Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

"SORRY, I'M LATE!"


Kakamot-kamot ng batok si Arkanghel nang pumasok sa room. Nahinto tuloy sa pagsasalita si Mrs. Janette Borja, our class adviser and first subject teacher.


"Hindi lang late. Patapos na ang klase ko, Del Valle!"


Tama! Grabe kasi kalahati na ng klase. Late pa ba iyon? Cutting na iyon. 


"Sorry po, Ma'am." Yukong-yuko si Arkanghel.


I sighed and rolled my eyes. Halata namang tamad siya. Obvious na tinanghali ng gising dahil hindi man lang nakapag-plantsa ng polo. Hindi tulad nang basta niya lang hinubad na polo dahil this time ay parang hahabulin na siya ng plantsa sa pagkagusot. Pati nga ID lace niya ay wala sa ayos sa pagkakasuot. Ni wala rin siyang dalang kahit isang notebook at malamang na wala ring ballpen.


Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa upuan niya. Dinaldal naman siya agad ng pinsan niyang si Isaiah at ng isa pa sa tropa nila, si Miko Pangilinan.


"Ngayon lang siya nalate. Anyare?" komento ni Carlyn sa tabi ko.


"Baka gumala kahapon," balewalang sagot ko.


Kinuha na ni Mrs. Borja ang lesson plan niya sa desk. "Class, be ready for tomorrow. May long quiz tayo."


"Yes, Ma'am," the whole class answered in chorus.


Again, I glanced at Arkanghel. Nakayuko siya sa desk niya, matamlay. Siguro inaantok pa.


Nagpa-assignment si Mrs. Borja kaya naging busy ang lahat sa pagsusulat ng notes.


"Ano bang meron, Sussie?" Nakapangalumbaba si Carlyn habang nakakiling ang mukha sa akin. Tapos na siyang magsulat. "Sa kanan, si Hugo. Sa kaliwa, si Arkanghel."


Ibinalik ko ang notebook ko sa bag. 


"May bayad ba 'yang pagtitig sa 'yo? Ang sipag nila e."


Salitan na napatingin naman ako sa dalawa. Oo nga nakatingin pareho sa akin. Parang mga tanga.


"Naconfused tuloy ako kung ikaw ba iyong blackboard kasi sa 'yo nakatitig habang nagsusulat."


"Wag mo na nga pansinin!" nag-iinit ang mukhang sita ko kay Carlyn.


Natapos ang last morning subject namin na talagang halos magka-stiff neck ako. Hindi talaga ako lumilingon kahit nakakailang dahil ramdam na ramdam ko na kabilaang may nakatitig sa akin.


Ano ba kasing problema ng dalawang iyon? Bakit ba ako ang napagti-tripan nila, ha? Nakakainis na talaga.


"Wala talagang nagpatalo o."


Sinamaan ko ng tingin si Carlyn.


"Girl, may gusto talaga sa 'yo si Hugo."


"'Sinasabi mo riyan?!"


"Si Hugo sabi ko, crush ka. Si Arkanghel naman, ewan. Pakiramdaman ko pa."


"Carlyn naman... Issue ka! Saka si Hugo talaga? Hello?"


"Elementary pa lang paborito ka na niyang i-bully, di ba? Di yata kompleto araw nun na di ka inaasar."


"So what? Ganoon lang iyon. Walang magawa sa buhay. Nakakainis kasi dapat hindi na lang siya rito nag Grade 8. Sana nag-stay na siya sa St. John or sa Bethel Academe."


"Anong magagawa natin e sa nandito iyong mama niya? Teacher dito." Bumungisngis siya. "Pero di ba crush mo si Hugo dati?"


"Alam mo bang hanggang ngayon pinagsisisihan ko pa na naging crush ko iyon? Ew, Car! Di ko alam anong nakain ko na nagka-crush ako sa kanya!"


"Ito naman!" Pang-iissure pa niya. "Ikaw na rin nagsabi na crush lang naman. Walang masama. Kung maka-react ka riyan akala mo ex mo na iyong tao!'


"Tara na nga!" Hinila ko na si Carlyn nang maglabasan na rin ang mga classmates namin para maglunch.


Hindi kami nag rice ni Carlyn sa break time. Tag-isang burger lang kami. Sa tapat ng school gate kami bumili, sa Ate Baby's Burger. Hindi rin kami nag-softdrinks, mineral water lang.


"Bitin ako, girl," himutok niya habang naglalakad kami pabalik sa school.


"Wag mo nang ipaalala," angil ko sa kanya. "Nagco-control na nga ako!"


Pagbalik namin sa room ay wala pa ang ibang classmates namin. Yung iba naman ay nasa tapat lang ng bintana. May mga kakwentuhan na tagakabilang section.


Nasa loob na kami nang mapahinto si Carlyn. "Wait! Yung sukli ko sa burger, nakalimutan ko! 32 din iyon!"


"Balikan mo."


Nagmaktol naman siya. "Hmp! Alam ko na di mo ako sasamahan!"


Umupo na ako sa upuan ko habang hinihintay siyang bumalik. Chineck ko muna ang phone ko kung may text si Tatay Bear at nang makitang wala ay nagbuklat-buklat na lang ako ng notes. Inihanda ko na rin ang notes ni Carlyn para pagbalik niya ay hindi na siya makaangal pa.


"Kina-career, ah." Pumasok si Ruth kasunod niya ang dalawang classmates namin na mga friends niya at katabi sa upuan. Nagpaiwan siya dahil huminto pa siya sa harapan ng desk ko.


Tiningnan ko lang siya.


"Sure na ikaw ang top 1."


"Malay mo ikaw."


Napatakip siya ng bibig na tila nahiya. "Uy, di ah... Ang lazy ko na ngayong year."


Sumunod naman na pumasok sa pinto sina Arkanghel at Isaiah. Katulad kanina ay matamlay pa rin si Arkanghel pero noong nakita ako ay biglang nagbago ang mood niya. Ngumisi agad siya at nagpaalam sa pinsan.


I busied myself reading my notes dahil akala ko lalampas siya kaya nagulat ako nang naupo siya sa bakanteng upuan ni Carlyn para tumabi sa akin.


"Kumain ka na?"


"Kahit subuan mo pa ako, hindi pa rin ako mapo-fall sa 'yo," I sneered.


"Cute mo talaga."


"I know, right?"


He laughed. "Ge diet ka na."


"Ibato ko kaya 'tong notebook ko sa 'yo?"


Ngingiti-ngiti pa siya na akala mo nakakatuwa siya.


"Bakit gusot polo mo?"


Nabura bigla ang ngiti niya kasabay ng paglamlam ng kanyang kulay abong mga mata.


"Late ka na nga, sana sinulit mo na. Nagplantsa ka na sana ng uniform mo," sa inis ko ay di ko na napigil ang bibig ko. "Kung di ka marunong magplantsa, sana nagpa-plantsa ka man lang sa mama mo. Ano, di ka love? O la ka mama?"


Nakatingin na lang siya sa akin this time. Hindi nakangiti or what. Basta nakatingin na lang. Mayamaya ay tumayo na siya at kakamot-kamot ng ulo na sumunod kay Isaiah sa upuan nila. Ewan ano trip. Bahala siya. Pake ko!


Carlyn went back to her seat beside me. "Uy nakita ko si Arkanghel dito? Anong pinag-usapan niyo?"


"Wala. Nang-asar lang na naman!"


Nagpasukan na rin ang ibang classmates namin. Pati si Hugo ay pumasok na sa room. Hindi niya kasama ang mga alagad niyang sina Lucky at Lexus. Busy siya sa phone niya pero tumingin siya sa akin saglit.


"Hindi na lang talaga si Hugo ang kontrabida sa buhay mo." 


Umismid ako. "Magsama sila!"


"Pero sana may gusto na lang sila sa 'yo para love triangle!"


"Carlyn!"


"Oo na po! CR na lang tayo habang wala pa si Sir Romero," yaya niya. "Please samahan mo na ako."


"Hindi ako naiihi. Ikaw na lang."


Umikot ang bilog ng mga mata niya. "Tsk... Ano pa ba aasahan ko sa yo?"


Tumayo na si Carlyn kaya nagkaroon ng space sa tabi ko. Nakita ko tuloy si Hugo. He was looking at Arkanghel. Nang makita niyang nakatingin ako ay nag-iwas agad siya ng mata. Problema niya?


Saglit lang ay bumalik na si Carlyn. See? Okay talaga na wala siyang kasama sa rest room dahil hindi siya nagtatagal. Ako naman ang tumayo pag-upo niya. "Ako naman magre-rest room."


"Sama!" Nagpuppy eyes siya.


"Di na. Kagagaling mo lang roon e saka mabilis lang ako."


"Hmn daya. Sige na nga!" Nakasimangot na nag-thumbs up na lang si Carlyn dahil alam niya na hindi ko talaga siya pasasamahin. Iniwan ko na siya bago pa siya manumbat.


Mabilis lang naman talaga ako magbanyo kasi hindi ko naman sinasabayan ng gala. Hindi rin ako nagre-retouch dahil parating na ang teacher namin. Wala na rin gaanong estudyante sa daan. Paglabas ko ng rest room ay hindi muna ako lumiko sa hallway pabalik sa room dahil nakarinig ako ng usapan sa likod ng hagdan.


"Bilisan mo riyan, darating na si Ma'am."


"Teka. Tatlong hithit na lang." May usok at amoy candy kaya malamang na nagv-vape ang nakatago sa likod ng hagdan.


"Ge bilisan mo. Pahingi rin ako ng juice mamaya, ah?" Muli ay pagkalat ng usok na amoy candy. "Akin dapat 'yan e. Naunahan mo lang ako umarbor kay Hugo."


Ang dalawang estudyante ay ang tropa ni Hugo na sina Lucky at Lexus. Binansagan silang LC boys.


"Gago. Sa akin bigay kasi ako iyong naghatid sa mama ni Arkanghel sa guidance office kahapon!"


Arkanghel? Anong kinalaman ni Arkanghel? Saka nandito sa school ang mama ni Arkanghel kahapon?


Pumalatak si Lucky. "Lakas talaga ng mommy ni Hugo. Pero totoo rin naman na nagka-cutting si Arkanghel e, nataon lang na ngayon siya naisumbong. Malas niya lang talaga."


"E totoo rin ba na kasali siya sa frat?" si Lexus na hinihinaan ang boses pero malakas pa rin naman. Patuloy rin ang pagkalat ng usok na amoy candy.


"Ewan. Pero pinatawag na ang parents ni Arkanghel kahapon. Kinausap ng principal. Di mo ba nakita?"


"Oo andoon ako. Gago astig! Nakutusan siya ng mama niya! Mga lima!"


"Bugbog iyon malamang pag-uwi. Dumating din daw iyong papa niya e. Hinila siya ng pingot hanggang gate." 


Hindi na ako nakatiis at nagpakita na ako sa kanila. "Sinumbong ni Hugo si Arkanghel?"


Natigil sila sa pagchi-chismisan at pagsasalitan sa vape.


"Kailan 'to?" Hinila ko sa kwelyo si Lexus since siya iyong mas malapit.


Tinabig niya ang kamay ko pero sumagot din naman. "Kahapon."


Mabilis ang mga hakbang ko pabalik ng room. Si Isaiah lang ang nakita ko sa upuan. He was busy strumming his guitar. "Isaiah."


"O?" tamad na sagot niya. Hindi niya ako tiningnan.


"Anong nangyari kay Arkanghel kahapon?"


Saka lang siya tumingala. He just had a blank expression.


"Dumating ang parents niya?"


Hindi siya sumagot. Tumango lang.


"Sinumbong siya ni Hugo?" tanong ko kahit sigurado na.


Umismid ang manipis at mapulang mga labi ni Isaiah. "Isang beses lang nag-cutting si Arkanghel. Kailangan niya ng pambayad sa fieldtrip kaya sumideline siya sa talyer."


"Kasali siya sa frat?"


"Nope. Takot lang nun kina Tita Roda at Tito Kiel."


Ang mga iyon siguro ang mga magulang ni Arkanghel. "Sinaktan ba siya ng parents niya?" maingat na tanong ko.


Ibinaba ni Isaiah ang gitara saka hinawi ang bahagyang mahabang bangs sa noo saka ako tiningnan nang nakakaloko. "Hindi naman. Hinampas lang siya ng plantsa kaya wala na silang plantsa. Okay na? Nasagot na ba tanong mo kung bakit gusot uniform ng pinsan ko?"


Napalunok ako.


"Solved? Alis na!" Itinaas niya ang kanang kamay para itaboy ako.


Napayuko ako. "Sorry..."


"Bat ka sa akin nagso-sorry?" he asked with a sarcastic smile. "Alis na!"


Tumalikod na ako para bumalik sa upuan ko. Pagtalikod ko ay sakto namang pagpasok ni Arkanghel sa pinto. Nagtama ang mga mata namin.


Hanggang sa makalapit siya ay hindi na ako nakaalis sa kinatatayuan ko. Kahit pa nga may mga dumaraan kaming classmates sa aisle na naiinis na dahil sa nakaharang ako sa daan. Mabuti na lang at wala pa kaming teacher for the next subject kaya maingay at magulo pa ang room, hindi gaanong napapansin ang pagka-estatwa ko rito.


Nakapamulsa si Arkanghel sa suot niyang slacks nang huminto siya sa harapan ko. Parang nagtataka siya kung anong ginagawa ko rito.


"Arkanghel..." mahinang tawag ko sa pangalan niya.


"Ow?" Tinaasan niya ako ng kilay.


Hinila ko siya sa balbon niyang braso para makaupo kami sa bakanteng upuan at hindi makaharang sa daan.


Inginuso niya ang side nila Hugo pag upo namin.


Nakatingin sa akin si Hugo at iyong LC Boys. Ano na naman? Tingin pa ni Hugo akala mo may ginagawa kami ni Arkanghel na masama. Sana lang wala na naman siyang gawin na ikapapahamak ni Arkanghel dahil baka hindi na iyon kayanin ng konsensiya ko.


"May gusto sa 'yo si Puti," he said clearly, and matter-of-factly, but grimly.


Puti? Ah, si Hugo kasi mestizo.


Namilog ang mga mata ko nang mag-sink in sa akin ang sinabi ni Arkanghel. "Huy wala! Gusto lang niyan na siya lang nang-aasar sa akin!"


Tinaasan lang niya ako ng kilay.


"Ano ba 'to?! Hello? Taba ko! Dami naman nagkakagusto sa kanya para magkagusto siya sa akin. Ex pa nga niyan muse sa Buenavista."


Hindi siya kumibo.


"Bakit?" tanong niya pagkuwan.


"Ha?" Napakurap ako. "Anong bakit?"


"Bakit mo ko kinakausap? Allergic ka sa akin kanina lang, ah? Mukha na ba akong fried chicken ngayon kaya bigla kang bumait?"


"Abnormal ka talaga!" Inirapan ko siya.


"E bakit nga?" Nangalumbaba siya sa desk habang nakatingin sa akin. He was looking at me with a wry smile on his face and an amused twinkle in his eyes.


"Uhm, tungkol sa polo mo..."


Lumamlam ang mga mata niya.


"Sorry."


"Ano?" he asked as the right corner of his lips curved up.


"Sorry..." I repeated.


Ikiniling niya ang ulo para silipin ako. "Ano nga?"


I looked away, feeling a little awkward. "Sabi ko sorry..."


"Di ko talaga marinig."


Napapadyak na ako. "Sabi ko libre kita fishball saka pamasahe mamayang uwian!"


Hindi siya nakapagsalita. Nakatingin lang siya kaya akala ko tatanggi siya. I was about to take it back when he burst out laughing.


Nakanganga lang ako sa kanya sa gulat.


Tatawa-tawa pa rin siya nang lumapit ulit. Nakangising pinisil niya ang magkabila kong pisngi. "Ano na naman kaya ang magiging kaso ko bukas sa guidance office?"


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro