Chapter 29
6 years later...
"SAAN KA NGAYON?"
Lumabas ako ng pantry bitbit ang aking shoulder bag. It was eight in the morning at katatapos ko lang mag-light breakfast. After my night shift ay dito ako naghihintay na magliwanag sa labas bago ako ba-byahe paalis. "Same BPO company pa rin dito sa Ortigas. Sa Pasig ako nag-stay."
Inayos ang earphone sa aking tainga bago pumasok ng elevator. Ang kausap ko ang longtime best friend ko na si Carlyn.
Dito ako nakarating sa Pasig. Dito ako nakakita ng studio type apartment na may own bathroom and sink na pasok sa budget ko. Four-thousand monthly, mahal pa rin pero pwede na kahit paano. Dito na rin ako naghanap ng work and luckily, I got hired in Telemore, Ortigas.
"Sussie, wala ka ba talagang balak na umuwi na lang ng Cavite?" humahabol pa na tanong niya.
Hindi lihim kay Carlyn na nagpakita na ulit ang mama ko. Ang gusto ni Mama ay mag-resign na ako dahil may kaya siya sa buhay. Pero para saan pa ang aking mga pagsisikap kung iaasa ko na lang sa kanya ang kinabukasan ko?
Hindi ko naman kailangang manghingi kahit kanino. Kinakaya ko naman na ako lang lahat.Makakaya kong mag-isa. Kakayanin ko. Proud ako sa sarili ko dahil kahit nag-iisa ako ngayon sa buhay ay nakakayanan kong maka-survive. Nanatili nga akong matatag sa mga lumipas na taon kahit pa sa loob-loob ko ay basag na basag ako. Naka-graduate ako, nakapasa sa LET board exam, the licensure examination for teachers, at nakapasok ako sa isang public school sa Cavite nang walang tulong ng kahit sino. Sariling sikap ko ang lahat-lahat. Maging ang pagpasok ko sa huling BPO company na pinasukan ko sa Cavite, at maging ang paglipat ko rito sa Ortigas. Lahat iyon, ako lang.
Dahil gusto kong may mapatunayan. Hindi lang para sa sarili ko, kundi pati kay Tatay Bear. Gusto kong ipakita sa kanya na napalaki niya ako nang maayos. Na hindi ko sinayang ang lahat ng tiwala at sakripisyo niya para sa akin.
Gusto kong malaman ni Tatay Bear na gagawin ko ang lahat para magtagumpay sa sarili kong pagsisikap. Na magiging successful ako at maipapaayos ko ang bahay namin, mababayaran ko ang mga utang namin at makakaipon ako para maipa-opera siya. Magtitiis ako at magta-tyaga para maabot ang mga pangarap naming mag-ama. Gusto kong ako ang mag-aahon sa kanya sa hirap. Ako lang.
"Worried lang naman ako sa 'yo, girl. Nag-iisa ka riyan sa Pasig e, ni wala kang kakilala riyan. Paano kung makidnap ka? Mamatay? Itapon sa ilog?"
Mahina akong tumawa. "Okay nga lang ako, parang di mo naman ako kilala, Car. Sobrang ingat ko." Bumukas na ang elevator pagkarating sa ground floor. "Bye na. I miss you. Pakumusta na lang kay Isaiah!"
Dinig na dinig ko ang pag-ismid niya mula sa aking suot na earphones. "Ay wala si Isaiah, di na bumalik mula kagabi. Si Jordan andito, naghihilik pa. Binuhusan ko na ng tubig pero ayaw pa ring magising."
Natawa ako habang naglalakad. "Baliw ka, alam mo naman kasing hindi umiinom iyong tao pero pinilit mong maglasing!"
"Bye na! Manenermon pa e!"
Nakasakay agad ako ng jeep pagtawid sa kabilang kalsada. Sa bandang gitna ako napaupo. Hindi gaanong siksikan pero siksikan pa rin. Malakas ang stereo sa loob na akala mo ay nasa disco bar.
♫ ♬You are the sun,You are my light,And you're the last thing on my mind,before I go to sleep at night,You're always around when I'm in need,When troubles on my mind you put my soul at ease,
Naglabas ako ng coin purse para kumuha ng baryang pambayad sa pamasahe saka inabot sa katapat ko. "Makikiabot po. Lifehomes po isa..."
♩ ♪There is no one in this world,Who can love me like you do,That is the reason that I,want to spend forever with you,
Parang duduguin ang tainga ko sa kanta sa jeep, mabuti na lang talaga at saglit lang ang byahe papuntang Lifehomes, kung saan ako nag-re-rent. Pagkababa ng jeep na sinasakyan ay umakyat ako sa overpass para makatawid.
Hindi na ako nag-tricyce papasok. As usual, naglakad lang ako para makatipid ng nine pesos sa pamasahe. Saka para ma-exercise na rin ang mga binti ko.
Sa araw-araw mula nang lumipat ako rito ay nasanay na ako sa siksikan tuwing byahe, maingay na kapaligiran at mahahabang lakaran. Na-e-enjoy ko rin namang magpaka-pagod dahil pagkauwi ko ay diretso na ako tulog. Gigising na lang ulit sa hapon para pumasok ulit sa gabi.
Habang naglalakad ay nagbeep ang phone ko sa loob ng bag. Inilabas ko iyon para i-check.
Tatay Bear:Kailan ka uuwi?
Nagtipa ako.
Me:Sa katapusan po. 25 days na lang, maha-hug mo na ulit ang sexy mong anak. Kumain na po ba kayo?
Tatay Bear:Nagkape at pandesal. Ikaw? Baka nagpapalipas ka na naman ng gutom diyan. Alam mo namang ayaw ko ng sexy ka. Mas gusto ko na malusog ang aking Susana.
Napangiti ako. Agad din namang nabura ang aking ngiti nang maka-received ako ng bagong message.
Handsome Artemi:Badtrip iyong ex mo, 'Te. Di na nawalan ng toyo. Parang laging may regla.
Naiiling na nagtipa ako.
Me:Banatan mo kasi. Keri mo yan. Magkasing laki naman na kayo.
Hindi pa rin ako masanay-sanay na nasa Pilipinas na ang makulit na ito. At siya nga rin pala ang nag-utos sa akin na sa ganitong name ko i-save ang number niya sa phone ko.
Hindi ko na matandaan kung paanong naging ka-close ko si Artemi Wolfgang. Basta bago sila pumunta ng US noon ay in-add niya ako sa Facebook. Naging regular liker na siya ng mga ipino-post kong paninda online.
Sinubukan kong maging civil pero mahirap dahil nga matindi ang kakulitan niyang taglay. Hanggang sa nakaka-chat ko na siya at namalayan ko na lang na close na kami. Na parang bigla akong nagkaroon ng ubod ng ligalig na nakababatang kapatid na lalaki.
Artemi was only twenty one pero tapos na ng college. Matalino siya at ilang beses na na-accelerate. Ngayon ay kumukuha siya ng masteral habang pumapasok na rin sa kompanya ng kanilang pamilya. Perpekto na sana ang lalaki kung hindi lang masyadong maligalig.
Pero kahit close na kami ay naka-unfollow ako sa profile niya. Wala lang. Ayaw ko lang makakita ng mga post niya o mga tagged posts and photos sa account niya. Kahit kasi sabihin kong okay na ako, nabi-bitter pa rin ako kapag nakakakita ng mga family posts and photos nila.
Ang kaso, may sa demonyito itong si Artemi. Nagsawa na lang ako kakasaway sa kanya dahil hindi siya tumitigil sa pag-u-update sa akin sa mga aktibidades ng kuya niya.
Handsome Artemi:Mas matindi ginawa ko *evil and laughing emoticon*
Hay, ano na naman kaya? Ang isang ito, akala mo hindi binata kundi limang taon lang kung mag-isip.
Handsome Artemi:Sabi ko katext kita. Ayun, deadma lang naman... Pero pag-alis, muntik mabangga ng kotse niya yun gate namin. LOL *laughing emoticon*
Napa-tsk ako sa kalokohan ni Artemi.
Doble ang ligalig niya kaysa sa kuya niya noon. Natigilan ako bigla...
Kumusta na nga ba kaya ang kuya niya? Maligalig pa rin kaya? Malamang nag-mature na.
Ilang taon na ang lumipas. Bago umuwi si Arkanghel ng bansa ay limang taon siyang nag-aral sa Amerika. May sarili rin siyang mga tutors na umaasikaso sa kanya. Ayon pa sa mga kwento ni Artemi ay maliban pa sa pag-i-intern ni Arkanghel sa branch nila sa Italy ay habang nag-aaral, pumapasok na rin siya kompanya nila sa New York.
Masyado na siyang mataas na dapat lang talaga na mangyari. Siya ang successor ng hotel and casino magnate na si Alamid Wolfgang. At ngayong nasa Pilipinas na siya ulit, habang nagpapahinga ang daddy niya ay siya ang tumatayong acting CEO ng Voiré.
Bawal ang maligalig na CEO...
The last time na aksidenteng nakita ko ang picture ni Arkanghel Wolfgang sa isang business magazine ay nalula ako. Akala ko nga GQ Men's Magazine iyong hawak ko. He looked dashing in his grey business suit. And I had to admit that he was still ravishingly handsome as hell. Iyon nga lang, napakaseryoso niya. Ni walang kangiti-ngiti...
Parang galit sa mundo...
Parang galit sa akin...
I let out a deep sigh. Inaagiw na naman tuloy ang isip ko.
Nagtipa ako ng reply kay Artemi.
Me:Alam mo maigi mong gawin, pakatino ka riyan sa kompanya niyo para naman makakuha ka ng magandang position. Mula nang umuwi ka ng Pilipinas, puro ka na lang girls and party.
Saglit lang ay mag reply agad ang makulit.
Handsome Artemi:Naman, Ate! Pati ba naman ikaw, sesermunan ako? *crying emoticon*
Me:Dapat naman talagang sinisermunan ang mga immature at spoiled brat na tulad mo. Dapat nga sinturunin ka pa ng daddy mo para tumino ka!
Handsome Artemi:Parang nanay LOL
Hindi na ako nagreply ulit. Lumiko na ako sa street kung saan ako nakatira.
sinturunin na talaga ako so gotta go na. Muah! *laughing emoticon*
Ibinalik ko sa bag ko ang phone. Mabait naman si Artemi, maligalig lang talaga. Pero aaminin ko na malaking tulong siya noong mga panahong durog na durog ako sa pagkawala ng kuya niya sa buhay ko. Tuwing umiiyak ako sa gabi ay nagme-message siya. Pinapagaan niya ang loob ko sa pamamagitan ng pagbibiro. Para akong nagkaroon ng instant little brother sa katauhan niya.
Ano kayang sasabihin ni Arkanghel na hanggang ngayon ay nakikipag-communicate pa rin ako sa kapatid niya? Of course, he knew. Ang hindi ko lang alam ay kung ano ang nasasabi niya tungkol dito? Kung ayos lang ba sa kanya...
Pagkarating sa studio type apartment ko ay nagpalit agad ako ng damit. Baby pink cotton sleeveless nightwear na may print ng mukha ni Hello Kitty sa harapan ang napili kong isuot. Hindi ako nagsusuot ng bra kapag nandito lang sa bahay.
Mamayang gabi ay mago-online transfer na ako kay Tatay Bear ng half salary ko this cut off. Pasasaan ba't mafu-fully paid na namin ang utang namin sa lending na ginamit niya sa pagpapagamot noon. Kaunting tiis na lang, at sunod ko namang pag-iipunan ay ang pagpapaayos ng second floor ng bahay namin, para pwede na kaming tumanggap ng bed spacers.
Humarap ako sa salamin at nagbrush ng buhok. Bago matulog ay bina-brush ko ang lampas balikat kong buhok para mapanatili ang kintab nito. Saka natutuwa rin kasi akong humarap sa salamin bago matulog. Masaya akong nakikita ang aking itsura.
Ngumiti ako sa salamin matapos kong ilapag sa maliit na mesa ang hair brush. Hinaplos ko ang magkabila kong hips saka nagpose nang kaunti. Ang liit na ng tiyan ko kaysa noon. Iba talaga ang effect ng stress sa akin, pumayat ako. Chubby cheeks pa rin naman pero hindi na extra large ang mga damit ko. Kumakasya na ako sa Medium.
Okay naman sana na pumayat ako. Ang kaso lang, noong pumayat ako, kasama ring nabawasan ng fats ang dibdib ko. Lumiit tuloy nang slight.
Pero okay na rin dahil may collar bone na ako kahit pa di na gaanong kita ang cleavage. Namewang ako at sinipat naman ang aking mga braso ko na ngayon ay maninipis na.
Ayan, okay na. Kompleto na ang araw ko, puwede na akong matulog. Maganda na ang mapapanaginipan ko nito since good mood na ako. Dahil kumain na ako sa office ay hilamos at toothbrush na lang ang gagawin ko, goods na akong mahiga sa kama.
Ilang minuto na akong nakapikit nang makarinig ng mahihina at sunod-sunod na katok sa pinto ng aking apartment.
Sino naman ang kakatok ng ganitong oras?
Wala naman akong ka-close rito at wala ring nakakaalam sa officemates ko nitong place ko.Siguro iyong makulit na taga-deliver ng mineral. Alam naman kasi ng landlady ko na tuwing hapon lang mulat ang mga mata ko.
Wala sana akong balak pagbuksan pero hindi tumitigil ang pagkatok mula sa labas ng apartment ko. Nakakarindi na.
"Sandali!" sigaw ko para patigilin siya. Kahit nahihilo pa sa antok at bumangon ako. No choice naman kasi ako kung hindi pagbuksan ang kumakatok para lang matigil na. Saka para mapagsabihan na rin na wag kakatok ng ganitong oras.
Tuloy-tuloy ang katok kahit sinabi ko na ngang sandali lang.
"Sandali, teka nga lang!" Hindi na ako nagsuot ng bra, nagpatong na lang ng tuwalya sa harapan saka mahilo-hilong tinungo ang pinto.
Grabe naman, parang hindi bubuksan kung makakatok.
Hindi ko na sinilip kung sino dahil malayo ang bintana sa pinto. Dumiretso na ako sa pagpihit ng doorknob. Binuksan ko ang pinto at magsasalita na sana ako para pagalitan siya nang matigilan ako nang makilala siya.
Napatulala ako sa matangkad at guwapong lalaking nasa harapan ko. Daig ko pa ang nakakita ng multo.
"A-anong ginagawa mo rito?"
Tumaas ang isa sa makakapal niyang kilay kasabay ng pag-ismid ng kanyang mapulang mga labi. "Should I be the one asking you that?"
Napaatras ako nang humakbang siya. Walang hirap siyang nakapasok sa loob ng apartment ko.
"Susana Alcaraz, why the hell are you hiding from me?!"
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro