Chapter 35
YOU WERE CALLING MY NAME...
Totoo ba iyon? Tinatawag ko ba talaga ang pangalan niya kanina habang natutulog ako sa backseat? Ginawa ko ba talaga iyon?!
Kumikirot ang sentido ko. Pumipitik ang mga ugat ko sa ulo. Hindi ko alam ang uunahing isipin. Kung iyong tungkol sa itsura ko at sinasabi ko ba habang tulog, o iyong fact na siya ang naghatid sa akin from QC to Cavite?
Nagbeep ang phone ko. Kinakabahan pa akong i-check iyon dahil baka siya ulit. Hindi ko alam ang ire-reply. Wala nga akong reply sa text niya kanina. Nang makitang si Art ang nagmessage ay saka lang naging normal ang paghinga ko.
Handsome Artemi:
Sorry katatapos lang ng party. Kumusta? Maayos ka bang nakauwi?
Ngumiti ako. Mabilis din namang nabura ang ngiti ko nang maalala na naman ang kuya niya. Alam kaya ni Art na hindi ang family driver nilang si Mang Dino ang naghatid sa akin pauwi?Nagbeep ang phone ko habang napapaisip.
Handsome Artemi:
Tulog na tayo, Ate. Ubos lakas ko kanina. Lol.
Oo, alam kong nag-ubos siya ng lakas. Napangiwi ako nang maalala ang nadatnan kong kababalaghan sa dilim kanina sa party niya.
Sumalampak ako sa kama at dismayadong iginala ang paningin sa paligid. Magulo ang buong kwarto ko dahil sa nagkalat ditong mga paper bags ng ibat-ibang mamahaling brand. Mga mamahaling gamit na ni minsan ay hindi ko pa naisipang silipin kung ano-ano ba ang laman. Pero pinag-iisipan ko na kung paano pahihintuin ang nagbibigay sa akin ng mga ito.
Ibaba ko na ang phone ko sa bedside table nang bigla naman itong magring. Nang makita ang pangalan ni Hugo sa screen ay sinagot ko agad ito.
Maghe-hello pa lang ako ang kaso nauna na siya.
"Nasaan ka?"
"Sa Cavite na. Bakit?" Kumunot ang noo ko sa kanyang tanong. Alam naman niyang may plano akong umuwi ng katapusan, ah?
"Saan ka galing kanina?"
"Ha?"
Narinig ko ang pagtikhim niya sa kabilang linya. "Anong oras ka dumating?"
"Ngayon-ngayon lang. Bakit ba? Ikaw, nasaan ka ba? Nasa Cavite ka rin ba?"
Ang tagal niyang sumagot kaya akala ko tuloy na wala na siya.
"Hello, Hugo?"
"Oo. Nasa bahay ako." Iyong tono niya, masyadong seryoso.
"Oh, okay..." Wala na akong makapang sabihin. Parang wala rin sa mood si Hugo makipag-usap ngayon.
"Sige, goodnight. Pahinga ka na," pagkasabi niya noon ay nawala na nga siya.
Ano kayang problema niya?
Nagkibit-balikat na lang ako dahil baka pagod lang siya sa work. Baka wala lang talaga siya ngayon sa mood kaya ganoon siya. Lahat naman ng tao, may kanya-kanyang topak minsan.Kahit din naman ako ngayon ay wala rin sa mood.
Sa kama ay nakadapa ako habang nakatingin sa screen ng hawak kong phone. Itina-type ko ang pangalang Artemi Wolfgang sa search bar.
Ito ang unang beses na bibisitahin ko ang wall ni Art mula nang i-accept ko ang kanyang friend request ilang taon na ang nakararaan. Nanginginig pa ang mga daliri ko habang ini-scroll ang Facebook niya.
Ayon dito sa wall niya, last month pa ang kanyang huling post. Selfie photo niya ito habang nasa eroplano siya, sa may business class seat.
Karamihan ng nasa wall ni Art ay mga tagged photos lang ng kung sino-sino. Halos lahat ay kuha sa isang high-end bar sa U.S. at dito sa Pilipinas. Meron ding mga night party sa beach na hindi ko alam kung saang bansa dahil iba-ibang lahi ang nakikita kong kasama niya sa mga photos. Tama nga talaga ang sabi niya na ang hobby niya ay magpakasaya.
Ilang scroll ko pa ay saka ako nakakita ng mga matitinong photos. Mga photos ng Voiré Hotel and Casino sa Manhattan, New York. May mga business meetings na rin na photos akong nakikita.
Nag-scroll pa ako sa wall niya hanggang sa makarating ako sa mga tagged photos na tungkol sa pamilya nila.
Sa isang photo ay buong pamilya silang apat na nasa ibabaw ng malawak na kama. Ang nakangiting mommy niya na si Ma'am Ingrid ang may hawak ng camera selfie stick. Sa photo na ito ay naka-pajama sila na pare-pareho ang kulay.
Sina Ma'am Ingrid at ang daddy nila na si Sir Ala ay parehong nasa gilid, ang gitna ay sila Art at Arkanghel na parehong hindi maipinta ang mga mukha. Nakakatuwa dahil halatang napipilitan at awkward ang magkapatid sa photo. Paano ba naman kasi, mga binata na sila at ang lalaki na nila para sa ganitong set up.
Ang caption ng photo ay "Sleeping with the Wolves"Mukha ring matapos ang photo na ito ay tabi-tabi nga silang natulog sa magdamag. Napangiti ako, cute.
Natukso ako na i-click ang account ni Ma'am Ingrid. Ingrid Uytengsu-Wolfgang ang pangalan. Ang profile photo niya ay candid photo ng asawa niya habang nakatanaw ito sa kung saan. Napakaguwapo at napakakisig pa rin kahit pa itim na t-shirt lang ang suot at jeans. Parang pina-edad lang na version lang ito ni Arkanghel.
Private ang account pero may cover photo at nakikita ko ang mga naka-tag na photos niya kay Art.
Ang cover photo niya ay silang tatlong mag-iina. Pagkatamis-tamis ng ngiti ni Ma'am Ingrid habang nakahalik sa magkabila niyang pisngi ang mga anak niya. Si Art sa kanan at si Arkanghel sa kaliwa. Edited ang photo ay may nakasulat sa gilid na "with my pups" iyon ang tawag sa mga baby wolves.
Nagsimulang mamasa ang mga mata ko habang nagi-scroll sa wall ni Ma'am Ingrid. May mga camping photos silang pamilya rito. Sa comment box ng isang post ay may mga comments na hindi ko naiwasang hindi mabasa.
Frantiska Dyesebel Cole: Finally the pack is complete!
Belarita Ramos-B: Sino ba talaga diyan mamanugangin ko? *laughing emoticon*
Ingrid Uytengsu Wolfgang: @Belarita, nalilito na nga rin ako.
Gaia T: Sino kayo?
Acid: @Gaia, explain to you later.
Gaeb Thunderwood: @Acid, Dad, ako na mag-explain *laughing emoticon*
Hindi ko alam kung mga kaibigan sila o mga kamag-anak pero alam kong masaya sila para sa pamilya nina Ma'am Ingrid. Sila-sila rin ang mga nakita kong comments sa mga sumunod pang photos.
May photos din noong last Christmas kung saan ang Wolfgangs ay nakasuot ng family shirt. Red shirt iyon na may nakasulat na "The Wolves" in cursive gold print.
May isang naka-pout na selfie si Ma'am Ingrid kung saan sinadya niyang kunin ang nasa background; nandoon ang mag-aama niya na seryosong naglalaro ng billiard. Sa bahay siguro nila ito sa U.S.
Ang caption ng photo ay "I Love My Pack So Much"
Si Arkanghel ang may hawak ng tako at seryosong bahagyang naka-bend para tumira. Sa paligid naman ng billiard table ay sina Art at ang daddy nila na seryoso ring nakatingin sa tako.
Sa kaka-scroll ko ay nakarating na ako sa mga tagged photos niya kay Art four years ago. Doon ako tumigil sa uploaded album ni Ma'am Ingrid na ang caption ay "Happy Birthday, Kuya!"
Inisa-isa ko talaga ang laman ng album na ito. May photo na bagong labas si Arkanghel mula sa pinto ng kwarto niya. Naka-sweater siya ng kulay puti at pajama na puti rin. Magulo ang kanyang buhok na halatang kababangon lang, at nagising lang siya dahil sa kinatok siya ng kanyang pamilya.
Pagbukas niya ng pinto ay nasa labas sina Art na may hawak na maraming lobo at si Ma'am Ingrid na may hawak na maliit na round cake na may sinding kandila sa gitna. Ang hula ko ay ang daddy niya ang kumuha ng photo na ito dahil tabingi ang shot.
Sa mga sumunod na photo ay ibat-ibang groupie na ng pamilya nila. Si Ma'am Ingrid ang kumukuha ng lahat gamit ang camera selfie stick.
Sa lahat ng photos ay malalaki at matatamis ang mga ngiti ni Ma'am Ingrid. Si Art naman ay wacky sa lahat. Si Arkanghel naman ay alanganin ang ngiti na halatang naninimbang pa. At ang daddy nila na sa lahat ng photos ay palaging seryoso, pero halata naman sa mga mata nilang lahat na masaya sila.
Pinunasan ko ang tumulo kong luha. Kanina pa pala ako umiiyak. Nagbabara na rin ang ilong ko sa sipon.
Umiiyak ako dahil masaya ako. Masaya ako para kay Arkanghel at sa pamilya niya. Totoong masaya ako para sa kanila...
Umalis na ako sa account ni Ma'am Ingrid. Ini-off ko na rin ang phone ko dahil hindi na ako makakita sa dami ng luha na patuloy na tumutulo.
Totoo naman talaga na masaya ako, pero hindi ko lang rin mapigilan na sabay na maging masaya habang nasasaktan.
Bumangon ako sa kama matapos magpa-ampat ng luha. Tumayo ako at marahang lumakad papunta sa bintana ng aking kwarto. Nakalilis nang kalahati ang kulay plain pink na kurtina kaya nakikita ang nakabukas na jalousy.
Nang nasa harapan na ako ng bintana ay tumanaw ako sa labas. Madilim at kaunti na lang ang mga sasakyang dumaraan sa tapat ng bahay namin dahil sa alanganin na ang oras. Sa kalangitan naman ay iilan lang ang makikitang mga bituin.
Nang ibaba ko ulit ang mga mata ko ay napatuon ang mga ito sa madilim na parte ng kalsada na tanaw muna sa kinaroroonan ko. Akala ko namamalik-mata lang ako na may nakaparadang big bike doon. Nang aalis na ako sa bintana ay sakto namang umilaw ang headlight nito.
Napasinghap ako nang mamasdan ang big bike na isang Kawasaki Vulcan S.
"Hugo..." gulat na sambit ko.
Kahit naka-helmet at itim na jacket ang driver ng big bike ay hindi pwedeng hindi ko makilala. Ang tanong ko lang kung ano ang ginagawa niya sa dilim sa may tapat ng bahay namin.At gaano na siya katagal doon?
Nandoon na ba siya kanina pa? Pero ang sabi niya nang tumawag siya kanina ay nasa bahay siya.
Naghintay ako ng ilang minuto. Nang sa tantya ko ay nakauwi na si Hugo ay sinubukan ko siyang tawagan, ang kaso ay nakapatay ang kanyang phone.
Tinamaan na ako ng antok pagsapit ng alas-tres kaya lumakad na ako pabalik sa kama. Hinila ko ang laylayan ng kumot at saka ako sumampa. Saka ko na uusisain si Hugo. Sa ngayon, ipapahinga ka na lang muna siguro ang puso at isip ko.
Mainit ang lumalagos na liwanag mula sa bintana ko nang magising ako. Mataas na ang sikat ng araw at maliwanag na sa buong kwarto ko. Nakakarinig din ako ng ingay mula sa sala sa ibaba. Hindi ko sigurado ang oras pero siguro ay pa-tanghali na.
Bumangon ako at nagdasal sandali. Hinanap ko ang tsinelas kong pambahay na sumuot sa ilalim ng kama, at pagkatapos ay isinuot saka ako tumayo. Dinampot ko ang itim na tali ng aking buhok na nasa bedside table. Nagtali muna ako at nagsuot ng bra sa ilalim ng suot kong loose shirt bago tinungo ang pinto palabas ng kwarto.
Pagkababa ko sa sala awtomatikong nangunot ang aking noo nang madatnan ang dalawang babae na nag-uusap sa sofa. Parehong sopistikada ang dalawa, parehong hindi mahahalata ang tunay na edad dahil sa kung anu-anong mamahaling skin care at aesthetic clinic.
Napatapik ako sa aking noo nang mapatingin sa center table kung saan may nakatambak na namang mga paper bags. Iba-ibang laki at kulay. Ang isa ay kulay puti at Gucci ang nakalagay. Ang sumunod ay Bottega Veneta, Chanel at Fendi. Dahil natatakpan ang ibang paper bags ay hindi ko na mabasa kung anu-anong brand ang mga iyon.
"Nakakaganda kasi talaga kapag masaya sa buhay." Maganda ang pagkakangiti ni Mrs. Aguilar kay Mama.
Si Mama naman ay nakangiti rin sa kanya. "Yes. And I can see how happy you are with your life, Norma. You married the right man."
Ano na naman ba ang ginagawa nila rito? At nasaan si Tatay Bear?
"Of course," proud na sagot ni Mrs. Aguilar kay Mama. "Alam mo namang mula pa noon, pangarap ko na talaga ang magturo kaya nga Educ ang course ko. Sinuwerte talaga ako dahil kahit mayaman ang napangasawa ko ay hindi niya ako pinigilan na magtrabaho. Hindi siya humadlang sa mga gusto kong gawin sa buhay."
Hindi nila ako napapansin na nakatayo ako sa gitna ng hagdan dahil masyado silang busy sa pag-uusap. Masyado silang close.
Close naman talaga silang dalawa. Ang totoo, hindi naman talaga nakilala ni Tatay Bear si Mrs. Aguilar bilang dating customer sa nalugi naming hardware. Nakilala na ni Tatay Bear noon pa si Mrs. Aguilar dahil best friend siya ni Mama mula noong high school sila.
Taga Indang, Cavite, sina Mama at Mrs. Aguilar. Dahil sa may bahay at mga negosyo sa Manila ang parents ni Mama kaya doon siya sa Manila pinag-aral ng college, at naiwan naman dito sa Cavite si Mrs. Aguilar. Gayunpaman ay hindi sila nawalan ng communication sa isa't isa.Hanggang sa mapangasawa na nga ni Mrs. Aguilar ang daddy ni Hugo na isang engineer at businessman.
Ang bahay na tinitirahan namin ngayon ay isa pala sa pag-aari ng daddy ni Hugo. Inupahan na ito noon pa nina Mama at Tatay Bear bago pa man ako mabuo. Dito ang naging tagpuan nila dahil tutol ang parents ni Mama kay Tatay Bear.
Tumira ang mga magulang ko sa Bulacan noong nabuo na ako. Doon sila tumira sa side ni Tatay Bear. Hanggang sa bumalik na ulit kami rito sa Cavite at nangyari na nga ang pagka-kidnap kay Arkanghel nang mga panahong iyon. Doon na nagkapera si Tatay Bear, at doon na rin niya nabili ang bahay na ito sa daddy ni Hugo. At kahit nang bumalik ulit kami sa Bulacan ay amin na nga ang bahay na ito.
Ang lahat-lahat ng iyon ay ngayon-ngayon ko lang rin nalaman mula nang magbalik si Mama sa Pilipinas. Ngayon ko nalamang noon pa man, alam ni Mrs. Aguilar ang mga nangyayari sa buhay namin dahil noon pa man ay kilala niya na kami.
Natigilan sila sa pagkukwentuhan nang mapatingin si Mama sa akin.
"Anak..." Nagliwanag ang kanyang mukha at napatayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa. Nagulat siguro siya dahil naabutan niya ako ngayon dito sa bahay.
"Nasaan po si Tatay Bear?" si Mrs. Aguilar ang tiningnan ko.
"He's in his room," si Mama ang sumagot.
Tumango lang ako at casual na dumiretso lakad patungong kusina.
Sa bilog na mesa namin sa kusina ay nakita ko ang mga nakapatong na paper bags na galing sa isang mamahaling restaurant. Meron ding isang basket ng prutas sa gitna. Nilampasan ko ang lahat ng iyon. Pumunta ako sa lababo at naglagay ng tubig sa takure para magtimpla ng kape.
"I brought you some food," boses ni Mama na malapit sa likod ko. Sumunod pala siya sa akin. "May cake rin sa ref niyo, anak. Iba-ibang flavor para may choices ka."
Tumango lang ulit ako.
"Ah, anak..." tawag niya sa akin na may pag-aalala sa tono.
Nang lumingon ako ay nasa likod ko na siya.
Bumuntong-hininga siya. "Ipinagpaalam kita sa papa mo pero ang sabi niya, ikaw raw mismo ang tanungin ko..." Kimi siyang ngumiti. "Anak, gusto ka kasing makita ng lolo at lola mo..."
Blangkong tingin lang ang kaya kong ibigay sa kanya para sa gusto niyang mangyari.
Kahit pa bumalik na siya at nagpakilala sa akin bilang mama ko ay wala pang pangyayari na sumama ako sa kanya ni minsan. Sumama pa kaya para kilalanin ang mga magulang niya? Ang mga magulang niya na ayaw sa tatay bear ko?
Last year lang nang magbalik si Mama sa buhay ko. Umuwi siya galing ng London kasama ang lalaking ipinakasal sa kanya ng mga magulang niya. Oo kasal na si Mama sa iba. Wala nga lang siyang anak doon dahil may problema ang napangasawa niya. Sa madaling sabi, ako lang ang anak ni Mama.
Matatanda na ang mga magulang ni Mama kaya sila umuwi ng Pilipinas. They're here for good. Siguro dahil sa katandaan ay saka nasasabik sila sa apo. Dahil ako lang naman ang apo nila ay wala silang choice kundi pagtiyagaan ako.
"May trabaho po ako. Uuwi na po ako bukas sa Manila..." magalang na sabi ko kung sakali mang may plano pa siyang magpumilit.
Hindi ko sinabi na sa Pasig ako nagta-trabaho. Ayaw kong sabihin.
"Anak, hindi mo naman kailangang lumayo..." Sumunod na naman siya sa akin hanggang sa mesa. "Ang puso mo ay nasa pagtuturo kaya nga Educ ang kinuha mong course, right? Anak, pwede kang magbukas ng sarili mong school kung hahayaan mo lang sana ako na—"
"Mrs. Aguilar, nasa inyo po ba si Hugo?" tanong ko bigla kay Mrs. Aguilar na nasa sala.
Imbes na papunta ako sa mesa ay dumeretso ako pabalik sa sala. Iniwan ko si Mama na sumunod din naman agad sa akin.
"Hindi po kasi siya sumasagot sa calls e. Nasa inyo po ba siya?"
Napatayo naman mula sa sofa ang mommy ni Hugo. "Maagang umalis. May biglaang problema raw sa site. Lasing pa naman iyon noong umuwi kaninang madaling araw."
"Lasing po?" Nabahala naman ako kasi nakita ko pa kaninang two am si Hugo na humaharurot sa pagda-drive.
"Oo. Tinungga iyong Cognac ng daddy niya. Ano bang nangyari? Nag-away ba kayo?"
Umiling ako at bumalik na ulit sa kusina dahil sumisipol na ang takure ng pinapakuluan ko ng pangkape. This time, hindi sumunod si Mama. Nagpaiwan siya sa sala kasama si Mrs. Aguilar.
"Nag-away sila?" narinig kong mahinang tanong ni Mama.
"Hay naku, ewan," mahina rin ang boses ni Mrs. Aguilar. "Hindi naman nagkukuwento sa akin iyong binata ko."
Kahit gaano nila hinaan ang mga boses nila ay natatalo sila ng kanilang mga emosyon kaya lumalakas pa rin at naririnig ko.
"Baka kaya wala sa mood ang dalaga mo, Sonia. Baka nga may LQ ng anak ko. Hayaan na muna natin sila..."
"Baka naman may nagawa si Hugo mo sa Susana ko?"
"Wala naman siguro." Alanganin ang tono ni Mrs. Aguilar. Mahahalata na wala rin siyang tiwala sa sariling anak. "Hindi naman siguro lolokohin ng anak ko si Sussie mo. Sana naman hindi kasi matagal na 'yan sila e."
"Kaya nga, Norma. Nasa tamang edad na sila. Sana sila na talaga... Sayang naman kung maghihiwalay..."
"Oo nga. Palagi ko ngang pinagsasabihan si Hugo ko na magtino siya. Naiinis na nga ako roon at bakit hindi pa niyayaya ang dalaga mo na magpakasal na para dito na sila pareho sa Cavite mag-stay!"
Napapa-sentido na lang ako sa pinag-uusapan nila. Kailan ba sila magsisiuwi?
Nang mahalo ko na ang kape ay nagpaalam na akong babalik sa kwarto ko. Mamaya rin naman ay aalis na silang dalawa, saka na lang ulit ako bababa para kumustahin si Tatay Bear.
Inilock ko ang pinto ng kwarto. Kinuha ko ang phone ko at sinubukang tawagan si Hugo habang nagkakape. Wala pa rin. Naka-off pa rin ang phone niya hanggang ngayon.
Sumisimsim ako ng kape nang magbeep ang phone ko. Si Carlyn.
Carlyn:
Cavite ka pa?
Ibinaba ko saglit ang mug ko ng kape saka nagreply sa kanya.
Me:
Yup. Ikaw? Nandito ka na rin ba?
Miss ko na kasi siya. Palagi na lang hindi tumutugma ang panahon para sa aming dalawa.Ilang saglit lang nang magring ang phone. Tumawag na siya.
"Hello Sussie? Yes, dito ko SM Rosario ngayon. Gusto ko na nga umuwi kaso tinotopak itong inaanak mo. Nagpabili na naman ng tokens. Gusto yata dito na kami tumira sa Quantum."
Napangiti ako at dinampot ulit ang mug ko ng kape. "Puntahan ko na lang kayo. Ligo lang ako. Miss ko na rin kasi 'yang inaanak ko. Kurutin ko 'yan."
"Okay." Tumawa siya at pagkatapos ay nanahimik nang kaunti. "May nagbabagang balita nga pala ako."
"Ano naman?" Ngingiti-ngiti pa ako habang sumisimsim ng kape.
"Ito nga, alam mo bang nakina Isaiah ngayon ang ex bebe mo?"
Biglang lumuwag ang hawak ko sa cellphone at muntik pa akong mabuhusan ng hawak kong mug ng kape. "Nandito siya sa PK?"
"Kagabi pa, girl!"
Nahugot ko ang aking paghinga. Kung ganoon doon dumiretso si Arkanghel at hindi siya umuwi ng Quezon City?!
Marahas na nagbuga ng hangin si Carlyn. "Actually, nag-inuman kagabi 'yang si Arkanghel at Isaiah. Hayun, parehong lasing ang magpinsang hilaw! And until now, mga tulog pa rin! Hay, sana wag na silang magising at matuluyan na ang mga lintek!"
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro