Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Two: Ukiyo

Author's Note: Magu-update ako kasi nagulat ako may gumawa ng cover nito tapos maganda din naman 'yong pagsalubong niyo kaya heto ang chapter twoo!! Special case lang 'to ha :3 Friday-Sunday na talaga update pramis!

¤▪︎¤▪︎¤▪︎¤

Alas tres ng hapon na kami nakaalis ni Flair dahil isang oras niya pa akong kinumbinsi na huwag magsuot ng pulang damit. Since my wardrobe doesn't have any decent clothes, she shared her spring outfits with me. Sa unang pagkakataon ay nagmukha tuloy akong mahinhin at mabait na dalaga.

"Come on, Ven. Tamang-tama lang ang flower pin na 'to. Bagay naman sa'yo ang mga bulaklak e." nakangiti niyang saad.

Kasalukuyan kaming nasa carriage papunta sa Alora. Kagaya ng utos ni Dad kanina, bibili kami ng mga damit na magagamit ko sa Ukiyo. I'm still going to bring my own clothes. Bahala siya sa buhay niya.

"Mapagkakamalan tayong kambal nito."

Flair laughed, the sound causing the flowers inside the carriage to bloom. Nagliwanag rin ang soulstone sa dibdib niya. It glowed a soft pink hue, the appearance of spring. At mas lalo siyang gumanda dahil doon. Iniwas ko ang tingin at pinanood ang dinaanang kahoy.

Our family is prideful. Isa lang kami sa mga common lords noon ngunit ambisosyo ang aking ama. He trained his children so that they could be useful. Ang panganay ay ipinasok sa Academy dahil sa angking talino at ang ikalawa ay ipinakasal dahil sa angking ganda. The marriage and connection my older sisters established made way for us to rise to the High Lords. Pinamaster niya sa makarismang bunso ang social skills para ito ang magmana ng negosyo, at ang ikatlong anak na walang kapangyarihan ay pinag-aral para marunong makipaglaban.

I don't know why I have a black soulstone when both my parents are Soulbearers. Nakuha ni Ate Ellis ang mind abilities ni Dad. She can store any information in her mind without limitations at first glance. Flair got her ability from Mom and she can give life to any plants. Kaya rin naging maganda ang negosyo namin dahil sa kaniya. Theron can enter and influence someone's thoughts. And then there's me, the literal black sheep of the family.

Bumaba kami sa gitna ng Alora kung saan naglinyahan ang mga damitan. Maraming tao na nagpapasyal ngunit madalas sila'y kumakain na ngayon. Kahit saan kami pumunta ay nararamdaman ko ang mga mata sa'min. I can't fault them for that. Not when my sister blooms every flower that she passes by. Kulang na lang ay magkabulaklak na ang dinadaanan niya.

"Flair Veretia!"

Napahinto kaming dalawa nang marinig ang matinis at nakakairitang boses. Tumakbo papunta sa'min si Aleia, isa sa mga kaibigan ni Flair noon. She beamed at us, her dress swaying as she came to a full stop.

"Aleia!" nakangiting bati ni Flair. "It's been a long time."

"Oo nga. Ikaw lang at hindi mo kasama ang asawa mo?" tanong niya na inilingan ni ate. "Nako, namiss talaga kita, Flair-!"

"I don't remember you feeling that the other day. Sabi mo pa nga na makapal at isnobera si Ate, 'di ba." putol ko sa isang bored na boses.

Aleia snapped her eyes towards mine, narrowing them into a glare. Blanko kong sinagot ang titig niya. Totoo naman ang sinabi ko. Nang maglayas ako sa bahay noong isang araw, narinig ko siyang nakipagchismis sa isang kaibigan na napakalandi at makapal daw ang mukha ni Ate. Big words para sa isang pinaglihi sa plastic na kagaya niya.

"Raven." tawag niya sa pangalan ko na may pilit na ngiti. "What's the black sheep doing here?"

"Infecting other people with my rebel streak, I guess."

Flair's hand covered my wrist and she pushed me behind her. Naroroon pa rin ang ngiti sa mukha niya.

"Maghahanap kami ng masusuot niya dahil pupunta na siya sa Ukiyo." mahinahong sagot ng aking kapatid.

"Gano'n ba?" the bite in Aleia's voice disappeared. "Pero bakit ngayon pa siya pupunta doon? Hindi ba't noong nakaraan pa ang admission?"

I can see her biting her tongue para pigilan ang pagdagdag kung sasama ba ako kay Ate Ellis o hindi. I rolled my eyes. Parang 'di naman napipigilan ang bunganga ng isang 'to pero nagpapakabait sa harap ni Flair. Tch, may kailangan na naman ata.

Nobody knows that my soulstone doesn't work. Ang alam lang nila ay masyado akong pasaway at ayaw umattend sa SSA kaya nandirito pa rin ako ngayon. If the people there find out that I have an empty soulstone, hindi naman iyon lalabas, dahil walang kahit anong pribadong impormasyon na nakakaalis sa Ukiyo.

"Daddy said that it's time for her to attend the Academy already. He promised her freedom if she ever graduates. At saka, may bagong program daw na ginawa do'n, ang Selected. Dad said that she might be interested in the physical lessons since she loves to fight."

Flair has a sweet smile in her face as she said those lies. Napakadali lang at parang totoo ang kasinungalingang sinabi niya.

Tumango-tango si Aleia. "Oo nga pala. Baka nga hindi na siya magfocus sa lessons niya do'n. Your little sister likes hanging out with the boys too much."

"We train. Hindi kagaya sa'yo na nanglalandi." sabay ngisi ko.

Flair's hold over my wrist tightened. Halos umusok na ang ilong ni Aleia dahil sa sinabi ko pero wala naman akong pakialam sa kaniya. I'm just telling the truth. If that truth would break their friendship, then I just saved my sister from a worthless friend.

"Aalis na ako, Flair. Hindi ko na nagugustuhan ang tabas ng dila ng kapatid mo." naiirita niyang tugon.

My smirk widened. "Hindi din kita gusto kaya salamat at aalis ka na."

Padabog siyang umalis at talagang binangga pa ako sa balikat. Kung wala lang si Flair dito ay may suntok na ang ginawa kong gulo, but I still want to protect my sister's image. It's already known that the Tempest's youngest daughter has an unfiltered mouth, but I don't want it to look like na pinapayagan ni ate na makipagrambulan ako.

Hintayin lang ng Aleia na 'to na may magawa siyang hindi ako mapakapagpigil at ipapadala ko siya sa ospital.

"Let's go, Ven. Pinagtitinginan naman tayo. And stop provoking people already." hinatak niya ako at tumingin-tingin sa mga shops.

I stared at the dresses with little interests. It's all in pastel shades without the blood red and black colors. Magaganda nga ang mga tahi at napakasimple lang ng disenyo. May iba namang nilalagyan ng mga bulaklak o paru-paru. It's already spring so they must have paired the designs with the season.

I crossed my arms. "She's not a good woman. I don't like her." tukoy ko kay Aleia kanina.

"I don't like her too." pag-amin niya na nagpagulat sa'kin. "But you have to control your emotions. Marami kang hindi magugustuhan sa Ukiyo at plano mo bang awayin silang lahat?" she asked while laughing.

Ngumuso ako at sumabay sa paglalakad niya. "Magagalit ka ba kung babasagin ko mukha nila?"

Flair grimaced at the wording. My sister grew up tender and gentle so she's very careful with words.

"Dad will be angry and Mom will be disappointed. Malay mo may competition at doon mo na lang sila awayin?"

I grinned. "Pero okay lang sa'yo?"

"Kung galit na galit ka talaga sa kanila, what can I do, sis?"

"Okay! Then bubugbugin ko sila basta napuno ako."

Umiling-iling siya't tumango na lang. We stopped at a familiar shop and I held a frown at the dresses they have on display. Bakit ba kasi puro bestida o gown ang nasa mga pambabaeng shop? Do they expect me to fight in skirts? Sanay na ako kung heels, but skirts are a different conversation.

Lalo na kung puti. Omg, mabilis kayang marumihan 'yon.

Bago pa man kami makapasok ay nabuksan na ang pintuan at lumitaw ang galit na mukha ni Madam Alby. Her glaring eyes that were fixed on me softened when they landed on Flair.

"Ah, Flair. Ipaumanhin mo na pero ikaw lang ang makakapasok kung plano niyong bumili. Hindi siya puwede sa tindahan ko." turo niya sa'kin.

I raised a brow but bit back my tongue. Flair furrowed her brows, confused at the treatment. "Bakit naman po, Madam? Did my sister do something wrong?"

Oops. Dapat pala hinatak ko na lang siya paalis dito.

"Did something wrong?!" umuusok na sa galit si Madam Alby. "That girl beat up my son while in practice! At dalawang araw na pero hindi pa rin siya nakakalakad. Wala namang ginagawang masama sa kaniya ang anak ko! Pasensya na, Flair, pero hindi ko tatanggapin ang sakit sa ulo mong kapatid dito."

Pinigilan kong matawa. Ah, I remembered that guy. Napakasinungaling pa pala niya. Wala daw ginawa e bakit ko siya bubugbugin kung gano'n?

Flair glanced at me. "What happened, Ven?"

Nasa akin pa rin ang nanlilisik na mata ni Madam Alby kaya ngumisi ako. Mabuti nang makaalis dito dahil hindi ko naman gusto mga damit nila. Ang mamahal ng presyo, pero hindi naman maganda ang quality.

"Ayoko kasi sa mga bastos na mukha." simpleng sagot ko sabay kibit-balikat.

Mas lalong nalukot ang mukha ni Madam Alby at bumuntong-hininga naman si Flair. She muttered an apology before dragging me out. Sinimulan niya rin akong sermonan tungkol do'n at tinanguan ko lang lahat ng sinabi niya. She knows that despite my disinterest in her words, I am listening. Siya lang naman sa mga magkakapatid ang pinakikinggan ko.

It took us about half an hour to find a shop that would let me in. Maraming tao sa Alora ang may galit sa'kin, hindi lang sa dila ko, kun'di sa paraan ng pananamit ko rin noon. Of course, I have this habit of going to Alora and parading in the streets with my blood-red gowns, making everyone gasp in terror. Ilang beses na rin akong kinuha ng mga Kugon at dinala kay Dad dahil hindi ko nirerespeto ang palasyo.

Flair let me choose the dresses and she made the final decision on what and how many to buy. Mga simpleng disenyo lang ang pinili ko at kailangan pa naming dumaan sa damitan ng panglalaki para bumili ng ibang magagamit. Thankfully, the males have no problem on me, dahil ang mga nabugbog ko naman no'n ay mga bastos at walang-galang. And sometimes, they get their sanity back after one punch.

That night, I stood at the terrace and gazed out at the night sky. The moon and the stars were bright, like the lights that filled the whole city. Hindi matagal ang gabi sa'min dahil masama daw ang dilim. Maraming halimaw na nagtatago dito at hindi sila mabuti para sa mga tao.

My room was cold and quiet, with the small lamp on my sidetable as the only light. Hindi ko maitatanggi na kahit na ayaw kong pumunta sa Ukiyo ay masaya akong makaalis sa bahay. This house has always been a golden cage to me. I can have anything I want but I can never go past the gate freely.

Ang bawat paggalaw ko ay nakikita at kinokontrol. Even my daily training at our grounds is being monitored by my father. Kapag babalik naman ako sa mansiyon ay kailangan kong ma-master ang mga gawaing bahay, in case plano nila akong ipakasal. I don't have the freedom that Theron has, na may mga kaibigan at kayang magpasyal sa kahit anong lugar. Or Flair and Ellis' independence na binigay mula ng bata pa sila. If I am free, si Theron lang din ang nagiging kalaro ko at hindi ako pwedeng lumayo sa mansiyon namin.

Nakangiti akong napailing. "You'd think they're over-protective..." I whispered to the night wind. "But my father just wants to protect his image. Dahil kapag lumabas ang balita na walang ability ang Soulstone ko, he will be ruined."

I sighed. Thankfully, the Selected program is given for those who wants to join the Kugon so Soulstone or not, no one would suspect or notice me. At hindi rin maikakalat ang gano'n sa labas kung ayaw nilang maparusahan ng rules.

Kinabukasan ay maaga pa kaming umalis. The sun hasn't risen when Mommy barged into the room and started packing my things. Inulit ko ang pag-impake niya at nilagay ng palihim ang mga itim at pula kong damit do'n. When I finished my breakfast with them, Ate Ellis and Dad were already in the car waiting.

"Mag-ingat ka do'n, anak." emosyonal na saad ni Mommy at niyakap ako. "Always eat in the right time and stay away from fights, okay? Take care of yourself, baby."

"Mm. I will."

Sunod akong niyakap ni Flair na humihikbi pa. "Hindi na kita makikita in three or five years, sis. Kagaya ng sabi ko sa'yo kahapon, stop provoking people unless needed, alright? And mag-ingat ka sa mga dresses mo. Keep them clean para naman hindi mahirap ang paglinis at hindi ka marumi tingnan."

I nodded, rolling my eyes after. "Marumi ba ako lagi tingnan?"

"After training? Yes. Para kang nakipag-away sa leon sa itsura mo." saad ni Theron na lumapit. I'm still taller than him but I know it's only a matter of time before he looks down at me. "Stop worrying, Ate. I'll be there next year na."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano naman ang nakaka-excite sa pagpasok mo do'n?"

"Of course, you'll have me, your handsome and charming brother to accompany you!" he smiled widely. "Atee, when I get there, dapat wala ka pa ring kaclose na boys! I don't want to share you with others."

"Sinasabi mo bang ayaw mo siyang magkaboyfriend, Theron?" natatawang tanong ni Flair.

"Yes!" ngumuso ang bunso naming nakakunot pa ang noo. "Isang taon lang 'yon, Ate, so dapat ako pa rin ang lalaki sa puso mo! I'm going to fight anyone who'll steal you."

"Wow... Kakatakot ka naman." I pinched his cheeks. "Imposibleng magkagusto ako sa mga tao do'n."

"Mm!" he approved. "Suntok is okay, but kisses are only for me."

"Theron Vincentius! Hayaan mo na ang ate mo at aalis na kami!" malakas na pagtawag ni Dad mula sa sasakyan.

I smiled and kissed Theron's cheeks. "Bye. Magpakabait ka dito, bunso."

Ate Ellis was already sitting in the car dahil kanina pa ata siya nakapagpaalam kay Mom. Hinalikan naman ng ama ko ang ina bago umalis. When the car started moving, I looked back at my family and our estate. Napatawa ako nang makitang tumatalon-talon na kumakaway si Theron sa'kin.

Tahimik ang naging byahe namin papunta sa Ukiyo. Daddy only praised me for my clothes and I told him that Flair dressed me up. Pagkatapos ay nag-usap na sila ni Ellis tungkol sa paparating na projects ng Academy at ang kasalukuyang away ng Villareal at Nuray, isa rin sa mga may royal-bloodline ngunit mula ang angkan nila sa ibang bansa. Hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang pinag-uusapan nila dahil wala naman akong pakialam.

I stared at the blossoming street of Alora. The petals that fell from the Sakura trees scattered towards the Cyprus bridge. At hindi nagtagal ay nasa bayan na kami ng Allysteria.

The two cities are part of the Continent that is called Hiraya. Nahahati ito sa dalawang malalaking bayan dahil sa Cyprus river. Nasa Alora ang Villareal Palace, ang kaharian o tinutuluyan ng mga royals, at nasa Allysteria naman ang Ukiyo, ang tahanan ng mga Academy scholars o tanyag na Soulbearers.

Ang Ukiyo ay isang maliit na bayan na nasa isang elevated forest. Maari na ngang matawag na floating island ito dahil nasa kataas-taasan talaga ang lugar. Only the invited and members of community can enter the place. Sa normal na mga mata ay isang malaking mansyon at puno lang ang makikita, ngunit kung imbitado ay nakikita na ang smoky gate. No one really knows what Ukiyo looks like and what happens in there dahil lahat ng nangyayari doon ay hindi puwedeng lumabas. It remains as an exclusive and secretive place for everyone.

Ang alam ko, people like me whose soulstone are empty, hindi namin makikita ang lugar. It's a special home for Soulbearers, a place to train and nurture their powers. And the Soulstone Academy is the perfect training ground.

"We're here."

Nagulat ako sa sinabi ni Ate Ellis. Sa isang iglap ay napalitan ang mga punong nakikita ko ng mga tindahan at taong nakasuot ng iba't ibang capes. Kulay puti ito na may iba't ibang simbolo bilang disenyo at kulay na nasa dulo. I remembered my older sisters wearing the same cape, although they had different designs too. Hindi ko nga lang naitanong kung para saan 'yon.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang staircase. Unang lumabas si Daddy kaya sumunod rin ako. Natulala ako sa sobrang taas nito. How many steps does that have? Aakyatin ba namin 'yan?

"The staircase has a total of ten thousand steps." napatalon ako sa pagsagot ni Ate Ellis. "It's a challenge the Dean likes to give humans who possess no soulstones. Sabi niya tatanggapin niya ng buong puso ang kung sinong makakaakyat dito."

I gaped and pointed at the stairs. "You mean, dito ako dadaan?"

A small smile appeared in her face, although it disappeared quickly. "No. No one has yet to climb that far. Hindi lang pagod ang haharapin mo, kun'di gutom, malakas na hangin at matinding lamig. We'll pass through a portal. Dad is invited and you are a Selected, kaya makakapasok pa rin tayo sa Academy."

Oh. So this is a trial for people like me who wishes to attend. Buti na lang pala at hindi ako nagkaroon ng gano'ng ambisyon dahil hinding-hindi ko talaga susubukan ang ganitong hagdan.

A Selected, huh. Iyon na pala ang bagong titulo ko. Not the black sheep of the Tempest family. Hindi rin ang pasaway na anak. Kung hindi Selected. Hm, mas maganda siyang pakinggan kaysa sa dalawang nauna.

Kagaya ng sabi ni ate, isang portal ang lumitaw sa harap ng hagdan. She glanced at Dad and stepped inside first. Hinawakan naman ni Daddy ang kamay ko at sabay kaming pumasok. I wouldn't admit to anyone that I felt a little afraid as we crossed dahil akala ko'y mamamatay ako agad.

But I stepped into a large hall. Napakalaking hall nito na para bang buong mansiyon na namin. Mula sa pinanggalingan namin ay may apat pang portals na nilalabasan ng mga tao. Lumapit ako kina Dad at Ate dahil sa laki ng crowd. I don't have any problems with crowded places pero ayoko namang maligaw sa ganito kalaking lugar.

Ate Ellis led the way while Dad and I followed behind. Parang bata pa akong kailangang hawakan para hindi maligaw, but I can't blame my father since I was too busy watching the surroundings. Kagaya sa labas ay iilang kaedaran ko rin ang nakasuot ng mga cape. It must be part of their uniform. Madali rin para sa'kin na mapansin ang mga kagaya kong bagong dating at parte rin siguro ng Selected dahil hindi sila naka-uniporme at walang-muwang sila sa paligid.

Hindi nagtagal ay nakaalis kami sa maingay na hall. Tinahak namin ang isang tahimik na daanan, kung saan maraming paintings na nakalagay sa pader. There were murals that narrated the origin of our world, especially our Continent. How Hiraya, the lady of dreams and light, protected us from the god of darkness and provided this utopia. At kung paano rin nagawa ang light and darkness mula sa kaniya. Nandoon rin ang unang maker ng soulstone na si Silas Villareal, the first king of the continent. Facing the wall were large, arched windows that showed me the field, trees, and large mountains. Hindi pa rin ako makapaniwalang nasa SSA ako.

Isang grupo ng mga lalaki at babae na kaedaran ko ang lumabas sa isang pinto. Kakaibang capes ang suot-suot nila. Mas intricate at elegante ang disenyo at hindi na puti ang kulay, rather kaparehong kulay ng unipormeng suot nila ang capes. It draped around their necks and ended in their right shoulders. Their uniforms also looked more special, dahil parang mas makapal ang blazers nila at may vest pa sa loob. Hindi ko pa rin alam kung bakit magkakaibang kulay ang uniporme nila.

Bahagyang tumigil sina Ate Ellis at Dad para yumuko bilang pagbati. But since the group did not pay them any attention, I also passed by without any sign of respect. Taas-noo kong tiningnan ang mga paintings nang hindi man lang sumusulyap sa dumaang grupo. Hindi ko naman sila kilala para magbow at hindi rin ako ganap na estudyante dito para rumespeto ng gano'n.

Pumasok sina Ate at Dad sa pinanggalingang pintuan ng grupo. So this must be the Dean's Office. I followed them inside, ignoring the stare I could feel in my back.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro