Chapter 34
"MAGTAPAT KA NGA, KAYO NA BA NI HUGO?"
"Hindi," sagot ko habang inaayos ang suot kong earphones. Nasa labas ako ng street dito sa tinutuluyan ko sa Lifehomes, Pasig. Patingin-tingin ako sa hawak kong phone dahil nakaabang ako sa ibinook kong Grab car.
Ngayon ang birthday ni Art. Kahit wala akong balak gumastos, napilitan akong bumili ng bagong damit sa Robinson's. Mabuti sale kaya may discount.
Umayos ako sa pagkakatayo habang nagmamasid sa daan. Ang ibang mga naglalakad ay napapatingin sa akin. Simple lang naman ang suot ko, plain black babydoll dress with flutter sleeves, high neckline, a low scoop back and a flouncy skirt. Sa paahan naman ay black strappy, studded sandals. Two-thousand pesos in total lahat ito.
Wala akong cosmetics maliban sa manipis na red lipstick. Ang buhok ko na lampas balikat ay naka-curl ang dulo. Sa accessories naman ay maliit na round gold earrings lang at gold Tory Burch watch na regalo ni Hugo last Christmas ang suot ko.
"Tangina di naman pala! E bat napayag ka namang kinakaladkad ng lalaking iyon kaya naiisip tuloy ng mga tao na kayo!"
Napailing ako sa reaction ni Carlyn. "We're just friends. Saka alam mo namang maloko lang talaga iyon kaya ganun. Sanay na ako."
"E pano ka maliligawan niyang kung binabakuran ka niya?!"
"Ano naman? Hindi naman ako nagmamadali, Car. Hayaan mo kapag willing na akong magpaligaw, saka ko siya sisipain si Hugo paalis."
"Kailan pa iyon?" Pumalatak siya sa kabilang linya. "Kung ayaw mong mag-entertain ng ibang guys sa buhay mo, tyagain mo na lang si Hugo. Kayo na lang tutal parang kayo na rin naman na!"
Napahagikhik ako sa sinabi niya. Hindi ko akalaing masasabi iyon ni Carlyn. "Asa ka namang gusto ako ng itlog na iyon. Saka hello? Okay lang ba sa 'yong mabroken ako kapag nagcheat sa akin si Hugo? Remember, babaero iyon!"
Napaungol naman siya nang marealized. "Oo nga pala, pokpok iyon!"
"Basta chill ka lang. Magkakaboyfriend din ako soon. Sa ngayon, goals muna."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Hindi lang kasi ako mapalagay noong sinabi mong nagkita na kayo e..."
Even if Carlyn didn't mention a name, I know who she was talking about.
Naikwento ko sa kanya. Hindi ko natiis na hindi i-open. Siya lang naman kasi ang best friend ko na pwede kong pagsabihan. Syempre alangan namang kay Hugo ako magkwento, e di kay Carlyn na.
Casual lang naman nang magsabi ako. Pero knowing Carlyn, talagang sinuri at tinimbang niyang mabuti ang bawat tono at salitang galing sa akin. May sarili agad siyang opinion pagkatapos ng pag-uusap namin.
"Alis na ako, Car. Tawag ka ulit kapag free ka." Nagpaalam na ako sa kanya dahil arriving na ang Grab. Hindi ko binanggit kung saan ako pupunta ngayon. Saka ko na lang siguro iku-kwento.
Nang nasa Grab na ako ay nagtext ako kay Art para ipaalam sa kanya na on the way na ako. Magpapasundo ako sa kanya sa labas dahil wala naman akong kakilala roon sa party niya.
Habang bumabyahe ay nakahawak ako sa aking dibdib. Kaya ako pupunta sa party dahil gusto kong mapalagay na ang loob ko. Gusto kong harapin ang takot at kaba. Kung mawawala iyon sa puso ko, mas maganda.
Nang bumaba ako sa Grab car ay naghintay pa ako ng ilang minuto bago ko itinext si Art na nandito na ako sa labas ng mansiyon nila. Ang tagal kong napatitig muna sa malaking bahay na nasa harapan ko. I couldn't help myself from admiring the place. Napakalaki niyon, kulay puti at modern style. Bukas ang mga ilaw sa loob at bahagyang may ingay na maririnig mula sa loob. Naghahalo ang tunog ng piano at ilang boses ng mga tao.
Hindi ako makapaniwala sa lakas ng loob kong magbalik dito. Sariwa pa sa alaala ko iyong huling beses na nakatungtong ako rito noon. Nothing had changed much. Halatang inalagaan kahit pa noong nasa US silang lahat.
Lumayo lang ako nang kaunti sa gate. Walang katao-tao sa labas maliban sa akin dahil malamang na nasa loob na ang mga bisita at ang mga kotse nila ay nasa malaking parking space sa loob.
Bumukas ang gate at mula roon ay isang matangkad at napakaguwapong lalaki na naka-white button down long sleeve polo and faded fitted jeans ang nakita ko. May hawak siyang iPhone at tila may hinihintay.
"Artemi Wolfgang!" tawag ko.
Napaangat ang mukha niya mula sa tinitingnang cellphone. Namilog ang abo niyang mga mata sa akin. "Ate Sussie?"
Napakaguwapo ni Art. Naghahalo ang Filipino and foreigner blood sa itsura niya. Binatang-binata siya, ang ganda ng built ng katawan. Mas guwapo pa siya sa mga pictures niya sa Facebook and Instagram.
"Happy birthday, birthday boy!"
It was his 22nd birthday.
OA na pinanlakihan niya ako ng mga mata habang tinitingnan ang kabuuhan ko. "Whoa! Wait, where are your fats?! Where did you take them?!"
I rolled my eyes at him. "Nawala na dahil sa stress!"
"I like you better before!" maktol niya.
"E di uwi na ako!" kunwari akong tumalikod.
"Hey, I'm just kidding, Ate Sussie!" Hinila niya ako sa braso pabalik saka niyakap. "Actually, you're prettier now."
Marahan ko siyang itinulak sa matigas niyang dibdib. "May gift ako sa 'yo."
"Wow! Ano?" Genuine ang excitement na nasa mukha niya.
Nakakatuwa lang na excited siya sa gift ko samantalang nasa kanya na yata ang lahat ng mamahaling gamit sa mundo. Saka for sure, maraming magreregalo ng mga expensive things ngayon sa kanya dahil puro mayayaman ang mga bisita niya.
"Simple lang ito, ah? Wag kang mag-expect masyado." Inilabas ko ang maliit na box mula sa bitbit kong shoulder bag. "Saka mo na buksan. Hiya ako e."
Tinanggap niya naman iyon. "Naks, may pa-gift kahit kuripot!"
Maliit na snow globe lamp iyong gift ko. Walang espesyal doon maliban sa bukod sa snow globe ay lamp na rin ito. Makapal iyong glass, hindi basta-basta. Saka may nakatayong "A.W." na letters sa loob. Pinasadya ko. Nasa three-thousand pesos yata in total ang nagastos ko hindi pa kasama ang shipping fee. So far, iyon na ang pinaka-mahal na gastos ko ngayong taon.
Sinipat ni Art ang box na nakabalot ng gift wrapper. "Kahit ano pa ito, I am thankful, Ate Sussie."
Natouched naman ako dahil na-appreciate niya ang bigay ko sa kanya.
"'Lika na sa loob. Nasa sala sina Mom. They know that you're coming tonight."
Kinakabahan ako habang nakasunod kay Art papasok sa mansiyon. Pumasok kami sa main door patungo sa malawak na sala. Tanda ko pa ang bawat detalye dahil minimalist naman ang disenyo rito.
Sa malawak na sala ay naroon nakatayo si Ma'am Ingrid. Napansin ko agad siya kahit pa may ilang tao sa sala. Fitted off shoulder burgundy mermaid dress ang kanyang suot. Nakabun ang kanyang buhok kaya lalo siyang nagmukhang elegante.
"Mom's there!" turo ni Art sa mommy niya. Hindi niya alam na nauna ko pa itong nakita sa kanya.
Si Ma'am Ingrid ay may kausap na magandang babae na tila higit na mas bata sa kanya. Silver lace na irregular swing dress ang suot nito. Nakalugay ang naka-curl na buhok. Pareho silang maganda at sosyal ang mga itsura.
"Mom!" tawag ni Art. "Ate Sussie is here!"
Nang lumingon ang magandang ginang na kausap ni Ma'am Ingrid ay napanganga ako sa paghanga. Napakaganda pala talaga ng babae, tila siya isang mannequin. Ang amo ng kanyang mukha at mga ngiti. Kung huhulaan ko ang kanyang edad ay siguradong magkakamali ako sa paghula.
"Happy birthday, Art-Art!" malambing na bati ng mukhang mannequin na babae kay Art.
Nilapitan siya ni Art at ibineso. "Thank you for coming, Ninang Fran. You're so lovely tonight."
Nang nasa harapan na ako nila ay magalang akong yumukod at bumati. "Good evening po."
Magaang ngumiti sa akin si Ma'am Ingrid. "Sussie, 'glad you made it tonight."
Mukha namang bukal sa loob niya ang sinabi. Parang gusto kong maluha dahil hindi nangyari ang inaasahan ko ngayon na magiging malamig ang trato niya sa akin.
Wala rin akong nakikitang kahit anong bakas ng pait ngayon sa kanya. Maging ang singkit niyang mga mata na noon ay puro sakit ang makikita, ngayo'y maliwanag na.
Ngumiti ako kay Ma'am Ingrid. "Kumusta po kayo, Ma'am?"
Hinaplos niya ang kamay ko. "Good, Sussie. Thank you for asking."
Masaya akong isiping nakatulong nang malaki ang pagpunta nilang pamilya sa U.S. Masaya ako para sa kanila...
"Art, dalhin mo na si Sussie sa garden. Asikasuhin mo siya, hahanapin lang namin ni Frantiska ang daddy at Ninong JC mo."
Inakbayan na ako ni Art para dalhin sa garden. Habang naglalakad ay pangiti-ngiti siya na parang tanga.
Nang nasa garden kami ay nalula ako sa lawak nito. Hindi ako nakarating rito noon dahil sa garahe agad ang bagsak ko noong nagising ako. Hindi ko alam na ganito kalaki at kaganda ang garden ng mansiyon nina Art.
Dahil malawak ang garden ay kumasya rito ang maraming mesa at ang maliit na stage sa gitna. Ang daming bisita sa paligid. Halatang lahat ay mayayaman na tao.
"Akala ko onti lang bisita mo," nakalabing nilingon ko si Art.
"Onti lang naman talaga." Ikinibit niya ang kanyang balikat. "Iyong iba riyan, inimbita lang sarili nila."
"Saan ako pupwesto riyan, Art?"
"Doon ka sa table ko. Wala naman akong kasama roon." Hinila niya ako sa pulso.
Dinala niya ako sa isang bakanteng table at pinaghila ng upuan. Inilapag niya sa table namin ang gift ko sa kanya.
"I'll get you some food," paalam niya at tumalikod.
Habang wala siya ay nagmasid-masid ako. Sa stage ay may nagpi-piano, parang may sariling mundo at walang pakialam sa paligid. Nakakatuwang panoorin at pakinggan, nakakadala ng damdamin. Feeling ko tuloy, wala na rin akong pakialam sa mga nakapalibot ngayon sa akin.
Nang bumalik si Art ay may bitbit na siyang plato. He sat down next to me, grinning naughtily. "Come on, eat. I missed your extra fats."
Tiningala ko siya. "Ikaw, kumain ka na?"
Tumango siya. May lumapit na waiter sa amin na may bote ng mamahaling wine. Pinagsalin niya kami ni Art sa wineglass namin na nasa mesa.
"Ate, nandito pala si Kuya."
"O?" Sumimsim ako sa wineglass.
Alam ko naman na nandito si Arkanghel. Syempre birthday ng kapatid, bakit siya mawawala? Saka bahay nila ito, alangang wala siya rito.
"Uy, chill lang o," he teased, a naughty smile spreading across his lips.
"Ano ka ba? Anong gusto mo? Himatayin ako rito dahil nandito kuya mo?"
"Sabi ko nga, moved on ka na," pilyong ngingisi-ngisi pa rin siya. "May BF ka na nga. Kawawa naman kuya ko kung kakabit pa."
Sinimangutan ko siya. "Will you please be serious?"
Sumeryoso naman na siya. Sumandal siya sa sandalan ng kanyang kinauupuan at humalukipkip. Tila may iniisip.
Nang maubos ang wine sa wineglass ko ay may lumapit uling waiter sa akin para i-refill ito. Hindi ko sinaway, masarap e.
Art stared at me for a few seconds before reaching for his wineglass on the table. "By the way, nag-usap na ba kayo ni Kuya?"
Umiling ako.
"Hmn, di ko alam bakit bigla niyang hiningi number mo." Nangalumbaba siya sa mesa at tumitig sa akin.
"Baka namiss ako," biro ko lang iyon. Pangpa-light ng mood.
Gusto ko ring mafeel na okay ako. Ang number one reason kaya ako nandito ay para linisin ang lahat ng natitirang feelings. Kahit pa iyong bitterness.
"Nice one, Ate!" Itinaas ni Art ang isang palad para umapir sa akin.
Nakipag-apir naman ako. Parang kaming sira rito.
"Ex mo, ayun!" Inginuso niya ang likuran ko.
Nang lumingon ako ay nakita kong nakatayo sa gilid ng stage si Arkanghel. Napaismid ako. Wala lang, ang sexy niya lang sa all black suit. Tapos may hawak siyang wineglass sa kaliwang kamay. Seryoso ang kanyang mukha habang may kausap na isang matandang lalaking naka-tux.
Tungkol sa negosyo siguro ang pinag-uusapan. Pati ba naman sa birthday party ng kapatid niya, trabaho pa rin?
Hindi ko alam na napapailing na pala ako habang nakamasid sa kanya.
"Mas guwapo ko 'no, 'Te?" kalabit ni Art sa balikat ko.
Nilingon ko si Art at nginitian. "Oo naman."
Syempre hindi ko pwedeng sirain ang gabi ng birthday boy. Guwapo rin naman si Art e, pero mas mabigat lang talaga ang dating ni Arkanghel. Siguro dahil mas seryoso sa buhay.
Ngiting-ngiti naman si Art. "'Yan! Kaya sa 'yo ko e!" Nakipag-apir na naman siya.
Nang pasimple kong lingunin ulit si Arkanghel ay wala na siya roon sa pwesto niya kanina. Saan kaya siya nagpunta?
"Mas mabait din ako, Ate Sussie. Di mo gugustuhin makasama 'yan. Sabi ko sa 'yo, parang laging may regla 'yan si Kuya."
Hindi ko napigilan ang paghagikhik sa kalokohan ni Art.
Nagtatawanan kami ni Art nang maramdaman ko na parang may nakatitig sa akin mula sa kung saan. Nang maghanap ang mga mata ko sa paligid ay wala naman akong nakita.
Nagpaalam na aalis saglit si Art. Dadalhin daw muna niya sa kwarto niya iyong gift ko kasi baka mawala. Naiwan akong mag-isa sa table nang tumayo na siya. Nakailang balik naman ang waiter sa akin. Hindi ko namalayang napaparami na ako ng wine.
Ilang sandali pa ay nakita kong palapit na naman sa akin ang waiter na may dalang bote ng wine. Ire-refill na naman iyong wineglass ko.
Pipikit-pikit ako nang makitang may matangkad na lalaking humarang sa kanya at inagaw ang hawak niyang bote.
Inayos ko ang mga mata ko para tingnan kung sino ba iyong kumuha ng wine. Napadilat ako nang wala sa oras nang makilala siya, hawak niya ang bote ng wine na mula sa waiter at pagkatapos ay basta niya iyong binitiwan sa isang gilid.
Nakapamulsa siya nang lumakad papunta sa kinaroroonan ko. "Where's Artemi?"
Napahugot ako ng paghinga bago sumagot. "Umalis..."
"Don't drink too much. Malayo pa ang uuwian mo," malumanay ang pagkakasabi niya pero nakakapanginig ang impact sa akin.
Tumalikod na siya at iniwan akong mag-isa ulit sa table.
Nang mahimasmasan ay tumayo ako. Gusto ko nang umuwi.
Hinanap ko si Art. Sa dami ng bisita, nahirapan akong hanapin siya. Mahilo-hilo na rin ako dahil sa dami ng wine na ininom ko.
Natanaw ko si Art sa may gilid ng mansiyon. Bakit nandoon siya? Ang sabi niya, dadalhin niya lang sa kuwarto niya iyong gift ko, ah?
Nagmamadali ang mga hakbang ni Art papunta sa dilim, doon sa walang mga bisita. Lumakad ako pasunod sa kanya. Gusto ko lang magpaalam na dahil gusto ko nang umuwi. Pagkarating sa pinagkakitaan ko sa kanya ay wala siya. Hinanap ko siya sa paligid pero wala. Bigla na lang siyang nawala. Naglahong parang bula.
"Art?" tawag ko kahit pa malabong marinig niya ako dahil maingay ang music mula sa garden. Kumakanta na kasi ang guest singer na si Navaeh Saavedra.
Naisipan kong pumunta sa likod ng pader kung saan papunta sa kaliwang madilim na parte ng mansiyon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tumuloy ako kahit madilim.
"You still love me, don't you?"
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang maharot na boses ng isang lalaki mula sa gilid ko. Nang lumingon ako roon ay natagpuan ko ang dalawang anino.
Dalawang anino na magkayakap sa dilim. Mayamaya ay naghahalikan na ang mga ito.Hindi ko alam ang gagawin. Naririnig ko ang tunog ng sabik na pagsasalo ng mga labi nila mula sa kinatatayuan ko.
"Art, stop..." nanghihinang boses ng babae ang pumalit sa tunog ng paghahalikan kanina lang.
Natutop ko ang bibig ko nang malamang si Art iyong kasama ng babae sa dilim. Kaya pala familiar ang tindig niya sa akin.
"Make me stop..." sagot niya at muling inangkin ang mga labi ng kaharap.
Hindi ko sigurado kung sino iyong babae pero kinukutuban ako.
Nagmamadali akong tumalikod at umalis. Kumakabog ang dibdib ko habang mabilis na naglalakad. Nabangga tuloy ang ilong ko sa matigas na dibdib ng lalaking kasalubong ko.
"Sorry!" sambit ko at napatingala sa kanya.
Unang sumalubong sa akin ang ibang kulay ng mga mata niya. Sa tulong ng liwanag na mula sa buwan ay nakita ko kung gaano kaperpekto ang kanyang mukha. Salubong ang makakapal niyang kilay nang mahina at malamig siyang nagsalita. "Why are you here in the dark?"
Napaawang ang mga labi ko nang makilala siya.
Tiningnan niya ang pinanggalingan ko. Lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay nang makitang mas madilim doon.
"Ah, hinahanap ko si Art..." Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko kayang makipagsabayan. "P-pero wala siya roon. W-wala talaga siya roon."
Hindi siya sumagot pero ramdam ko na nakatingin pa rin siya sa mukha ko.
"S-sige, balik na ako sa table ko." Tinalikuran ko na siya. Nagmamadali akong naglakad at iyong mga lakad ko, hindi ko alam kung saan patungo.
Gusto ko na talagang umuwi. Nahihilo na ako. Pagod na rin ako...
Ayaw ko na ring makita si Arkanghel...
Hindi ko pala kaya...
Ayaw ko na rito...
Huminto ako sa isang tabi. Sinikap kong maging kalmante. Nagtingin-tingin sa paligid para panandaliang malibang. Nagpapawala ng hilo dahil mayamaya, kahit wala pa si Art ay uuwi na ako.
After ten minutes ay naglakad na ako pabalik sa mansiyon. Sa daan ay himalang nakasalubong ko si Art.
"Hey, Ate!" tawag niya. Mabilis ang mga hakbang niya papunta sa akin.
"Uuwi na ako, Art." Mabuti at nagkita pa kami bago ako umalis.
"Sorry di kita naasikaso gaano, may emergency e," may paghingal sa boses niya. Tumutulo rin ang pawis sa gilid ng sentido niya.
"Okay lang. Nag-enjoy naman ako sa food. Pero alis na ako, Art. Malayo pa iyong Cavite e. Baka mapuyat ang tatay ko sa paghihintay sa akin."
"Sige-sige. Text ko si Mang Dino para ihatid ka," tukoy niya sa driver.
"Kaya ko naman. Mag-book na lang ako ng Grab."
"Hindi na. Malayo Cavite, pahahatid na kita." Naglabas siya ng phone mula sa bulsa ng suot na jeans. "Wait lang."
Naghintay ako. Mayamaya ay tumingin siya sa akin. Itinuro niya ang papasok sa mansiyon.
"Nasa garahe na iyong driver? Kahit ako na lang pupunta." Medyo tanda ko pa naman iyong garahe nila kasi galing na nga ako rito noon.
"Di na. Tara." Inakbayan ako ni Art.
Awkward sa pakiramdam ko ngayon dahil alam ko kung saan siya galing at ano ang ginawa niya. Ngayong akbay-akbay niya ako ay naaamoy ko sa kanya ang pangbabaeng perfume na gamit ng kung sino mang ka-do niya kanina sa dilim. Medyo fruity iyong amoy pero mabango. Amoy expensive din.
Dim ang ilaw sa garahe at may anim na nakaparang sasakyan doon. Mukhang hindi rito nakapark ang mga kotse ng mga guests. Mula sa nakabukas na daan ay natanaw kong palapit ang isang payat na matandang lalaki. Siya yata si Mang Dino, ang driver na tinutukoy ni Art.
"Sir, iyong BMW na pula na lang po gamitin ko. Coding iyong lagi kong gamit panghatid sa mga bisita."
Pinauna na ako ni Mang Dino sa loob dahil may ch-check pa raw siya saglit sa trunk ng kotse.
"Thank you," sabi ko kay Art nang pagbuksan niya ako ng pinto ng backseat.
"Ako na po ang bahala kay Ma'am, Sir Art," ani Mang Dino na papunta na sa harapan kung saan naroon ang pinto ng driver seat.
Nang pumasok ako ay madilim pa sa loob ng kotse dahil hindi pa naman sumasakay si Mang Dino. Ibinaba ko ang salamin sa tabi ko para silipin si Art.
"Okay na ako rito. Balik ka na sa party mo. Baka hinahanap ka na roon..."
Baka hinahanap na siya ng kung sino mang iniwan niya sa dilim.
Hindi naman nagpakipot pa si Art. "Okay ka na rito, ha? Ingat ka sa pag-uwi. Text ka pag nakarating ka na sa inyo, okay?"
"Will do." Nginitian ko siya. "Happy birthday ulit. Sige na, balik ka na roon."
Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa makalayo siya. Si Mang Dino naman ay umikot na papunta sa harapan, sa driver seat.
Habang hinihintay na umalis ay naglabas ako ng phone para i-text si Tatay Bear na pauwi na ako. Nakailang palitan na kami ng text message pero hindi pa rin umaandar ang kotse kaya napatingin na ako sa labas.
Medyo madilim na sa labas ng kotse dahil patay na iyong dalawang ilaw sa garahe, iisa na lang ngayon ang natira. Nasinag ko ang kulay puti na polo ni Mang Dino sa gilid. Gumagalaw siya papunta sa driver seat.
Ikinibit-balikat ko na lang. Papasok din naman siya. Hihintayin ko na lang. Ilang minuto nga lang ay pumasok na nga siya sa loob.
Nang marinig kong ini-start na ang kotse ay sumandal ako sa sandalan ng backseat. Komportable ang pakiramdam ko. Mahaba-haba ang byahe kaya baka umidlip na lang muna ako.
Naalimpungatan ako nang nasa Cavitex expressway na. Ang tagal kong nakaidlip siguro dahil tipsy na rin ako kanina, plus pagod pa. Ni hindi ko namalayan na nakabulagta na ako rito sa backseat. Nakataas pa ang aking dress hanggang sa kalahati ng mga hita ko.
Umayos agad ako ng pagkakaupo. Nakakahiya kay Mang Dino baka walang kapoise-poise iyong tulog ko rito sa backseat. Imposibleng hindi siya napapatingin sa akin mula sa rearview mirror.
"Sorry, Mang Dino. Napasarap po tulog ko," nakangiting sabi ko. "Napagod po kasi ako e."
Plinantsa ko ng palad ang bahagyang nagusot na laylayan ng suot kong babydoll dress. Pasimple ko ring kinapa ang gilid ng aking bibig para alamin kung may laway ba. Baka lang kasi meron.
"Hindi po kasi ako sanay sa mga party e. Hindi po ako party goer, mabilis akong maubusan ng lakas sa ganyan. Lalo na sosyalan iyong kanina, e hindi po ako sosyal e."
Kumuha ako ng suklay mula sa shoulder bag ko. Nagsusuklay ako habang patingin-tingin sa labas.
"Mang Dino, hindi ko po pala nasabi kung saan ako sa Cavite," naalala ko bigla.
Malamang na hindi alam ni Mang Dino dahil hindi ko pa nasasabi ang address. Imposible ring nasabi na ni Art sa kanya kasi hindi rin naman alam ni Art kung saan ako sa Cavite nakatira.
"Sa may General Trias po pala ako. May phone po ba kayong dala? I-waze na lang po natin."Malapit na kami sa toll gate, paglampas doon dapat i-waze na ni Mang Dino ang address ko para hindi magkalituhan sa daan.
Ipinunta ko ang mga mata ko sa harapan ng sasakyan. Madilim dahil walang bukas na ilaw. Ang may maliit na ilaw lang rito sa loob ay ang tachometer sa dashboard at sa labas naman ay ang headlights. Ganoon pa man, nasisipat ko pa rin si Mang Dino.
Napakunot ang noo ko habang sinisilip siya. Balikat niya lang ang nakikita ko, ngayon ko napansin na malapad pala ang balikat niya.
Kumiling ang aking ulo habang minamasdan siya mula sa kanyang likod. Napakatahimik naman ni Mang Dino. Seryosong-seryoso siya sa pagmamaneho. I wonder kung narinig niya ba na kinausap ko siya.
Tatawagin ko sana siya nang madako ang paningin ko sa kamay niyang nakapatong sa manibela ng kotse. Kahit sa dilim ay hindi nakaligtas sa akin ang mahahaba niyang daliri.
Hindi ko rin maiwasang mapataas-kilay sa nakikita kong hulma ng bisig niya. Weird dahil parang ang kinis ng balat ni Mang Dino. Parang hindi siya kulubot. Parang hindi sa matanda.
Nang bumalik ang paningin ko sa kanyang balikat ay saka ko narealized ang suot niyang damit. Ang natatandaan ko kasi kanina ay nakakulay white polo si Mang Dino sa garahe. Pero bakit itong nasa manibela ngayon ay naka-black?
"Mang Dino..." kinakabahang sambit ko sa pangalan niya.
Nang nasa toll gate na kami ay bahagyang lumiwanag dahil mataas ang ilaw sa labas. Hindi ko makuhang tumingin sa harapan. Natatakot ako na kinakabahan. Pigil-pigil ko ang aking paghinga sa buong sandali.
Natapos siyang mag-abot ng bayad sa labas pero hindi ko pa rin siya naririnig na magsalita. Hanggang sa umandar na ulit kami.
Hindi na ako kumikibo. Hindi na rin ako tumitingin pa sa harapan. Parang hindi na rin yata ako humihinga.
Tuloy-tuloy naman ang andar ng kotse. Tamang-tama at sigurado ang tinutunton naming daan. Nang lumiko siya sa Tejero at dumiretso ng drive papunta sa bayan ng Malabon sa General Trias ay nanlalamig na ang mga palad ko.
Alam na alam niya...
Hanggang sa lumiko na kami papuntang Brgy. Pinagtipuan. Nang daanan ng sinasakyan naming kotse ang Governor Ferrer Memorial National High School ay lumamlam ang aking paningin. Umiwas ako ng mga mata roon.
Sa pag-iwas ko ay napatingin ako sa harapan ng sasakyan. Napatingin ako sa rearview mirror kung saan doon ay nakatingin sa akin nang malalim ang mga matang kakulay ng madilim na pilak.
Bigla na lang sumikip ang pakiramdam ko sa paligid.
Nang huminto na ang kotse sa harapan ng gate namin ay hindi ko alam kung paano bababa. Nanginginig ang mga kamay at tuhod ko. Gayunpaman, pinilit kong maging kalmado. Hinawakan ko ang pinto sa tabi ko pero nadiskubre kong naka-lock iyon.
"Bababa na ako," malumanay na sabi ko. Automatic ang lock ng kotse at siya ang may control sa harapan.
"What did you dream about?" Nagulat ako nang marinig ang malamig niyang boses. Kasunod niyon ang click ng pag-unlock ng pinto ko.
Napakurap ako sa tanong niya. Bakit niya tinatanong kung anong napanaginipan ko? Lumunok ako bago sumagot. "Wala. Hindi naman talaga ako nakatulog," pagsisinungaling ko.
Hindi na siya nagsalita. Mabuti iyon.
"Salamat sa paghatid," pagkasabi ko'y lumabas na ako agad. Hindi ko na kayang tagalan na makasama siya parang hihimatayin na ako.
Bakit siya? Paanong hindi si Mang Dino? Nakita ko pa si Mang Dino na pasakay ng kotse kanina bago ako pumikit. Anong nangyari?
Mabilis ang mga kilos ko papasok sa gate. Kasing bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi ko na inintindi kung halatang nagmamadali ako. Basta ang gusto ko ay mawala na ako agad sa paningin niya.
Pagkapasok ko pa lang ng pinto ng bahay ay nagbeep agad ang phone ko. Nang icheck ko ang text message ay nawindang ako.
+639-1578-965
Text message:
I asked you what did you dream about because you were calling my name in your sleep.
Hindi ko na namalayan kung paano at kailan, basta nakita ko na lang na nasa sahig na ang phone ko. Nabitiwan ko.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro