Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

"ISAIAH?!"


Hinahagod niya ng mahahabang daliri ang kanyang buhok. Nang tumapat siya sa liwanag ay nakita ko na pawisan ang makinis niyang mukha, maging ang bridge ng matangos niyang ilong.


"Late na ba ako?"


Napanganga ako nang nasa harapan ko na siya. Nakatulala talaga akong literal. Nang mahimasmasan ako ay sinikmurahan ko siya.


"Tangina ka, bat ka nag-over the bakod, ha?! Gago ka ba?! Paano kung may makakita sa 'yo?!"


Kandaubo siya. Nalaglag ang susi ng motor niya sa sahig.


"Halika rito!" Sinabunutan ko siya at kinaladkad papasok sa sala. "Mamaya may makakita pa sa 'yo, machismis pa ako sa 'yong hayup ka!"


Pagpasok sa loob ay nakasimangot na kakamot-kamot siya ng ulo niya. "Happy birthday."


Isinara ko ang pinto at hinarap siya. "Paano mo alam na birthday ko ngayon?"


"Natandaan ko lang. Sorry kung na-late ako, dapat nga kanina pa ako, ang kaso lang nagkagulo kanina sa amin."


"O anong gulo?" Kinipkip ko nang maayos ang tuwalya sa harapan ko dahil wala akong bra. Nakaramdam na umiwas naman ng mga mata si Isaiah.


"Basta magulo. Muntik nang atakihin sa puso papa ko," sagot niya na sa kisame nakatingin. Mukhang tanga.


"O kumusta na siya?" Nag-alala ako sa papa niya. Nakita ko na ang papa ni Isaiah last PTA meeting, mabait saka pogi.


"Okay lang. Painom naman tubig o kaya kung me softdrinks."


Naglakad ako papunta sa kusina para ikuha siya ng softdrinks. Nakasunod naman siya sa likod ko. "Si Vivi pala nasaan?"


"Break na kami."


Napahinto ako sa pagsasalin ng Coke litro sa baso. "O baka naman izza prank na naman 'yan?"


Imbes sumagot ay nagtanong din siya. "Nasaan na tubig ko?"


"O!" Ibinigay ko sa kanya ang baso na may Coke. "Softdrinks 'yan para maluto bituka mo."


Uminom siya agad. Mukhang uhaw na uhaw, naubos iyong isang baso. Pagkainom ay nagtingin siya sa ref ng kung anong handa ko. Feel at home siya kahit ito ang unang beses niya na nakatungtong sa bahay namin. Usually kasi ay hanggang eskinita niya lang ako ihinahatid. Ayaw niya na pagusapan ako ng mga kapitbahay namin kapag nakitang inihatid ako ng lalaki.


Iniwan ko muna siya saglit dahil nagsuot ako ng bra. Pagbalik ko sa kusina ay nangangalkal pa rin siya sa ref namin.


Lumapit ako at inilabas ang mga pagkain.


"Bat walang shanghai?" problemadong tanong niya.


Tinabig ko ang kamay niya. "Napaka-demanding mo. Makikikain ka lang wala ka namang dalang regalo."


"Meron kaya." May inilabas siya mula sa bulsa ng suot niyang cargo shorts tapos inabot niya sa akin.


Pahablot ko namang kinuha iyon. Box na blue. Binulatlat ko agad ang laman. Kwintas. Unisilver ang tatak. Music note ang pendant na may nakasulat na maliliit na letra sa tangkay, nang titigan ay mababasa ang naka-engraved na pangalan ko.


"Ano, sino walang regalo?" nang-aasar na tanong niya.


Nag-ulap ang mga mata ko nang tingalain siya. "K-kailan mo binili ito?"


"Last week pa. 'Sabi sa 'yo, di ko makakalimutan birthday mo. E di nagdeklara ka ng gera."


Napangiti na ako. "Thank you, Isaiah!" Nabura na ang asar ko sa kanya. Sobrang na-touched ako na hindi niya nakalimutan ang birthday ko. Siya lang ang bukod tanging nagregalo sa akin. 


"Akina suot ko sa 'yo bago ka pa maiyak."


Ngiting-ngiti naman ako. Siraulo lang si Isaiah pero ang totoo, malambing naman itong hayup na ito. Generous at thoughtful din.


"Iyong syota mo ba? Pumunta?" tanong niya matapos maikabit sa akin ang kwintas.


"Nagsayaw kami kanina."


"Kanina?" Tumingin siya sa wall clock ng kusina, quarter to 12 midnight na roon. "Di pa talaga ako late."


"Ha?"


Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin sa pulso ko. "Ako pa rin last dance mo."


Napahawak ako sa balikat niya. "Muntanga ito. Wala naman tugtog."


"Ano ba request mo? Kakantahin ko na lang." Kinindatan niya ako.


Inirapan ko siya. "Bahala ka sa buhay mo..."


Ngumisi siya. "Bahala ka sa buhay mo? May kanta bang ganoon?"


"Pilosopo!" Kinurot ko siya sa tagiliran. Napangiwi siya pero ngumiti ulit. Mayamaya ay naghu-humming na siya ng kanta.


Hawak niya ako sa bewang habang ang mga braso ko ay nasa balikat niya. He was humming the song of Lil' Eddie, the Statue. Madalas namin iyong jina-jam sa school kapag walang teachers.


Ang tahimik ng paligid at ang malamig at masuyong boses lang ni Isaiah ang maririnig. 


"Oh yeah, oh yeah... When a day is said and done in the middle of the night, and you're fast asleep, my love. Stay awake looking at your beauty, telling myself I'm the luckiest man alive..."


Nang magtama ang mga mata namin ay nakangiti ang mapulang mga labi ni Isaiah sa akin. Kalmado ang maganda niyang mga mata.


"Ask myself why are you even with me after all the shit I put you through? What is the reason when you really could have any man you want? I don't see what I have to offer..."


Napayakap na ako kay Isaiah. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Masuyo niyang hinagod ng kanyang kamay ang buhok ko habang mahina siyang kumakanta.


"I'm like a statue stuck staring right at you. Got me frozen in my tracks so amazed how you take me back each and every time our love collapsed. Statue...

Stuck staring right at you... So when I'm lost for words every time I disappoint you..."


Matapos ang pagsasayaw namin ay napakain ulit ako. Hindi siya pumayag na hindi ulit ako kumain.


Sa sofa sa sala kami bumagsak pagkatapos. Magkatabi kami habang nagsa-soundtrip sa phone niya.


Nakahilig ako sa balikat niya habang nilalaro-laro naman niya ang mga daliri ko. Parang kapag nasa school lang kami, tamang jamming lang.


"Mahal mo ba si Herrera?"


Natigilan ako sa biglaang tanong niya. "Ha?"


Nang tumingala ako ay nakita kong titig na titig sa akin si Isaiah. "Paano mo nasisiguro kung mahal mo ang isang tao?"


"Aba, malay ko. Sa akin ka pa talaga nagtanong."


Hindi ko inaasahan ang tanong niya. Bukod sa minsan lang magseryoso si Isaiah ay mahirap talaga ngayon ang tanong niya. Mas mahirap pa kaysa sa mga problem sa Math na kailangan ng solution.


Mahina siyang nagpakawala ng paghinga. "Bakit kaya hindi na lang iyong mga nagkakasundo at walang issue sa isa't-isa ang magmahalan para walang problema?"


"Kung ganoon e di wala nang thrill."


Tumango-tango siya. "Sabagay."


Muli akong sumandig sa kanya.


Pinatay niya ang tugtog sa kanyang phone at binuksan ang camera. "May pictures ka ba ngayon, birthday girl?"


Napapalatak ako nang maalalang wala. Maski kami ni Mommy o ni Jordan kanina, hindi rin nakapagpa-picture. As in wala pala akong pictures ng 18th birthday ko!


"Habol pa 'yan," sabi ni Isaiah na itinapat sa amin pa-selfie ang phone.


"Ang putla ko!" tili ko dahil naghilamos ako kanina bago nahiga sa kama.


"Sus, okay lang 'yan. Smile, big girl!" Hinila niya ako at sunod-sunod na clinick ang shutter ng phone.


Nagpicture kami sa phone niya. Madami-dami rin. Lahat mukha akong tanga. May nakasimangot, may nakanganga, may blurred pa.


Lahat mukha akong bagong gising, samantalang siya ang fresh at ang guwapo-guwapo. Nananadya dahil lahat ipinost niya. Napakahayup talaga.


Ang caption: HBD, Big Girl!


"Burahin mo nga!" sigaw ko sa kanya dahil itinag niya pa talaga ang account ko. "Wala namanng makakakita niyang post mo, ala una na. Wala nang online."


"Akala mo lang iyon." Pinisil niya ang ilong ko. "Gantong oras gising ang mga bampira."


Hindi nga siya nagkakalamali, kasi mayamaya lang, inuulan na ng comments ang post niya na photos namin.


Nangunguna si Nelly, ang harot. Lintek na buntis, anong oras na gising pa.



Nelly Madlangbayan: Bat ang sweet naman ng midnight post?!!!


May mga comments din mula kina Asher at Miko. Mga gising pa nga!


Miko Pangilinan: Ship ko talaga ito kahit parehong siraulo.


Asher James Prudente: Sana may label din, tangina niyo.


Okay lang sana mga comments nang may maligaw na isa. Galing kay Charles. Nakabantay yata sa account ko ang lalaki kaya nakita agad ang tag photos sa akin ni Isaiah.


Charles Felix Columna: So he's the new apple of the eye?


"Sino itong hangal na'to?" nakakunot ang noong tanong ni Isaiah.


"Stalker ko 'yan. Patay na patay sa akin, 'wag mo nang pansinin."


Ang kaso, kung ano ang ipagbawal mo kay Isaiah ay siya namang talagang gagawin niya. Nagulat na lang ako pagtingin ko sa phone ko ay may reply na siya kay Charles.


Isaiah Gideon DV: Problema mo, pre?


Palaban din naman ang lintek na Charles. May reply rin agad.


Charles Felix Columna: Wala naman. Good luck sa 'yo pre.


Isaiah Gideon DV: Tangina! Sino ka ba? Taga Gov ka ba?


Charles Felix Columna: Oo bakit? May problema ka kung taga Gov ako?


Asher James Prudente: Tangina Miks @Miko Pangilian away o!


Miko Pangilian: Kay Isaiah ako syempre isang daan!


Inagaw ko na ang phone ni Isaiah. "Tama na nga! Bat pinapatulan mo pa 'yan?!" Hindi naman kasi talaga kapatol-patol si Charles. 


"Bastos e!"


"Hayaan mo na!" Ibinaba ko ang phone niya. "Umuwi ka na tutal nakakain ka naman na."


Nakasimangot siya nang tumayo. "Sino ba iyon? Akala mo kung sinong nakakaguwapo sa akin e."


Itinulak ko na siya sa kusina para magtigil na siya. "Umuwi ka na. Dala ka ng handa."


Na-excite naman ang loko. Ang guwapo-guwapo, sisiga-siga pero patay gutom.


Kumuha ako ng mga plastic na lalagyan ng ipapauwi ko sa kanya. Habang nagsasalin ako ng spaghetti sa transparent reusable tupperware ay dutdot siya nang dutdot ng cake.


"Uy, damihan mo pala. Dadalhan ko si Arkanghel," tukoy niya sa pinsan niyang suplado. Magkapit-bahay sila sa iisang compound.


"Gising pa ba iyon ngayon?"


"Oo. Nakiki-connect iyon sa wifi namin tuwing gabi. Inaaliw ang sarili. Malamang sa mga oras na ito, nanghihina na iyon sa gutom."


Inirapan ko siya. "Kadiri kayo!"


Pinisil niya na naman ang pisngi ko. "O bat dumi ng isip mo?!"


"Ano ba?" Inis ko siya tinampal sa mukha. Paano may icing pa iyong daliri niya na pinangpisil niya sa pisngi ko.


"Dagdagan mo spag. Favorite ng mama ko 'yan. Bibigyan ko para di ako pagalitan. Tapos damihan mo rin pizza. Iaalmusal ko para kape na lang kulang."


"Hayup ka, iuwi mo na kaya lahat."


"Pwede?"


"Oo ba basta kalimutan mo na si Vivi."


Ngumisi lang siya ay nakigulo na sa pagbabalot ng handa ko. Ang hayup, kalahati yata ng handa ko ang inuwi.


Alas dos na nang dumating si Mommy. Hindi na sila nagpang-abot ni Isaiah. Nagpahinga na rin ako pagkatapos.


Bago natulog ay itinext ko pa muna sina Isaiah at Jordan. Nagpasalamat ulit ako dahil sa kanila, naging masaya ang 18th birthday ko.



...

BAKIT HINDI SIYA NAGPAPARAMDAM?


Sa wakas, tapos na ang sembreak. Back to school na matapos ang ilang araw na nagdaan. Nagtataka lang ako at nag-aalala, mula kasi noong birthday ko, hindi na nagparamdam si Jordan.


Mula nang birthday ko, hindi ko na siya naramdaman. Tinitingnan ko ang Facebook niya, hindi talaga siya active. Never ko rin siyang nahuling nag-online sa messenger.


Nag-try ako na itext siya kinabukasan after ng birthday ko, nag-good morning ako at nag-thank you, pero wala siyang reply. Ewan ko kung wala lang ba siyang load o ano.


Maaga akong nagising ngayon dahil back to school na. Excited na akong makita siya. Inabangan ko siya sa may gate kaya lang inabutan na ako ng bell, si Jillian lang iyong nakita kong pumasok.


Naglakas loob na akong lapitan si Jillian. "Hi!"


Natigilan siya at napatingin sa akin pero hindi nagsalita. Nakatingin lang.


"Si Jordan?" nakangiting tanong ko.


Hindi ko naman ini-expect na ngingitian niya rin ako, pero mas hindi ko in-expect na de-deadma-hin niya ako. Bagsak ang balikat ko nang magsimula na siyang lumakad paalis.


Kandahaba ang nguso ko habang nakatingin sa papalayong babae. Ano bang problema nun? May regla ba siya ngayon?


Dahil nag-bell na ay no choice ako kung hindi bumalik na sa room namin. Ang sama ng loob ko dahil hindi ko talaga nakita si Jordan. Miss ko na siya.


Hindi ko na napigilan na hindi siya i-text noong lunch break. Nagtatype ako ng message para sa kanya habang naglalakad pabalik sa room ko dahil hindi ko rin siya nakita sa canteen. Ayaw ko naman siyang puntahan sa room nila dahil nahihiya ako.


Me to Jordan:
Busy ka ba? Bakit hindi kita makita? Bakit di ka nagrereply?


Wala na namang sagot. Naisip ko na baka wala nga siyang load. Hindi naman kasi siya pala-text.


Nagpunta na ako sa messenger niya at doon nagsend sa kanya ng message.


Hi! Sabay tayo maya!


Wala rin. Grey ang check. Inbox zoned ako.


Ano kayang problema niya?


Nag-Facebook na lang muna ako para pamatay ng boredom. Sa timeline ko ay marami-rami nang inaaning likes at comments ng tagged photos sa akin ni Isaiah. May mga tangang nag-share pa nga.


Nagbasa-basa ako ng comments. Daming bitter. May nagsabi pa na mang-aagaw raw ako. Nakasagot naman agad ang lintek na Nelly.


Nelly Madlangbayan: Excuse me? Hindi inagaw ni Carlyn si Isaiah kay Vivi, si Carlyn ang original!


Ang daming reactions ng punyetang comment ni Buntis.


Parami nang parami ang comments. May nag-tag pa kay Vivi. Kakairita. May comment din si Isaiah kaninang 30 minutes ago.


Isaiah Gideon DV: Magsitahimik kayo ang iingay niyo. Magtoothbrush kayo.


Gago talaga. Nilingon ko siya at hayun, naroon siya sa upuan niya ngayon at naghihilik.


Tumayo ako at tinabihan siya. Pinalayas ko sina Asher at Miko na lumipat sa tabi ko.


Nang makatabi ko na si Isaiah at kinutusan ko siya. Hindi naman siya nagising. Hinila niya lang ang kamay ko ay ginawang unan.



Pagkaalis ng teacher namin ay last subject na. Wala na naman kaming teacher. Nabuhayan ako ng dugo. Kapag ganito kasi ay automatic na darating si Jordan. Na-excite ako dahil miss na miss ko na talaga siya.


Ang kaso hindi si Jordan ang pumasok sa room namin, kung hindi si Lou!


Napaungol si Asher sa tabi ko. "Parang gusto ko na ring magka-syota ng taga Science Class!"


Nilingon ko siya at pinandilatan. "Itatakwil kita kapag syinota mo 'yan!"


Hindi nagpatinag si Asher. Buong oras na nasa room namin si Lou ay panay papansin ang lalaki. Si Lou naman ay halatang nabubwisit na, pero kalaunan ay namumula na.


Paglabas ni Lou ng classroom namin ay tinulungan siya ni Asher sa pagdala ng mga manila paper. Namumula ang mukha ng babae dahil malamang, dinidigahan ng walanghiya kong tropa.


"Tangina, mukhang may masisirang buhay," komento ni Miko.


"'Yaan mo sila, matatanda na sila."


Good luck na lang to Lou. Knowing Asher, di siya tatantanan ng lintek na iyon hangga't di siya napapa-oo. Maigi nga nang mawala ang tinik sa landas ko. Hehe.


Itinext ko ulit si Jordan at nang wala pa rin siyang reply, pinasahan ko na siya ng load. 5 pesos.


Me to Jordan:
Huy, sabay tayo maya!


Wala pa rin siyang reply kaya nag-missed call na ako.


Baka nagka-klase pa siya kaya tinigilan ko na muna ang kaka-missed call. Titiyakin ko na lang na magkikita kami mamayang uwian.


Hindi ako mapakali hanggang sa tumunog na nga ang bell.


Nagmamadali akong tumayo bitbit ang bag ko. Sumibat agad ako at dumiretso sa gate para mag-abang. Desidido talaga ako na hintayin si Jordan.


Ang tagal, putek. Nananakit na mga binti ko, wala pa siya.


"Scammer!" sigaw na nagpalingon sa akin.


Napasimangot ako nang makita ang matangkad, guwapo sana kaso mukhang malokong lalaking estudyante.


Nang magsalita siya ay nakita ko ang silver niyang hikaw sa dila—si Hugo Emmanuel Aguilar!


"Limang daan ko!" Mahina niya akong kinutusan sa ulo nang makalapit siya sa akin.


"Anong limang daan? May ebidensiya ka?!"


"Tangina, hustler ka talaga!"


"Okay lang 'yan, di naman kabawasan sa yaman mo iyong five-hundred. Gusto mo, donate ka pa."


Iiling-iling na ngumisi siya. "Pasalamat ka talaga!"


Nag-apir kami tapos lumakad na siya papunta sa kinapaparadahan ng motor niya. Magkatabi ang motor nila ni Isaiah.


Kinakawayan ko siya nang matanaw na paparating si Jordan. Kasabay niya sa paglalakad ang kapatid niyang si Jillian. Napangiti agad ako.


Mukhang wala ang mommy at daddy nila, siguro sabay na uuwi sila ngayon  pa-commute. Humakbang ako pasalubong sa kanila. "Ko-commute lang kayo?"


"Kuya, una na ako sa labasan," mahinang sabi ni Jillian na nauna nang maglakad. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.


Nakatingala naman ako kay Jordan at hinihintay siyang magsalita. Sobrang namiss ko siya. Tahimik lang siya. Ah, baka pagod siya.


Baka napagod sa first day of school. Ganoon yata kapag nasa science class, pressured talaga kahit katatapos lang ng sembreak.


Sinabayan ko siya sa paglakad niya. Panaka-naka ko siyang tinitingala. Tahimik lang talaga siya. Wala rin akong makitang kahit anong emosyon sa kulay tanso niyang mga mata.


Dahil sa pananahimik niya ay nagsimula na akong mailang kaya nagbukas na ako ng usapan. "Uhm, nareceive mo ba iyong text ko?"


Wala akong natanggap na sagot. Parang sa mga text ko lang rin sa kanya, deadma.


"Niloadan kita," mahinang sabi ko.


"Ibabalik ko na lang sa 'yo ang load mo," casual na sagot niya.


Natigilan ako at napatingala sa kanya. "H-hindi ko naman sinusumbat. Niloadan lang kita kasi akala ko wala ka lang load kaya di ka nagrereply..."


Wala na siyang sinabi. Tahimik na lang kami na naglalakad. Kapag tinitingala ko siya, tuwid lang ang tingin niya. Hindi man lang siya tumitingin sa akin... 


"Uhm, galit ka ba?" hindi na ako nakatiis na hindi magtanong.


Parang iyong sa simula lang kasi noon, ang lamig. Hindi na ako sanay na ganito siya.


"No," maiksing sagot niya at hindi na ulit siya nagsalita.


Mula sa kanto, sa may sakayan ay naghihintay sa kanya si Jillian. Kinawayan siya nito.


Nang malapit na kami kay Jillian ay nanakbo ang babae palapit sa amin. "Kuya, sabay raw sa atin si Lou."


Si Lou? Magkakilala talaga sina Jillian at Lou?


Sa tindahan sa kanto ay naroon nakatayo si Lou. Nakangiti ang babae. "JM, okay lang bang sumabay ako sa inyo? Pupunta ako ngayon sa tita ko sa Pascam e."


Kumapit si Jillian sa braso ni Lou. "Oo naman, gusto ni Kuya iyon!"


Nasa likod ako ni Jordan kaya hindi ko makita ang reaction niya. Hindi siya nagsalita pero mukhang hindi siya tutol na kasabay nila si Lou.


Kasabay lang nila dahil hindi naman nila ako kasabay. Ayaw nila akong kasabay at si Jordan... hindi niya ako pinapansin. Pero umasa pa rin ako nang kaunti...


Umasa ako na titingnan ako ni Jordan, at hindi iyon nangyari...


"Tara na, Kuya!" Hinila na ni Jillian sa kamay si Lou para tumawid sa kalsada.


"JM, come on!" sigaw ni Lou. Sinasadya na hindi ako tapunan ng tingin. Wala naman akong pakialam.


Naiwan na lang ako sa kinatatayuan ko. Hindi na para humabol pa ako sa kanila dahil obvious naman na ayaw nila akong kasama. Kahit si Jordan, ayaw akong kasabay.


Iniwas ko na ang paningin ko sa kalsada. Masama ang loob ko. Nag-iinit ang mga mata ko nang sumandal ako sa gilid ng tindahan. 


Nakakapanghina. Gusto kong matawa pero hindi ko magawa, ang sakit ng dibdib ko. Bigla na lang sumakit, hindi ako makahinga.


Ang huling beses na nakaramdaman ako ng ganito ay iyong noong bata pa ako. Nakasabay namin ni Mommy sa simbahan ang pamilya ni Daddy. Tinawag ko si Daddy pero hindi niya ako pinansin. Ang sakit niyon para sa akin. Doon ko rin nalaman na ang kasama ni Daddy noon ay ang tunay at ang legal niyang pamilya.


Sa pagkurap ko ay may tumulong butil ng tubig sa ibabaw ng ID ko. Napasinghap ako nang marealized na luha ko pala iyon. Lalong bumigat ang pakiramdam ko.


Pigil-pigil ko ang aking paghikbi nang may huminto sa harapan ko. Sumikdo ang dibdib ko nang tingalain ko kung sino siya. 


Natulala ako nang masalo ko ang malamlam na kulay tanso niyang mga mata. Bakit bumalik siya?


Bakit bumalik si Jordan?! 


Pagtingin ko sa kalsada ay nakaalis na ang jeep kung saan natanaw kong nakasakay sina Jillian at Lou. Anong nangyari? Bakit hindi siya sumabay sa kanila?


Iyong mga iyon ang kasabay niya, ayaw niya naman na sa akin, di ba? Bakit bumalik pa siya—


Hinuli niya ang pulso ko at hinila ako. Pinunasan niya ng kanyang panyo ang luha sa mukha ko.


"Sorry na. Tahan na..."


JF

Song credits: Statue by 'Lil Eddie



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro