Chapter 38
SAN BA IYONG KWARTO NI ART?
I followed his instructions. Nilampasan ko ang malaking piano na katapat ng pinanggalingan kong guestroom. Patingkayad ang aking mga hakbang habang tinatalunton ang daan. Dire-diretso lang raw tapos biglang liko. Basta sa dulo raw na kwarto ako hihinto.
Nakakainis kasi bakit hindi na lang ako sinundo ni Art? Ang laki kaya ng bahay nila. Sa dami ng pinto, parang gusto ko nang mahilo. Tapos nakakainis pa kasi napapaisip ako kung saan din ba rito ang kwarto ni Arkanghel? Kung malaki ba ang kanya?
Malamang malaki rin ang kanya. Wolfgang siya e!
Mansion nila ito. Sila ang mga amo rito kaya malamang na malalaki ang mga kwarto nila. Baka iyong sukat ng banyo ng kwarto nila ay mas malaki pa sa sukat ng studio type apartment ko sa Pasig. Tiyak din na may kanya-kanya silang bathtub. Baka nga jacuzzi pa.
Habang marahang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi humanga sa paligid. Ang laki kasi at ang aliwalas. Maski ang hallway, may chandelier. Sosyal sa kahit anong anggulo.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang patuloy rin sa pasimpleng pagmamasid sa paligid. Nagbeep ang phone ko kaya sandali akong huminto para i-check ito.
Handsome Artemi:
Where are you? Antok na ko.
Ngumuso ako. E di matulog siya, bubulabugin ko na lang siya ng katok mamaya. Alam ko naman na kung saan ang kwarto niya. Sabi niya, basta diretso lang daw ako hanggang dulo.
Kung hindi nga lang maaliwalas ang paligid ay baka ma-imagine ko ang mga eksena sa binasa kong Horror-Romance book na Casa Inferno. May nag-iisang pinto rin kasi sa dulo ng hallway niyon. Tapos may gwapo at masungit ding bida. Just like Arkanghel.
Hmp yang Arkanghel na 'yan, nag-States lang, sumungit na. Itsura niya! Parang dati lang, patay na patay siya sa akin e!
Pa-English-English pa siyang nalalaman diyan e sa Math lang naman siya magaling noong nag-aaral kami. Hindi niya nga alam ang spelling ng "courage" dati.
Hindi ko naman gustong maging mapait, hindi lang talaga maiwasan. Kung hindi lang talaga dahil kay Ma'am Ingrid, hindi naman din ako pupunta rito sa kanila. Basta, bukas na bukas kapag wala nang bagyo, uuwi na ako. Kahit hindi pa humuhupa ang baha, uuwi pa rin ako. Everything will go back to normal after I leave this house tomorrow.
Nang makarating ako sa dulo ng hallway ay huminto ako sa nag-iisang pinto na naririto. Art was right, nag-iisa nga lang talaga ang pintong ito. Sa tapat nito ay nakasabit ang painting ni Pablo Picasso.
Inihanda ko ang ngiti ko saka ako kumatok. Sunod-sunod na katok, iyong walang pahingang katok. Bahala siyang mabulabog sa loob.
Nakasampung katok na akong sunod-sunod, hindi pa rin siya nagbubukas. Baka nakatulog na nga sa kahihintay sa akin.
I knocked on his door again. Sunod-sunod ulit. Mas malalakas. Gusto ko talagang marindi siya at magkumahog sa pagbangon at pagbukas ng pinto.
Dahil malayo na ito at nag-iisang kwarto lang ito rito sa dulo ng hallway ay okay lang kahit mag-ingay ako nang kaunti.
Inilapit ko ang nguso ko sa pinto saka ako nagsalita. "Hoy pakibilisan ang pagbukas! Nangangawit na ako rito!"
Sinundan ko pa ulit ng sunod-sunod ng katok. Nang bumukas iyon ay ngiting-ngiti ako. Pero nabura rin ang ngiti ko dahil hindi naman si Art ang nasa harapan ko.
It was Arkanghel who's wearing nothing but his silk white pajamas that dropped dangerously low on his hips. His dark hair was slightly disheveled, indicating that he'd just woken up. Oh my God! Nagising ko ba siya?!
Pero bakit siya? Nasaan ang walanghiya, salot at hudas niyang kapatid?!
Saka bakit wala siyang suot na t-shirt? Hindi ba maginaw?!
And what happened to his body? Ang lapad ng balikat at dibdib, tapos iyong tiyan niya, patag na patag at may pandesal na. Dati cute zone lang iyon, ngayon hazard zone na!
Hindi na ako nagtangkang mas ibaba pa ang mga mata ko. Ayaw ko, hindi ko na kaya. Hindi ko matanggap na sa loob lang ng ilang taon, naging delikado na siya!
Nang mag-angat ako ng paningin sa kanya ay nakataas sa akin ang isa sa makakapal niyang kilay. "What can i do for you?"
His disheveled hair became messier when he ran his long fingers through it.
"Ah..." Para akong biglang nabulunan. I worked my mouth a few times before I actually spoke. "S-sabi ni Art dito raw ang kwarto niya..."
Hindi nagbago ang pagkakataas ng isang kilay niya.
"Ahm uhm, sige." Ibinaling ko ang paningin ko sa daan pabalik. "Puntahan ko na lang yung kwarto ni Art... Ah, saan ba?"
"He left after dinner."
"Ha?" Napalingon ulit ako sa kanya.
He was staring at me like he was seeing something very interesting. Napaayos ako nang pagkakatayo nang maalala ang suot ko. Pasimple kong ipinagkrus ang mga braso ko sa harapan ng aking dibdib.
"Kanina pa siya umalis paghatid niya sa 'yo sa guestroom," swabe nang pagta-Tagalog niya.
Umawang ang mga labi ko. Hindi ko mapag-desisyunan kung ano ang unang papansinin, iyong pagsasalita niya ba o iyong sinabi niyang kanina pa pala wala iyong walanghiya, salot at hudas niyang kapatid?!
I tried to act normal para naman hindi ako mukhang naiilang sa paningin niya. "Uhm, siguro naman pauwi na rin si Art kasi sabi niya magne-Netflix daw kami. Wait ko na lang siguro siya sa guestroom—"
"I don't think so. He went to his condo dahil may naghihintay raw sa kanya roon."
"P-pero sabi niya kasi..."
"You can call him to clarify."
Nang balikan ko ng tingin ang hallway na aking dinaanan kanina ay napakagat-labi ako. Ang tahi-tahimik ng paligid. Parang biglang naging malayo pabalik. Parang biglang nakakatakot knowing na magdamag akong mag-isa sa kwarto ko dahil wala naman pala si Art.
"Punyeta talaga 'yang kapatid mo," hindi ko na napigilang masambit.
Natutop ko ang aking bibig nang ma-realized ang nasabi. Nahihiya akong tumingin sa reaction niya pero mabuti naman at wala siyang reaction.
"Sige, balik na lang ako sa guestroom. Wala naman siguro multo rito no—" Hindi pa ako tapos magsalita nang biglang mamatay ang ilaw.
Huminto ang tibok ng puso ko at nanigas ang aking leeg.
"Hey, 'you okay?" narinig kong tanong niya.
Hindi ako makapagsalita. Hindi rin ako gumagalaw mula sa kinatatayuan ko. Ang dilim ng paligid at kung maglalakad ako, baka mauntog ako sa pader. O kaya baka sa kanya pa ako mauntog.
"Damn." I heard him utter a curse.
"A-andito pa rin ako..." sabi ko baka kasi akala niya kinain na ako ng dilim.
Teka, wala ba silang generator? Bago pa masagot ang tanong ko sa isip ay bumalik na ang ilaw. Salubong ang mga kilay ni Arkanghel habang nakatingin siya sa akin.
"Bakit ang tagal mong magsalita?" sita niya sa akin.
Sasagutin ko sana siya nang biglang may magsalita. "Aki?" boses mula sa dinaanan ko kanina.
Nagkatinginan kami ni Arkanghel.
"Aki, gising ka pa, Kuya?"
Si Ma'am Ingrid!
Nahugot ko ang aking hininga. Papunta si Ma'am Ingrid dito at makikita niya ako. Anong pwedeng dahilan kung bakit nandito ako sa harap ng pinto ng kwarto ng panganay niyang anak? Nang ganitong alanganing oras? At nang ganito kanipis at ka-sexy na pantulog?!
Nagsimula akong mag-panic. Baka kung anong isipin ni Ma'am Ingrid. Baka magalit siya sa akin. Baka palayasin ako at—
Hindi ko na natuloy ang pag-iisip dahil nag-blangko ang utak ko nang biglang hulihin ni Arkanghel ang aking pulso. Nandilat lalo ang mga mata ko nang hilahin niya ako papasok sa loob ng kanyang kwarto.
"Shhh... You don't want her to see you, right?" anas niya sa aking punong tainga nang marahan niya akong isandal sa pinto.
Ang kulay abo niyang mga mata ay nakatitig sa mukha ko nang tingalain ko siya.
Narinig ko ang pagpindot niya sa lock pagkatapos.
"I guess you'll be staying here in my room tonight."
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro