Chapter Three: Academy
"Rodolfo! Ito na ba ang anak mong si Raia Venetia?"
Ang masayang pagbati ng matanda ang agad na bumungad sa'min. Nakangiti namang pinuntahan ni Daddy ang taong nakaupo sa malaking mesa. I didn't need to ask to know that he's the dean, pero sinulyapan ko ang pangalan na nakalagay sa mesa. Paham ang pangalan niya. What a weird name.
"Oo, Paham. Mabuti nga at nagkaroon kayo ng panibagong programa kung saan pasok siya. Magaling makipaglaban si Raia dahil isang dating Kugon general ang nag-ensayo sa kaniya."
"Si Conrad ba ang tinutukoy mo?" tanong ni Paham na tinanguan ni Dad. Malakas siyang tumawa. "Interesado na akong makita kung gaano kagaling ang anak mo, kung gano'n! Kahit nga ako ay nasisiyahan din dahil inaprobahan na ng Academy ang aking request. Matagal ko nang naisip na kailangan rin nating pagtuunan ng pansin ang mga ordinaryong tao."
Umupo si Ate Ellis sa isang silya kaya sumunod ako sa tabi niya. Her face remained stoic and blank, kahit na sinulyapan siya ng dean sa pagsambit ng Academy.
"Sana ay marami rin siyang malaman sa lugar na 'to at tuluyang magtino. Sumasakit na ang ulo namin ni Vanessa sa kaniya." pinatayo ako ni Dad at pinalapit. "Raia, batiin mo ang dean ng Soulstone Academy, si Dean Paham."
Bahagya akong yumuko at ngumiti. "Magandang araw, Dean Paham."
"Paham na lang ang itawag mo sa'kin, hija." pagtama niya.
I nodded. Madali naman akong kausap. "Masusunod, Paham."
Kinurot ako ni Dad sa braso ngunit malakas lamang na tumawa si Paham. Ang po at opo ko pa ang problema nila? Kasi kung ang pangalan, kasalanan naman ng dean 'yon. Siya nag-utos, sinunod ko lang.
"Magaling, Raia Venetia! Raven ang tawag sa'yo, 'di ba?"
Tumango ako.
"You're a little quiet but you have nerves of steel. At talagang makakatulong iyan sa pagpasok mo dito." nakita niya ata ang pagtataka sa mukha ko dahil may dinagdag siya, "Madalas kasi sa mga bata na sinasabihan kong Paham na lang ang itawag ay nagdadalawang-isip pa sila. Ngunit hindi ka man lang nag-alinlangan kanina."
Oh, I see. But nerves of steel, huh. I guess that's a nice description for me. Naiirita na ako sa pangtambay na tinatawag ni Aleia sa akin minsan.
Nag-usap sila sandali ni Dad tungkol sa Selected na program. Since I didn't really care about it, inikot ko ang tingin sa buong kwarto. It's larger than Dad's office but the shelves made the room look smaller. Maraming libro at antique items ang nakadisplay rito. Naroon naman sa taas ng isang cabinet ang mahabang samurai, na siguro'y galing pa sa naunang henerasyon. Then, my eyes landed on the jar of lollipops in the dean's table.
"Nakausap ko ang hari dalawang buwan na ang nakalipas. I mentioned the Selected program to her, pero hindi ko inakala na bibigyan niya ito ng pansin. Kaya nagulat ako nang magdaan ang isang linggo at nakatanggap ako ng balita mula sa palasyo. Sinang-ayunan nila ang programang inilahad ko at sinabing puwede na akong magsimula sa paghahanap. May kutob akong may kinalaman rin ang kasalukuyang problema ng Kugon sa Gareth kaya pinahintulutan ito." narinig kong paliwanag ni Paham.
"Naisip ko nga rin 'yon. The palace has high expectations for Soulbearers that they won't allow programs like this if it isn't necessary."
"Isang malaking hakbang ito para sa Hiraya. Ngunit kailangan talaga nilang maging matatag dahil napupuno ng mga Soulbearers ang lugar na 'to at mayroon silang... kaunting problema sa mga ordinaryong tao."
"Alam mo rin naman ang kalagayan ni Raia, Paham."
"Naiintindihan ko. Huwag kang magalala dahil walang makakalabas na kahit anong impormasyon mula sa Academy nang hindi pinapahintulutan." ngumiti siya sa'kin. "Sa susunod na taon ay ang bunso mo na ang papasok, Rodolfo. Handa na ba siya?"
Dad sighed. "Mas matured pa minsan ang bunso ko kaysa sa ate niya. Siya na nga ang tumutulong sa'kin sa negosyo minsan. Kaya magandang chance talaga ang programa na 'to para magtino si Raia."
And to stabilize your position in the social ranks too. Psh, if I know, gagamitin niya lang ako para magkakoneksiyon rin doon sa Imperial Army.
"Well, she has three years to learn in here. Sigurado akong maninibago ka na sa kaniya pagkabalik." Paham glanced at me and gestured at the candy jar. "Kung gusto mo ay kumuha ka lang, hija."
Tumango ako at kumuha ng lima. Ibinulsa ko ang apat habang binubuksan ang isa. When I popped them into my mouth, I found three pair of eyes staring at me. Dalawang pares ang dismayado at ang isa ay nagagalak.
"Mukhang excited na ang iyong anak na magsimula sa kaniyang klase, Rodolfo." natatawang saad ni Paham. "Ipagpatuloy na lang natin ang usapan mamaya. Si Ellis na lang siguro ang maghahatid sa kaniya papunta sa Hantei Hall. O may pinapagawa ba ang Academy sa iyo?"
Bumaling ako kay Ate na tumayo. She made a slight bow before answering, "The Academy is waiting for me since they know I'm back, Dean. Hindi ko po magagawang i-tour si Raven sa buong academy."
"Hmm." napahawak sa mahabang balbas si Paham bago tumingin sa'kin. "Kaya mo na ba mag-isa dito, Raven?"
I nodded. "I can find my way."
"Well then, pwede mo na lang siyang ihatid palabas, Ellis. Gaganapin ang iyong admission sa Hantei Hall. Doon malalaman kung karapat-dapat ka nga ba sa kabibilangan mong house."
Kumunot ang noo ni Dad. "Hantei Hall? Hindi ba't dapat nasa Selection Hall sila?"
"Ang iyong anak ay kabilang sa singkwentang napili na maging Imperial Soldiers, Rodolfo. Hindi sila magpapakita ng mahika, kundi kailangan nilang maglaban. Kaya nararapat ang Hantei Hall para mabigyan sila ng mga ranggo. Titingnan kung hangga't saan nga ba ang kanilang kakayahan."
I frowned. Ranks, again? Hindi na ba mawawala sa lugar na 'to ang pagiging obsessed nila sa ranks?
Wala nang nagawa si Daddy dahil mukhang naintindihan niya rin naman ang gustong iparating ni Paham. He guided us outside after we bid our goodbyes. Kahit si Paham ay tumayo at ngumiti sa'kin. Isang misteryosong ngiti na hindi ko alam kung ano ang kahulugan. Maybe he wants to tell me na huwag mamatay sa laban? Or was that a warning smile because I showed him no respect?
"Ellis, ikaw na ang bahala kay Raven, okay?" habilin ni Daddy na tinanguan ni Ate. Hinarap niya ako at tiningnan ng diretso sa mata. "Raven, mag-iingat ka dito. Huwag na huwag mong ipapakita kung ano ka talaga at iwasan mo ang usapan tungkol sa Soulstone. Oo at hindi lalabas ang mga nangyari dito ngunit may makaka-alam pa rin."
My lips formed a grim line as I listened to those words. Tumango-tango lang ako dahil ilang beses ko na 'yong narinig.
Kinuha ni Dad ang kamay ko at may nilagay siya doon. Hindi ko nakita kung ano ito dahil nakaharang ang palad niya ngunit malamig ito sa'king kamay.
"And I'm giving this to you." binawi niya ang kamay at ipinakita sa'kin ang isang kwintas na may susi. "Never lose that, Raven. That will help you in case you ever feel lost."
Kumunot ang noo ko. "Anong-?"
But Daddy's attention wasn't longer on me. Kinakausap niya na si Ellis at may hinahabilin dito. Hindi nagtagal ay muli siyang bumaling sa'kin na may konting pagaalala sa kaniyang seryosong mukha. I guess this is the first time that we lasted a day without screaming at each other. Sa dami ng pinag-aawayan namin, hindi ko tuloy alam kung mami-miss ko ba siya o hindi.
Tumango si Dad at tinapik ang balikat naming dalawa bago bumalik ulit sa opisina ni Paham. Siguro ay ipagpapatuloy nila ang diskusyon na naputol kanina. Hindi na rin kami nagtagal ni Ate doon dahil hinatak na niya ako paalis.
We walked in silence. Hanggang sa makarating kami sa open corridor ng palasyo ay hindi kami nag-uusap. It's a normal thing between us. She's the good daughter who follows every commands and I'm the rebel child. She's the family genius while I'm the one who easily gets into fights.
The empty corridor was wide with stone pillars on the side. Sa kaliwa ko ay ang malawak na field na nasa sentro ng palasyo. I still couldn't believe that the SSA looks like a large, extravagant palace.
"Dito na lang ako." Ate Ellis suddenly said, turning to face me. "Ang mga gamit mo'y naipadala na sa iyong house. Ang malaking building na 'yon ang Hantei Hall at doon ka didiretso mamayang alas onse." turo niya sa isang stadium na nasa labas pa ng palasyo. "Iyan naman ang Awanggan," turo niya sa napakalaking pintuan na nasa kabilang dulo ng field. "'Yan ang large dining hall ng academy. But it's necessary to have a house before entering. For the other buildings, you can take a look yourself. I believe you're also capable of distinguishing restricted and free areas."
Napasimangot ako sa huling sinabi niya. Inaakala ba niyang gagawa agad ako ng gulo sa unang araw pa lang? Especially kapag hindi pa nakakaalis si Dad at nasa akin ang mga mata niya?
Of course not. I will wait for the week to pass before that.
"Have you understood what I said, Raven? Kung mayroon kang katanungan, may rules at guidebook dito na pwede mong basahin." sabay turo niya sa mga papel na nakalagay sa information board sa kanan namin.
I grimaced. The thought of sitting down to read ruins my day. "I'm fine. Umalis ka na."
Ilang minuto pa akong tinitigan ni Ate Ellis bago tumango at naglakad paalis. Sinundan ko ang papalayo niyang likod hanggang sa nakaliko at tuluyan siyang nawala sa'king paningin. I glanced down at my wristwatch and found that I only have two hours to finish my tour.
Una kong inikot ang parte ng palasyo kung saan ako ngayon. Matunog ang bawat pagtapak ng stiletto ko sa sahig. My cream-colored drop-waist dress moves at every sway of my hips. Sinasabayan naman ito ng mahaba kong buhok. I know I looked stunning dahil maraming titig at sulyap na ang natatanggap ko.
I arrived at the large hall na pinasukan namin kanina. Marami pa ring estudyante na naglalakad-lakad pero napahinto ako sa crest ng academy na nakalagay sa upper center ng staircase. It hang above a silver cabinet that had their trophies. Pinag-aralan ko ng mabuti ang crest. The design wasn't complex dahil pinagcombine na halves lang siya ng sun at moon. The vibrant light of the sun and the cold darkness of the moon. Sa gitna ng dalawa ay ang opal-shaped na soulstone. At nakaukit naman paikot dito ang phrase na 'Fortes Fortuna Adiuvat'.
Ano naman kaya ang meaning no'n? Pairap akong umalis at nagpatuloy sa paglalakad.
In my two hours of walking around the palace nalaman ko na kung ano at saan ang mga importanteng lugar. The academy was divided into two sections, connected by a bridge. The left part section of the palace is called Dormitory at nalaman kong nandoon ang houses, kung ano man 'yon. The right part is called Sentro at doon nagaganap ang classes. It's where the faculty or staff department is also located. May mga open areas sa malaking palasyo na pwedeng maupuan para magrelax at isang open field for physical activities and sports. Sa dulo naman ng corridor, sa may arched doorway na palabas ay ang Awanggan, na isang dining hall sa pagkaka-alam ko.
Outside the castle, between the Awanggan and the bridge, is the Hantei Hall, ang stadium kung saan gaganapin daw ang admission ko. Sa likod nito ay ang naglalakihang kahoy at bundok na ang nakikita ko pagkatapos nito. The campus outside the palace is also large and there are gardens and buildings that encircled it.
Ang library ay nasa bandang likod ng Sentro. It was three storey high with an arched, glass ceiling. Napakaraming libro na nandoon at feeling ko nga mahihimatay na ako kahit 'di pa nagbabasa. There were floating tables, and magical book system na agad inaayos ang order ng libro.
Ang great hall naman sa loob ng Sentro ay nagmistulang gateway. It holds the gateway to enter the academy from various spots in the Ukiyo at narinig ko na may direct portal din mula sa Palace. Aside from the gateways, may mga conference rooms doon at kung ano-ano pang special club offices. Hindi ko na masyadong inentertain ang lugar dahil hindi ako interesado sa business nila.
I also found the classrooms. I have never attended school dahil sa bahay lang kami tinuturuan, pero from the pictures that I saw, iyon ang mga ordinaryong classroom. A large room encaged in four soundproof walls. May isang metal desk sa harap at automatic whiteboard sa likod. The desks are also made from steel that is strictly planted on the floors, probably to prevent any impatient students from their anger. Mga vertically-aligned windows naman ang nasa gilid at nakapuwesto ang mga ito katabi ang mga desk. Pangdalawahan ang bawat upuan ng estudyante. Aside from the ordinary classrooms, there were also special theater-lecture rooms. May ibang paikot ang style at mayroon ding standard theater lang. Then there were empty rooms probably meant for physical activities.
Sunod kong nakita ang pool at ito'y nasa Mayumi building, a different establishment outside the castle. It has most of the academy's entertainment or luxury spots. Nandoon ang pinakamalaking garden kung saan nagmula ang pangalan ng building. It also has a very expensive restaurant. Kakain nga sana ako pero kasulukuyang sarado ang lahat ng entertainment spots sa Mayumi.
Quarter to eleven na akong pumunta sa Hantei Hall. Bahagya pa akong nagulat nang makita ang maraming tao. There were eyes that strayed towards me as I confidently strutted my way towards the open stadium. Mula sa mga pinagbubulong nilang rinig ko naman, they are judging my clothes.
"Nako, bago ata 'yan 'no? Isa ba siya sa mga Selected?"
"What? Ang rinig ko ay makikipaglaban daw sila kaya nga nasa Hantei Hall tayo so why is she wearing a short dress and stilettos? Hindi niya ba alam ang napasukan niya?"
"I'm pretty sure the dean told her pero siguro sobrang arte kaya hindi pumalit. Ha! Siya naman ang magdudusa dahil nakaganiyan siya!"
"Right? Kahit nga si Dustine ay nakasuot ng maayos na damit. She's a girl too!"
"Tch. Huwag niyo na lang pansinin at mawawala rin ang ganda niyan 'pag pumasok sa ring. Aaaa! Mas inotice niyo si Helios! Nakita ko siyang pumasok sa hall!"
"What?! Helios is here? Omg, but he's never a fan of these events!"
"Nako, kasi baka required, 'no? Bilisan niyo na nga diyan at nandoon rin ang Tsuki ko!"
Pinanood ko ang mga nagtiliang babae na mag-unahan papasok sa stadium. Well, that's nice. Nakaka-inspiring naman ng mga pangalan na 'yon at nawala agad ang judgments nila sa'kin.
Psh. Out there, I'm criticized for wearing forbidden colors. Dito naman, pinag-uusapan ako dahil nakadress. Mamaya, maghuhubad na lang talaga ako.
I chuckled when I thought of myself wearing red and black in this campus. Ano kaya ang mangyayari? I bet everyone would be so damn mad they'll lose their shits.
"Excuse me, kasama ka pa sa Selected?"
Napahinto ang mahinang pagtawa ko sa nagtanong. Isang lalaking limang taon lang yata ang tanda sa'kin ang nakatayo sa harapan ko. He fixed his glasses by pushing the center up his nose, regarding me with furrowed brows and sharp, black eyes. He doesn't look like the nerdy type, lalo na't kita ang pagka-makisig sa kaniyang katawan. He must have a bad eyesight kaya nakasuot ng salamin, pero bagay pa din naman sa buong look niya.
"I hope you're done checking me out so you can answer my question." dagdag niyang nagpagulat sa'kin.
Dahan-dahan kong tinaas ang mata na naglalakbay sa katawan niya. His brows were no longer furrowed, at ang isa'y nakataas na. I smirked, giving a short nod.
"Selected. I was told to come here."
Inayos ko ang tayo nang titigan niya ang buong katawan ko. "No one told you not to wear a dress and heels? Lalaban ka sa loob at hindi rarampa."
"Oh, don't worry. I can handle both. So, where should I head to?"
Tinitigan niya ako ng ilang sandali bago bumuntong-hininga. He pulled out a clipped paper and handed it to me. "Isulat mo ang pangalan mo at ihahatid kita doon. How long have you been training in a fight, by the way?"
"Six years and seven months." specific kong sagot para maiwasan ang mga tanong. "Here. I'm done." balik ko ng papel sa kaniya.
Binasa niya ang nakasulat at tumango. I followed him as he navigated his way through the crowd and inside one of the side doors. Hindi ko na tinanong kung bakit doon kami dumaan dahil baka parte rin ito ng admission ko. I just stared at the back of his head. It's unfair how he's still tall when I'm already wearing heels.
"I can see you staring." biglang sambit niya.
I raised a brow. Nasa likod niya ako pero nakikita pa rin? "Is that your ability?"
Hindi niya ako sinagot pero alam kong tama ako. Unless may tinatagong mata pala siya behind that dark hair, then I would be mistaken. How ironic that we forbid such colors when it's part of our nature. Kailangan ko pa bang magpa-dye para lang hindi mainis ang mga tao sa kulay itim kong buhok?
Huminto kami sa mga taong naglilinya. They were standing in one line and their curious eyes landed on me as I walked closer. Tiyak kong higit forty na sila dahil napakahaba ng linya. Late siguro ako.
"You're the last person to arrive." paliwanag ng lalaki na nakatitig pa rin sa papel. "Here. You stand here." turo niya sa pagitan ng isang babae at lalaki.
I followed his orders and the others made way. Naramdaman ko ang ngisi ng lalaking nasa likod ko at ang pagtaas niya ng kilay. His hair was a dirty blonde at medyo magulo ako. Siguro lagi niya itong hinahawakan at ginugulo. Sumulyap naman sa'kin ang babaeng nasa unahan at nakikitaan ko ng ilang at kuryosidad ang mata niya. She was wearing pants, a halter top and boots. Perfect for battle.
"Now that you're complete, maari nang magsimula ang admission ninyo. We will announce the process up there," tinuro ng lalaki ang ring kung saan siguro magaganap ang laban. "At lalabas kayo ayon sa inutos namin. No one will move in this line."
With a final glance at me, lumabas siya sa lugar na kinatatayuan namin. We're hidden by the shadows of the stadium. Sa parte kung saan lalabas ang mga tatayo sa entablado. Cheers erupted when the man walked out, his cool presence affecting almost all feminine hearts outside. Naririnig ko rin ang pagtawag sa kaniya ng Sir Andreas.
Bumaling sa'kin ang babaeng nasa unahan at may konting paghanga sa mata niya. Her ash blonde hair is gorgeous.
"You're wearing a dress?"
I frowned. Ilang beses ko na 'yang narinig sa araw na 'to. Gusto ba nilang hubarin ko na lang 'to?
"Pointing out the obvious." tanging sagot ko lang.
Akala ko'y mao-offend siya but she just laughed. "If you're that confident, I bet you're a good fighter. Ako nga pala si Tamara."
"Raven." pakilala ko. "How is this line formed?"
"From the Selected with the least amount of training to the most. Hindi ko nga rin alam kung ano ang gagawin after."
"Hindi ba't lalaban tayo?"
"Mm." ngumuso siya. "Pero paano naman kaya?"
Gusto kong sumagot na siyempre by punching or kicking someone, but Andreas has already started talking up the ring.
"Good morning, everyone." malalim ang boses niyang nagpatili sa mga manonood. "Today is the start of the Selected program and the creation of the House of Blades. As part of the admission, our fifty newly-arrived students will be showing their skills. Ito'y para mabigyan sila ng karapat-dapat na ranggo at ma-assess kung hanggang saan ang kakayahan at natutunan nila."
House of Blades? I guess it's part of the houses na sinasabi ni Paham at Ate mula kanina. And if it's only created today, para lang ang house na iyon sa amin.
"Our fifty Selected students are lined up according to the duration of their training. The first two will go up here and fight. Mananatili ang nanalo dito sa ring hanggang sa matalo siya. At magpapatuloy ito hanggang sa huling estudyante. Pwedeng magsurrender ang kahit na sino by tapping the ground two times, but I am confident that everyone will see the battle to the end. The number of wins and skills shown will be the judging factor." sumenyas si Andreas sa banda namin. "Without further ado, let the first two students come up here."
Napuno ng sigawan ang stadium nang tuluyang lumabas ang mga naunang estudyante. I can't really see them clearly because they're a bit too far. I guess mga nasa gitna siguro ako. I chanced a glance backwards and wondered if the people there has been training since they were a kid. Mga anak siguro ng Imperial Army at gumigising na may hawak na espada.
"Ah! Ang gwapo talaga ni Sir Andreas. Mas gwapo rin ang tawag sa kaniya na War General. 'Diba, Raven?" biglang tanong ni Tamara sa'kin.
I didn't want to lie dahil gwapo naman talaga ang lalaki. And his nickname is also something to behold, although I have never heard stories about him. Kaya tumango na lang ako.
"Glenn Hawksley on the right with a training duration of four years and five months facing Karter Golding on the left with a training duration of four years and seven months." pakilala ng isang announcer sa dalawang estudyante. "Match start!"
A monitor lit up on the side, surprising us a bit. Hindi ko na lang ipo-point out na napatalon pa si Tamara sa gulat. The monitor showed the current match, kung saan nagpapakiramdaman ang dalawang estudyante. Four years of training time and they already looked skilled. Siguradong best of the best talaga ang kinuha nila.
From the way they moved, I can assume they're used with swords. They can fight good melee, pero nasusunod ng kamay nila ang ginagawa kapag may hawak na espada. Hindi katulad ng mga nasanay sa martial arts o boxing na puwersado ang bawat laban o hakbang, the two boys up the ring possess control. And their reading of opponent's movements is too obvious.
Si Glenn ang nanalo na nakasurvive pa ng tatlong matches bago napalitan ni Francis, a student with five years of training time. Dalawang match naman ang natapos ni Francis bago natalo ni Stuart na agad ring pinatumba ni Quillan. But he was defeated after four matches by Matteo, isang lalaking nagt-training na for five years and five months. Napakalakas ng bawat atake niya na kahit five years lang ang training time ay nagawa niyang patumbahin ang nagka-six years na. He was straight with his attacks. At laging pangsurpresa ang mga moves niya.
Tamara let out a calculated breath. Siya na ang susunod dahil napatumba na naman ulit ni Matteo ang lalaking nasa unahan niya. Bugbog-sarado ito at putok ang mukha. Hindi ko alam kung gawa ba sa iron 'yang kamao niya at grabe kung makasuntok.
"See you, Raven." paalam niya sa'kin bago tumungtong sa ring.
"Matteo Faxon on the right facing Tamara Alonzo on the left with six years and three months of training time. Begin the match!"
I guess Tamara was nervous because she was slow. Her movements are a second too late kaya suwerte na lang minsan na naiiwasan niya pa ang atake ni Matteo. Although I can see that she's really good, kung hindi nga lang siya anxious. Nanlalaki ang mata niya na umiikot sa buong stage. Was it the lights or her opponent that makes her nervous? Hindi ba siya sanay na pinagtitinginan ng mga tao?
Dahil hindi nakatuon ang buong atensiyon niya sa laban ay natalo siya ni Matteo. A stretcher came, getting Tamara from the stage and possibly putting her to the nurse station.
"What a pity. Masisira din ata ni Matteo ang magandang mukha mo." the guy behind me muttered. "Don't worry. Ipaghihiganti kita."
I looked at him up and down before saying, "No thanks."
Taas-noo akong lumabas. As the bright sun welcomed me, nagsitahimik ang paligid kaya tanging ang maiingay na tunog na lang ng takong ko ang naririnig. Hindi ko pinansin ang mga bulongan nila't komento at nagpatuloy sa ring kung saan may nakatulalang lalaki.
The Hantei Hall was very large. Napakalaki rin ng bleachers na nakapalibot sa stage, o ring na ngayon. There were banners with different symbols na nakahang sa iba't ibang section ng bleachers, at may suot-suot na robang kaparehong design ang mga estudyante na nakaupo do'n. There's the golden sun, a moon above the ocean, a single Sakura flower, a wind symbol, a beast's head, and a purple eye. The ceiling must be transparent dahil wala akong nakikita. Wala ring kung anong rope na nakapalibot sa ring, but the stone was elevated than the rest. Iyon lang ang palatandaan na nakatungtong ka na sa ring. Andreas gave me a brief look at mukhang siya ang referee.
"Matteo Faxon on the right facing Raia Venetia Tempest on the left with six years and seven months of training. Begin the match!" someone up the stadium announced again.
Nanatili akong prenteng nakatayo habang tinititigan si Matteo. I want him to make the first move like he always does, but he's just watching me. Ang suot niyang v-neck shirt ay marumi na dahil puti ito at may mga galos na rin siya mula sa mga kalaban na marunong.
There's a cut on his lip as he smirked. "Hindi mo ba kukunin ang heels mo? Baka masprain ka."
"I'll take it off when I want to."
Ano ba naman ang mga taong 'to. Sila pa ang nagpo-problema sa damit ko kaysa sa'kin na suot-suot 'to. Sila ba ang lalaban na nakadress at heels? I just forgot I need to change and hindi ko din alam kung nasa'n ang maleta ko. Tch.
Tumango si Matteo at sa isang iglap ay nawala sa harap ko. I waited until his brown hair peeked in front of me and he was aiming a straight jab on my chin. Kaagad akong umatras para mapasuntok siya sa hangin at hindi na nagdalawang-isip pa na itaas ang kanang paa para sipain siya sa ulo. The tip of my stilettos hit his head and the champion of six matches finally hit the ground.
Curious, I lightly kicked my heels in his stomach. Wala na nga siyang malay.
"What? Isang sipa lang siya?"
"Omg. May killer heels na suot ata ang babaeng iyan!"
"Wow, that's so cool! Matteo's freaking huge but he's nothing to her!"
"T-The Matteo is down! Raia Venetia now takes his spot!"
Itinaas ko ang kamay kaya napa-'huh' naman ang announcer. Hindi ko siya kita pero sigurado akong nandoon siya sa audio room. "Please call me Raven." tugon ko.
Isang nakakabinging katahimikan ang dumaan bago nagsigawan ang lahat ng manonood.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro