siya tungkol sa isinampa naming kaso. May dala rin siyang almusal; mga pastries mula sa isang expensive bakery.

"Kumusta ang mommy mo?"

"Tulog pa po, Ninong. Magdamag po kasi iyong umiyak e," sagot ko habang ipinapasok ang mga pasalubong niyang pastries sa bag ko. Babaunin ko ang mga ito.

"Okay na ba siya ngayon?"

"Opo." Tumango ako. "Mamaya lang po gigising na iyon. Hihintayin niyo po ba?"

Yumuko si Ninong Luis at hindi kumibo.

"Aalis na po ako. Mali-late na po ko sa school e." Bago ako umalis ay niyakap ko siya. "Thank you po ulit, Ninong."

Umalis na ako at iniwan na siya sa sala. Mamaya rin naman ay magigising na si Mommy.

Pagdating sa school ay sa room ako tumambay. Ngayon lang ako nag-check ng phone ko. Marami palang messages mula sa GC namin na : The Scammers

Puro tanong pala kahapon sa GC sina Isaiah kung nakauwi na ba ako. Siguro dahil hindi ako nagre-reply kaya napasugod na sila ng Navarro.

May mga text messages din na mula kay Jordan. Merong para kagabi at meron ngayong umaga.

Ang kagabi:

Jordan: (10:00 pm)

Nakauwi na ba kayo? I hope you're okay.

Jordan: (11:00 pm)

How's your mom? Hindi naman galit ang parents ko, actually they're worried about you. Sana wag kang mag-isip ng kung ano. Saka okay na rin ako. Ginamot na ni Jillian ang sugat ko saka hindi masakit.

Jordan: (11:15 pm)

Kumain ka sana muna bago ka matulog.

Jordan: (11:30 pm)

Goodnight.

Lahat iyon ay hindi ko nabasa kagabi. Ngayong umaga naman ay may tatlong text siya.

Jordan: (2:00 am)

I really hope you're okay, Carlyn...

Alas-dos? Gising pa siya noon?

Ang aga rin ng sumunod niyang message.

Jordan: (4:00 am)

Good morning. Gising ka na ba? Nakatulog ka ba nang maayos?

Jordan: (6:00 am)

Nasa school na ako. Papasok ka ba today? I hope you feel better now.

Hindi ko alam kung ano ang ire-reply sa mga text ni Jordan. Naiiyak ako sa totoo lang. Parang hindi ko siya kayang makita ngayon. Nahihiya ako sa kanya. Nahihiya rin ako sa parents niya saka kay Jillian. 

Nakayuko ako sa mesa nang may tumabi sa akin. Pagtingin ako ay si Isaiah. May band aid ang kaliwang pisngi niya, putok din ang kanyang labi. "Ayos ka lang?"

Tumango ako.

May inilapag siyang sandwich sa ibabaw ng armchair ko. "Malamang di ka nag-almusal. Kumain ka muna."

Nagpasalamat ako at hindi ko na binanggit na may baon akong pastries dahil baka bawiin niya ang sandwich. Iyon ang iaalmusal ko para tanghalian ko na lang iyong pastries mamayang break. Ayoko kasing lumabas.

Pag-alis ni Isaiah ay inilabas ko ulit ang phone ko at tinitigan ang mga texts ni Jordan sa akin. Nalulungkot ako at gusto ko sana siyang i-text pero bukod sa hindi ko alam ang sasabihin sa kanya ay wala pa rin pala akong load.

Pagkatapos ng second subject namin ay naka-received ako ng P100 load. Namilog ang mga mata ko dahil wala naman akong natatandaan na nagpaload ako.

Nagbeep ulit ang phone ko. May nag-text.

Jordan:

Text me whenever you can.

Napatanga ako. Ni-loadan niya ako?!

Hindi ako lumabas nang lunchbreak tutal may baon akong pastries. Hindi rin ako dapat lalabas ng last break, ang kaso ay nauuhaw ako. Walang tao sa hagdan nang dumaan ako roon. Pagkarating sa baba nakita kong pasalubong sa akin si Charles.

Lumapit siya agad sa akin. "Carlyn, pupuntahan sana kita. Totoo ba na hinarang ka raw ng kagabi ng tropahan ni Wayne at pinagtangkaan ng masama?"

Kumibot ang sentido ko. "Saan mo nalaman 'yan?!"

Paano niyang nalaman? Pinag-usapan na sa barangay kahapon na gawing pribado ang nangyari kahapon dahil may sangkot din na ilang menor de edad. Parehong 17 pa lang kasi si Miko at ang tatlo sa kasamang tropa ni Wayne.

At ayaw rin ni Mommy at ni Ninong Luis na may makaalam sa nangyari dahil ayaw nila na pag-usapan ako ng mga estudyante rito sa school. Sumang-ayon naman ang mga magulang nina Isaiah, Miko at Asher. Maging ang mga magulang ni Jordan.

"Saan mo nalaman 'yan?!" Hinila ko si Charles papunta sa gilid ng hagdan, doon sa malapit sa pinto ng ladies' room. Dito ko siya kinompronta para kung may dadaan man sa hagdan ay hindi kami agad makikita.

"Sa My Day ni Nelly. 'Sabi niya, muntik ka na nga raw mapahamak kaya nag-alala ako at hinanap agad kita."

"Tangina! Anong my day?!" Nagpapanic na inilabas ko agad ang aking phone para tingnan nga ang sinasabi ni Charles na My Day. Doon ay nabasa ko ang story na ipinost ni Nelly.

Shit! Kagabi muntik na si Carlyn dahil kay Wayne! Hayup ka talaga @Wayne Daniel Chung! Akala ko kung sino kang matino, bulok ka pala! Mabuti na lang talaga ayaw sa 'yo ni Carlyn! Hindi ka bagay sa kaibigan ko! Sana mabulok ka sa kulungan, adik!

Napamura ako. Mukhang nasagap ni buntis ang balita kanino man kina Asher at Miko. Agad ko siyang chinat at pinabura ang ipinost niya. Mabuti na lang at kaunti lang ang friends ni Nelly at wala ring estudyanteng curious sa babae.

"Carlyn, okay ka lang ba?" Hinawakan ako ni Charles sa balikat.

Tinabig ko naman ang kamay niya. "Okay lang ako at hindi totoo iyong post ni Nelly. Wag kang paniwalain!" Akma ko na siyang tatalikuran nang hulihin naman niya ang pulso ko.

Lumungkot ang mga mata ni Charles. "Carlyn, 'wag mo naman akong itaboy. Nag-alala lang naman ako sa 'yo."

"Tangina naman, Charles!" Napipikon na ako sa kanya. Mumurahin ko pa sana ulit siya dahil ayaw niya akong bitiwan, nang mapatingin ako sa katabi naming pinto ng banyo.

Of all people, ang lumabas pa talaga mula roon ay si Jillian. Nagulat siya nang makita ako. Napalunok naman ako nang mapatingin agad siya sa aking kamay na hawak-hawak pa rin ni Charles.

"Carlyn, mahal pa rin kita kahit pa alam kong niloko mo lang ako. Kahit pa nga GF ka naman ngayon ni Isaiah Gideon, hinihintay pa rin kita."

Mukhang iiyak pa sana si Charles kung hindi pa siya napatingin kay Jillian. Nahinto siya sa pagka-sad boi at napayuko ng malamang may ibang tao. Nahiya siguro.

Nang makaalis na si Jillian ay parang ako naman ang maiiyak. Nagmumumura ako sa loob-loob ko.

"Carlyn..." tawag ni Charles sa akin.

Hinablot ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Nang hindi niya pa rin ako bitiwan ay tinadyakan ko siya sa paa. "Tangina ka, lumapit ka pa ulit sa akin pipigain ko na talaga 'yang itlog mo para hindi na dumami ang bobo sa mundo!"

Iniwan ko na si Charles at nanakbo na ako pabalik sa hagdan. Hindi ko na siya nilingon kahit sigaw siya nang sigaw. Badtrip na badtrip ako nang bumalik sa room namin. Nawala na ang uhaw ko at napalitan iyon ng matinding pagka-badtrip.

Pagkabalik sa room namin ay umupo agad ako sa upuan at sumubsob sa aking mga palad. Nasa ganitong ayos ako noong mag-beep ang phone ko sa bulsa ng aking suot na palda. Kinuha ko ito nang i-check ay parang hinaplos ng malamig na kamay ang dibdib ko.

Jordan:

Hihintayin kita sa bench mamayang uwian. Usap tayo.

Ilang minuto akong nakatitig sa text bago nagsimulang magtipa ng reply sa kanya.

Me:

Sige. Mag-usap tayo.

Hindi na nag-reply ulit si Jordan. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin pero sa tingin ko ay kailangan talaga naming mag-usap. Kailangan.

5 minutes before the bell ay tumayo ako mula sa pagkakaupo.

"Carlyn!" sigaw ni Isaiah nagpalingon sa akin sa pinto.

Humahangos siya papasok sa room namin at lumapit sa akin. Pawisan siya at namumutla. Kinabahan na ako agad dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Nakapag-piyansa ang putangina," hinihingal na sabi niya.

Umawang ang aking mga labi.

"Si Wayne, Car. Nakapagpiyansa siya tangina niya talaga. Pumunta siya rito kanina at please, 'wag kang mabibigla..."

"A-anong nangyari?"

"Si Herrera," sambit niya nang mariin. "Sinaksak ni Wayne si Herrera sa gate ngayon lang!"

Sa narinig ay nabitiwan ko ang hawak na phone at kasabay niyon ang pagdilim ng aking paningin.

JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro